Chapter 5: Intuition
This chapter is dedicated to bingertheongewenst. Kapag nakikita ko na ang UN mo, ang naaalala ko na talaga ay si Kyungsoo hahahaha thank you ulit sa copy ni Rhyne! Binabasa ko siya every once in a while sa book tapos vote sa Wattpad kapag hindi ako masyadong loaded.
Anyway, enjoy reading sa inyong lahat!
♥♥♥
Hindi ako puwedeng humindi kay Sab. Ang problema kasi, hindi ko alam kung paano ako magye-yes.
Iniisip ko, tama ba ang timing? Wala kasi sa plano. Kung magpapakasal kami, saan na siya titira? Ayoko sa bahay ko. So, dapat ba, bibili ako ng bagong bahay? Kaso ang hassle. Makakabili ba ako ng bahay before January? Nabili ko naman ang bahay ko nang ilang buwan lang, pero ang tagal kasi ng renovation?
Yung work naming dalawa, paano? Puwede na ba siyang ikasal? Nasa kontrata bang puwede siyang ikasal?
Paano ang work ko? Hindi na ako makakagala kapag may ocular visit ako.
Paano yung bar? Puwede ba ako sa bar kapag nag-asawa na 'ko? Hindi ba ako pagagalitan ni Tita Tess n'on?
Kinakapa ko ang sarili ko kung kakayanin ko bang ikasal kay Sabrina. Hindi ko kasi talaga ma-imagine.
Yung nasa harap kami ng altar tapos hahalikan ko siya sa harap nina Tita Tess at Tito Ric.
"Putang ina!" Napalakas ang mura na sa isip ko lang sana sasabihin sabay hampas sa manibela ng sasakyan.
Shet!
Nape-pressure ako, ang init ng buong mukha ko.
Sinasabi ng utak ko na hindi ako natatakot kay Tita Tess kasi ang tagal ko nang hindi nakakaramdam ng takot sa kanya, pero kapag naaalala ko ang mga warning ni Tita sa akin noong ten years old pa lang si Sabrina, bumabalik lahat ng dahilan kung bakit nga ba ako natatakot sa kanya noon.
"We both know that my daughter is too young for this dilemma."
Sa daming beses, sa daming taon kong nakasama si Tita Tess, parang malinaw na movie sa utak ko ang seryosong itsura niya nang ipatawag niya ako noon sa garden sa mansiyon.
"You see, Clark . . . we owe a lot from you . . . kasi iniligtas mo noon si Sabrina. But this is a different case. Muntik na niyang patayin ang sarili niya dahil sa 'yo."
Nanlalamig na naman ang mga kamay ko habang sumasagi 'yon sa isip ko kahit ayokong alalahanin.
"I should be thankful because you're as smart as I first saw you. Kasi kung hinayaan mo ang kahibangan ng anak ko, ako mismo ang magpapalayas sa 'yo sa bahay na 'to at hindi ka na makakatapak dito kahit na kailan."
Saglit kong inihinto ang sasakyan sa gilid at huminga nang malalim habang nakapikit nang sobrang diin.
"Do you love my daughter?"
Noon pa man, laging yes ang sagot ko sa tanong na 'yon. Hindi naman nagbago kahit hanggang ngayon. Kahit taon-taon akong tanungin, oo at oo lang din naman ang sasabihin ko.
Hawak ko ng magkabilang kamay ang manibela saka ko ipinatong sa likod ng mga kamay ang noo ko. Ilang beses akong huminga nang malalim at bumuga nang marahan.
"I'll be honest with you, darling, because I know you deserve my honesty more than anything. . . . May directive akong ibinigay sa mga personal aide na nasa ospital. The moment you stepped inside that place, I will never let you step inside this house ever again. And I will always . . . always admire your dexterity. Hindi araw-araw nakakakita ako ng taong gaya mo mag-isip."
Trap na naman ba 'to ni Tita Tess?
Shit. Nanlalaki ang mga mata ko nang bumangon mula sa pagkakayuko.
Trap ba 'to?
Inaabangan lang ba niya kung talagang hinintay ko si Sabrina mula pa noon?
Lumubog na ang araw at ang tanging natanggap ko lang na update sa nangyari kaninang umaga ay text ni Mami na sobrang late ko nang nabasa.
"Kung ayaw mo kay Sabrina, anak, hihindi na ako sa Tita Tess mo. Para din hindi na tayo makaabala."
Sa sobrang takot ko sa text ni Mami, ang bilis agad ng reply ko.
"Mami, wait lang. Pag-isipan ko muna. Pero wag ka mag-no."
Pinag-isipan ko talaga 'tong mabuti kasi unexpected. Sobrang unexpected.
Kinagabihan, naabutan ko pa sina Mat at Sab sa bar at naihatid ko pa sila. Kasama ko si Sabrina pero hindi kayang mag-shift ng utak ko tungkol sa aming dalawa. Nagwa-wander pa rin ang utak ko sa pending "yes" ko kasi what if mag-yes ako ngayon? Ano'ng gagawin ni Tita Tess?
Gusto ko munang makasigurado na tama ako ng isasagot. Kasi ayokong bigla niyang sabihin na trap lang 'tong lahat at hindi niya ako tanggap para kay Sabrina.
♥♥♥
"Still undecided, Clark?"
Maaga pa lang, nasa Purple Plate na ako kasi wala naman akong ibang mapagkikitaan kay Early Bird kundi sa café lang ng asawa niya.
"Puwede bang mag-yes ka na lang para tapos na 'to?" naiiritang utos ni Jaesie nang lapagan niya 'ko ng kape sa center table ng office niya.
"Dude, tanungin mo nga si Tita," mahinahong pakiusap ko.
Natahimik silang mag-asawa at nagulat na tumingin sa akin.
"That was odd," biglang sabi ni Rico at napapikit-pikit pa habang nakataas ang magkabilang kilay sa akin. "Seryoso na ba 'to?"
"Rico, explain ko lang kung bakit hindi ako agad maka-yes."
Mabilis na tinapik-tapik ni Jaesie ang balikat ng asawa niya para makisiksik doon sa single-seater na inuupuan ni Rico.
"What is it?" seryoso na ring tanong ni Rico.
Humugot muna ako nang malalim na hininga bago nagsimulang magkuwento. "Before pumunta ni Sabrina sa US, di ba, naospital siya."
"Yes, and?"
"Di ba, sinabi ko naman ang dahilan sa 'yo?"
"Of course. What's with Mum?"
"Si Tita kasi, kinausap ako dati. Tapos nag-warning siya na kung pinatulan ko si Sab, hindi na niya ako pababalikin sa mansiyon kahit na kailan."
"Oh." Namilog ang bibig ni Rico at walang ibang naisagot maliban doon.
"As in si Mum ang nag-warning?" tanong ni Jaesie.
"Oo. Muntik na kasing mamatay si Sab dahil sa 'kin," pag-amin ko.
"Oh my God." Napasapo ng bibig si Jaesie at napatanaw sa may pintuan ng office niya.
"Tapos, di ba, naospital nga siya," pagpapatuloy ko. "Sinabi sa 'kin ni Tita yung location ng ospital. So, parang inasahan niyang pupunta ako kasi alam ko na kung saan."
"But you didn't visit her naman, e, di ba?" sabi agad ni Rico, kunot na kunot ang noo. "Si Leo nga lang daw ang nakita ng guards sa area that time na nag-visit kay Sab."
"Oo nga. Tapos pinatawag ulit ako ni Tita."
"For what reason?" tanong ni Jaesie.
"Sabi niya na kung pumunta raw ako sa ospital, hindi na talaga niya ako pababalikin sa inyo kahit na kailan. Same warning lang din. Parang tine-testing lang niya kung lalapitan ko pa ba si Sabrina kahit pa may go signal na niya. Twice niya 'yong ginawa kaya may trust issue na 'ko sa kanya."
Nagkapalitan ng tingin sina Jaesie at Rico.
"Parang trap naman 'to," sabi agad ni Jaesie.
"I know, right. And that sounds so Mum." Nakagat ni Rico ang labi niya habang nag-iisip nang maigi.
"Iniisip ko lang kasi, baka kapag nag-yes ako, tapos parang tine-testing lang pala niya kung hinintay ko lang ba si Sab mula pa noon, baka hindi rin kami ikasal. Ang shady kasi talaga, dude. Sabi mo, plan niya a decade ago. Bakit hindi niya sinabi 'to after grad ni Sabrina? O kaya nung 24 si Sab? O kahit 25? Bakit ngayon lang?"
"I thought it was because of Ivo," sagot ni Jaesie. "Kasi break na sila, right?"
"Si Betty, nagawa ngang suhulan ni Tita Tess, hiwalayan lang si Rico. Kayang gawin 'yon ni Tita kay Ivo kung gugustuhin niya last year."
"May point. Pero baka hinintay lang talaga niyang mag-break sila?"
"Jae, ang iniisip ko kasi, kung muntik nang mamatay si Sab dahil sa 'kin, bakit sa akin siya ipakakasal?"
"But it's not your fault, Clark," katwiran ni Rico. "Sab did that to have you back. Hindi mo naman inutos 'yon."
"Kung hindi ko pala fault, bakit twice nag-warning si Tita Tess? If I said yes to Sab sixteen years ago, for sure, hindi mo na 'ko makakausap ngayon. Kilala mo si Tita Tess. If she wants to get rid of you, she will get rid of you out kahit sino ka pa. They got rid of Mr. D once, hindi ako exemption doon."
Natahimik na naman silang dalawa.
Inaabangan kong may idadahilan pa si Rico pero wala na siyang nasabi—na sobrang rare mangyari kapag may nakikipagtalo sa kanya.
Napahimas-himas tuloy ako ng palad habang nakayuko. "Ano lang, dude, tanong mo lang si Tita kung seryoso ba talaga siya. Kasi ayokong mag-yes kung trap lang 'to. Kasi parang wala rin akong mapapala kung trap lang din, e. Binigyan ko lang ng reason si Tita para lalong ilayo si Sab sa 'kin."
"Yeah." Napatango-tango si Rico habang nakatulala sa center table. "Yeah, I get your point. Sige, sige, I'll talk to Mum about this."
"Sige, dude. Punta na 'ko sa office. Dadaan ko muna si Luan. Kapag may balita, text mo na lang ako."
Doon sa pagkakataong 'yon, ramdam ko nang hindi against sa akin si Rico.
Alam ni Rico na gusto ako ng kapatid niya. Siya ang una kong kinausap tungkol doon kasi alam kong dapat niyang malaman 'yon bilang kuya ni Sab. Sixteen pa lang kami, alam na niya 'yan. Hindi ko itinago sa kanya 'yan. Ang problema kasi, doble na ang edad namin ngayon mula noong inamin ko 'yon. Sobrang overdue na. Minor pa kami noon, 32 na kami ngayon.
Hindi si Tita Tess ang klase ng taong nakakalimot ng atraso sa kanya, at ayokong kalimutan ang lahat ng atraso ko sa anak niya.
♥♥♥
Hinintay kong ipatawag ni Tita Tess dahil nga tumanggi ako, pero tatlong araw na, wala pa rin akong natatanggap na kahit na ano maliban sa text ni Mami na nakausap na raw niya si Tita Tess at nagsabing hintayin daw muna akong makapag-decide kasi "busy" raw ako sa ngayon at baka nagulat lang.
Si Rico ang inasahan ko pero kahit siya, may duda na rin kay Tita. Ang sabi lang niya, "Mum was planning something. Pinagtawanan lang niya ang sinabi ko about you and Sab, and I'm not liking it. We'll hold your yes, for now. Hindi ko gusto ang feels ko rito sa ginagawa niya."
Mas lalo tuloy naging malabo ang sagot ko.
Akala ko, doon lang matatapos ang lahat, pero pagkalipas ng ilang araw, may napapansin na akong kakaiba.
Sanay akong "namamasyal" tuwing gabi. Namamasyal means dumadaan ako sa mga dating tao sa Red Lotus na wala na sa resto at agency ngayon.
Nakikibalita ako kasi ang daming changes sa policies ngayon, ang dami ring inalis na tao ni Mother Shin na halos walang itinira.
"Hindi na kami binibigyan ng instructions," kuwento ni Kuya Norman, yung isa sa mga gumagawa ng homemade noodles noon sa resto.
Ilang buwan lang kaming hindi nagkita pero yung mga muscle niya noon, nagsiwalaan na. Nanaba lang naman siya, mas mabuti kaysa namayat.
"Si Kuya Wing?"
"Hindi na kami pinalalapit ni Wing sa Red Lotus. Para nga raw hindi na kami pag-initan kasi iniisa-isa na raw nina Susan lahat ng hawak ni Shobi."
"Sino yung Susan?" kunot-noong tanong ko.
"Asawa ni Wing."
"Oh! Susan pala pangalan n'on." Hindi ko pa kahit kailan nakita ang mga kapatid ni Mother Shin maliban kay Jian. Akala ko, dalawa lang sila. "Ay, paanong pinag-iinitan?"
"Ayaw nga raw nina Madame Ai na may ano . . . parang magwewelga gano'n. Yung mga tao kasi ni Shobi, alam mo namang mga loyal 'yon. Talagang lalaban 'yon para sa kanya."
"Oo nga. Buti nga, malinis na yung Coastal. Mukhang magiging problema ang pagkawala ni Mother kung naabutan."
"Ikaw, sabi ni Yanyan, hinahanap mo raw sila."
"Wala na talaga kasi silang lahat, e. Ang hihirap nang hanapin."
"Huwag mo nang hanapin, Clark. Delikado ang mga Yu, baka madamay ka lang sa gulo ng pamilya nila."
Ilang taon na rin mula nang balaan ako ni Kuya Wing na huwag lalapit ulit sa mga Yu at sa mga tao ng Red Lotus. Ang tagal kong pinigil ang sarili kong huwag gumawa ng dahilan para guluhin silang lahat.
Nagsabi na ako kay Jian, wala akong pakialam kung ano ang gusto ng pamilya nila, basta ang gusto ko, ibigay niya ang mga sulat ko kay Mother Shin.
Ni isang sagot sa lahat ng sulat ko, wala akong natanggap. Pero sinigurado naman ni Calvin na natatanggap 'yon ni Mother kapag nagpapadala ako.
Kahit kalkalin nila lahat ng sulat ko, wala silang mababasa roong tungkol sa Red Lotus. Lahat ng laman ng sulat ko, tungkol sa akin, tungkol sa nararamdaman ko, tungkol sa lahat ng gusto kong sabihin kay Mother Shin kung sakaling puwede ko siyang makausap sa personal.
Nilakad ko lang mula sa lugar ni Kuya Norman papunta sa parking lot ng mall kung saan ako nag-park.
Akala ko, mag-isa lang ako. Pero may aninong kanina pa sunod nang sunod sa 'kin. Nakikiramdam ako, baka bypasser lang.
Saglit akong huminto. Nagkunwari akong may gagawin. Kinuha ko ang phone sa bulsa at kunwaring nag-check ng text at chat.
Nakatingin ako sa gilid ng mga mata. Huminto rin ang anino.
Scroll lang ako nang scroll sa phone pero nasa gilid ang tingin ko. Hile-hilera ang mga sasakyan sa magkabilang gilid. May malayong lamp post kung nasaan ang nag-iisang ilaw. Humakbang ako nang tatlong beses at sumunod na naman ang anino.
Huminto ulit ako sa paglakad.
Huminto rin siya.
Scroll lang ako nang scroll habang nakikiramdam.
Naglakad ulit ako, kaswal pa rin hanggang sa makaabot sa sasakyan ko. Nagkunwari akong walang napapansin habang nagbubukas ng pinto. May nakikita ako sa gilid ng mata na gumagalaw doon sa ilang mga sasakyan sa di-kalayuan.
Pagsakay ko, nakabukas lang ang bintana ko at nagpatugtog agad ako nang malakas bago ko in-start ang engine.
"I see you . . . I see you . . ."
Nag-drive na ako paalis at mula sa rearview mirror, may nakita pa akong nanonood sa akin paalis doon sa gitna ng mga sasakyan.
"Hmm." Nahimas ko ang labi ko habang napapaisip doon sa taong 'yon. Lalaki, e. Kaninong tao kaya 'yon? Sa mga Yu kaya?
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top