Chapter 49: Dismay


"Hi Sabby! Kasama ko kuya mo ngayon. Magso-sort kami ng ledgers. Pag di ako nakasagot sa call o text, for sure, busy ako sa sorting. Nasa ref na yung dessert mo. Kinuha ko yan kina Uncle Bobby, gawa yan ni Mel. Tulog ka pa kanina nung pinaabot ko kay Yaya Beth. Check mo na lang ha? Labyu♥"

Iniisip ko na lang na ginagawa ko ang lahat ng 'to para sa kasal namin ni Sab. Para makasama ko siya nang mas matagal sa mga susunod na buwan.

Kuya Tony

Good morning, Clark.
In case you wanna know: Naka-receive ang office ni Robert Lauchengco ng kaparehong set of files galing sa sender ng document mo. Files 'yon ni Patrick. Naka-receive din ang mga maid sa mansiyon ng same set of files para kay Ronerico.
We're still monitoring this, but I will suggest that you consider Tessa's offer.

Pero gusto ko nang itanong . . . kasalanan ko pa ba 'to?

I mean . . . halos buong barkada ko ang nakakuha ng same set of files. Ako lang ba ang dapat imbestigahan?

Pero bumabalik ang lahat doon sa pangalan ng sender: Mickey Mouse. At walang ibang Mickey Mouse sa Coastal kundi ako lang.

"I never heard about the files, Clark," sabi ni Rico na nagtataka sa sinabi ko. "Or maybe hindi pa nakikita ni Mum? But what else could be seen on those records? Bank statements? How harmful was it?"

Napailing na lang ako. "Hindi ko rin alam. Pero sure na kilala tayo ng kung sino man ang nagpapadala ng mga file na 'yon."

"Konektado ba 'to sa sumusunod sa 'yo last year?" tanong ni Leo.

"Dude, nandoon na sila sa chance na puwede nila akong patayin kung gusto nilang takutin ako. Bakit pa nila kailangang mag-rely sa pagpapadala ng documents kung kaya pa nilang gumawa ng more than that?"

"Clark has a point," sagot ni Rico at pinagbabagsak ang mga logbook sa gitna ng sala ko na nakuha nila sa stockroom ng office namin ni Leo sa kabilang street. "By the way, si Calvin saka si Will, may natanggap din ba?"

Sabay pa kaming napatingin kina Calvin at Will na may buhat ding mga ledger palapit sa puwesto namin sa gitna ng sala.

"Ako, wala," mabilis na sagot ni Will. "And I don't think may pakialam ang family ko sa ganitong case."

Nalipat ang tingin namin kay Calvin para humingi ng sagot.

"Kulang ang isang envelope kung iipunin nila ang files ko," sabi lang niya, na hindi ko alam kung saan magsisimulang i-analyze ang meaning.

Sa aming magbabarkada, mas kabisado ni Calvin ang Coastal. After all, siya naman ang nagpasok sa amin doon kaya nga namin nabawi ang Lamborghini ni Patrick.

At kung padalhan man siya ng envelope gaya ng sa amin, para saan pa? Kung kalebel niya noon pa man si Mother Shin, aanhin ng pamilya niya ang mga document na gaya ng ipinadala sa amin?

"Wala bang potential suspect?" tanong ni Rico. "Pat, may sinabi daddy mo sa 'yo?"

Mabilis na umiling si Patrick. "Now ko lang din nalaman na may na-receive pala siyang files."

"Mum's not saying anything yet. But I must expect na." Bumaling sa amin si Rico. "What's the plan? Yung definite."

"Tina-target kasi yung hidden accounts natin kaya gusto ko sanang i-transfer na muna ang laman n'on sa ibang bank account na hindi questionable," sabi ko.

"Hid—what?" gulat na tanong ni Rico. "Wait, I'm not following. May record sila ng hidden accounts . . . natin? And natin means?"

"Yung joint account na pinag-iipunan natin ng pangkasal ni Leo saka emergency funds."

Gusot lang ang mukha ni Rico, hindi makuha-kuha ang sinasabi ko. Mabilis pa siyang umiling. "I'm still not getting it." Nagtaas pa siya ng magkabilang kamay. "Not that I didn't get the accounts thingy, but what could be the purpose of taking statements of those accounts? It's in the bank. Hindi nila mawi-withdraw 'yon because it needs authorization and ID."

"Kaya nga . . ." naiinis nang sabi ko. "Ang problema kasi, kinakalkal 'yon."

"For what reason?"

"Hindi ko rin alam! Kaya nga gustong paimbestigahan ni Tita Tess para malaman niya kung bakit kinakalkal 'yon!"

"So, kakalkalin na rin ni Mum kasi kinakalkal nila."

"Malamang."

"How questionable is that account for us to panic like this?" sabad ni Patrick.

"Dude, owner lang ng bank account ang makakapag-request ng format ng nasa documents na ipinadadala nila," paliwanag ko. "Kapag nag-request ang hindi owner, may authorization pa 'yon dapat at special request kasi privacy 'yon ng bank account holder. Ang natanggap namin, format na kami ang nag-request—na never nangyari! And that also means kaya nilang buksan ang bank account na hawak nila na pagmamay-ari natin. And that also means kaya nilang kunin ang lahat ng perang laman ng bank account na 'yon. Simply put, may potential hacking and phishing attack na nangyayari sa atin. Understand?"

"Hacking naman pala, e expert ka rito, di ba?" biglang pagsingit ni Leo.

"Dude, kung sa computer ko na-receive, wala tayong lahat dito ngayon sa bahay ko! Pero sa brown envelope pa, putang ina, paano ka makakapag-trace ng IP address na ang sender info mo lang, si Mickey Mouse na taga-Clubhouse?!"

"I'll shut my mouth na kasi I know wala akong help. I'll scan these ledgers na lang muna to check our records," sabi ni Pat at nagsariling kuha ng lumang ledger papunta sa likod ng sofa.

Alam na alam ni Tita Tess o kahit ni Kuya Tony na kung breaching lang naman sa system ang gagawin, napakasisiw ng problemang 'to. Napakadaling hanapin kung sino ba ang suspect namin. Ang problema nga kasi, idinaan kami sa snail mail.

Si Tita, hindi niya alam kung bakit may nagpapadala ng ganito sa amin. Si Tessa Dardenne na 'yon na ten steps ahead of us.

"Si Clark lang ang kilalang Mickey Mouse during our Coastal days, di ba?" tanong ni Will.

"Kaya nga baka nakaaway ko sa Coastal ang suspect dito," dismayadong sagot ko.

"But it still doesn't make any sense," kontra na naman ni Rico. "Everything doesn't make any sense to me. Kasi ang tagal nang closed ng Coastal. It's been what? Seven? Eight years? And for what reason kaya nila 'to ginagawa? Like yung reason na reasonable. Because I'm not buying na prank lang 'to or panakot sa 'yo. Because if walang nagalaw sa money sa bank, then they're not into those money. To threaten you? They should have brought someone to kill you instead."

"Dude, included sa files ni Leo ang rape case niya kay Kyline saka mga sworn statement nating lahat noong kinasuhan tayo ng kidnapping," sabi ko na lalong nagpakunot ng noo ni Rico. "Yes, maybe it's not about the money. Pero dina-drop nila ang former issues and police cases natin. Ang gusto ko lang ngayon, ilagay sa safe na lugar ang pera natin, i-trace ang mga record natin na baka may anomaly pa, saka mahanap kung sino ang gumagawa nito."

"Wala ka bang soft copies?" Nakangiwing itinuro ni Rico ang buong sala ko na napakakalat at puro papel, folders, at ledgers. "You took up a computer course and have these trashes?"

Naiirita ko ring itinuro ang "trashes" na tinukoy niya. "Mas matanda pa kay Eugene 'tong mga 'to, Dardenne. Wala pang database ang lending company, records na natin 'to. Lahat ng records natin na walang resibo, nandito. Lahat ng gastos natin sa casino, nandito. Lahat ng pusta natin sa karera, nandito. Lahat ng pautang natin na walang matinong agreement, nandito. Tingin mo ba, gagawan ko pa ng soft copy 'yon?"

"Fine! We'll read this one by one," pagsuko niya pero halatang masama pa ang loob. "Bakit hindi mo na lang pirmahan ang authorization na offer ni Mum? She could find the suspect na mas mabilis pa rather than read all of these records."

Habang tumatagal, nabubuwisit na 'ko kay Rico. Siya lang ang kanina pa reklamo nang reklamo, e. Naririndi na 'ko.

"Puwede rin naman," sarcastic na sagot ko. "Tapos kakalkalin ni Tita sa casino na ikaw ang pinakamalakas pumusta sa grupo natin—kayo ni Leo."

"Clark," sita ni Leo nang mag-iba ang tono ng pananalita ko.

"Para lang malinaw, 'tol. Kasi alam n'yo? Gusto kong pakasalan si Sabrina. Papayag si Tita kapag pinirmahan ko ang authorization na mag-imbestiga siya sa lahat ng connection ko noong Coastal days natin. Pero alam n'yo kung bakit hindi ako makapirma? Kasi ang ilalaglag ng mga taga-casino, ikaw at si Leo," pagturo ko kay Rico. "Kasi bumibili ako ng chips na hindi naman mahal. Taga-signal lang ako kung ano ang baraha ng kalaban. At kung mag-iimbestiga pa ang Afitek sa mga dating taga-Coastal, yari si Patrick! Kasi racer natin 'yan, e. Kumakarera 'yan kahit pinagbawalan na 'yan ng daddy niya. Ang mahirap doon, ilegal ang karera. At ang role ko lang, magtanong sa mga tagaroon. Sino ang pumupusta? Kayo rin ni Leo. Ano lang ba 'ko r'on? Tagabulong kung okay ba ang laban? Tagatanong kung sino ang maglalaban kinabukasan? Ni wala nga akong code doon maliban sa mask na sinuot ko noong unang punta natin! Kung sarili ko lang ang iisipin ko, pinirmahan ko na ang authorization na 'yon, e! Kasi wala naman silang mahihita sa 'kin kapag nag-imbestiga sila. Pero damay kasi kayo at mas malaki naman talaga ang role n'yo roon. Zeus, Hades, Apollo! Sila lang naman ang kilala roon, at alam n'yong wala ako sa tatlong 'yan."

"Dude." Inawat na ako ni Will sa haba ng reklamo ko sa kanila. Inakay pa niya ako patayo sa kinauupuan ko para lang papuntahin doon sa parte ng kusina na hindi ko makikita ang barkada.

Masama ang loob ko. Kasi ngayon lang naman ako manghihingi ng kaunting tulong sa kanila. 

Ngayon lang.

Sabihin nang para mapakasalan ko si Sabrina kaya ko 'to ginagawa. Pero sana nga, ganoon lang din 'yon kadaling sabihin.

"Maybe confusing pa rin kay Rico itong situation," paliwanag ni Will. "Kilala mo naman 'yan. Nanghihingi lagi 'yan ng definite answer sa lahat ng tanong niya."

"Di ba dapat, siya ang mas nakakaintindi nitong sitwasyon?" sabi ko, at pilit pinakakalma ang sarili. "Maglilipat lang tayo ng pera. Maghahanap lang tayo ng trace ng anomalies sa documents. Kung kaya ko 'tong mag-isa, hindi naman ako hihingi ng tulong, e."

"Oo nga, kaya nga kami nandito, di ba?"

"O, ano yung nirereklamo n'on?" naiiritang sabi ko at itinuro ng ulo ang direksiyon ng sala ko. "Kung ayaw niyang tumulong, lumayas siya rito, hindi ko siya kailangan."

"Clark." Hinawakan na ako sa balikat ni Will para awatin. "Barkada natin 'yon."

"Barkada nga, e bakit parang hirap na hirap siyang tulungan ako?" reklamo ko, at habang tumatagal, mas sumasamâ ang loob ko. "Basa siya nang basa ng files sa Purple Plate tapos irereklamo niya yung mga ledger natin? Yung kay Jae na papers, okay lang basahin maghapon. Kapag sa akin, pass."

"Baka na-overwhelm lang si Early Bird."

"Na-overwhelm o ayaw lang niya 'kong tulungan?" sagot ko kay Will na nakapagpatahimik sa kanya. "Never naman akong nagmintis ng tulong sa inyo mula nang maging magkakaibigan tayo, pero bakit ngayon, parang ang hirap humingi ng pabor? Bakit kailangang kuwestiyunin kung hihingi ako ng tulong? Bawal na ba 'kong mahirapan?"

"Hindi naman gano'n 'yon, dude. Maybe we can elaborate things pa? Or at least, magka-idea man si Rico sa documents na 'yon? Kasi kahit ako, wala akong idea sa sinasabi mo. But I may not getting the gist of it, pero willing akong tumulong kung ano ang kaya ko."

"Alam kong willing kang tumulong." Tumango-tango pa ako at tinapik sa balikat si Will. "Pero kung may dapat na hindi nagrereklamo ngayon, sila 'yon. Kasi sila ang involved dito, hindi ikaw. At kung may dapat makaintindi ng negative effect nito, sina Rico dapat 'yon kasi sila ang sikat noon sa Coastal, hindi tayo."



♥♥♥



"Vin, baka kayang makausap si Mother before March," pakiusap ko kay Calvin. "Hindi naman sa naiinip ako, pero mahirap kasing patagalin 'to. Hindi naman matagal ang pag-uusapan namin. Kung wala siyang alam, e di wala. Pero baka kasi meron."

"Hindi ko alam, dude, pero susubukan ko. Ayoko munang mangako kasi ang hirap humanap ng timing. Pagkatapos siguro ng ceremony, baka makahingi na ako ng permisong ipasyal siya."

Hindi ko alam kung nakailang pakiusap na ako kay Calvin tungkol kay Mother Shin. Busy sina Leo kasi kasama sina Mami sa paglakad ng marriage license at pag-attend ng seminar. Inaayos pa rin namin ang mga perang laman ng hidden accounts at iniipon ang mga dating records ng naka-deposit doon kung sakaling tanungin kami kung saan galing ang mga inilagay namin doong pera.

May delivery daw si Sabrina, work niya kay Tita Tess. Gamit niya ang sedan ni Tita na bihirang gamitin kasi iba rin naman ang dina-drive ng mga driver nila.

Sabi ko, meet kami sa malapit sa location niya. Pumayag din naman siya. Maliit na resto 'yon, wala naman masyadong tao sa loob.

"Yeah, Mum's doing so many paperworks. Evident sa backseat ng kotse ngayon," kuwento ni Sab.

Magkatabi kaming naupo sa two-seater table. Pinanonood ko lang siyang kumain ng request niyang leche flan salad. Nakapangalumbaba lang ako habang sinusuklay-suklay ang buhok niya at nakikinig.

"Busy rin si Kuya Tony. Kahit gabi na, pumupunta pa rin sa bahay to deliver some folders and flash drives."

"Walang sinasabi tungkol sa kuya mo?"

Umiling siya. "But Kuya's not visiting pa sa bahay, e."

"Kasama namin, natural."

"I know. Sabi nga rin ni Mum, doon daw sa office n'yo nakikita ang tracker niya."

"Sinabi mong nag-aayos kami ng documents?"

Umiling ulit siya. "Mum might know it before me. Hindi naman hangout place ang office n'yo. I don't think she'll consider my kuwento pa."

Nagusot tuloy ang magkabilang dulo ng labi ko saka napatango. Matalinong bata.

"Pero sinabi mo kay Tita kung ano ang gusto mo sa kasal natin?" usisa ko para naman sa aming dalawa.

Umiling na naman siya. "Mum was too busy to settle Leo's wedding. I don't think she has time to listen to me. Ate Becca told her na tumawag na si Archie, but she said, saka na raw sila mag-uusap kasi wala siyang time."

Kumunot agad ang noo ko at napaderetso ng upo. "Tumawag si Archie? Ano sabi?"

"Ate Becca said Archie was asking kung may urgent daw bang meeting for Tita Tess. Hindi raw kasi siya makaka-attend sa kahit anong meeting outside his profession kasi may residency pa siya, and maglalakad na siya ng papers to permanently live sa UK kasama ng girlfriend niya."

Itinago ko naman ang gulat ko sa balita ni Sab. "Alam na 'yan ni Tita?"

"Nope. And Ate Becca wanted to tell that to Mum pero saka na nga raw kasi super busy ni Mum."

"Oooh."

Wala na agad ang second choice ni Tita Tess for Sab.

Pero imbes na matuwa, lalo akong kinabahan doon. Ibig sabihin din kasi, baka ipakilala si Sab sa lalaking hindi ko rin kilala kapag hindi ako ang ikakasal sa kanya. At mas ayoko n'on. Malay ko ba baka bastos 'yon o kaya marami lang pera pero baka kaugali lang din ng napangasawa noon ni Cheska na mabait lang sa umpisa. Si Archie, kahit paano, kilala ko pa. Kaso nga, meron na palang iba sa ibang bansa.

"Oops! Late na 'ko! Magde-deliver pa 'ko sa Pobla." Mabilis na tumayo si Sab at inubos ang natitirang laman ng glass bowl niya.

"Gusto mo samahan kita?"

"Finish your work na lang with Kuya para kapag okay na 'yon, we can date na without conflicting schedules."

"Okay," malungkot na sagot ko.

"I'll go ahead na, ha?"

Hinawakan ko na lang siya sa pisngi at ilang beses siyang hinalikan sa noo. "Ingat sa pag-drive."

"I will."

"I love you."

Imbes na sumagot, nginisihan lang niya ako at dumantay sa dibdib ko habang nakatingala at nagpapa-cute.

"I love you," ulit ko at hinalikan siya sa labi. "Hatid na kita sa parking."

Ang dami pa ng kailangang i-review. Ang tagal pa ng encoding. Ang complicated pa ng old records kasi malabo na ang ibang sulat gawa ng pagkaluma ng papel.

Pero hindi kami puwedeng sumuko rito. Hindi ako susuko sa ganito lang. Kakausapin ko si Mother, aayusin namin 'tong lahat.



♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top