Chapter 48: Man in His Dreams

Noong bata pa 'ko, pangarap ko talagang mag-play ng piano sa mga kasal. Kung may pangarap man ako na ginusto ko talagang gawin paglaki, 'yon na ang maging pianist sa mga wedding.

It happened noong Grade 1 ako, para siyang panaginip na hindi ko na alam kung nama-Mandela Effect lang ba ako o ano. Nandoon kami sa maliit na simbahan malapit sa may bangin . . . at sobrang ganda ng view ng dagat tapos may lighthouse sa left side na dulo rin ng kabilang bangin.

Alam kong nag-ring bearer ako noon kasi may picture ako n'on sa album ni Mami. Pero ang mga picture kasi noon, kahit tanghali, parang madaling-araw kinunan ang mga photo sa sobrang dilim ng background kapag nasa loob ka ng kahit saang lugar tapos naka-flash ang camera.

Sa memory ko, hindi ko na matandaan ang mga mukha nila. Para bang hanggang leeg lang ang kaya kong alalahanin at mga kilos nila, pero pagdating sa mukha, wala na akong matandaan. Kaya nga hindi ko na ma-identify kung panaginip pa ba 'yon o totoong nangyari.

Tapos tumutugtog ang pianist sa kanang gilid. Ang sarap sa tainga ng tugtog niya, na parang kaya ko ring gayahin kung makahawak man ako ng piano. Kasi ang daling sundan ng notes. Ang dali ring tandaan ng arrangement.

May sinabi ang lalaki na hindi ko agad naintindihan kasi Bisaya, e Tagalog ako. Pagkatapos niyang sabihin 'yon, hinalikan siya ng babae sa harap ng altar. Doon ako unang nakakita ng babae at lalaking naghalikan sa harap ng maraming tao. Tinanong ko kay Mami ang ibig sabihin ng sinabi ng lalaki sa may altar. Ang sabi ni Mami, ang meaning daw n'on ay walang hangganan daw ang pagmamahal ng lalaki sa babaeng humalik sa kanya.

Five years old, at ang buong akala ko, para halikan ka ng babae, dapat sabihin mo na walang hanggan ang pagmamahal mo sa kanya. Dinala ko ang paniniwalang 'yon nang sobrang tagal na panahon.

Ang view ng dagat sa may bangin, ang tunog ng piano, ang linyang 'yon na sinabi ng lalaki sa altar . . . para 'yong panaginip na nangyari talaga sa totoong buhay pero hindi ko na matandaan kung eksakto pa ba ang alaala ko o ni-rework na lang ng palagian kong pananaginip sa mga 'yon.

Buong pagkabata ko, dala ko ang panaginip na 'yon at ang pangangarap ko na balang-araw, tutugtog ako ng piano sa gilid ng altar tapos maririnig ko ulit ang mga salitang 'yon galing sa lalaking may ihaharap sa maraming tao para halikan ng babaeng mahal niya.

Inisip ko ring minsan na si Sabrina ang tutugtugan ko ng piano sa gilid ng altar at maghihintay ng lalaking sasabihan siyang walang hanggan ang pagmamahal nito sa kanya.

Tumigil lang ako sa pagtugtog ng piano noong nakauwi na ako galing sa ospital matapos akong ma-comatose.

Simula noong ma-coma ako, hindi ko na ulit napanaginipan ang view na 'yon ng bangin. Hindi ko na rin matandaan ang tugtog ng piano sa maliit na simbahan. Muntik ko na ring makalimutan kung ano ang sinabi ng lalaki sa altar kaya siya nahalikan. Ang meron na lang ako, mga picture noong five years old ako na unang beses kong naranasang mag-ring bearer sa kasal.

Ang lagi ko na lang napapanigipan ay 'yong tumabi sa 'kin habang nasa harap kami ng malawak na lugar na maraming damo. Para kaming nasa waiting shed sa gitna ng kawalan. Tanghaling-tapat kapareho ng oras doon sa simbahan sa may bangin, pero nasa malawak kaming damuhan. Tapos meron siyang sinasabi sa 'kin tuwing mauupo siya sa tabi ko. Alam kong may sinasabi siya pero hindi ko naririnig. Tumatango lang ako pero natatakot ako kasi akala ko, nabingi na ako sa kawalan ng kahit anong tunog sa paligid.

Simula noon, parang tumahimik na lahat. Parang nagkapare-pareho na ang tunog ng keys sa piano. Tinatanong ako nina Mami kung ano ang problema na umabot pa sa point na iniiyakan ko pati ang pagsagot kasi hindi ko rin alam. Nakailang balik kami sa doktor para i-check ang magkabilang tainga ko kung nabasag ba ang eardrums ko o nagkaproblema ako sa pandinig, pero normal naman daw lahat. Nag-attempt ulit akong mag-piano after that, pero wala na talaga. Para bang nagugutom ako pero wala akong ganang kumain, kaya noong pinakain ako, isinuka ko lang din.

Fifteen ako noong hindi na ako nakapag-piano, third year college na ako noong nakatugtog ako ulit. Kasalanan 'yon ni Mother Shin kasi meron silang organ sa resto. Kaya ko na ulit tumipa ng kahit anong kanta, pero gaya ng panaginip ko, nawala na sa sistema ko ang pangarap ko noon. Kasi nga, iba na ang priority ko noong nakapasok na ako sa Red Lotus.

Tinanggap ko na rin naman na noon pa na may mga pangarap ka noong bata ka pa na hindi mo na matutupad. Yung ibang bata nga, pangarap maging dinosaur paglaki. We grow as we grow up. Siguro.

Paglubog ng araw, alam ko nang oras na lang ang bibilangin ko para makasama ulit si Sabrina. Bukas, wala na ulit kasiguraduhan kung papayag pa ba si Tita Tess nang walang kondisyon. Pero gusto ko munang unahin ang mga document na hawak ngayon ng Afitek para wala na akong iisipin pagkatapos ng kasal ni Leo.

Ayoko sa kuwarto ni Sab pero gusto niya roon. Wala tuloy akong choice kundi pumasok ulit doon pero sabi ko, sa balcony na lang kasi ina-allergy na ako. Totoo rin, nakailang bahing na ako bago pa kami mapunta sa balcony.

Bukas ang mga ilaw sa labas, patay naman sa loob. Hindi advisable kung takot kang manakawan na iiwan mo ang bahay mong walang ilaw, pero hindi rin advisable sa mga magnanakaw na targetin ang bahay ng mga Dardenne. Para lang silang mga gamugamong lumapit sa apoy.

Kinuha ko ang picnic mat sa kitchen at ilang mga reheated na dinner namin ni Sab. Siya ang pinagdala ko ng iinumin naming fruit shake at tubig. Parang nag-picnic lang din kami sa balcony ng kuwarto niya, nakatanaw kami sa city view na kita naman doon pero mas maganda sana kung nasa mga 7th floor o kaya 10th floor kami. Harang din kasi sa 360-degree view ang mga puno sa tapat ng kuwarto ni Sab. Malamig, yes, pero hindi Instagrammable.

Okay na kami sa lamps sa labas, pero pagbalik ni Sab mula sa bathroom, may bitbit na siyang sobrang laking kandila na kulay light green at baby pink na may gold na budbod.

"Budget-friendly candlelit dinner ba 'to?" nakangiting sabi ko nang sindihan 'yon ni Sabrina. Hindi agad sumindi ang lighter niyang dala kaya gigil niya 'yong pinindot nang pinindot. "Para tayong may pot session."

"Fuck off. May design 'yang candle!" singhal niya at naapuyan na rin ang kandila, sa wakas.

Hindi pa man nasisindihan, amoy na amoy na ang aroma roon. Mas naamoy 'yon nang magkausok na nang kaunti.

"Buti mabango," puna ko. "May Valentine party ngayon sa Ayala."

"Nakita ko nga kanina sa feeds. Nakakabuwisit tingnan."

"Hahaha! Ang bitter, ha."

"May date siguro ngayon sina Kuya saka si Jae," sabi niya.

"Ang ideal date n'ong dalawa, magbibilang ng pera hanggang mapagod."

Humagalpak agad ng tawa si Sabrina. "For sure!"

Nilutuan kami ng lasagna nina Yaya Beth. Para lang daw dapat sa 'kin 'to tapos vegetable pasta kay Sabrina. Pagbanggit ko ng lasagna, hindi na niya kilala ang vegetable pasta. Iyon ang pinaghatian namin at in-oven kong sliced baguette na may garlic spread.

"Clark . . ."

Ngumunguya pa ako nang mapalingon kay Sab. "O?"

"Na-sad ka ba noong umalis ako sa Philippines before?"

Nagkibit-balikat lang ako bilang sagot. Itinuro ko na lang ang bibig ko para sabihing ngumunguya pa ako.

"Okay lang sa 'yo na umalis ako," dagdag niya.

"Hindi naman sa okay ako," mabilis kong sagot doon, "but during those times kasi, wala tayong better choices."

"So you let me go."

"I let you go for good," pag-amin ko sa totoong ginawa ko noon. "N'ong time kasi na 'yon, kinakausap na 'ko nina Tita Tess about you. Alam kong umiiyak ka because of me. I knew it was hurting you so bad. At alam naman nina Tita Tess that I begged to take care of you again because things were getting worst. Uminom ka ng dangerous substance, and you know? That was something I couldn't just shrug off. Pero sila na rin ang nagsabing hindi kita puwedeng makita muna. Nirespeto ko naman 'yon kahit, siyempre, masakit din naman para 'yon sa 'kin."

"And you didn't talk to me noong graduation ni Leo."

Ay, shet. Napakamot tuloy ako ng ulo.

"You said you didn't remember me," dugtong niya.

"I said that kasi . . ." 'Tang ina kasi talaga ng kuya niyang traydor. Para kasing napakahirap sabihin na "Uy, Clark, uuwi na si Sab sa graduation ni Leo."

"Kasi may girlfriend ka that time?" tanong niya nang hindi ako makasagot.

"Wala," mabilis na sagot ko.

"Bakit nga?"

Pilit ang ngiti ko nang tingnan siya sa mga mata. "Kasi twenty-three na 'ko that time."

"I know."

"At nasa tamang edad na 'ko para ma-gets sina Tita Tess kung bakit ka kailangang ilayo sa 'kin."

"So, it was really the age."

"Maybe, it was about the age," sabi ko, patango-tango kasi factor talaga 'yon. "Mahirap 'yon para sa 'kin kasi pinalalayo ko pa lalo ang gap nating dalawa. You just came back from the US, and I was annoyed by the idea na bumalik ka nga pero wrong timing pa rin."

At lagi naman kasing wrong timing lahat ultimo ang Christmas reunion sana namin sa Denmark.

"I was twenty-three and you were seventeen," dugtong ko. "At kung babalikan ko si Tita Tess to ask for permission to be with you, more likely, sa kuya mo pa lang, ban na 'ko. So, there, the waiting game was still on. After all, gusto ko lang namang ibalik ang lahat sa dati. Wala akong ibang intention kundi 'yon."

"Pero ang dami mong naka-date na girls."

"Yeah, aaminin ko rin naman."

"At walang nagtagal. I know. You're annoying nga raw kasi and hindi ka ideal boyfriend."

"Hahaha!" Halos masamid ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya. "Because I love annoying girls, that's why. Iti-trigger mo ang mga pet peeve nila until they give up."

"That's rude, Clark."

"I know. And that's the best way to get rid of them without being harsh gaya ng kuya mo."

Nakangiwi siyang nanermon tuloy. "You date to annoy your ka-date? You're wasting money."

Proud naman akong sumagot. "Actually, I'm earning money because of that. Madadaldal ang mga nakaka-date ko, of course, kailangan ko ng info."

"Are you some kind of spy ni Mum? Para kang si Kuya Tony!"

"Hahaha! Hindi naman. Sakto lang."

"Now I know why ang daming gift sa 'yo ng mga sugar mommy mo. Sana all nagkakapera sa pakikipagtsismisan."

Sasagutin ko sana siya tungkol doon kasi trabaho naman talaga 'yon, pero nagulat ako nang biglang nagkaroon ng fireworks sa harapan namin.

"Uy!" sabi ko at itinuro ang langit.

"Wow . . ."

Pulang-pula ang mga ilaw na sumasabog. May hugis heart pa ang iba. May lettering pang sumunod na ang nakalagay, "Happy Valentine's Day, My Love."

Angas. Pa-customize kaya ako ng ganito sa kasal namin ni Sab? Baka may kakilala si Calvin na gumagawa ng fireworks.

"Maganda palang mag-Valentine's Day rito sa inyo," sabi ko. "Free food, free accomodation, free pati pa-fireworks."

Tinawanan tuloy ako ni Sabrina. "Kuripot, ha. Pero binili mo yung tulips."

Umiling agad ako. "Hindi rin!" sabi ko pa. "Bigay lang 'yon ni Tita Hellen saka yung sandwich kasi sabi ko, wala akong pera pambili ng flowers."

"Sinungaling ka! Ikaw, mawalan ng pera?"

"Wala nga akong almusal kanina, e."

"Ang kapal talaga ng mukha mong makikain sa bahay ng iba."

"Cute naman ako kaya okay lang 'yon. Ako na nga dumalaw sa kanila, hindi pa ako pakakainin? Mahiya naman sila sa 'kin, uy."

"Ang kapal mo talagaaa!" Binato pa niya ako ng table napkin sa mukha kaya lalo akong natawa sa kanya.

Sinabi ko naman na kay Tita Hellen na ayokong magdala ng flowers lalo pa't nagkakaubusan na nga sa shop niya. Saka bouquet kasi talaga ang gusto ko kaso makikipagdigma pa muna ako sa lahat ng nakapila sa shop niya kung sakali mang mag-request ako.

E, sabi ni Tita Hellen, para naman daw hindi nakakahiya kay Sab, bigyan ko pa rin siya ng flowers kasi Valentine's Day naman. Ayoko ng pink tulips, para kasing pang-maysakit o kaya ga-graduate. Pero nahiya rin naman akong tanggihan si Tita Hellen habang stressed siya sa mga reklamador niyang kliyente kanina. Tinanggap ko na lang din para wala nang usapan.

Pagkaubos namin sa dinner, wala naman akong choice kundi ligpitin ang pinagkainan namin kasi prinsesa nitong mansiyon ang kasama ko. Ang sama tuloy ng tingin ko sa pagkataas-taas na hagdan na aakyatin ko naman para lang makabalik sa kuwarto.

Kaya mas gusto ko talaga ng hindi masyadong malaking bahay. Kung puwede lang mag-jeep dito sa mansiyon, e.

Bumalik na ako sa kuwarto ni Sab na nakaka-trigger talaga ng allerghic rhinitis. Naabutan ko siyang nakadapa sa kama at nakasubsob lang doon, hindi kumikilos.

"Sab, magsuklay ka na saka magbihis ka. Kanina pa magulo 'yang buhok mo."

Ipinaling niya ang mukha niya sa direksiyon ko saka bahagyang itinaas ang kanang kamay. "Tinatamad ako."

"Kakakain mo lang!" Ano ba naman 'tong babaeng 'to. Pagkatapos kain, hilata. Hindi kaya sikmurain 'to?

Ngumuso lang siya at ibinagsak ang kamay sa kama saka pumikit.

Haaay.

Ginusto ko 'to, walang lugar para magreklamo.

"Kukuha ako ng suklay."

"'Wag na," padabog na sabi niya at nakasimangot na tumayo sa kama.

"O, bakit ganyan na naman mukha mo?"

"Gusto ko ng masarap."

Itinuro ko ang mukha ko.

"Yung malamig."

"May kutsilyo sa kitchen."

"Ha-ha. Wala tayong dessert?"

"Nag-fruit shake ka na. Bukas, aasarin ka na naman ng kuya mo."

Nakasimangot siyang naglakad papuntang bathroom kaya sumunod naman ako.

"Huwag ka munang puro dessert. Nag-haluhalo ka na kahapon, e."

"Kahapon pa 'yon!"

"May toffenut si Jae sa ref. Nakawin natin?"

"May kagat na 'yon, e."

"E di, kakagatan ko muna ta's kagatan mo na lang din pagkatapos ko."

"'Yoko. Di na masarap 'yong kokonti lang."

"Hahaha!" Hinawakan ko na lang siya sa sentido saka hinalikan sa tuktok ng ulo. "Skip day ka muna ngayon sa dessert. Bukas na lang ulit para hindi ka asarin ng kuya mo. Bilhan kita bukas ng kahit anong gusto mo, ha?"

"Gusto ko gawa ni Mel."

"Sige, punta 'kong Purple Plate bukas. Dalhan kita ng meron doon."

Nakanguso lang siyang tumango.

Sure na magkikita kami bukas. Dadalhan ko siya ng dessert niya, e.

Nakaharap na siya sa salamin na nasa ibabaw ng sink habang sinusuklayan ko siya. Pahid naman siya nang pahid ng mga cream sa mukha niya.

"Where's your phone?" biglang tanong niya.

"Sa kotse," sagot ko.

"Why didn't you bring your phone with you? Paano kung may tumawag?"

"E di, tumawag sila. Wala namang pipigil."

"Hindi mo sasagutin?"

Ang lalim ng paghinga ko nang tapusin ang pagsuklay sa kanya. "Baka puwede akong mag-day off sa Earth kahit one day lang." Sinuklay-suklay ko pa ng daliri ang buhok niyang maayos na ang pagkakalugay. "Ayan, okay na."

"Dati, nilalagyan mo pa 'ko ng flowers sa buhok after mo 'ko suklayan."

"Gusto mo kunin ko yung tulips sa ibaba tapos itusok ko sa ulo mo?"

"Hoy!" Bigla niya akong hinabol ng hampas mula sa likod pero nailagan ko agad. "'Yon talaga naisip mo?"

"Hahaha! Joke lang, grabe ka naman," natatawang sabi ko at inipit ang buhok niya sa likod ng tainga. "Sa wedding natin, palagyan ko 'yang buhok mo ng flowers para maganda."

Napapangiti na naman siya pero idinadaan na naman sa simangot para hindi ko mapansin.

Sanay akong inaalagaan physically si Sabrina, pero may isang bagay akong nakalimutan-assurance.

Siguro, nasanay ako na halos kalahati ng buhay ko, ayokong magbigay ng certain answers sa kahit na sinong babae kasi hindi ako sure kung kaya ko silang panindigan. Isa rin 'yon sa factors kaya wala akong nagtagal na girlfriend. Hindi ko binigyan ang sarili ko ng chance maging sure sa isang tao kasi ang alam ko lang, kapag puwede na ulit, aalagaan ko ulit si Sabrina.

Kung may naging kapalit man doon sa pag-aalaga kay Sab, malamang na pagiging loyal 'yon kay Mother Shin. Alam kong never magkakaroon ng kami ni Mother, pero gusto kong mag-stay sa Red Lotus para lang matulungan siyang linisin ang gusto niyang linising sistema. Isa 'yon sa mga pangarap niya na pinangarap ko rin.

At habang iniisip ko 'yon, parang lalong dumarami ang options ko kung sino ba ang suspect sa pagpapadala sa amin ng mga ligaw na documents na 'yon.

Pagkatapos naming mag-asikaso ni Sabrina, nauna na akong lumabas ng bathroom dahil ang inasahan ko, magbibihis na siya.

Pero tambay lang ako sa kama niyang nakailang pagpag ako para lumabas ang amoy ng fabric softener, malabanan lang ang matamis na amoy ng kuwarto.

Paglabas ni Sabrina ng bathroom, napabuntonghininga na lang ako kasi naka-bathrobe pa rin. Ang sabi, magbibihis. Bihis ba 'yan?

"Bukas ka pa ba uuwi?" tanong niya.

"Kanina pa sana kaso mag-isa ka lang pala rito sa inyo."

"Sinamantala mo naman."

Inabot ko ang kamay niya para palapitin sa akin.

Kailangan kong linawin sa kanya lahat ngayon-kung ano man ang kaya kong linawin sa kanya na maiintindihan niya.

"Magiging busy pala kami sa mga susunod na linggo," pag-amin ko.

"Tapos?"

"Ini-inform lang kita."

"Bakit mo 'ko ini-inform?" tanong niya nang maupo sa kandungan ko paharap sa akin. Inangkla pa niya ang mga braso niya sa may batok ko at sinalubong ko ang tingin niyang nagtatanong.

Pero this time, hindi na siya nakasimangot. Parang naghahamon pa nga sa biglaang honesty ko.

"Sa lahat ng madaldal, ikaw lang ang kilala kong hindi mahilig magsalita," sita niya nang hindi ako makasagot. Natawa tuloy ako. Parang linya ko 'yon, a?

Hinalikan ko na lang siya sa pisngi nang may panggigigil. "Ang ganda mo."

"I know, right."

"Wow, proud. Anak ka nga ni Tita Tess."

Natatawa ako nang mahina habang pinauulanan siya ng halik mula sa pisngi pababa sa gilid ng labi, hanggang sa panga at sa leeg.

"Sab . . ." bulong ko.

"Hmm?"

Bahagya akong lumayo at sinuklay-suklay ang buhok niyang bumabagsak sa mukha.

Inilibot ko ang tingin sa buong mukha niya, na para bang hindi ko na 'yon makikita pa ulit bukas.

"Do you trust me?" tanong ko.

Halatang nagulat siya sa tanong ko. "Bubuntisin mo ba 'ko?"

"Hahahaha!"

"May condom doon sa bathroom, kunin mo."

"Gaga ka, hindi." Mahina kong tinampal ang noo niya kaya napasimangot na naman siya.

"E, bakit nga?" tanong na naman niya, nagrereklamo

Habang nakatitig sa kanya, sinasabi ng utak ko . . .

Ang dami kong masasamang bagay na ginawa noong wala ka pa rito kasama ko . . . at hindi ko alam kung paano 'yon aayusin ngayon habang kasama ka.

"Clark, kinakabahan ako, ha."

"I'll try to deal with Tita Tess," pagbitiw ko sa laman ng utak ko.

"Then?"

"If I failed on doing so, balik ka sa bahay."

"Then?"

"Balikan mo 'ko."

"Itatanan mo ba 'ko?"

"Basta, balikan mo 'ko."

Lalo siyang nalito sa sinasabi ko. "Hindi ko naiintindihan."

"Basta kapag hindi naging okay lahat, balikan mo 'ko. I-explain ko lahat pagbalik mo."

"Clark, natatakot na 'ko ngayon pa lang. Delikado ba 'to?"

Matipid ang ngiti ko nang umiling. "Kasama ko ang kuya mo. Hindi kami mapapahamak."

"Sure?"

Tumango ako nang nakangiti. "Sure. Basta balik ka sa bahay."

Kapag hindi naging okay ang lahat kay Tita Tess, iiwan ko na talaga silang lahat. Pupunta kami ni Sab sa malayong-malayo. O kahit pa mahanap kami ni Tita, gusto kong makasiguro na akin pa rin ang anak niya.

Kung nagawa 'yon ni Rico kay Jaesie, hindi imposibleng magawa ko rin 'yon kay Sabrina.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top