Chapter 45: Testing

"'Tol! 'Tol! 'Tol! Dali! Dali! Dali!"

Hinatak ko agad si Calvin at dinala ko siya sa dulo ng garden na wala halos tao. Papalubog na ang araw, nag-uwian na rin ang ibang nandito kanina. Nag-aayos na ang studio ng mga gamit, at nag-uusap-usap na lang doon ang mga naiwan.

"Ano ba? Bakit ba?" kunot-noong tanong ni Calvin nang magtaka sa pagtawag ko sa kanya.

"May ibinigay na folder si Tito Addie kay Tita Tess. Ang narinig ko, dini-disown daw ng mga Chua sina Ky tapos pinirmahan ni Tito Addie. Hindi ko alam kung 'yon ba ang documents na pinirmahan ni Leo o ano, pero baka 'yon kasi kasama sina Luan."

"Disown?" Napaisip naman si Calvin doon at napatingin sa gilid.

"Itanong kaya natin kay Leo?"

"Itanong natin kay Kyline," kontra niya sa sinabi ko. "Kasi di ba, hindi nga raw naintindihan ni Leo. Maybe Ky can answer us."

"Hmm." May point. Pero aamin kaya si Ky? "Sige, try natin."

Nag-excuse muna kami at tinawag si Kyline para makausap saglit.

"Si Leopold?" tanong ko pa habang buhat-buhat namin ang laylayan ng gown ni Ky.

"Si Leo, kasama si Eugene sa men's room. Scary daw kasi sa loob," sagot ni Ky.

"Totoo," sabi ko pa. Akala ko, ako lang ang nakapansin.

Pagbalik namin sa dulo ng garden, nginitian lang kami ni Kyline para magtanong kung ano'ng meron.

"Ky, puwede ba naming malaman ang pinirmahan n'yo ni Leo kaya pinayagan kayong ikasal?" tanong ko agad.

"Oh . . ." Bahagya siyang napatango at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Calvin. "It's a family agreement na payag na sila na ikasal kami ni Leo."

"They're disowning you pati mga anak mo," sabi ko na ikinalaki ng mga mata niya. "May idea kami sa laman ng papeles."

"A—" Umawang ang bibig niya at parang may sasabihin pero hindi niya matapos-tapos. Nagpalipat-lipat na naman ang tingin niya sa amin ni Calvin at nalilito na yata sa isasagot.

"Ky, you have to be honest," sabad ni Calvin. "We need to know."

Nangilid agad ang mga luha ni Kyline at parang maiiyak na. Lumingon pa muna siya roon sa maraming tao, tinitingnan kung sino ang puwedeng makarinig sa amin, bago ibinalik ang tingin sa amin ni Calvin.

Mahina siyang nagsalita, "We don't need their money. Kaya kaming buhayin ni Leo. Kaya kong mag-work para sa mga anak ko."

Bago pa ako makakilos, naunan nang tumabi sa kanya si Calvin at nilingon pa ang buong garden. Inakbayan niya si Ky at hinagod ang balikat.

"Yung documents, transfer of rights 'yon. Nakapangalan 'yon sa 'kin at sa pamamanahan ko," mangiyak-ngiyak na pag-amin ni Ky. "Hindi ko kailangan ng pera nila. Hindi ko kailangan ng mana."

"Pero ibibigay nila kay Luan ang shares someday," sabi ko tungkol sa alam ko na sinabi ni Leo.

Marahang umiling si Kyline at nagtaka naman ako. "They wanted Eugene to have all the rights. Pirma ni Daddy, pirma ko, pirma ni Leo, saka pirma ng kahit isa sa mga anak ko ang kailangan nila para malipat lahat sa kanila ang assets and properties na ibinigay sa 'kin. But Eugene doesn't know a thing about this. Ayokong siya naman ang gipitin nila a few years from now."

"Oh . . ." sabay pa naming nasabi ni Calvin at parang sabay rin kaming nagkaroon ng light bulb moments.

Kaya pala si Luan!

Putang ina, sa wakas, nag-click din sa utak ko ang nangyayari! Akala ko, dahil lang singkit ang bunso niya.

"If si Luan ang pipirma sa mga anak mo, they have to wait at least sixteen years for that signature," sabi ni Calvin na tinanguan naman ni Kyline. "Buhay pa kaya sila n'on?"

"Dude, that's the point," sabi ko at binalingan si Kyline. "Good choice, Ky. You made the right choice."

"Pero hindi 'yan alam ni Leo. Magagalit siya kapag nalaman niya kung tungkol saan ang pinirmahan naming document."

"Galit na siya sa hindi siguradong content ng pinirmahan niya. Malamang na mas magagalit siya sa malalaman niya," sabi ni Calvin.

"Ano'ng bearing ng pag-disown sa inyo? Mana lang ba?" usisa ko, kasi kung pera lang pala ang habol ng mga Chua, pipirma nga talaga ako sa document na 'yon.

Ang lalim ng paghinga ni Kyline at lumingon na naman sa likuran niya. Inaabangan yata kung biglang darating si Leo.

"They wanted to take the full control sa alcohol distribution pati sa distillery. Kapag pumirma kami roon ni Daddy, hindi na kami puwedeng bumalik sa negosyo. Wala na kaming posisyon doon. Tinatakot ni Uncle Nin si Daddy na isusumbong sa mga pulis regarding sa old smuggling case na sangkot si Daddy saka si Lolo Bien. Lulong sila sa sugal, wala na silang properties na puwedeng i-liquidate. Wala silang choice kundi kunin ang mana kay Lolo pambayad sa mga utang nila."

"Pero ni-legal ni Tito Addie ang alcohol importation na hawak niya, di ba?"

"Yes, we're there. But that doesn't change the fact na may smuggling case pa rin before that. Hindi si Daddy ang executive manager during those times, but he was liable kasi iniwan sa kanya ni Lolo ang lahat ng responsibilities ng company."

Sa bagay. Totoo rin. Si Tito Addie nga talaga ang sasalo ng mga kalat ni Bien Chua.

"Pero pumirma si Tito Addie sa pag-disown sa inyo," mahinang sabi ko at pasulyap-sulyap na likod ni Kyline kasi unti-unti nang nawawalan ng mga tao sa garden.

"Sabi ko kay Daddy, hindi namin kailangan ng mana . . ." halos bulong ni Ky habang nangungusap ang tingin. "Kaya naming mabuhay nang wala sila. Ayokong pati sina Eugene, idamay nila para lang sa pera. Hindi namin kailangan ng pera nila."

Sa mismong mga oras na 'yon, kung ano man ang pinirmahan ni Leo, tama siya ng pinirmahan. 'Yon lang, hawak ni Tita Tess ang folder na may pirma nila. At base sa mga sinabi ni Kyline, mukhang 'yon nga ang tinutukoy ni Leo na hindi niya naiintindihan ang content pero pinirmahan niya.

Siguro, magagalit si Leo kapag nalaman niyang tungkol ang papeles sa panggigipit sa buong pamilya niya. Pero malamang na magse-celebrate siya kapag nalaman niyang tungkol 'yon sa pagtatakwil sa asawa at mga anak niya. Kasi, duh! Kung puwede lang magpabago ng pangalan, idadamay ko na kasama ng pinirmahan ko. Kung pera lang pala ang habol nila, e di kanila na. Never namang umasa si Leo sa mga Chua.

Kay Kyline siguro, may epekto ang pagpirma niya kasi konektado pa rin ang negosyo ni Ky sa distillery nila. Pero marami rin kasi kaming hawak na negosyo para bumagsak nang ganoon lang sa pagkawala ng karapatan niya sa bentahan ng alak.

Oo, malaki ang komisyon roon pati sa delivery, pero maganda naman ang takbo ng lending company namin ni Leo. Nakakapagturo pa nga siya sa university sa sobrang chill ng buhay niya.

Tamang desisyon ang ginawa nila. Pero kinakabahan ako kasi parang hindi tamang desisyon ang ginawa ni Tito Addie sa pagbigay kay Tita Tess ng folder na 'yon.

Pero base sa timbre ng boses ni Tito Addie kanina, parang walang-wala na siyang pag-asa maliban kay Tita Tess.

Hindi sa wala akong tiwala kay Tita Tess, pero paniguradong mangingialam na siya sa family conflict ng mga Chua kung hawak na niya ang folder na 'yon.

"Clark!"

Sabay-sabay pa kaming lumingon sa tumawag sa akin. Nag-jogging palapit sa amin si Rico at nakailang suklay rin ng buhok na bumabagsak sa mata gamit ang mga daliri niya.

"Bakit?" tanong ko paglapit niya.

"Pakiuwi si Sab."

"Pakiuwi . . . sa bahay ko?" nagtatakang tanong ko.

"Sa mansiyon."

"Ah . . ." Sayang. "Bakit? Hindi siya sasabay kina Tita?"

"Deretso Pampanga sina Mum tonight. Valentine's Day kasi bukas, so you know?"

"So . . . mag-isa lang siya bukas sa mansiyon?"

"We're not sure if may ka-date siya. Yearly naman siyang may ka-date. May plan ka ba bukas?"

"Na-clear ko na ang sched ko since Feb 1 pa, dude. Akala ko kasi talaga, uubusin natin ang time dito sa wedding prep ni Leo."

"So, wala. Samahan mo na lang si Sab tomorrow."

Nanliit ang mga mata ko sa alok ni Rico. Ang shady talaga nito kapag may ino-offer.

"Trap ba 'to?"

"Hahaha! No. Pero walang pera si Sab, so if you plan to spend your money for a date . . ." Ipinaling-paling na lang niya ang ulo niya sa magkabilang gilid, ipinaiintindi ang hindi niya masabi.

Spend my money? So, pagagastusin niya 'ko para sa kapatid niya? Wow na wow naman.

"Wala akong time makipag-date bukas. Stressed pa 'ko sa kasal ni Leo. Pero sige, daanan ko na lang si Sab bukas. Ayoko munang mangako ng kahit ano."

"O . . . kay," sabi na lang niya at itinuro ang likuran. "She's over there. Ihatid mo na lang. Uuwi na rin kami ni Jae."

"Sige, ingat kayo."

Nanunukat ang tingin ko kay Rico habang papalayo siya. Ang shady nilang mag-ina. Deretso raw Pampanga sina Tita Tess? Tapos hindi isinama si Sabrina?

Gusto ko sanang mag-usisa kung bakit, kaso baka biglang tangayin bago ko pa maihatid si Sab sa mansiyon. So, shut up na lang ako.

Naghahalo-halo na ang iniisip ko. Tungkol sa mga Chua at tungkol kina Tita Tess. Hindi ko alam kung dapat pa ba kaming mangialam sa naging desisyon nina Kyline, pero tingin ko, 'yon na ang tamang gawin nila sa ngayon. Kaysa paulit-ulit silang ginigipit ng sarili nilang pamilya.

Dumidilim na. Nagsisialisan na ang mga tao, pero nandito pa rin ang ilang mga taga-Afitek. Nilapitan ko na si Sabrina na nakatambay roon malapit sa puno ng bayabas.

"Sab."

Ngumiwi siya pagkalingon sa akin. "Talagang tinawag ka ni Kuya?"

"Wala naman siyang ibang choice."

"Sabi ko, si Patrick."

"Nasaan si Patrick?"

Lumingon pa siya sa paligid, pero halatang wala nang ibang tao roon na maghahatid sa kanya sa kanila.

Napabuntonghininga na lang siya at tiningnan ulit ako. "Fine."

Hinawakan ko siya sa bandang likuran saka itinuro ang daan namin palabas kahit pa alam naman na niya kung saan kami dapat dumaan.

Hindi ako komportable sa paghatid kay Sab. Siguro kasi hindi galing kay Tita Tess ang utos, tapos si Rico pa ang nagsabi.

May dalawang van pa ng Afitek ang naiwan sa labas, at hindi ko nakita buong araw si Tita Tess. Nakita raw nilang lahat si Tita pagdating doon, e late nga ako. Doon naman sa hotel room, hindi ko siya nakita kahit pa alam kong siya talaga ang kausap ni Tito Addie. Malay ko na kung ninja ba si Tita Tess o ano.

Nasa biyahe na kami ni Sabrina nang mag-usisa ako.

"May lakad ka bukas?" Sumulyap ako sa kanya.

"I dunno. Baka wala. Wala akong pera, e."

"I see."

"Ikaw?"

"Sahod sa 15. Baka mag-office ako."

Pagsulyap ko ulit sa kanya, tumango lang siya saka tumanaw sa labas ng bintana.

Wala pala siyang date, e di, i-surprise ko na lang siya bukas.

Naging tahimik ang mga sumunod na minuto sa biyahe namin. Hindi naman siya umiimik pero nilalaro niya paikot-ikot ang rose na bigay namin ni Luan sa kanya.

Nagbukas na lang ako ng music player para hindi siya ma-bore.

"You should have seen by the look in my eyes, baby, there was something missin' . . ."

Ganitong rush hour, ang sakit sa ulo ng traffic, pero ayos lang. Kahit pa i-track kami ng buong pamilya ni Sabrina, malalaman naman nila na nasa kalsada kaming dalawa at nasa biyahe.

"And though I know all about those men
Still I don't remember
'Cause it was us, baby, way before them
And we're still together"

Habang ipit sa traffic, nag-text ako kay Tita Tess kahit pa ayokong gawin kasi nga baka sitahin ako.

Tita hatid ko si Sab sa mansyon

Sabi ng panganay mo yan, di ako

Ibinalik ko sa holder ang phone at sumulyap ulit kay Sab na nakatingin lang sa labas ng bintana.

"And I meant, every word I said," pagsabay ko sa kanta, "When I said that I love you I meant that I love you forever . . ." Tinapik-tapik ko ang manibela. "And I'm gonna keep on loving you, 'cause it's the only thing I wanna do . . ."

Natigil ako sa pagkanta nang may lumabas na notification sa phone ko.

Kumain kayo pag-uwi.
Tinawagan ko na sina Beth para lutuan kayo.

"Yiiee!" Bigla akong kinilig sa reply ni Tita Tess. Sabi na, mahal talaga 'ko nito, e.

"Ano na naman 'yan?" reklamo ni Sab kaya napatingin ako sa kanya.

"Wala," sabi ko na lang habang napapangiti.

Ang bait-bait talaga ni Tita Tess, nakakatakot lang.

Pagbago ng kanta, umandar na ang mga sasakyan sa harapan namin. Ine-enjoy naman ni Sabrina ang pa-music video effects niya sa passenger seat.

"Overnight scenes, dinner and wine, Saturday girls
I was never in love, never had the time
In my hustle and hurry world . . ."

Magte-text na lang din ako bukas kay Tita Tess kung puwede kong dalawin ang anak niya sa mansiyon.

Kung may isang bagay siguro akong kahit anong tanggi ko pero hindi ko naman iniiwasan, 'yon na siguro ang lagi kong pagpapaalam kay Tita Tess. Kahit alam kong magagalit siya, nagsasabi pa rin ako. Madalas, wala naman sa plano pero ginagawa ko pa rin. Nakasanayan ko na rin siguro, na makakaya kong magpaalam sa kanya ng mga kalokohan ko pero hindi ko kaya kay Mami. Hindi ko alam kung sinasabi ba niya kay Mami ang lahat ng ikinaiinit ng ulo niya sa akin. Pero parang hindi.

Gumaan ang traffic sa lane namin pagpasok sa business area sa Makati hanggang makatawid sa Dasma. Pagdating sa mansiyon, ang malisyosa ng tingin sa amin ni Yaya Beth.

"May hapunan na," balita niya pagpasok namin sa loob ng bahay.

Ayokong sabihing alam ko. Baka magtanong pa si Sab kung paano ko nalaman.

"Ay, may pa-rose!" puna niya sa hawak ni Sab.

"Freebie sa resto, Yaya Beth," sagot agad ni Sabrina na totoo rin naman.

"Ah . . . galing kay Madame?"

Umirap si Sabrina at inoobserbahan ko lang ang kilos niya. Sumulyap siya sa 'kin saka pairap na umiwas ng tingin. "Bigay ng anak ni Leopold. Yung bunso."

Ay, grabe! Grabe talaga!

"Si Luke? Ay, ang cute-cute naman ng batang 'yon. Napaka-sweet."

Gusto kong kuwestiyunin ang bawat salitang sinabi ni Yaya Beth at doon sa sagot ni Sabrina tungkol sa rose.

Baka sa 'kin galing, di ba?

"Ihahanda na namin ang dining, Ma'am Sab?"

"Busog pa 'ko, Yaya Beth. Bababa na lang ako mamaya kapag ginutom ako," sabi ni Sab. Paliko na sana ako sa kanan papuntang dining room pero natigilan ako.

"Ikaw, Sir Clark?" tanong ni Yaya Beth.

"Uhm . . ." Hinabol ko ng tingin si Sab. "Uwi na rin ako, Yaya Beth. Magpapaalam lang ako kay Sabrina."

Nanlalaki ang butas ng ilong ni Yaya Beth habang minamata ako mula ulo hanggang paa. "Ikaw, nasasalisihan mo si Madame, ha."

"Hoy, Yaya Beth, inosente ako."

"Ashush! Sige na! Puntahan mo na sa itaas." Itinaboy ako ni Yaya Beth habang nakangising nang-aasar.

Si Yaya Beth, sobrang intrigera talaga, e.

Pero sinunod ko siya at hinabol ko si Sab paakyat sa second floor. Doon siya papunta sa kuwarto niya.

"Sab, doon ka sa kuwarto ng kuya mo matulog."

"I know. Don't remind me," masungit na sabi niya at huminto sa tapat ng pinto ng kuwarto niya saka ako tiningnan nang masama. "Akala ko ba, uuwi ka na?"

"Oo nga."

"Then, what are you doing here pa?"

Lumapit pa ako sa kanya at tumayo nang ilang hakbang ang layo sa pintuan ng kuwarto.

"Kumain ka maya-maya, ha?"

"I will."

"Goodnight kiss ko."

"Tse!" Umikot agad ang mata niya at binuksan ang pinto ng kuwarto. "Umuwi ka na!"

"Kapag wala akong kiss ngayon, bukas ko sisingilin kiss ko."

"Whatever. Umuwi ka na!" Pumasok na siya sa kuwarto at pinagbagsakan pa ako ng pinto.

Tsh! Humanda ka sa 'kin bukas.



♥♥♥



Bilang sa kamay ang Valentine's Day kong may saysay. Sahod kasi kinabukasan, tapos kailangan ko pang mag-inventory. Pero hindi talaga sa work nauubos ang oras ko. Pagsapit ng alas-tres, matic na, sa akin si Eugene tapos mamamasyal kami. Five years old siya nang matapos ang Ninong Clark's Day sa 25th of the month, pero nalipat naman 'yon sa Feb 14 every year.

Sinasabi ko kina Rico na hindi ako available sa Valentine's Day. Ang alam nila, may date ako. Pero ang totoo, bonding namin 'yon ni Eugene hanggang kinabukasan para naman magkasama ang parents niya sa natitirang oras ng Valentine's Day.

Kaya kong sabihin kung ilang babae lang ang naka-date ko sa Valentine's Day sa tanang buhay ko. Mga client ko noon sa Red Lotus; hindi date pero nakatambay ako minsan sa resto habang kinukulit si Mother Shin; at formal date na walang ibang agenda, kay Jaesie talaga. 'Yon lang, nagtsismisan lang kami ni Jaesie tungkol sa buhay ko kasi tsismosa talaga siya at tsinitsismis ko rin naman.

So far, wala pa naman akong napangakuan ng kasal maliban kay Mother Shin na ayaw namang magpakasal sa 'kin pero pumayag kay Calvin. Sabi na, may something talaga 'tong dalawa, e.

Alas-sais pa lang ng umaga, nasa biyahe na ako papunta kina Tita Hellen. Doon daw kasi muna sina Luan kaya itse-check ko kung okay sila roon.

Galing sa respetadong pamilya si Hellen Gao. Ang parents niya, may sariling commercial building sa Binondo. Nagpapa-loan din sila sa maliliit na Chinese businessmen na nagbabalak magtayo ng negosyo pero walang malaking kapital. Florist si Tita Hellen sa Dangwa. Isa sila sa may pinakamalalaking flower shop doon sa Sampaloc. Karamihan ng mga order sa kanila, mga big time ang pangalan. Politiko, celebrities, doon sa hotel and casino malapit sa kanila, supplier din sila ng bulaklak araw-araw sa Coconut Palace at ilang 4 and 5 star hotels.

Madalas, doon na nakatira si Tita Hellen sa flower shop niya. Isang buong establishment 'yon na maraming bulaklak doon pa lang sa labas at meron pa sa loob kung saan naroon ang mga tauhan niya na expert sa flower arrangements.

Valentine's Day, at alam kong pagsisisihan kong pumunta ako ng Dangwa. 'Tang ina, mga kasabayan ko sa kalsada, puro mga lalaking problemado kung saan bibili ng bulaklak. Wala ako halos makitang babae maliban sa mga tindera.

Sa labas pa lang ng shop ni Tita Hellen, dinudumog na sila. Wala na nga ako halos makitang bulaklak na display maliban sa mga puting chrysanthemum na hindi naman romantic at mukhang pang-alay sa simbahan o sa sementeryo. Partida, alas-siyete pasado pa lang ng umaga.

"Excuse! Padaan!" sabi ko habang nakikigitgit sa mga nakapila roon.

"Hoy, pare, pumila ka!"

"Anak ako ng may-ari! Pilahin mo mukha mo." Pagkapasok ko sa loob, nakarinig agad ako ng reklamo mula sa labas kasi nga ang dami nang tao sa loob at nakapila rin para magpa-arrange ng bouquet.

"Good morning, Tita!" bati ko kay Tita Hellen na isa na rin sa mga nag-a-arrange ng bulaklak sa mahabang counter.

"Good morning, Clark! Flowers?" tanong agad niya.

Ngumiwi na lang ako saka umiling. Sa dami ng reklamador sa labas, baka magulpi ko 'tong mga 'to kapag nagreklamo pang pa-VIP ako.

"Sina Eugene po?"

"Good morning, Ninong Clark!"

"O!" Nagulat ako nang kumaway sa ibaba ng counter si Eugene. "Ano 'yan?" tanong ko pagsilip sa kanya. Nag-aayos kasi siya ng bouquet na may lamang ilang pink roses at maliliit na yellow na bulaklak na hindi ko alam ang pangalan. Nakaupo siya sa bangkito at may sarili siyang maliit na table.

"Flowers!" sabi niya.

"Si Luan?"

"He's sleeping pa."

"Kay Tita Hellen 'yang flowers na ginagawa mo?" Ngumisi lang si Eugene sa akin at hindi sumagot. Nagsalubong tuloy ang mga kilay ko. "Sa girlfriend mo?"

"She's not my girlfriend," sagot niya pero mahina at parang labas pa sa ilong.

"O, bakit malungkot?"

Akma siyang may sasabihin pero nagpalobo lang ng pisngi saka tumingin sa gilid.

"Basted ka?" pang-asar ko.

"We're young pa, Ninong Clark. I'll give her flowers na lang muna mamaya sa school fair."

"Tama 'yan. Huwag ka munang mag-girlfriend. Masama ugali tatay ng crush mo." Binalingan ko si Tita Hellen at itinuro ang pintuan sa kaliwa. "Tita, puntahan ko lang si Luan, ha?"

"Ay, nag-almusal ka na ba? 7:29 pa lang."

"Hindi pa po. Sa drive-thru sana ako kakain."

"May pagkain sa dining, sumandok ka na lang."

Ngumiti ako sa alok ni Tita Hellen. "Thank you, Tita! Pasok na 'ko, ha?"

"Sige, kain kang mabuti."

Mabait si Tita Hellen. Sobra. Para siyang si Mami kung kabaitan ang susukatin ko. At . . . sobrang laki ng agwat ng personality nila ni Mommy Linds, na may question mark doon kung paanong napunta si Tito Addie kay Tita Hellen.

Kung ako lang ang tatanungin, bagay na bagay sina Tito Addie at Tita Hellen kasi ang hinhin ni Tita tapos caring saka thoughtful, hindi pa selosa. Maganda pa kasi ang soft ng face niya. Chinita, maputi, saka mahilig ngumiti. Kung maghahanap ng traits ng aasawahin, perfect talaga si Tita Hellen.

Si Mommy Linds kasi, kung maghahanap ka ng away, perfect siya. Hot si Mommy Linds, mula ulo hanggang paa. Lalo sa ulo kasi araw-araw may pinag-iinitan. Kaya rin ang weird na pinakasalan siya ni Tito Addie—kahit pa questionable ang kasal for me kasi walang document na nagpapatunay na ikinasal nga sila kahit may mga proof ng ceremony.

Mabait si Tita Hellen. Never kong narinig, naramdaman, o nakitang ayaw niya kina Mommy Linds, Kyline, o kina Eugene at Luan. Every Christmas, magkakasama silang pamilya—sila ni Tito Addie saka sina Mommy Linds.

Complicated ba ang setup? I don't think so. Tinanggap 'yon ni Tita Hellen kasi ang katwiran niya, pinili niya 'yon. Alam niya ang setup sa umpisa pa lang at tinanggap niya 'yon. At nakikita naman naming tanggap na tanggap niya.

Ang ayoko lang sa pagiging mabait ni Tita Hellen, nasa side siya ng mga Chua for the reason na pamilya kasi sila. Ang kanya, kahit anong ikot ng usapan, magkakadugo pa rin sila kaya huwag sana silang mag-away-away.

But that was the point. Kasi alam din niya na hindi sina Tito Addie ang nagsisimula ng gulo. At ang depensa niya, pamilya pa rin nila ang mga Chua at sundin na lang kung ano ang gusto kasi pamilya nga at dapat nagkakasundo.

Doon ako hindi okay kay Tita Hellen. Kaya rin kuwestiyunable para sa akin ang panig niya kasi . . . minsan, kahit anong bait ng tao, kapag nalalaman mo kung ano ang tino-tolerate nilang injustice, hindi mo maiiwasang madismaya sa kanila. Yung mapapatanong ka na lang kung mga bulag ba sila o manhid o sarado ang utak para maging apologist sa mga kamag-anak na walanghiya?

Kapag iniisip ko na pamilya ang mga Chua at dapat sumunod sa kanila, lagi kong naaalala si Mami kung gaano siya ka-eager sa paglabag sa rules ng pamilya niya. Na makikita at maririnig ko siyang sinasagot-sagot ang lolo ko dahil may mali at ayaw niyang tinutungangaan lang ang mali. At walang pakialam si Mami kung pamilya niya ang inaaway niya kasi 'yon din ang point ng pag-away niya sa kanila. Kung pamilya nga raw, they must understand the concept of right and wrong kasi basic knowledge na nga lang daw 'yon na ultimo Grade 1 kayang i-recognize.

Hindi talaga pare-parehas ang mga pamilya.

Nasa crib si Luan natutulog, doon sa sala ng pinakabahay. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko kasi hindi siya inilalagay sa crib nina Leo. Sa sahig sila natutulog. Maglalatag ng mattress tapos doon sila nina Luan at Kyline.

Pero tulog pa nga si Luan. Naka-diaper lang siya tapos jacket na bear. Nilapitan ko saka hinawi-hawi ang buhok.

"Good morning, Wuwan . . ." mahinang bati ko.

Nagkusot lang siya ng ilong saka niyakap ang maliit na white teddy bear—yung nasa paper bag na gift ni Tammi.

Hindi masyadong malaki ang sala kaya madaling mababantayan si Luan kahit nasa labas. Sisilip ka lang sa pinto, apat na hakbang, nasa crib ka na.

Dumeretso na ako sa dining area na katabi lang din ng sala. Wala ngang divider kaya tatlong hakbang lang, nasa mesa na rin ako.

May mga nakabalot na sandwich sa mesa. Kumuha ako ng isa para ipagpaalam paglabas. Mahilig si Tita Hellen sa mga ganitong sandwich kasi namemeryenda ng mga tauhan niyang nag-aayos ng bulaklak. Malamang sa ref, meron pa siyang packs ng Zest-O panulak. Hindi naman ako nagkamali pagbukas ko ng ref, pero tubig lang ang kinuha ko.

Sopas ang almusal nila ngayon saka Ma Ling. Magatas ang sopas ni Tita Hellen at hindi ako fan ng masyadong creamy na soup maliban kung mushroom soup kaya tinadtad ko ng patis para lang sumakto sa panlasa ko.

Habang kumakain, nag-text na ako kay Tita Tess.

Tita kong maganda, Happy Valentine's Day sa iyooooo

Daan ako sa mansyon ha?

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko kasi after lumabas ng delivered tag, biglang na-read na.

"Shet."

Lumabas ang tatlong gumagalaw na tuldok sa tabi ng icon ni Tita Tess.

Grabe, ang aga talaga magising ni Tita Tess. Pagtingin ko sa relos, mag-aalas-otso na pala. Tanghali na.

Kailan mo pipirmahan ang pinapipirmahan ko sa'yo?

Ay, grabe talaga. Seryoso siya!

Tsk, ayokong mag-decide nang alanganing oras, pero ayoko ring sumingit 'to kapag busy na ako at pressured.

Tita wala ka ba talagang idea sa pwede nilang hanapin sakin?
Wala kasi akong maisip pramis!

Pirmahan mo ang authorization, malalaman mo ang sagot.

Pero pag pinirmahan ko kelan kami ikakasal ni Sab?

Kapag nahuli na natin ang nagpadala ng documents sa inyo ng mama mo.

E matagal pa yun tita!

Pirmahan mo ngayon, hindi 'yon magtatagal sa investigation.

May point. Pero hindi kasi puwedeng ngayon. O baka puwede ko pa munang kausapin si Mother Shin bago ako mag-decide?

Tita pirmahan ko na lang after ng wedding ni Leo

Pinatatagal mo lang 'tong bata ka.

Patapusin ko lang yung kasal tita.
Wrong timing kasi ngayon stressed pa ko.
After ng kasal pipirma ko pramis

Siguraduhin mo lang.

Pero punta ko sa mansyon ngayon ha?
Bantayan ko si Sab.

Hindi aalis 'yan ng bahay ha?
Wala 'yang pera.
Baka kung saan mo na naman 'yan iwan.

Di na tita. Dun lang kami pramis.
Enjoy mo na lang date nyo ni Tito Ric labyuuuu!

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top