Chapter 41: Disclosure

Nasa biyahe na kami ni Kyline nang mapag-usapan namin ang tungkol doon sa maangas na tatay ng syota yata ni Eugene. Nakakabuwisit kasi kausap.

"He's nice, Clark, really," depensa pa ni Kyline.

"Ky, si Leo, tinawag mo ring nice," sarcastic na sagot ko. "Ano ba talaga definition mo ng nice, Kyline Chua? Linawin na nga natin 'yan ngayon pa lang."

"Hahaha! Sandro is so nice kaya! I mean, sobrang gentleman niya."

"Gentleman na 'yon? Binati ka. Hmm." Ginaya ko naman ang kumpareng tango ng Sandro na 'yon kay Kyline kanina. "Kung 'yon na ang gentleman sa 'yo, Ky, pasado na 'ko para maging santo kapag na-deads ako."

Ang lakas na naman ng tawa niya, tuwang-tuwa. Sabunutan ko na kaya 'to?

"Sandro is really, as in really nice, Clark," pang-ilang depensa niya roon sa Sandro na 'yon. "And you know? He helped Leo din last year sa pag-clear ng documents."

"Help saan?" gulat na tanong ko.

"Di ba, hindi pa rin sure si Leo if gagamitin niya ang Deonida or Vergara as his middle name?"

"O, ano'ng ginawa n'ong Sandro?"

"Ang father-in-law ni Sandro, meron silang foundation na nag-a-adopt ng kids from orphanage. Plus, adopted child kasi si Carmiline. So, before maging Zaspa ang baby niya, if I'm not mistaken, Carmiline Mendoza ang name ng baby before adoption."

"Hagh!" Ang OA na naman ng pagsinghap ko nang pandilatan si Kyline. "Baka anak ko pala 'yon no'ng college."

"Hahaha! I don't think so," natatawang sagot ni Kyline habang umiiling. "Chamee's parents died sa road accident. Si Sandro, best friend niya ang daddy ni Chamee. Siya ang nag-process ng adoption ng baby as per his wife's story."

"So, matagal n'yo nang kakilala 'yon?" tanong ko agad.

"Hmm." Napatingin sa itaas si Kyline para mag-isip. "We knew Sandro sa Parents-Teachers Association. But doon sa adoption story niya, it happened noong graduation nina Eugene last year lang."

Ay, wala ako roon. Graduation din kasi kina Mami n'on. Sinamahan namin siya sa rites nila sa ibang school kaya hindi ako nakasama kina Eugene.

Kaya pala hindi ko alam.

"Inalok kayo?" usisa ko. "O kayo ang nilapitan?"

"Actually, nilapitan namin sila ni Leo after we learned na may foundation sila na nag-a-adopt. Speaker kasi as governor ang father-in-law ni Sandro. So, we asked them kung paano ba ang latest process ng paglakad ng documents ngayon kasi super tagal na rin noong in-apply ang adoption papers ni Leo. Parang amended na rin ang law, so we have no idea talaga sa gagawin."

"Eto ba yung naglalakad si Leo ng papers last summer tapos akala namin, nagbabalak siyang mangibang-bansa na?"

Tinawanan 'yon ni Kyline pero mabilis siyang tumango para sabihing oo.

Importante kay Leo ang adoption papers niya, kasi ang problema niya ay pangalan ng nanay. Kung pangalan ng tatay, wala naman sanang problema, e. Pero nanay kasi ang binago.

Inilakad 'yon sa korte, pero mabilis na na-approve ang pagiging Vergara ni Leopold kasi nga, nailakad na 'yon noon pang nine years old siya.

Personally, mabigat kay Leopold ang pangalan niya, especially maiden name ng mother, dahil nga may trauma siya roon. Isa 'yon sa mga dahilan kaya ayaw niyang sumasakay sa eroplano.

"Yung Carmiline, inampon n'ong Sandro," pag-iba ko ng topic.

"Aly said yes. Siya ang nag-suggest kay Sandro ng adoption. Galing din kasi ng orphanage si Sandro, but sa case niya, inampon siya pero hindi pinalitan ang name. He's complete pa nga raw ng papers like birth certificates niya and ng parents niya, saka death certificates. Leo got nothing sa real mom niya apart from memories. So, parang gusto na lang ding i-remove ni Leo lahat ng details niya related sa tunay na mommy niya."

Saglit akong nabalisa at napatitig sa kalsada pagkarinig ko n'on. May kung ano sa loob ko na nalungkot kasi . . . nakilala ko ang tunay na mama ni Leo. Hindi ko na nga lang ma-recall ang itsura pero sa isip ko, existing siya. Ni hindi ko nga rin nakita ang mama ni Leo na may problema pala sila sa pamilya. Basta ang alam ko lang, susunduin siya sa school pagkatapos ng klase namin.

Nine lang si Leo noong nag-suicide ang mama niya. It was a tragedy na hindi niya naman isinekreto sa amin, pero ayaw niya ring pinag-uusapan namin ang tungkol doon.

Broken pa sa broken ang family ni Leo. Ni hindi nga niya kino-consider na pamilya ang pinanggalingan niya. Yung minsan, kahit nasa gitna kami ng ibang topic, alam agad namin na nasa malayo ang utak niya kasi kahit tungkol sa dinner ang usapan, makakarinig ka na lang sa kanya na sana puwedeng mamili ng pamilya. Sana puwedeng mamili ng nanay saka tatay, gan'on. Si Pat, ang problema, part ng manok; pero siya, ang problema, sana puwedeng iba na lang ang tatay.

Kaya minsan, mas problematic pa kami sa pagpili ng part ng manok kasi hindi namin alam kung paano pipili ng magulang.

Dumeretso kami ni Kyline sa warehouse para mag-inventory ng mga packaging material.

Meron kaming nirerentahang warehouse sa Mandaluyong, doon ibinabagsak ang mga packaging material na nire-resale din nina Kyline. Karamihan ng stock nila, galing pang China. Ini-import doon papunta rito.

Mas mabenta ngayon kasi marami na ang seller online, mas kailangan ng packaging materials. Kaya rin mataas ang demand. Once a month ang inventory namin ni Kyline. Kapag wala ako, si Leo ang kasama niya habang na kina Tita Hellen naman ang mga anak nila.

Nagsuot kami ng hard hat bago pumasok sa loob. Mataas ang ceiling ng warehouse. Halos dalawang floor ang ino-occupy ng buong stocks. Nakasalansan ang mga bubblewrap, airwrap, packaging box, balikbayan boxes, foams, saka bulto-bultong packaging tapes na iba't iba ang sukat at kapal.

Madalas sa madalas, inaabot na kami ng hapon ni Kyline. Meron naman nang records sa amin ang mga bantay rito, ang gagawin na lang namin ay i-check ang mga code for encoding.

"Ma'am, eto po ang mga natirang stock last month. Kukunin na raw 'to sa 18. Hindi na namin isinama ngayong buwan ito sa bilang para din hindi mabilang doon sa mga bagong deliver na hindi pa paid," sabi ni Manong Herbert na warehouse manager dito. Siya rin ang nagbibigay sa amin ng records bago namin i-check kung tama ba.

Iniisa-isa na namin ni Kyline ang mga stock nang may mapagkuwentuhan na naman kami.

"Do you have any Valentine's Day plan, Clark? Feb 13 na bukas," tanong ni Kyline.

"Balak ko nga sanang ayain si Sab sa date. Ang kaso nga kasi, pinagbawalan ako ni Tita Tess makita muna siya."

"Because of what happened sa phone niya?"

"Parang gano'n na nga."

"Maybe you should spend a lot together after this. I mean, time na rin to settle, Clark. Be with the person you love kasi okay naman na kami."

Napatagal ang pagtitig ko kay Kyline habang binibilang ko pa ang stacks ng mga kahon na nakatali roon ng plastic twine.

"You've been with us for so many years you almost forgot you have your own life. Believe me, mas marami ka pang time for Eugene kaysa mga ka-date mo."

"Kasi baby ko 'yon. Natural, may bonding kami n'on."

"How about Sab?" biglang tanong niya na ikinatahimik ko tuloy. "Why didn't you choose her nitong mga nakaraang taon?"

Ang pait ng naging ngiti ko kay Kyline nang sagutin 'yon. "Kasi nag-settle na 'ko bilang kuya niya. Kaya hindi ko nakita ang sarili ko na aabot sa ganitong point. And that's the real struggle." Tumipid ang ngiti ko sa kanya at binalikan ang mga binibilang ko. "Kasi kung nakita ko ang sarili kong pakakasalan siya, baka may nagawa ako noong mga nakaraang taon. Or if sinabi ni Tita Tess ang possibilities with Sabrina noong time na libre kaming dalawa, maybe I worked on us, maybe hindi na awkward ngayon, and maybe marrying her would never a problem kasi mentally prepared ako. You know?"

Kinuha ko sa kanya ang clipboard para ako ang magsulat kung ilan ang nabilang ko bago ibinalik sa kanya.

"But you love her talaga," kinikilig na sabi ni Ky.

"Siyempre, love ko 'yon. Kahit medyo nakakainis siya minsan, love ko pa rin."

"Si Leo, naiinis din sa akin minsan, pero love pa rin niya 'ko."

"Si Leopold, naiinis 'yon sa lahat ng bagay. Normal mode na niya 'yon, Ky, kaya hindi 'yan minsan," sabi ko pa.

Tinawanan lang ako ni Kyline sa sinabi ko, e totoo naman. Hindi 'yon si Leo kung hindi 'yon naiinis.

"Kapag ikinasal na kayo ni Sab, doon na siya titira sa bahay mo?"

Ang lalim ng naging paghinga ko nang itanong 'yon ni Kyline. Isa kasi 'yon sa mga plano ko kapag naisipan ko nang mag-settle, regardless pa kung si Sabrina ang pakakasalan ko.

Ang gusto ko, kung may family pa ang magiging wife ko, kung may sarili siyang business, o meron siyang workplace na hindi niya puwedeng maiwan agad, bibili ako ng property para doon kami sa malapit sa kanya at sa mahahalaga sa kanya.

Isa na 'yon sa naging plano ko since mag-twenty ako, na ayokong maging housewife lang ang wife ko. Kasi si Mami, hindi housewife. Sobrang committed niya sa work niya, sobrang passionate siya roon, and all my dad did was support her. Kung saan man siya pumunta, doon din si Dadi.

Kaya rin siguro hindi ko ma-appreciate ang idea ng pambababae kapag ikinasal na, kasi nakikita ko ang parents ko na kaya nilang i-work out kahit anong distansya nila sa isa't isa. And I still could remember my mom travelling from one island to another para lang madalaw si Dadi. Tapos si Dadi, willing umakyat ng bundok at pumasok sa madilim na gubat na puro rebelde just to see my mom sa liblib na lugar.

If that's not love beyond boundaries, hindi ko na alam pa ang meaning ng love.

And my parents are daredevils! Tapos normal lang ang tingin ko sa kanila dati, like what the fuck?

Mami, nasa gitna ka ng bakbakan, mga kasama mo, namumugot ng ulo, tapos nandoon ka sa kanila? Okay ka lang?

Magpapasalamat na lang talaga ako na si Sabrina ang pakakasalan ko. Kahit siguro sa mansiyon kami tumira, ayos lang. Doon kami sa dulong mini house na wala namang nakatira. Para din hindi na ako magha-hire ng yaya sa bahay ko. Ayokong magpasok ng maid doon unless house cleaner.

Para lang maagang matapos, doon na rin kami sa warehouse kumain ng tanghalian tapos nakabalot pa sa plastic ang kinainan namin. Nasa malaking mug pa 'yon kasi may sabaw, tapos tortang talong na tig-isa kami.

Isa sa mga gusto ko kay Kyline, hindi siya maarte na mahilig mag-'yuck' kapag nakakakita ng hindi masyadong presentable na pagkain. As long as edible, okay sa kanya. Kaya rin hindi mahirap kasama kapag kakain. Noong college kasi, yung OG friends niya, mga batang kanal din kaya siguro sanay na rin. Tapos napasama pa sa mga durugistang dugyot before graduation. Conyo lang siya, pero hindi maarteng nakakabuwisit.

Alas-tres na kami natapos ni Kyline sa inventory. Tinawagan ko si Leo para sunduin siya. Alas-tres y medya, nasa warehouse na si Leo. Pagsilip ko sa backseat, nandoon na si Eugene na naka-uniform pa at mukhang kasusundo lang ng daddy niya. Katabi niya si Luan na nasa baby carrier.

"Hi, Ninong Clark!" masayang bati ni Eugene kaya nanlaki ang butas ng ilong ko.

"Mag-uusap tayo pag-uwi ko, ha," paalala ko agad sa kanya habang nakasilip ako sa bintana ng Adventure ni Leo.

"Huh? Why po?"

"Mag-uusap tayo tungkol sa girlfriend mo."

Ang lakas ng singhap ni Eugene sabay takip sa bibig niya. Gulat na gulat pa habang pinandidilatan ako.

"Ano'ng girlfriend?" nagtatakang tanong ni Leo sa 'kin.

"She's not my girlfriend yet!" sabi agad ni Eugene sa daddy niya, sinilip pa nga sa driver seat.

"Ano'ng girlfriend yet?" tanong din ni Leo paglingon kay Eugene.

"He's talking about Carmiline," nakangiting sagot ni Kyline na nagsi-seatbelt.

"Yung anak ni Sandro? Girlfriend mo? Gusto mong pag-untugin ko kayong dalawa? Tigilan mo 'yan, Eugene, mapapalo talaga kita."

"They're cute kaya, love!"

"Mimy! Don't!" nangingiyak na awat ni Eugene sa mama niya. "We're friends! Dada, we're friends lang!"

"Yakap mo, friends?" tanong ko pa.

"Coming from you pa talaga, Clark, ha?" biglang balik sa akin ni Kyline, malisyosa ang ngisi.

"Umalis na nga kayo!" pagtaboy ko agad sa kanila. "Sige na, dali! Ang bilis malipat sa 'kin ng topic, e."

Umatras na ako para makamaniobra na si Leo.

Sa lagay na 'to, tapos na ang araw ko. Usually, after this, makikipag-date na lang ako. Pero nasa biyahe pa lang ako pauwi, nag-text sa akin si Kuya Tony, dumaan daw ako sa Afitek.

Inisip ko agad, baka may progress na sa tracing ng kaso ni Leopold at doon sa laman ng brown envelope. Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig nang ipaderetso ako sa office ng COO—kay Tita Tess.

Nanlalamig ako sa loob ng katawan habang nakatingin sa kanya. Bihira kong makita si Tita Tess sa loob ng Afitek. Unang beses ko namang makita siya sa office niya sa seventh floor.

Nakasuot lang siya ng sleeveless white dress at pearl necklace. Nakalugay ang buhok niyang medyo kinulot kaya mukhang makapal at may pearl earrings. Simple lang ang makeup niya. Para ngang eyeliner lang at dark salmon na lipstick.

Hindi siya bagay rito sa Afitek. Mukha siyang makikipag-meeting sa mga kumare niya para sa tea party.

"Hi, Tita," sabi ko na lang kasi hindi ko alam kung babati ba ako ng good afternoon. Never akong babati ng good afternoon kay Tita Tess! Baka masuka kaming dalawa kapag ginawa ko 'yon!

Ang office niya sa Afitek, simple lang. Wala nga halos laman maliban sa mga painting sa pader at side table na wala ring laman. May dalawang visitor's chair sa harap ng oval-shaped glass table, may ergonomic chair, at sa likuran niya ang view ng kabilang building na laging may expo.

"Tumawag sa akin kani-kanina lang si Pia, may natanggap daw siya sa school na brown envelope, at ang laman . . . mga record mo."

Sa mismong segundong 'yon, para akong pinukpok ng malaking martilyo sa ulo para lang ibaon sa kinatatayuan ko.

Ang tibok ng puso ko, umabot sa buong katawan. Ang ulo ko, biglang bumigat. Hindi ako agad nakahinga nang ilang segundo dahil sa gulat at takot.

"K-Kay Mami? Sa school?" kinakabahang tanong ko.

"Ang pangalan ng sender, Mickey Mouse. Ang address, Clubhouse. Walang contact number. Walang barcode para sa parcel tracing. Hindi kahina-hinala ang delivery guy. And we're still checking the security footage kung sino ang nag-deliver n'on sa school na ni-receive ng guard sa gate."

Nakuyom ko ang mga kamao at ang utak ko, pinagagalaw ang katawan ko para lang tumakbo palabas at puntahan si Mami sa school kung saan siya nagtuturo . . . para lang malaman ko kung safe ba siya o ano.

"Nagsabi si Tony na may na-receive ka ring kaparehong envelope kahapon na ang laman ay records ni Leopold." Nagtaas ng mukha si Tita Tess sa akin, hinahamon ako ng tingin. "On the way na si Tony para kunin ang envelope kay Pia. At ang unang-unang instruction sa akin ng mama mo? Huwag 'tong sasabihin sa 'yo. Kasi baka ma-stress ka lang since busy ka ngayon sa wedding ni Leo."

"Mami . . ."

Putang ina, sino ba 'tong nanti-trip sa amin ngayon?

"But you're not a kid anymore, Clark. Hindi kailangang itago nang itago sa 'yo ang mga dapat mong malaman. Hindi ka na dapat bine-baby," seryosong sabi ni Tita kaya lalo akong kinabahan para sa safety ni Mami.

"Tita, hindi ko alam kung sino ang nagpapadala niyang mga—"

"Mickey Mouse," biglang putol niya sa 'kin at ang talim ng tingin niya. "Alam mo ba kung gaano karaming drug dealer ang nakakakilala sa code na 'yon?"

"P-Pero . . . Mickey Mouse 'yon, Tita! D-Disney character 'yon, e!" nauutal kong paliwanag sa kanya.

"Pero isa lang ang kilalang Mickey Mouse sa Coastal noon. Hindi rin ganoon kahirap malaman kung sino-sino ang member ng Mickey Mouse Clubhouse na na-involve sa kidnapping case kay Kyline Chua."

Sa mismong segundong 'yon . . . nakatulala na lang ako kay Tita Tess.

Nablangko ako.

Lahat ng salitang puwedeng sabihin, wala akong nabuo ni isa.

Nakatitig lang ako sa kanya, tinatanong ang sarili ko . . . all this time . . . alam ba 'yon ni Tita?

"Tita . . . w-wala naman kaming kinidnap, e . . . di ba?" nanghihinang paliwanag ko, at hindi ko na maitaas pa ang boses ko sa takot.

"Someone's out there . . . sending threats to you. Pinamamanmanan ka, pinadadalhan na kayo ng kung ano-anong confidential documents . . . tingin mo ba, safe ka pa?"

"Pero, Tita . . ."

May kinuha siyang folder at itinaas. Nalipat doon ang tingin ko.

"Sign this." Ibinagsak niya 'yon sa mesa kaya napilitan akong lumapit doon para lang kunin 'yon.

Nanginginig ang kamay ko nang basahin ang unang page. Umawang ang labi ko at hindi ko na alam kung paano pa isasara.

Full disclosure agreement at dalawang klase ng authorization para kalkalin nila ang lahat ng records ko.

"Tita, bakit . . ." Kunot ang noo ko at nangingilid ang luha nang magtanong ng tingin sa kanya. "Bakit may ganito?"

"May hinahanap sila sa 'yo na kahit kami, hindi namin mahulaan kung ano. Kaya uunahan na namin sila bago pa lumaki itong issue."

"Pero invasion of privacy na 'to, Tita."

"Kung pipiliin mong mabuhay na ginugulo ka ng kung sino man ang may kailangan sa 'yo ngayon, puwes hindi ko 'yan pipiliin para sa anak ko."

Parang may malaking sibat na tumama sa akin mula dibdib patagos sa likod na dahan-dahang pinagapang ang sakit at sama ng pakiramdam sa buong katawan ko.

"Hindi ko ipakakasal sa 'yo si Sabrina habang hinahabol ka ng mga taong may galit sa 'yo. Hindi ko ipapahamak ang anak ko dahil lang ayaw mong makipag-cooperate sa 'kin tungkol dito."

"Ano'ng record ba ang kailangan mo, Tita? Ako na ang magbibigay, hindi na kailangan nito!" Saka ko ibinato sa mesa ang folder na inabot niya.

"You tell us, ano ba ang kailangan nila sa 'yo at hinahabol ka ng mga taong 'yon? Kasi wala akong alam," hamon niya. "Malalaman ko lang kapag nakita ko na kung ano ba ang gusto nilang malaman sa 'yo. At kung wala kang itinatago, hindi problema ang pirma mo sa agreement na 'yan."

"Pero, Tita . . ."

Sa isang iglap, lahat ng laman ng utak ko, nawala.

Wala akong makapang sagot kahit anong hanap ko.

"Pirmahan mo 'yan, papayag ako sa kasal ninyo ng anak ko. Pero kung hindi? Mabuhay ka sa gulo hangga't kailan mo gusto, basta akin ang anak ko."

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top