Chapter 37: Clouded


Naabutan na kami ng lunch nang matapos ang pagsusukat sa gown. Nagkaayaan sa malapit na restaurant at nagkanya-kanya kami ng order ng specialty rito. Nag-seafood pasta si Kyline. Chicken and macaroni soup naman si Leo. Nag-house special mac 'n cheese na lang ako na lunod sa keso.

May mga tao sa loob ng resto, pero mapapansin na mas marami pa ring kumakain doon sa labas lalo sa mga karinderya. No wonder why. Laking eatery din naman kami since college. Kompara sa labas, medyo malamig sa loob dahil sa AC, pero hindi klase ng lamig na freezer level.

Sumaglit si Leo sa restroom dahil kinamay ang manok. Natural, nagmantika ang kamay ni gago kaya ayun. Naiwan kami ni Ky sa mesa.

Nagkaroon tuloy ako ng chance para makausap siya.

"Are you okay, Clark?" alangang tanong niya nang silipin ang mukha ko.

Masyado na yatang obvious na hindi ako okay ngayon. Na-combo ka ba naman umagang-umaga, e.

"Sakto lang. Ano lang kasi . . ." Napabuga ako ng hangin saka napatanaw sa labas ng glass wall na katabi namin. "Gusto ko lang kasing maintindihan ni Sab na busy ako sa ngayon kaya hindi ko muna mauuna ang kasal namin. Kaya nga ako nagno-no. Pero kapag wala naman na 'kong ginagawa, wala namang problema, e. Ikakasal na kayo ni Leo. After this, puwede na kami."

"But it's not really about the wedding, Clark," sabi ni Ky, at pagtingin ko sa kanya, parang may sinabi akong nakakadiri sa pandinig niya.

"Ha?"

"It's not about the wedding," ulit niya kaya lalo akong naguluhan.

Paanong hindi about the wedding, e 'yon nga ang pinoproblema ni Sabrina?

"Hindi gets," sabi ko na lang. "Paanong hindi tungkol sa wedding?"

"Sab's been talking about you saying yes to her. And it's not about the wedding. It's about you choosing her."

"Pinili ko naman siya. Hindi nga lang kasi puwede ngayon. Ang hindi ko lang gets, bakit hindi niya 'yon maintindihan."

Hindi sumagot si Kyline pero kung tingnan niya 'ko, parang mas naging nakakadiri pa ako sa paningin niya.

"Madali naman siyang intindihin, di ba?" paliwanag ko pa.

Dahan-dahang napailing si Kyline sa akin, ayaw tanggapin ang sagot ko. "No, Clark, I'm sorry. You're just confusing Sabrina. It's like you're saying yes, but no."

"Paanong confusing? Nakakalito ba yung no for now?"

"Why can't you just tell her a definite answer?" malungkot niyang tanong na lalo ko pang ikinalito. "When I told Leo I will marry him after twelve years, I meant that."

Bumalik na naman sa akin ang dahilan ng mga iyak ni Leo noon habang hinihintay siyang maging ready sa kasal nila.

"Maybe it's the same situation naman sa 'yo na no during that time, but I'm sure naman na si Leo ang pakakasalan ko. I explained to him why it had to be that long because of what happened to my family, and he agreed to it. So, he adjusted sa setup namin.

"He's updating kahit inactive ako minsan. He's keeping in touch kasi siya ang may capability sa amin. He's sending voice messages, or video messages nila ni Eugene. You know? Kahit super layo ko, hindi ko na-feel na iniwan ako o may iniwan ako. He's always there kahit sobrang tired na niya sa studies or sa work. Kahit natutulog pa siya, he was video calling me."

"Kasi OA si Leo," katwiran ko pa.

"He might be, pero ayaw ni Leo na nasa malayo ako, but he compromised. Ronie's doing that to Jae rin, di ba? Si Patrick nga, nag-enroll pa sa baking class just to be with Melanie lagi. We all know Pat's not a kitchen guy."

Ang sincere ng ngiti sa akin ni Kyline nang hawakan niya ang kanang kamay ko at tapik-tapikin ang likod n'on.

"I know you're the best man for Sab, but it's not about the wedding, Clark. It's about you choosing Sabrina—and I'm looking at it from the perspective of how Patrick chose baking even if he was fond of cars."

Lalo lang pinabigat ni Kyline ang pakiramdam ko. Hindi nga kasi puwede ngayon . . .

"Ky, kaya ko 'yon. Hindi pa lang kasi talaga puwede ngayon," depensa ko agad. "After ng wedding n'yo ni Leo, puwede na. Kung gusto niyang mag-model pa ako ng mga tinatahi niya, walang problema. Tapusin lang namin 'tong kasal n'yo."

"You should explain that to Sab," paalala niya, na ilang beses ko nang ginawa.

"Ky, hindi ko na alam kung anong explain pa ang gagawin ko."

"Why? Ano ba'ng sinasabi mo sa kanya?"

"Na no for now kasi kasal nga ni Leo at busy pa ako."

Mula sa sincere look ni Kyline, bumalik ang nangangasim niyang reaksiyon. "Don't do that to Sabrina. That's just—" Mabilis na umiling si Kyline saka iwinagayway ang mga kamay niya sa harap ng mukha. "Just say it in positive tone, okay?" sabi pa niya at mas naging considerate na ang tono. "Tell her, 'Yes, I'm gonna marry you this year. We'll take care muna ng wedding nina Leo, dito ka muna sa mommy mo, and after that, we can be together na. It may take a long wait, but I'll make sure na worth the wait naman ang wedding natin.'

"And even if hindi mo pa girlfriend si Sab, or wala pang engagement, start to ask her kahit sa text lang or sa call for an update. It won't take you that long naman. Hindi matagal ang one or two minutes para mangumusta. Or chat ka about what you're doing or what she's doing, para din may connection pa rin kayo kahit malayo kayo. It works, to be honest. Not needed naman na minute per minute update, but at least an hour or two, or every time you're done with your task or natatagalan ka roon like, sa traffic, ganyan. You're sharing your life with her kasi, and you will share a lot of it once you get married."

Hindi na ako nakasagot. Na-triple kill ako ngayong araw. Pero unexpected na kay Kyline pa ako nakakuha ng sound opinion at just advice tungkol kay Sabrina.

Mas okay sa pandinig ko ang sinabi ni Kyline, iyon lang ang na-digest ko sa lahat ng pinalunok sa akin ngayong araw.

Ang hirap din naman kasi ng transition sa akin. Last July, civil pa kami ni Sabrina, friends pa kami. The next month, biglang ikakasal na. Conditional na, may deadline pa. Mahirap mag-decide kasi wala naman sa plano 'yon.

Ayoko na lang ding magpaliwanag. Ako na naman kasi ang mali kahit anong paliwanag ko sa side ko.

Si Tita Hellen daw ang magsusundo kay Luan ngayong araw kasi araw ng pasyal nila. Habang tumatagal, mas lalong ayoko nang pasamahin sa kanila si Luan. Kinakabahan ako lagi.

"Dadaanan din namin sila sa park," sabi ni Leo bago siya sumakay sa kotse niya. "Kami na ang kukuha kay Luan sa flower shop. Pipili na rin kasi kami ni Ky ng bulaklak."

"'Ge. Ingat, 'tol."

"Ikaw ang mag-ingat mag-drive. Baka lutang-lutang na naman 'yang utak mo, kung saan ka na naman mapadpad," sermon niya, at hindi na ako nakahirit kasi mabilis siyang sumakay sa kotse para makaiwas.

Nasa biyahe na ako nang tawagan si Will tungkol sa invitations. Anong gulat ko nang hindi siya ang sumagot.

"Hi, this is Mathilda. Who's this?"

"Mat!" hiyaw ko at pinandilatan agad ang kalsada. "Ba't hawak mo 'yang phone ni Will?"

"Clark?" takang-taka niyang tanong. Saglit na humina ang linya. "Bakit ang name mo rito, Ninong Epal?"

'Tang inang William 'to, hindi talaga pinalitan ang contact name ko.

"Nasaan si Will?"

"Naliligo."

"Mat! Pota naman, ano'ng naliligo?!" inis na inis na tanong ko.

"Because he is, duh. And don't shout at me, bitch! I'm just guarding his phone!"

"Nasa bahay ka niya?"

"What?! Nasa gym ako! Wednesday? Duh! Nasa shower siya sa office niya. Bantay ako ngayon sa counter."

Ang lakas ng buntonghininga ko dahil doon. 'Tang ina, kinabahan ako nang malala roon, ha.

"What do you need pala? Sabihin ko na lang mamaya pagbalik niya."

"Pakitanong yung invitation kung na-send na ba lahat kasi kukuha na 'ko ng papel ngayon sa warehouse para dalhin sa printing press. Kailangan ko nang mag-design ng layout ngayon, wala pa 'kong mga pangalan."

"Clark, to be honest, Leo's wedding is impossible. If it's kasalang-bayan or sa judge, keri siya. But the standard or even a mas bonggang wedding? Can't be. Trust me, nasa business ako. Organizing this kind of rush wedding is torture and expensive, like hell expensive."

"Alam na namin, Mat. Pero wala na kaming choice. May gown na si Ky, dadaan na sila sa flower shop para sa flowers—"

"Sa prenup?"

"Meron na rin. Na-handle na ni Tita Tess."

"Si Tita? Saan daw?"

"Intramuros."

"Sa vintage garden?"

"Oo. Alam mo?"

"But that's for Ronie's second wedding anniversary. It was Tita Tessa's Valentine surprise for Ronie and Jae. Ako ang nag-recommend n'on sa kanya."

Natahimik ako. Ang lalim ng paghinga ko habang nakatitig lang sa kalsada at nagmamaneho.

Ito na naman kami kay Tita Tess. Obviously, hindi namin 'to alam. Surprise nga raw, so malamang hindi talaga alam.

"Binigay niya kay Leo?" dugtong ni Mat nang hindi ako makasagot.

"Siguro," mahinang sagot ko. "Doon kami pinapupunta sa 13, e."

"Aww, Tita loves you guys so much. No question about that. She always does naman. But I'll tell Will about the invitation thing. May wedding gig din ako sa Feb 13 and 14, sorry talaga, absent ako sa prep. Those were booked pa two years ago." Tumamlay ang boses ni Mat nang sabihin niya 'yon. "But if I can answer kahit minimal details lang about the wedding or need n'yo ng tips. I'll try to provide. Call me na lang sa number ko."

"Sa number mo, please lang, utang na loob. Ayokong tumatawag kay Will at ikaw ang sumasagot, nagtatayuan ang mga balahibo ko sa katawan."

"Hahaha! He's taking a bath nga kasi. Napaka-OA. Sige na, bye na."

Bakit ba kung saan-saan iniiwan nito ni Will ang phone niya? Hindi na lang ilagay sa bag o kaya sa drawer, talagang ipahahawak niya kay Mat? Magsyota na ba sila? 'Tang ina, hindi ko pa itinanong.



♥♥♥



Isa sa mga business partner namin nina Kyline, distributor talaga ng mga papel. Iba't ibang klase. Kung papel lang, isang bisita ko lang sa warehouse, makakakuha na ako n'on kahit ilang kilo pa, regardless kung ilang page.

Pero nasa front desk pa lang ako, nginitian na ako ni Menchie, yung sekretarya ni Mr. Keng doon.

"Hi, Sir Clark! Hanap mo si Boss?"

"Ay, hindi naman. Magre-request sana ako ng special paper." Nginitian ko lang siya para ipaintindi na gusto kong sabihin na rush ang request ko.

"Para sa wedding invitation ba?"

Na-freeze ang ngiti ko sa labi at nawala sa mata. "Obvious ba masyadong for wedding invitation ang kailangan ko?" pilit ang tawang tanong ko. "I mean, hindi sarcastic, ha? For wedding ba talaga madalas 'yon i-request? Walang baptismal o kaya debut, gano'n?"

"Ay, hindi naman! Ano ka ba!" natatawang sabi niya at pabiro pa akong papaluin sana pero hindi naman pinaabot sa akin ang kamay niya. "Si Ma'am Ky, di ba, ikakasal na kay Sir Leo?"

"Nabalitaan mo agad?" gulat na tanong ko kasi parang sa amin pa lang yata 'yon nasabi.

"Nagpa-reserve na rito sina Madame ng papel. Kami na ang magdadala sa Nuevo para sa printing! Grabe sa rush, ha. Ang laki ng inilabas nila for next week agad na delivery. Para kay Madame, grab agad ang Nuevo! E, alam mo naman ang mga peg ni Madame. Ayaw niya ng puchu-puchu lang. If may anda si mamah, i-gora mo na!"

"Sinong madame?" bukod-tanging tanong ko, na kahit may hinala ako, gusto ko pa ring masigurado.

"Ay, sino pa ba? E di, si Madame Tessa. May delivery pa nga kami ng copy papers sa kanila, pero i-prio daw muna namin itong special papers. Pero keri naman namin both deliveries, so getching lang ng orders. May kaperahan naman si Boss Madame."

Gusto ko na lang umuwi sa bahay at maghintay ng susunod na gagawin ni Tita Tess.

Ayoko nang manghula ng susunod niyang gagawin. Para kasing iniisip ko pa lang, processing na sa kanya.


Pogi Onli Klab

Wag na kayong mag-abala sa invitation
Nagpagawa na raw si Tita Tess


Hindi ko alam kung bakit 'to ginagawa ni Tita Tess. Ano ba? Hinahamon ba niya kami? Nakikipagkarera ba siya kung sino ang mas magaling magtrabaho? Kung kami ba o siya? Gusto ba niyang ipamukha sa amin na tama siya lagi? Na kaya niyang ayusin lahat kasi siya si Tessa Dardenne?

Sinasabi niya sa amin na huwag kaming gagastos para sa wedding ni Leo, yet eto siya!

Para saan 'tong mga ginagawa niya?

Just to prove na mas efficient siya kaysa sa aming magbabarkada?

Sige, powerful na siya kung powerful. She was already there at the top. Pero bakit niya kailangang gawin 'to sa 'min?

May contentment ba siyang nakukuha sa pagpapahiya niya sa kung ano lang ang kaya namin ngayon?

Hindi ko alam kung bakit niya kami kailangang sabihan na huwag mangialam tapos siya pala itong mangingialam nang walang pasabi.

Alam kong hindi na 'to para sa kasal namin ni Sab kahit may kasunduan kami tungkol sa kasal ni Leo.

Gagastos siya para lang dito? Hindi siya mag-aaksaya ng pera sa wala. Tingnan ko lang kung hanggang saan gagastos si Tita Tess para lang dito sa kasal ng hindi naman niya anak.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top