Chapter 35: Lost

"Si Sab?"

"Umalis, hindi nagpaalam."

Napasimangot ako sa sagot na 'yon ni Jaesie.

At saan naman kaya pupunta 'yon nang ganitong oras?

"Maybe she's going to her friends. Wala kasi 'yong work," sabi lang ni Rico.

Nakailang tawag na ako, ilang text na rin. Ilang beses ibinaba ang call hanggang sa wala nang nagri-ring at mukhang blocked na yata ako.

"Ano na namang ginagawa mo sa buhay mo, Sabrina?"

Sabay na kaming bumalik ni Rico sa Purple Plate tapos wala pala roon ang kapatid niya. Ang paalala ko, hintayin ako. Tapos biglang umalis.

Tsk, bakit ba kasi ang tigas ng ulo?

Kaninang umaga pa ako pagod. Lulubog na lang ang araw, dadagdagan pa ang stress ko.

Dumeretso na ako sa mansiyon para sana magpatulong na kay Tita Tess. Isang tawag lang naman niya kay Kuya Tony, kahit saang lupalop ng Pilipinas naroon si Sabrina, makikita agad 'yon ng mga taga-Afitek.

Kung bakit naman kasing walang matinong barkada ang babaeng 'yon. Hindi ko tuloy alam kung sino ang kakausapin maliban sa mama niya.

"Titaaa!" tawag ko mula sa labas. Sinalubong agad ako ni Ate Becca.

"Nagdi-dinner na sina madame," paalala niya at sinabayan ko na siya papuntang dining area.

"Silang dalawa ni Tito Ric?"

"Kasama ang bunso."

Saglit akong napahinto sa paglakad at napatitig kay Ate Becca. Napapikit na lang ako at napayuko sabay buga ng hininga.

"Diyos ko, Sabrina . . ." mahina kong nasabi bago naglakad ulit.

Ayokong manisi. Kasi labas si Sab sa issue namin kay Leo. Pero ang simple kasi ng instruction ko. Hintayin ako sa Purple Plate. Magkape siya roon, kumain siya ng low-carbs dessert, basta maghintay. Kasi wala naman siyang mapupuntahan, e. Wala siyang wallet. Wala siyang pera. Ni ID, wala nga siyang dala. Kahit si Eugene, kayang unawain 'yon, e.

Kaya nga pagkakita ko sa kanya na kumakain doon sa dining table, napabuntonghininga na lang ako. Kung wala lang kami sa harap ng parents niya, talagang pagagalitan ko siya.

Hindi man lumingon si Tito Ric, inalok na ako ng upuan katabi ng kay Sab. Doon na ako dumeretso kasi inaya na ako.

Ang tahimik sa mesa. Umaasa na ako ng sermon kasi nga, ang usapan, doon sa akin si Sab. Ang problema, hindi ko alam kung paano 'to nakabalik dito sa mansiyon matapos kong kunin kaninang umaga.

"Sorry po sa nangyari kanina, Tita," paumanhin ko agad bago pa ako simulan sa bunso nila. Hindi ako makatingin kay Tita Tess. Ang lakas pa ng loob kong hatak-hatakin si Sab doon sa garden, dito rin pala uuwi ngayon 'tong babaeng 'to.

"I am disappointed in you, Clark. Hindi ka na katorse anyos na kapag hindi nasusunod, tatangayin mo si Sabrina at magtatago kayo sa kung saan."

"Sorry po."

"Ayoko nang maulit 'to."

Wala akong maisagot. Tumango na lang ako. Alangan namang palagan ko pa, e pinabayaan ko nga ang anak niya sa labas.

Nilapagan na ako ng plato ni Yaya Beth. Ipinagsandok pa ako kahit wala akong sinasabi. Hinayaan ko na lang din. Napansin ko pang kaunti ang sinandok sa akin at pinili ang alam niyang kakain ko lang.

"Jaena made me a coffee yesterday, mahal. Ipapatimpla ko bukas kay Beth sa breakfast." Sinulyapan ko si Tito Ric, ang lambing na naman kay Tita Tess. Si Tita, nakasimangot lang. Hindi ko alam kung galit pa rin ba sa ginawa ko o ano.

Nagpapasalamat na lang ako na isang sermon lang ang natanggap ko ngayon kay Tita, kalmado pa. Kahit na alam kong kayang-kaya niyang ipamukha sa akin na iresponsable ako dahil nga iniwan ko sa kung saan ang bunso niya.

Sira na ang araw ko kaya inaasahan kong si Tita Tess ang cherry on top sa mga nangyari ngayong araw.

Pero natapos ang pagkain namin, wala akong ibang narinig kundi "Kain ka lang, mahal. Huwag ka nang sumimangot," ni Tito Ric. Sinusubuan niya si Tita Tess pero hindi man lang nagbago ang reaksiyon ng mukha ni Tita, nakasimangot pa rin.

Pagkatapos kain, kinausap ko agad si Sabrina. Hinabol ko siya nang pumunta siya sa kuwarto niya.

"Hey!"

Hinatak ko ang braso niya at idinikit siya sa pader, sa gilid ng pinto. Itinukod ko sa gilid ng ulo niya ang kaliwang palad ko saka ako bahagyang yumuko para lang magtapat ang mukha naming dalawa.

"Bakit ka umalis sa café?" sermon ko.

"Why not?" maarteng sagot niya at tinarayan pa ako. Pinagtaasan ako ng kilay at nagkrus pa ng mga braso. "And besides, I'm already home."

I'm already home.

E di sana pala, hindi ko na siya kinuha kanina rito. Dito pala home niya, e. Pinakaba pa 'ko nito, akala ko, kung saan na napunta.

"What now?" maarteng tanong niya.

"I'm calling you. Bakit hindi ka sumasagot?"

"Na-snatch ang phone ko kaya nga ako sinundo ni Tita para iuwi."

Putang ina. Para akong kinurot sa utak dahil doon sa sinabi niya.

Nasa Purple Plate ka na, ligtas na lugar na 'yon, tapos na-snatch ang cell phone mo?

'Tang ina naman, hindi na ba kayang umintindi ni Sabrina ng salitang "Sit and behave" ngayon?

"Na-snatch?" ulit ko pa.

"You know what, Clark? If you're messing with my mom, puwede bang tigilan mo na? Kasi nadadamay ako, e. Can you be more considerate about my feelings right now?"

Ang problema, hindi si Tita! Ang katigasan ng ulo niya ang problema!

Kasi wala namang naghahabol sa kasal naming dalawa! Si Tita, ang sermon, kasal ni Leopold!

Hindi ba kayang i-consider ni Sabrina na ultimo ang kuya niya, stressed na rin ngayon sa kasal ni Leo. Halos lahat, frustrated sa kasal ni Leo. Ultimo kasal ko, hindi ko na mai-consider pa. Ano lang ba yung maghihintay siya sa Purple Plate? Kung gusto pala niyang umuwi rito sa mansiyon, sana itinawag muna niya sa 'kin. Kung aalis siya, sana nagsabi man lang.

Hindi yung malalaman ko na lang, na-snatch ang phone tapos nandito na sa kanila ulit.

"Mum said malapit na raw umuwi si Archie," biglang sabi niya kaya napalunok ako at napaiwas ng tingin.

Ayoko munang isipin si Archie. Tama na 'tong iniisip ko ngayon, ayoko nang magdagdag.

"At least I have someone Mum will definitely like."

Alam kong gusto ni Tita si Archie. Pero sa puntong 'to, hindi ako makaramdam ng threat doon. Hindi ko alam kung dahil ba pagod ako o dahil wala pa naman dito ang Archie na 'yon o dahil gusto ko muna ng space sa unsolicited stress?

"Do you want to marry me or not?" deretsong tanong ni Sab, hinahamon ang desisyon ko.

"Alam mong mali 'yang tanong mo," sagot ko, deretso rin ang tingin sa mga mata niya.

"Walang mali sa tanong ko, Clark. If no, then no. And leave me alone. Don't say no and give me reasons to say yes to your ambiguity. Mas malala ka pa kay Ivo. At least siya, noong nag-no, sigurado siya sa no niya. E, ikaw?"

"Gusto mo ba si Archival?"

"Hindi si Archie ang topic. Ang tanong ko, gusto mo ba 'kong pakasalan o hindi?"

"Sab, please lang-"

Malakas ang naging pagtulak niya sa akin at hindi ako nakalaban. Parang pinabigat pa ng kamay niya ang pagod na kanina pa nasa katawan ko. Nakaharap lang ako sa dingding nang lampasan niya ako.

"You spelled no incorrectly, Clark. You should have said no. And stop playing with Mum's game. We both know na never kang mananalo sa kanya."

Nanghihina na akong humarap sa kanya, pagod na akong makipagtalo ngayon. Itinuro na niya ang pintuan, pinaaalis na 'ko.

"Please leave. You don't have to force yourself kung ayaw mo. At para din hindi ko na tinatanong ang sarili ko kung ano lang ba 'ko sa 'yo."

"Alam mo kung ano kita, Sabrina," mahigpit na sagot ko sa kanya.

"I'm just a little sister to you!"

"Sab, naman! Sa lahat ng nangyaring 'yon, little sister pa rin?"

"Just go! Labas!" Paulit-ulit niyang itinuro ang pintuan. "Talk to me kapag sure ka na sa no mo!"

"I said no for now! Saan ba ang nakakalito doon? Sab, kaunting hintay lang kasi kasal ni Leo. Hindi mo ba kayang i-consider na hindi puwede ngayon kasi nga hindi pa puwede ngayon!" sigaw ko na, walang pakialam kung marinig man kami sa labas. "Even if I said yes, you'll still wait until Leo's wedding is over. Saan ang malabo roon sa yes, but not now at no for now? Was my English that bad para hindi mo ma-gets ang point ko? Can't you just look at your environment right now at isipin man lang na hindi sa ating dalawa umiikot ang universe?"

"Ang sabihin mo, mas gusto mong unahin si Kyline! Kasi my loves mo siya!"

Pota.

Ayoko na, 'tang ina.

Suko na 'ko.

"Sab, mahal kita, pero hindi na healthy 'tong ginagawa mo," pagsuko ko at binuksan na ang pintuan.

"You just proved na totoo ang sinabi ko! Iyo na ang no for now mo!"

"Doon ka matulog sa kuwarto ng kuya mo," paalala ko bago lumabas at isara ang pinto.

Dumeretso ako sa office ni Tita Tess na dalawang pinto lang ang layo kay Sabrina. Pagpasok ko, naabutan ko pa sila ni Tito Ric sa loob na tahimik lang at para bang kanina pa ako inaabangan.

Blangko ang nag-iisang visitor's chair sa tapat ng office table. May sariling upuan si Tito Ric sa tabi ng ergonomic chair ni Tita Tess. Bukas ang dalawang laptop doon kaya iniisip ko nang naabala ng sigawan namin ni Sabrina ang trabaho nilang dalawa.

Pag-upo ko, buntonghininga lang ang nagawa ko at pilit ang ngiti sa kanilang mag-asawa.

"It's normal here," mahinang sabi ni Tito Ric at kinindatan pa ako habang ngumingiti rin nang pilit, pakunsuwelo yata sa hiya ko ngayon.

"Iniwan ko siya sa Purple Plate kasi titingin kami ng gown ni Ky. Kasama ko ang kuya niya, doon kami sa Taguig," kuwento.

"We know," sagot agad ni Tito Ric. "Itinawag na siya ni Jaena pagdating n'yo pa lang doon."

Ang dami kong gustong sabihin kay Tita Tess.

Yung tungkol sa venue sa Intramuros.

Yung tungkol sa wedding prep dapat nina Jae at Rico na ibinigay niya kay Leo.

Yung pag-contact niya kay Auntie Filly.

Pero kahit isa roon, nawalan na ako ng lakas itanong.

"You can't serve two masters at the same time, Clark," seryosong sabi ni Tita Tess sa akin. "Huwag mo munang lapitan si Sabrina."

"Tita . . ." pakiusap ko, at para akong ibinalik doon sa panahong wala akong pagpipilian pa.

"Kung uunahin mo si Leopold, unahin mo siya. Kung anak ko, anak ko lang," matapang na sagot ni Tita sa pagtawag ko. "Nandito na siya kaninang umaga, hinihintay siya ng daddy niya sa lunch. Kinuha mo siya, iniwan mo sa kung saan, umalis doon sa pinag-iwanan mo, na-snatch tuloy ang phone."

Sa utak ko, ang tapang-tapang ko pang sumisigaw ng "Tita, ang anak mo ang hindi makaintindi ng simpleng instruction! Alam nang walang pera, aalis nang walang paalam?"

Pero hanggang utak lang 'yon. Kasi doon pa lang sa Kinuha mo siya. Wala na, e. Talo na 'ko. Kumbaga sa multiplication, sa hinaba-haba ng equation, zero lang ang sagot dahil doon sa nag-iisang zero sa solution.

"Balikan mo na lang si Sabrina kapag kaya mo nang ibigay ang lahat ng oras mo sa kanya," huling sermon ni Tita sa akin. "Ayoko nang kung kani-kanino mo hinahati ang atensiyon mo at pinababayaan mo ang anak ko. Habang tumatagal, nagiging iresponsable ka na."

Ang bigat talaga sa pakiramdam kapag galing kay Tita Tess. Alam mo kasing totoo at ipamumukha pa sa 'yo.

"Sige po, Tita. Tito, uwi na po ako."

Ayoko nang makipagtalo. Maliban sa wala na akong lakas, wala na rin ako sa lugar. Baka sabihin pa ni Tita Tess, kasalanan ni Mami kaya ako nagkakaganito. Itatanong pa kung paano ako pinalaki.

"Mag-ingat pauwi, Clark," paalala ni Tito Ric bago pa ako makarating sa pintuan ng opisina.

"Yes, Tito. Thank you po sa paalala."

Baka kailangan ko rin ng space kay Sab. Napapagod ako sa mga bintang niyang hindi ko alam kung saan ba niya napaghuhugot. Parang natutuyo ang utak ko nang wala sa oras.

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top