Chapter 29: Flooded


"Hoy, William! Ano'ng ginagawa n'yo kanina ni Mat sa mall?"

"Dude, move on!"

"Ano'ng move on? 'Tang ina mo, itinakas mo pa."

"Wait, wait, what's happening, guys?"

Nakauwi na kami ni Sabrina sa bahay at gagawa na raw siya ng fashion project niya. Tumawag naman ang barkada para sa importanteng announcement nga raw kaya kami naka-video conference ngayon.

"What's with Mat?" tanong agad ni Rico.

"Hoy, Ronerico Dardenne!" sabi ko sa kanya at dinuro ang monitor ng laptop ko. "'Yang animal na 'yan, dine-date si Mathilda."

"Sino?"

"Si William!"

Nagsalubong ang kilay ni Rico habang naghihimas naman ng noo si Will. Pigil ang tawa nina Patrick dahil sa ibinalita ko.

"Si Mat?" tanong ni Rico. "William, is that true?"

"Nag-date nga lang kami," mahinahong paliwanag ni Will.

"Are you courting her?"

"Dinala ko lang siya sa lunch, okay?"

"Magka-holding hands kayo! Lunch ba 'yon!" sigaw ko.

"Holding hands lang 'yon. Come on, guys!"

Tumikom ang bibig ni Rico at nawalan ng gana ang reaksiyon bago nagkrus ng mga braso. "Um-hm?"

Tamang higop lang ng juice niya si Patrick at gusto ko sanang itanong kung nasaan ang baby niya, kaso malamang, nasa kamay na naman 'yon ng mga lolo't lola at ayaw ipahawak kahit kina Melanie.

"Nag-lunch lang kami ni Mat, okay?" paliwanag ni Will.

"Who paid for the lunch?" pangangastigo ni Rico.

"Ako, of course!"

"Pero may work si Mat. May work ka rin. You two were supposed to be in different places. How did the lunch happen?"

Si Rico na ang bahalang mag-imbestiga sa kanya ngayon.

"Dude, nag-promise lang ako sa kanya na iti-treat ko siya ng lunch today. Sinundo ko siya sa office, I took her out, nag-mall kami. That's all."

"And the holding hands?"

Nagbuka lang ng bibig si Will, pero hindi nakapaglabas ng kahit na anong sagot sa bibig.

"If you're flirting with Mat, and you have no plan to take things seriously, huwag na kayong tumuloy, William," maagang warning na agad ni Rico. "Of all people, dapat ikaw ang nakakaalam ng situation ninyong dalawa."

"Dude . . ."

"If you two are comfortable with each other, okay, we're fine with that. But we don't want Mat to invest any feelings to . . . you know, kung ano man ang meron kayo. Mat is like a sister to us, and you're our brother. Ayaw naming mamili ng kakampihan."

Hindi nakaimik si Will. Napakamot na lang ng batok niya.

Ako, hindi ako boto sa kanila ni Mat. Maraming dahilan kung bakit hindi. Pareho ko silang mahal kasi parang mga kapatid ko na sila gaya ng sabi ni Rico, at ayokong mapunta kami sa isang sitwasyon na mahirap nang ayusin. Hindi ako ready para doon.

Hindi na talaga nakapagsalita si Will kaya umentrada na si Leo na isa ring busy at tutok sa desktop niya. Nakauwi na 'to sa bahay, at mabuti, hindi ako ang sunod na sinermunan kasi nga, hindi ako ang gumawa ng collection ngayon, nagbantay pa sila ng bunso niya sa office.

"Okay na ba? Puwede na 'kong magsalita?" tanong ni Leo kaya nag-yes naman kaming lahat. "All right. Ganito . . . kauuwi lang kani-kanina ni Ky. Galing siya sa family meeting nila. Sa mga Chua."

"Then?" tanong agad ni Calvin.

"Kailangan na raw naming magpakasal as soon as possible. Ang target date nila, last Friday ng March."

"So sa 31," sagot ni Rico. "Ang bilis. February na, Leopold."

"Kaya nga," depensa ni Leo. "Ang problema kasi, hindi ako makahindi. Iniisip ko kasi kung ano ang gagawin doon."

"May engagement pa ba kayo na iha-handle ng mga Chua?" tanong ulit ni Calvin.

Napailing si Leo. "Walang sinabi."

"Walang engagement, so deretso kasal."

"Siguro."

Kumunot ang noo ni Calvin doon. Malamang magtataka siya. Sa full moon kasi ngayong February, engagement na niya kay Mother Shin. Kahit din ako, ine-expect ko ang ceremony ng mga Chinese sa mga Chua kasi nga, Chinese si Ky.

"Ano pa'ng ibang sinabi kay Kyline, 'tol?" tanong ko na.

"Mag-uusap daw ulit bukas para sa budget ng buong kasal."

"Rush 'to," paalala ko. "Mas mahal 'to, p're. Next month na agad ang wedding n'yo."

"'Yon nga rin ang iniisip ko. E, bukas pa raw maglalatag ng details ang mga Chua. Tinanong ko na si Ky kung puwedeng sumama na 'ko kasi ayokong nagde-decide sila na siya lang ang kinakausap nila."

"O, ano'ng sabi diyan?" tanong ni Calvin.

"Ayaw pa rin akong pasamahin sa mga meeting nila. Noong pirmahan lang talaga ako hinanap."

Walang nakapagsalita sa amin. Ako, hindi ko mahanap ang salitang dapat sasabihin ko. Nabuwisit lang ako, e.

Ayoko talaga ng ganitong mga usapan. Hindi naman sa wala akong tiwala sa pamilya ni Kyline, pero ang dami kasing rason para hindi sila pagkatiwalaan. Eto ngang ginagawa nila, habang tumatagal, lalong hindi na katiwa-tiwala.

"You're supposed to be there, right?" sabi ni Rico, hindi na rin yata nakapagtimpi. "Ikaw ang pakakasalan, dude. It's your obligation to be there kasi nga, hihingin mo ang kamay ng anak nila."

"Oo nga, nandoon na tayo," depensa ni Leo. "Ang kaso nga kasi, ayaw nga akong pasamahin."

"Why?" naiirita at nagtataka nang tanong ni Rico. "You're the father of Ky's children. You're gonna marry her, sila pa ang nag-suggest. Why do they have to take out sa picture wherein dapat nandoon ka in the first place?"

"Exactly!" naiinis na ring sagot ni Leo. "Rico, kung ako lang ang masusunod, ha. Kung ako lang! Sasamahan ko si Kyline kahit magpunta pa 'yan ng China kahit ayokong sumakay ng eroplano. Ang problema nga, itong pamilya niya, kung walang kailangan sa akin, hindi ako hahanapin."

"You need to confront them, Leo," suggestion ni Rico.

"Paanong iko-confront, e puro Chinese ang sinasabi kapag nag-uusap sila. Hindi naman ako nakakaintindi n'on."

Sa buong barkada, sina Calvin at Patrick lang ang marunong mag-Chinese na . . . yung fluent talaga. Alangan namang magtangay si Leo ng translator doon sa family meeting?

Kahit gustuhin man naming mag-celebrate kasi, at last! Ikakasal na si Leo, after more than decade—hindi namin magawa. Ang siste kasi, bina-bypass talaga siya harap-harapan.

Habang nag-uusap-usap kami, hindi ko maiwasang mag-compare. Iniisip ko, kung si Tita Tess ba ang nasa ganitong sitwasyon, gagawin din ba niya kay Jaesie ang ginagawa ng mga Chua kay Leo?

Hindi naman sa basis ko ng kasamaan si Tita Tess, pero alam kong kaya niyang gawing miserable ang mga bagay-bagay kapag nabuwisit siya lalo kapag ayaw niya sa tao. Yung tipong isang "Tony" lang niya sa call, mapapaiyak na niya ang isang buong baranggay.

Nabubuwisit nga rin siya kay Jaesie noong first wedding anniversary ng panganay niya. Pero hindi naman niya ginanito gaya ng ginagawa ng mga Chua kay Leo.

Nabubuwisit si Tita Tess kay Jaesie pero nag-agree pa rin naman siya sa gustong white superhero jumpsuit ni Jae noong kasal. Bumili pa siya ng 10-page column sa magazine para lang i-welcome ang bagong parte ng Dardenne family. Nag-hire pa siya ng columnist para i-introduce si Jaesie in public nationwide. Ni-rent pa niya ang buong yacht club kahit ayaw namin doon kasi gusto nga namin sa location na kusina para makakain kami. Nag-rent pa siya ng high-end studio para sa photoshoot kahit may photoshoot naman na kami last year. Lahat ng alahas na suot ni Jaesie noong kasal, siya rin ang bumili.

Sa lagay na 'yon, hindi pa sila close ni Jae at nabubuwisit pa siya.

Ang hirap iwasang magkompara kasi hindi naman deserve ni Leo na mahirapan nang ganito sa kasal na matagal na niyang hinihintay. Alam naman naming hindi boto ang mga Chua sa kanya, pero kahit sana respeto na lang bilang magiging asawa ni Ky at bilang tatay nina Eugene at Luan.

Gusto ko sanang sabihin kay Sabrina na mapapaaga ang kasal ni Leo kaya baka matuloy ang kasal namin sa June. Hindi ko nga lang alam kung paano 'yon sasabihin kasi pakiramdam ko, ang selfish kung uunahin ko pa ang sarili ko bago si Leo, e kung tutuusin, hindi naman mahirap kausap si Tita Tess. Baka nga ngayon pa lang, nagpapagawa na siya ng design sa wedding gown ni Sabrina, wala lang kaming kamalay-malay.


♥♥♥


Nagsusunod-sunod ang issue na gusto ko sanang i-settle nang paisa-isa lang.

Balak ko sanang dalawin si Uncle Bobby para makausap doon sa sinabi niya tungkol sa akin at sa Red Lotus. Ayoko kasi ng misinterpretation pagdating sa negosyo.

Pero kailangan ko rin munang samahan si Sabrina para ayusin ang kaso niya sa Sun-Dias. Ngayong araw ko 'yon in-schedule kasi naglinis na ako ng appointment ko buong araw kagabi.

Gusto ko ring kausapin si Tita Tess tungkol sa kasal ni Leo kasi nga, baka matuloy ang kasal namin ni Sabrina sa June dahil seryoso yata ang mga Chua sa gusto nilang schedule sa March.

Pinili ko na lang kung sino ang may pinakamaikling pasensiya rito sa tatlo—si Sabrina muna ang uunahin ko.

Pumunta kami sa building ng Sun-Dias sa Ayala. Sobrang lapit sa dating condo ni Sabrina kung tutuusin, kabilang street nga lang. Kakausapin namin si Olga Serrano.

Mas kilala ang senior vice president ng Sun-Dias bilang Madame O. Noong nawala ang Red Lotus sa sistema, umangat ang Sun-Dias at ang iba pang talent agency.

Mahigpit kalaban ang Red Lotus pagdating sa negosyo lalo na noong si Mother Shin ang nagpapatakbo.

Hindi naman sekreto ang tungkol sa website ng Red Lotus kung saan puwedeng mag-book ng escort, pero nandoon siguro ang kaibahan ng pamamalakad ni Mother Shin sa ibang talent agency.

Kapag may pumapasok sa site na ang goal lang ay kumita ng pera, para kay Mother Shin, hindi natatapos doon lahat.

Noong pumasok ako sa site para mag-prosti out of curiosity, ang in-expect ko lang talaga, babayaran ako para mag-prosti all the way.

Pero gaya ng paulit-ulit na reminder ng mga road manager at PA sa talent agency niya, ayaw ni Mother Shin na hanggang prosti lang kami. Itinatawid niya kami sa legal para kung sakaling kailanganin namin ng pera, hindi na namin kailangang mag-prosti. Doon na kami magwo-work sa malinis nang paraan.

May pangarap siya para sa mga pumapasok sa Red Lotus. Ako nga, wala akong pangarap noong pumasok ako roon; pero siya, may pangarap siya para sa 'kin bilang underling niya.

May offer din sa akin ang Sun-Dias for advertisements, pero hindi ko kayang tanggapin ang offer kasi ang loyalty ko talaga, nasa Red Lotus. Kung hindi si Mother Shin ang hahawak, ayokong mag-model sa kahit na anong billboard o lumabas sa kahit na anong ads.

"Okay lang ba talagang wala tayong kasamang lawyer?" usisa na naman ni Sabrina habang nilalakad namin ang floor papunta sa office ni Madame O.

"Okay nga lang. Wala ka pa namang pipirmahang kahit na ano," paalala ko.

Kanina pa kasi aligaga si Sabrina tungkol sa termination ng contract niya. May dilemma naman ako kung tutuloy ba ako rito para kay Sab o papatusin ang gusto ni Tita Ali na magtayo kami ng sariling talent agency.

Pagdating doon sa office, napa-Bahala na lang ako.

I must say, ang ganda ng interior ng office ni Madame O. Lahat ng bragging achievements, nakahilera sa mga dingding. Tanaw ang city view sa fiber glass wall pagpasok. May mahabang oval table bilang office table niya at may modern sofa set sa gitna ng office para sa mga bisita.

"Sabrina! Good morning," masayang bati ni Madame O kay Sab. Kaedad niya halos si Tito Ric. Nakasalamin siya na makapal. Maikli ang buhok niyang kulay silver na at wala yata siyang balak pakulayan. Pareho nga halos ang taste nila ni Tita Tess sa damit at alahas. Pero ang bata pa ring tingnan ni Tita sa kahit anong isuot niya.

"Good morning, Madame O. It's so nice to see you again!" bati rin ni Sabrina paglapit namin at nakipagbeso pa siya kay Madame O.

"How are you, honey?" nakangiti niyang tanong, kinuha pa ang mga kamay ni Sab para hawakan. "Tessa said you're getting married. Congratulations!"

Grabe talaga si Tita Tess, ang bilis magbalita.

"Kaya nga pina-process ko agad ang contract kasi I understand and I get where she's coming from. You're not getting any younger, and alam mo namang sobrang close kami ng mama mo. Parang anak na rin kita."

"Actually, Madame O—"

Hindi natapos ni Sab ang sinasabi niya nang malipat ang tingin sa akin ni Madame O, e saktong nasa likod lang ako ni Sab.

"Oh my—Mr. Mendoza!"

"Hello, madame! Good to see you again!" masayang bati ko.

"Hindi ka nagpasabing pupunta ka!"

"Well . . . hehe." Ayoko rin namang sabihin.

"Wait . . . magkaiba ba kayo ng agenda?" tanong Madame O, turo-turo kami ni Sab. "So I could book a different location aside from here."

"Okay lang, madame," putol ko. "Actually, I'm with Sabrina."

"Oh! Why?"

"About sa contract niya."

"Ah! I see. Have a seat."

Papayag kaya si Madame O na makipag-negotiate sa akin? Malamang kasi, tatablahin ni Tita Tess ang gagawin ko ngayon, pero baka kayang i-compromise.

Magkatabi kami ni Sabrina nang maupo sa sofa. Nakaupo sa kabilang seat si Madame O at nagtataka ang tingin sa aming dalawa ni Sab.

"Akala ko, nandito ka na para kunin ang contract mo under us," buyo ni Madame O sa akin, ang daling basahin ng ngiti niya. "Kinukuha ka rin ng Rayvën for their new release, ayaw mo talaga? Sayang!"

Magandang offer ang meron sa Rayvën. May international release din sila na posibleng masamahan ko once pumayag ako.

Pero gusto ko talagang mag-stick sa management ni Mother Shin.

"Gusto ko sana ang offer, madame," paliwanag ko. "Kaso alam mo naman, hectic ang sched ko. Anyway!" Inakbayan ko agad si Sabrina. "Ite-terminate na raw ang contract ni Sab."

"Oh." Ang bilis na nawala ang ngiti niya sa akin. "I'm sure, na-explain na ng lawyer ni Sabrina ang reason why we have to terminate the contract. Although, stated naman na since fulfilled na niya ang first five years of the brand, puwede na 'yong i-terminate without any violation, or i-amend based on the other clauses related to her age."

Tama rin. Wala nga akong makitang questionable sa contract.

"We're trying to keep the brand pero marami kasing effect ang wedding since ang balita ni Tessa, may media. May interviews din. Nagpapa-reserve na siya ng slot for the magazine cover and other articles. Hindi namin puwedeng i-disregard 'yon kasi may market ang Sabrina's. We have to stay sa market na target ng brand, which, unfortunately, is not the market of a married woman."

Agree din. Nasa contract din 'yon. Nakalagay naman ang scope ng agreement.

"May chance ba for rebranding para sa market?" tanong ko agad. "I mean, iki-keep ang Sabrina's pero ie-expand lang ang market sa another age bracket."

"'Yan din ang napag-usapan namin ni Tessa last time, and she's still in consideration sa pag-extend ng contract. Gusto kasi niyang mag-focus na lang si Sabrina as a housewife after the wedding. Sabi ko nga, sayang naman."

Ano raw?! Housewife?!

Pinigilan kong huwag pandilatan ang center table sa pagitan namin ni Madame O kasi hindi ko ma-imagine si Tita Tess na sasabihin 'yon.

Ayaw ni Tita Tess na may natetengga sa bahay nila. Lagi niyang sermon kina Roxette saka kina Tammi kapag doon kami natatambay para lang mag-bonding na kung babae ka raw, mag-work ka. Huwag kang papayag na paupo-upo ka lang sa bahay. Para kapag iniwan ka raw ng asawa mo o boyfriend mo o kapag ginusto mong humiwalay sa kanila, hindi ka manlilimos ng awa sa kung sino-sino.

Kaya rin siguro nakakatakot si Tita Tess bilang babae. Parang na-unlock na niya ang napakaraming sekreto sa mundo.

And speaking of Tita Tess . . .

"Wala pang amendments, madame?" tanong ko na lang kay Madame O tungkol sa kontratang gawa ni Tita Tess.

"Wala pang amendments na napagkakasunduan kasi wala pang update sa wedding. Basically, heads up lang ito for us, and for Sabrina kasi it will take us, at least, thirty days to process everything. May ongoing releases kasi ang Sabrina's and the whole cancellation process costs too much."

Ayun! Napapalakpak tuloy ako. "Good! Bigyan kita ng offer, madame!"

Biglang nagliwanag ang mukha ni Madame O. "Oh, offer?"

"Magpapa-amend kami ni Sabrina ng contract niya for Sun-Dias," sabi ko.

"Okay, then?"

"Magpapasa ako tomorrow ng copies ng amended articles para sa contract ng brand."

"Oh, bakit ikaw? Where's the lawyer nina Tessa?"

Napangisi na lang ako. "Ako na kasi ang magha-handle kay Sab."

Mula sa tuwa, bumagsak na naman ang ekspresyon niya

"Why you?" nagdududang tanong niya. "I mean . . . no offense meant, Mr. Mendoza, pero . . . si Tessa kasi ang kausap ko regarding her kid."

"I'm Sabrina's soon-to-be husband," pag-amin ko.

"Really?!" kunot-noong tanong niya.

Iniwasan kong magbigay ng kakaibang reaksiyon kasi . . . hindi ba sinabi ni Tita Tess na ako ang pakakasalan ni Sab? O . . . sinabi lang niya na ikakasal si Sab, pero wala pang announcement kung sino ang husband?

Pinilit ko na lang ngumiti.

"Wow! Congratulations to the both of you!"

"Thank you, madame," sagot ko at ibinalik ang usapan. "Gusto ko sanang ako na ang maghawak kay Sabrina para sa future projects niya. Si Tita Tess kasi, gusto niyang i-terminate ang contract. Ako, personally, nanghihinayang ako sa possible income and sa upcoming projects na maka-cancel."

"Yes, I know . . ." Tumango-tango pa siya habang malungkot ang reaksiyon.

"What I want is sa amendments, lahat ng karapatan ni Sabrina, mata-transfer sa firm ko," esplika ko. "Magkakasundo tayo sa amendments at sa percentage. Labas na ang mga Dardenne dito."

"Puwede ko bang i-update si Tessa regarding this?"

"Nakapirma po ba siya sa contract, madame?"

"Her lawyers fixed everything."

"Ah, I see . . ." Napatango ako. "Let's agree to this, madame." Naupo ako nang maayos, nagsalikop ng mga kamay, at seryoso siyang tiningnan. "Gusto ni Titang i-cancel ang contract. Hindi puwedeng malaman ni Tita Tess na nilalakad ko 'to para kay Sab."

"Okay, then?"

"I'll give you time to consider this offer, madame. Kapag nag-agree ang Sun-Dias na i-amend ang contract ni Sab under my supervision, tatanggapin ko ang isang project under Sun-Dias."

Nakitaan ko agad ng gulat ang reaksiyon niya sa sinabi ko.

"'Yan ay kung matutuloy sa akin si Sabrina, madame," dugtong ko agad at lumapit kay Sab saka siya hinawakan sa baywang para idikit sa akin. "Take her, take me."

Napapikit-pikit si Madame O at ngumuso sa kanang gilid.

"How about three brands?" deal ni Madame O. "I can't keep the process going for Tessa that long. Pina-process din niya 'to."

"Two brands?" sabi ko.

Sumimangot siya. "Three. Final offer."

Sige na nga. "Okay, three. As long as sure ang amendments under me."

Nagkasundo na kami roon ni Madame O. Ayoko sana pero baka magawan ko ng paraan ang endorsement sa side ko. After all, pipiliin pa ulit ito at ide-deliberate ng mga marketer ng mga company.

"All right, since we agreed to it, madame, magpapasa ako tomorrow ng soft and hard copy ng amendments sa contract ni Sabrina. Ipade-deliver ko na lang direct dito sa office mo, madame, para i-review." Tumayo na ako at kumuha ng calling card sa wallet. "You still have my contact number, pero tatanggapin ko ang soft copy ng contract for me under Sun-Dias para i-review. Hoping by next meeting, magpipirmahan na lang."

Tinanggap naman niya ang card ko. "Thank you so much for considering things today, Mr. Mendoza."

Inalok ko na ang kamay ko kay Sab para alalayan siyang tumayo. Kinuha naman niya ang kamay ko at doon na natutok ang tingin ni Madame O.

"By the way, congratulations to the both of you!" masayang sabi ni Madame O. "Sana ma-invite ako sa wedding."

"We will, madame," sabi ko. "Mauuna na po kami. Maraming appointments. You know, business days, as usual."

"Ah, yeah! Yes, sure."

Parang bigla akong na-drain paglabas namin ng office ni Madame O.

Na-miss ko tuloy si Mother Shin. Kapag kasi nasa agency ako, tamang chika-chika lang ako sa mga PA saka mga floor manager doon. Kung makipag-bargain man ako, malamang kapag binibiro ko si Mother kung sasama siyang magpakuha ng shot sa akin o hindi.

Nag-check na lang ako ng TG saka Discord, baka may balita sa barkada. Sa Discord, wala. Sa TG ang makalat.


Pogi Onli Klab


Dada Leo
Tuloy yung wedding sa 31

Daddy Rico
Where u at?

Dada Leo
Sa kotse. Sinamahan ko si Ky sa fam meeting nya

Koya Will
Why are you in the car, dude?

Dada Leo
Bawal nga ako sa loob

Daddy Rico
😑

Koya Will
😑 (2)

Boss Bing
😑(3)

After 23 minutes pa bago ang reply ni Leo.

Daddy Rico
Update?

Dada Leo
Binigyan si Ky ng tseke.

Daddy Rico
OK?

Dada Leo
25k.

Daddy Rico
For?

Dada Leo
Wedding expenses.

Daddy Rico
For what?

Koya Will
For what? (2)

Boss Bing
For what? (3)

Dada Leo
Tangina nanghihina ko.
Tangina talaga ng mga hayop na to
Parang hindi kamag-anak yung sinusuportahan

Daddy Rico
Yung 25k, overall expenses na?

Dada Leo
Oo

Boss Bing
Dude, bayad lang 'yan sa photography studio

Daddy Rico
Can you ask them why 25k lang?

Dada Leo
Di ko nga makausap yung mga nasa loob. Tinetext lang ako ngayon ni Ky.

Boss Bing
Leo, ask mo nga si Ky kung puwedeng i-video. Try kong i-interpret

Dada Leo
Sige saglit


Doon natapos ang convo. Naka-seen lang kaming lahat, wala pang kahit anong video o reply na sumunod sa sagot na 'yon ni Leo.

Eto na naman ang utak ko, lumulutang na naman.

Ano ba kasi'ng problema ng mga Chua? Para namang nanakawan sila nang malala.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top