Chapter 21: Relatives


Maraming pamilyar na mukha sa venue. Ramdam ko rin na karamihan doon, hindi mo madaling malalapitan when it comes to different aspects such as social class, persona, and distance.

Forty-five minutes pa raw before mag-start kasi nasa biyahe pa si Father. Nagla-lunch ang lahat, at napakasuwerte naming mapadpad sa mesa ng mga kamag-anak nina Melanie na balak sumukat sa pasensiya naming magbabarkada.

Napili namin ang table kasi malapit sa entrance ng magiging puwesto namin mamaya sa labas, sa may fountain. Medyo malayo ang parents namin sa amin kasi doon pa sila sa kabila, halos sampung mesa ang layo kung nasaan kami.

Hindi naman sa outcast pero ramdam namin kung gaano ka-"hangin" ng mga nasa puwesto namin na ultimo si Rico, hindi komportable sa pinag-uusapan nila. Isinali nila kami kasi parang getting to know each other's company ang gusto nila. Para nga raw magkakila-kilala kami dahil nga pamilya sila ng ikakasal, pamilya na rin kami ng ikakasal—kumbaga they were trying to build connections. Naintindihan namin 'yon that was why we engaged sa conversation. Pero kasi, parang may something sa topic nila na hindi okay para sa ilan sa amin.

Mesa 'yon na dose ang puwedeng makaupo, kami ang nasa anim na upuan sa left side. Sa dulo si Rico, magkakatabi kaming tatlo nina Leo at Eugene. Si Eugene sa dulo, daddy niya, tapos ako na katabi itong mga kasama namin sa mesa. Magkatabi sa kabila sina Calvin at Will. Tapos puro na sila lalaki roon sa dulo.

Pinag-uusapan namin kanina ang ibang babae. Sa amin, wala namang problema. About kasi sa kasal, ano-ano ang expectations, and all. Normal topic kung tutuusin, not until may lalaking nag-drop na nakita raw niya si Jaesie at hindi yata niya alam kung sino ang asawa—na kasama lang din niya sa mesa.

Ang sideway glances namin, talagang from Daddy Rico on the left corner to right.

"'Ganda pa rin ni Jaesie, 'no?" sabi ni Ace, isa sa mga pinsan ni Melanie sa Phoa side.

"Pupusta ako, sampu sa mga nandito sa wedding, naka-date o kaya naka-MOMOL na niya before," sabi ni David na pinsan din sa side ng mga Phoa.

Tumikom ang bibig namin nina Calvin at Will kasi kung ako ang tatanungin, pupusta akong nasa kinse mahigit sila kasi tatlo na kami sa mesa pa lang na 'yon.

Pero kung kami talaga ang tatanungin, hindi na lang kami sasagot kasi baka manaksak itong asawa sa gilid.

"Hahaha! Gamit na gamit si Jae. Buti hindi na-turn off asawa n'on sa kanya?"

"Gago, laspag na 'yon."

"Iba pa rin talaga kapag virgin. Mas masarap."

Napahigop ako ng malamig na malamig na red tea habang pinandidilatan ang mesa, hinihintay sa gilid ng mata kung may lilipad na bang steak knife papunta sa kabila.

"I don't think marrying someone has anything to do with virginity."

Sabay-sabay pa kaming napatingin kay Leo nang sumabad siya sa usapan sa kabila. As in of all people! O tingin ko, inunahan lang niya si Rico.

Natawa nang mahina ang mga kasama namin sa mesa.

"Bro, Jaesie's beautiful, that's settled," katwiran nitong si JJ na isa sa malalakas tumawa kanina pa. "Pero iba pa rin kapag virgin ang babae, of course."

"So, you prefer a 30-year-old virgin?" hamon ni Leo.

"Bro, panis na 'yon!"

"Sinasapot na 'yon. Kadiri."

"That's not what we meant, bro."

"Ang sinasabi namin, yung mas bata."

Halos lahat sila, nandiri sa tanong ni Leo.

Saka ko lang napansin na pinipigilan nga niyang magsalita si Rico. Malamang kasi alam na niyang hindi patatapusin ni Rico ang kasal nang hindi nalalampaso itong mga nag-uusap tungkol sa asawa niya.

"So, your sexual perversion is targeting young girls, that's why you prefer teen virgins to be your sexual object," sabad ni Rico kaya napaupo na kami nang deretso nina Calvin kasi hindi naremedyuhan ni Leo ang usapan. "Mga pedophile ba kayo? Sakit na 'yan, pagamot na kayo."

"Bro, sabi ko, virgin—"

"Then why did you decline a 30-year-old one? What makes a 15-year-old virgin different from a 30-year-old?"

"Dude, easy," mahinang pag-awat namin nina Calvin kay Rico.

"What we mean is—"

"What you mean is that you're preying on girls who can't defend themselves and scared of women who can assert their rights in front of your fucking face."

"Virginity ang topic—"

"Prefer mo ang virgins kasi hanggang clitoris lang ang kaya mong i-penetrate, yes, that's the topic. Tell us you have a small dick without telling that you have a small dick."

Sabay-sabay na kaming tumayo nina Calvin at Will at hinatak na namin si Rico patayo sa mesa.

"'Tol, pito 'yan, 'tol. Magbe-best man ka pa."

Nagsitayuan na rin ang mga pinsan ni Mel.

"'Yabang mo, a. 'Pinagmamalaki mo, ha?"

"Oh! You wanna see it?" maangas na sagot ni Rico sabay hawak sa belt niya at akmang huhubarin 'yon.

"Hwoy, putang ina, 'tol, kabibihis lang sa 'yo ng kapatid mo."

"Ilayo n'yo yung belt! Ilayo n'yo yung belt!"

Nakailang tulak kami palayo kay Rico kasi talagang gusto niyang balikan yung mesa.

"Dude, easy-han lang natin, ha? Kasi balwarte pa rin 'to ng mga Phoa. Baka ma-office tayo niyan," paalala namin kay Rico.

Naintindihan naman namin ang ikinasasama ng loob niya. Hindi lang kami makaimik nina Calvin kasi guilty by default kami, ex-fling namin si Jae, e. Kung may makasalo man sa amin, si Leo lang talaga. Kaso hindi rin kinaya.

Ang sarap pa naman ng leche flan na kinakain ko, hindi ko tuloy naubos.

Sa aming magbabarkada kasi, hindi namin bini-big deal ang bagay na 'yon, especially, tatlo kaming may background sa medicine and anatomy. Si Leo, hindi siya naniniwala sa concept of virginity—ultimo sa concept nga ng kailangan palang magkasyota, hindi rin siya naniniwala. Si Calvin, mas lalo na. Natatandaan ko pa na ayaw ni Calvin ng virgin kasi parang may burden sa kanya 'yon. Si Will, tanggap niya lahat ng nilalang na nabubuhay sa sanlibutan, tuldok.

And I don't see virginity as something na dapat i-consider while choosing someone to marry. Malamang kasi kahit single mom ang pakakasalan ko, ayos lang, basta mahal ko siya. 'Yon lang, hindi naman siya single mom, so okay lang din.

Gets ko naman ang point nitong mga pinsan ni Melanie, wala nga lang talaga sila sa hulog kasi ang obvious na selective lang sila sa gusto nila.

Mas gets ko rin ang point ni Early Bird, lalo pa't nagsimula ang usapan tungkol sa asawa niyang tinawag na laspag.

Yes, nandoon na kami na posibleng maraming ex-fling si Jaesie na um-attend ngayon dito sa kasal ni Melanie, pero hindi naman 'yon ang point at hindi siya ang ikakasal para maging topic. Asawa lang niya ang best man, yes. Pero mukhang hindi rin kilala ng mga pinsan ni Melanie kung sino ang asawa si Jaesie.

Ayun tuloy, pagdating pa lang sa puwesto namin, kada daan ng mga tao sa likuran ng backdrop, dinig namin ang bulungan na nagkasagutan daw itong Dardenne at isa sa mga Phoa.

"Ang yabang n'ong Dardenne, palibhasa mapera."

"Hindi na ako nagtaka. Arogante rin naman ang nanay."

Para kaming natutuod sa upuan habang naririnig namin 'yon sa mga tsismosa sa likod.

"Alam naman nating lahat na hindi 'yan kasalanan ni Rico," paalala agad sa amin ni Leo.

"Alam namin . . ." Para kaming mga nasa misa na sabay-sabay tumugon sa mababang boses.

"Basta kapag nagtalo-talo na kasama si Tita Tess, alam n'yo na ang gagawin."

"Alam namin . . ."

Iniiwasan namin ang mga ganitong issue sa mga ganitong event kasi ang mga nanay namin—kung kami, ayaw padaig, mas lalo na sila.

Ramdam din naman namin na ang yayabang ng mga Phoa. Mayabang na sina Rico, pero iba ang yabang ng mga Phoa. Yung hindi namin kayang i-tolerate na mas gusto na lang namin manahimik kaysa pumatol kasi sayang oras sa kanila. Napakabobobo ng mga putang ina. Ubos na brain cells namin, pagod pa kami. Sinukuan na lang namin.

'Yon lang, hindi na kinaya kanina kasi asawa na ni Rico ang topic. Napalampas pa namin ang misogynistic remarks nila sa mga napiling bridesmaid. Partida, puro barkada lang talaga 'yon ni Melanie at bukod-tanging si Jaesie lang ang ka-close namin maliban pa kina Shiela at Leila ng Purple Plate. Siguro nga, inisa-isa nila hanggang makaabot kay Jaesie. Ang hindi lang nila na-target ay si Kyline. Siguro kasi alam nilang um-attend ang mga Chua ngayon.

Siguro para sa iba, cute lang na nag-maid of honor si Ky (kahit na matron sana ang itatawag sa kanya kaso hindi pa kasi siya kasal). Hindi man pansin sa buong event, pero big deal ang pagtanggap ni Ky sa invitation ni Melanie para maging maid of honor. Naging way ang kasal na 'to para magkaroon ng easy access ang mga Chua sa mga Phoa.

Para sa negosyo, sobrang laking bagay ng kasal na 'to para sa lahat ng nandito ngayon kasi hindi lang 'to basta kasal. Negosyo ang isa sa mga nakalatag sa mesa.

Hindi madaling lapitan ang mga Lauchengco—ito, may dalawang take ako rito. Kung lalapitan na physically, siguro kaya. Kung tulong na, dadaan talaga muna kay Marita Sy bago kay Robert Lauchengco kasi iisnabin lang sila ni Uncle Bobby unless may approval ni Tita Liz.

O siguro, masuwerte lang ako kasi nakakadalaw ako sa mga Lauchengco nang sobrang dali.

Madaling lapitan si Uncle Bobby para sa akin. Sa end ko, super dali lang, to the point na kahit alas-singko ng madaling-araw, nanghihingi ako sa kanya ng pagkain pang-almusal. Madalas sa madalas, kami lang ding dalawa ang nag-aalmusal nang sabay tapos bahala na sina Tita Liz saka si Patrick.

Ang connection, abot na abot. Isa siguro ako sa mapapalad na naambunan kung gaano kalakas ang impluwensiya ni Robert Lauchengco pagdating sa negosyo. Yung kalalabas ko pa lang sa school after graduation, binagsakan niya agad ako ng billion-peso worth of project from different companies.

Imagine na kung kaya akong gawan ng ganoong pabor ni Uncle Bobby samantalang fresh graduate lang ako, wala pa ako masyadong napapatunayan sa sarili ko, na-summon niya 'yon without my knowledge; what more itong mga taong paniguradong may sari-sariling impluwensiya na at nagpapalawak na lang ng sakop nila?

Kaya sure ako na hindi lang ito basta kasal.

Naghahanda na lahat. Nasa gitna na ng fountain si Father, sa may altar. Napapaisip na ako kung may mga Yu ba na pumunta. O kung sakali man, baka napadpad si Mother Shin dito. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong itanong kung alam na ba niyang missing pa rin si Syaho until now.

Ayokong isiping patay na si Syaho kahit pa sinabi na nina Calvin na wala nang pag-asa kasi hindi rin madaling kalaban ang mga kumuha sa kanya.

Pero malay namin.

Nagsimula na ang procession, pero doon kami sa auditorium pinaglakad imbes na sa may fountain area.

Paikot 'yon at sa gitna ang aisle. Ang design ng fountain area nina Melanie, mahabang aisle sa gitna, pool na may blue water sa magkabilang gilid, at ang gitnang parte ng fountain area ay ang cherub fountain na inaagusan ng tubig sa bibig, yung parang bumubuga at nakalobo ang pisngi ng bata, tapos naka-pose na pumapana at nakayo gamit ang isang paa.

Pagkatapos naming maglakad, tumayo muna kami sa puwesto namin at hinintay ang mga susunod pa.

Nagbubulungan kami kasi ring bearer na pala ang susunod, e gina-gangster nito si Eugene bago ang kasal. Matanda ito ng isang taon kay Luan pero sobra ang attitude, sumuko na lang kami. Magkakamag-anak talaga sila ng mga nakasagutan ni Rico kanina. Pare-parehong nakakabuwisit.

Kaya ayun, habang nasa gitna ng paglalakad, biglang itinapon ng bata ang unan sa ere at pinagsisipa ang mga bulaklak na design sa aisle.

"Aaayy!"

"Kunin n'yo, daliiii!"

Tuloy-tuloy lang yung bata sa destructive mode niya kaya magkanda-samid-samid na kami katatawa habang kami pa naman ang pinakamalapit para sumaway roon.

Ulol, ginusto n'yo 'yan. Ang tino ni Eugene, uunahin n'yo 'yang tiyanak na 'yan?

"Kayo 'tong nandito, hindi n'yo man lang nasaway!" sermon sa amin ng kung sinong lola roon at pinagpapalo kami ng pamaypay niya.

"O, ba't kami? Anak ba namin 'yan?"

Nagsiksikan tuloy kami sa sulok para hindi ulit mahampas.

At least, ligtas kami sa kalat. Phoa 'tong little destruction na 'to. Hindi si Luan 'yan kaya hindi namin kargo 'yan.

Dumaan ang ceremony na naglalaro na nga lang kami ng thumb wrestling sa upuan namin. Natigilan lang kami nang masita.

"Tigilan n'yo nga 'yan! Nakikita kayo sa screen!" sermon sa amin ng isang matandang babaeng nakabestida. Itinuro pa niya ang monitor sa kanan namin.

At si Leo ang malas na nakasalo ng palo ng pamaypay kahit nananahimik siya sa dulo kasama ang panganay niya, hahahaha!

'Tang ina naman kasi, bakit may pa-live streaming sila ngayon.

Buryong na buryong tuloy kami nang sumapit ang wedding vows nila. Nakatayo lang sina Patrick at Mel sa gitna, ibaba ng fountain. Magandang shot sana kung wala silang tent doon, pero good luck kung hindi sina masunog sa ilalim ng araw.

"Patrick . . ." Wala pa man, mula sa mahinang tawa, kada attempt magsalita, lalong lumalakas ang halakhak ni Melanie. "Sorry! Sorry, take two!"

Nakikita namin ang mukha ni Patrick na nangangasim na at palingon-lingon sa 'min. Natatawa kami sa mukha niya, parang nanghihingi na ng tulong.

"Pat—pfft! Hihihi . . ." Bigla na lang niyang niyakap si Patrick at doon tumawa nang malakas.

"Father . . ." pagtawag ni Patrick ng tulong.

Hindi kami makatawa nang malakas sa puwesto namin kasi mapapalo na naman kami ng pamaypay.

"Melanie pa," parinig na naman ni Calvin.

Ilang minuto tuloy nag-break. Pinainom pa ng tubig si Melanie, pinaypayan, at kung ano-ano pang isinermon sa kanya bago sila tumuloy.

Nakangiti pa rin naman siya pero kaya na niyang magsalita.

"Patrick . . ." Kita pa rin naming natatawa siya. Nagsasalita na siya nang nakangiti nang sobrang lapad. "My—" Naitakip ulit niya ang maliit na white card sa mukha saka mahinang tumawa bago nagpatuloy. "My love. Iiihh . . ." Napangiwi pa siya, parang nandidiri sa sinabi.

"Patrick! Ayan." Mukhang inulit niya, bigla kasing sumeryoso. "Daddy ng baby ko. Magiging asawa ko na ngayong araw. I know kung gaano katagal mong hinintay ang araw na 'to. I know kung ano ang mga effort mo para matuloy 'to. You know, I really appreciate everything you've done for me. You're my favorite classmate during elementary days. You're my unexpected competition."

Napatingin tuloy kami kay Calvin kasi ngayon lang namin narinig 'yon. "Classmate ba sila during elementary?" sabay-sabay naming tanong.

"Sila, yes. Magkakaiba kami ng section."

"Ah, so before college, kilala mo na si Patrick?" usisa tuloy namin.

"Matagal naman nang kilala si Patrick, ano ba kayo?" kunot-noong sagot ni Calvin. "Lauchengco 'yan, come on."

Napaayos tuloy kami ng upo. Hindi kasi namin alam 'yon.

"You're my favorite lunch date . . . kahit pa in reality, kinukuha ko lang ang kalahati ng laman ng lunch bag mo. But nothing has changed. I still spent my whole decade eating with you habang nakikikain pa rin ng pagkain mo."

"Ano kaya'ng sasabihin ni Jaesie rito?" mahinang sabi ni Will habang nakikinig kaming lahat.

"Sasabihin sa?"

"Whole decade na kumakain sila ni Mel. E, within that decade, naging sila pa ni Jaesie."

At ayun na nga ang problema. Never naman kasing naka-move on si Pat. Sinasabi lang niyang ayaw na niya. Ipinakikita lang niya sa lahat na ayaw na niya. Pero kapag pumapasok na sa eksena si Melanie, wala—hulog na naman.

"Hayaan mo na si Jae. Baka magsapakan na naman sila ni Daddy Rico, e," sabi ko na lang.

Naging maayos na ang sinasabi ni Mel, nakuha na niya ang momentum niya.

"Everyone thinks that I am very lucky to have you as my husband, but really, having you even as a friend is still a luck for me. Anyone is lucky to be your friend."

Napasimangot ako.

"E, ba't tayo, parang minalas?" tanong ko.

Siniko tuloy ako ni Leo. "Gagu, tahimik ka, baka hampasin na naman ako diyan ng pamaypay, ikaw pauupuin ko rito sa puwesto ko."

Natawa tuloy ako nang mahina.

"I know you love cars more than anything else, and loving my job and loving what I do is something I will be forever thankful for. Every time na nag-a-attempt ka to make a cake for me, o kahit kay Mama or kay Papa—kahit gaano ka-failed ang itsura n'on, you're always proud of it. And you're proud that I was there to help you create it. We've been friends for so many years, hindi ko na makita ang difference kapag magkasama tayo sa araw-araw. If you were to ask me ten years ago, in-expect ko ba ang wedding na 'to? I would answer you a big no, because I didn't belong to your fandom since our college days . . . hindi talaga kita nagustuhan ever."

"Grabe talaga si Mel, hanggang wedding nambabasted," bulong ni Will.

"But if you were to ask me ten years ago kung babalakin ba kitang pakasalan? Mag-a-I do agad ako para lang ipamukha sa buong U-Belt kung gaano ako kagandang babae sa kanilang lahat."

Sabay-sabay na bumagsak ang balikat naming tatlo nina Will at Leo roon kasi . . . putang ina, sa daming beses nag-propose ni Patrick, ni isa roon, wala kaming nakuhang oo sa 'yo, gaga ka!

Kaso naisip kong ten years ago? So, mga third year, fourth year college kami. Kainitan ni Apollo 'yon.

No wonder.

Napaaga ng four years ang proposal ni Patrick bago umoo si Melanie. Sayang.

"But I know, you're more than a Lauchengco. You're more than how the streets recognize you. You will always be that sweet boy who loves loving people with all his heart. You will always be that sweet boy na kahit ang sakit-sakit mo na sa ulo, mahal ka pa rin ng lahat. And I've witnessed all of that ever since then."

Napapatingin na lang ako sa malaking monitor sa kanan namin kasi umiikot ang drone sa itaas para sa upper view. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko bang mukhang kuha sa movie ang nasa screen o ano.

"I'm annoying at times, but I promise I'll stay with you no matter how hard the situation can be. If I stayed beside you for a decade while you deal with your petty dramas, for sure I can stay longer than that. I promise I'll be your best friend more than your guy friends na nakaupo roon sa groomsmen section."

"Hwoooy!" sabay-sabay naming sita kay Melanie.

Tumahimik lang kami nang may biglang matandang babaeng tumayo sa gilid, nakaabang na ang pamaypay sa kamay, at mukhang babantayan na kaming mga naroon para hindi makapag-ingay.

"You always make me proud, Patrick. And I promise I'll be with you—kami ni Damaris—no matter how hard life can be. You will always be the favorite part of my day, and I look forward to spending the rest of my dinner dates in life with you. I love you so much, Daddy Pat-Pat."

Medyo naluha-luha pa kami nang kaunti roon bago pumalakpak. Para kaming nakahinga nang sobrang luwag nang matapos si Melanie sa vow niya kasi . . . sa wakas, putang inaaaa!

Parang kami ang ikinasal! Sa tagal na panahon na 'to, pakshet! Si Patrick pa lang 'to, 'tang ina! At last, para kaming binigyan ng assurance na hindi na iiyak si Patrick kahahabol kay Melanie sa mga susunod pang taon.

Mangiyak-ngiyak ako habang naiisip na paano na kaya kung si Leo na ang ikinakasal. Baka humagulhol na ako n'on habang nakikinig ng weding vow niya.

Sana maikasal na rin soon si Leo. Sabihin ko na lang kay Rico, huwag na siyang magpakasal ulit sa May. Bigay na niya kay Leo 'yon para sa June, ako naman.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top