Chapter 20: Expectations
"Si Sab?" tanong ko agad.
"Lumabas, di ba?"
"May kausap ba?"
"Dala phone niya, baka nga may kausap."
"Wait, I'll check. Baka tinawagan ni Mum," presinta ni Rico at tumayo agad sa puwesto niya. Nagliligpit na kami ng mga kalat, saka ko lang napansin na wala si Sabrina sa sala.
Wala pang twenty minutes, malinis na ulit ang sala ni Calvin. Since dalawa lang ang bathroom sa bahay, sa aming magbabarkada ang isa malapit sa kitchen, sa mga babae ang nasa loob ng master's bedroom sa bandang dulo ng bahay.
Nagkasya kaming tatlo nina Will at Leo sa maliit na banyo. Naghihilamos lang kami roon habang nakasuot kami ni Leo ng cute headbands na hindi ko rin alam kung saan nakuha at sino ang may dala.
Yung kay Leo, gray bunny na stretchable band. Yung akin, pink cat ears. Si Will kasi, malinis ang gupit kaya hindi na kailangan.
"Ito si Melanie, tsismosa talaga," sabi ko habang nagkukuskos ng mukha.
"Gago, hindi 'yon si Mel kung hindi 'yon tsismosa," sabi ni Will.
"Kahit pa. Grabe naman kasi, pati yung nananahimik na sa kabilang-buhay, hindi pinatawad, e."
"E, mukha namang sinasadya ni Mel na mang-inis kanina," paliwanag ni Leo. "Siya lang talaga yung kating-kati magpa-bachelorette's party, e. Hindi pa rin yata matanggap."
"Buti hindi kinakadena si Mel sa kanila no'ng bata pa. Tingin ko, sobrang kulit n'on," sabi ko pa. "Kapag nagmana sa kanya anak niya, ngarag talaga 'yang si Pat. Isang Mel pa lang, ang sakit na sa ulo. Babae pa anak niya."
"But I don't think na magmamana kay Mel si Damaris," sabi ni Will, punong-puno ang mukha ng puting foam mula sa facial wash nang tingnan kami ni Leo mula sa salamin. "Grabe si Uncle Bobby magpabantay sa apo niya. 'Tang ina, dadalawin mo lang yung baby, kailangan mo pa ng medical clearance."
"Kahit ba sina Mel, required magganyan?" tanong ni Leo, kasi hindi siya pamilyar sa nangyayari sa mga Lauchengco ngayon kasama ang panganay ni Patrick.
"Sina Mel, talagang disinfect saka sanitize. Dadaan pa talaga sila sa . . . parang germ detector, gano'n," paliwanag ni Will. "Tapos i-spray-an ka ng alcohol from head to toe."
"Sina Tito Bobby?" dugtong ni Leo sa tanong.
"Kahit sina Uncle Bobby, 'tol," mabilis na sagot ni Will. "Ang nakakadalaw sa kanila, si Rico lang talaga."
"O, bakit si Rico lang?"
"First, nutritionist, licensed," pagbilang ni Will, nagtataas pa ng daliri. "Second, meron na siyang background sa pag-alaga ng baby. Kyline, duh! Third, medically, mas naiintindihan ang gagawin doon sa baby with the doctor and the nanny."
"So, nag-aalaga si Rico ng baby ni Pat."
Biglang natawa si Will saka umiling. "Hindi rin. Ayaw niyang pumunta kasi gustong sumama ni Tita Tess. Alam mo naman si Tita, kapag may nakitang special item sa bahay ng kumare niya, gusto niya, siya rin meron."
"Gago sa special item hahaha!"
Ang lakas ng tawa namin ni Leo roon.
Wala pang apo si Tita Tess. First baby siguro niya after sa generation namin, si Eugene talaga. Ginastusan niya rin ang panganay nina Leo. May sariling bunny plate si Eugene sa mansiyon. May sariling bear spoon and fork. Karamihan ng cute onesie ni Eugene noong bata pa, galing kay Tita Tess—paramihan sila ni Tita Liz ng gift sa anak ni Leo.
Si Luan ang—hindi naman sa outcast—parang hindi lang talaga siya "baby" material sa mga lola niya ngayon. Napakasama nga raw kasi ng ugali, ang bata-bata pa. Siya yung batang hindi makulit. Hindi siya annoying. Siya yung madalas ma-annoy sa mga annoying. Ayaw niya ng bine-baby siya. Siguro kasi, sinasanay ni Leo na kung paano kumilos ang daddy niyang nasa treynta anyos mahigit na, dapat ganoon din siya kahit two years old pa lang. Ang hirap tuloy lambingin.
Paglabas namin ng banyo, sinalubong agad ako ni Rico sa may sala.
"Clark."
"O, ano na naman?"
Dumoon kami sa may hallway katapat ng daan papunta sa bawat kuwarto.
"Si Sab, nagtatampo," sumbong ni Rico.
"O, bakit daw?"
"Na-offend daw siya sa joke mo."
Nagsalubong agad ang mga kilay ko. "Joke ko? Na ano?"
"Nagtatampo 'yon kasi sabi mo nga, pakakasalan mo raw si Ky sa kahit saang simbahan, yet ayaw mong magpakasal sa kanya."
Sa sobrang pagtataka, nagusot lang ang mukha ko, nagtatanong kung ano'ng klaseng issue na naman 'tong pinoproblema ni Sabrina?
"Masama tuloy ang loob."
"Paano ko naman pakakasalan si Ky, aber?"
Napahimas agad ng noo si Rico at pinandilatan ang sahig. "Exactly the point."
"Saka! Dude, si Leo, katabi lang si Ky! Para namang napakaposible niyan!"
"But still, Sabrina thinks you really love Kyline over her."
"Ang selosa naman ng kapatid mo."
"Mag-sorry ka na lang."
Grabe talaga. May kasalanan agad ako kahit hindi ko alam? Napakamot tuloy ako ng ulo. "Oo na, sige na."
"Saka wala siyang dalang melatonin ngayon. Pasamahan na lang muna sa room niya matulog. But no cuddles, no sexy time, no lip kisses."
Ang sama agad ng tingin ko kay Rico dahil sa sinabi niya. "Ano na naman 'tong kagaguhan na 'to, ha, Ronerico Dardenne?"
"Wala nga raw siyang gummies. I can't stay with her. Tatabihan mo lang siyang matulog."
"Ang sakit mo na talaga sa atay, p're!" Sa sobrang inis ko, natawa na lang ako habang natatawa rin siya.
"You can do that. I trust in you." Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko.
"'Tang ina ka, mawalan ka na lang ng tiwala sa 'kin, please lang!" Natatawa ko siyang sinipa nang bahagya siyang lumayo sa 'kin. "Gusto mo 'kong matulog na masama ang pakiramdam buong gabi, ha?"
"I'll forgive the hugs. Sige, pati kiss sa cheeks," partida niya.
"Puta ka. Ikaw nga tumabi sa kapatid mo, ako tatabi sa asawa mo."
"Deal." Sabay turo niya sa dulong kuwarto kung nasaan sila matutulog ni Jaesie.
Naipaling ko pa nang bahagya sa kanan ang ulo ko, sinusukat siya ng tingin. "Gusto mo na talaga akong mamatay, 'no?"
"Hahahaha!" Ang lakas pa ng tawa niya habang hinahamon ko siya ng tingin.
"Parang kapatid na tingin ko sa 'yo, tapos patatabihin mo 'ko sa asawa mong potential murderer?"
"You have your options!" natatawa niyang sagot.
"Ulul, huwag ako, Dardenne!"
Tawa lang siya nang tawa at akma pang tatapikin ang balikat ko nang tabigin ko ang kamay niya palayo sa 'kin.
"Don tats mi!" maarte kong pagtaboy sa kanya. "Akala mo ba, hindi nakakasama ng pakiramdam 'tong ginagawa mo, ha?"
"You can sleep with Sab naman dati, di ba? You can do that again. May permission ko na nga, e."
"Shattap!"
"Sige, tabi na lang kayo ni Jaesie, ako kay Sab. May permission ko na rin 'yan."
"Alam mo, nakakahalata na 'ko, e. Siguro, minamaltrato ka niyang asawa mo sa inyo. Sandali nga at mag-uusap kami niyan."
Pumunta agad ako sa tapat ng pintuan ng kuwarto nila at kinalampag nang tatlong beses ang pinto.
"Hoy, Jaena Sienne! Mag-usap nga tayo."
Kagat-kagat ko pa ang labi nang magpamaywang.
Nakaakbay lang si Rico sa 'kin nang mag-abang kaming bumukas ang pinto.
Ilang segundo pa, bumukas na nga.
"Hoy, babae," bungad ko sa bored na mukha ni Jaesie.
"'Problema mo na naman, Clark?"
"Itong asawa mo—" Lumipat ang tingin ko sa isang kamay niyang ipinantukod niya sa hamba ng pintuan, may hawak na malaking gunting panahi.
"Ano'ng meron sa asawa ko?"
"Inaantok na kasi siya." Itinulak ko na si Rico papuntang pintuan. "Sige na, 'tol. Tulog ka na, baka pagod ka na."
Takip-takip na lang ni Rico ang mukha niya habang pigil na pigil ang tawa.
"Sara mo na pinto n'yo, Jae. Good night, tulog kayo mahimbing."
Ang sama ng tingin sa 'kin ni Jaesie habang unti-unting isinasara ang pinto ng kuwarto nila.
Itong mga Dardenne na 'to talaga, mga hindi dapat 'to pinalalakad sa mundong ibabaw, e.
Wala tuloy akong choice, doon ulit ako matutulog sa tabi ni Sabrina.
Itong bungalow, hindi ito gaya ng bahay ni Calvin na isa sa kabilang baranggay lang o yung kahit sa nasa Bicutan. Bahay lang niya 'to kapag ayaw niyang hinahanap siya ng pamilya.
Ang kuwarto rito sa bungalow, hindi ganoon kaenggrande, mukha lang apartment ng mga nagbe-bedspace na college student.
May single bed sa sulok na hindi ko alam kung kakasya ba kami ni Sabrina. May study table na multi-purpose: side table, patungan ng mga lotion at mga libro, cabinet na rin kasi may mga drawer, taguan ng trash bin sa ilalim. Isa lang ang upuan sa loob, ladderback na may cushion. Ang bintana, malaki-laki naman, madaling pasukin ng magnakaw kapag binasag ang bintana.
Alam kong hindi green ang favorite color ni Calvin pero kulay manggang kalabaw talaga sa loob, parang gusto ko tuloy magmangga bukas sa farm nina Mel kung meron na.
Naabutan ko roon si Sabrina na nakahiga na sa kama. Naka-satin night dress siya na maikli. Kulay violet pa kaya mas lalo siyang pumuti. May shorts naman siya kaso maikli rin.
"Alam nang dadalhin ka rito ni Rico, hindi pa nilubos-lubos ang dinala," naiinis na sabi ko sa kanya. "Nahihirapan ka pa ring matulog?"
"Kung sinabi agad ni Kuya na dadalhin niya 'ko rito, sana dinala ko ang gummies ko," sagot niya sabay ismid sa 'kin. Hinatak niya agad ang isang unan sa gilid ng ulo niya saka niyakap pagtalikod niya sa direksiyon ko.
Itong magkapatid na 'to, ang sakit talaga sa ulo. Kung makareklamong ayaw na nilang mama si Tita Tess, para namang napakasasarap nilang maging anak.
Kung ako si Tita Tess, ibinigay ko na silang dalawa sa magtataho noon pa man, e.
Ngayon, tatabihan ko 'to si Sabrina.
'Tang ina, paano mo tatabihan 'yan? Nakausli pa yung puwet sa puwesto ko. Mabuti sana kung nakapantalon, e halos wala na ngang takip ang hita nito. Tapos babanat pa, "no cuddles" putang inang buhay 'yan. Bakit ba 'ko sumusunod na touch-deprived na taong 'yon?
Ito si Rico, masasakal ko na talaga 'to, e.
Naghatak agad ako ng kumot para ibalot kay Sabrina. Kung hindi ko gagawin 'to, talagang maghahabulan kami ng kutsilyo ng kuya niya kahit madaling-araw.
Paghiga ko, hinatak ko agad ang unan na yakap niya para hindi masikip sa kama namin. Mabuti sana kung pagkalawak-lawak ng higaan.
Napabuntonghininga na lang ako sa sobrang frustration. Pota naman kasi, bakit may no-touch policy ako kay Sabrina, e pakakasalan ko naman!
Haaay, buhay.
"You can go out kung ayaw mo ng ginagawa mo," biglang sabi niya saka sumiksik sa pader na kaharap.
Isa pa 'tong babaeng 'to. Tingin ba niya, gusto kong matulog lang kami na para kaming tuod na dalawa? Ultimo kiss sa lips, bawal. Taragis na buhay 'yan. Hinawakan ko na lang siya sa baywang para hapitin palapit sa 'kin.
Pipikit na sana ako kaso napansin ko agad ang paghinga ni Sabrina.
Tiningnan ko pa kung baka pakiramdam ko lang . . . pero hindi talaga, e. Yung hinga niya, mabigat saka parang hinihingal. Kinapa ko ang kamay niya at nakakapit lang 'yon nang mahigpit sa kutson.
Masama nga siguro ang loob nito.
"Kung galit ka, ilabas mo 'yan," pabulong na utos ko. "Ang bigat ng paghinga mo, hindi mo ba napapansin 'yan?"
Imbes na ayusin ang paghinga niya, pinigil naman.
Ano ba? Ano na naman ba'ng gagawin ko? Tungkol na naman ba 'to kay Kyline?
"May sinabi si Rico kanina. Galit ka ba sa 'kin?" tanong ko na lang.
Tahimik lang siya. Ayaw ring alisin ang kamao niya sa kutson.
"Kung ano man 'yon, then I'm sorry for being insensitive."
Hindi pa rin siya sumasagot kaya hinatak ko na ang braso niya para maipaharap siya sa 'kin.
Ayun na naman ang naiiyak niyang itsura niya. Kada tingin ko na lang lagi sa kanya, namumugto na lang talaga ang mata niya.
"Sorry na," sabi ko na lang.
Nagusot agad ang mga labi niya at akmang iiyak.
"Huwag ka nang umiyak. Baka magalit sa 'kin kuya mo." Pinunasan ko agad ang mata niyang patulo pa lang ang mga luha. "Kung meron pa 'kong ginawang mali, sabihin mo agad para makapag-sorry ako. Huwag kang matutulog na masama ang loob."
"Pakakasalan mo si Kyline?"
Putang ina.
Parang gusto ko na ring maiyak!
"Sab, iiyakan mo 'yon? Gusto mo bang tadtarin ako nang buhay ni Leo?"
Mahina lang siyang humikbi saka suminghot-singhot.
"Nagbibiruan lang kami, selos ka agad. May usapan na tayo, di ba?" sabi ko pa.
Mahina niyang sinampal ang pisngi ko. "I hate you!"
"Arte." Kinabig ko siya mula sa likod para palapitin sa akin. Dinampian ko siya ng magaang halik sa noo at niyakap pa nang mas mahigpit. "Sorry ka, kuya mo nasa asawa niya."
Balot na balot sa kanya ang kumot, sana hindi ako lamigin mamaya.
Tinapik-tapik ko ang bandang hita niya para patulugin na siya.
"Matulog ka na. Babantayan kita," bulong ko.
"Mahal mo si Ky?" humihikbing tanong niya.
Sa sobrang stress, natawa tuloy ako. "Mga tanong mo talaga, Sabrina." Hinagod-hagod ko na lang ang likod niya. "Sige na, matulog ka na."
"Mahal mo nga?"
"Hindi nga. Parang ano talaga 'to."
Saglit siyang lumayo sa 'kin. Nanunubig pa rin ang mata habang nakanguso, nagpapaawa ang tingin sa 'kin.
"O, ano?" tanong ko pa, iniipit ang ilang hibla ng buhok sa pisngi niya papuntang likod ng tainga.
"Mahal mo 'ko?" nagpapaawa niyang tanong.
"Natural! Ano ba namang tanong 'yan, Sab?" Inilabas ko sa kumot ang isa niyang braso para ipayakap sa 'kin. "Tulog ka na. Kapag naabutan ka pang gising ng kuya mo, patutulugin talaga ako n'on sa pool."
Lalo siyang nagsumiksik sa may leeg ko kaya hinayaan ko na lang siya. Bahala na kung makita kami ng kuya niya.
Mas madali talagang alagaan 'to si Sabrina noong bata pa kaysa ngayon. Haaay, buhay.
♥♥♥
Araw ng kasal nina Melanie at Patrick, mga sabog pa kaming lahat. Kalalabas pa lang namin ng kuwarto, bihis na bihis na ang magkapatid na Dardenne. Napamadali tuloy kaming lahat kasi mukhang lalarga na silang lahat, e. Ang naligo lang naman, itong mga babae. Kami kasi, ang ligo namin, doon na kina Melanie. Siyempre, mas okay maligo roon, walang kaagaw sa banyo.
At dahil nagtig-isa-isa kami ng dala ng kotse, pumunta kami sa ancestral house nina Mel nang magkakahiwalay.
May pre-wedding photoshoot bago ang kasal maya-mayang hapon. Ang mga bisita—kasama na ang parents ko—nandoon sila sa hotel na pagmamay-ari ng mga Phoa. Sa kabilang dulo 'yon ng farm, sa may hot spring banda.
Pagbaba namin sa ancestral house, kahit alas-siyete pa lang ng umaga, ang dami na agad tao.
Tamang ngiti-ngiti lang kami sa iba at kaunting kaway kasi mga wala pa kaming ligo, hindi pa kami makayakap. Nagmadali pa tuloy kami pagligo pag-akyat namin sa kuwarto ni Calvin.
Hindi ko alam kung ako lang ba 'to kasi kinakabahan ako na hindi ko mawari.
Sa kasal kasi ni Rico, chill pa kaming magbabarkada. Sa kanya-kanyang bahay nga lang kami nagbihis bago pumunta sa venue. Dito, talagang may sarili kaming wardrobe stylist, personal assistant, may hair and makeup artist—para kaming may magazine photoshoot.
Sa isang kuwarto kung saan kami dapat magbihis, ang dami nang nakahandang rack doon kung nasaan ang mga damit namin.
Pumasok kaming magbabarkada, mga naka-towel lang at boxers pang-ilalim. Tapos ilan silang babaeng PA at stylist na nandoon kasama si Sabrina.
Sa sampung babaeng nandoon, si Sab lang ang nakasimangot sa aming anim. "Si Kuya muna bibihisan ko, mas mabilis siyang ayusan, e."
Nakakrus ang mga braso namin, nakahawak ang mga kamay sa mga balikat, pantakip sa dibdib habang naglalakad. Ang proud lang talaga sa katawan niya, si Rico saka si Will. Mukha tuloy kaming mga puganteng nahuli na nakabuntot kay Daddy Rico palapit kay Sabrina.
Patingin-tingin kami sa mga babaeng nakangiti rin sa 'min. Ang titipid ng mga ngiti namin saka payuko-yuko nang kaunti.
"Where's my suit?" tanong agad ni Rico.
Sa buong barkada, si Rico ang magaling talagang magdala ng suit. Ako, personally, ayoko ng smart suit kasi napakainit! Kung office siguro ang pupuntahan namin, ayos lang. Ang kaso kasi, magbibilad kami sa araw maya-maya. Ayoko pa namang mag-anti-perspirant kasi kailangan ngang ilabas ng katawan ang pawis.
Sabay-sabay naman kaming binihisan. Tatlo ang nag-a-assist sa wardrobe. Si Rico ang pinakamabilis sa aming magbihis ng suit kasi halos every day niyang damit na 'yon.
After socks, isusuot ang white dress shirt. Then shirt stays, iki-clip sa dress shirt, then light green pants. From there, wardrobe na ang mag-aasikaso. May babaeng naka-black tee and pants ang nagbihis sa akin ng light green vest. Sunod ang light green suit. Mula sa chest pocket karugtong sa lapel, sinuotan nila kami isa-isa ng iba't ibang klase ng golden brooch na may gem sa gitna.
Tinititigan ko ang cuff ng sleeve ng suit ko, napakadetalyado ng maliliit na tahi. Light green ang suit. Ang sinulid na ginamit sa embroidery, dark green, apple green, yellow, saka white. Hindi ko alam kung anong klaseng design ang meron sa suit pero parang bulaklak na may paruparo at mga pa-swirl-swirl sa paligid.
Tinitingnan ko pa lang, alam ko nang hindi ito kayang tapusin nina Sabrina nang isang araw lang. Sa liit ng designs na meron sa cuff, iba pa ang nasa lapel, hindi ko alam kung paano natiyaga nina Sabrina ang gumawa ng ganito kaliliit na detalye sa suit samantalang once lang naman gagamitin.
"Dude, smile!"
Saka lang kami naalerto nang may mga photographer na pala sa loob. Start na pala ng photoshoot at alas-nuwebe pasado na ng umaga.
"Hoy, gago, kanina pa ba 'yan?" tanong ko pa at natamaan ako ng kung anong lumilipad sa hangin.
"Yung anak ko, nandiyan na, ha. Isang mura mo pa," warning ni Leo na tapos nang magbihis at nakaupo na sa isang upuan sa sulok.
Mabilis kong hinanap si Eugene sa buong kuwarto habang inaayusan ako ng damit ng stylist.
"Jin!" malakas na tawag ko saka sumipol nang sobrang lakas.
Mabilis niyang narinig ang pagtawag ko. Kumaway agad siya mula roon sa likod ng rack na maraming damit.
"Ninong Clark!"
Sinenyasan ko siyang lumapit sa 'kin. Parehas na halos kami ng suot. Isa rin kasi siya sa best man ni Patrick.
Siya sana ang ring bearer ngayon, kaso talagang inilaban ng pinsan ni Melanie yung anak n'on na batang makulit.
Si Eugene, hindi maarte. Kapag ni-reject siya at alam niyang mas gusto n'ong isang kaagaw niya, give way siya lagi. Sasabihin lang niya, "It's okay. Maybe there's next time for me."
Pero tumatanda na kasi si Eugene. Dose na nga, halos kasingtangkad na ni Tita Tess. Nasa hilera na nga namin siya bilang best man kaya sayang din na hindi siya nakapag-ring bearer.
Naiisip naman namin si Luan, pero naiisip din namin ang lagim na magaganap kapag tinangay namin 'yon sa ganitong okasyon.
"Nakita mo na si Mimy Ky?" tanong ko paglapit niya.
"She's in the other room with Tita Jaesie po, nagpo-photoshoot with Ninang Ganda."
Pagtayo niya sa harapan ko, hagod-hagod ko ang buhok niyang maayos ang pagkaka-set maliban sa ilang buo-buong buhok na kusang bumabagsak sa noo niya kaya ko inaayos.
"Sino kasama mo pumunta rito?"
"Mommy Filly po!" masaya niyang sagot.
"Did someone tour you around the house?"
Masaya siyang tumango. "Mommy Filly took me with her kanina po. We make sakay the mini trike and ni-tour kami ni Manong Toothy Smile around the place with many kambings."
Yung nagba-brush ng suit ko, natatawa nang mahina.
"Do you enjoy the place so far?"
"Yes po!"
"Sige, we'll visit more often sa farm after this wedding. Paalam tayo kay Dada."
Isa ako sa huling binalikan ni Sabrina para nga raw palagyan ng neck tie ang suit. Originally, wala dapat ito, kaso ni-request ng photographer at ni Tita Liz kasi nagsimula na palang mag-take ng shots sa garden para sa groom at bride.
Pagkatapos naming magbihis, pinababa na kami sa kabilang side ng ancestral house na naka-lock para kunan ng shots kasama ng bride at groom.
Rose garden 'yon na bihirang pabuksan kasi ang mga batang pumapasok sa bahay nina Melanie, namimitas saka naninira ng halaman. Binubuksan na lang tuloy 'yon kapag ganitong may mga espesyal na okasyon.
Habang nag-aabang kami ng utos sa photographer, alam ko na talagang pinagpuyatan ni Sabrina ang white tuxedo ni Patrick. Kung bilib na ako sa tahi ng cuff ko, mas matindi kay Patrick. Kahit puti lang lahat, makikita pa rin talaga ang design kapag nasa ilalim ng araw kasi nangingintab ang sinulid. May mga kristal pang nakadikit sa lapel saka sa butones. Yung gintong chain niya sa chest pocket, nangingibabaw.
Nag-trim lang ng buhok si Patrick. Nakatali pa rin siya until now, at okay lang yata 'yon kay Tita Liz, pero pinagmukha talaga nilang prinsipe si Patrick.
Siyempre, sa aming magbabarkada, siya lang ang baby face kaya mas lalo siyang nagmukhang bata sa itsura niya.
Si Melanie, naghihimala ngang ang kalmado ngayon. Nakikinig lang siya sa instruction ng photographer kahit ang init-init kung nasaan sila. May payong naman, pero inaalis kasi kapag start na ng shoot.
Never naman naming itinanggi na cute si Melanie. Siguro kung papipiliin kami between sa kanila ni Jaesie . . . huwag na lang pala.
Baby face din kasi si Mel, mas lalo ngayon kasi ang simple lang ng makeup niya.
"Mukhang seryoso si Mel, a." Napasulyap tuloy ako kay Will.
"Gago, kapag tumakbo 'yan ngayon sa kasal niya, good luck talaga kay Patrick."
Mahina kaming nagtatawanan sa puwesto namin habang nanonood.
Ang seryoso lang nina Melanie at Patrick sa photoshoot, kinakabahan tuloy kami. Kapag kasi seryoso si Mel, parang may paparating na sakuna.
"Hoy, kayo, umayos kayo, ha?"
Saka lang kami napaseryoso rin nang paghahampasin kami ng pamaypay ng dumaan sa likod namin.
'Tang ina, nandito pala nakabantay sina Tita Liz kasama si Tita Tess. Kaya pala ang kalmado ng lahat.
Ayun tuloy, talagang namandohan kaming lahat at hindi kami nakapag-enjoy sa photoshoot kasi bantay-sarado kami. Siyempre, alangan namang magkalat kami, sabihin ni Tita Liz, mga wala kaming manners.
Okay nang si Tita Tess ang magsabi n'on kasi alam naman niyang mga wala talaga kaming manners. Pero iba kasi kapag si Tita Liz—si Tita Liz na napakakalmadong ina. Parang nakaka-degrade na talaga ng pagkatao kapag sa kanya na nanggaling.
Habang busy sina Rico at Pat sa shots nila, inakbayan ko agad si Calvin para makitsismis.
"Di ba, may Ting Hun kayo ni Mother sa Feb?" mahinang tanong ko.
"O?"
"Deretso engagement na 'yon? 'Yon lang ang ceremony n'yo?"
"Acutally, before that, may Kiu Hun muna. But since I already did that long before the agreement saka may definite date na sina Madame Ai, dederetso na lang kami sa Ting Hun."
"Wait, kapag ba ikinasal kayo ni Shin, ganito rin ba kaengrande?"
"Probably. Or grander than this."
"Angas. Puwede akong um-attend d'on?"
"Siyempre, hindi. Baliw ka ba?"
"Kahit as a close friend mo na lang, gano'n."
"Gago, hindi puwede 'yon."
"Kung may a-attend ba na Yu ngayon, magkakagulo ba? Nandito na si Tita Tess, e."
"Hindi ko pa naman nakikita ang mga bisita, how should I know?"
"What if nga?"
"Then we'll see. For sure naman, may guards ang mga Yu. Ang besides, I don't think Tita Liz will like it kapag biglang nanggulo si Tita Tess sa kasal ng anak niya."
Sa bagay.
Mabilis na natapos ang photoshoot, pagdating ng alas-dose, pinasakay sina Patrick at Melanie sa hiwalay na sasakyan. Nagkanya-kanya rin kami ng sasakyan papuntang auditorium.
Ramdam na ramdam namin ang lawak ng lupain ng mga Vizcarra dahil kinokotse pa namin ang puwede namang lakarin.
Pagdating namin sa auditorium, halos mapanganga na lang ako habang sumisilip kami sa backstage. Sa dami ng tao, parang may sold-out concert ngayong araw.
"Intimate na 'to, ha?" tanong ko pa sa barkada.
Kung ito ang intimate, ano na lang ang unang kasal nina Jaesie?
Habang nakikita ko ang buong setup ng kasal nina Melanie, nakikini-kinita ko na kung ano ang expectations ni Tita Tess sa magiging kasal ng bunso niya—malamang na mas palaban ang atake kaysa rito sa kasal nina Patrick.
Parang mas lalo tuloy akong kinabahan.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top