Chapter 16: Risk



Siguro kung babalewalain ko lang ang mga bagay na nangyari noon, magiging ayos lang ako.

Siguro kung iisipin kong wala lang ang mga naramdaman ko noon para kay Sabrina, ayos lang lahat. Kasi tatanda rin naman siya. Magkakaedad din naman siya. Mahahabol din niya ang edad ko.

Siguro kung iisipin kong normal lang namang magkagusto ang isang sixteen years old sa isang ten years old, magiging ayos lang ako.

Siguro kung iisipin kong normal lang namang hawakan ang private part ng katawan ko ng isang ten year old na batang babae, kasi makakahawak din naman siya n'on someday, baka maging ayos lang ako.

Pero kapag iniisip kong paano kung ibang tao 'yon? Paano kung ibang sixteen-year-old na lalaki ang ginawan ng ganoon ni Sabrina? Paano kung pinatulan siya? Paano kung may nangyaring mas higit pa roon?

I'm already thirty-two. Kalahati ng buhay ko, pinanghawakan ko ang mga tanong na 'yon. Kasi kapag binabalikan ko lahat habang nasa ganitong edad . . . kung makikita ko ang second year caregiving student self ko na sinasamantala ang feelings ng isang Grade 4 pupil, ako mismo ang bubugbog sa sarili ko.

Kahit anong siguro pa ang isipin ko, hindi talaga normal.

Siguro, hinintay lang ni Tita Tess ang panahon kasi hindi ko naman idi-disregard ang punto nila na puwede nang ipakasal si Sabrina ngayon kasi nasa tamang edad na siya—nasa tamang edad na kaming dalawa.

Baka nga this time, yung maling alam ko, baka tama na.

Pero sana ganoon lang 'yon kadali. Na parang traffic lights lang ang emosyon namin na kapag nag-green light, ibig sabihin, go na.

Sana ganoon lang 'yon kadali na lahat ng takot ko, lahat ng takot ni Sabrina, lahat ng masasamang alaala naming dalawa, makakalimutan na lang namin basta kasi para sa ibang tao, yung amin ni Sab, ayos na.

Mula sa bar namin, hinatid ko si Sab sa penthouse. Tahimik sa kotse, nakatukod lang ang siko ko sa gilid ng bukas na bintana ng sasakyan habang tutok sa kalsada.

Nabibigatan ako sa pakiramdam na halos umiyak na siya kanina—na halos paiyakin ko na siya kanina—tapos gusto ko naman ngayong patahanin siya kasi ayoko siyang umiyak.

Siguro kung makakalimutan ko lahat at siya lang ang iisipin ko at lahat ng tamang sinasabi nila, baka maging okay na ako—baka maging okay na kami ni Sabrina.

Hinatid ko siya sa condo niya. Kahit sa elevator, tahimik lang kami. Nangingilid pa rin ang mga luha niya, pero patay ang emosyon—walang kahit ano roon sa mukha niya kundi kawalan.

Iniiwasan kong salubungin ang tingin niya sa makinis na metal panel sa harapan namin. Ayokong makitang maluluha na naman siya kasi dine-decline ko na naman siya ngayon—gaya ng ginawa ko sa kanya noon.

Nasa gitna na kami paakyat nang magsalita siya.

"I'm still empty because of it," sabi niya, basag ang boses kasi nagpipigil ng iyak. "You ghosted me for a very long time. Ni hindi mo in-explain kung bakit mo kailangang umiwas. You left me hanging."

Pinilit kong huwag huminga nang malalim para manatili lang ako sa postura ko. Siya tuloy ang gumawa n'on, tumingala pa at nagpipigil na naman ng iyak.

"Before you said I should avoid falling in love with you, I already did that to myself. I couldn't afford to wake up another morning asking myself, what did I do wrong for you to hurt me like this."

Wala kang ginawang mali, Sab.

Parang signal sa patapos na gabi ang bell ng elevator. Dahan-dahang bumukas ang magkabilang panel.

"Sana noong sinabi mong mali ang ginawa ko, sana sinabi mo ring ayaw mo muna akong makita, para hindi na kita hinanap kay Mum. Sana sinabi mo na lang na galit ka para alam kong hindi ka na magpapakita pa ulit."

Lumabas siya ng elevator at nilingon ako. Hindi nawala ang pangingilid ng luha niya at mas umapaw pa 'yon pagsalubong ng mga tingin namin.

"You took me with you when you chose to avoid me . . . and I wanted myself back."

Dahan-dahang sumara ang panels ng elevator at parang sirang plaka sa utak ko ang mga huling sinabi niya.

"You took me with you when you chose to avoid me . . . and I wanted myself back."

Kaya ba hindi ka kahit kailan nawala sa 'kin?

Kaya ba kahit ang tagal na mula nang iwan mo 'ko, ganoon at ganoon pa rin ang nararamdaman ko para sa 'yo?

Pababa na ang elevator nang pindutin ko ulit ang penthouse button.

Gusto kong kahit ngayong gabi lang, maging kasintapang ako ni Rico. Gusto kong sugalan 'tong maling pakiramdam ko. Gusto kong makita kung paano nakikita ni Rico na may chance manalo ang lahat basta tatayaan mo lang—kahit pa walang makabalik na kahit na ano sa isusugal ko, kahit walang magandang resulta kapag tumaya ako.

Ang lalim ng paghinga ko nang tumunog na naman ang bell.

Hindi pa tapos ang gabi. Gusto kong sugalan ang magiging umaga ko bukas.

Mabilis na nahanap ng mata ko si Sabrina na umiiyak sa gitna ng living room, yakap-yakap ang isang bote ng alak.

Siguro kung iisipin kong tama lang ang gagawin ko, magiging okay lang kaming dalawa.

Baka this time . . . okay na.

Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko nang maglakad nang tuloy-tuloy papalapit sa kanya. Inagaw ko ang bote ng alak na hawak niya at ibinato sa sahig.

"Clark . . ."

Sinapo ko siya sa magkabilang pisngi at niyuko ko ang taas niya para lang makahalik.

Gusto kong isiping tama 'to—kahit pa mali . . . kahit pa bawal.

Kahit anong ingat ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kada lapat ng labi ko sa kanya, para lang akong binibilangan ng mga taon mula nang huli kong matikman 'yon.

Napaatras siya nang isa, humakbang din ako. Naghahabol siya ng hangin habang pilit lumalayo. Sinalo ko ng kanang braso ang likod niya para hindi na siya makaatras. Sapo ko ang isang pisngi niya nang ipilig ko ang ulo sa bandang kanan para mas palalimin pa ang halik.

Nalalasahan ko sa bibig niya ang alak at nalalasing ako sa pakiramdam na matagal din mula nang huli kong maramdaman.

Gusto kong isiping tama 'to . . . kahit ngayon lang.



♥♥♥

May full bed scene ito,pero for now, basahin n'yo na lang muna sa POV ni Sabrina. Hindi ko ipo-post ang mga bed scene ni Clark dito sa Wattpad para hindi masyadong sira ang image niya rito hahaha

♥♥♥



Alam kong pagsisisihan ko ang ginawa ko. Pero marami na rin naman na akong pinagsisisihan, hindi naman siguro masamang magdagdag ng isa.

Na-miss ko si Sabrina—yung katabi ko siyang matulog, yung nalalambing ko siya, yung nayayakap ko siya. Kahit ilang taon man ang lumipas, hindi pa rin nagbago ang gusto kong mangyari at gusto kong gawin.

Gusto ko pa rin na pagkatapos ko sa mga ginagawa ko, kahit hindi na sa school this time kundi sa trabaho, pag-uwi ko, siya agad ang hahanapin ko, tutulungan ko siya sa mga project niya, magba-bonding kami, aasikasuhin ko siya, pakakainin ko siya, tapos sabay kaming matutulog.

'Yon lang ang gusto ko.

Wala akong pangarap, pero kung magkaroon man, 'yon na ang papangarapin ko.

Mahal ko si Sabrina . . . at gusto ko na lang isiping tama ang nararamdaman ko ngayon.


♥♥♥


Kusa nang nagising ang katawan ko pagdating ng alas-kuwatro. Madilim pa pagtanaw ko sa balcony. Ang himbing pa rin ng tulog ni Sabrina pagsilip ko sa kanya sa tabi ko.

"Sab . . ." malambing na tawag ko. Inayos ko ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya. "Tatawag ako sa diner sa ibaba, ano'ng gusto mong breakfast?"

Hindi siya sumagot, sumimangot lang habang nakapikit. Napangiti na lang ako.

"Kahit ano na lang, ha?" sabi ko. Dinampian ko siya ng magaang halik sa gilid ng labi, sunod sa pisngi, saka sa noo. Inayos ko ang kumot niya saka ako umalis sa kama para makaligo na.

At this point, gusto ko na lang maging sigurado sa lahat—sa plano ni Tita Tess, sa plano ni Leo, sa plano ko, at sa nararamdaman ko.

Gusto kong maging oo ang lahat ng sagot ko, at gusto kong kapag tinitingnan ko na si Sabrina, sigurado na ako sa magiging sagot ko.

Gusto ko nang alisin ang takot ko. Gusto ko nang maka-move on. Gusto ko na lang kalimutan lahat.

Kasi kung nagawa na 'yong kalimutan nina Tita Tess, baka kaya ko rin. Hindi man madali pero baka kayanin ko rin paunti-unti.

Tahimik ang breakfast namin pero ang ingay naman namin sa kotse pagkahatid ko sa kanya.

Tinatanong na naman niya ako tungkol sa kasal naming dalawa pero hindi pa nga kasi ako makakasagot hangga't hindi pa tapos ang inaayos naming schedule.

Ayoko sanang iwan si Sabrina sa ere, pero ayoko ring sabihing naka-hang din ako sa ere ngayon. Parehas lang kaming walang magagawa ngayon kundi maghintay sa magiging desisyon ng iba kaya kung naiinis man siya sa 'kin, naiintindihan ko rin naman kung bakit.

Kung paiiralin ko lang ang karamutan ko at hindi na iisipin ang mga kaibigan ko, baka ngayon pa lang, pinakasalan ko na siya.

Pagkatapos kong ihatid si Sabrina sa boutique, dinayo ko na agad ang Purple Plate para sabihin kay Rico ang desisyon ko.

"Dumaan pa muna sa Laguna si Rico para kumuha ng molasses," balita ni Jaesie sa counter pa lang.

Alas-nuwebe ng umaga at ang busy talaga sa Purple Plate. Nagka-cashier na si Jaesie para lang makapag-serve ang ibang tao roon, kahit sina Shiela, sa mga customer. Nakatambay lang ako sa counter, nakikisilip sa pina-punch doon ni Jaesie na orders mula sa mga nakapilang papel sa harapan niya.

"Gusto mo ng kape?" tanong pa niya, pindot nang pindot sa touchscreen monitor.

Umiling lang ako. "Nagkape na 'ko bago pumunta rito."

"Dumaan ka kina Leo?"

Umiling ulit ako. "Galing ako kay Sab, hinatid ko muna sa work niya."

Walang sinabi si Jaesie kaya napasulyap ako sa kanya. Napapangiti lang siya habang ginagawan ng resibo ang mga order na nakahilera sa harapan niya.

Ilang minuto rin kaming tahimik, nanonood lang ako sa ginagawa niya roon na parang nakakatuwa ring i-try.

"Alam mo, Clark, ang weird na ganito ka katahimik," biglang sabi ni Jaesie habang nanonood lang ako.

Pagtingin ko sa kanya, nagdududa ang tingin niya, pinanliliitan ako ng mga mata.

"Why?" tanong ko pa.

"Do you have a problem?"

"Like . . . ?"

"I mean . . ." Napatingin pa siya sa itaas para maghanap ng sagot. "You know? Problem? Anything? Para kang sinaniban ng ibang tao."

"Sira." Pinilit kong tumawa nang mahina roon saka umiling.

"If you have a problem, magsabi ka lang agad," reminder niya. "Kinikilabutan ako kapag ganito ka katahimik, nakaka-ihh!" Umakto pa siyang nanginginig ang braso habang napapangiwi.

"Wala! Nanonood nga lang ako sa 'yo. Para namang ano 'to," natatawang sabi ko.

"May sasabihin ka ba kay Rico? Personal ba? Puwede ko bang marinig or talagang exclusive bro talk siya?"

Ang bigat ng paghinga ko nang mapatitig sa monitor na puro listahan ng menu nila at pipindutin na lang kapag may oorder.

"Hindi naman bro talk mismo. About lang kay Sab," seryosong sabi ko.

"And what about Sab?"

"Magtatanong lang ako. Siyempre, kuya 'yon, e."

"Gusto mo bang ayain sa date si Sab or something like that?"

Pareho pa kami ni Jaesie na nakangiwi sa tanong niya sa 'kin.

"Masyado bang obvious na 'yon ang pakay ko kapag hinihingi ko ang opinion ni Rico?" naiilang na tanong ko kay Jaesie.

"Honestly, sobrang common ng answer na 'yon, Clark." Binangga na naman niya ako sa balikat sabay tawa nang mahina. "But it's nice of you to ask for his permission bilang kuya ni Sab. Although, kung ako lang, puwede mo naman nang dalhin si Sab kahit saan. Matanda naman na ang kapatid niya, hindi na need ng permiso para lang i-date 'yon."

"Palibhasa kasi, sanay na sanay kang dine-date na lang basta. Walang humaharang sa 'yo."

"Naging boyfriend nga ni Sab si Ivo, e mas kaharang-harang naman 'yon compared sa 'yo, ano ka ba?"

Natawa tuloy ako nang mahina sa sinabi niya.

Maya-maya pa, dumating na si Rico at sabay pa kami ni Jaesie na napatingin sa may pintuan ng café.

"You're early," bati ni Rico sa 'kin. "Wala kang work?"

"Meron. Mamayang hapon, dadaan ako sa office ni Leo."

Inilapag ni Rico ang malaking box na dala niya sa counter at binuhat agad 'yon ni Jason saka dinala sa kitchen.

"Problema?" tanong niya nang ayain ako sa office ni Jaesie.

Kami lang ang pumunta roon, nagpaiwan si Jaesie sa counter.

"Itatanong ko na kay Leo kung kakayanin bang magbayad ng maraming tao para sa rush wedding," sabi ko agad kay Rico.

"Seryoso ka na talaga kay Sab at sa kasal?"

"Yung kasal, sure na ako ngayon. Ang kailangan ko na lang talagang ayusin, yung kay Leo, kasi hindi siya papayag na low cost ang wedding."

"Hmm." Kagat ni Rico ang labi nang sumandal sa single-seat couch na inupuan niya. "Puno ang schedule ngayon ni Mathilda, so hindi kaya ng team niya mag-rush. Hindi rin available si Mel for the cake, magrereklamo 'yon kasi may rush na naman siya. I'll try to check our resources."

"Hindi pa ako sigurado sa mga gagawin, magpapatulong sana ako sa kasal ni Leo. Siguro kahit magbayad na lang ako? Tapos pa-quote na lang, paki-bill na lang sa office ko kung magkano ang aabutin. Si Tita Tess naman yata ang sasagot ng kasal namin ni Sab kasi ayaw niya talaga akong pahawakin ng tungkol doon."

"For sure."

"Sa sponsors, hindi pa kasi talaga kami nakakapag-usap nina Leo at Kyline kaya hindi ko rin alam kung may sponsors pa ba sila o gastos na lang nilang dalawa ang halos lahat. Kaya siguro mag-aambag na lang ako para matuloy na."

Napatango-tango na lang siya habang nag-iisip at nakatingin sa ibaba. "After ng wedding ni Patrick, maybe we can work on this one."

"Doon pala ako nag-stay kagabi sa penthouse ni Sab."

Mabilis na nag-angat ng tingin si Rico, kunot ang noo nang tingnan ako. "What?"

"Uhm . . ." Napalunok ako habang nakatingin sa reaksiyon niyang para bang pinauulit niya ang sinabi ko kasi hindi niya narinig nang maayos. "D-Doon ako natulog sa . . . kay Sab."

"Because?"

Gumilid pakanan ang tingin ko. "Because . . . she's alone?"

"Kanino ka nanghingi ng permiso?"

"Uhm . . ." Parang may kung ano sa lalamunan ko na sobrang laki at hindi ko malunok. "Galing kasi siya sa bar."

"Hindi 'yan ang tanong ko, Clark." Biglang bumigat ang tono ni Rico, parang mang-uumbag na. "Ang tanong ko . . . kanino ka . . . nanghingi . . . ng permiso?"

Dahan-dahan ang paghugot ko ng hininga habang iniisa-isa niya ang salita na parang hindi ko 'yon kayang intindihin.

"Uhm . . . nasa bar kasi kagabi si Ivo—"

"Uulitin ko ang tanong, Clark . . ."

Putang inaaaaaa!

"Hindi, dude, wait, ano . . ." Hindi ako makali sa upuan, nakailang paling ako, para akong nasalang sa literal na hot seat. "Hinatid ko siya tapos—"

"You're not answering my freaking question, Clark Mendoza. Kanino ka—"

"Oo, naintindihan ko naman! Wala! Wala akong hiningan. Ano lang . . ." Nakailang latag ako ng palad sa hangin at pinilit magsalita pero wala akong nasabing kahit na ano. "Wala kasi siyang kasama sa penthouse, so sinamahan ko. Nakatulog naman siya nang maayos."

Nakatingin ako kay Rico, namamawis ako ng malamig. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko habang nakatingin sa kanyang nakataas ang isang kilay at nakakrus na ang mga braso.

"Wala akong gagawing masama sa kapatid mo, alam mo 'yan," sabi ko na lang, nagtaas pa ng kanang kamay para manumpa. "Mahal ko si Sab."

Ang talim ng tingin sa 'kin ni Rico nang duruin ako. "If you want Sab, pakasalan mo muna. Ayokong iiyak-iyak 'yon kay Mum, magsusumbong ng tungkol na naman sa 'yo."

"Hindi nga!" depensa ko. "Pero puwede kong i-date?"

"May time ka?"

Napaisip naman ako. Oo nga pala, busy ako until maikasal si Leo.

"Pero puwede kong samahan sa penthouse niya?" tanong ko na lang.

"No."

"Hala! Grabe naman. Sasamahan ko lang!"

"Hindi nga puwede," kontra pa niya. "Magpakasal muna kayo."

"Pero puwedeng i-kiss?"

"Sa noo saka sa kamay."

"'Tang ina naman, Rico, apo ko ba 'yon? Magmano na lang kaya siya sa 'kin?"

"I don't want you fooling around with Sabrina, ha?" warning na naman niya, duro-duro ako. "No kiss sa lips, no cuddle, and no sex! Pakasalan mo muna siya kung seryoso ka."

"Seryoso nga ako!"

"Then kung seryoso ka, wait until you get married, problema ba 'yon?"

"Ang boring naman!"

Lalong tumalim ang tingin niya sa 'kin. Napakamot tuloy ako ng ulo habang iwas ang tingin.

"I'm warning you, Clark," sabi niya at dinuro na naman ako pagtayo niya. "'Yang kapatid ko, pagod na 'kong umiiyak 'yan nang dahil sa 'yo. Do something stupid again, ako mismo ang haharang ng kasal mo."


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top