Chapter 14: Watchers
Hindi talaga ako matahimik sa mga pinag-usapan namin sa bahay. Parang nagre-replay sa utak ko lahat.
"Ano'ng meron doon sa document na sinasabi mong pinirmahan?" tanong ni Calvin.
"Hindi ko alam kung tungkol saan 'yon, pero tinanong ako kung nakakaintindi ba ako ng PinYin?" sagot ni Leo.
"Ng PinYin?" nagtatakang tanong ni Calvin. "Bakit PinYin?"
"Hindi ko rin alam! Basta tinanong nila ako n'on, tapos noong sinabi kong hindi, parang may isinulat sila sa likod ng folder na pinag-iipitan ng documents. 'Yon lang tapos ipinakita ulit sa amin ang documents, e malay ko ba roon, hindi ko naman naiintindihan 'yon."
"Maybe they wrote something sa folder kaya ka tinanong. Probably the document's in Mandarin Chinese, pero may isinulat pa silang iba. But that's the case. Why do you have to sign up for something shady like that?"
Mabait si Kyline, mabait si Tito Addie. Walang masamang tinapay sa kanila. Ang problema nga lang kasi, hindi umiikot ang desisyon sa kanilang dalawa lang. Kasi family business pa rin ang iniikutan nila, malaking bagay ang ganitong desisyon na pagpapakasal.
May kung ano sa mga Chua ngayon na sumasabay pa sa issue ng mga Yu.
And speaking of mga Yu, may masamang tinapay sila kay Uncle Bobby. Maliban kay Tita Tess, si Uncle Bobby ang ayokong kumikilos sa lahat ng kakilala kong magulang.
Kung si Tita Tess, tinataasan lang ng kilay ang mga pinoproblema ko; si Uncle Bobby, isang snap lang ng daliri, wala na 'kong problema nang ganoon lang kabilis. Pero isang snap lang din ng daliri ni Uncle Bobby, kaya niya akong bigyan ng problema na iso-solve ko hanggang sa susunod na limang taon. Proven and tested na 'yan.
Si Patrick, hindi ko maramdaman sa kanyang dapat siyang katakutan. Kasi sooooobrang layo ng adjective na 'yon para itabi sa kanya. Sobrang opposite siya ni Uncle Bobby.
Mabait si Uncle kung mabait, pero galit siya sa mga Yu. Hindi ko man nakita ang Ting Hun nina Patrick, pero ramdam ko ang disgusto niya sa kanila gaya ng disgusto ni Tita Tess sa mga Yu.
Natulog ako pero hindi ko naramdamang napahinga ang katawan o ang utak ko. pagkaligo ko, dumeretso agad ako sa Dasma kahit alas-singko pasado pa lang ng madaling-araw.
At gaya ng nakasanayan, nagkakape nang mag-isa si Uncle Bobby at nagbabasa ng diyaryo habang naghahain pa lang sa mesa ang mga maid.
"Good morning, Uncle Bobby," bati ko saka naupo sa upuan ni Patrick.
Pagtingin ko sa kanya, nanunukat na agad ang tingin at bahagya akong sinilip sa tuktok ng salamin niya sa mata.
"Hindi pa ba gising si Leopold?"
"Tagal bumangon, Uncle, nagugutom na nga ako," reklamo habang nakanguso, tinatapik-tapik ng hintuturo ang kanto ng mesa.
Natawa naman siya nang mahina at binalikan ang binabasa. Nilingon ko agad ang pinagmumulan ng mga maid.
"Ate Orang, patimplang kape, tengkyuuu!"
Sinilip ko ang first page ng diyaryong binabasa ni Uncle Bobby para makita ang headline. Malakas na lindol sa ibang bansa ang headline, focused sa mga Pilipinong biktima.
"Uncle."
"Hmm?"
"Puwede kayong matanong ng medyo personal questions?" naiilang na tanong ko kasi nagbabasa pa rin siya.
"Gaya ng?"
"Kasi kasal nina Pat at Mel next year, di ba?"
"Then?"
"Tapos nag-Ting Hun kayo sa Laguna."
"Okay?"
"Pumunta raw ang mga Yu, tapos hindi kayo goods sa kanila."
"You know them?"
"Friend po namin ni Calvin yung isa sa kanila."
"Hmm."
Grabe, mas malamig pa sa ice cream ang sagutan ni Uncle Bobby.
"Nagtataka lang ako, Uncle, kasi kung hindi pala ninyo sila gusto, bakit sila naka-attend doon?"
"Because they need to. They need to see Melanie and the Phoas."
Si Mel? Hindi naman kamag-anak ng mga Yu si Melanie, a?
Saglit na itinupi ni Uncle Bobby ang diyaryo para lang tingnan na naman ako. "Guess someone spilled some tea from an exclusive ceremony."
Biglang lapad ng ngisi ko kay Uncle kasi nahuli agad ako. "Nakuwento lang po ni Patrick. Tinanong po kasi namin kung masaya ba sa ceremony."
"It was fine. Everything was okay," simpleng sagot ni Uncle at binalikan na ang binabasa niya.
Inoobserbahan ko si Uncle Bobby. Ang chill lang niya. Hindi na rin naman na bata si Uncle. Pa-70 na siya, hindi nga lang halata kasi healthy living sila rito sa bahay. Mukha lang siyang nasa 50 plus. Wrinkles niya, hindi masyadong marami. Parang mas marami pa yata ang kay Dadi. Sa buhok siguro kasi hindi siya nagkukulay. Kung uban lahat, purong uban lahat ng buhok niya. Pero productive pa rin siya. Hindi man niya hawak lahat ngayon sa business niya kasi retiring days na niya pero ang dami pa rin niyang nagagawa.
"Uncle."
"Hmm?"
"Bakit galit kayo sa mga Yu?"
Nag-urong na naman siya ng diyaryo para lang silipin ako. "Galit sa kanila? I have no reason, son. But they are doing something everyone won't like, so anger is very subjective and relative."
"Dahil po ba 'to sa mga sinasabi nilang nawawala or naki-kidnap?" tanong ko na galing mismo kay Tita Tess.
Natawa nang mahina si Uncle Bobby nang maglipat siya ng page ng binabasa.
"You know, Clark, there are different kinds of crimes and cruelties you may encounter on a daily basis. You may read some of them in the newspaper, you may see them on the news, or you may watch them online from a spectator's perspective, but there are evil things some will see but have no chance to tell what happened." Saglit niyang inurong ang diyaryo sa mukha niya para lang tingnan ako. "Hindi ako nagagalit sa kanila dahil may mali silang ginawa sa akin. Hindi mabuting pamilya ang mga Yu kahit gaano pa sila ka-civil sa lahat ng nakasasalamuha nila. Ang krimen, wala mang witness, krimen pa rin. At pamilya sila ng mga kriminal."
"Pero mabait naman ang bunso nila, Uncle," malungkot na sabi ko, dinedepensahan si Mother Shin sa katotohanang sinasabi ni Uncle tungkol sa pamilya ni Mother.
"Shin Yu is a lesser evil. Not favored, but considered. Pero hindi dahil mabait siya sa 'yo, ibig sabihin ay hindi siya gumagawa ng hindi maganda. Kung pumatay man siya ng sampung tao at pinakain ka niya dahil nagugutom ka, ipagpapasalamat mo ang pagkain, pero hindi mo puwedeng balewalain ang mga pinatay niya. Sana naiintindihan mo 'yon, Clark."
"Pero hindi naman . . ." Hindi ko matapos ang gusto kong sabihin. Gusto ko sanang sabihin na hindi naman pumapatay si Mother Shin, pero naaalala ko kung ilang beses niya rin akong binigyan ng warning tungkol diyan—lalo na noong unang punta ko sa resto—nalulunok ko na lang ang salita ko.
"I kow he's your friend, son," biglang sabi ni Uncle na pinilit kong itago ang pagkagulat. Pinandilatan ko siya, pero pinahupa ko rin agad.
"Yes po, Uncle," matamlay na sagot ko. "Paano n'yo po nalaman, hindi ko naman siya laging kasama?"
"Hindi sila bukas sa pakikipagkaibigan, pero bukas sila para sabihing kaibigan ka ng pamilya nila," maagap na sagot niya. "Ayokong i-commend ka sa isang bagay na hindi mo dapat ginawa, pero nagpapasalamat akong naging malaking bagay ang koneksiyon mo sa batang Yu para sa lahat ng mga ginawa niyang pag-ayos sa mga sinira ng pamilya niya."
Nabigyan ako ng kaunting pag-asa roon pero ibinalik ni Uncle Bobby ang pagbabasa sa diyaryo saka nagsalita.
"Unfortunately, that family is still as greedy as ever, and that kid is in a critical state. Hindi maganda ang estado ng pamilya nila ngayon para mangialam ang kahit na sino."
Habang nakikinig ako kay Uncle Bobby, parang may nakita akong isang side niya na hindi ko madalas makita noon.
Sumasagot siya sa mga tanong ko nang deretso hindi gaya ni Tita Tess na pasasakitin pa muna ang ulo ko bago ko mahulaan ang sinasabi. 'Yon lang, hindi ako naka-defense mode hindi gaya kapag kausap ko si Tita. Parang naka-offense mode si Uncle tapos hindi ako makalaban at wala akong choice kundi makinig na lang sa sermon niya.
Naghahanap ako ng masarap na almusal, binigyan ako ng malutong at mainit-init na sermon.
Nag-congee na lang tuloy ako at kape sa kawalan ng gana kahit ang daming handa sa mesa.
Sabay kaming kumain ni Uncle Bobby, tanghali na raw magigising si Tita Liz. Wala na rito sina Patrick kasi nasa Laguna naiwan para doon makapanganak si Melanie. Talagang silang mag-asawa na lang ang nandito sa malaking mansiyon.
"Salamat po sa breakfast, Uncle. Punta po muna ako sa mga Dardenne, daanan ko si Tita Tess."
"Take care of yourself, son," paalam ni Uncle Bobby. "Always watch your back. Hindi na ligtas sa panahon ngayon. Hindi mo alam kung sino ang puwedeng umatake sa 'yo anumang oras."
Paalis na ako sa dining area pero saglit akong natigilan habang pinanonood na uminom ng tubig si Uncle Bobby matapos ang sinabi niya.
"Uh . . . sure thing, Uncle. Thank you sa . . . reminder? Una na po ako."
Ayokong mag-isip ng kung ano-ano.
Gusto ko na lang isiping casual na paalala lang 'yon kasi hindi natin masabi ang puwedeng mangyari pag-alis ko sa kanila.
Pero ang sequence kasi ng conversation namin, parang dinagdagan lang niya ng threat sa bandang dulo kaysa casual reminder na mag-ingat ako pag-alis.
Straightforward kausap si Uncle Bobby. Pero kompara kay Tita Tess, siya yung straightforward na hindi ako frustrated kausap siya kahit guilty man ako o hindi. At ang hirap ng honest lang si Uncle sa pagsagot sa mga tanong ko, pero hindi ko madepensahan ang sarili ko dahil guilty ako. Kay Tita Tess, nakakakontra pa ako, e.
Siguro, kung si Tita ang nag-drop ng tungkol sa pinatay ni Mother at pinakain ako, baka makontra ko pa 'yon ng tungkol sa panunutok niya ng baril sa kung sino-sinong lalaking kinabuwisitan niya.
Pero si Uncle Bobby, never kong nakitang humawak ng baril o naging marahas maliban sa pambabatok at pamamalo niya kay Patrick. Kung ako man siya, hindi lang palo ang matatamo ni Patrick sa akin, baka lumpuhin ko pa 'yon para sa kanya.
Pero mabait talaga si Uncle Bobby, mapagbigay pa. Basta huwag lang siyang "aawayin." Madali lang kasi para sa kanyang magbigay ng problema sa mga naghahanap ng problema sa kanya. Ganoon siya kamapagbigay.
Nilakad ko ang kabilang street at tumaas na ang araw nang makita ang mga maid sa mansiyon ng mga Dardenne na naglilinis na.
"Ang aga naman, Clark!" bati ni Manang Josie na nagwawalis ng dahon sa may gate.
"Si Tita?"
"Baka nagyoyoga, tingnan mo na lang sa gym."
Angas, naabutan ko pa si Tita sa routine niya. Ibig sabihin, ganoon na ako ka-late para sa breakfast nila.
Ang gym ng mga Dardenne, hindi ko madalas nagagamit. Pero si Rico, kapag dito siya naka-stay, oo. Madalas kasi noon, dito nakatira si Rico para hindi na nga raw siya dadayo pa kapag may ikakatok siya sa pinto ng daddy niya maliban kung nasa research center siya. 'Yon lang, hindi na ngayon dahil may asawa na nga.
Nasa bandang dulo ang gym, sinulit ang walking warm-up ko ngayong umaga kasi napakalayo talaga ng dadayuhin para lang doon. Sa first floor pa man din.
"Hi, tita kong maganda, haw ar yu tudeeey?" bati ko pero hindi masyadong masaya ang boses.
Naabutan ko siyang naka-elbow stand sa rubber mat at deretsong-deretso ang katawan sa ere. Naka-gray yoga leggings lang siya saka dalawang sando na magkapatong; isang itim na manipis ang strap at isang white na tank top.
Nag-indian sit ako sa gilid na edge ng malaking rubber mat at tinitigan si Tita na hindi man lang nahihirapan sa ginagawa.
"Wala ka bang work?" tanong niya, seryosong nakatingin sa harapan at tumatagaktak ang pawis sa noo at sentido.
"Toka ni Pau ngayon, Tita. Mamayang gabi pa ako sa bar," sabi ko. "Tita, paano kapag ikinasal kami ni Sab, papayag ka pa bang mag-bar ako?"
"Kung kasama mo si Ronerico, bakit hindi?"
"Paano yung bar namin ng isang kasosyo ko? Ako nag-i-inventory doon ng mga alak, Tita."
"Wala bang ibang gagawa?"
"E di, wala na 'kong trabaho."
"Sa dami ng trabaho mo, mawawalan ka pa?"
Eto talaga ang difference ni Uncle Bobby at ni Tita Tess. Etong roller-coaster intonation naming dalawa.
"Hindi naman, Tita. Ano lang, sayang pasahod. E, ano lang naman mag-check ng stocks sa storage room."
Bumalik na sa paghiga si Tita Tess. Humilata siyang saglit, lapat ang likod sa mat, saka itinaas ulit ang mga paa sa ere. Tukod-tukod na niya ang mga kamay sa bandang balakang para iangat ang kalahati ng katawan niya habang nakahilata.
"Madali lang gawan ng paraan 'yang problema mo, Clark," sermon ni Tita sa 'kin.
"Hindi naman kasi siya totally problema, Tita. Tinatanong ko lang kasi, siyempre, sinusundan pa rin ako ng mga taga-Afitek. Tapos baka maitsismis sa 'yong nagpupunta ako sa bar. Alam ko namang madadaldal ang mga tao mo. Para lang din alam mo na hindi naman ako nagba-bar kasi nambababae ako. Baka sabihin mo, pinependeho ko na agad si Sabrina, hindi pa kami kasal."
Tinawanan lang ako ni Tita, hindi naman sumagot.
Wala siyang ibang sinabi, nagpalit na naman ng posisyon niya na naka-de-kuwatro ang mga binti sa mababang pagkakaupo habang nakadaop ang mga palad na mukhang nagdadasal.
"Tita."
"What?" masungit niyang sagot.
"Baka puwedeng i-extend yung kasal kay Sab. Kasi ikakasal na rin si Calvin sa summer."
"At kanino naman siya ikakasal, aber?"
Nagbuka ako ng bibig para sana sumagot, pero pinag-isipan ko ba kung totoong pangalan ang sasabihin ko o hindi. Sa huli, nagsabi na lang ako ng siguradong okay lang na sagot.
"Parents daw niya ang nag-decide n'on, Tita, e. Kahit sana sa December na lang kami ni Sab tapos si Leo ang sa June."
"E di magsabay na lang kayong ikasal."
Biglang lumapad ang ngiti ko. "Payag ka na, Tita?"
"Oo naman. Pero hindi ko alam kung saang simbahan nila balak ikasal, pero wala namang problema kung sabay kayong ikasal. Sila naman ang magde-decide para sa venue nila."
Wala talagang puso 'to si Tita Tess para sa mga naghihirap.
"Si Tita Tess, para namang others si Leopold. Paano kapag kinuha kang sponsor sa kasal nila?"
"I'll decline, is that a problem?"
Ang sakit sa atay ni Tita Tess! Gawa siguro sa asero ang puso nito ni Tita. Parang gusto kong tanungin si Tito Ric kung bakit. Bakit itong babaeng 'to pa of all the pretty faces in the entire world?
"Tita, extension lang naman. Grabe ka naman sa 'min ni Leopold. Siyempre, magpa-planning pa kami. Ang dami-dami pang aasikasuhin sa kasal niya. E, si Patrick, ikakasal pa lang. Wala pa kaming kahanda-handa sa isa pang kasal, Tita, pramis!"
"Clark, you have all the resources, napakadali lang ng pinoproblema mo."
"Tita . . ."
"Kung ako ang aasikaso niyan, February pa lang, plantsado na 'yan."
"E, ikaw kasi 'yon, Tita. Siyempre, takot lang sa 'yo ng mga iha-hire mo. Kami, natural, aayusin pa namin mga schedule namin. Maghahanap pa kami ng coordinator saka location. Pati studio saka catering services. Sobrang hassle, Tita, hindi namin kaya ang February."
"Hay, naku, Clark. Kung 'yan lang ang ipinunta mo rito, walang uurong ng date ng kasal. Kung gusto mo, ikaw ang umurong kung nahihirapan ka."
At napaurong naman ako paatras sa inuupuan ko dahil doon. "Grabe naman, Tita. Paano naman tayo napunta diyan?"
"If I were you, gumawa ka ng paraan sa kasal ni Leopold. Kung kaya kong ayusin 'yan in a short span of time, mas kaya n'yo 'yan dahil may resources din kayo. Ang dami-daming paraan, hindi makaisip? Ganyan ka ba pinalaki?"
Hindi na talaga makatarungan 'to si Tita Tess. Ang aga-aga, nag-almusal lang talaga ako ng sermon.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top