Chapter 1: Pressure
This chapter is dedicated to Lonelylovedreamer13 na first comment the last chapter.
Enjoy reading, guys!
♥♥♥
Pressured kaming magbabarkada. For what reason? Kasal na si Early Bird. And what's worse? Kay Jaesie siya ikinasal.
Wala 'yon sa plano.
I wanted them to be together, alam ko 'yon, pinilit ko, e. Pero hindi pa kasal. Kasi ang usapan nga, mauuna sina Leo at Ky.
Pero wala, e. Until now, pabibo talaga 'tong gagong 'to, gusto laging nauuna.
Siguro sa buong barkada, kay Will lang hindi mabigat ang pressure kasi hanggang ngayon, pinu-push pa rin siya ng daddy niya na mag-take ng theology at magpari na lang. Single siya, walang anak, and he's already 32. Kumbaga, mag-serve na lang siya kay Lord para naman may saysay ang buhay niya, according to the Vergaras.
Mas mabigat ang pressure sa lahat para kay Leo kasi hindi pa rin niya nakukuha ang yes ni Kyline. I was thinking, baka ginagawan lang ng rason ni Ky para patunayan ni Leo ang loyalty niya—pero hindi na kasi about loyalty ang issue.
As time goes by, and as we digest things around us, muntik na naming makalimutan ang pinakaimportanteng bagay about Kyline—Chinese siya and Leo's half American and half Filipino.
Ang mama ni Mommy Linds ay Fil-Chi, Filipino ang papa niya sa papel na ang root ay sa Sabah, Malaysia based sa history ng searches ko. Nandoon ang idea ng possibility na baka puwede sila ni Tito Addie dahil may descents naman. Pero may malaking question mark sa mga document.
Ang daming kino-consider sa wedding nina Leo at Ky kaya hirap din kaming ilakad ang kasal kasi illegitimate child si Leo, naka-rely lang kami sa adoption papers niya kasi hindi rin niya alam kung Deonida ba siya o Vergara, e madalas itanong ang mother's maiden name, hindi naman sa tatay. Tapos ang pakakasalan niya, Chinese pa.
Of course, maliban sa kanilang dalawa, mas affected din ang dalawang anak nila. Hindi pa sila kasal kaya somehow illegitimate children pa rin sina Eugene at Luan.
Ako ang nagpalaki kay Eugene. From baby days niya until now, naka-monitor ako. First baby boy ko si Eugene kaya alam ng buong barkada, kahit ng parents namin, na kung may mentally and physically prepared man sa pag-aasawa at pagpapamilya, ako na 'yon.
Doon mas bumigat ang pressure ko kasi second baby ko dapat si Luan. Kinontrata ko pa nga si Kyline na ako ang magpapangalan sa pangalawa niya pero huwag niyang sasabihin kay Leopold.
Luke Anakin. Two of the most powerful and greatest Jedi sa galaxy. Ang dami ko nang plano para kay Luan habang lumalaki tapos biglang sasabihin ni Leo na siya na raw ang mag-aalaga sa pangalawa niya kasi hindi niya raw naalagaan noon si Eugene.
Buwisit.
Kaya ngayon, kitang-kita kung sino ang nagpalaki kanino.
Pero ang problema kasi, hindi lang basta baby si Luan. Siya talaga ang biggest pressure namin ngayong lahat.
Dinalaw namin si Leo kasi hindi siya makakalabas ng bahay, e dapat may hangout kami ngayon. Nasa flower shop si Ky kasama si Eugene, naiwan tuloy sila ni Luan sa bahay.
"Da!"
"Da!" paggaya ni Jaesie habang nakikipaglaro kay Luan. "Ang cute-cute mo! Ang liit-liit mong manika."
18 months na si Luan, nakakapagsalita na kahit hindi naiintindihan ang ibang sinasabi. Nasa sulok sila ni Jaesie, nandoon sa single-seat sofa. Nakatupi ang mga binti ni Jae paupo, nakahiga roon sa hita niya si Luan, tapos kanina pa sila Da nang Da roon kasi wala pang ibang nasasabi si Luan na deretso maliban sa Dada, Mimi, at mag-brrr habang nagpapaulan ng laway.
"Ayaw pa rin bang magpakasal ni Ky?" tanong na namin kay Leo kasi nakakadalawa na sila ni Kyline.
"Ten years old pa lang si Eugene," sagot ni Leo, at hindi na kami nakapag-follow up ng tanong.
May two years pa pala.
"Dude, si Jae, ayaw pa mag-anak?" mahinang tanong ni Leo kay Rico na namamapak ng choco bar sa gilid.
"Ha?" maang-maangang tanong nitong isa.
"Si Jae, may balak bang mag-anak," ulit ni Leo.
"She wants to," deretsong sagot ni Rico at tumango pa. "But she said na hindi pa kasi economical for now na mag-baby kami, especially, hands on siya sa Purple Plate and wala pang four months ang branch sa Cebu. But we have a plan. Hindi pa sa ngayon. Maybe we'll consider things first before having a baby."
Napatingin kaming lahat kay Jaesie na kagat-kagat na ang pisngi ni Luan.
"She's eating Leo's baby siopao," sabi ni Patrick habang sinisiko rin kami. "I can't imagine Early Bird and Jae having kids. It felt like they're breeding a destruction troop."
"Hey!" sita agad ni Rico at sinipa sa hita si Patrick na nakahiga sa sofa. "Jae loves babies, look!"
Pagtingin namin kay Jaesie nanlalaki na ang mga mata niya, nagtatagis ang ngipin sa sobrang gigil, at parang sinasakal na si Luan.
"Jae!" sabay-sabay pa naming sita. "Ano'ng ginagawa mo kay Luan?"
Bigla niyang binuhat si Luan saka pinakandong sa kanya. "Ang sarap niyang kainin!" At kinagat nga niya si Luan sa malusog na braso ng bata hanggang umiyak na nga. "Ay, bakit ka umiiyak? Sino nagpapaiyak sa 'yo?"
Nagkapalitan pa kami ng tingin nina Calvin para sabihing hindi dapat mag-baby si Jaesie.
Cute si Luan. Bilog na bilog siya, at sinlaki na niya halos ang mga large plushie niya sa crib.
Pressure si Luan para kina Rico at Jaesie kasi sa barkada, si Rico pa lang ang kasal. At dahil kasal na sila, hinahanapan na sila ng anak. 30 going 31 na si Rico after two months. 28 naman si Jaesie. Right age nga kung tutuusin, pero hindi kasi siya madaling i-impose dito sa dalawa na hindi priority ang magkaanak.
Pressure si Luan kina Calvin at Patrick kasi nakakadalawang anak na si Leo sa isang Chinese girl, habang silang dalawang Chinese boys, ni girlfriend na magtatagal nang isang buwan, wala.
Mas pressure naman sa akin kasi kapag hinihiram ko si Luan, babanatan agad ako ng bakit kasi hindi ka mag-anak ng sarili mo?
Hindi ho ako seahorse. Kung puwede lang mag-reproduce all by myself, baka nakabuo na ako ng football team noon pa.
Ayoko talaga sa ugali ng parents namin na out of the blue, biglang magtatanong kung kailan kami mag-aasawa dahil nga wala na kaming lahat sa kalendaryo.
Ang generation kami ng parents namin, gaya sa akin, sina Mami, ikinasal, 21 pa lang. Ipinanganak ako, 23. May struggle pa roon, pero nai-survive nila. Si Tita Tess, 23 nagpakasal, 25 ipinanganak si Rico.
Yung hindi mo naman hinahabol ang differences ng generation pero nakakagawa talaga ang parents namin ng paraan para magkaroon ng comparison.
Yung nananahimik kang kumakain sa event tapos biglang may magsasabing, "Alam mo, sa ganyang edad, nagsasabit na ako ng medal sa pangalawa ko."
Tapos lost na kaming magbabarkada, lalo kami nina Calvin na wala man lang girlfriend na kayang ipakilala sa pamilya.
Yung problemado na nga kayo sa pressure tapos itong Rico na 'to, biglang bumanat ng church wedding sa first wedding anniversary nila ni Jaesie.
Sobrang lalim ng naging deliberation namin sa kung sino ang dapat niyang maging best man.
Nasa rose garden kami ng mansiyon ng mga Dardenne at seryosong naglalatag ng plano.
"Dude, not me," maagap na sagot ni Will. Kapag nakita ako ni Daddy sa altar . . ."
"Yeah, I know," sabi ni Rico at tumatango-tango na lang.
Inilalayo namin si Will sa view na pipilit talaga sa pamilya niya para maglingkod siya kay Lord with all his heart.
One down. Four to go.
"What if si Leo?" tanong ni Pat.
"Kay Clark ako magbe-best man," mabilis na sagot ni Leo kaya napaurong agad ako.
"Seryoso ba?" natatawang tanong ko.
"O, di 'wag na!"
"Hoy, gago, nagtatanong lang ako kung seryoso ba," nakangusong sabi ko saka sila hinarap. "Kay Leo ako magbe-best man. Alam n'yo naman, kapag wala 'to, magsa-sub akong groom kay Kyline."
"'Lul, invited ka ba sa kasal ko, ha?" biglang sabi ni Leo na nakapagpawala ng ngiti ko saka siya binangga-bangga sa balikat para angasan.
"Yabang mo, a. Baka nakakalimutan mo, sperm donor ka lang ng mga anak ko kay Kyline."
"Puta ka!" Tinawanan lang ako ni Leo sabay dakma sa mukha palayo sa kanya.
"Ayokong mag-speech sa reception," tanging dahilan ni Calvin at itinuro si Patrick na iniisa-isa kami ng tingin para tanungin.
Parang may imaginary tension spark na nabuo habang nakatingin kami kina Patrick at Rico kasi . . . the ex-soon-to-be-husband and the legal husband face-off talaga 'to.
"Guys," mabigat na pagtawag sa amin ni Patrick. "We all know naman na ano, di ba?"
"Si Melanie ang maid of ho—"
"Ako na!' mabilis na sagot ni Patrick at nagtaas pa ng kamay. "I can do this, guys. For Jaesie's happiness!"
"Ulol!" Mabilis siyang binatukan ni Calvin kaya natawa agad kami. "Jaesie-hin mo mukha mo. Narinig mo lang si Melanie, ang tulin mong magdesisyon."
"Rico's asking for our help, di ba?" katwiran pa ni Patrick. "Barkada tayo, dude!"
"Hahaha!"
"'Tang ina mo, magsasalita ka pa? Magsasalita ka pa talaga?" Sunod-sunod siyang hinabol ng palo ni Calvin kaya tawa lang kami nang tawa.
Si Patrick ang naging official best man ni Rico. Nag-agree na rin si Patrick na si Rico ang magiging best man niya kapag ikinasal naman siya sa kung sino man ang babaeng mapipili niya—kung meron man . . . kahit meron naman na talaga sa pananaw niya.
Pangalawang kasal ni Rico.
Pangalawang anak ni Leo.
At puro na kami pressure sa barkada kung ano na ang mga balak namin sa buhay.
♥♥♥
Mula nang ikasal si Rico, halos linggo-linggo na akong nakikipag-date sa kung sino-sinong babae. Ang ine-expect kasi nila: maganda, matalino, financially independent, at maalaga.
Kapag naririnig ko 'yon, si Jaesie talaga ang pumapasok sa isip ko. Paborito na nga siya ni Tito Ric kasi para siyang Tita Tess 2.0 na firm din sa paniniwala niya.
Ang hirap maghanap ng babaeng maganda, matalino, financially independent, maalaga, tapos pipiliin ka over herself. Ang hirap nilang i-keep kasi, gaya ni Melanie. 'Tang ina, Patrick Lauchengco na 'to, pero wala siyang pakialam.
Ang hirap maghanap ng babaeng hindi ka kailangan, hahaha!
Kaya siguro hirap na hirap si Patrick na i-keep si Melanie kasi nabuntis niya si Mel, ang kaso, pinagtitripan naman siya. Gusto raw ni Mel maging single mother, e di iyak na naman si gago.
Pinamamadali niya ang kasal, gustong gayahin si Rico na nagpakasal sa huwes. Ang problema nga kasi, si Rico 'yon. Alam ni Early Bird kung paano makikipaglaro kay Tita Tess. E, si Patrick, ang kalaban niya, hindi sina Tita Liz. Si Melanie mismo.
"Sab needs to finish the suit," sabi ni Rico. "Clark, puntahan mo nga si Sab sa penthouse. Hindi 'yon sumasagot sa call ko kanina pa."
Tiningnan ko siya kasama sina Mat na nagpa-plan ng civil wedding nina Melanie. Nag-meeting pa kami rito sa bahay ni Patrick para lang sa planong 'to. Gusto ko sanang magreklamo na napag-uutusan na naman ako kaso ayokong pagdiskitahan na naman nina Calvin kasi naumpisahan na si Will kaya tumakas na agad ako.
Si Sabrina ang gagawa ng suits namin para sa kasal ni Patrick. Request talaga 'to ni Pat kasi habol niya yung promotion ng brand ni Sabrina, usapan nga kasi nila ni Rico.
Ang kaso, pagdating ko sa penthouse ni Sabrina, mukhang may problema ang gagawa ng mga suit namin para sa kasal ni Pat.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top