Chapter 9: Overacting
I didn't get how attraction and love function pagdating sa emotion ng tao. Siguro kasi, iniiwasan ko dahil ayokong mag-risk. I saw my parents mess up with their lives, and having someone is too risky for me kasi mabilis akong mabuwisit.
Si Patrick, iyak nang iyak sa iisang babaeng lang. Minsan, masaya siya. Ngingiti out of the blue. Hindi naman siya ngingiti lang just because. Pero madalas siyang umiyak o kaya balisa. Para ngang buang.
Wala kaming idea kung paano ba ma-in love si Pat, pero may idea kaming nasisiraan na siya ng ulo, at hindi kami puwedeng manood lang habang tumatawa sa mga kagaguhan niya.
Pat is fragile. He's this goody-goody student na kahit pa matangkad, kitang-kita na sobrang baby pa niya.
Laging pinupuna ang rich kid aura niya. Sobrang lapad niyang ngumiti, kitang-kita ang makapal niyang brace. He's wearing eyeglasses na sobrang kapal. Maglalaban sila ni Rico sa kapal ng salamin. Pero si Rico naman kasi, mukha namang batang prof kaysa kay Pat na mukhang matangkad na ten years old.
Hindi kami sigurado kung paano iti-treat ang dumadalas na pag-iyak ni Patrick. Kasi kahit anong sermon namin, ayaw makinig, ang sarap gulpihin maghapon.
Noong una, tinatawanan pa namin. Pero later on, pinipilit na niya. Hindi na kami natutuwa.
Hindi ko lang siguro ma-gets ang point na gagawa ka ng mga nakakabaliw na bagay para lang sa crush mo. I mean, sobrang OA kasi ni Patrick. Hindi ko ma-imagine ang sarili kong magpapaka-OA para lang sa babae. Sobrang petty lang isipin.
January, last three months ng second sem, first year. May plano na kami para kay Pat at doon sa crush niyang taga-LaCo. Morning, papasok na dapat ako sa klase ko pero masyado pa kasing maaga para sa 8:45 morning class. Iniwan ko sa locker ang bag ko at dala lang ang wallet at phone.
May murang kape sa canteen, doon sa coffee vendo na tiglilimampisong barya lang, doon ako madalas bumawi ng kape.
Some would say na kahit hindi naman kami mahirap, ang kuripot ko. But maybe they were just saying that kasi, for me, manghihinayang ka sa pera kapag ikaw ang breadwinner ng sarili mo. Hindi madaling kitain ang pera. Madaling gastusin ang perang hindi mo pinaghirapan. Pero kapag ikaw na ang gumagawa ng paraan para magkapera, sa wants versus needs, kahit na gusto mong bilhin ang wants mo, you need to prioritize your needs first.
Yung barkada ko, may allowance galing sa parents nila. We're just what? Seventeen and eighteen. First year college.
May allowance ako galing kay Sir Bobby, pero hindi ganoon katigas ang mukha ko para i-substitute siya kay Daddy bilang financial support ko. And I have to do my job properly kasi ang anak niyang spoiled, nagpapakabaliw na naman recently.
Crowded sa campus. I was carrying a cup of hot coffee na ihip ako nang ihip habang naglalakad pabalik sa locker room.
Siguro, masyado lang talagang maliit ang mundo, at may tangang hindi tumitingin sa dinaraanan niya, may nabunggo tuloy ako.
"Oh my God!"
Naibato ko agad sa ere ang kape ko out of reflex dahil napaso ako. Pag-atras ko, may natapakan akong kung anong matigas at dumulas iyon sa sapatos ko kaya bumagsak agad ako sa tiled hallway una ang puwitan.
"Aray, putang—"
'inaaaaaa!
Pagpag ako nang pagpag ng kamay kong napaso.
Pota.
"Daddy . . ."
Pag-angat ko ng tingin, may nakatalikod na sa aking babaeng estudyante, hawak din ang braso niyang pulang-pula habang umiiyak.
"Daddy, help . . ."
Hala, gago.
Napatayo agad ako saka siya nilapitan. "Uy, sorry! Okay ka lang?" Pinaharap ko siya sa akin at halos lumuwa ang mata ko nang makita si Kyline na umiiyak. "Ay, pot—okay ka lang?"
"Leo . . . ang sakit . . ."
"Taragis talaga." Tumingin ako sa sahig. Nagkalat doon ang ibang gamit niya. Ang iba, nagsu-swimming pa sa kapeng natapon. "Saglit!"
Dinampot ko ang dumulas sa akin kanina. Phone iyon na sinubukan kong buksan para malaman kung nasira ko ba. Bumukas naman, thank God. Sunod ang ilang papel na galing yata sa bag niya. Hindi ko na sigurado.
Paangat pa lang ako nang makita siyang nakikidampot din sa akin.
Ang tanga naman talaga nito ever. Ang dami ko rin namang nakasalubong kaninang mga estudyante, siya lang ang nakabangga sa akin.
"May klase ka?" tanong ko kahit naiirita na. Tumango lang siya. "Ngayon?" tanong ko na naman. Tumango na naman siya. "Sinong prof?"
"Si Ma'am Garcia."
Ma'am Garcia, pakshet. Napasuklay agad ako ng buhok habang nakatingin sa daan papasok ng faculty room. Kaso sa IFAA naman 'to. Iba ang faculty ng Tourism.
Ma'am Garcia . . .
"Sino 'yon?" nalilitong tanong ko kung saan pupunta.
Wala bang ibang classmate 'to sa malapit? Para puwede kong i-excuse muna.
"Okay lang . . ." sabi niya. "I'll go na lang sa restroom . . ."
"Sira. Tara sa clinic." Hinawakan ko siya sa braso, inilagay ko ang phone niya sa nakabukas niyang shoulder bag, saka ko siya kinaladkad papuntang clinic sa kabilang building.
Naghahanap ako ng kapareho niya ng uniform . . . kaso ang dami niyang kapareha ng damit! Tinitingnan ko ang ID ng iba. May sticker ang bawat ID kada sem at kada year. Green ang sticker ng kay Kyline, pero halos karamihan ng nakikita ko, kung hindi yellow, fuchsia naman.
Yung clinic, nasa tabi lang ng department ng mga medtech. Gusto ko sanang maghatak ng mga estudyanteng may bitbit na parang medikit whatever kaso kapag tinitingnan ko naman ang laman ng mga 'yon, puro lang bulak, maliliit na bote, saka injection.
Nah, aanhin ni Ky ang injection?
Second door mula sa isa sa mga entrance ng building ang clinic. Pagdating doon, pinihit ko agad ang doorknob kaso naka-lock.
"Buwisit naman." Napatingin ako sa malawak na hallway na puro may mga kit na dala. "Wala bang may first-aid kit sa mga medtech na 'to?" mahina kong tanong habang naghahanap kung sino ang may kit na hindi mukhang mangunguha ng dugo ng tao.
"Leo, it's okay," sabi pa ni Ky. Napatingin tuloy ako sa kanya. Lalo lang akong sumimangot kasi kulay brown na ang tagiliran ng blouse niya gawa ng kape. "I'll soak it in cold water na lang."
"Yung blouse mo, may tapon ng kape." Ang tanga talaga.
"Okay lang . . . tatakpan ko na lang ng bag."
"Wala ka bang ibang alam sabihin kundi okay lang? Nakakarindi ka."
Napayuko siya. "Sorry."
Ang tanga talaga, naiinis ako.
Dalhin ko na kaya 'to sa ospital sa labas ng school?
Kaso ang overacting naman. Hindi naman siguro first-degree burn ang nangyari sa kanya. Napaso rin naman ako pero makirot lang naman. Tiningnan ko ulit ang kamay niya. Pulang-pula na, 'tang ina. Bakit ba kasi kulay papel 'tong babaeng 'to?
Hindi naman siguro malala. Napaso rin ako, hindi naman siguro siya lolobo or whatever.
"Sige na nga, pumunta ka na lang sa restroom. Bahala ka na diyan."
"Okay."
Iniwan ko na siya.
Paulit-ulit kong tiningnan ang paso ko kung kaya ba ng balat ko ang kirot.
Kaso kahit ang balat ko, namumula na rin. Habang tumatagal, parang umaangat ang balat tapos pinapaso ang loob.
Kung makapal na ang balat ko, what more kay Kyline?
"Ay, buhay!" Pinagpag ko ulit ang kamay ko para mawala ang sakit saka ako tumakbo palabas ng campus.
Tinawagan ko agad si Clark sa speed dial 2 ko. Tatlong ring lang, sinagot agad.
"Hoy, gago!" sigaw ko, nagmamadali.
"Gago ka rin! 'Tang ina mo, umagang-umaga, hindi ka man lang makapag-good morning, 'king ina ka!"
"Napaso ng kape si Kyline!"
"HUWAAAT?"
Nailayo ko agad ang phone ko sa tainga. Kung makasigaw naman 'tong animal na 'to, isa ring OA.
"Anong gamot doon? 'Tang ina, bilis!"
Ang tulin ng takbo ko paliko sa kaliwa, palabas ng campus.
"Bili ka ng lidocaine saka neomycin!"
"Nido ano?"
"Lidocaine, pota!"
"Spell?"
"Li!"
"'Tang ina mo! Spell nga, pota, anong Li ka diyan?"
"L-I nga kasi, gago ka ba!"
"LI na ano?"
"L-I! Do! Caine! Tapos neomycin! 'Tang ina, ang bobo mo naman!"
Beep! Beep!
Naidampa ko agad ang kanang palad ko sa hood ng muntik nang bumangga sa aking sasakyan paghabol ko sa green light na kaka-red lang.
"Hoy, gago! Kung magpapakamatay ka, huwag mo 'kong idamay!"
"Sorry, boss! Sorry!" Kumaripas na naman ako ng takbo papunta sa kabilang kanto na may pharmacy. Halos banggain ko ang glass counter na pulos hilera ng pabango, pulbo, saka kung ano-anong pamahid.
"Miss! Miss! Anong gamot meron kayo sa paso?" tanong ko agad doon sa nagbabantay na babae sa loob.
"Paso ng alin?"
"Paso ng kumukulong tubig? Ano 'yon?" Tiningnan ko ang screen ng phone ko. Patay na pala ang call kay Clark. May text din na ubos na pala ang load ko. Pakshet, regular load ko pala ang nagamit ko. "Lidocaine saka ano . . nidomycin?"
"Neomycin," pagtama n'ong babae.
"Basta 'yon po. Saka ano . . . yung pambenda. Saka tape. Pabilis po."
"Maghintay," masungit na sagot sa akin n'ong tinderang hindi naman mukhang pharmacist.
Tiningnan ko ang paso ko sa kamay. Hindi pa rin nawawala ang kirot, pero kaya ko namang tiisin.
Pagkabili ng gamot, kumaripas na naman ako ng takbo pabalik sa tapat ng clinic pero sa entrance pa lang, hindi na ako tumuloy kasi wala na roon si Kyline. Dumeretso ako sa pinakamalapit na restroom sa dulo ng first floor sa kabilang building saka parang timang na nambulabog ng mga babaeng estudyanteng naroon.
"Kyline Chua?!" malakas kong tanong mula sa labas. Hawak ko ang hamba ng pinto habang nakapasok na ang halos kalahati ng katawan ko sa loob ng CR. "Ky? Kyline?"
Walang sagot. Dumeretso ako sa restroom sa fourth floor. Ni hindi na nga ako naghintay ng elevator, tinakbo ko na ang emergency exits mula first floor paakyat para lang makapunta sa pinakamalapit na restroom sa building ng mga tourism student.
"Ay, bastos!" Muntik pa akong mahampas ng bag paghinto ko sa tapat ng restroom ng mga babae roon.
"Sorry, sorry!" Sumilip ulit ako sa loob. "Kyline Chua? Ky?"
Wala na naman.
Pumunta ako sa bulletin board sa third floor naman, hinananap ko ang schedule ng mga first year.
Puro mga third year at fourth year ang mga nakalagay roon.
May hinatak agad akong isang babaeng tourism student na mukhang second year.
"Excuse me . . . saan yung . . . yung room ng mga first year?" hinihingal na tanong ko.
"Anong subject?" tanong niya.
"Uhm . . . hindi ko alam, e. Pero prof yung Ma'am Garcia."
"Ah . . . Retorika." Itinuro agad niya yung ibaba. "Sa second floor, baka nasa room 205 sila."
"Thank you!" Kumaripas na naman ako ng takbo pababa sa second floor. Inisa-isa ko ang room doon. May mga nagkaklase pa. Pagdating ko sa room 205, sinilip ko pa mula sa labas kung nandoon si Kyline. Nang wala akong makitang Kyline Chua, nag-excuse na ako sa prof na nagle-lecture sa harap ng teacher's table.
"Ma'am, excuse po. Class po ba ito ni Ma'am Garcia?"
"Ma'am Garcia?" ulit pa ng prof bago itinuro ang hall. "Check mo sa room 201. Kanina pa ang class niya rito."
"Thank you po."
Binagalan ko na ang lakad ko habang naghahabol ng hangin. Inilapat ko muna ang palad ko sa gilid ng pinto saka ako naghabol ng hininga saka ako sumilip sa loob ng pinto.
May nagkaklase na namang prof doong may-edad na babae.
"Excuse, ma'am," sabi ko.
"Yes?"
"Class po ni Ma'am Garcia ng Retorika?"
"Yes, bakit?"
"Nandito po si Kyline Chua?"
"Chua?" ulit pa niya.
May lalaking estudyante na sumagot, katabi ng pinto ang upuan. "Kakatapos lang ng class nila. Baka nasa clinic na, may paso yata 'yon."
"Ay, siya ba yung late kanina?" sabi pa ng prof.
Nalito naman ang buong klase sa tanong ng prof.
"Ay, sorry, kabilang class pala 'yon," dugtong nito, natatawa pa nga, saka ako tiningnan. "Baka nasa clinic na. Check mo na lang. Boyfriend ka ba?"
"Ayiiieee!" kantiyawan ng buong klase.
Nagsalubong ang kilay ko saka umiling. "Ako po yung nakapaso."
Bigla tuloy sumimangot ang prof sa akin. "Sa clinic, check mo," sabi na niya habang sinusukat ako ng tingin.
"Thank you po."
'Tang ina naman kasi.
Tiningnan ko ang relos ko. 9:08 na. Hindi pa tapos ang first class ko pero siguradong late na ako.
Tiningnan ko naman ang paso ko sa kamay. Makirot pa rin naman. Puwede kong magamit itong binili ko para gamutin ang sarili ko.
Pero hindi ko na ginawa.
Kaya namang tiisin.
Pero sana lang okay na si Kyline.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top