Chapter 7: Overprotective
Seventeen years old. Hindi ko alam kung bata pa ba 'yon o enough na ang age para mag-work. A few months from now, eighteen na rin naman ako, hindi na matatawag na child labor kung mag-work man ako ngayon.
Ang gastos mag-arki. Ang daming kailangang bilhing materials. Ang ruler, hindi lang isa. Ang mats for drafting, ang mamahal. Nag-set ako ng 5k allowance for a week, two days pa lang, 800 pesos na lang ang natitira sa budget ko, and I had to cut my savings for my school expenses na hindi ko ine-expect na ganoon kalaki.
Ayokong galawin ang malaking part ng savings ko kasi ayokong humingi kay Mama ng pera, at mas lalong ayokong humingi ng financial support kay Daddy.
Patapos pa lang ang first sem, gusto ko nang mag-shift.
Naging dilemma ko kung saan ako kukuha ng pera pan-support sa sarili ko since naging busy ako sa uni, hindi ko pa dala ang art materials ko sa boarding house. Wala akong source of income.
As Patrick always does, it was easy for a seventeen-year-old boy to ask for his school expenses from his parents. Pero hindi ako si Pat. May conflict din naman sila ng papa niya, but mine was a different case. Way worse than his.
Pero ang papa niya ang isa sa naging options ko para sa source of income ko para sa second sem.
Humingi ako ng appointment kay Bobby Lauchengco. Twice akong na-decline. Ang iniisip kong rason, masyadong vague ang letter na ipinadadala ko sa office niya. Ang content lang naman ng letter ay application letter bilang intern.
Third attempt ko, sinabi kong seventeen years old ako na nag-aaral ng architecture sa FE Manila, at balak kong pumasok as intern sa kanila. Nag-direct ako sa opisina niya kasi friend ko si Patrick Lauchengco. Kung may maio-offer siyang work sa akin, kahit rank and file lang, tatanggapin ko.
For now, si Bobby Lauchengco ang isa sa best options ko para lapitan, second na si Enrico Dardenne. But the Dardennes are far from my field kasi wala akong interes sa pagluluto maliban kung naghahanap sila ng titikim ng mga gawa nila—na wala rin pala akong idea sa food technicalities gaya ng alam ni Rico.
Saturday, lunch time, dumayo pa ako sa Ortigas para lang sa meeting with Sir Bobby.
Seventh floor, doon sa open balcony na maraming hedges at halaman, at marami ring blangkong round tables, nasa dulong-dulo si Sir Bobby nakaupo.
Nakasuot siya ng blue three-piece office suit at mukhang may trabaho siya kahit Sabado. Semi-formal naman ang suot ko. White long sleeves at cream-colored slacks para kahit paano, hindi ako mukhang napadaan lang. Dala ko rin ang ilang certificates, diplomas, résumé, at ibang portfolio ko kung sakali mang bigla niyang hingin.
Paglapit ko, una kong napansin ang letter of intent kong nakalahad sa mesa, kaharap niya. Napalunok tuloy ako.
Sa totoo lang, ang laki ng pagkakahawig nila ni Patrick. Mas malaking tao lang siya saka para siyang nakakatakot at seryosong version ni Pat.
"Good morning, sir." Inilahad ko agad ang palad ko para makipagkamay. "I'm Leopold Scott. I'm your 11:45 schedule."
Inabot niya ang kamay ko at kinamayan ako nang may tamang higpit. "Good morning." Tiningnan pa niya ako nang maigi, parang may hinahanap sa mukha ko, bago ako binitiwan. "Have a seat."
"Thank you, sir." Naupo na agad ako sa kaharap niyang mesa.
Inaasahan kong may mga bodyguard siyang kasama o kahit sekretarya man lang. May nakita akong bantay kanina sa entrance. Hindi ko lang sigurado kung kanya 'yon.
"Mas matangkad ka pala sa personal," bati niya. "Anak ka ni Wally, di ba?"
"Yes, sir," automatic na sagot ko sa bawat tanong kung anak ba ako ni daddy.
"Siya ang coach ng basketball team na ini-sponsor-an namin ngayon. Malaki ang pay niya, bakit ka naghahanap ng trabaho?"
Napayuko ako para mag-iwas ng tingin nang maitanong agad 'yon.
Ayokong sabihin kung ano ba talaga ang dahilan kaya ako naghahanap ng trabaho. Alam kong malaki ang bayad kay Daddy at barya lang ang tuition at school expenses ko para sa kanya. Pero ayokong masumbatan at i-gaslight araw-araw para lang sabihing siya ang sumusuporta sa akin kaya sundin ko siya.
"Sir, I'm sorry, but I can't tell you my reason why. It's too personal," sagot ko na lang, na tanggap ko nang baka hindi niya bilhin bilang rason.
Ilang segundo rin siyang tahimik. Gusto ko na lang umalis kung tapos na ang meeting namin kahit hindi pa formally na nagsisimula.
Bigla niyang itinaas nang kaunti ang printed letter na ipinasa ko sa opisina niya. "Barkada mo si Patrick?"
Tumango naman ako at nagtaas na ng mukha para tingnan siya nang deretso. "Yes, sir."
"Kumusta siya?"
Saglit na gumilid ang tingin ko dahil sa tanong.
Paanong kumusta? As in kumusta ang lagay ni Pat? Ang pag-aaral? Bilang barkada ko? Bilang estudyante? Bilang tao?
"Hindi ba siya gumagawa ng kalokohan?" dagdag na tanong ni Sir Bobby.
Umiling agad ako. "Hindi naman po. After class, may reviews kami sa boarding house ko. Naglalaro siya ng PSP, but he's doing well. Although, recently, madalas po siyang umiiyak."
"Umiiyak?" tanong ni Sir Bobby, salubong ang kilay.
"Mahirap po yata ang exam para sa kanya. Pero tinutulungan naman po namin."
Ayoko sanang banggitin ang tungkol doon. Pero napapadalas ang iyak ni Patrick nitong mga nakaraan habang nasa kalagitnaan kami ng review before exam.
Kapag naman tinitingnan ko ang iniiyakan niya, exam lang naman 'yon sa Oral Communication o kaya Filipino I. Tingin ko nga, hindi naman kaiyak-iyak ang content n'on since first year pa lang naman kami. Pero tinanong ni Sir Bobby kaya sinagot ko na rin.
"I see." Tumango-tango si Sir Bobby at nagbuntonghininga, parang nag-iisip. "Maraming pumasok sa aming on-the-job trainees nitong first semester. Ang iba, patapos na sa rendering hours nila. Ang sabi rito, architecture ang course mo. Bad news, hindi kami architectural firm."
"Balak ko pong mag-shift ng mechanical engineering by next year. Mag-e-enroll po ako ng academic program sa applied physics ngayong second semester sa state university."
Humilig pakaliwa ang ulo ni Sir Bobby, parang nagtataka sa sinabi ko. "Mahirap ba ang architecture?"
Umiling ako. "Kailangan ko po ng course na madaling hanapan ng trabaho. Balak ko pong mag-major sa automotive kaya po ako papasok for ME."
"Oh. That's interesting. Si Patrick din, gustong mag-automotive engineering."
Tumango naman ako. Isa pa naman ito sa mga reklamo ni Patrick sa amin kasi napunta siya ng management—na sobrang layo sa engineering kung tutuusin.
"Ang kaso, ayokong nasa operation at production ang anak ko," depensa ni Sir Bobby. "Meron kaming limang trabahante na naputulan ng daliri sa production. Hindi pa magaling ang asthma ni Patrick, maraming chemicals doon na possible na ma-inhale niya. Hindi rin ganoon kadali ang trabaho dahil hindi iyon trabaho ng isang tao lang. Nakakapagod ang pagmemekaniko. At hindi ko gustong napapagod ang anak ko."
"Inaasahan ko naman po," sagot ko . "Siguro maiintindihan din ni Patrick kaya ayaw n'yo sa gusto niyang course."
"Hindi lang naman si Patrick ang concern ko rito kaya ko sinasabi ito sa iyo, hijo. You see?" Napatingin siya sa city view ng Metro Manila sa gilid namin. "Wala ka pa sa legal age, and you're looking for a job. Hindi naman mahirap ang parents mo para sabihin nating hindi ka kayang suportahan. Naiintindihan ko kung gusto mong sarilinin ang gastos, pero gusto ko ring maintindihan mo na responsabilidad ng magulang na sustentuhan at suportahan ang anak niya."
"Hindi na ho ako bata. Kaya ko na ho ang sarili ko."
Mabilis niyang inilipat ang tingin sa akin mula sa pagtanaw sa malayo. Nakipagtagisan pa siya ng titig bago nagbuntonghininga at tumango-tango na parang may naintindihan siya sa sinabi ko.
"Kung ano man ang problema mo sa inyo, hindi ko na ipipilit ang akin. Hindi rin kita mabibigyan ng trabaho sa kompanya ko dahil wala ka pa ng skill set na kailangan namin. At hindi kami magpapasahod ng tao na walang idea sa gagawin niya."
Biglang bumagsak ang balikat ko sa desisyon ni Sir Bobby. Naiintindihan ko naman pero nakakadismaya pa rin pala kapag harap-harapan ang rejection.
"For now, I'll consider your attempt to take an academic program related to physics. Hindi kita papapasukin sa operation at production ng kompanya. Hindi ko isusugal ang kaligtasan mo para lang sa pasahod na mas malaki pa ang hospital bill kaysa sa mismong salary. Magkaedad lang kayo halos ng anak ko. Kung ako ang daddy mo, hindi ako papayag sa desisyon mong magtrabaho."
"I understand, sir," sagot ko, kahit pa dismayado.
"Bibigyan na lang kita ng ibang trabaho kaya kita personal na kinausap ngayon."
Naalerto agad ako sa sinabi niya. "Trabaho po?"
"Hindi ko na kasi namo-monitor si Patrick nitong mga nakaraang araw. May mga araw na late na siyang umuuwi at lagi niyang dahilan ang school projects. Simple lang ang trabaho, kailangan ko lang ng balita sa anak ko. Ang gusto mong trabaho, kapag may sapat ka nang skill set at idea sa papasukin mo, puwede ka naming i-train kapag nasa legal age ka na. Sa ngayon, itong sa anak ko muna ang ipagagawa ko sa iyo. Magagawa mo ba?"
Napaayos ako ng upo. "Yes, sir!"
♥♥♥
Sir Bobby might be strict for his son, pero naiintindihan ko kung bakit sobrang protective niya kay Patrick. Gaya ni Daddy, may anak din siya sa iba. Pero iba kasi ang treatment niya kay Patrick. Siguro, iba lang ang nakikita ni Pat, pero sobrang spoiled niya sa parents niya. He even mistook their measures to protect him for a hindrance to his happiness.
Gusto ni Patrick mag-engineering, pero ayaw ni Sir Bobby na dumoon siya sa possible na masaktan at mahirapan siya physically.
Nakompara ko tuloy kay Daddy na kung makapuwersa sa training ng mga athlete niya, hangga't walang injury, pahihirapan talaga niya nang sobra.
Binabayaran ako ni Sir Bobby para mag-report ng nangyayari kay Patrick every week. 10k per week, sobrang laki na nga samantalang magna-nanny lang ako sa anak niyang laging nagbe-breakdown every now and then.
Ewan ko rin dito kay Pat kung bakit umiiyak randomly. Nalaman lang namin ang rason noong bago mag-sembreak.
October 29, Monday night, may school fest. Open iyon sa lahat ng students sa U-Belt and other visitors.
Sa Intramuros, malapit sa Mapua, may ni-rent doon na isang buong field para lang sa school festival. Hindi yearly ang ganitong school fest. Naabutan lang namin ang parang trial ng ganito kung maganda ba o feasible.
May Halloween party kaming pinuntahan na exclusive for VIP Students, a.k.a. mga bumili ng pagkamahal-mahal na ticket worth 950 pesos—na hindi ko alam kung bakit ganoon kamahal samantalang ang normal na student night, nasa 300 to 500 pesos lang.
Nagsuot ako ng Dracula costume. Though, black tee and pants, red na telang naka-pin sa collar, saka smudged red lipstick sa gilid ng labi lang ang ayos ko. Wala nga akong fake fangs kaya hindi ako nagbubuka ng bibig.
Si Rico, ang suot niya, white tee, board shorts, slides, kahit gabi e may sunglasses saka may strawhat. Kung alam ko lang na bakasyonista ang costume niya, sana gumaya na lang din ako.
Sina Clark at Will ang nag-costume ng Men in Black—na mukha tuloy silang bodyguard ni Patrick na naka-masquerade. Phantom of the Opera ang trip ni Pat. Victorian suit at may mask pa.
Meron kaming sinusundang chick. Sabi ni Pat, crush niya.
Ang daming tao, at hindi ko alam kung paano makikilala ni Pat ang crush niya sa gitna ng mga naka-costume na mga 'to.
"Sure bang nandito yung Melanie?" tanong ni Clark.
"I saw her name sa list, e," sagot ni Pat. "I asked the guard sa entrance. Her name's on the logbook na rin."
Si Clark, tanggap pa naming paulit-ulit na bastedin ng kung sinong babaeng matripan niya. Pero si Patrick?
Patrick Lauchengco, 'tang ina, binabasted? E, halos buong U-belt ang magpadala rito ng love letter araw-araw.
"Doon tayo! May mga nagsasayaw roon!" aya ni Will kaya pumunta kami roon sa maraming tao.
Nakikipaggitgitan kami sa kung sino-sino. Ang weird ng amoy sa paligid. Amoy maasim na amoy pawis na amoy Bench body spray sa isang side tapos sa kabila, amoy Axe Chocolate naman. Nakakasuka na habang tumatagal.
Bumangga ako sa katawan ni Clark nang huminto siya. Sunod-sunod ang pagbangga namin sa isa't isa after that.
"Hi!" Saka ko lang na-digest ang nangyayari nang huminto si Pat sa harapan ng isang babaeng nakasuot ng Poison Ivy costume. That one na overall green, halos kita ang cleavage at legs habang may wig na red.
I could hear our consecutive gasps after Pat kneeled down in front of that chick.
"Will you marry me?" sabi ni Pat habang nakaalok ang kamay roon sa babae. Wala nga siyang singsing!
"The fuck?" sagot agad noong babae, at gusto kong mag-second motion nang mas malala pa.
"Pat! Huy, gago, 'ginagawa mo?!" Kinaladkad na siya ni Clark pero ayaw niyang patinag.
"Please be my princess!" sigaw ni Patrick.
"Ulol ka ba?!" sigaw rin ng babae sa kanya.
Sunod-sunod ang kantiyawan sa amin. Ako na ang nahihiya para kay Patrick. Nagtakip pa ako ng mukha gamit ang kapa para lang hindi ako madamay sa mga kumukuha ng picture.
Lumapit na ako at humarang kay Pat. "'Tang ina, sabog ka ba?" Binuhat ko na siya para itayo saka namin itinulak-tulak para makalayo na kami sa eskandalo.
Hindi normal na estudyante lang si Patrick Lauchengco. Ang daming may crush sa kanya. Pero ewan ko kung bakit dito pa siya nagpapakabaliw sa kung sinong Melanie na 'to.
Hindi nga raw niya classmate!
Sabi ko, "'Tang ina, saan mo nakilala 'to?"
Ayokong mag-report kay Sir Bobby na yung anak niya, harap-harapang napahiya sa ganito karaming tao.
Pag-alis namin, hinabol ko yung Melanie—kung sino man siya. Gusto ko lang magkalinawan kami kung sino ang nire-reject niya. Pumunta sila sa bandang bar counter pero nakita ko yung naka-green sa daan papuntang restroom kaya sinundan ko yung naka-Poison Ivy na custome.
Doon sa part ng papuntang restroom, may nag-iisang wall lamp para sa bukod-tanging ilaw. Dim pa ang bombilya, hindi LED!
Paglapit ko, hinatak ko agad sa braso yung Melanie.
Ang kaso, pagharap n'on, imbes na komprontahin, napaatras pa ako nang isang hakbang sa sobrang gulat.
"Homayghad! Leo!"
Pinandidilatan din niya ako ng mata habang nakaawang ang bibig.
'Tang ina, sa dami ng mahahatak, si Kyline pa!
Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa.
Naka-green din siya, pero parang one-piece bikini na may ruffles na silhouette sa bandang baywang at kita rin ang halos kalahati ng dibdib sa cut ng top part.
Hindi 'to Poison Ivy, putaragis!
"Ba't ganyan ang suot mo?!" reklamo ko.
"Uhm, I'm Tinker Bell."
"Tinker Bell?!" singhal ko naman at tiningnan ulit siya mula ulo hanggang paa habang nakasimangot. "'Tang ina, umayos ka nga!" Binitiwan ko siya at inalis ko ang pagkaka-pin ng red cape ko saka ko ipinulupot sa katawan niya.
"Hala . . . bakit?" nalilito niyang tanong habang niyayakap ang binabalot ko sa kanya.
"Ang kadiri naman niyang suot mo!"
"Sabi nila, ang cute ko raw." Ngumunguso pa siya at tiningnan ang katawan niya.
"Walang cute sa 'yo! Lumalabas kang nakaganyan ka? Sino'ng mga kasama mo?"
"Umuwi na sina Jules."
"So, wala?"
Umiling siya.
'Tang ina, paano nakakalabas 'to nang nakabikini lang.
"Doon ka nga sa amin! Mamaya, kung sino pang humatak sa 'yo diyan—"
"Magsi-CR ako."
Buwisit naman talaga.
"E di, mag-CR ka na! Hihintayin kita rito."
"Okay . . ." Nakanguso lang siyang tumalikod habang yakap ang red cape ko. Lumingon pa siya sa akin bago pumasok sa restroom nila.
Sa dinami-rami ng iko-costume, Tinker Bell pa. Parang tanga talaga 'tong Kyline na 'to kahit kailan.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top