Chapter 61: The Best Man
I still believe that love is something I will never understand. Siguro kasi hindi ako na-expose doon sa expected view ko ng kung ano ba ang connection ng love sa commitment. O siguro nga, hindi naman talaga dapat maging comprehensible ang love in the sense na it all comes in different ways and forms. Na puwedeng iba ang interpretation ko sa interpretation ng iba.
Noong bata pa ako, ine-expect ng halos lahat ng elders sa amin, nineteen years old, magkaka-degree na 'ko. But then, shit happens. At the age of twenty-three, meron na akong two-year old baby at hindi pa ako kasal sa nanay ng anak ko. At wala pa sa kamay ko ang diplomang ine-expect naming lahat four years ago.
Kahit na gaano pa ka-"mature" ang utak mo, when it comes to responsibilities, hindi mo iyon maha-handle nang ganoon kadali. Kasi madaling sabihin na, "A, matured naman na ako, so I can have my own family na."
No.
Madali lang siyang sabihin pero mahirap gawin.
Hindi madaling magkaroon ng pamilya, especially kung financially hindi kayo capable. Una, kawawa ang baby. Pangalawa, possible cause ng conflict.
Hindi naman kami mahirap, pero hindi rin naman kami puwedeng paupo-upo lang.
Hindi recommended magkaroon ng anak habang nag-aaral. Una, mahirap hatiin ang oras at focus. Pangalawa, makakaabala at makakaabala ka ng ibang tao kasi hindi mo kakayaning mag-alaga ng bata nang mag-isa.
Tanggap na naming bangungot ang stag party ni Duke sa aming lahat, at may bunga 'yon na hindi ko naman inaasahan, pero hindi ko rin naman pinagsisisihan.
Walang malinaw na label sa amin ni Kyline. Hindi ko siya girlfriend, pero asawa ko siya sa mata ng lahat kasi ganoon ang nakikita nila sa aming dalawa.
Five years ago, wala akong makitang future para sa sarili ko. Iniwan kami ni Daddy. May kabit si Mama. I was lost.
Pero siguro nga, kung wala ka nang dahilan para mag-continue, meron at merong darating na mga dahilan para tumuloy pa rin.
"Scott, Leopold Vergara."
Ang tagal ko ring pinangarap masuot ang toga ko. Ang tagal kong hinintay makamayan ang dean namin saka school president. Ang tagal kong hinintay mai-present sa buong convention hall ang diploma ko saka ako magba-bow.
"Congratulations."
"Thank you, sir."
Gusto kong makatapak man lang ng cum laude gaya ni Pat pero hindi talaga kinaya. Sabi ko pa, kung wala siguro si Eugene, kaya yung Summa. Pero mas okay nang may Eugene ako ngayon. Ang mahalaga, may diploma.
Ang ironic na ako ang inaasahan ng ibang unang makaka-graduate sa amin ng college, pero ako ang pinakahuli sa aming barkada.
Akala ko nga, mag-isa lang akong a-attend ng graduation, pero kompleto pa talaga ang barkada ko. Kasama nila si Mama. Si Tito Adrian saka si Belinda, kasama rin. Si Gina ang bantay ni Eugene at sila ang nagdadaldalan sa upuan.
Ang dami-dami pang seremonya sa graduation, ang dami ring speech.
Noong ina-announce nang official graduates na kami tumakbo agad ako sa dulong-dulong upuan sa likuran ng hall para lang puntahan ang mga kasama ko.
"Sa wakas!"
Malayo pa lang, nakaabang na sina Rico sa aisle.
"Dude, graduate na 'ko! 'Tang ina, ayoko nang mag-aral!"
Nakarinig kami ng malakas na tawanan sa dinaanan ko habang isinisigaw ko 'yon.
Pagsalubong ko sa kanila, talon lang kami nang talon habang sumisigaw na parang mga tanga.
"Party na mamaya! Party na mamaya!"
Pinuntahan ko agad si Mama saka ko niyakap. "Graduate na 'ko, Ma!" Paulit-ulit ko siyang hinalikan sa pisngi. "Thank you! Thank you! Thank you!"
"I'm so proud of you, anak."
Lumipat ako kay Eugene na nakikitalon din sa amin.
"Dada, wear ako gan'to." Tinuturo niya ang nasa ulo kaya binuhat ko na siya saka ko isinuot sa kanya ang cap ko kahit maluwag.
"Graduate na si Dada." Ibinigay ko rin sa kanya ang diploma ko na nasa removable frame. "Kakain tayong cake mamaya. Gusto mong cake?"
Lumapit siya sa tainga ko saka bumulong. "Sasabi ni Ninong Kerk, kakain kami spaghetti."
"You like spaghetti?"
"Yes."
"Sige, kain tayo spaghetti."
Sama-sama na kaming lumabas ng hall, at naabutan namin sa parking lot sina Tito Ric at Tita Ali. Wala si Tita Tess kaya nagtaka ako.
"Kuyaaaa!" malakas na tili ng babaeng nasa may pinto ng van.
Malayo pa lang kami, nakatuon na ang tingin namin doon sa babaeng naka-jeans at fitted na black T-shirt. Mahaba ang buhok na nakalugay at may ilang blonde highlights sa itim na buhok.
Napaatras na lang kami kay Rico nang talunin siya ng babaeng sumisigaw.
"Kadarating n'yo lang?" tanong ni Rico habang karga-karga sa harapan niya yung babaeng eskandalosa.
"We just came from the airport a few minutes ago," sagot n'ong babae. Sunod niyang hinalik-halikan ang pisngi ni Rico at binangga agad ni Calvin ang balikat ko.
"Sino 'yan?" buong ni Calvin.
"Hindi ko rin alam."
"Syota ba 'yan ni Early Bird?"
Tinitigan ko pang mabuti yung halik nang halik kay Rico saka ko napansin na hawig ni Tito Ric at Tita Tess sa matagal na tingin.
"Ay, shit." Napatakip ako ng bibig at nilingon si Clark. "'Tol!"
"Ha?" painosente niyang sagot habang nakaharap siya sa hall na pinanggalingan namin. "Bakit?"
"Sabrina," mahinang sabi ko, tinuturo yung babaeng nakasabit kay Rico.
Sumulyap lang si Clark kina Rico saka tumalikod ulit.
"Huy, gago." Sinipa ko na siya sa puwitan.
"Hayaan mo 'yan," sabi lang niya.
"Mukha mo."
Binalikan ko si Rico saka si Sabrina. Tiningnan ko pa si Sab mula ulo hanggang paa kasi . . . huling kita ko kay Sab, maliit pa siya. Parang nasa four feet lang yata saka chubby pa nang kaunti. Ngayon, kung hindi ko pa tititigang mabuti, mapagkakamalan ko talagang girlfriend 'to ni Rico, e.
Hindi ko masasabing matangkad pero mataas na. Saka yung puti niya, kakutis ng puti ni Tita Tess, parang krema. Mas kapansin-pansin ang katawan kasi ang kitid ng baywang, ang laki ng balakang saka dibdib. Maganda naman sana kaso kasi kamukha ni Tita. E, personified trauma pa naman si Tita Tess.
"Kilala n'yo 'yan?" bulong na naman ni Calvin.
"Kapatid ni Rico."
"May kapatid si Early Bird?" gulat na tanong niya. "Hala, gago, seryoso?"
"Ang ganda, 'no?" sabi ko.
"Pass," sabi agad ni Calvin kahit mukhang type niya.
Natawa ako nang mahina. "Bakit pass?"
"Si Tita Tess ang nanay, pass."
"Hahaha!" Ang lakas ng tawa ko roon. Buti alam niya.
Nakalingon ako kay Clark na himalang tahimik sa sulok. Sinundan ko ang tingin niya, nakatutok lang kay Sab.
Alam kong walang nag-expect sa amin na makikita pa ulit namin si Sabrina kasi nga dinala sa US noon ni Tita Ali. Alam ko ring mabigat kay Clark ang desisyon na 'yon kasi inalagaan niya si Sab nang napakaraming taon.
Gusto ko sanang lapitan si Rico para batiin si Sab pero mas inuna ko na lang si Clark na lumalayo sa amin.
"Hoy, gago. Anong dinadrama-drama mo diyan?" usisa ko.
"Ako na naman nakita mo," reklamo ni Clark.
"Bakit ayaw mong lapitan?" tanong ko saka nilingon ang iba na may sarili nang mundo roon sa may parking lot.
"E?" Kibit lang nang kibit ng balikat niya si Clark, inaalis ang hawak ko sa kanya. "Abangan mo si Ky. 'Yon ang hindi pa dumarating."
"Mamaya pa nga raw five."
"Doon ka na, shoo!"
"Gago." Sinuntok ko siya sa braso saka tiningnan siya nang may pagdududa. "Bakit ayaw mong lapitan?"
"Hindi na 'ko kilala niyan."
"Tanungin ko nga." Patalikod pa lang ako nang hatakin niya ang kuwelyo ng damit ko kaya nasipa ko siya agad.
"Huwag nga kasi! Parang tanga 'to, e!" singhal niya.
"E, bakit nga ayaw mong lapitan?" tanong ko pa, naiinis na.
"Paki mo ba?"
Lalo tuloy nagduda ang tingin ko sa kanya habang napapangisi. "Ah . . . hiya ka? Wala ka n'on, gago."
"Kapag talaga dumating si Kyline mamaya, hahalikan ko 'yon sa harap mo."
"'Tang ina ka, tantanan mo si Ky."
"Tantanan mo rin ako. Parang gago 'to, nananahimik ako rito."
"Sumbong kita kay Rico."
"Sumbong mo, takot ako."
Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw kausapin ni Clark si Sabrina samantalang siya nga ang inaasahan kong magse-celebrate kung nakabalik na 'tong kapatid ni Rico dito sa Pinas. Pero ewan ko na rin. Malaki na si Sab, e. Ayoko na lang mangialam.
♥♥♥
Love and commitment are two different things, and loving someone is different from being committed to them.
Hindi madali ang setup kasi, in reality, hindi ka bubuhayin ng pagmamahal lang. Hindi natatapos ang lahat sa mahal lang ninyo ang isa't isa, then okay na.
May mga araw na pagod ka at pagod siya. May mga araw na ayaw ninyong makita ang isa't isa. May mga araw na gusto mong huminga, gusto niyang huminga, gusto mong mapag-isa, gusto niyang nasa malayo sa 'yo, ang daming dinaraanan, hindi siya constant path.
Kyline loves to travel, and I don't. Hate na hate ko ang pagta-travel at alam 'yon ng lahat ng nakakakilala sa akin. Kaya ang ironic na nag-asawa ako ng lakwatsera—kahit hindi ko pa siya asawa legally.
At the age of twenty-six, meron na akong sariling business, may master's degree din ako sa statistics, at nagtuturo ako ng dalawang subject sa private college related sa physics.
I have a five-year old kid na isa pang lakwatsero gaya ng mama niya kaya lagi akong naiiwang mag-isa sa bahay habang kung saan-saang bansa na sila nakakarating.
Medyo okay ako sa setup na madalas silang wala kasi tahimik sa bahay, ang dami kong natatapos na trabaho.
"'Tol," tawag ni Clark.
"O?"
"Kailan kasal n'yo ni Ky?"
Napatingin ako sa kanya habang nag-aayos kaming dalawa ng ledgers. "Bakit mo natanong?"
"Si Tita Tess yung nagtatanong."
"Bakit nga?"
"Tinatanong niya kasi si Early Bird kung may girlfriend ba."
"E, bakit napunta sa 'kin?"
"Kasi ikaw yung may sure na aasawahin sa atin, e."
"Bakit nga niya tinatanong?"
"Ewan ko rin. Pinagtsitsismisan yata kayo ng mga kumare niya kasi hindi pa kayo kasal tapos malaki na si Eugene."
"E, pakialam ba nila sa pamilya ko?"
"'Yon nga. E, alam mo naman, mga tsismosa 'yon."
Sabado, busy talaga kami ni Clark sa pag-aayos ng mga accounting book. Lahat ng records, kino-compile namin, kasi si Ky, planong magbukas ng logistics company. Pumayag ako roon para hindi layas nang layas sa kung saan-saan.
"Si Sab, nakakasalubong ko sa school, laging nagha-hi sir sa 'kin," kuwento ko.
"O, ano gagawin?"
"Gago." Binato ko agad siya ng nilukot na papel habang natatawa ako nang mahina. "Hindi mo pa rin nakakausap?"
"Bakit ko naman kakausapin?"
"Nililigawan 'yon ng kasama ko sa faculty."
"Bawal 'yon, a."
"Office clerk naman, hindi prof."
"Kahit pa, bawal 'yon."
"Selos ka, Mendoza?"
"Mukha mo selos."
Madalas kong asarin si Clark tungkol kay Sab. Basta kayang mag-joke ni Clark sa kahit ano maliban kapag tungkol sa kapatid ni Rico.
"Hindi ka pa nakakausap ni Rico about Sab?" tanong ko na naman.
"Nagkausap na kami," sabi niya.
"Ano sabi?" tanong ko.
"Sabi niya . . ."
"Ano?"
"Ang tsismoso mo raw. Tigilan mo kami ni Sab."
"Ulol." Binato ko na naman siya ng nilukot na papel. Inawat ko ang pag-aayos ng mga kalat sa mesa saka ako sumandal sa swivel chair. Nakatitig lang ako sa seryosong mukha ni Clark na napakabihira lang naming makita. Naka-focus lang siya sa mga ledger na inaayos namin.
"Going nineteen na si Sab. Legal na 'yon," buyo ko.
Nakangiwi si Clark nang sulyapan ako. "Kadiri ka, 'tol."
"Wow, ha? Ayaw mo na kay Sab? Maganda naman, a."
"Bakit ba 'yan ang topic?" naiirita nang tanong niya kaya lalo akong natatawa.
"Minsan lang kita mabuwisit, e. Sinusulit ko na."
"'Tang ina ka, Leopold. Tigilan mo 'ko diyan."
"Pakasal kayo ni Sab tapos double wedding tayo. Tapos si Tita Tess ang pagastusin natin para less expenses."
Nanlaki ang mata niya nang sulyapan na naman ako. "Wow, Satanas, nice meeting you, ha!"
"Hahaha! Gago." Binato ko na naman siya ng nilukot na papel.
"Dude, gawin mo na lahat, huwag lang pagastusin si Tita Tess. Baka kapalit n'on ang buong buhay mo kapag naningil 'yon," warning ni Clark.
"Ang mahal kasi ng kasal."
"Buti alam mo."
"Si Early Bird sana ang aayain ko sa double wedding, kaso parang mauuna pa yatang magunaw ang Earth bago maikasal 'yon," kuwento ko.
"Paano magkaka-girlfriend e, inaalagaan n'on si Sab."
"Uy . . . bakit mo alam?" Sinilip ko pa ang mukha niya para makiusisa.
"Tinatanong niya 'ko kung kailan ko kakausapin si Sab. Baka ililipat na naman sa 'kin ang dapat na responsabilidad niya sa kapatid niya."
"Ayaw mo talagang lapitan si Sab?" pang-asar ko pa.
"Bakit nga kasi?"
"Ikaw ang bakit nga kasi?" pagpilit ko. "Bakit ayaw mo?"
"E, sa ayaw ko, bakit ba?"
"May ginawa ka, 'no?"
Biglang tumalim ang tingin niya sa 'kin kaya napaatras na ako at nagtaas na ng magkabilang kamay para sumuko.
Kapag ganitong pagkakataon na may mga kilos na si Clark na hindi ko normal na nakikita, umiiwas na agad ako. Nakaka-curious alamin, pero mas mabuting huwag na lang akong magtanong.
Madaldal si Clark, alam ng lahat 'yon. Pero kapag nakikita na naming nasasagad na siya ng tanong at hindi siya makasagot, kailangan na naming irespeto ang boundary na kusa nang nabubuo galing sa kanya, may sabihin man siya o wala.
"Kapag ikinasal ako, ikaw ang kukunin kong best man tapos ring bearer si Eugene," pagbabago ko ng topic, at agarang natunaw ang talim sa mga tingin niya. Napalitan agad 'yon ng tingin niyang madalas naming makita, yung parang nang-aasar.
"Sure?" tanong pa niya habang nakangisi.
"Oo nga."
"Kapag kasal na ninyo ni Ky, ipapa-kidnap kita, para kami na lang ang ikakasal."
"Ulol." Binato ko na naman siya ng nilukot na papel. "Huwag kang magkakalat sa kasal ko kundi yari ka talaga sa 'kin."
♥ To be continued (sa story ni Clark haha) ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top