Chapter 6: Regret



"Hoy, Chua. Sinusundan mo ba 'ko?"

"Ha? Hindi, a!" Ang likot ng mga mata at nagulat na lang ako nang sa sumunod niyang pag-atras, bigla siyang nahulog sa sementong bakod. "Ay!"

"O!" Napatayo tuloy ako at akmang tutulungan siya kaso . . .

"Sorry po! Sorry!"

Mabilis siyang tumayo saka kumaripas ng takbo palayo sa akin. Nang makapunta sa likod ng fountain, iika-ika pa siyang naghihimas ng hita niyang naunang bumagsak.

Litong-lito ako sa nangyari habang pinanonood siyang lumiko papuntang terminal ng jeep sa kaliwa ng post office.

Sobrang weird ni Kyline.

Ah, not weird. Ang creepy na niya.

One month pa lang kami sa FE Manila, pero gaya ng ginagawa niya sa FE Alabang noong mga high school kami, inaabangan pa rin niya ako sa hallway. Take note the fact na magkaiba kami ng course, magkaiba kami ng schedule, magkaiba kami ng floor, magkaiba kami ng building.

Dumadayo talaga siya sa mga pinupuntahan ko para lang mag-Hi.

Kaya nga sabi ko na, tantanan na niya ako kasi ayoko sa kanya.

Hindi ko na dapat papansinin kaso itong barkada ko, gumatong pa ang mga animal.

Yung apartment ko sa Estrada, along the road lang. Parte ng compound, dalawang floor na limang unit na magkakatabi. Nasa first floor last door ako. Kasya ang isang pamilya kung tutuusin, basta ba huwag maghahangad ng spacious na unit. Ang sala, kuwarto, kusina, nasa iisang lugar lang. May maliit na banyo katapat ng kusina.

Wala akong ibang appliances maliban sa rice cooker at one-liter airpot. May dalawang bean bag na donasyon ni Clark.

Yung foldable mattress, imbes na isa, naging tatlo para puwedeng gawing sofa kapag hindi nakalatag. Si Patrick naman ang may gusto nito kasi ayaw niya ng masikip, ayaw ng mabaho, at ayaw niya ng nararamdaman niyang nasa urban poor area siya.

Si William ang nagbigay ng mga rubber mat. May mga dinala pa siyang barbell at dumbbell para sa gym routine niya—na idinamay na ang buong barkada kasi ayaw niyang mag-isang naghihirap sa trip niya. Kung may nakasanayan lang siguro ako sa routine niya, malamang ay 'yong parusa sa amin ng corps commander namin before kami mag-college.

Si Rico ang may pinakamalaking ambag sa aming barkada kasi siya ang breadwinner slash walking silo namin. Marami kasing tinatapon na pagkain ang company nila, at 'yong mga tinatapon, edible kung tutuusin. Minsan, kaya tinatapon, hindi kasi physically attractive o rejected lang kasi hindi pumasok sa standard packaging. Iyon ang hinihingi niya sa kanila. At iyon ang kinakain namin araw-araw.

We have our comfort zones sa sari-sarili naming mga bahay. Pero gaya nga ng paniniwala ko, the world is a cruel place. May something pa beyond that comfort zone na kailangang harapin kasi hindi kami habambuhay na magkukulong sa bahay. Especially, our home is far from what our definition of home should be.

Kauuwi ko pa nga lang galing school, nasa loob na sina Will. Si Pat, naglalaro sa PSP niya. Si Will, nakabalagbag ng higa sa mattress habang bukas ang polo ng uniform, humihilik. Si Clark, sumasayaw sa tugtog ng Apologize ng One Direction mula sa maliit na speaker na dala niya.

"Nasaan si Rico?" tanong ko bago isinabit ang bag sa hook sa likod ng pinto ng unit.

Biglang bumangon si Will na namumungay pa ang mata sabay punas ng laway.

"Pagkain. Daddy Rico, pagkain. 'Gugutom na 'ko."

Naupo ako sa tabi ni Patrick at nakisilip sa nilalaro niya. Crash Bandicoot pa nga.

"Aga n'yo, a." Napatingin ako sa relo ko. Wala pang ala-una. "Sino nag-cutting?"

"11 a.m. uwi ko, ha," depensa agad ni Clark.

"Hoy, Will." Sinipa ko ang mattress na inuupuan niya.

"Maaga kaming nag-out. May sakit yung prof. Dami ngang iniwang readings, ka-bad trip."

"Pat?" tanong ko.

"Wednesday today. Dalawa lang morning subject ko," sagot niya, kunot na kunot ang noo habang tutok sa PSP niya.

Iniwan kong bukas ang pinto ng unit kaya malayo pa lang, nakita na namin si Rico na papunta na sa amin.

"O, ayan na ang relief goods," sabi ni Clark at inawat na ang pagsasayaw.

"Ang aga n'yo, a." Kahit si Rico, binati rin ang schedule ng buong barkada.

"Tapos na class mo?" tanong ko at tumayo na.

"Kaninang 12," sagot ni Rico at inabutan ako ng separate na paper bag ng Mossimo kahit na pagkain ang kinukuha ko sa kanya. "By the way, may nagpapabigay nito sa 'yo."

Sa sling bag niya, may kinuha siya roong pink envelope at inabot sa akin.

"Yung paper bag, love letters para kay Pat." Sinilip ko ang paper bag, puro nga papel na makukulay.

Bumalik ako sa inuupuan naming mattress ni Pat saka ko tinanong si Rico.

"Sino'ng nagbigay nito?" tanong ko habang pinapagpag sa ere ang bigay niya.

"Not sure, e. Sintaas ng shoulder ko, long haired, may headband, cute—"

"Si Kyline?"

Mula sa pagkakalkal ng plastic bag na dala ni Rico, parang mga tigreng naabala sa pagkain nila sina Clark at Will kasama si Rico nang lingunin ako.

"Kilala agad?" sabi pa ni Clark.

Well . . .

Isa lang naman ang kilala kong long-haired, may headband, and cute . . . na magbibigay sa akin ng love letter.

"Pabasa nga. Bago 'yan, a. Umay na kami sa letter para kay Patrick."

Hindi ko pa nabubuksan, hinablot na sa akin ni Clark ang letter at walang hiya-hiyang binuksan iyon na hindi naman naka-seal kung tutuusin.

"Ehem, ehem. Hi, Leo . . ." pagbasa ni Clark, as if para siyang radio announcer. "Ang sama ng ugali mo."

"Hoy, gago!" sigaw ko sa kanya sabay bato ng throw pillow na hinigaan kanina ni Will.

"Joke lang! 'Gagalet?" Inilagan iyon ni Clark at nakibasa na rin si Rico sa likuran niya.

"I'm not following you sa post office yesterday," pagbasa na ni Rico gamit ang matinis niyang boses para lang maging boses babae. "It's just that I was waiting for Jules kasi para pumunta kami sa Binondo, kaso I saw you there. Pero hindi ko plan tumabi sa 'yo, promise!"

"Hahaha! 'Tang ina, ang bading ng promise!" natatawang sinabi ni Clark kay Rico nang lingunin niya.

"Don't! Sshh!" sita ni Rico na natatawa na rin sa pag-mimic niya ng girl voice. Nagpatuloy siya sa binabasa. "Pansinin mo na kasi ako. Yung medyo mabait ka naman. Ang tagal-tagal ko nang nagbibigay ng letter sa 'yo, hindi ka sumasagot." Sabay na napatindig nang deretso sina Rico at Clark habang nakasimangot sa akin.

"Bakit hindi mo siya sinasagot?" sabi ni Clark habang nagboboses ipis.

"Oo nga," paggaya ni Rico sa boses babae niya. "Ang bad mo, Leo."

"Tigilan n'yo 'kong dalawa diyan, ha." Pinagduduro ko na sila. "Tatadyakan ko kayo diyan."

Tawanan lang sila nang tawanan dahil sa kalokohan nitong dalawang 'to.

"Akin na 'yan," sabi ko nang nakalahad ang kamay.

"Yiiee! Sino 'to?" buyo ni Clark. Ang sarap tadyakan sa mukha.

"Ka-schoolmate ko sa FE."

"Crush mo?"

"Leo's not noticing her nga raw, dude. Brain, please." Kinuha ni Rico ang love letter at mahinang ipinalo sa ulo ni Clark bago ibalik sa akin.

"Tinatanong lang, e," nakangusong sinabi ni Clark.

"Paano ka pala nakilala?" tanong ko kay Rico nang kunin ang letter.

"That's a very interesting question, actually," nakangiti nang sagot ni Rico. "Galing ako sa eatery, the one near sa FE Campus. I was buying our drinks, lumapit siya kasama yung dalawa niyang friends. She said, ibigay ko raw sa 'yo 'yang letter. I asked, paano niya ako nakilala, and she just said, she had her connections."

"Oooh . . ." Kahit sina Will at Pat, napalingon sa akin habang may nguya-nguya nang kung ano.

"Puwedeng makita kung sino?" excited na tanong ni Clark.

Sumagot agad ako. "Hindi!"



♥♥♥



"Sure ba na dumadaan dito?" curious na tanong ni Clark habang nakasilip kami sa likod ng school supply shop.

As far as my memory could recall, usually dito dumadaan si Kyline para bumili ng school supplies. If not, tambayan ito ng mga volleyball at basketball player na barkada niya. Another day after school, and another day for my barkada to do something stupid—with me.

"'Daming chicks sa FE," sabi agad ni Clark.

"Cute yung kadadaan lang, o." Itinuro pa ni Will.

"Mas type ko yung katabi."

Nakatingin lang ako kay Rico. Tahimik lang na patingin-tingin sa paligid. Titingin sa langit habang nakasimangot sa tirik na araw, sunod sa kalsadang nasa likuran namin, sunod sa kabilang gilid. Hindi man lang dumako ang tingin niya sa kung saan nakatingin sina Clark at Will na nagsa-sightseeing ng mga kolehiyala sa school ko.

"Huy, ang cute n'on, o!" Nagturo na naman si Clark. Napaayos ako ng tayo nang makitang si Kyline iyon, kasama ang dalawang babaeng kabarkada niya.

Papalapit sila sa direksiyon namin, mukhang papasok nga talaga sa shop.

"Dude, eto ba?" Hinatak ko ang kuwelyo ni Rico at halos kaladkarin ko siya para lang makita si Kyline.

"Where?" tanong niya. "Ah! Yeah, that's her!"

"Uy, gago. Seryoso?" gulat na tanong ni Clark bago ako tiningnan. "May crush sa 'yo 'yon?"

Inismiran ko lang si Clark.

"Puntahan ko nga." Mabilis siyang naglakad para sundan sina Kyline.

"'Tang ina nito ni Clark, huy!"

Wala tuloy kaming nagawa kundi sundan din ang kabarkada naming nauna na sa loob ng shop.

Yung buong shop, malaki nga kung tutuusin. Ang daming shelves, apat na magkakatapat. Kumuha agad ako ng magazine sa isang rack at itinakip sa mukha ko. Puwesto naman ako nang puwesto sa likod ni Rico kasi siya lang ang puwede kong mapagtaguan na aabot sa height ko.

Sa third shelf, hilera ng mga cartolina at mga gift wrapper, doon namin naabutan na binubulabog ni Clark itong grupo ni Kyline.

"Bibili kayo?" tanong pa niya sa tatlo.

Nakita namin kung paano siya tingnan nitong dalawang alagad ni Kyline. Yung isa pa naman, mukhang maton. Yung isa, common lang sa paningin ko. Angat na angat si Kyline, parang prinsesang may dama kapag lumalabas.

"Ang cute mo naman!" walang prenong sinabi ni Clark kay Kyline.

Masuka-suka na yung dalawang kasama ni Ky, pero itong babaeng 'to, nakuha pang ngumiti saka nag-bow nang slight.

"Thank you," sabi niya kay Clark.

"By the way, I'm Clark 'Pogi Since Birth' Mendoza." Kumindat pa ang gago saka inalok ang kamay kay Kyline.

"Belle." Mahinhin niyang kinakamayan ang mga dulo ng daliri ni Clark bago niya binitiwan.

"Ang pangit mo kaya," sabi nitong mukhang maton kay Clark.

Nawala ang tamis ng ngiti ni Clark at ang talim ng tingin dito sa isang kasama ni Ky. "Kausap ba kita, pare?"

"Babae ako, 'king ina mo!"

"Ay, babae ka ba? Sorry, ha. Hindi halata."

"Puta ka, lumayo ka nga kay BB! Kuya Guard!"

"Maka-defend, tatay ka ba niyan?"

"Lumayo ka sa 'min, sisipain kita!" Naghabol na ng tadyak itong kaaway ni Clark habang yakap si Kyline. Nag-aambahan sila ng sapak kada hakbang ni Clark palapit sa amin.

Gago talaga 'to kahit kailan.

"Alis na nga tayo rito!" naiinis na utos ni Clark. Pagbaba ko ng magazine, sabay na nagulat ang tatlo pagkakita sa akin.

"Leo!"

Patakbo na si Kyline sa akin para lumapit pero napaatras ako nang ako naman ang yakapin ni Clark para ilayo roon sa tatlo.

"Lumayo nga kayo sa amin!" biglang sigaw ni Clark. "Kuya Guard!"

"'Tang ina ka talaga, tara na nga!" aya ko habang hawak sa batok si Clark para palabasin ng shop.

I could tell na type ni Clark si Kyline, kaya nga paglabas namin, bukambibig na agad niya.

"Ang cute naman n'on," sabi ni Clark na nililingon pa ulit ang shop. "Sure ka, ayaw mo d'on? Akin na lang!"

"Tigilan mo si Kyline, ha."

"Ooohh . . ." Sabay-sabay silang napaatras palayo sa akin habang takip-takip ang bibig.

"Binabakuran agad," sabi ni Clark. "Akala ko ba, ayaw mo?"

"Pulis nanay n'on. Army tita n'on."

"Talaga?" sabi niya. "E, ba't mas mukhang army yung kasama niyang isa?"

"Bad ka," sagot ni Rico at dinakma ng buong palad ang mukha ni Clark.

Sobrang hinhin ni Kyline. Kaso siya lang din ang kilala kong mahinhin pero makapal ang mukha. At hindi ko alam kung paano pa siya ide-describe nang mas direct aside diyan.

Mukha lang siyang mahiyain kasi soft siyang kumilos. Pero ang creepy kasi niya. Kung nasaan ako, para siyang kabute na doon sumusulpot. Kahit ang content ng mga love letter niya, paulit-ulit na sinasabing pansinin ko na siya.

Pinapansin ko naman siya.

Kaso ang demand ng letter, dapat mabait ako.

Ang angas mo naman, p're. Kung makapag-demand, talo pa'ng magulang ko.

Hindi ko talaga siya type. Habang tumatagal, nakukulitan na ako sa kanya.

Halos araw-araw, sinasalubong niya ako. Araw-araw, may love letter siya para sa akin. Kay Rico niya pinaaabot. Si Clark ang naghahabol sa kanya kasi crush nga siya. Pero ilang beses din kasi niyang binasted si Clark.

Akala ko nga, magsasawa siya sa araw-araw na pag-decline ko, pero hindi. Consistent.

Kung meron lang siguro akong naging regret noong mga panahong consistent pa siya sa paghahabol sa akin, 'yon na malamang ang atraso ko sa kanya bago ako lumipat ng university.

Tingin ko nga, 'yon ang dahilan kaya hindi ko na alam kung paano siya haharapin nang hindi ako nakokonsiyensiya.

Yung gusto ko siyang makita pero ayokong makita niya ako. Ewan ko na rin. Hindi ko naman siguro kasalanan ang nangyari kung hindi ko naman talaga sinasadya.



♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top