Chapter 56: Closed


"Dude, yung mama ni Ky, pinatatawag tayo sa kanila," balita ko.

"Hala, gago, bakit daw?"

"Sa kaso yata natin."

Pinahiram nga ni Gina ang 4x4 niya. Akala ko, joke lang. Nakita ko na ang bahay na inayos ni Clark ang papeles. Kamukha lang din ng ibang unit na nandito sa subdivision. Hindi kasinlaki ng kina Belinda, pero malaki na para sa tatlong tao. May dalawang floor saka malawak sa loob—o baka dahil wala pang furniture kaya mukhang malawak.

Ang kasama ko, si Clark lang. Susunod daw mamaya sina Rico. Si Patrick, hihintayin pang mag-out sa office kaya baka si Pat ang hintayin naming barkada bago kami tumuloy kina Belinda.

Hindi pa kami tapos. Literal na naglapag lang kami ng gamit dito sa bagong bahay. Tutulong nga raw kasi sina Will kaya hindi muna namin inasikaso. Tambay pogi lang muna kami ni Clark sa porch habang naghihintay sa iba.

"May update ba sa kaso ko?" tanong ko kay Clark.

"Ang sabi ni Dadi, pasara na. Baka siguro pinatatawag tayo kasi isasara na nga."

"Hindi na tayo paiimbestigahan?"

Nagkibit-balikat naman si Clark. "Hindi ako sigurado, 'tol. Hindi pa final, e. Yung sa 'yo ang hindi ako sigurado kasi confidential pa yung related kay Kyline at sa 'yo. Yung amin, malinis na 'yon. Alam mo naman si Tita Tess. Nanggagalaiti na nga 'yon noong na-mug shot anak niya, e. Kung puwede lang ibaon niya sa lupa lahat ng pulis na humuli kay Early Bird, ibabaon niya talaga sa lupa."

Sa totoo lang, hindi ko masisisi si Tita Tess. Kahit din naman ako, ayokong magkaroon ng mug shot. Good luck na lang talaga sa NBI clearance nito.

Bigla niya akong siniko saka siya nag-isang tango. "Malapit nang manganak si Ky! Plano?"

Napahugot tuloy ako ng malalim na hininga dahil doon.

Plano? Magpakasal kay Kyline—iyon ang solid na plano. Ang kaso, hindi iyon posible pagkatapos manganak ni Ky.

May bahay na 'kong sarili, sa wakas, at balak ko sanang dito tumira kasama siya at ang baby namin. Hindi rin naman malayo rito mula sa bahay nila. Twenty minutes na biyahe lang, makakarating na agad dito.

Pero kasi . . . kung dito sila titira, paano ko sila bubuhayin?

"'Tol, paano pala 'yon, 'no? Kung mag-aaral ako next sem, maiiwan pala dito sa bahay sina Ky saka Eugene. Walang magbabantay," bigla kong naisip.

"E, di ipaiwan mo doon sa mama niya."

"Hindi ba parang mapapagod sina Ky at Eugene n'on na dito sila tapos lilipat doon kina Belinda?" tanong ko pa.

"Iwan mo doon sa kanila, ungas."

"'La! E, di niratrat naman ako ni Belinda n'on."

"'Tol . . ." Pumaling na sa akin si Clark saka ako tinapik-tapik sa balikat. "Hindi mo kailangang pasanin lahat nang sabay-sabay. Kung mag-aaral ka, mag-aral ka. Kung magtatatay ka, magtatay ka. Kailangan mong mamili kasi nasa magkaibang lugar 'yang dalawa. Mas matalino ka kaysa sa 'kin kaya dapat alam mo 'yan."

"Mag-stop na lang kaya muna ako?"

Napakibit-balikat na naman siya. "Alam mo, kung ako sa 'yo, iwan mo muna si Ky doon sa mama niya."

"Clark, si Daddy, iniwan din kami ni Mama."

"Para kang tanga," sagot agad niya, halatang naiinis na. "Hindi mo iiwan kasi mambubuntis ka ng iba. Doon lang muna siya sa mama niya para kahit nag-aaral ka, may nag-aalaga sa mag-ina mo. 'Ba 'yan! Basic logic, 'tol, kinalawang ka na ba?"

Sinuntok ko na lang nang mahina ang kanang braso niya. "Gago."

Sa totoo lang, nakukuha ko naman ang point ni Clark. Pero kasi, ayoko ng sasabihin nina Belinda na hindi ko ma-prioritize si Kyline saka yung baby namin. Siyempre, next sem, puro na ako major na kailangan talagang tutukan halos buong araw. E, kung aalagaan ko sina Kyline at Eugene, baka sumabog na lang ang utak ko n'on dahil sa pressure.

Ayoko sanang mag-stop, pero ayoko ring iwan ang mag-ina ko sa ere.

Alas-tres pasado na nga nang dumating sina Rico. Si Patrick, naka-formal suit pa at may dalang leather messenger bag.

Halatang mga walang trabaho pa 'tong iba kasi nakapang-gimmick pa nga at nakapambahay.

"Bakit daw tayo ipinatatawag ng mama ni Ky?" usisa ni Will habang pasakay kami sa van ni Calvin.

"Yung kaso pa rin ba?" tanong ni Calvin.

"Oo," sagot ko. "Pero mukhang hindi naman delikadong pumunta kasi nandoon si Manang."

Napatawa agad sila nang mahina pagbanggit ko kay Manang.

"Baka hampasin sila ng sandok ni Manang kapag naglabas ng armalite yung mama ni Ky," biro ni Clark.

Kinakabahan dapat ako ngayon kasi pupunta ang barkada sa bahay nina Kyline habang naroon si Belinda. Pero nakapagpaalam naman na raw sila noon at alam naman ni Belinda na barkada ko ang gumawa ng nursery room ni Eugene, kaya duda akong sasalubungin kami ng bala pagdating namin doon.

"Paano kapag nagtanong tungkol sa alam natin? Hindi ba delikado 'yon?" tanong ni Will na nasa dulong upuan mag-isa. Umiiwas na naman sa amin kasi nasa iisang hilera na naman kami ni Clark.

"Si Early Bird ang pasagutin n'yo," sabi ni Calvin.

"Dude, I have no idea about this. Wait, I'll call Kuya Tony," sabi ni Rico.

Si Rico ang pinaka-articulate sa amin pagdating sa peace talk, at kaya niyang sumagot nang mas rational kaysa sa amin kahit hina-hotseat na kami. 'Yon nga lang kasi, kung ano lang ang alam ko, 'yon lang din ang alam niya. Ang talagang may alam sa barkada na detalyado talaga, laging si Clark.

"Hi Kuya Tony!" masayang bungad ni Rico sa call. "Yeah! Pa-assist naman. Pupunta kasi kami sa mga Brias. Kapag nagtanong si Mum kung nasaan ako, just tell her na nasa Alabang kami, na kina Belinda Brias. . . . Yes. . . . We're not sure about the agenda, but in case something bad happens, call Mum. Yeah. Thank you so much!"

Natahimik kaming lahat. Nilingon kami ni Rico mula sa passenger seat sa harapan. "If she tried to threaten us, let Mum face her. I have no idea about the possible questions, but Clark knows the law better than I did, so bahala na si Clark sumagot."

"Sigurado ba?" tanong pa ni Clark.

"Bill of Rights and Food Safety lang ang alam ko. Penal Codes? Pass. And besides, ikaw naman ang anak ng lawyer and military personnel dito, so why me?"

"Takot ka sa mama ni Ky? Hehehe," pang-asar ni Clark.

"I fear Mum more than her."

"Sa bagay."

Nagsipagtanguan na lang kami kasi alam na namin ang kasunod.

Wala pang ilang minuto, nasa tapat na kami ng gate.

Kung makahinga ako nang malalim, parang hindi ako rito nakatira nang ilang buwan.

"Dude, oks ba?" tanong ni Will habang tinatanong si Clark.

Pinagpagpag pa ni Clark ang balikat na parte ng black and white polo ni Will saka tumango at nag-thumbs up.

Nag-doorbell na ako at para kaming mga batang nag-aabang pagbuksan ng gate. Nakapila pa kami nang magkakatabi.

Wala pang ilang minuto, binuksan na ang gate at si Gina pa nga ang bumungad sa amin kahit si Manang ang gusto muna naming maging backup papasok sa loob.

"Aba . . ." Nang-aasar ang ngisi ni Gina habang iniisa-isa kami ng tingin. Mukhang galing siya sa parking lot, may dala pa siyang basahan na magrasa. "Kompleto kayo, a."

"Papasok na kami," sabi ko habang nakaakbay lang kay Rico.

"Bukas ang gate. Larga!" Ikinumpas pa niya ang kamay para papasukin kami sa loob.

Chill lang kami na naglalakad pero nagpapaluan na kami ng likod kung sino ang mauuna.

Hindi ako kinakabahan kay Belinda, pero kinakabahan ako para sa barkada ko. Mabuti sana kung pagkatino-tino rin ng mga 'to e, mga may kalampag din 'to sa utak.

Noong wala si Belinda, sa pathway pa lang, nagkakalat na sina Will. Ngayon, para kaming nagmamartsa sa graduation na naka-fall in line pa by height kahit pa ako ang nasa unahan kasi nga raw, ako ang nakatira dito. Saka ako ang mas malaki at puwedeng pan-shield.

Nasa receiving area pa lang kami papasok ng bahay, dinig ko na ang dalawang boses ng babae kahit nakasunod kami kay Gina.

Napamura na naman ako sa isip kasi nakauwi na yata si Ma'am Shan. At hindi nga ako nagkamali. Nasa magkabilang dulo ng mesa sina Belinda at Ma'am Shan. Si Kyline, sa tabi ng mama niya sa kaliwa, sa usual niyang puwesto. Si Gina, naupo agad sa kabilang tabi ni Belinda.

"Hala, dalawa yung mama ni Ky," bulong ni Will.

"Upo na," bulong ko na lang at inginuso ang mga upuan.

Sakto lang sa amin kung tutuusin ang mga upuan. Katabi ko si Ky, tapos si Rico na at si Calvin sa dulo. Kaharap ko si Will tapos si Patrick na katabi niya. Si Clark naman ang katabi ni Gina.

Ang tahimik sa mesa. Ang kaba ko, hindi ko alam kung ano ang intensity. Kung kaba ng natatakot para sa mga buhay namin o kaba ng nape-pressure lang sa pag-uusapan.

Ang tahimik namin. Ang upo nina Will, yung klase ng upo namin kapag may gathering at kailangan naming kumilos bilang tao.

Pasulyap-sulyap ako kay Belinda na iniisa-isa na kami ng tingin. Ano ba kasi'ng kailangan ng babaeng 'to sa amin?

"Buti nakapunta kayong lahat," biglang sabi niya nang matapos na yata sa pag-oobserba sa pagmumukha ng mga barkada ko. "Mga wala ba kayong trabaho maliban doon sa katabi ni Gina?"

Napatingin agad ako kay Patrick na nagse-cellphone pa yata sa ilalim ng mesa. Napaderetso agad siya ng upo matapos sikuhin ni Will.

"Yes, ma'am. I agree," seryoso pang sagot ni Patrick.

"Punyeta," kusa nang lumabas sa bibig ko kasi firm na firm pa sa isinagot ang hinayupak na 'to.

Puwede bang magpalit ng barkada for the meantime?

"Gago, hindi 'yon yung tanong," bulong ni Will na rinig naming lahat.

"What's the question ba?"

"Makinig ka kasi, puro ka phone."

Sige, magtsismisan pa kayo rito, mga animal kayo.

Dapat talaga may rehearsal kami kanina sa van, e!

"Sorry po, sorry po." Bow nang bow si Patrick saka inilipat ang atensiyon sa gitna ng mesa habang naghihintay ng susunod na ikapapahiya naming lahat.

Bumibigat ang atmosphere sa dining table. Parang nag-e-emit ng evil aura si Belinda na hindi niya normally inilalabas.

"Tungkol sa kaso n'yo last February—"

"GUSTO ko lang pong linawin . . ."

Para akong nasamid sa sarili kong laway nang biglang sumigaw si Clark. Pigil na pigil ang tawa ko nang mawala ang evil aura na nararamdaman ko kasi kahit si Belinda, nagulat kay Clark.

"'Tang ina mo, nagulat ako." Ang lutong ng hampas ni Gina sa balikat ni Clark dahil doon.

Nakikita ko ang barkada kong pigil na pigil ang pagtawa kasi wala talaga kaming mahihitang matino sa mesang 'to.

"Nagpapaliwanag lang ho ako, ma'am," kalmadong sagot ni Clark kay Gina.

"Huwag mo 'kong tawaging ma'am."

"Sir."

"Tarantado." Nasampal tuloy siya ni Gina kahit mahina lang.

Nag-angat ako ng palad para sana itakip sa mukha, pero hindi natuloy. Napakamot na lang ako ng pisngi habang pigil na pigil ang paghalakhak ko.

"Gina," sabad ni Ma'am Shan kay Clark. "Tawagin mo siyang Gina."

"Thank you, Mommy 2.0," sabi ni Clark. Nag-pose pa siya na parang binabaril si Ma'am Shan saka kumindat.

"I like you!" tuwang-tuwang sagot ni Ma'am Shan, mukhang nakahanap ng bagong mapagtitripan sa barkada ko.

"I like you too. Buti kayo goods, 'no?" Ang tapang talaga ng hayop na 'to. Paglipat niya ng tingin kay Belinda, sumeryoso na naman siya. "Mabalik po tayo sa usapan. Yung kaso po last February, sarado na po 'yon."

"At sino'ng may sabi?" pangangastigo ni Belinda.

"Ako po!" proud pang sagot ni Clark.

"Putang ina." Wala na akong nagawa, napayakap na ako kay Kyline mula sa gilid para lang itago ang tawa ko.

Mamamatay talaga kami nang maaga dahil dito sa katarantaduhan ni Clark, e.

Si Kyline, tawa rin nang tawa pero walang nakakahalakhak sa amin. Halos lahat kami, pigil na pigil ang tawa. Naiiyak na nga si Kyline habang nasasamid.

Pinilit kong magseryoso kasi seryoso rin naman si Clark. Seryoso rin si Belinda. Kahit na kami sa mesa, parang mga mali lang ng mesang naupuan.

Maangas nang nagtanong ni Belinda kaya naglinis na ako ng lalamunan. Galit na yata. Pero si Clark, ayaw paawat.

"Alam mong seryoso 'tong usapan natin, di ba?" babala ni Belinda.

"Oo nga po. Hindi nga po ako tumatawa, e," matapang na sagot ni Clark.

"Dude, tama na." Umawat na si Will na namumula na ang mukha habang nagtatago ng tawa niya. Tinakip-takipan pa niya ang bibig ni Clark para lang manahimik.

"Wala ba 'kong makakausap nang matino sa inyo? Dardenne," istriktang sita ni Belinda.

Umayos ng upo si Rico na namumula na rin ang mukha kahit medyo natatawa pa rin.

"Yes, ma'am," kampante niyang sagot.

"Paano kayo napunta roon sa stag party?" seryosong tanong ni Belinda.

"We didn't know as well, ma'am."

"Napunta kayo roon nang hindi n'yo alam?"

"Maniningil lang naman po kami roon."

Sumabad si Will. "Sagym ng Purok Siyete sa Tayuman po ang meeting place dapat. Hindi lang hotumupad si Elton kaya kami napunta sa Parañaque."

"Nasabin'yo na 'yan sa imbestigasyon," putol ni Belinda.

"'Yonnga po ang point," depensa ni Will. "Nasagotna po namin nang paulit-ulit. Kahit tanungin n'yo kami kada buwan, wala pongmagbabago sa statement namin kasi 'yon talaga ang nangyari."

"Kayo'yong malalakas pumusta sa Coastal, di ba?"

Shit. Pati pala 'yon, nakalkal pa nila?

Hindi namin isinama sa statement 'yon. Paano naman kasing isasama e, wala nang sakop 'yon sa kaso namin na illegal abduction.

"Tatlo lang ang kilala roon," pagpapatuloy ni Belinda. SiHades, si Zeus, saka si Apollo. Anim kayo, bakit wala 'yong tatlo?"

Sumipol si Gina, pero hindi namin inaasahan na sisipol din si Clark. Nagkapalitan tuloy kami ng mga tingin at hindi alam kung ano ang ire-react.

"Ikaw, Dardenne, ang financer," sunod-sunod na salita ni Belinda. "Si Scott ang handler ng grupo. At si Lauchengco ang racer n'yo."

Gumatong pa si Ma'am Shan. "SiDy ang runner. Legalities ang hawak nina Mendoza at Vergara. At meron kayong lending company . . . sa ganyang edad."

"We need to talk to our lawyer," putol ni Clark sa sinasabi nitong kambal. "Kamiay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang aming sasabihin aymaaaring gamiting pabor o laban sa amin sa anumang hukuman. Kami ay mayroonding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na aming pinili, at kung wala kamingkakayahan—na of course, meron—ito ay ipagkakaloob sa amin ng pamahalaan."

Pasimple naming pinalakpakan si Clark sa ilalim ng mesa. Sabay pa kami nina Early Bird at Calvin sa pagpalakpak na para bang normal response na ng katawan namin 'yon.

Totoo rin naman. May karapatan kaming hindi sumagot. Ang kaso, former senior inspector nga lang itong kausap namin.

"Hindi mo kailangang i-recite ang Miranda Rights sa harapan ko," walang amor na sagot ni Belinda.

"Nasa gilid n'yo naman po ako," confident na sagot ni Clark.

Puwede ba naming busalan na lang si Clark para hindi na siya makasagot ng hindi naman na niya kailangang isagot?

"Computer science ang tinapos mo, di ba?" naiirita nang tanong ni Belinda, nabubuwisit na rin 'to, malamang.

"Yes, ma'am. Pero nag-take din ako ng nursing."

Yeah, totoo. Puwedeng sabihin ni Clark dito kay Belinda na anak siya ng abogado at doktor. Kung ako si Clark, ipagmamalaki ko 'yon.

"At ano'ng koneksiyon n'on?" mataray na tanong ni Belinda.

"Share ko lang po. Baka kasi kulang kayo ng info sa educational attainment ko."

Ay, putang ina.

Proud na proud pa 'ko sa profession nina Tita Pia at Padi! Okay na, e! Nasa nursing na! Nandoon na, kaunting yabang na lang! Tapos share niya lang?

Kung ako si Padi, magpapalit na 'ko ng anak.

Sa sobrang chill ni Clark, nakuha na agad niya ang loob ni Gina. Kaakbay na siya na akala mo, matagal nang magtropa.

Ramdam naming hindi natatakot si Clark. Wala naman sigurong gago ang sasagot nang ganoon kung natatakot sila. Marunong din namang makiramdam si Clark at sumagot nang maayos kapag tinatanong. Nataon lang siguro na walang baril sa mesa kaya matapang. Pero kahit yata may baril sa mesa, parang hindi n'on mababago ang sagot niya.

"Pumusta kayo kina Elton?" seryoso na namang tanong ni Belinda.

"Hindi ho pustahan 'yon," kaswal na sagot ni Clark.

Kung tutuusin, tama naman siya. Hindi siya tumatawa. Kami lang talaga ang natatawa sa kanya. Sila nga lang ni Belinda ang seryoso rito sa mesa, pero ewan ko ba? Ang hirap talagang seryosohin ng gagong 'to.

"Bakit kayo maniningil kay Corvito?" tanong ni Belinda. Mukhang mapupunta na sa akin ang topic.

"Hindi pa ho kasi siya nagbabayad kay Leo," sagot ni Clark.

"Kaya nga . . ." naiiritang tanong ni Belinda at dinampa ang mesa nang paulit-ulit. "Ang tanong ko . . . bakit nga kailangan niyang magbayad?"

"Kasi ho may utang siya kay Leo."

"Ano nga yung utang."

"Pera ho."

"Alam kong pera! Puta!"

"Hahaha!" Hagikgik na lang ang nagawa namin at si Gina lang ang nakatawa nang malakas kasi iritang-irita na si Belinda, sumisigaw na. "Easy ka lang, Bi!"

"'Tang ina, mas malala pa ang stress ko sa 'yo kaysa kay Leopold!"

O, bakit nadamay ako?

Dinuro ni Belinda si Clark para mag-warning. "Hindi ikaw ang tatanungin ko, huwag kang sasagot." Pumaling na siya sa side namin kaya napaayos kami ni Rico ng upo.

Malamang na isa sa amin ang pasasagutin nito kasi sinukuan na si Clark na ginagago lang siya.

"Uulitin ko ang putang-inang tanong." Kahit ayokong tumawa, natatawa ako sa inis ni Belinda. "Bakit kailangang magbayad ni Corvito kay Leo?"

Gusto ko sanang sumagot kasi ako ang kausap ni Elton tungkol sa poker machine pero nauna nang kumilos si Rico. Nagsalikop siya ng mga kamay at umurong paharap sa mesa.

"Firstof all, let me clarify this, madame," sabi ni Rico. "Nanditokami kasi ipinatawag mo kami. Wala kayong warrant of arrest; wala kayongkarapatang gipitin kami para sa sagot; wala kayong authority para pilitinkaming sumagot; at ang status n'yo sa ngayon ay private citizen owning a gun.And if ever na mawala kami o maging missing after 24 hours, nagbigay na ako nginstruction sa mga tao ng mommy ko na kung hindi ako uuwi within a specific time,ipahahalughog ko itong bahay n'yo para lang mahanap kami ng buong barkada ko.Nagha-handle ang family ko ng security agency, at alam na nila ang gagawinregarding this matter."

Sinungaling talaga 'tong gagong 'to. Pero hindi rin, e. Matic na kasi sa bahay nila 'yon.

Ang sabi lang naman niya, sabihin kay Tita Tess na nandito siya kina Belinda Brias. Pero kasi, kahit wala pang 24 hours—baka nga mamayang paglubog lang ng araw—kapag hindi siya nag-respond sa bahay nila, talagang hahalughugin ni Tita itong bahay nina Kyline, makita lang ang anak niya. Lalo pa, itong si Belinda ang nag-file ng kaso kay Rico na related sa pangingidnap kuno. E, baka nga kapag nagtagpo ang landas nito saka ni Tita Tess, talagang maghahalo ang balat sa tinalupan.

"Now, let's go back to your concern," pagpapatuloy ni Rico. "Bakitkami napunta sa stag party ni Duke? Kasi maniningil ang barkada ko. Mayutang sa kanya si Elton. Galing ba 'yon sa illegal gambling? Hindi. And as faras I know, Leo has clarified that so many times. Hindi kami nagsugal that nightsa stag party."

Tama, tama. Siya na'ng bahalang magpaliwanag kasi ayokong makipagbardahan dito kay Belinda. Baka magsigawan lang kami kung sakali.

"Ano ang tungkol sa poker machine?" tanong ni Belinda, na inaasahan ko na rin kasi si Gina ang nangungulit last time pero wala akong sagot.

"Sasagot lang kami ng tungkol sa stag party," seryoso ring sabi ni Rico.

"Tungkol din 'yon sa stag party."

"I'll disagree."

Biglang naningkit ang mga mata ni Belinda kay Rico kaya palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Na-tense na naman ako. Sana si Clark na lang ulit ang kausap nito.

"Peroalam n'yong drug den ang location na 'yon," mas mapagdudang tanong ni Ma'am Shan na nakikinig lang din kanina pa.

"Andwe know, too, na alam n'yong drug den ang location na 'yon," confident na sagot ni Rico.

Sumandal na sa upuan niya si Ma'am Shan at pinagtaasan ng mukha si Rico habang nagkukrus siya ng mga braso.

"So, ano'ng gusto mong palabasin?" tanong ni Ma'am Shan.

"Nakahit alam nating pare-pareho na drug den ang night club na 'yon, wala sa atinang nagre-report ng tungkol doon until February. It means kung kayo na mayposisyon sa authorities, aware doon, at wala kayong ginawa to raid that placebefore that stag party, are we responsible for whatever crimes happen insidethat building? Fault ba namin na may nagda-drugs doon? Fault ba namin nanandoon si Kyline at that time when the last time she saw us, first yearcollege pa lang kami? Tell us more about our faults and about that stag partythan anything else. Huwag na po tayong lumayo sa topic. Hindi ang poker machineang dahilan kaya kami hinuli kundi illegal detention."

Saglit kong sinipa ang kanang binti ni Rico kasi gusto ko siyang awatin sa sinasabi niya. Baka lang kasi nakakalimutan niyang pulis at sundalo 'tong gumigisa sa amin, e ang nagiging labas, siya na ang gumigisa sa kanila.

Hindi nakasagot si Ma'am Shan kay Rico. Kung anong ikinanipis ng mga mata ni Belinda kanina habang sinusukat ng tingin ang barkada ko, ganoon na rin ang tingin ni Ma'am Shan kay Rico.

"Kilalani Calvin ang pusher ng drugs ni Belle," sabad ni Gina kaya nalipat na ang atensiyon namin sa kanya.

"Si Joven," sagot ni Calvin na ngayon lang magsasalita.

Pero lahat kami, na-bad trip na agad, sinasabi pa lang ang pangalan ng gagong 'yon. Mas lalo na ako e, parang ex pa yata ni Kyline 'yon.

"Kilala n'yo nga," sabi ni Gina.

"Hatenamin 'yon!" sagot ni Clark. At mukhang nag-e-enjoy na 'tong gagong 'to sa puwesto niya. Nakapatagilid na siya ng upo paharap kay Gina, nakapatong ang kaliwang siko niya sa sandalan ng dining chair habang sinusuklay-suklay ng daliri niya ang maikling buhok ng katabi niya. Ang kapal talaga ng mukha ng tarantadong 'to. "Ni-reportna namin 'yon sa pulis pero walang update sa amin. Need daw ng proof," dagdag niya.

"Wala kayong proof?" tanong ni Gina.

"Meron. Marami. Pero discarded," chill na sagot ni Clark.

"Bakit discarded?"

Nagkibit-balikat si Clark. "Kapagnire-report namin, hindi na kami ina-update, e. Nag-update din kami sa inyopero hindi naman kayo nagre-reply. Kaya sinabi na lang namin, hindi na naminfault 'yon kung tino-tolerate n'yo." Itinuro niya ang katabi ko bago ibinalik ang atensiyon kay Gina. "Maypakialam din naman kami kay Kyline, pero kayo naman ang pamilya. Hindi na naminresponsibility kung mag-drugs siya. So sana, hindi kami ang sisihin dito kasiwalang nagda-drugs sa amin. Naniningil lang kami ng utang ng may utang."

Napatango na lang kami sa sinasabi ni Clark para suportahan ang sinasabi niya.

"Nabuntissi Ky kasi tinutukan sila ng baril, at hindi rin fault ni Leo 'yon," dugtong niya. "Kung hindi si Ky ang nandoon, ibang bunny girl ang mabubuntis ng barkada ko. And for sure, hindi kayo magiging ganito kakulit sa sagot kung sakali man kasi hindi n'yo naman magiging kaano-ano ang biktima."

Walang imik si Belinda nang sulyapan ko siya. Himas-himas lang niya ang noo habang napapailing.

Alam niyang may point si Clark, at hindi mababago ng panggigisa nila sa amin ang katotohanang hindi kami ang nagdala kay Kyline sa stag party kundi sarili niya lang din.

"Manang," mahinang pagtawag ni Kyline. Sa kanya natuon ang tingin ko nang tumayo siya.

"Saan ka?" mahinang tanong ko paghawak sa kamay niya.

"Sa toilet."

"Samahan kita."

"Kay Manang na lang. Dito ka muna, baka may itatanong pa si Mommy."

Lumipat ang tingin ko kay Manang. Tumango lang sa akin at inutusan akong hayaan na si Kyline sa kanya.

"Tawagin mo 'ko kapag may kailangang kunin sa itaas," sabi ko na lang.

Matipid na ngumiti si Kyline sa akin saka tumango. Ilang hakbang pa ang nagawa niya bago ko siya tuluyang bitiwan. Hinintay ko pang mawala sila ni Manang sa paningin ko pagpasok nila sa kitchen area bago ako bumalik sa mga nag-uusap sa mesa.

"Sino ang mga nakakausap ninyo?" tanong ni Gina kay Clark, at mukhang umaasa na lang sina Belinda sa kanya kasi naupos na rin yata ang pasensiya nitong mama ni Ky sa barkada ko.

"Meron kaming kinausap na hepe malapit sa Station 2," kuwento ni Clark. "Tinatanggap naman nila ang pino-forward naming ebidensiya. Pero sabi nila, itu-turnover na lang daw sa ibang department."

"Sinong hepe?" tanong ni Belinda.

"Garcia," sagot ni Clark. "Pero twice lang kaming nag-surrender sa kanya ng specimen. Kasi ang sabi ng mga nasa Station 1, may runner din sa loob ng Station 2. May nag-update sa amin sa Station 1, pero yung na-update sa amin, biglang inilipat sa ibang station. Hindi rin niya alam kung bakit, pero mukhang hindi naman kasi pulis patola 'yon kaya naintindihan naman namin." Itinuro niya ang kanang direksiyon, paturo kay Calvin. "Nagbibigay itong barkada namin ng follow-up sa inyo. Pero hindi kasi siya puwedeng mag-drop lang ng info basta-basta kasi binabantayan din kami."

"Bakit kayo binabantayan?" usisa ni Gina, na mukhang nag-e-enjoy na sa kadaldalan ni Clark. Nakapaling na rin siya paharap kay Clark at halos yakapin na ang sandalan ng dining chair.

"Si Pat kasi, racer namin 'yan. Alam n'yo na 'yan, kakasabi n'yo lang. Saka guwapo 'yan. Kita n'yo 'yang mukhang 'yan?"

Napatingin pa kami kay Patrick na nakakunot ang noo kay Clark kasi itinuturo siya.

"Maraming naghahabol diyang babae. Pero may babae rin 'yang hinahabol," dugtong ni Clark.

"Dude," pag-awat ni Patrick.

"Nagkaroon ng Hades at Zeus . . . kasi ang kotse nitong poging 'to," kuwento ni Clark pagturo kay Pat, "naipatalo sa karera kahahabol doon sa crush nito. Lamborghini 'yon, hindi pa fully paid."

"Clark," pag-awat na ni Rico.

"Dude, para lang clear tayo. Makakalkal din nila 'to, promise." Bumalik na naman si Clark sa kadaldalan niya. "Ayun na nga. Kailangan naming mabawi yung Lamborghini. Hot car pa ang status n'on kasi may lisensiya na 'yon sa LTO at ongoing ang pagbabayad. Kaya kami napunta sa pustahan, kasi kailangan naming mabawi ang kotse ng kabarkada ko."

"Ah . . ." Napatango-tango si Gina. "Nabawi n'yo?"

"Oo naman! Kami pa ba?" proud pang sagot ni Clark. "Pero balik tayo sa kung bakit bawal kaming mag-drop ng info tungkol sa mga big-time pusher." Itinuro niya si Belinda bago nagpatuloy. "Hindi ka palalabasin ng mga handler nang lugi sila. At karamihan sa mga handler na 'yon, dating tropa nito." Itinuro niya si Calvin bago binalikan si Gina. "Yung mga dating tropa niyan, nagpapadala ng death threats sa amin. Ni-report din namin 'yon, pero wala na namang nakabalik sa aming response. Kaya nga kinailangan naming mag-rely sa private security. Pero kung gusto n'yo ng solid evidence, punta kayo sa Station 5, may mga blotter report kami roon; grave threat resulting to damage to property. Puwede n'yong ipahanap 'yon kay SPO2 Torres. Siya ang may hawak ng reports. Active pa 'yon ngayon."

"Paano napasok si Corvito sa kaso n'yo?" tanong ni Gina.

"Handler saka racer si Elton Corvito. Hinahabol ng mga handler si Patrick para mabawi ang Lamborghini niya. Nag-agree si Elton na kakarera para sa barkada ko. Ang kapalit, ibibigay ni Leo ang winning sequence sa casino."

"Eto yung poker machine."

"Barkada ko ang nag-compute ng winning combination. Si Elton ang naglaro ng poker machine. Kaya nga walang nag-claim kasi monitored sila. Babantayan sila ng management ng casino. Kung hahabulin n'yo si Leo tungkol sa jackpot ng machine, wala kayong mahihita diyan kasi gumastos lang talaga 'yan para sa sequence. Pero walang nakabalik na pera diyan. Kasi kung 'yan ang nanalo ng jackpot sa poker machine, wala siyang kailangang singilin. Wala dapat kami sa stag party ni Duke."

"Wow . . ." natatahimik na tugon ni Gina, na parang nag-space out bigla sa haba ng naikuwento ni Clark sa kanila. "Wow."

Umaasa ako ng tanong tungkol sa nangyari sa amin ni Kyline, o kung bakit namin itinago si Ky sa apartment ko sa Makati, pero wala nang follow-up question.

Biglang tumahimik sa mesa at nagsisipaan na nga kami sa ilalim para malaman kung ano na ang susunod na gagawin namin.

Halos nasabi na ni Clark ang lahat ng dapat sabihin. Wala naman siyang sinabi na delikado para sa kaso namin, pero mukhang napaisip nang sobra doon sina Belinda.

Sumenyas si Belinda kay Ma'am Shan, at silang dalawa ang lumabas ng dining area mula roon sa sliding glass door na malapit lang din sa amin.

"Wala sa itsura mong may utak ka," natatawang sabi ni Gina.

"Sorry naman, Gina, cute lang kasi ako, e." Nasampal na naman si Clark tuloy.

"Tarantado."

"Sarado na po ba ang kaso namin ngayon?" magalang tanong na tanong ni Will kay Gina.

"Yung inyo, matagal nang sarado 'yon, di ba?" sagot ni Gina. "O hindi nasabi sa inyo? Wala namang nag-file ng kaso kaya ayos na 'yon."

"Yung kay Leo po?" tanong ni Rico.

Saglit akong sinulyapan ni Gina bago ibinalik kay Rico ang atensiyon. "Nasa statement ni Belle na consensual ang nangyari sa kanila ni Leo. Hindi na rin naman itinuloy ni Linda saka ni Addie ang pag-file ng kaso."

"Absuwelto na kami?" nakangiting tanong ni Clark.

"Sa kaso, oo. Pero may binuksan kasing lead itong kaso ninyo na related sa dating kaso na hawak ni Linda."

"Nasaan na si Elton?" biglang tanong ni Clark. Hindi naman niya mukhang hinahamon si Gina, pero nakikita kong may iba siyang intensiyon sa pagtatanong—kahit pa alam ni Clark kung ano ba talaga ang nangyari sa gagong 'yon.

"Bakit mo hinahanap?" nakangising tanong ni Gina.

"Dadalawin sana namin. Makasapak lang," nakangisi na ring sagot ni Clark. "Kahit isa lang sana. Yung malakas."

Nakangiti si Gina, pero may kung ano sa tingin niya na pinagdududahan ang pagtatanong ni Clark sa kanya.

"Puwede ba kaming bumalik sa station?" alok pa ni Clark.

"Mas mabuting huwag n'yo nang dalawin," nakangiting sagot ni Gina. "Okay na kayo. Huwag na kayong maghanap pa ng panibagong sakit ng ulo." Tumayo na rin siya at pinisil na naman ang pisngi ni Clark. "Ang cute mo!" Tinapik pa niya ang balikat ng barkada ko saka kami inisa-isa ng tingin. "Kakausapin ko muna sina Linda. Dito muna kayo."

Pag-alis ni Gina, naiwan kaming magbabarkada sa mesa. Mata lang ang gumagalaw sa amin, pero nababasa namin ang nasa isip ng isa't isa.

"Alam na," sabi ni Clark saka tumango-tango.

Mukhang isasara na talaga nila.

Alam na.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top