Chapter 53: Harder
Napapamilyaran ako ni Ma'am Shan pero hindi niya ako matandaan, at ayoko ring matandaan niya.
Hindi sila nagkakalayo ng itsura ni Belinda, pero kompara kay Belinda, parang hindi siya madaan sa iisang tingin.
Nitong mga nakaraan, hindi na ako pinag-iinitan ng mama ni Kyline kasi madalas sa madalas, inuuna ang trabaho. Makakasalubong ko sa sala, may dalang clipboard. O kaya nasa stockroom madalas kaya hindi ko rin masyadong nakikita kapag nandito sa bahay. Si Gina ang madalas mangulit. Pero hindi naman kasi masyadong nakakabuwisit kausap si Gina. Kahit nga biruin ko o pilosopohin, tatawanan lang ako.
Sa totoo lang, kapag tapos na ang drill namin noong CAT days ko, hindi ko masasabing mahigpit si Ma'am Shan. Kaya nga ang daming may crush sa kanyang estudyanteng lalaki.
Isa siya sa mga babaeng teacher na pinagpapantasyahan ng mga classmate ko kasi papasok sa klase, ang suot, fitted na white T-shirt na naka-tuck-in sa fatigue tapos boots. Kapag Type C kami, fitted shirt at jeans naman ang suot niya.
Sa kurba ng katawan, hindi ko sisisihin ang mga classmate ko kung pagpantasyahan man siya. Kapag pa naman naka-T-shirt siya na puti, ang madalas niyang suot, yung gaya ng binibili kong bra kay Kyline na parang kalahati lang ng umbok sa dibdib pababa ang may cover, sa kalahating itaas, wala nang takip. E, mabuti sana kung flat-chested kaso hindi. Tapos ang kitid pa ng baywang. Tapos matangkad pa. Kung mag-push-up din, parang napakadali lang ng ginagawa.
Pero maliban sa katawan, ang kaibahan lang siguro nila ni Belinda, makulit ding parang si Gina si Ma'am Shan. Yung kapag nakasalubong ka niya, aakbayan ka niya, uusisain ka kung saan ka pupunta, makikipagtawanan sa 'yo tapos biglang mag-uutos out of the blue.
Naiinis ako kapag natitiyempuhan niya ako noon kasi ayoko ngang masyadong napapagod. Isipin mo, nasa third floor ka tapos pakukunin ka ng mainit na tubig sa canteen na nasa kabilang building para makapagkape siya. Pero hindi naman naiinis ang ibang classmate kong lalaki. Kung puwede nga lang sumunod agad kahit wala pang utos galing sa kanya, susunod talaga sila. Pero ako? Nah. Nananahimik ako, bigla mo 'kong haharangin, close ba tayo?
Ngayon, wala siyang ipinagbago. Ganoon pa rin. At wala ring ipinagbago ang sama ng loob ko sa kanya. Ang kagandahan lang siguro sa lagay ko ngayon, hindi na ako matatakot bigyan ng failing grade kapag sinagot-sagot ko siya.
Sinamahan ko si Kyline papuntang dining area habang tangay-tangay niya si Ky.
Sa dining table, matic na ang puwesto ko. Katabi ko lagi si Kyline sa pangalawang upuan sa kaliwang side ng mesa. Kaya nga ang sama agad ng tingin ko kay Ma'am Shan nang hawakan niya ang sandalan ng upuan ko sana.
Nagkapalitan agad kami ng tingin. Napakurap naman ako nang suntukin niya ang dibdib ko nang walang pasabi.
Nagulat ako sa biglang pagsuntok niya. May lakas 'yon pero kulang para paatrasin ako. O baka kasi bugbog na yata ako nina Will sa workout kapag nagkakahampasan kami ng punching bags.
"Aba . . ." Lumabas na naman ang ngisi niyang nang-aasar. "Ang tibay mo, ha?"
Akala ko, mananampal kasi nag-angat siya ng kamay. Pero nagtaka ako kasi pinasada niya ang kamay niya sa parte ng dibdib kong sinuntok niya pababa. Sinundan ko naman ng tingin ang ginawa niya kasi hindi ko naiintindihan.
Ang inisip ko pa nga, baka naghahanap ng parte ng katawan kong sigurado siyang patutumbahin ako sa isang bira lang.
"Tita!" Lumipat ang atensiyon ko kay Kyline na nakasimangot, pigil-pigil ang kamay ng tita niya.
"Easy," natatawang sagot si Ma'am Shan kay Kyline. "Kinakapa ko lang kung matigas."
"Tita, naman . . ."
Saka lang nag-sink-in sa akin na hinihipuan na pala niya ako samantalang buong akala ko, naghahanap lang ng panibagong pagganti kasi hindi ako natinag. Ganoon kasi ang kadalasang ginagawa namin nina Clark. Hahanapin sa katawan yung malambot na parte tapos doon bibirahin para may siguradong aray.
Malay ko ba? Hindi naman ako basta nahihipuan ng kung sino lang.
Nakikita ko ang mukha ni Kyline na nakasimangot pero malungkot, o dismayado, o naiilang? Hindi ko alam. Basta mukha siyang inaagawan ng laruan pero hindi siya makalaban.
Ayoko ng ganitong tahimik si Ky pero may nangyayaring hindi niya gusto. Hindi kasi marunong magtago 'to ng emosyon, pero marunong magtago ng salita. Naghatak na lang ako ng ibang upuan at doon pumuwesto sa dulo na halos malapit na sa puwesto ni Belinda.
"Ang sensitive mo naman," puna ni Ma'am Shan sa ginawa ko.
Ang talim ng tingin ko sa kanya kasi halata na ngang masama na ang timpla ni Kyline, para pang tangang mang-aasar. Hindi ba niya nakikita na buntis si Ky tapos naiirita sa kanya?
"Leo . . ." Pilit akong pinahaharap ni Ky sa kanya. Pero wala, nakatingin lang ako nang masama kay Ma'am Shan kasi nang-iinis talaga siya, pangisi-ngisi pa sa 'min. Mula nang tumapak ako rito, sobrang bihira ko lang makitang nakangisi si Belinda. Kung magkahawig sila, parang ayoko nang makita ang sa mama ni Ky.
Pinupuwersa na ni Kyline na ipaharap ako sa kanya. Ang ginawa ko na lang, kinuha ko ang kamay nito at inilagay sa hita ko saka ako tumabi nang halos dikit na ang mga upuan namin.
Si Ky lang ang pinapayagan kong humawak sa katawan ko, huwag siyang mag-ambisyon diyan.
"Where's Shannon?" tawag ni Belinda mula sa labas ng dining area.
Paglingon ko roon, nakangisi sa amin si Gina, at ang dami niyang bitbit na pagkain. Saglit pa siyang nagulat pagkakita sa amin sa mesa.
"Nandito si Shan!" sigaw niya saka pumunta sa dining table at doon ibinaba ang mga dala niya. Dalawang box ng pizza at apat na iced coffee. Hindi nagkakape si Manang, bawal din si Ky. Ang dami naman nilang binili?
"Sabi n'yo, mukhang impakto yung bagong salta rito," sabi ni Ma'am Shan kaya kumunot ang kilay ko.
Impakto? Ako ba ang tinutukoy niya, ha?
Pagsulyap ko kay Gina, parang nagulat pa siya na nakatingin ako sa kanya. Bigla na lang siyang sumipol at pasimpleng kumuha ng iced coffee habang hindi makatingin sa puwesto namin ni Kyline.
Mga backstabber.
"Shannon," mataray na bungad ni Belinda pagtapak sa dining area.
Ah! Nagsama-sama na ang mga stress ko sa mundo.
"At talagang hindi ka man lang tumulong magdala ng gamit mo, ha?" reklamo ni Belinda habang nakakrus ang mga braso at tinataasan ng kilay si Ma'am Shan. "Ginawa mo pa kaming alila mo."
"Well . . ." Lalo lang ngumisi si Ma'am Shan.
"Manang, pahinging tubig," utos ni Belinda sa nasa kitchen.
"Sige, saglit!" sigaw ni Manang na nagluluto ng memeryendahin sana namin.
"Ayusin mo ang gamit mo sa itaas," utos na naman ni Belinda. "Hindi ako ang magdadala n'on para sa 'yo."
"Bisita mo kaya ako," mataray na sagot ni Ma'am Shan.
"Buwisit ka. Ayusin mo na ang gamit mo."
"Iaakyat ko mamaya. Hindi naman naka-lock yung guest room, di ba?"
Shit.
"Tita, doon naka-stay si Leo," paalala ni Kyline.
"Ay, doon?!" masayang tanong ni Ma'am Shan kaya dumako na naman ang matalim kong tingin sa kanya. "Iakyat ko na right now!"
Pagtayong-pagtayo niya, sumigaw agad si Belinda. "SHANNON!"
"What? Iaakyat ko na nga sa guest room, di ba?"
Kahit nagsisigawan na itong kambal sa harapan ko, na kay Kyline pa rin ang atensiyon ko. Palipat-lipat ang tingin niya sa mommy at sa tita niyang nagsasagutan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa hita ko at nakuyom niya ang shorts na suot ko. Mukha na nga siyang nag-aalala kasi nagsisigawan sila sa harapan niya.
"Kararating mo lang, baka gusto mong palayasin agad kita," babala ni Belinda sa kakambal niya.
"Bakit ba? Para tipid sa room, right?" sagot ni Ma'am Shan. "Tipid sa room, tipid sa electricity, tipid sa water if sabay kaming malili—"
Naibuga ni Gina ang kape niya at automatic na napakuha ang kamay ko ng nakatuping table napkin sa harapan namin para lang takpan si Ky kung sakaling mabasa man.
"Regina, ang kape iniinom, hindi nilulunod sa sarili," sabi ni Ma'am Shan.
"'Tang ina ka rin minsan," sagot ni Gina, pinagtatawanan pa ang nangyari sa kanya.
Sa sobrang focus ko kay Gina at sa pagtawa niya, saka ko lang napansin si Belinda na mukhang susugurin si Ma'am Shan. Napatayo na tuloy ako at inilayo roon si Kyline.
"Tigilan mo si Leo," babala na ulit ni Belinda, pero sa mas seryoso at mahina nang tono.
"Ay . . . territorial, as always." Naiinis na ako rito kay Ma'am Shan kasi parang hindi nakakaintindi.
"Buntis si Belle," sabi ni Belinda, "huwag mong pagdiskitahan ang tatay ng anak niyan."
"Kaya mo ba sinisiraan sa akin kasi ganito ang makikita ko rito?"
Mula kina Belinda, lumipat agad ang tingin ko kay Kyline na nakayakap na sa 'kin. Sumisiksik siya sa may dibdib ko habang mahigpit ang pagkakakuyom sa T-shirt ko mula sa likod.
"Three days lang, Shan. Huwag mong pababain nang isang oras ang limit ng pag-stay mo rito sa bahay ko," sabi ni Belinda.
"Okay."
Niyakap ko na lang din si Kyline saka ako sumigaw sa kitchen. "Manang, doon muna kami ni Kyline sa kuwarto niya! Paakyat na lang po roon ng meryenda!"
"Sige, anak!" sigaw rin ni Manang.
Hindi na ako nagpaalam kina Belinda, inakyat ko na lang si Kyline sa kuwarto niya.
Ayoko ng ganitong nagtatalo sila tapos nasi-stress si Ky sa kanila. Parang mga walang pakiramdam, alam na ngang buntis si Ky.
Pagpasok sa kuwarto, nag-lock agad ako ng pinto. Baka lang sugurin kami rito, at least, hindi ako magugulat kung may magbabagsak ng pinto.
Pag-upo ni Kyline sa kama, nanunubig na ang mga mata niya at halatang nagpipigil ng iyak. Kagat-kagat niya ang labi at nakatingin lang sa akin na para bang siya ang may kasalanan ng nangyari kanina at nakikiusap na huwag akong magalit sa kanya.
Pinigil kong huwag magalit sa mama at tita niya kasi halatang na-stress lang siya sa dining area. Lumuhod ako sa harapan niya saka inilagay ang magkabila niyang palad sa pisngi ko.
"Ayos lang," sabi ko. "Hindi ako galit."
Tumulo ang isang luha sa mata niya at sinamantala niya 'yon para bumitiw sa akin. Siya na ang nagpunas sa pisngi niya saka suminghot-singhot.
Sinapo ko ang magkabilang pisngi niya saka siya hinalikan sa noo. "Sa 'yo lang ako, ha? Dito lang ako sa 'yo lagi."
Kahit hindi sabihin ni Kyline, alam ko at ramdam kong masama ang loob niya. Tapos buntis pa, e napakamaramdamin nito. Kaunting kibot lang, may iiyakan na agad.
Nagtatalo ang mama at tita niya, pinagtitripan ako ng tita niya, at wala siyang magawa kahit ilang beses na niyang sinita si Ma'am Shan.
Hindi ko rin alam ang gagawin ko kaya ako na ang umiiwas. Buong maghapon hanggang dinner, yakap ko lang si Ky o kaya hawak ko ang kamay niya. Ultimo nga magbabanyo siya, sasamahan ko pa sa loob ng bathroom para hindi nag-aalala kung saan ako pupunta o baka pinasok na kami ng tita niya.
Kaya nga noong dinalhan kami ng meryenda, nagpasabi na agad ako kay Manang na tawagin na lang kami ni Ky kapag nakababa na silang lahat.
Madali namang kausap si Manang.
"Ganyan na talaga 'yang si Shannon dati pa," paalala ni Manang habang sinasabayan kami ni Kyline sa pagbaba sa second floor. "Wala ka namang magagawa, pagpapasensiyahan mo na lang talaga."
"Sana naman, isipin niyang buntis si Kyline," parinig ko. "Kita na ngang nasi-stress na si Ky, ayaw pa niyang huminto."
Idinaan na lang ako ni Manang sa buntonghininga at hindi na nagsalita pa.
Buong dinner, ang tahimik naming lahat. Salita nang salita si Ma'am Shan pero sobrang dalang lang siyang sagutin. Kahit si Belinda, bihira umimik, pero nasusulyapan ko namang nagwa-warning siya ng titig kay Ma'am Shan. Si Gina, nagpipigil ng tawa. Kahit nga si Manang na makuwento, hindi rin masyadong sumasagot.
Sinabayan ko na si Ky sa pagkain kasi ayokong magtagal sa mesa. Pagkatapos na pagkatapos naming dalawa, inakyat ko na agad siya sa kuwarto kasi halos hindi siya makakilos nang sobrang komportable habang kasama namin ang mama at tita niyang ayaw akong tantanan.
Naririnig ko lang sa usapan nina Belinda na sa nursery room daw muna si Ma'am Shan. Pero duda ako kasi matigas ang ulo. Pagbalik ko sa guest room kung nasaan ako tumutuloy pansamantala, humatak na lang ako ng kung anong T-shirt sa hanger at humugot ng shorts at boxers sa drawer, wala nang pakialam kung gugulo man 'yon o hindi ko naisara nang maayos. Ibinato ko lahat sa side table malapit sa pinto saka ako nagmamadaling bumalik sa kuwarto ni Kyline dala ang phone ko para lang hindi ako ma-corner sa loob ng kuwarto ko.
Si Belinda pa naman, nakakapasok sa guest room para lang mata-matahin ako. Paano pa kaya si Ma'am Shan na mukhang hindi pangmamata ang gagawin?
Pagbalik ko sa kuwarto ni Ky, nakatayo siya at parang nakaabang sa pinto. Kuyom-kuyom niya ang bandang hita ng maternity dress habang sinusundan ako ng tingin.
"Bakit?" tanong ko pa kasi parang nakakita siya ng multo saka titingin sa pinto. "Dumaan dito ang tita mo?"
Umiling naman siya saka kinagat ang labi habang nakatitig pa rin sa akin.
"Ire-ready ko na yung tub," sabi ko at pumunta na sa bathroom at ni-ready ang timer.
Kitang-kita na talagang naaaligaga si Kyline sa sitwasyon namin ngayon. Kadalasan, naghihintay siya sa kama. Susunduin ko siya roon. Kung hindi man, binubuhat ko pa siya papunta sa bathroom, kahit pa kaya niya namang maglakad at walang masakit sa katawan niya.
Pero pinupuno ko pa lang ng tubig ang tub, paupo na siya sa may divan, doon sa tapat ng pintuan sa may closet area.
Gusto ko sana siyang lapitan para tanungin kung ano na naman ang iniisip niya, pero tinatapos ko pa lang ang paghahanda sa milk bath niya, lumapit na siya sa 'kin habang sapo ang tiyan.
"Leo . . ."
Sinalubong ko na siya kasi kanina pa ako nakakahalata.
"Bakit?" tanong ko saka tiningnan ang tiyan niya habang hawak din 'yon. "Masakit? Ano'ng nararamdaman mo?"
Pag-angat ng tingin ko, malungkot na naman ang mga mata niya.
"Sorry kay Tita Shan."
Sabi na, e.
Bumuga ako ng hangin at nag-iwas ng tingin.
"Masakit ba ang tiyan mo o hindi?"
Pagtingin ko ulit sa kanya, umiling lang siya sa 'kin, pero hindi nawala ang tingin niya na parang may ginawa siyang masama at gusto niyang mag-sorry na naman.
Wala naman siyang kasalanan, bakit ba siya ang nagso-sorry?
"Tara na, maliligo ka pa," sabi ko na lang.
Inalalayan ko na siya palapit sa bath tub, pero nakatitig pa rin sa 'kin, ayaw lumubay.
Parang naghihintay pang punahin ko ang obvious na.
"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na," naiiritang utos ko saka ko inalis ang dress niya.
"Si Tita, nasa nursery room. Safe ka ba sa room mo?"
"No," sagot ko. Saglit akong huminto at tiningnan siya sa mga mata pag-alis ko ng dress. "Kung wala ka rito, kanina pa ako umuwi sa apartment."
"May pasok ka bukas, di ba?"
"Malamang."
"Hapon pa 'yon."
"Ano'ng magagawa ko?"
Inayos ko na lang ang buhok niya sa shower cap saka siya inalalayan paupo sa tub.
Para ngang ayokong pumasok bukas kasi nag-aalala si Ky. Pero tingin ko, mas okay nang nasa school ako para kampante siya na hindi ako makikita ng tita niyang makulit.
Gaya ng nakasanayan, may hawak akong sponge, kukuskusin ko nang marahan ang balat niya mula sa leeg hanggang daliri sa paa.
Balisa pa rin siya at hindi ko alam kung paano siya makakampante na walang mangyayaring masama sa akin sa kamay ni Ma'am Shan.
Gusto ko na ngang tanungin kung ano bang gusto niyang gawin ko para lang hindi siya nagkakaganito.
"Dito pala ako makikiligo ngayon," paalam ko habang pinupunasan siya.
Ayokong maligo sa guest room. Malay ko kung bigla akong pasukin doon.
Ang inaasahan kong sagot ni Kyline, tatango lang saka sasabihing, "Okay." Kasi 'yon talaga ang usual na sagot niya sa lahat ng paalam ko. Hindi ko lang inaasahan ang bigla niyang itinanong.
"Sabay tayo?"
Pagkasalubong ko ng tingin niya, natulala ako, e.
Parang may imaginary equation sa utak ko na sumulpot at iniisip kung ano'ng ibig sabihin ng tanong niya.
Inaaya ba niya 'ko?
Magsasabay kami sa pagligo?
Kasi . . . dito ako maliligo?
Gusto niyang maligo kaming dalawa nang magkasama?
Bigla siyang nag-iwas ng tingin saka yumuko. "Sorry."
Hala, shit!
Wala pa 'kong sinasagot, huy!
Saglit, 'tang ina, hindi ako ready!
Papayag ba 'ko? Okay lang ba sa kanya?
Pero tinanong niya kung sabay kami . . . so, payag siya?
Baka kapag tumanggi ako, lalong magalit 'to. Kanina pa 'to naaaligaga, e. Baka kung humindi ako, isipin nito, mas gusto kong maligo kasama ang iba tapos magkadahilan pa para palayasin na nga ako nang tuluyan dito sa kanila.
Kinakabahan ako rito kay Kyline, a.
"May swimming ba tayo bukas?" biglang tanong niya, binabago yata ang topic.
"Sabi mo, hindi sumasakit ang tiyan mo nang sobra kapag may swimming ka. Malamang meron," sagot ko.
"Okay . . ." At yumuko na naman siya.
Ganoong sagot ang inaasahan ko kanina, hindi yung tatanungin ako kung sabay kaming maliligo.
Tumunog na ang timer. Pabigat nang pabigat ang paghinga ko.
Pinaliliguan ko siya kaya sanay na akong makita ang katawan niya. 'Yon lang, iba kasing kaso ngayon.
Namamawis ang palad ko nang alalayan siya paalis sa tub. Buti na lang at basa siya kaya hindi niya mapapansin.
Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko, para akong sinasalang sa apuyan. Nakailang hinga ako nang malalim habang nire-ready ang sarili.
Wala naman akong gagawing masama. Maliligo lang kami. Buntis si Ky. Ako naman ang nagpapaligo sa kanya araw-araw.
Walang malisya. Maliligo lang talaga kami.
'Tang ina, nape-pressure ako, a.
Pagsulyap ko sa kanya sa loob ng shower room, kahit tinted ang glass wall doon gawa ng steam mula sa bath tub, kitang-kita ko pa rin siya. Sinusuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri.
Shit, hindi ako puwedeng magtagal, giginawin siya roon.
Naghubad na 'ko ng damit. Huli akong naghubad sa harapan niya, noong stag party pa. At that time, wala pa akong pakialam sa kanya gaya ng pakialam ko ngayon.
Paghubad ko, kahit wala namang air con sa banyo, parang may dumaang malamig sa akin at kinilabutan ako.
Shit, topless lang ako sa pool, at iyon ang nakikita niya lagi. Nahihiya ako sa kanya. Pakiramdam ko, masyado siyang maganda para sabayan kong maligo.
Napaunat ako ng leeg para lang mawala ang paninindig ng balahibo sa batok ko. Para akong binubulungan ng multo sa likod.
Pero kaya ko 'to. Wala naman akong magagawa, galing naman sa kanya ang idea. Kung tumanggi ako, baka bukas, nasa labas na ang maleta ko at hindi na niya ako kausapin.
Lumapit na ako sa shower area.
Yung shower area, may bintana talaga. Pero nakatapat naman kasi 'yon sa ceiling panel ng maliit na greenhouse sa ibaba nitong bahay kaya walang makakasilip doon sa kahit anong anggulo. Maliban na lang kung may tatapak sa panel, kaso duda akong may makakatapak kasi manipis lang 'yon na green fiberglass.
Kumunot ang noo ko nang dumoon si Kyline sa sulok ng bintana.
"Ano'ng ginagawa mo diyan sa gilid?" tanong ko pa.
Mula sa balikat, pinalapit ko na siya sa akin. Iwas ang tingin niya kahit noong binuksan ko ang shower.
Hindi siya puwede ng hot water sa shower (yung umuusok) kasi sensitive ang balat. Hindi rin okay yung masyadong malamig kasi uubuhin. Dapat tama lang.
Sa bath tub ko siya pinupunasan sa katawan. Ang hindi ko lang talaga ginagalaw sa kanya, yung mga sensitive part saka yung mga ayokong galawin nang walang permiso niya. Hanggang kusot lang ako ng buhok saka hilamos sa mukha niya kapag nasa shower. Maliban doon, wala na. Siya na ang hinahayaan kong maglinis sa katawan niya.
Ang kaso, kapag ginagawa niya 'yon, nasa labas ako at naghahanda ng towel niya. E, ngayon? Nandito ako. Magkasama kami.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakaharap siya sa 'kin. Hindi siya yumuyuko! Talagang nakatingala siya habang kinukusot ko ang buhok niya, tapos nagnanakaw siya ng sulyap sa 'kin.
Nabubuwisit ako. Parang tinatapatan yung pananakot ng tita niya. Mas gusto ko pang manakot si Belinda kasi alam kong hindi nakakatakot, puwede kong barahin. Pero kapag si Kyline ang gumagawa, parang wala akong karapatang pumalag.
Inabutan ko siya ng bath soap para siya na ang maglinis ng mga parteng hindi ko nalilinisan.
Pero 'tang ina talaga, hinahamon talaga ni Kyline ang haba ng pasensiya ko.
Nakaharap siya sa 'kin, kagat niya ang gilid ng labi niya, sinasabon niya ang dibdib niya sa harapan ko. Tapos papaling pa ng leeg para 'yon ang hagurin, saka biglang susulyap sa 'kin at mag-iiwas saka babalik ang kamay sa paghagod sa dibdib niya.
Putang ina, ano ba?
Inaakit ba niya 'ko? Gusto ba niyang tapatan ang offer ng tita niya? Hindi ko siya tatanggihan, akala niya!
Ang lamig ng tubig pero naiinitan ako. Paano ako makakaligo nang maayos nito, hindi ako makapag-focus.
Napalunok ako nang biglang lumipat sa akin ang titig niya. Mula sa mata, bumaba sa labi ko. Kinagat na naman niya ang labi niya at nakakaputol ng hininga ang pagdaan ng tubig sa pisngi niya patawid sa labi.
Paghawi niya ng buhok, pumatag iyon sa anit saka siya huminga nang malalim mula sa nakabukang bibig habang nakatingin sa akin.
Putang ina, Kyline, mahal na mahal kita.
Kapag talagang hindi naging akin 'tong babaeng 'to, magbabasag talaga ako rito sa bahay nila!
Balak ko sanang kunin ang bath soap sa lalagyan at ako na ang magsabon ng mga parteng hindi pa niya nasasabunan, kaso . . .
"Ah!" tili niya.
Dumulas sa kamay ko ang bote ng bath soap at natumba ang bote ng shampoo roon na bumangga sa knob ng shower. Bumuhos sa amin ang malakas na agos ng tubig at naitukod ni Ky ang mga palad niya sa dibdib ko.
"Sorry! Sorry. Nabangga ng shampoo." Ako na ang nagpa-panic para hilamusan siya kasi yung hinagod niyang buhok na pinagpapantasyahan ko kanina, bumagsak lahat sa mukha niya pagbuga ng tubig sa amin.
Pinalo-palo pa niya ang kamay ko, hindi yata siya makahinga kasi agos nang agos ang tubig.
Yumuko siya nang maghagod na naman ng buhok palikod.
"Sorry!" tili niya saka umiwas sa akin, humarap doon sa may bintana. "Sorry, hindi ko sinasadyang makita."
Nagtatago siya sa palad niya, tapos sisilip sa akin, tapos magtatago na naman, saka sisilip ulit kung nakatingin ba ako sa kanya.
Sira talaga 'to.
Natawa na lang ako nang mahina saka napailing habang sinusuklay ng daliri ang basa kong buhok.
Mag-aaya siyang maligo kaming dalawa tapos mahihiya siyang makita ang katawan ko?
"Tara na dito," utos ko at kinuha ang kaliwang kamay niya para mahatak siya pabalik sa akin. "Nagtatagal ka na, uubuhin ka na naman niyan."
Nakababa lang ang tingin ko para makita siya habang nakatingala siya sa 'kin. Nagpapaawa na naman, pinagtatawanan ko kasi.
"Hindi ko naman sinasadyang makita," paliwanag niya, malungkot pa ang boses pati mata.
"Natural, kahit hindi mo sadyain, makikita mo 'yon kasi wala akong damit," sabi ko.
Binuksan ko na ulit ang shower at ako na ang nagbanlaw sa mahaba niyang buhok na may mga bula pa ang dulo.
"Hindi ka galit?" tanong niya habang nililinisan ko na ang braso niyang madulas.
"Bakit ako magagalit?" tanong ko. "Mabubuntis ba kita kung naka-shorts ako?"
"Ang pilosopo mo."
"Ano'ng pilosopo r'on e, totoo naman?"
Kanina, ang lakas ng loob niyang magsabon sa harapan ko; ngayon, mahihiya siya?
Binanlawan ko na siya kasi nagtatagal na kami. Kinuha ko ang bathrobe na nakaabang sa labas lang ng shower area at pinasuot sa kanya.
Hindi ako makaligo nang maayos kapag inaalala kong baka ubuhin siya kaya pinapunta ko muna siya roon sa may closet area para hintayin ako.
Kapag naaalala ko ang mukha ni Kyline kanina habang naliligo, bigla-bigla na lang akong napapangiti. Siyempre, pipigilan ko naman kasi mukha akong tanga.
Pero ang ganda talaga ni Kyline. Kahit buntis, ang ganda talaga, e.
Tinapos ko na rin ang pagligo saka nagbalot ng towel sa baywang. Kinuha ko na ang basket ng mga lotion at moisturizer ni Kyline sa may sink kasi kailangang laging moisturized ang balat niya.
High maintenance nga sa pampaganda, kung tutuusin. Hindi naman niya nire-request sa akin 'to, pero hiyang kasi sa balat niya at recommended ng doktor. Kahit nga si Mama kapag nakaka-chat ko minsan, sinasabi niyang maganda talaga sa balat ang mga sine-send kong picture ng bote. Binibili ko naman.
Basta halos lahat ng gastos ko, sa kanya napupunta. Wala rin naman akong pinaggagagamitan ng pera ko maliban sa school kasi libre ang stay sa bahay nila saka gas ng motor kapag papasok.
Kumuha na ako ng mas mababang upuan saka umupo sa harapan niya.
"Leo . . ."
"Mmm."
"Puwedeng dito ka matulog sa kuwarto ko tonight?"
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko na naman ang nagpapaawa niyang mga mata. "Masakit ba ang tiyan mo?" tanong ko.
Umiling siya. "Hindi. Kaso baka lang kasi hindi ka safe sa guest room. May susi kasi n'on si Tita."
"Alam na alam mong papasukin ako roon ng tita mo, ha?"
Nanulis na naman ang nguso niya habang nagpapaawa pa rin sa akin.
"Selos ka?" tanong ko para mang-inis.
Sumimangot tuloy siya kaya kusa na akong napangiti.
"Hoy, Leo," masungit na sita niya.
Sabi na, nakikipagtapatan 'to sa tita niya, e. Tingin naman niya, papatulan ko 'yon.
Papatulan ko talaga 'yon kung magsasapakan kami.
Hinawakan ko na ang kanang kamay niyang napakalamig na naman. Saglit kong hinalikan ang palad niya saka ipinatong sa kandungan ko.
"Lagi mong hinahalikan ang kamay ko. Bakit?" usisa niya.
Bigla akong sumeryoso at kinabahan kasi ngayon lang niya pinupuna ang mga halik ko sa kanya. Kapag talaga nagtanong siya kung bakit ko siya hinahalikan kapag tulog siya, yari na.
Tumahimik na lang ako. Less talk, less mistake.
"Gusto ko lang malaman," pahabol niya. "Hindi mo naman kasi 'yon ginagawa dati. Like . . . noong first months mo rito."
First months hindi. Pero mula noong umalis sina Belinda, oo. E, halos three months silang nawala.
"Naguguluhan na rin kasi ako," dagdag niya.
Nagsalubong na naman ang kilay ko. "Naguguluhan ka saan?" tanong ko pagsulyap sa kanya.
"Sa kilos mo."
"Ano ba'ng meron kilos ko?" Patuloy lang ako sa pagpunas ng lotion sa braso niya.
Ang bigat ng buntonghininga niya kaya bumagal ang pagpahid ko ng lotion. Kanina pa talaga siya aligaga. Bakit ba kasi? Threatened ba siya kay Ma'am Shan?
"Madalas, ang sungit mo," sabi niya. "Kapag may ginagawa ka, sabi ni Manang, sweet ka naman daw saakin. Pero parang . . ."
Parang ano?
Hinintay ko siyang magpatuloy.
Parang ano? Parang hindi naman?
"Parang hindi ka naman sweet," dugtong niya.
"Kailangan bang sweet ako lagi sa 'yo?"
"Kung hindi mo ba ako nabuntis, magugustuhan mo ba 'ko?" tanong niya.
Sa utak ko, sinagot ko na siya ng hindi.
Maliban sa ang slow niya, hindi ako interesado.
Marahan niyang binabawi ang kamay niya. "Okay lang, Leo."
"Hindi," mabilis na sagot ko at hinigpitan ang hawak sa kamay niyang inilalayo niya sa 'kin. "Ayokosa 'yo kasi pulis ang mama mo tapos puro baril ang business n'yo. Wala rin akong balak mag-asawa."
"Sorry . . ."
"Puwedeko namang piliin na iwan ka noong tinututukan ka na ng baril. Hindi naman ikawang ipinunta ko roon kundi si Elton saka yung pera ko. Kung pilahan ka mannila, hindi ko na problema 'yon. Ni hindi ko nga alam na nandoon ka."
Lalo pa niyang binawi ang kamay niya pero hindi ko pinakawalan habang deretso akong nakatingin sa kanya.
"Perogusto ko lang maging malinaw rin sa 'yo na hindi ako nandito kasi wala akongchoice. Doon pa lang sa stag party, pinili na kita. Hindi pa tayo nakakalabassa night club, ine-expect ko nang mabubuntis kita. That same night, sinabi kona sa sarili ko, wala na akong pakialam kung pulis ang mama mo. Wala na rinakong pakialam kung ayokong mag-asawa. Wala na rin akong pakialam kung magalitang daddy ko, o mag-stop ako sa college, o mapilitan akong mag-nursing kahitengineering ang kinukuha ko."
Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Para na naman siyang maiiyak at kinagat na naman ang labi niyang nanginginig habang nagpipigil maglabas ng emosyon.
"Idon't rely on my feelings," paglilinaw ko. "Hindiako gaya nina Calvin na dadaanin ka sa kilig. Nandito ako sa harap mo ngayonkasi alam kong pakakasalan kita. Kung twelve years pa ang hihintayin ko, e ditwelve, wala akong pakialam. And if by that time, kung hindi mag-work 'to, walaring problema. Wala pa rin akong balak mag-asawa. Kaya kung hindi ikaw, masayana 'kong mag-isa. Wala akong ibang aalagaan maliban sa 'yo. At gusto kongmalinaw na 'yon ngayon pa lang para hindi ka na tanong nang tanong."
Nawalan na ng lakas ang kamay niyang kanina pa niya puwersahang binabawi sa 'kin.
"Leo . . ." Naluluha na naman siya na parang may ginawa akong mali.
"Kukuha lang ako ng damit sa kabila, hintayin mo 'ko rito," utos ko para lang makaiwas.
Bihira lang akong magsalita kay Kyline, at alam niya 'yon. Madalas, nagpapakiramdaman lang kaming dalawa. At sa dalas n'on, madalas ding naiintindihan namin ang isa't isa.
Pero ilang beses na siyang nagtanong kung ano kami at kung bakit ko ginagawa ang lahat ng 'to sa kanya.
Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano kami. Ni hindi ko nga matawag ang sarili kong boyfriend niya. Pinanghahawakan ko na lang ang tawag sa akin ni Manang at nina Devy na asawa niya 'ko kahit pa hindi kami kasal.
Lumipat ako sa kabilang pintuan at kumuha ng pantulog sa walk-in closet niya. Yung mga underwear niya, nasa bathroom closet naman kaya doon na ako kukuha.
Pagbalik ko, malungkot na naman si Ky. Ewan ko ba sa babaeng 'to kung dahil lang ba buntis kaya ang sensitive. Noon naman, kahit anong snob ko rito, crush pa rin ako, e.
"Magbihis ka na para makatulog na," sabi ko.
Inalalayan ko siya patayo saka hinubad ang bathrobe niya.
Isa siguro sa mga natutuhan ko bilang nag-aalaga kay Kyline, hindi kasi kami nagsimula na type ko agad siya tapos parang gusto ko lang i-pursue dahil trip ko.
Unang sabak ko, mahirap agad. Magpapaligo ka ng buntis. Mag-aasikaso ka kahit umiiyak siya tapos wala kang idea kung bakit siya umiiyak. Hindi siya mabilis kumilos kaya may instances na papunta pa lang siya sa banyo, basa na siya kasi naihi na siya habang naglalakad. Bibihisan mo siya kahit panty kasi hindi siya madaling nakakayuko. Tapos lilinisan mo ang paa niya kahit hindi ka naman nagpe-pedicure.
Kung tutuusin, hindi nga nakaka-in love, e. Parang ginawa kang aliping tagasunod sa lahat ng kilos. Pati pag-inom ng tubig, aalalayan. Kakain, susubuan mo pa. Ikaw pa magsusuklay. Patutulugin mo pa.
Wala akong idea kung paano maging asawa. Ang alam ko lang, magtatrabaho, magbibigay ng pera, uuwi, kakain, matutulog, gigising, magtatrabaho, tapos uulit lang lahat araw-araw. Ganoon ko kasi nakamulatan si Daddy. 'Yon nga ang expectation ko kung tutuusin.
Si Tito Bobby naman, dinagdagan lang. Paggising, bibigyan ng flowers si Tita Liz. Kung hindi man, required na bago umalis, yayakapin si Tita saka hahalik sa noo. Magpapaalam kung saan pupunta at kung male-late ng uwi para sa dinner. Ganoon lang araw-araw.
Wala namang nagsabi sa aking nakakangarag pala.
Pero siguro nga, may mga bagay kang matututuhan kahit ayaw mo.
Si Kyline, mahirap alagaan, pero mas mahirap siyang iwan. Marinig ko lang siyang umiiyak, natotorete na 'ko, e.
Pinupunasan ko ang buhok niyang basa pa rin saka siya inayang lumabas pagkabihis ng nighties niya. Hawak-hawak ko ang kamay niya saka kami lumipat sa guest room.
"Magbibihis lang ako, dito ka lang," utos ko pagpasok namin sa loob.
Kinuha ko ang mga nakahandang damit ko sa side table. Siya naman, sumisilip sa study table kong katabi ng kama. Makalat doon ang mga ruler at mechanical pen ko. Puro din draft at scratch paper.
Nagmadali ako sa pagbihis bago siya tinanong. "Gusto mong dito ka muna?"
Saka lang niya ako nilingon. "Baka puntahan ka rito ni Tita Shan."
"Magla-lock ako ng pinto."
Nanlaki agad ang mga mata niya at napasapo ng bibig. "Huy, Leo . . ."
Sira talaga 'to.
"Wala akong gagawin sa 'yo. Buntis ka pa."
Napasinghap siya lalo. "E, di may gagawin ka kung hindi ako buntis?"
Talagang may gagawin ako kung hindi siya buntis, at malamang na ipagtutulakan ko siya palabas sa sobrang OA niya. Siguro, siya talaga ang marumi ang isip sa aming dalawa.
"Saan ba tayo: dito o sa kuwarto mo?" tanong ko.
"Bakit? Ano'ng gagawin natin?" inosenteng tanong din niya at gusto ko na siyang pitikin sa noo.
"Matutulog, ano pa ba?" naiiritang sabi ko.
"Tulog lang?"
Yung mukha ko, kulang na lang, mag-drop ng malaking question mark.
Malamang, tulog lang! Ano ba? Gusto ba niyang mag-exercise pa kami?
Kinampay ko na ang kamay ko para palapitin siya sa 'kin. "Doon na nga tayo sa kuwarto mo," naiirita nang aya ko sa kanya.
Ang gulo talaga nito kausap kahit kailan.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top