Chapter 52: Command
Mula pa naman noon, ang dami nang nagkakagusto kay Kyline. Sabi nga ni Will, wala nang espesyal kung magustuhan ko pa siya. Pero iba lang din kasi siguro ang kaso ko kompara sa ibang lalaki kasi bago kami mapunta ni Kyline sa sitwasyong 'to, magkakilala na kami noon pa man.
Marami raw siyang ibinigay sa aking regalo noong ini-stalk pa niya ako. Ang kaso, wala akong naitabi ni isa sa mga 'yon.
Una, iniiwan ko lahat sa office noong high school pa lang kami. Ayokong nag-uuwi ng kung ano-ano kasi kalat lang 'yon sa kuwarto.
Pangalawa, wala akong permanenteng bahay noong nag-college na ako. Ayoko rin na ang daming kalat sa boarding house kasi hindi malaki ang tinitirhan ko, plus! Yung barkada kong mga pakialamerong likas, hindi rin makapagtimpi ang kamay.
Kaya nga ang unang regalong tinanggap ko galing kay Kyline, hindi ko talaga hinuhubad maliban kung maliligo at kailangan kong maghilod ng katawan.
Sabi kasi niya, hindi ko raw pinapansin ang regalo ko sa kanya. Ayokong magtampo 'to kasi baka sa susunod, hindi na "I can live without you" ang sabihin sa 'kin.
May swimming ulit kami at bihira na lang siyang magreklamong may masakit sa kanya. Sabi niya, meron pa rin naman daw contractions pero nasanay na rin yata siya sa sakit, kaya na niyang tiisin.
Maagang lumayas sina Belinda at nagpapasalamat ako na hindi sila kasabay sa exercise namin.
Napapaisip pa rin naman ako sa balita ni Clark tungkol kay Elton, pero sa isang banda, kinakabahan pa rin ako para sa amin—o para kay Kyline. Kasi kilala ni Ky ang mga naglaglag kay Elton at kami, hindi.
Ayoko nang mag-alala kung ano na ang kahihinatnan namin kina Elton kasi karma na ang umayos ng lahat para sa amin. Hindi ko na rin kailangang matakot para sa baby namin ni Kyline kasi sure nang hindi na kami babalikan ng barkada ng mga tarantadong 'yon.
Nasa gitna ulit kami ng pool, nakatingin lang ako kay Kyline. Malapit nang lumabas ang baby namin, kaunting panahon na lang.
Ang ganda ng araw at ang lamig na rin ng daan ng hangin sa amin. Wala nga masyadong ulap, at ganitong mga araw ang gustong-gusto ko kasi ang sarap magkape habang nakatanaw sa malayo.
Nakatingala si Kyline sa langit at saka ko nakitang may dumaraang eroplano sa itaas namin.
"Flight attendant na sana ako ngayon . . ." mahinang sabi niya habang nakasunod ang mata sa eroplano. "Tatlo ang offer sa akin last December . . . na-decline lahat after February . . . wala nang nakabalik na response sa akin after graduation . . ."
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang panghihinayang.
Ayokong sisihin ang sarili ko kaya ganito ang nangyari. Ayoko ring sisihin siya kaya siya napunta sa ganitong sitwasyon. Mahirap na ring manisi kasi may mali rin kaming lahat maliban pa kina Elton na wala na ring sense sisihin kung nakabaon na ang mga 'yon sa ilalim ng lupa.
"Kapag malaki-laki na si Eugene, magtatrabaho ako nang mabuti. Baka pumasok ako sa business ni Daddy kahit office clerk lang muna. Saka ako mag-iipon para kahit hindi ako natuloy as FA, madadala ko si Eugene sa lahat ng favorite place ko abroad."
Madadala niya si Eugene . . . abroad. Habang ako, ilag na ilag sa airport kasi takot maharang sa immigration.
Ibig sabihin . . . may balak talaga siyang umalis kasama ang anak namin?
"Bumibiyahe ka ba abroad?" tanong niya.
"Hindi," sagot ko habang nakatitig sa kanya nang mabuti, maramdaman man lang niya na hindi ako komportable sa usapan.
"Pero nakalabas ka na ng Pilipinas?" tanong ulit niya.
"Oo."
"Saan pinakamalayo?"
"California."
"Ooh . . ." Tumango-tango pa siya at tumingin sa tubig. "Last time na nakapunta ako ng California, second year college. May nanligaw sa akin doon."
Tumaas agad ang kilay ko nang makita siyang ngumiti, parang masaya pa siya sa kinukuwento niya.
Pagsulyap niya sa 'kin, nawala ang ngiti niya saka yumuko na naman. "Sorry."
Hindi ko naman tinatanong kung sinong mga animal ang nanligaw sa kanya, bakit ganito ang kuwento niya? Don't tell me, interesado siyang balikan 'yon?
Ayokong mag-overthink sa sequence ng mga kuwento niya. Para kasing nagpapahaging ng plano niya.
Ano ba? Aalis ba siya agad? Iiwan niya 'ko?
"Favorite tourist spot ko, sa Rhine Falls saka sa Sentosa," kuwento na naman niya. "At least twice a quarter year akong pumunta sa Sentosa para mag-beach. Sa Rhine Falls o kaya sa Lake Geneva, gusto kong dalhin si Eugene. Sobrang ganda roon. Sobrang peaceful. Wala halos bahay, tapos puro bundok ang makikita mo saka yung lake . . . compared dito sa city na ang scary tumira. Feeling mo, hindi ka safe palagi."
Ah . . . dahil ba sa nangyari sa amin? Dahil kina Elton? Dahil hindi naman talaga safe dito sa city?
Ano ba, 'tang ina, magtatanong na ba 'ko kung iiwan na niya 'ko?
Nahiga siya sa pool, at alangan namang hayaan kong malunod siya, inalalayan ko ang likod at binti niya para makapag-floating siya.
"Three months na lang, lalabas na ang baby natin," paalala niya habang nasa langit pa rin ang tingin. "Plan ko pa naman, after graduation, travel lang ang gagawin ko. Mag-iipon ako ng stamps from different countries sa passport ko. Grabe, feeling lost talaga ako ngayon. Buti graduate na ako—"
Bigla siyang huminto sa pagkukuwento. Hindi ko rin alam kung bakit.
"Sorry," sabi niya saka tumahimik na naman.
Ramdam na ramdam ko ang panghihinayang niya. Ayoko namang isipin na gini-guilt-trip niya ako pero sa aming dalawa, mas malaki ang nawala sa kanya kaysa sa 'kin. Siguro kasi, sa aming dalawa ngayon, siya ang buntis. Ako, puwede akong magpakasaya kahit kailan. Umalis ako rito sa kanila, itanggi ko ang anak namin, ayos na. Pero siya? Siya ang may dala ng baby namin. Siya ang sumasakit ang tiyan at katawan kada gabi. Siya ang umiiyak sa sulok at hindi alam kung paano tatahan. Ako, manonood lang sa kanya, magtatanong kung ayos na ba siya o ano.
Kung tutuusin, walang nawala sa akin. Pero sa kanya, marami. At ayokong ipagdamot sa kanya ang pangarap niya dahil lang wala na akong pangarap pa para sa sarili ko mula nang may mangyari sa aming dalawa.
"Kung bibiyahe ka, sabihin mo sa 'kin," sabi ko, dahilan kaya siya napatingin sa akin.
"Ha?"
"Sabihin mo kung saan mo gustong pumunta, ako ang bibili ng ticket para sa inyo ni Eugene," ulit ko habang may pait sa mga salitang 'yon. "Kapag puwede nang ibiyahe ang baby, sabihin mo kung saan kayo pupunta, magpapa-book ako ng flight."
"Leo . . ."
"Huwag ka nang magtrabaho. Kaya kitang gastusan."
"Okay lang." Sumeryoso na siya at halata sa mga tingin niya na ayaw niya ng suggestion ko. Kahit nga sabihin niyang okay, yung tono naman niya, parang hindi okay. "Plano ko naman talagang mag-work," dagdag niya.
Wala akong idea sa pag-aasawa. Hindi ko rin alam kung paano ba maging asawa para kay Kyline.
Si Daddy, magpapadala ng pera, 'yon lang. Hindi ko pa siya nakitang nagtagal sa bahay. At ayoko ng ganoon. Ayokong masanay si Kyline na mabubuhay siya nang kaya niyang sabihing hindi niya ako kailangan.
Pero kasi . . .
Ang hirap din kapag ramdam mong hindi ka nga niya talaga kailangan.
"Okay, sige," pagsuko ko. "Hindi kita pipigilang magtrabaho kung gusto mong magtrabaho, pero hindi mo kailangang magtrabaho kung hindi mo gusto ang gagawin mo."
"Ayokong umasa sa 'yo."
Para akong sinampal nang isandaang beses dahil sa sagot niya. Nawalan ng lakas ang braso ko habang inuunti-unti ang mga pahiwatig niya, e.
I can live without you.
Ayokong umasa sa 'yo.
Sa susunod ano? Lumayas na ako rito?
"Gusto pa rin naman kitang maging happy," paliwanag niya. "SiDaddy, happy siya kay Tita Hellen. Si Mommy, kay Gina. They worked that out,and okay kaming lahat ngayon."
"Bakit ba lagi mong pinipilit 'yang paghihiwalay ng parents mo sa atin?" naiinis nang tanong ko, pero ayokong magalit sa kanya.
"Kasiayoko lang na lumaki si Eugene sa toxic household. Hindi naman natatapos lahatsa nandito ka lang kasi wala kang choice kundi mag-stay kasi may anak tayo. Youdon't have to imprison yourself with the thought na perfect family angmagkaroon ng isang nanay saka isang tatay kahit na nagsasakitan lang namansilang dalawa. Puwede ka namang maging daddy kay Eugene kahit hindi mo akoasawa."
"Nire-reject mo ba 'ko?" naiinis na tanong ko. "Ang aga pa, Kyline!"
"Hindi naman. Ano lang—"
"Hindinaman pala, bakit nandito na naman tayo? Since April until now, ito pa ringissue na 'to ang pagtatalunan natin?"
"Hindi ko kasi alam kung ano mo 'ko." Bigla siyang natigilan saka nag-iwas ng tingin. "Sorry."
Kumawala agad siya sa hawak ko saka siya lumangoy palayo sa akin.
Hindi ko kasi alam kung ano mo 'ko.
Bakit hindi niya alam? Nanay siya ng baby namin. Hindi ko siya girlfriend pero pakakasalan ko siya, sure ako roon. Siya lang ang may ayaw.
Nalilito na 'ko. Ano ba? Gusto ba niyang may call sign kami? Tatawagin ko siyang babe? Love? Honey? Mahal?
Buti pa si Clark, natatawag siyang my loves. Tatawagin ko na rin ba siyang my loves? Ang kadiri kasi, 'tang ina naman.
Sinundan ko siya kasi hirap na namang kumapit sa pool. Ayaw na lang kasing magpasabi. Nakakainis naman 'to si Kyline. Kung kailan hindi siya dapat nagsasalita, doon nagsasalita. Kapag kailangan, saka siya nananahimik. Ewan ko ba rito sa babaeng 'to. Nakabaligtad yata utak nito.
"Sasandal ka ba?" tanong ko. Punas siya nang punas ng mukha niyang basang-basa ng tubig.
Madali lang para sa aking lakarin ang pool kasi hanggang gitna ng dibdib ko lang. Kinuha ko ang kamay niya saka siya niyakap mula sa likod habang nakasandal ako sa tiles ng pool.
Madalas, kumakapit siya sa akin. Lalo tuloy akong kinakabahan ngayon kasi ayaw niya akong hawakan.
Ano ba? Tatawagin ko na ba siyang my loves? Puta naman, wala na bang ibang option? Sana lang talaga kasingkapal ng mukha ko ang mukha ni Clark sa mga ganitong pagkakataon.
Kinuha ko na ang kamay niya para lang mahawakan siya kasi ayaw niya talaga akong hawakan.
"Hindi pa mahaba ang kuko ko," sabi niya.
"Alam ko. Nakikita ko," sagot ko.
"Hindi mo naman kailangang tingnan nang tingnan 'yan. Feeling ko, napa-paranoid ka kapag ginagawa mo 'yan."
"Lagi ka kasing namamanas," sabi ko.
"Sabi ni doktora, normal lang daw 'yon."
"Oo nga."
"Parang bloated." Sabay naming tiningnan ang kamay niyang nakataas. "Ang pangit na ng kamay ko."
"Sino'ng may sabi?"
"Nakikita ko naman. Hindi na kailangang i-point out ng iba."
Ang moody naman nito. Ano ba'ng issue niya?
Label naming dalawa?
Yung kamay niyang namamanas?
Gusto niyang mag-travel?
Walang connect sa isa't isa, hayup. Hindi ko mapagdugtong yung label namin sa kamay niyang manas at sa kagustuhan niyang mag-abroad.
Nabobobo ako, putang ina. Para akong nasa lote na puro land mine. Isang maling tapak ko lang, patay agad ako.
Inilapat ko na lang ang palad niya sa pisngi ko at saglit 'yong hinalikan. "Nexttime, kung puwede lang, huwag mo nang itanong kung ano kita kung ikaw langnaman dito ang tumatangging magpakasal sa 'kin."
"Leo . . ."
"Sakatigilan mo na rin ang kasasabing gusto mo 'kong maging masaya kaya pinalalayomo 'ko sa 'yo. Nabubuwisit ako, parang mas madalas mo pa akong palayasin ditokaysa kay Belinda."
Nalingunan niya ako habang pinanlalakihan ako ng mata. "Hala,bakit Belinda lang ang tawag mo sa mommy ko?"
"Alangan namang tawagin kong mommy 'yon. Mandiri ka nga."
Sumimangot na naman siya saka ngumuso. Ang cute talaga ni Kyline kapag nagsusungit.
"Hindi ka naman talaga masaya rito," sabi pa niya.
"Sabi nino?"
"Nakikitako. Lagi kang nakasimangot. Tapos si Manang, sabi niya, ngumingiti ka naman.Hindi naman kita nakikitang ngumiti."
Ngayon pa lang na nakatingin ako sa kanya, kung alam lang niyang hirap na hirap akong magpigil ng ngiti.
"Bakit naman ako ngingiti?" pang-asar ko.
"Kasi . . ." Ngumuso na naman siya. "Hindi ka masaya."
"Huwag mong hanapin sa 'kin ang ugali ni Clark na tumatawang mag-isa. Hindi pa ako baliw."
"Grabe ka kay Clark! Ang sweet kaya niya. Excited din siya sa baby."
"So, gusto mo si Clark?"
"Gusto ko si Clark, of course."
Gusto ko si Clark, of course.
Gusto ko si Clark, of course.
Gusto ko si Clark, of course.
Paulit-ulit na nag-echo sa utak ko 'yon habang gulat na gulat na nakatingin sa kanya.
Hi, Kyline, my loves!
Putang ina. So all this time, si Clark ang gusto niya at hindi si Calvin?! Kaya ba siya pumapayag na tawagin ng ungas na 'yon na my loves?!
Mga traydor!
"Huy, Leo . . ." Binabawi niya ang kamay niya sa 'kin pero mas lalo kong hindi binitiwan.
"Bawiin mo ang sinabi mo," utos ko.
"Na alin?"
"Na gusto mo si Clark."
"Gusto ko naman talaga siya, e."
Ayaw pang bawiin, 'tang ina, bakit si Clark paaaa! Sana si Rico na lang para alam kong walang chance!
"Saka gusto ko rin si Ronie kasi inaalagaan niya akosaka ang food intake ko. Saka si Calvin kasi lagi siyang nag-a-update kungkumusta na ako. Saka si Will kasi tinutulungan niya akong mag-exercise parahindi ako laging nagka-cramps. Saka si Patrick kasi lagi niya akong binibigyanng maraming milk na masarap."
"Ako?" kinakabahan nang tanong ko.
Nagbuka siya ng bibig pero tumingin pa sa itaas saka sa ibaba saka sa kung saan-saan.
Ano? Naghahanap pa siya ng sagot? Grabe naman! Gusto niya buong barkada ko maliban sa 'kin? Ang tindi naman!
"Hindi mo 'ko gusto?" tanong ko pa habang maiiyak na talaga.
"Hindi . . ."
"Hindi?!" napalakas na tanong ko.
"Hindi! Ano, I mean—hindi ano . . ."
Kyline, naman, please lang, maawa ka sa 'kin. Huwag mong gawin sa 'kin 'to.
Gusto ba niyang mag-I love you ako sa kanya gaya ni Clark? Gusto ba niyang maging sweet ako gaya ni Calvin? Gusto ba niyang i-baby ko siya gaya ni Rico? Ano ba! Mababaliw na 'ko rito!
Lumayo pa siya sa 'kin kasi hindi siya makasagot.
"Kyline," naiinis nang tawag ko.
Mula sa malayo, ipinagkrus niya ang mga braso sunod ay itinuro niya ang sarili niya bago ako.
Dahan-dahang natunaw ang inis ko kasi ang meaning n'on, I love you sa sign language.
E, di sana sinabi na lang niyang mahal niya 'ko kung hindi niya kayang sabihing gusto niya 'ko. Sira talaga 'tong babaeng 'to. E, di sana sinagot ko agad siya.
"Pinahirapan mo lang ang sarili mo," sermon ko. Kinuha ko na ang kamay niya kasi para siyang bibe sa gitna ng pool na basa ang pakpak. Nakanguso lang siya sa 'kin habang nagtatampo.
Itinaas ko naman ang kaliwang kamay ko at gumawa ng I love you hand sign.
"See this?" sabi ko at sa kamay ko lang nakatuon ang titig niya. Ibinaba ko ang hintuturo ko at naging Y na lang ang sign n'on. Gumawa ako ng hand signal for "same" para sa indirect translation ng I love you too.
Gulat na gulat siya nang tingnan ko. Parang late nang nag-sink in sa kanyang nakakaintindi ako ng sign language.
"I'm your ASL student-teacher during high school, remember?" paalala ko. "Kaya nga kita naging stalker, right?"
At kasalanan talaga 'yon ng dati naming kaklase sa special program na nagpaabot ng love letter niya at ako ang napagbintangang may crush kay Kyline.
"Huy, hindi ko matandaan!" katwiran niya.
"Paanong hindi mo matatandaan, tinutulugan mo kami. Wala kang kinakausap sa mga exchange student kasi hindi ka marunong ng sign language."
"E, hindi ko kasi alam dati."
"Until now nga, hindi mo pa rin alam. I love you na lang, hindi mo pa masabi nang direkta."
"I love you din kaya 'yong ganito!" Inulit pa niya ang pagkrus ng braso saka pagturo sa aming dalawa.
"E, ano 'to?" Ginawa ko ulit ang hand sign kong mukha rakista sign.
"I love you!" nagagalit niyang sermon sa akin.
"O, bakit hindi mo sinabi agad kung mahal mo pala 'ko?"
"Sinabi ko kaya!" Inulit pa ulit niya ang pinipilit niyang sign language sa 'kin. "Naiintindihan mo naman, e. Bakit ka nagagalit sa 'kin?"
"Nagagalit ba 'ko?"
"Oo kaya! Sinisigawan mo naman ako."
"E—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi nakasimangot na naman siya. Sinabuyan ko agad siya ng tubig sa mukha saka ako tumawa nang mahina.
Nakapikit tuloy siya nang sumigaw na naman. "Leo, ang bad mo talaga!"
Pumeke siya ng iyak kaya nilapitan ko agad at ako na ang naghilamos ng tubig sa mukha niya.
"Sorry na," sabi ko, pigil na pigil ang ngiti habang hinihilamusan siya.
"Inaaway mo na naman ako," reklamo niya at nagkusot na ng mga mata.
"Sorry na nga, di ba?" Saglit ko siyang hinalikan sa pisngi pero nagulat ako nang bigla niya 'kong sampalin.
"Ano 'yon?" nalilitong tanong niya.
"Anong ano 'yon?" tanong ko rin. "Ikaw sumampal sa 'kin, ako dapat ang nagtatanong kung ano 'yon!"
Sira talaga 'to! O baka gumaganti lang?
"Hala, akala ko, tinusok mo lang yung pisngi ko!" sabi pa niya, gulat na gulat.
"Bakit ko tutusukin ang pisngi mo?"
"Tinutusok mo kaya pisngi ko kapag kumakain ako."
"Kumakain ka ba?"
"Hindi. Pero tinutusok mo kasi kaya akala ko . . ." Ngumuso na naman siya at malungkot na tumingin sa akin at sa pisngi kong sinampal niya. "Sorry na, Leo . . . akala ko talaga, tinutusok mo na naman yung pisngi ko, e."
"Hindi na kita hahalikan sa susunod," sabi ko pa.
"Hala!" kinabahang sabi niya. "Sorry na nga. Iki-kiss ko na lang din." Tumingkayad pa siya para lang maabot ako. Idinampi niya ang labi niya sa pisngi kong sinampal niya saka pagilid na sinulyapan ako mula sa dulo ng mata.
"Kiss ba 'yon?" reklamo ko.
Saglit pa siyang sumimangot, pero mas lamang ang pagkalito sa sinabi ko.
Tumingkayad ulit siya para halikan ulit ang pisngi ko. Kagat niya ang labi niyang lumayo at sinusukat ako ng titig.
Naningkit agad ang mga mata ko para lang itago ang ngiti ko sa kanya.
"Tapos si Rico, hinahalikan mo nang matagal sa pisngi," reklamo ko—na parang huling halik niya yata sa pisngi ni Rico, three years ago pa.
Sumimangot na naman siya saka nag-isip. Ilang saglit pa, lumapit ulit siya sa 'kin at iniyakap niya ang magkabila niyang braso sa balikat ko. Bahagya naman akong yumuko para maabot niya.
Idinampi niya ulit ang labi niya sa kanang pisngi ko at mas matagal iyon nang kaunti kaysa dalawang nauna.
Pigil na pigil ang ngiti ko nang bumitiw rin siya sa akin. Nanliliit pa rin ang mga mata ko sa kanya habang nag-aalangan ang tingin niya sa 'kin.
"Mahal mo 'ko?" tanong ko, nagsusungit kunwari.
Tumango naman siya.
"Si Clark o ako?"
"Ikaw."
"Sure?"
"Sure."
Nanunukat na naman ang tingin ko sa kanya habang nagtatago ng tawa kasi mukha siyang batang pinagagalitan.
"O, tara na. Magre-review pa 'ko," sabi ko na lang at hawak-hawak ang kamay niya nang ilangoy ko siya papunta sa pool stairs.
♥♥♥
Mahal ko na si Ky. Tinanggap ko na sa sarili ko 'yon. Although, may part na hirap siguro akong ipakita sa kanya mismo kasi ang slow niya, pero sinusubukan ko naman.
Kung tutuusin, halos lahat nga ng mga nakapaligid sa amin, sinisita na ang OA ng pag-aalaga ko sa kanya, siya lang ang hindi nakakaramdam. Malay ko ba kung saan siya nakatingin at hindi makita-kita ang ginagawa ko.
Bukas pa ang pasok ko, at gaya ng nakasanayan, nagbabasa ulit kami ni Kyline sa living area. Doon kami sa tambayan namin lagi, sa chaise lounge at nakasandal siya sa 'kin.
Pinaka-bonding time na nga namin 'to. Na kahit pa magkaiba ang focus namin, ang mahalaga, nababantayan ko siya.
Nananahimik kami roon ni Ky nang bigla-bigla na lang may sumigaw mula sa front door.
"Manang, pahingi ng tubig!"
Akala ko, si Belinda. Paglingon ko, akala ko talaga, si Belinda! Sabi ko pa, himala, nagpagupit 'tong babaeng 'to.
Mahaba kasi ang buhok ng mama ni Kyline. Maganda ang buhok n'on, so parang hindi bagay ang maikli. Pero maikli ang buhok nitong sumisigaw sa living area.
Naka-black shirt siyang fit na fit sa katawan, naka-denim jeans, at flat boots. Nagba-black din naman si Belinda pero ang alam ko, naka-cargo 'yon nang umalis at running shoes. O baka nagbihis kasi bagong gupit?
"Nagpagupit mommy mo?" tanong ko pa kay Kyline.
"Hi, Tita Shan!"
Oh shit! Bakit ko nakalimutang may kakambal nga pala si Belinda?
Tinulungan kong tumayo si Kyline habang iwas na iwas ang tingin ko sa dati naming commandant.
"Ang baby ko, magkaka-baby na rin!" excited nitong sabi. Pagsulyap ko sa kanila, halik-halik na nito ang pisngi ni Ky. "Ang tambok ng pisngi mo, nanggigigil ako sa 'yo!"
Ayoko siyang harapin kasi malamang na pupunahin niya ang existence ko rito sa kanila. Marami naman siyang naging estudyante noon, sana hindi niya ako maalala.
"Eight months lang akong nawala, may ganito ka na agad? Sumisipa, a."
Pinandidilatan ko ang gilid habang nakikiramdam. Gusto ko mang magtago sa kuwarto, hindi puwede kasi nakita na niya ako at nandito sa ibaba si Kyline.
"Si Linda saka si Gina, nasa parking lot pa rin yata," sabi niya. Pagnakaw ko na naman ng tingin, minamata na niya ako. "By the way, ito ba yung tatay niyan?"
"Ay, yes. Tita, this is Leo."
Tumayo agad ako nang deretso at poker-faced na tumingin sa kanya gaya ng lagi kong ginagawa noong high school ako kapag siya ang kaharap ko.
"Good afternoon ho," bati ko sa mababang tono.
"Leo . . ." Pinanliliitan niya ako ng mata habang nagtataka sa akin. "Familiar ka. Nagkita na ba tayo before?"
Putang ina.
Umiling agad ako. "Hindi pa ho."
"Ano'ng full name mo?"
"Leopold Scott ho."
"Ilang taon ka na?"
"Twenty ho."
"Huwag mo na akong i-ho. 45 pa lang ako."
Tumango lang ako sa sinabi niya, at hindi pa rin siya tumitigil sa pagsukat ng tingin sa akin. Don't tell me, sa 156 na 4th year students na nahawakan niya, natatandaan pa niya ako?
"Scott, 'no?" ulit niya.
"Yes."
"Taga-FE Alabang ka ba dati?"
Shit.
Tumango na lang ako para umamin. Ang talas ng memorya nito, ha?
"Pamilyartalaga ang mukha mo. Saglit . . ." Kapag talagang umabot kay Belinda na ito ang commandant namin dati at sinisigaw-sigawan lang ako harap-harapan, talagang bubuwisitin ko silang lahat dito sa bahay kapag napagtulungan na naman ako.
"Hindi ko matandaan, a." Pasimple akong bumuga ng hangin nang sabihin niya 'yon. "Anyway, may ginagawa kayo?" tanong niya.
"Si Kyline, wala," sagot ko.
"Ikaw?"
"Review."
"Hindi ka pa graduate?"
Umiling ako.
"Bakit? Nag-stop ka?" tanong ulit niya.
"Engineering," sagot ko.
"Ah . . . five years." Tumango-tango siya habang inoobserbahan pa rin ako. "Kung ako 'yon, baka ten years na, nasa second year pa rin ako."
Lalo akong nakahinga nang maluwag nang layuan na rin niya ako.
"Ayos ka lang ba? Masakit ba 'to?" tanong niya kay Kyline habang hawak ang tiyan nito.
Umiling naman si Kyline para sabihing hindi.
"Tara sa dining, nagugutom ako."
Buwisit na nga ako kay Belinda, dadagdag pa 'to. Ang malas ko naman.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top