Chapter 5: Independent
"This is a nice piece."
"Thank you, Mr. Alonzo." Sinundan ko siya ng tingin habang namimili pa ng ibang artworks na nasa gallery ni Mama.
Bata pa lang ako, inclined na ako sa arts. Painting, sketching, sculpture, mosaic, everything about arts, doon ako madalas. Mataas ang score ko sa MAPEH kasi nahahatak ng music and arts. Pero pagdating sa PE, kung hindi iyan enumeration or technical exam, pasang-awa lang ako.
Gusto ni Daddy na mag-basketball ako. I did. Isinali pa nga ako noong Grade 5 ako sa basketball team. I did volleyball and soccer. I can do basics, pero hanggang doon lang. Kaya kong maka-shoot ng 3 points sa basketball, but the accuracy? Siguro 3 out of 50, kaya kong i-shoot. Mataas na ang 3 for me kasi wala naman talaga akong ganang tumakbo sa whole court at magpapawis para lang manakit ang katawan pagkatapos.
At least, sa arts, hindi ko kailangang makipaglaban sa ibang team. Hindi ko kailangang tumakbo. Hindi ko kailangang maligo sa pawis, unless nasa kulob akong kuwarto na walang air con o bintana man lang para sa proper ventilation.
Mahilig si Mama sa painting. Si Tito Ric saka si Tita Tess, mahihilig sa painting. Ten years old ako nang gawan ako ni Mama ng passbook at savings account. Para iyon sa matrikula ko until mag-college ako. Bata pa lang, settled na ang school expenses ko kasi iyon ang priority ni Mama noong tinanggap niya ako bilang anak.
Nine years old, gumagawa na ako ng paintings. Idi-display sa gallery ng building kung saan working si Mama, may bibili ng paintings ko, aayusin ang legal documents ng artwork; deed of sale, certificate of authenticity, a short awarding para sa pagbili original piece, saka ako babayaran.
My first painting was sold for an amount of 55,000 pesos. 3 by 5 feet ang dimension, cubism na ang theme ay grief. The title is Dolor. Painting iyon ng batang lalaking umiiyak sa natunaw na nanay.
It was a sad piece. At ang daming nagkainteres bilhin iyon. Nine years old, ang alam ko lang mag-paint. Wala akong alam sa pera.
Magpe-paint ako, idi-display ni Mama sa gallery niya, may bibili, ibebenta, may pera ako. Bibili ako ng mamahaling art materials na madalas, umaabot din naman ng mahigit sampung libo, at minsan, kailangang mag-invest sa iba pang art materials for an attempt to try another medium, kaya naghahatakan lang ang gastos at benta ng artwork.
May sariling pera si Mama kasi maganda ang work niya at ang dami niyang client, pero ayaw niyang namimihasa ako sa gastos. Isa iyon sa mga ipinagpasalamat ko pagka-graduate ko ng high school kasi tinuruan niya akong mag-budget. Plus, lesson pa namin sa economics ang wants versus needs.
Nagtapos ako ng high school na may sarili akong pera, at pinaghirapan ko 'yon. Kaya nga gusto ko, ako ang magde-decide ng kukunin kong course sa college kasi ako naman ang mag-aaral.
Graduation nang magsama ulit sa iisang lugar ang parents ko. Kung ngumiti sina Mama at Daddy, parang ang saya ng pagsasama nila.
Malaki ang pagkakahawig namin ng tatay ko, hindi maikakailang anak nga ako ni Oswald Scott. Isa rin ang itsura ko sa kinaiinisan ko sa sarili ko. Lagi kong naririnig na magandang lalaki raw ang tatay kaya may pinagmanahan ang anak. Pero kahit kailan, hindi ko tatanggapin na sa kanya ako magmamana. Kasi kung siya lang naman ang pagkukumparahan, mabuting huwag na lang silang magsalita.
Tinatanong ng lahat kung saan kami papasok na school after grad habang naghihintay na magsimula ang ceremony.
Isa dapat ako sa mga magbibigay ng speech kaso tinanggihan ko. Sapilitan pa 'yon at pinagmakaawaan kong alisin ako sa program kasi ayokong magbigay sila ng credit sa tatay ko na maganda ang pagpapalaki niya sa akin. Kasi, first of all, masuwerte na kung makita ko siya thrice a month. Kasi may mga buwan na mapapagod na lang si Mama kaiiyak sa gabi, hindi pa rin siya umuuwi samantalang hindi naman siya nangibang-bansa.
"He passed the entrance exam for architecture," proud na sagot ni Mama sa isa sa mga parent na kahilera namin.
"Ang talino talaga ng anak mo, madame."
"He worked hard for it. Napakasipag niyang mag-aral. Deserved 'yon ni Leo."
Gusto ko na lang matawa kapag naiisip ko si Tita Tess na kapag may pumupuri kay Rico, lagi n'ong sinasabi na "Kanino pa ba magmamana? Of course, sa ina!"
Pero si Mama, hindi niya kine-credit ang lahat ng achievements ko. At some point, iniisip ko, baka kaya hindi niya masabing mana ako sa kanya kasi hindi naman niya ako tunay na anak. Pero wala naman sa genetics 'yon, in general. Nasa pagpapalaki pa rin saka disiplina babagsak ang lahat.
Naalagaan ako ni Mama nang abot sa makakaya niya, ewan ko lang kay Daddy.
"Adrian! Kumusta?" bati ng kausap ni Mama.
"Gwendolyn! Oh, you look good today!"
"Aw, thank you."
Lumapit sa amin ang parents ni Kyline. Sikat si Adrian Chua sa mga parent ng classmate ko. Malamang kasi minsan, laman siya ng usapan sa school bilang highest spender kapag may school program at canvassing, and apart from that, minsan na rin siyang naging endorser sa commercial ng alak. Ewan ko na lang kung wala pang makakilala sa kanya kung madalas siyang makita sa TV na umiinom ng whiskey.
Pero mukhang hindi lang ako ang nakapansin na iba ang babaeng hawak sa baywang ni Sir Adrian.
"Kasama mo pala ang wife mo ngayon," sabi nitong kausap kanina ni Mama.
Nilingon ko ang parents ko, may iba na ring kausap na parents. Hindi ko na tuloy alam kung sino ang pakikinggan.
"Yes, kompleto kami today," proud pang sinabi ni Sir Adrian, at nakita kong papalapit sa amin sina Kyline. Kasama niya ang mama niya at si Ma'am Shan. May kasama pa silang isang babae na maraming tattoo pero formal suit naman ang suot kahit pambabae.
"Addie, gusto raw ni Belle mag-picture sa classmates niya," kaswal na pagkausap ng mama ni Kyline kay Sir Adrian . . . na para bang hindi siya nagagalit kasi may ibang babaeng dala ang asawa dapat niya sa graduation namin.
"Oh, sure!" masayang sagot ni Sir Adrian.
"Hellen, tara!" aya ng mama ni Kyline doon sa babaeng asawa raw ng asawa dapat niya.
Nagkumpulan ang ibang parents doon kasama ng ibang taga-section nina Kyline.
Para akong timang na nakatayo sa gilid, nakatingin sa kanila, tinatanong ang sarili ko . . . ganoon ba dapat kapag may ibang babae ang tatay? Dapat tanggapin din ng nanay?
Nakatitig ako kay Belinda Brias. Gusto kong makita ang nakikita kong sakit kay Mama kapag umiiyak ang mama ko dahil sa tatay ko.
Pero matangkad siya, matalim ang tingin, nakataas ang mukha, mahaba ang buhok na mataas din ang pagkakatali. Hindi siya naka-dress gaya ng ibang nanay, pero nakasuot siya ng white blouse na long sleeves, nakatupi ang mga manggas at bukas ang dalawang butones sa itaas. Naka-tuck 'yon sa itim na pantalong sobrang hapit sa hita at binti. At nakasuot siya ng boots na mataas ang takong. Wala siyang ibang makeup kundi red lipstick lang hindi gaya ni Mama na inaabot ng isang oras sa paglalagay ng napakaraming kulay brown na powder na magkakamukha lang naman pero pinagpapatong-patong pa, at kung ano-ano pang kulay. Pero kahit pulang lipstick lang, nangingibabaw siya sa lahat ng nanay na nasa event. Sila ni Ma'am Shan kasi magkamukha lang naman sila.
Wala sa mata ng mama ni Kyline na umiiyak siya dahil kay Sir Adrian. Para ngang siya pa ang may kakayahang magpaiyak sa daddy ni Kyline.
Hindi ko naiintindihan ang setup nila. Kung ano ba ang tawag sa pamilya nila. Pero masaya sila—yung hindi peke. Na kahit tumalikod na ang isa, nakangiti pa rin, hindi yung biglang mawawala kasi tapos nang makisama at magpakitang-tao sa iba.
Kompleto rin naman ang pamilya ko ngayon, pero ayokong matawag kaming pamilya. Malamang kasi matagal ko nang sinukuan ang idea na pamilya pala kami matapos kaming iwan ni Daddy sa ere.
Hindi ko na masabi kung maiinggit ba ako sa ibang ka-batch ko na masaya at nag-iiyakan ang mga magulang.
Sa kalagitnaan kasi ng ceremony, umalis na si Daddy kasi may "emergency" raw kaya naiwan si Mama hanggang matapos ang graduation.
Sa sobrang disappointment ko, hindi na ako sumama sa after-party ng batch namin. Wala akong ibang inisip kundi samahan na lang si Mama at lalabas kaming dalawa nang kami lang.
Binibigyan ako ni Mama ng allowance bilang anak niyang pinaaaral, pero hindi ko rin naman ginagastos 'yon. Nakaipon lahat. Other than that, may mga sideline pa ako as a student kahit twenty to three hundred pesos for basic editorial jobs gaya ng proofreading o kaya copy writing.
Kaya nga kahit i-date ko siya every day, wala akong problema.
"Leo, puwede ka namang sumama sa mga classmate mo," sabi ni Mama habang nasa kalagitnaan kami ng lunch.
Napatingin ako sa paligid namin na may iba pang pamilyang nagse-celebrate ng graduation kaya may lunch out.
"Okay lang, Ma. Hindi ko na rin naman na sila makikita by June."
"Exactly."
Nagbuntonghininga na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.
Gusto ko rin namang makasama ang mga classmate ko for the last time, kaso alangan namang unahin ko pa sila kaysa kay Mama.
"Itutuloy mo ba ang pagkuha ng boarding house?" tanong na lang niya nang hindi ako sumagot.
Tumango naman ako. "Yes, Ma."
"Puwede ko namang i-hire si Mang Julio para ipag-drive ka every day."
"Hindi kasi practical, Ma. Ang gastos kapag magse-service ako."
"Pero magbabayad ka ng rent. Gastos pa rin naman."
"Nag-costing na ako, Ma. Mas mababa nang 1,287 pesos ang gastos sa rent kaysa mag-service ako. Unstable pa ang presyo ng gas, so there's a tendency na tumaas pa pagtagal."
Mama sighed and looked at me as if she was tired of listening to my technicalities.
Hinawakan niya ang kamay ko saka hinimas-himas 'yon ng hinlalaki. "You're just seventeen, Leo. Kaya mo na bang mag-isa, anak?"
Hindi agad ako nakasagot. Not because hindi ko pa kayang mag-isa but because kaya ko nang mag-isa, at ayokong maging confident sa harap ni Mama para lang ipakitang kaya ko nang mabuhay nang hindi umaasa sa kanya. Kasi kaya rin gusto kong mag-boarding house ay dahil ayoko nang maging pabigat.
"Uuwi ako every weekend, Ma. Malapit din sa school ang clinic kahit paano. Isang sakay lang galing Morayta."
Nakikita ko na parang hirap na hirap si Mama na tanggapin ang desisyon ko. Pero kahit gusto kong mag-stay kasama siya, ayokong umuwi sa bahay naming laging walang laman. Recently pa naman, halos hindi na rin umuuwi si Mama sa bahay at hindi ko alam kung saan siya pumupunta.
Mahirap lang ding maging anak sa pamilyang buo lang sa papel. In reality, magkakaroon ka ng existential crisis habang tinatanong kung hindi ka ba enough bilang anak para magsama ang dalawang responsible adults bilang mag-asawa.
I wanted my parents to break up. Na siguro nga, weird para sa isang anak na hilinging maghiwalay na ang parents niya. But I'm not a kid anymore. And so are they. Kaya dapat alam na nila kung ano ang tamang gawin.
If it's not working anymore, then better to separate ways. Kasi ang hirap na may naiipit doon sa conflict na imbes na hindi madamay sa toxicity ng setup, nadadamay pa rin kasi mas piniling mag-stick doon sa dumudurog both parties.
My mama never listened to me about her love life, and my dad was somewhere we didn't know.
Siguro naman, hindi ako puwedeng sisihin kung maghanap ako ng peaceful na lugar na, at least, alam kong uuwi ako nang wala akong hinahanap at inaalala.
Mahal ko si Mama at gusto ko siyang alagaan, pero ang hirap alagaan ng taong paulit-ulit lang na sinasaktan ang sarili niya.
We're already broken, and Mama is still in the in-denial stage. And I have to let us go or else, ako ang sisirain ng sumisira sa kanya.
Kumuha ako ng pinakamurang boarding house sa Estrada. Medyo malayo sa FE pero malapit sa school nina Rico at Pat. Malapit din sa school nina Clark at Will. Kasama ko ang buong barkada ko sa paghahanap. Natural kasama sila kasi naghahanap na rin kami ng tambayan. Sabi ko, doon sa bahay na malapit sana sa school ko. Pero ang naging labas, bahay na malapit sa mga school nila at bibiyahe pa rin ako papasok sa school ko.
Pero sabi ko, ayos na rin. 500 lang kasi per month ang renta tapos hati-hati pa kami sa electric at water bill na hindi kasama sa 500. Sa mga una naming tiningnan, 2k na ang magandang unit. Hindi ko naman kailangan ng buong bahay. At kahit pa kaya kong bayaran ang 2k na 'yon, hindi pa rin talaga ideal kung may mas mura naman.
Settled na kami sa Estrada. Schooling na lang ang aatupagin.
I took up architecture kasi mahilig ako sa arts, at gusto kong mag-design. Fine arts or arki nga ang option ko, but taking fine arts is far from making money. And I need the money more.
Ang kaso . . . may conflict.
"Ang course na 'to ay course ng mga privileged," naalala kong intro ng isa sa mga prof namin during our first week. "Karamihan sa mga nagte-take nito, may-kaya o kaya mayaman na. Kung hindi man, passionate ka lang sa field o sa proseso ng trabaho. Kasi isa ito sa mga trabahong hindi masyadong ina-appreciate ng masa kumpara sa mga social work gaya ng engineers, doctors, lawyers, et cetera. Hindi rin ganoon kalaki ang sahod, lalo na sa bansa ngayon na underappreciated pa rin ang mga working sa field na papasukin ninyo . . ."
Sa dami ng sinabi ng prof namin, doon lang ako hindi natuwa sa sinabi niyang hindi malaki ang sahod.
Noong pinili ni Mama na mag-undergo ako ng normal school program. From nursery to kindergarten to preparatory school to grade school to high school, gusto niyang mag-enjoy ako sa buhay ko bilang bata. At na-enjoy ko naman ang buhay ko bilang bata minus the fact na wala nga akong matinong father figure.
Pero seventeen na 'ko. Kulang-kulang one year na lang, legal age na. Hindi ako puwedeng puro lang enjoy. Kailangan ko ng pera. Kaya nga ako nag-aaral para magkapera after grad.
50 thousand plus ang tuition fee ko for first semester. Sa isip-isip ko, 100 thousand plus per year, tapos hindi ako magkakapera agad after grad. Hindi ideal course kung pera pala ang iisipin ko. Three weeks pa lang sa klase, tumitingin na ako ng bagong school na mas mura ang tuition—na kapag nalaman ni Mama, for sure, pagagalitan ako kasi kaya nga ako nag-FE Manila kasi endorsed na ako ng FE Alabang.
Nasa tapat ako ng post office at nakatambay habang tumitingin ng brochure ng ibang school.
Ang ganda ng araw, lalong tumingkad ang pagkakaputi ng pintura ng malaking post office sa likod. May mga dumaraan sa palibot ng fountain.
Tatapusin ko lang siguro ang isang year sa FE kasi dalawang subject ang may theory at may creative design fundamentals pa. Kahit yung dalawang 'yon lang ang makakuha ako ng units. Saka ako mag-shi-shift sa mas murang school na puwede akong makapag-work agad after graduation.
"Puwedeng makiupo?"
"'Ge." Tumango lang ako at binasa ulit ang content ng brochure galing sa PLM. Ang mura ng tuition. 1,350 pesos lang para sa isang buong taon.
Ang laki ng matitipid ko kung mula 50k, 1k plus lang ang babayaran ko na. Kung mag-a-apply ako ng scholarship, baka wala pang one thousand ang bayaran ko.
"Homayghad—"
Nagsalubong ang kilay ko roon sa overacting na tumili sa tabi ko. Pagtingin ko sa kanya, pareho na kaming nanlalaki ang mata habang gumagapang siya paatras sa sementong bakod ng fountain na kinauupuan namin.
Sabay pa kaming tumingin sa uniform naming magkakulay.
"Hala, Leo, ano'ng ginagawa mo rito?!" gulat na gulat na tanong ni Kyline.
Napaka-OA talaga nito.
"Bakit hindi kita nakita kanina—I mean . . ." Biglang gumilid ang tingin niya at nagulat sa nasabi niya. "Bakit . . . ka . . . nandito?"
Nanliit agad ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Hoy, Chua, umamin ka nga. Sinusundan mo ba 'ko?"
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top