Chapter 42: Fidget



Buwisit na buwisit na sa akin ang buong barkada ko, at talagang ipinamumukha nila sa 'kin 'yon.

Ako ang nakabuntis kay Kyline pero stressed kaming lahat sa kanya at kay Eugene—ang name ng baby namin ni Ky. Much better kaysa Clark Jr. kasi 'tang ina, nagulat ako, pinilit pala talaga ni Clark kay Kyline 'tong pangalan.

May lakad dapat kami pero canceled. Kasi nga, ayaw sumagot ni Kyline sa phone to think na umalis lang ako saglit para sana bumili ng dress niya. Pag-uwi ko, nabanatan agad ako ng "I can live without you."

Para tuloy ayoko nang umalis nang hindi 'to kasama. Baka sa susunod na uwi ko, hanggang gate na lang ako.

Ang sabi ni Will, tuturuan niya si Kyline mag-aqua-aerobics. Mas okay raw sa buntis 'yon lalo pa't mas gusto ni Kyline na nagbababad sa bath tub kapag masakit ang tiyan. Pumayag na agad ako kasi kung hindi, talagang gugulpihin na ako nina Will at hindi na sasagutin ang mga tawag ko tuwing gabi.

Nagsuot si Kyline ng dilaw na bikini. Yung parang pinilipit ang bra at manipis na cut ng pinaka-panty. Ayoko sana siyang magbikini pero hindi pa kasi kami nakakabili ng pang-swimming niya na balot ang katawan. Meron siyang pan-diving kaso ang laki na nga kasi ng tiyan niya. Alangan namang ipagsiksikan ko siya roon.

Laging binabanggit ni Kyline ang insecurities niya sa katawan kapag kausap ko.

Ang itim na ng kilikili ko, Leo . . .

Hala, ang dami nang guhit sa waist ko, Leo . . .

Grabe, ang ugat na ng boobs ko, Leo. Normal ba talaga 'to?

Ang taba ko na . . .

Parang bloated ang paa saka kamay ko . . .

Hala, ang pangit ko na . . .

E, ako pa naman, kapag sumasagot ako sa bawat rants niya sa itsura niya, ang sinasabi ko lang, "Walang nagtatanong."

Kaya sobrang rare niyang sabihin ang mga 'yan unless pupunahin ko. E, hindi ko pinupuna kaya hindi na rin niya binabanggit.

Pero si Ky, kahit gaano pa kalaki ang tiyan, ang ganda pa rin. Siya lang ang kilala kong maganda kahit buntis. Si Mama, never nang mabubuntis 'yon kaya hindi siya counted.

Pagbaba namin sa pool, ipinaubaya ko na siya kina Will at Clark. Busy na ako sa pagkuha ng towels para sa barkada ko kasi nakakahiya kay Manang kung uutusan ko pa.

Next week, uuwi na ang mama ni Kyline saka si Gina. Hindi na makakadalaw ang barkada. Mangungulit na naman ako lagi sa calls. Pero baka kahit hindi na, kasi yung mama naman ni Ky, nagbuntis na noon. Baka siya na ang bulabugin ko tutal anak naman niya ang buntis ngayon.

Naghanda kami ni Rico ng meryenda at pinanood ko lang si Will na inaalalayan si Kyline sa paglangoy habang nagkukulitan sina Clark at Calvin sa bandang gilid.

Hindi ako sigurado sa status ng love life ng barkada ko, pero sure na akong si Pat at si Calvin, may "mga" girlfriend. Si Rico, may ka-MU 'to na hindi namin alam kung ano na ang score. Si Will, busy sa maraming babae pero duda akong may girlfriend siya sa mga 'yon. Si Clark . . . parang wala yata. Walang nababanggit sa GC maliban sa pangungulit na lumayas na ako rito kina Kyline at siya na ang papalit sa akin.

Alam ko namang crush ni Clark si Kyline, pero mas mabilis pa akong mapika kay Calvin kaysa sa kanya. Siguro kasi alam kong hindi siya type ni Ky kaya ayos lang sa akin. Si Calvin kasi, sweet kasi 'tong gagong 'to. Baka biglang ma-fall si Ky, e di kawawa naman ako. Binanatan na nga ako ni Ky ng "I can live without you."

Saglit na nagpahinga ang barkada at binalutan ko agad ng towel si Kyline pag-ahon niya. Ipinaghanda ko na rin siya ng upuan para makapahinga siya.

Patapos na halos ang August. Sa aming lahat, si Patrick pa lang ang may trabahong pang-opisina. Si Rico, NGO naman at katatapos lang mag-take ng licensure examination. Si Calvin, hindi pa nga siya graduate, naka-ready na ang trabaho niya sa company nila na related sa metals at chemicals. Si Will, nakakakuha na raw ng client niya bilang fitness instructor. Sila ni Rico ang may solid na plano about gym and health-related consultations. Si Clark ang umaayos ng hindi ko kayang ayusin ngayon pagdating sa lending company namin ng barkada.

Bago pa kami maka-graduate—kahit noong exposed pa kami sa pustahan—may mga plano na talaga kami sa buhay namin.

Ang plan ni Rico, related sa plan ni Will. Dietitian, fitness instructor, perfect combo. Si Clark, popondohan ang plan ni Will at ni Rico gamit ang ipon namin ng barkada. Si Patrick ang pinakamalaking mag-ambag sa pera naming lahat kaya 50% ng budget namin, kanya kung tutuusin. Si Calvin, mag-a-assist kay Patrick sa planong mag-invest sa automotive since ang company nina Calvin, partner na rin naman ng mga Lauchengco noon pa. Ang plano ko, connected sa plano ni Clark at sa plano nina Calvin at Patrick kaya ko pinu-push ang elective ko related sa automotive at ang lending company kung saan kami kukuha ng funds in the near future.

Ang kaso . . . nabuntis ko si Kyline. Nagka-record kami sa NBI. From March until now, naka-hold kaming lahat. Kayang kumilos pero limitado not unless iki-clear na kami permanently.

Ang hirap ng transition kasi may solid plan na kami pero kailangan naming tumigil. Naiwan kaming lahat sa ere. Yung feeling na may ine-expect ka nang mangyayari ngayong buwan pero dahil nga naka-hold kayo, tunganga lang kayong lahat.

Pero hindi kami nakatunganga kung tutuusin kasi nga, buntis si Kyline. Feeling ko, na kay Kyline muna umiikot ang mundo naming barkada ngayon.

Nakakapagbiro ang barkada ko, pero sobrang nagpapasalamat ako na hindi nila ako iniwan na lang basta sa ere.

Si Mama, nangungumusta kung minsan. Sinasagot ko naman pero laging dry ang replies ko o kaya wala nang reply at all. Pero naiintindihan naman daw niya ako, hindi ko kailangang mag-alala. Si Daddy, ayoko nang umasa sa kanya kahit na kailan.

Masaya na ako sa kung ano ang meron ako sa ngayon. Ayoko nang humiling nang sobra. Pagod na akong makiusap.

"Leo . . ."

"Hmm?"

"Gusto ko sa pool."

Nagtataka akong tumingin kay Kyline. Kaka-pool lang kasi niya, pool na naman.

"Hindi ako lalangoy," sagot niya. "Hindi kasi sumasakit ang katawan ko sa tubig. Kahit doon muna ako."

Hindi raw sumasakit ang katawan niya sa tubig. Baka puwede ko siyang laging dalhin sa pool kapag masakit ang tiyan niya kaysa roon sa bath tub na hindi siya kasya nang buo?

Tumayo na ako at naghubad na ng T-shirt. Ang barkada ko, doon naman sa malaking pool nagkukulitan kaya dinala ko na si Kyline doon sa kabilang dulo ng pool na naka-separate sa malaking pool.

Malaki ang pool nina Kyline. May malaking circular pool ground na nakadugtong sa mas maliit na circle at mas mababaw nang ground. Doon kami sa mababaw tumambay.

Pero kahit na mababaw, malalim pa rin. Halos 5 feet din ang lalim.

"Gusto mong maupo?" tanong ko at inaalalay ang magkabilang kamay kay Kyline na palusong na sa pool ground.

"Tatayo lang ako," sabi niya.

"Sige."

Pinanood ko siya sa gagawin niya. Ang kaso, hirap na hirap siyang pumuwesto.

Pumaling sa kanan, pumaling sa kaliwa, hindi alam kung saan ipapatong ang braso, kumapit sa tiles, nadulas ang kamay, pumaling na naman.

Ang gulo talaga ng babaeng 'to.

"Ako na," sabi ko.

Kinuha ko siya at ipinuwesto sa harapan ko. Niyakap ko siya mula sa likod habang nakatapak ang mga paa ko sa pool ground. Halos ga-dibdib ko rin ang taas. Si Ky, eksakto lang ang taas para pagtungan ko ng baba.

Bihira akong gumamit ng pool dito sa bahay nina Kyline. Ngayon lang talaga ako makakababad dito nang matagal kasi madalas akong nakakulong sa kuwarto para mag-review o kaya inaasikaso siya sa kuwarto niya.

Ang sarap sa pool. Kahit ako, nararamdaman na komportable nga roon.

"Masakit pa rin ba ang tiyan mo?" tanong ko kay Kyline.

"Hindi na masyado," sabi niya. "Minasahe ni Clark kanina ang likod ko. Ang sarap sa pakiramdam, parang nawala lahat ng sakit ko sa likod."

"Mmm."

Si Clark.

Sobrang weird isipin na kung may tatawagan man ako sa barkada basta tungkol kay Kyline, kung hindi si Will, si Clark agad.

Si Will, ang gusto ko sa kanya, hindi ako napapahiya sa sarili ko kapag siya ang kausap ko kasi empath siya. Sobrang rare akong husgahan ni Will sa mga desisyon ko.

Si Clark, kahit nakakabobo kausap, alam naming dalawa ang limit namin sa biruan. Kaya nga kapag sumeseryoso si Clark sa topic o kaya nananahimik sa usapan, kinakabahan agad ako, e. Saka bilang sa kamay ang tulong ni Clark na nagmintis. Kahit gaano kabobo ng suggestion, laging nagwo-work. Mas marami pang suggestion niya ang nag-work kaysa sa suggestions namin ni Rico kahit gaano kami ka-rational ever since then.

Kailangan ko lang ang opinyon ni Rico kapag may pandepensa na ako sa interrogation mode niya. Kapag wala, ayoko siyang kausap. Nabubuwisit ako kay Rico kapag pakiramdam ko, ginigripuhan niya ako ng sagot sa lalamunan.

Busy ang barkada ko sa kabilang poolside. Pinaliliguan ko naman si Kyline ng tubig sa pool. Naging habit ko nang sumalok ng tubig tapos ibubuhos ko sa ulo niya para mag-smooth ang buhok niyang itim na itim.

Nakakalma ako kapag ginagawa ko 'to kay Kyline. Kahit tahimik lang kami, pakiramdam ko, ang kalmado ng lahat kahit pa gaano kaingay sa paligid.

"Leo . . ."

"Hmm?"

"Ayaw ba sa 'kin ng parents mo?"

Napahinto lang ako nang bigla siyang tumingala para tingnan ako.

"Bakit mo nasabi?" tanong ko.

"Kasi hindi ko pa sila nakikita."

"Hindi mo sila kailangang makita."

"Pero . . . may baby na tayo . . ."

"Ako lang ang kailangan mo, hindi parents ko. Wala sila noong ginawa natin 'yan kaya hindi nila kailangang magpakita sa 'yo."

"Pero—"

Tiningnan ko na lang siya nang masama para mag-warning.

Ayokong hinahanap niya ang parents ko. Ayaw sa kanya ni Daddy. Ayaw ni Mama na mahirapan ako sa situation kaya gusto niyang i-disown ko ang baby. Either way, ayoko ng decision ng parents ko, at dapat tanggapin ni Kyline na hindi namin sila kailangan.

Bumitiw sa akin si Ky. "Sorry."

May kung anong kumirot sa dibdib ko pagbitiw niya sa akin. Feeling ko, bigla siyang sumuko at mukhang plano na namang palayasin ako mamaya.

Nasabihan na niya akong puwede na akong umalis at hindi niya ako pipigilan. Nasabihan na rin niya akong kaya niyang mabuhay nang wala ako. Baka sa susunod nito, deretsahan na niyang sabihing "Lumayas ka na, hindi kita kailangan sa buhay ko." E, di nagkanda-letse-letse na.

Napabuntonghininga na lang din ako at inalis na ang pagkakayakap sa kanya.

Ayokong pagtalunan ang tungkol sa parents ko. Kinuha ko na lang ang kamay niya at inisa-isa na naman ang mga daliri niya.

Mula noong stag party, ang dalas kong magka-anxiety at nerbyusin. Nitong mga nakaraang buwan ko rito kina Kyline, nagfi-fidget ako at sa kamay niya ako naglalabas ng stress.

Sabi ng doktor sa akin, normal response lang daw ang fidgeting sa kaso ko kapag inaatake ng stress at anxiety. Kapag hawak ko ang kamay ni Kyline, napapanatag ako, hindi ko rin alam kung bakit.

Basta kapag hawak ko ang kamay niya, nakakahinga ako nang maluwag. Na hindi ko kailangan pa ng gamot o stress-reliever basta hawak ko lang ang kamay niya.

"Leo . . ."

"Hmm?"

"Pakakasalan mo pa rin ba ako?"

"Yes. Why?"

Saglit akong napasulyap kay Kyline at umiwas agad nang bigla niya akong tingalain.

"April pa lang, pinag-usapan na natin 'to ng parents mo, di ba?" katwiran ko.

"Oo nga . . ."

"Bakit? Ano'ng problema?"

"Ano . . . okay lang ba kung . . . hindi muna ngayon?"

Napahinto ako sa ginagawa ko sa kamay niya.

Shet. Binabasted ba niya 'ko?

'Tang ina, don't tell me, sumama ang loob nito kasi ayokong pag-usapan ang parents namin?

Pakshet naman. Sabi na, sana sinagot ko na lang talaga nang matino, e.

"Okay lang ba kung magpakasal na lang tayo kapag malaki na si Eugene?" tanong niya.

Ano ba naman 'to si Kyline?

Ayoko lang pag-usapan sina Daddy. Bakit tumatanggi na sa kasal?

Sigurado na ako, sa susunod na hindi ako sumagot, sasabihin na nito, "Leo, lumayas ka na. Hindi na kita kailangan sa buhay ko."

Inuunti-unti lang talaga, e.

"Gusto kong maging okay ka, Leo . . . maging okay tayo . . ."

Ky, please lang, kung pinalalayas mo na 'ko, sabihin mo na lang agad.

"Separated ang parents ko. Bata pa ako noong nangyari 'yon. They looked okay naman. Hindi kasi nila pinilit yung kanila kaya happy sila ngayon sa partners nila. Okay na ako sa ganoon."

"Kyline." Nag-warning na ako. 'Tang ina naman kasi, bibili lang ako ng dress niya kaya nga ako umalis nitong umaga. Bakit naman pag-uwi ko, parang wala na akong uuwian dito?

"Ifyou stay, I'll be thankful. If not, deserve mong makahanap ng ibang babaenghindi ka pahihirapan. I liked you . . . before. Pero marami na kasing nangyari,and I'm not that Kyline from a few years ago anymore. I-a-update kita sa babynatin, don't worry. Aalagaan namin siyang mabuti. Do things that will make youhappy, because you deserve that."

Ang bigat ng paghinga ko kasi mukhang palalayasin na talaga niya ako rito.

Ano ba? Luluhod na ba 'ko? Iiyakan ko na ba 'to?

"Hindi mo gustong magpakasal ngayon?" kinakabahan nang tanong ko.

"Ayokomuna. Ayoko ring gumastos ka o sina Mommy, then later on, maghihiwalay rin palatayo."

Ano raw? Wala pa ngang kasal, maghihiwalay na agad? Grabe naman 'to! Hindi pa nga ako nakakapag-I love you nang gising siya, magbe-break na agad kami?

Akala ko, utak lang ang kulang dito sa kanya, pati rin pala puso. Sobra naman.

"Pero may balak ka bang magpakasal kung pakakasalan kita?" pagpilit ko.

Tumango naman. "Kapag siguro kaya na akong alagaan ni Eugene."

So, puwede pa rin? Dito pa rin ako? Sasamahan ko pa rin siya?

"Kasi,if ever may mangyaring hindi inaasahan, ayokong mahirapan na aalagaan ko siEugene habang nagbe-breakdown ako. Ayoko siyang madamay sa nangyayari sa akin.Ikaw pa rin naman ang magiging daddy niya. Hindi namin aalisin sa iyo 'yon."

"Kapag twenty na rin si Eugene, saka ka lang magpapakasal?" tanong ko agad kasi kailangan pa siyang maaalagaan ni Eugene?

Umiling naman siya. "Siguro mga . . . twelve? First year na siya n'on. Masmadali na niyang maiintindihan ang lahat kapag gano'n."

"Twelve . . ."

Napatingin ako sa malayo habang nag-iisip.

Twelve years . . . so, makakaipon pa ako para sa church wedding. Puwede, puwede.

"Twelve . . . okay."

Malaki-laki na si Eugene n'on. Hindi na nakakabuwisit kasama kung sakali man. Makakaintindi na kapag sinabing "Sit and behave."

"Okay," sabi ko habang tumango-tango. Twelve, noted.

"Okay . . . ?"

"Huwagmo nang uulitin ang ginawa mo kanina. Dalhin mo lagi ang phone mo. Tatawag akoevery now and then.," sabi ko na lang.

"Leo . . ."

"Kunghindi ngayon—kung ayaw mo ngayon—okay lang. Pero hindi ko babawiin ang promiseko sa parents mo. Kapag pumayag na sila, doon ka na sa 'kin mag-stay, ako'ngmag-aalaga sa 'yo."

"Kapag hindi?"

"Wala sa option ang hindi. Kailangang pumayag sila. Ako ang mag-aalaga sa 'yo, tapos ang usapan."

Hindi siya nag-no, so ikakasal pa rin kami. Hindi lang ngayon, pero ikakasal kami at okay lang na hindi pa ngayon. Makakaipon pa ako para pangkasal naming dalawa.

Okay na ako roon.



♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top