Chapter 38: Protective



Never ko pang na-experience magpaligo ng tao. Si Daddy kasi dati, maraming alagang bulldog, doberman, saka golden retriever. Noong bata ako, sumasabay ako sa paliligo nila—mga panahong hindi ko pa alam kung paano magalit sa tatay kong walang silbi.

At saka naliligo rin naman ako, so ang weird naman kung hindi ako marunong magpaligo.

Ang kaso nga lang kasi . . . paliliguan ko si Kyline. Nag-research ako kung puwede bang paliguan ang mga buntis, and I find that stupid na malamang dapat talaga silang paliguan.

Malamang, dapat paliguan! 'Tang ina, ang bobo ko na yata recently. Nahahawa na ako sa processor ng utak ni Kyline.

Ang kaso nga kasi, ako ang magpapaligo, so I have to have a supporting documents and review-related studies para mai-defend ko ang side ko kung sakaling gisahin man ako ni Kyline kasi nga, paliliguan ko siya.

11 a.m. ang pasok ko, 6:30, nag-alarm ako para gisingin si Kyline para sa short exercise na utos ni Will, para nga raw hindi siya masyadong nagka-cramps saka hindi sumakit ang likod.

Gusto ko sanang bumaba kami kaso nakakapagod nga kasi. Ako ang napapagod kay Kyline. Kaya sabi ko na lang, sundin muna ang ipinagagawa ni Will sa kanya kahit sa kuwarto lang.

"One, two, three, four, five, six, seven, eight . . ."

Nag-stretching siya ng braso. Saka kaunting bending sa left and right. Labas-pasok ako sa bathroom kasi binabantayan ko siya habang binabantayan ko rin ang tubig sa bathtub kung umaapaw na ba.

"Ano 'yong inilalagay mo rito sa tubig na sabi ng doktor?" tanong ko habang kuha-kuha ang isang buong container na puro malalaking bote ang laman.

"Yung may milk bath soap."

"Milk bath soap?" Saglit kong ipinatong sa tuhod ang container at inisa-isa ang mga laman n'on. "Milk . . . milk . . . milk . . . itong blue?"

"Yes."

"Sige, sige." Bumalik na ulit ako sa bathtub at binuhusan ng bath soap 'yon.

Lalagyan ba 'to ng flowers o kaya lemon slice? Parang sa nakikita ko sa internet, nilalagyan ng gano'n?

Lumabas ulit ako ng bathroom at kinuha ang phone ko saka ako bumalik sa loob para tawagan si Early Bird na sure akong gising na.

"Dude."

"Leo, marunong ka bang matulog? Quarter to seven pa lang."

"Kapag ba may milk bath ang buntis, lalagyan yung tub ng flower petals o kaya lemon slice or something?"

Matunog ang buntonghininga ni Rico sa kabilang linya. Alam ko nang nabuwisit na 'to sa tanong ko. "Dude, not sure about that, ha? Saglit, I'll call Clark."

Nakarinig na naman ako ng piano sound at ilang saglit pa, may sumagot na.

"Please, tell me, wala si Leo sa line . . ." inaantok na sinabi ni Clark.

"Ulol," sagot ko.

"My God . . . ano na naman bang kailangan ni Kyline? Diyan na lang kaya ako tumira tapos ako na lang asawa niya?"

"Gago, tigilan mo si Kyline, ha."

"'Tang ina naman kasi, anong oras pa lang ba?"

"Dude, sun is rising na," sabi ni Rico.

"Tsk! O, ano nga?" naiinis nang tanong ni Clark. "Mga istorbo kayo, iba-block ko na talaga kayong lahat sa buhay ko.

"Need ba ni Ky ng bulaklak sa bath tub?" tanong ni Rico.

"Bulaklak? Anong bulaklak?"

"So, puwede nga?" tanong ko.

"Depende sa bulaklak. Bulaklak ba 'to ng ano? Kalabasa? Saging? Chicharong bulaklak?"

"'Ina mo, flowers na ano, rose, gano'n! Parang gago, e."

"Puwede nga, depende nga sa bulaklak. Parang tanga kasi, e. Lavander, anti-bacterial. Chamomile o kaya lemon balm, maganda kay Kyline para hindi siya masyadong stressed kasi mabango 'yon. Kung gusto niyang ma-relax, lagyan mo ng rose kasi soothing 'yon."

"Ooohh . . ." sabay pa naming sagot ni Rico.

So, puwede nga talaga.

"Ano pa? Puta, inaantok pa 'ko, mga istorbo kayo sa beauty sleep ko," naiinis na tanong ni Clark.

"'Yon lang, sige, bye." Nauna na akong magpatay ng call.

Puwede nga, ang kaso, wala akong bulaklak. Ah! Alam ko na. Mabilis kong tinawagan si Patrick.

"Dude, free ka?" tanong ko.

"Papunta pa lang ng office, why?" sagot niya.

"May tanim kaya si Tita Liz na rose o kaya chamomile, gano'n?"

"She has, why?"

"Hingi sana ako para sana pampaligo ni Kyline."

"Oh! Okay? She's using those flowers for herbal meds, I'll inform her para puwede mong i-pickup sa bahay any time. Iha-harvest pa kasi niya 'yon."

"Sige, sige. Thank you, dude!"

"You're welcome."

Ibinaba ko na ang call saka binalikan si Kyline na umiinom ng tubig. Naabutan ko pa siya sa gilid ng pintuan ng bathroom nakatayo.

"Okay ka na?" tanong ko.

"Yes." Tumango naman siya at inalalayan ko na siyang pumasok sa bathroom.

Hindi ko na mabilang kung nakailang breathe in, breathe out ako habang hinahanda ang sarili sa gagawin.

Nakita ko na ang katawan ni Kyline, pero vague kasi sa memory ko 'yon at halos ayoko siyang tingnan noong naghubad siya sa harapan ko. Wala naman kasing babaeng naghuhubad sa harapan ko!

"Leo . . ."

Napatayo ako nang deretso nang bigla siyang humarap sa akin. Matunog ang paglunok ko habang napapatingin na lang sa kung saan kasi, 'tang ina, hindi ko alam kung paano ko siya titingnan.

"Sure ka ba rito . . . ?" nag-aalangang tanong niya.

"Well . . ." Napangiwi ako at medyo nag-doubt sa isasagot ko. "According to some researches . . . kailangan mo nang maligo."

"Ha?"

Putang ina.

Anong kaputang-inahan na naman ang lumabas sa bibig ko ngayon? Ang bobo! Napakabobo!

Itinulak ko na lang tuloy si Kyline para dumoon na siya sa bath tub. "Maghubad ka na lang diyan. Dali!"

"Sorry . . ." Payuko-yuko pa siya saka inangat ang laylayan ng T-shirt niyang suot.

Nagkunwari na lang akong may inaayos sa toilet sink. Inurong-urong ko ang mga bote ng lotion doon saka ko ibinabalik sa dating puwesto.

Nakakabuwisit naman 'to. Ang aga-aga, pinaiinit agad ako. Tsk!

Pagsulyap ko kay Kyline, panty na lang niya ang naiwang suot habang nakatalikod sa akin. Hinahawi niya ang buhok niya papuntang kanang balikat habang inaayos sa hamper ang T-shirt na kahuhubad lang niya.

Hindi ko alam kung gawa ba ng lighting sa banyo o talagang ang puti niya. Hindi pa ganoon kalaki ang tiyan niya kaya mula sa likod, hindi halatang buntis siya. Ang ganda ng pagkakalapat ng balikat ni Kyline, hindi siya pakubang tumayo. Siguro kasi sanay sa straight body na paglakad noong hindi pa nabubuntis. Matagal naman nang maganda ang kurba ng katawan ni Kyline. Kaya nga nabubuwisit ako sa babaeng 'to, ang hilig magsuot ng body-fit na damit. Tapos fit na nga, sobrang ikli pa! Tapos lalakad doon sa napakaraming lalaki. Ang sarap isako sa sobrang inis, e.

Alanganin siyang humawak sa gilid ng bath tub kaya minadali ko na ang paglapit saka ko kinuha ang kamay niya.

Bigla akong napangiwi nang kapitan niya ang kamay ko. Hindi naman mahigpit, hindi naman siya mabigat, pero ang weird. Ang lamig ng kamay niya kahit malambot. Saka nailang ako bigla. Parang ang dumi-dumi ng kamay ko para hawakan niya. Pagbitiw tuloy niya, pinunas ko agad ang kamay ko sa suot kong shorts kasi nakakahiya, parang hindi pa yata ako naghuhugas ng kamay, kung saan-saan pa ako humawak.

Pagtingin ko sa kanya, ang lungkot ng mata niya habang nakatingin sa kamay kong kapupunas ko lang. Pagtaas niya ang tingin, yumuko na naman siya. "Sorry . . ."

Bakit ba siya sorry nang sorry? Nakakabuwisit naman 'to.

Kinuha ko ang vanity chair doon sa gilid ng sidetable at ilalim ng malaking salamin at hinatak papalapit sa bath tub.

Nakaupo na roon si Kyline sa tub at halos mabasa na ang dulo ng buhok niyang mahaba kasi sumasayad sa puting tubig.

"Di ba, may cap na panligo?" tanong ko agad.

"Meron. Nandito," sabi niya saka may nilingon sa likuran. Ako na ang naghanap doon at nakita ang light blue cap.

"Sana isinuot mo muna bago ka lumublob diyan. Ang slow talaga, e."

"Sorry . . ."

Sorry na naman?! Ipasak ko kaya sa bibig niya 'tong cap para tumigil na siya sa sorry niya?

Inipon ko na ang mga buhok niya, at kung puwede lang tusukin ang mata ko, tutusukin ko talaga.

Malaki siyang babae. Hindi rin ganoon kalaki ang bath tub. Ni hindi nga siya halos makalubog doon, kita pa halos kalahati ng dibdib niya.

Ayokong makitang nakahubad si Ky. Ewan ko, feeling ko kasi, parang gumagawa ako ng kasalanan kapag tinitingnan ko siya.

"Hawakan mo 'to." Kinuha ko ang kamay niya para itapal doon sa buhok niyang inipon ko saka ko isinuot sa kanya ang cap.

At dahil wala nang harang na buhok sa katawan niya, lalo lang dumami ang kasalanang makikita ng mata ko. Buwisit talaga.

Puwede ko bang i-reason out na nag-biology class naman kami noong sophomore years namin?

O kaya sabihin ko, "Nakita ko naman na 'yan." Kaso ang yabang ko naman n'on. Tunog gago.

Pero para talagang ang lambot ng katawan ni Kyline. Hindi naman siya mataba, pero hindi siya payat. Parang ang sarap niyang pisil-pisilin kasi mukha siyang marshmallow na slim.

Nauubusan na ako ng idadahilan, punyeta.

Napatitig na lang ako sa kanya habang nagpupunas siya ng braso.

Sabi nina Will, depressed na raw si Kyline dito sa bahay kasi hindi nakakalabas. Ang lungkot din ng mukha niya ngayon.

Gusto ba niyang mamasyal? Kaso baka pagalitan kami ng nanay niyang terror. Pero matagal pa naman ang uwi n'on. Ay, may pasok pala ako mamaya. Bukas na lang siguro kasi wala akong pasok. Baka puwede kami sa park na malapit sa bahay namin dati. Okay lang naman siguro 'yon kasi loob pa rin naman ng subdivision namin.

Kaso hindi ba siya mag-a-assume na baka inaaya ko siya sa date kung aayain ko siyang mamasyal? Baka isipin niya, kursunada ko na siya, e ayoko lang naman siyang malungkot dito sa bahay.

Saglit lang naman siguro 'yon. 11 pa naman ang pasok ko.

"Ky."

"Hmm?" Lumingon siya sa akin.

"A—" Naputol agad ang sasabihin ko pagtama ng mga mata namin.

Parang biglang huminto ang lahat habang nakatitig lang ako sa kanya.

Ang ganda ng araw ngayon, labas tayo?

"Leo?"

"Ang ganda mo . . . labas tayo . . ."

Bigla siyang napasinghap saka napatakip ng bibig. "Talaga . . . ?" di-makapaniwalang tanong niya habang pinandidilatan ko siya ng mata.

Shet, ano'ng sinabi ko?

"Leo . . ."

"Sabi ko, maganda ang araw ngayon kaya lalabas tayo!" depensa ko agad.

"Pero sabi mo, maganda ako," nagtatampo niyang sinabi.

Napasimangot ako. "Bingi!"

"Sabi mo, e . . ."

"Maligo ka't maglinis ka ng tainga mo. Kung ano-ano nang naririnig mo."

"Hmp. Sabi mo talaga, e."

"Kadiri ka."

Tumayo na ako roon at kinuha ang kung anong makukuha sa toilet sink. Dinampot ko ang moisturizer yata kahit nanlalamig ang kamay at pawis ko sa sobrang kaba.

Putang ina, ano na naman bang pinagsasasabi ko sa mundo't wala na namang kontrol ang bibig ko?

Ang bigat ng paghinga ko habang pakiramdam ko, may dumadamba sa dibdib kong malakas na bagay.

"Maglagay ka nito," utos ko.

"Mamaya pa 'yan pagkatapos ko maligo," nakangusong sabi niya.

"E, di mamaya." Bumalik na ako sa sink at padabog na ibinalik doon ang bote saka dumampot ng kung anong bote roon. "Ito, para saan 'to?"

"Lotion 'yan."

"E, di lotion, buwisit." Ibinato ko na naman pabalik sa sink ang bote at tiningnan ang mga label doon. Puro na gamit sa pisngi. "Wala ka bang shampoo?"

"Sa shower."

Padabog akong pumunta sa shower para sana kunin ang shampoo niya.

"Mamaya pa ako magsha-shower after dito, Leo."

Ano ba! Paano ba siya maligo? Ang daming ritwal!

Nagtago na lang talaga ako roon sa shower area habang hinihintay siyang matapos. Glass door naman ang pagitan n'on sa tub kaya makikita ko pa rin naman siya.

"Leo, ten minutes lang ako rito."

"E, di tumayo ka na diyan," utos ko.

Wala siyang sinabi, pero nakikita ko siyang tumatayo na sa bath tub. Inalalay niya ang kamay niya sa pader at saka ko lang naalala na baka bigla siyang madulas kasi galing nga siya sa tubig.

Lumabas agad ako ng shower area pero biglang liko ako pabalik sa loob nang makita kong nakaharap siya sa akin at nakahubad nga!

'Tang ina naman!

Bakeeeet? Nakaka-stress naman, umagang-umaga!

Pagsilip ko, hindi pa rin siya nakakaalis sa tub kaya wala na akong nagawa, lumabas na rin ako habang nakatingin sa kisame.

"Akin na 'yang kamay mo," utos ko, at eksaktong paghabol ko sa kamay niya, naisama niya iyon at sabay pa kaming pinandilatan ang dibdib niya nang doon lumapat ang kamay ko para sana takpan niya ang hindi ko dapat makita.

"Oh my God!" Bigla niyang nabawi ang kamay niya at napaatras siya. Pareho pa kaming hindi nakaka-recover nang madulas siya sa tub, at out of reflex ko na siyang nahatak palapit sa akin bago pa siya matumba.

Nanlalaki ang mata ko habang ang higpit ng yakap ko sa kanya.

Bilang na bilang ang paghinga ko habang dina-digest kung ano na'ng nangyayari sa mundo sa loob nitong bathroom.

'Tang ina, yung puso ko, huminto na yata.

"Oh my God." Kuyom-kuyom niya ang likuran ng T-shirt kong basa na ang harapan saka ako bahagyang umurong saka siya sinapo sa pisngi. Salubong na salubong ang kilay ko habang tinitingnan ang buong mukha niya.

"Okay ka lang?" nag-aalala nang tanong ko. Paulit-ulit kong hinawi ang buhok niyang dumikit sa noo at pisngi.

Nanginginig ang labi niya at akmang iiyak na.

"Sorry, Ky, sorry . . ." Nahalikan ko pa siya sa sentido at nayakap na naman nang mahigpit para humingi ng tawad.

Bigla siyang humagulhol ng iyak habang pahigpit nang pahigpit ang paghawak sa damit ko.

"Sorry . . . sshhh . . . okay na, ha? Okay na."

Kahit basa na rin ako, binuhat ko na siya paalis ng bathtub habang iyak pa rin siya nang iyak.

"Huwag ka nang umiyak, paliliguan na kita nang maayos. Tahan na . . ."

Putang ina, papatayin pa yata ako sa sobrang takot ng umagang 'to.



♥♥♥



Pakiramdam ko, ubos na ubos na ang energy ko kahit wala pang alas-otso ng umaga. Iyak nang iyak si Kyline sa sobrang takot. Hindi ko na lang din inawat sa pag-iyak kasi kung ako ngang hindi buntis, natakot para sa baby, siya pa kaya?

"Sigurado ka bang ilalabas mo, anak?" tanong ni Manang habang nire-ready ko na ang lunch bag na may lamang maliit na tumbler, dalawang face towel, folding umbrella, baby powder, pamaypay, saka sunblock.

"Babalik ho kami agad, Manang."

"Ay, ikaw ang bahala. Mag-ingat kayo, ha?"

"Opo, salamat po."

Nilapitan ko na si Kyline para ayaing lumabas.

Pinagsuot ko naman siya ng checkered maternity dress niyang mukhang mantel ng mesa sa canteen. Medyo maumbok ang tiyan niya kapag dumidikit ang tela sa balat pero hindi naman halatang buntis kasi maluwang ang damit, basta hindi hahatakin o hahanginin.

Ang tagal na naming hindi lumalabas. Ang next checkup niya, sa susunod na linggo pa. Hawak ko ang payong sa kaliwa, hawak ang lunch bag sa kanang kamay. Sabi ko, kumapit na lang siya sa braso ko, kaso nangangawit raw ang braso niya kasi may hawak akong payong kaya isinabit ko ang maliit na stretchable handle ng lunch bag sa kanang balikat ko, at kanang kamay ang pinanghawak ng payong. Kinuha ko na ang kamay niya saka kami lumiko sa unang street na katabi ng malaking bahay nila.

Pasulyap-sulyap ako sa kanya kung magre-react ba siya sa paghawak ko sa kamay niya, pero palingon-lingon lang siya sa nilalakaran namin. Tinitingnan ang paligid na parang maraming nagbago roon mula noong huli niyang nakita.

Ang lambot talaga ng kamay niya. Kaya siguro ang hilig hawakan ni Calvin.

May nakasalubong kaming guard na madalas bantay sa entrance ng subdivision. Ngumiti lang sa amin saka tumango.

"Tatawag ako mamaya, ha?" paalala ko.

Tumango naman siya pero walang sinabi. "Yung gatas mo kahapon, hindi mo inubos."

"Nakalimutan ko."

"Katabi mo lang sa kama, nakalimutan mo pa?"

Napayuko na naman siya. "Sorry . . ."

Pagagalitan ko pa sana kaso kagagaling lang sa iyak kaya hindi na lang ako nagsalita.

May park na malapit sa kanila. Maliit lang 'yon. May part na puro buhangin, then may part ding maraming rose bushes saka santan. May ilang tao kaming naabutan doon kaya pumuwesto kami sa kakaunti lang; doon sa tapat ng angel fountain na wala man lang lumalabas na tubig para masabing fountain.

Pinaupo ko si Kyline sa bench habang nakatayo ako at pinapaypayan siya.

Masarap ang hangin sa pinagtambayan namin kasi nasa ilalim kami ng punong mangga. Hindi ganoon kainit pero hindi pa sapat para masabing malamig. Namamawis pa rin ako kahit nasa lilim na kami.

Sana lang talaga puwede siyang ipasyal sa malayo. Sina Will, maraming alam na galaan, e.

May lumapit agad sa aming babae, parang around 50 ang edad. Nagpapasyal ng poodle niya. Ngumiti sa amin saka tumingin kay Kyline.

"Kumusta ka na, Belle?" tanong niya.

"Okay lang po, Tita Flor."

"Asawa mo?" Saka ako inginuso.

Matipid ang naging ngiti ni Kyline, hindi yata alam ang isasagot.

Eto na nga ba ang sinasabi ko, kaya ayokong ilabas 'to. Ang daming tsismosa sa paligid.

"Opo," sagot ko na lang para hindi mailang si Kyline.

"Ah . . ." Tumango-tango pa ang babaeng nagtanong saka ako hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa.

Batuhin ko kaya 'to ng tumbler para lumayas na 'to rito?

Hinawakan ko sa balikat si Kyline saka inilapit sa akin hanggang madikit siya sa tagiliran ko. Mabilis kong binuksan ang payong patapat sa amin para maitago siya roon sa babaeng 'yon.

Kaya ba nilang lumakad dito sa subdivision nang hindi nang-uusisa? Wala ba silang idea sa salitang privacy?

Pagsilip ko, umalis na yung babae kasama ang aso niya.

Isinara ko na ulit ang payong at sinilip si Kyline na nakatingala sa akin. Malungkot na naman, mukhang iiyak.

"Uwi na nga tayo," alok ko na lang. "Ang daming tsismosa rito sa labas."

"Okay . . ." nakanguso niyang sagot saka tumango.

Next time talaga kapag lumabas kami, dadalhin ko na 'to si Kyline doon sa walang tao.



♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top