Chapter 37: Mutualism
Hindi ko na alam kung paano magpapakita saka kakausapin si Kyline nang hindi ako natotorete kung ano ba ang sasabihin niya.
Hinalikan ko siya—kasi sabi nga ni Clark! For the fucking estrogen, 'tang ina. Nahuli ako ni Kyline na hinahalikan siya without permission. Although, nagbigay naman ako ng disclaimer na sabi nga ni Clark at para nga sa putang-inang estrogen level 'yon pero baka kasi isipin niya, niloloko ko lang siya.
Paglabas ko ng kuwarto at eksaktong lalabas din siya, nagmamadali akong bumalik sa loob saka nag-lock ng pinto para hindi kami magkita.
Nasa iisang bahay lang kami pero pinagtataguan ko siya. Kapag kinakausap ko siya, ayoko siyang tingnan nang deretso kasi pakiramdam ko, magtatanong siya kung bakit ako nanghahalik nang walang paalam.
Hindi ko naman siya girlfriend. May balak naman akong pakasalan siya, pero wala pa nga kasing permiso ng parents niya. Tatay ako ng baby niya, pero hindi ko naman mai-consider na ticket 'yon para manghalik na lang basta-basta.
Kasalanan talaga 'to ng estrogen na 'yon, e.
"Manang! Wer is da pader op may inaanak?"
Sisilipin ko sana si Kyline kung tulog ba (kasi hindi nga ako sumabay sa breakfast kanina) nang marinig ko ang boses ni Clark sa ibaba.
Naglakad ako sa hallway at naabutan sina Clark na nanggugulo sa receiving area.
"Hi, Manang. Pasalubong namin!"
"Hoy, pagkain, saglit!"
Seryoso nga talagang dadaan dito ang mga animal.
Akala ko, sina Clark ang dapat kong isipin, pero pagkakita ko kay Calvin, dumoon na agad naupo sa tabi ni Kyline.
At bakit nagpapapansin na naman 'to kay Kyline, e alam na ngang buntis 'tong babaeng 'to?"
Nagmamadali akong bumaba sa second floor habang nakatingin sa kanila.
Kung makadikit naman 'tong Calvin na 'to kay Kyline.
Hoy, gago! Tantanan mo 'yang babaeng 'yan. Baka ikaw ang sapakin ko diyan.
Binilisan ko pa ang lakad nang makitang sinusuklay-suklay pa ni Calvin ang buhok ni Ky. Hinawakan pa nga sa kamay ng gago. Babatuhin ko na ng tsinelas 'to e!
"Ehem."
Sabay pa silang napalingon sa akin. Gulat na gulat si Kyline habang matalim ang tingin ko sa kanya.
Bakit pumapayag siyang hinahawak-hawakan ni Calvin ang kamay niya?
"Dude!"
Binati ako ni Calvin at niyakap nang saglit pero hindi naalis ang tingin ko kay Kyline.
Ni hindi ko nga mahawakan ang kamay niya tapos magpapahawak lang siya kay Calvin?
"Uy, may pasalubong pala kami. Gusto mo ng strawberry jam? Naghahanap ka ng jam, di ba?" tanong ni Calvin sa akin saka ako inakbayan, pero hindi ko talaga inalis ang tingin ko kay Kyline.
"Sige," sabi ko.
"Ky, tara!" Nag-alok na naman ng kamay si Calvin habang akbay ako. Ngumiti naman si Kyline saka sumunod.
Alam kong may past sila ni Calvin. Pero tatay ako ng baby niya, at nandito ako nag-aalaga sa kanya. Kung may dapat humahawak sa kamay niya, ako 'yon!
Kukunin na sana ni Kyline ang kamay ni Calvin pero mabilis kong inagaw ang kamay niya.
"Um-hm. Okay?" narinig kong sinabi ni Calvin at nagtaas pa ng kamay para ipakitang hands off siya.
Dapat lang.
Inilipat ko si Kyline sa kabilang gilid ko para malayo siya kay Calvin.
Wala akong pakialam kung mas close sila. Hahawak-hawak ng kamay, at talagang ipakikita pa sa akin. Pag-untugin ko 'tong dalawang 'to e.
♥♥♥
Sabi nga ni Will, kailangan ng exercise ni Kyline. Although, isa rin sa suggestion niya ay dapat may mga kasama rin si Ky sa exercise na mga buntis din para may interaction, kaso pinagbawalan nga kasi kami ng parents ni Kyline.
Una, twenty pa lang siya. Hindi ko masasabing sobrang bata pero pasok pa rin kasi sa kailangan ng consent ng parents kung sakaling papasok sa ganitong situation. Ayaw lang din nina Sir Adrian na magka-anxiety si Kyline.
Pangalawa, hindi kami kasal. Ayaw ng mama ni Ky na inuusisa ang anak niya kung paano ko nabuntis nang hindi kami kasal. Mas lalong ayoko siyang sumagot sa tanong na 'yon kasi hindi rin naman namin ginustong mabuntis siya.
Pangatlo, naging laman kasi si Kyline ng news. Kidnap victim nga raw ang apo ni Bien Chua five months ago. Tapos makikita nilang buntis na ngayon. So ano na lang ang iisipin ng iba? Nabuntis ng kidnapper. Sino ang kidnapper? Ako rin. 'Tang inang 'yan.
Pinanonood ko silang mag-exercise. Para nga raw hindi mahihiya si Kyline na siya lang mag-isa, sinabayan siya nina Clark at Will habang may tugtog.
Si Pat lang ang wala ngayon. Sabi ni Rico, family meeting. Walang nabanggit si Tito Bobby, pero baka sa work na ni Patrick. Alam ko, pahahawakin na siya ng managerial position.
Ilang months nang sobrang gloomy rito sa bahay nina Kyline. Malamang kasi sa lawak nito, kami lang ang tao. Bihira pa kaming mag-usap.
Ipinaubaya ko na kina Will at Clark ang exercise niya kasi nag-e-exercise din naman ako, pero hindi ko naman siguro uutusan si Kyline na ma-push-up at mag-sit-up siya para sabayan ako.
Habang pinanonood ko sila, nakangiti lang si Kyline, parang ang saya-saya niyang kasama sina Will. Pakiramdam ko tuloy, kailangan ko pa ng tulong ng ibang tao para lang mapasaya siya.
Ang hirap naman n'on.
Natahimik tuloy ako sa isang sulok habang hinahayaan na lang siyang magsaya kasama nila. Sina Will at Clark, hindi na ako magugulat kung masaya siya sa kanilang dalawa kasi kayang-kaya nina Will na makuha ang kiliti ng mga babae. Hindi na ako magugulat doon. Pero dahil din doon kaya disappointed ako sa sarili ko.
Sa tagal kong umiiwas sa mga babae para lang hindi ako magaya sa tatay ko, wala na halos akong ibang alam kundi magtaboy at man-turn off na lang ng iba. Hindi ko alam kung paano patatawanin si Kyline nang hindi ako nabubuwisit sa ka-slow-an ng utak niya.
Ilang oras din akong tahimik. Napapatingin na lang ako sa kanya nang mahiga siya sa dibdib ni Clark habang naglalaro sina Rico at Will ng charades at si Calvin ang pinaka-referee. Hindi lang 'yon basta higa. Minamasahe ni Clark ang ulo niya saka tinuturuan siyang huminga nang mas maayos.
Nabubuwisit ako kapag kasama ni Kyline si Calvin, pero nadi-disappoint ako kapag nakatingin ako sa kanya na kasama si Clark. Siguro kasi kaya siyang hawakan ni Clark nang alam kong hindi ako mabubuwisit o sasama ang loob.
Hinayaan ko na siyang ihatid ang barkada ko sa labas. Pinagpandong na lang ni Clark kasi baka raw mahamugan. Matagal nang hindi nakakalabas ng gate si Kyline nang walang ibang dahilan kundi checkup. Walang dumadalaw sa kanya maliban sa akin.
Ako, sanay akong binubulabog ng barkada ko sa bahay kaya nga hindi ako nagulat na dito sila nagkalat. Pero si Kyline kasi . . . ang dami niyang nakakasama noon kahit sa DFA at nakakasalubong ko siya, pero ni isa sa mga 'yon, hindi man lang siya binisita.
"Ang gulo-gulo ng bahay," parinig ni Manang Chona habang inaayos ang mga furniture.
"Sorry po, Manang," sabi ko.
Tinulungan ko na siyang ayusin ang mga ikinalat nina Clark. Hindi naman malala pero kung OC ang nakatira dito, malamang na maiinis 'yon.
"Ngayon na lang uli nagkaroon ng maingay rito sa bahay," sabi ni Manang, pangiti-ngiti sa akin. "Ang tatahimik n'yo naman kasi. Maigi 'yang hindi kayo mapanisan ng laway habang narito kayo."
"Ako na ho ang mag-uurong nito, Manang." Binuhat ko na ang malaking sofa para maibalik sa dating ayos.
"Ikaw na muna rito, Leo, at ipaghahanda ko ng bihisan niya si Belle."
"Sige ho, Manang. Thank you ho."
Nakita ko sa dulo ng mata ko si Kyline na papalapit sa akin. Mabilis kong pinunasan ang center table na may kaunti pang bits ng tsitsirya.
"Leo . . ."
Bumigat agad ang paghinga ko. Ayoko talagang makausap si Kyline ngayon. Itinago-tago ko nga sa barkada ko na sinunod ko nga ang kabobohang utos ni Clark, sana lang hindi niya sinabi sa kanila ang ginawa ko.
"June pa lang naman. Baka puwede ka pang humabol sa practicum mo," sabi niya.
Bakit na naman kami napunta sa subjects ko? Napag-usapan na namin 'to noon pang isang araw, a?
Nag-take ako ng kaunting units para mabantayan siya. Alin doon ang mahirap unawain?
"Five years ang course na tine-take mo. Ayokong madagdagan ka ng isa pang year. Hindi mo naman kailangang mag-stay rito kung—"
Tumayo na ako para tingnan na naman siya para mag-warning.
Ayoko ng nagbabanggit ng ganito si Kyline. Ayokong ini-insist niya na kunin ko ang mga subject ko o kung ano man na talagang kokonsumo ng oras ko.
"I-I mean . . . ayoko na lang na . . . mahirapan ka."
"Pinag-usapan na natin 'to kasama ng parents mo, di ba?" paalala ko sa kanya.
"A-Ayoko lang na—"
"Mahirapan ako? Paulit-ulit ka."
Yumuko na naman siya. "Sorry . . ."
"Kung 'yan lang naman ang araw-araw mong sasabihin sa akin, huwag ka na lang magsalita."
Nakakabuwisit. Hindi ba siya makaintindi ng isang salita lang?
Padabog ko nang inayos ang mga throw pillow sa sofa.
Nandito ako kasi nga gusto ko siyang alagaan. Kung ayoko naman ng ginagawa ko, makikita ba niya ako rito? Ang tigas ng ulo, nakakabuwisit.
"Ayoko lang na pinipilit mo ang sarili mo sa 'kin."
Gusto kong manigaw, pero ayoko siyang sigawan kasi nga buntis.
"I've been there. Nararamdaman ko namang ayaw mo sa 'kin. Yung parents ko, napalaki naman ako nang hindi sila magkasama sa iisang bahay. Ayoko lang na ma-stress ka dahil sa 'kin. Ayoko ring lagi akong ganito na parang isolated ako kahit nasa bahay ako. Puwede ka namang umalis . . . hindi kita pipigilan."
Saglit akong napahinto at hindi ko nagustuhan ang huli niyang sinabi.
Ayoko ring lagi akong ganito na parang isolated ako kahit nasa bahay ako. Puwede ka namang umalis . . . hindi kita pipigilan.
Idinaan ko na lang sa kunwaring pag-aayos ang bigat ng loob ko. Wala naman nang aayusin sa sofa pero ayos ako nang ayos doon.
"Belle, handa na ang mga damit mo sa kuwarto. Maligo na't matulog kay anong oras na."
"Opo, Manang."
Puwede ka namang umalis . . . hindi kita pipigilan.
Pinaaalis na ba niya ako rito?
Ayaw na ba niya ako rito sa kanila?
Ayoko ring lagi akong ganito na parang isolated ako kahit nasa bahay ako.
Ano'ng gusto niyang gawin ko? Samahan ko siya lagi?
Magkasama naman kami . . . ayoko lang magpakita sa kanya pero magkasama kami.
Nagmamadali akong bumalik sa kuwarto saka tinawagan si Will.
Malamang kasi sa buong barkada, si Will lang ang alam kong hindi ako aasarin kapag nakausap ko.
"Dude," bati ko. "Saan ka na?"
"Kakauwi ko lang."
"Good."
"Bakit pala?"
"Pinalalayas na yata ako ni Ky."
"Huy, gago, bakit?"
"Sabi niya, puwede na 'kong umalis. Hindi niya 'ko pipigilan."
"Bakit nga? Anong ginawa mo?"
"Wala. Sabi kasi niya, mag-take daw ako ng practicum. E, hindi puwede 'yon kasi eight hours duty 'yon every day. Paano ko siya aalagaan n'on?"
"Then?"
"Tapos sabi niya, ayaw niyang parang isolated daw siya rito sa bahay. E, magkatapat lang naman kami ng kuwarto."
"Kinakausap mo ba lagi?"
Hindi ako agad nakasagot.
"See? Dude, kahit pa katabi mo 'yan sa kama, kung hindi mo kakausapin, talagang palalayasin ka niyan kasi parang wala ka ring silbi."
"Sobra ka naman. Dinadalaw ko naman siya minsan."
"Minsan. Every day mo ngang kasama pero minsan lang?"
"Ano nga'ng gagawin ko? E, pinakakain ko naman siya kapag nagugutom siya."
"Dude, hindi 'yan goldfish, ano ka ba?"
"Paano 'yon? Yayakapin ko ulit?"
"Dude . . ." Narinig ko siyang nagbuntonghininga pero natatawa nang kaunti. "Okay, tell you what . . ."
"Mmm."
"Madali lang namang pasayahin si Kyline. Hindi enough na dadalawin mo lang minsan. Hindi enough na katapat mo lang ng kuwarto. You just have to be there, kailangan ka man niya o hindi."
"Parang ang papansin ko naman n'on? Dadalawin ko siya kahit wala akong kailangan?"
"Well, she needs your company."
"Hindi ba siya mag-a-assume na gusto ko siya?"
"Hahaha!"
"'Yan, diyan kayo magaling. Ang pagtawanan ako, mga animal kayo."
"Dude! Hahaha! Okay! Explain ko lang, ha, kaya ako natatawa. Hindi 'yon sa mag-a-assume siya. She felt alone kahit magkasama kayong dalawa. Palalayasin ka talaga niya kasi feeling niya, nandiyan ka man o wala, mabubuhay siyang mag-isa."
"Hindi ba siya magiging dependent sa 'kin n'on?"
"Nasa kanya na 'yon. But that's not the point, dude. Ang point is kailangan niyang maramdaman na puwede siyang maging dependent sa 'yo. Kasi kung ganyan na magpapakita ka lang kung kailan mo trip magpakita sa kanya, e, di tawagan na lang niya si Clark."
"At bakit naman si Clark, ha?" naiinis ko nang tanong.
"Because Ky knows she can rely on Clark more than she can rely on you. And Clark can deliver any time more than Early Bird and Calvin. Remember, kapag tumatawag ka about Ky's health, si Clark lagi ang inuuna mo before us. You need to level up your game, dude."
Shit. Bigla tuloy nag-sink in sa akin lahat.
"Dapat bang magpaka-boyfriend na ako kay Kyline?" tanong ko. "Ano ba'ng ginagawa ng mga boyfriend? Bibilhan ko ng flowers every day?"
Naririnig ko ang lalim ng paghinga ni Will, pero parang gusto na namang matawa.
"Dude . . ." Nagpipigil nga ng tawa si Will. "Buntis si Ky. Samahan mo lang lagi. Kausapin mo lagi. Alagaan mo. Kung may kailangan, tanungin mo. You need to discover everything by yourself at si Ky lang ang makakapagbigay ng sagot sa 'yo kasi siya naman ang aalagaan mo."
"Hindi ba niya iisipin na baka may crush na ako sa kanya o ano?"
"Leopold . . ."
Mukhang naiinis na rin sa akin 'to si Will. Nagbabanggit na ng buong pangalan ko.
"Ayoko lang na mag-isip siya nang masama sa ginagawa ko," dugtong ko.
"Hindi naman masama ang ginagawa mo, right?"
"Paano kung isipin niya na may gusto ako sa kanya?"
"I guess that will help you both. Crush ka rin naman niya before, right? Bumawi ka na lang ngayon, dude."
Nabalisa ako after ng call kay Will. Gusto ko sanang tawagan si Early Bird kaso naiisip ko pa lang ang flow ng convo namin, hina-highblood na ako.
Kung si Clark naman, baka puro kagaguhan lang ang sabihin sa akin.
Pero tinawagan ko pa rin naman si Clark kahit alam kong kagaguhan lang ang sasabihin sa akin.
"Dude, ano na, miss mo na agad ako? 'Tang ina naman, wala pa 'ko sa kuwarto ko."
"Gago, walang nagtatanong."
"O, e, ano nga? Masakit na naman tiyan ni Ky?"
"Hindi."
"Pa-suspense ampota. Tapos na charades natin, dude! Tao ba 'to? Hayop?"
"Si Ky kasi, pinalalayas na yata ako."
"Dasuurv."
"Ulol, 'tang ina ka, kaya ayaw kitang kausap, e."
"Hahahaha! 'De, ano nga? Bakit nga pinalalayas ka? Inaway mo?"
"Hindi. Sabi niya, isolated daw siya rito sa bahay."
"Totoo rin. Pansin nga namin kanina."
"Ano'ng gagawin ko rito?"
"Lumayas ka na lang tapos ako na mag-aalaga kay Kyline forever."
"Ulol. Tantanan mo si Kyline."
"Hahahaha! Napaka-OA talaga. 'De pero seryoso na. Tahimik nga raw diyan, sabi ni Manang. Depressed din si Ky, malamang kasi wala ngang bumibisita, hindi pa nakakalabas. Samahan mo na lang palagi kahit sa pagtulog."
"Hindi nga puwede. Pagagalitan ako ng mama niyang Amazona."
"Kaysa naman araw-araw siyang ma-stress diyan. Pili ka ng struggle mo."
Napabuga ako ng hangin. "Kapag sinamahan ko siya, baka isipin niya, may crush ako sa kanya."
"Hahahaha!"
"Alam mo, itatakwil na kita bilang kaibigan, Clark, puta ka."
"Ikaw yata assuming sa inyo ni Kyline, e, hahaha! Pinalalayas ka na nga, iisipin pa niyang crush mo siya. Gagu."
"E, kung sasamahan ko ngang matulog, tapos yayakapin ko pa kasi nga yung putang-inang estrogen na 'yan. O, e, di ano ibig sabihin n'on?"
"Dude, tatay ka ng baby ni Ky. May nangyari na sa inyo na more than a kiss pa. Kung mag-assume man siyang gusto mo siya, pabor pa 'yon sa kanya kasi ibig sabihin n'on, may point ang pagsasama n'yo. Hindi ka lang nandiyan kasi display ka bilang tatay ng baby. Nandiyan ka kasi kailangan mo siya, kailangan ka niya, kailangan ka ng baby. Basic symbiosis. Mutualism, both individuals benefit from each other."
"E, paano kung maging dependent sa akin?"
"Dude, there's facultative mutualism. You can coexist without depending on each other kahit may benefits, pero 'yan din probably ang reason kaya pinalalayas ka ni Ky. You have benefits for her pero kaya niyang mabuhay nang wala ka. You can work for a dispersive mutualism. Give and take. Aware kami sa effort mo kay Kyline pero siya hindi kasi ayaw mo ngang makita niyang nagbibigay ka ng effort sa kanya. It's high time for you to show her that you care for her. Ang hirap kasi sa 'yo, terror ka, e. Paanong hindi ka palalayasin, e gina-gangster mo?"
"Ulol."
"Ulol ka rin. Bahala ka diyan kung ayaw mo maniwala."
"Oo na, oo na. Sige na, pupuntahan ko na si Ky."
Ayoko pa rin sanang kausapin si Kyline kasi nahihiya ako, pero ayoko rin namang palayasin niya kasi wala akong silbi rito sa kanila.
Mula sa kuwarto, hindi na ako kumatok kasi akala ko sana banyo pa lang siya, pero naabutan ko siyang nagbibihis kaya pareho pa kaming natigilan pagkakita namin sa isa't isa.
Shit.
"A-Akala ko . . ." Sa sobrang gulat, hindi ako nakakilos at nakapagsalita agad.
Naitakip niya ang pantulog niyang sando sa dibdib habang pinandidilatan ako.
"Sorry." Papaling sana ako palabas kaso baka nga kasi palayasin ako kung tatalikuran ko na naman siya kaya nagtanong na lang ako kahit awkward. "Gusto mong tulungan kita?"
Nakaawang lang ang bibig niya habang nakatitig sa akin.
"I mean . . . baka nahihirapan kang magbihis?"
Wala siyang sagot. 'Tang ina, ano na?! Magtititigan na lang kami magdamag?
Napakamot na lang ako ng batok saka lumapit sa kanya. Nandito na 'ko, ayokong ma-kickout sa bahay nila nang di-oras.
Tiningnan ko ang kama. Satin shorts lang niya ang nandoon. Hawak niya ang sando. Wala siyang ibang suot kundi panty lang na kulay peach.
Bakit ko ba ginagawa 'to sa sarili ko, punyeta naman.
"Kanina ka pa, ngayon ka lang natapos maligo?" tanong ko, pilit itinatago ang inis doon kasi malamang na uubuhin na naman siya kasi ang tagal niya sa shower.
"N-Nahihirapan akong yumuko . . ." sabi niya.
"E, di sana sinabi mo sa 'kin."
Wala siyang sinabi. Humigpit lang ang yakap niya sa sando.
"Akin na, bibihisan kita. Ang lamig-lamig dito, hindi ka nagbibihis agad."
Kinuha ko na ang sando sa kanya at kahit pareho kaming nahihiya, hinarap ko siya para maisuot sa kanya ang damit niyang pagkanipis-nipis.
"Huwag kang magsuot ng ganito," sabi ko. Hinatak ko ang kumot sa kama at ibinalot sa kanya. "Upo ka muna diyan. Hahanapan kita ng ibang damit."
Ano ba naman 'to si Manang? Bakit naman ang ipinasusuot kay Kyline, ang ninipis?
Pumunta ako sa closet ni Ky na katabi ng bathroom. Pinaghahatak ko ang mga drawer doon at humugot ng T-shirt. Sinukat ko pa sa sarili ko kung gaano kalaki o kung kasya ba kay Kyline at hindi maiipit ang tiyan niya. May nakuha akong isang kulay blue na medyo malaki at iyon ang inilabas.
Pagbalik ko sa kama, matipid ang ngiti ni Kyline pagkakita niya sa akin.
"Mamaya paggising, tutulungan kitang maligo, ha?" sabi ko. Naupo ako sa kama at ipinaipit sa bandang kilikili niya ang kumot para matakpan ang bandang dibdib niya. "Dito muna ako matutulog ngayon. Sasamahan kita."
Isinuot ko na sa ulo niya ang T-shirt sunod ay kinuha ko ang magkabilang braso niya.
Nakayuko lang siya habang inaayos ang damit. Kinuha ko ang buhok niyang naisama sa pagsuot at inilabas 'yon para iladlad. Kinuha ko na ang shorts niya para sana ipasuot kaso inawat niya ako. Umiling lang siya sa akin.
"Bakit?" tanong ko.
"Ayoko munang isuot. Nahihirapan akong hubarin kapag magbabanyo ako."
Napangiwi pa ako habang takang-taka sa sinabi niya.
So, ano? Buong gabi, T-shirt at panty lang ang suot niya? Tapos tabi kaming matutulog?"
Napapangiwi siyang umatras para sana sumandal sa headboard. Parang bigat na bigat siya sa katawan niya.
Naalala ko kung paano siya mahiga kanina kay Clark na para bang napakakomportable ng hinihigaan niya.
"Saglit."
Inilapag ko sa round chair ng vanity dresser niya ang shorts na ayaw niyang isuot. Nauna na akong pumuwesto sa likuran niya sa may headboard at doon ko inayos ang mga unan para masandalan ko nang maayos.
"Tara dito," sabi ko at halos buhatin siya palapit sa akin mula sa bandang kilikili niya. Ipinuwesto ko siya sa pagitan ng mga binti ko.
"Leo . . ."
"Bakit?"
"Okay lang bang nandito ka?"
"Okay lang." Pinasandal ko siya sa dibdib ko gaya ng ginawa niya kanina kay Clark, at saka ko lang na-realize na dapat pala ganito na lang ang ginawa ko sa kanya last night kaysa kung anong paling pa ang ginawa ko para lang mayakap siya.
Ang bobo ko rin minsan.
Hinatak ko na ang kumot para sa aming dalawa at sobrang komportable ng pakiramdam nang, sa wakas, nakapuwesto na kami nang maayos.
Naaamoy ko ang bango ng buhok ni Kyline. Amoy bulaklak.
Parang trap pala itong puwesto namin. Hindi pala ako basta-basta makakaalis kung sakali. Patay na.
Inayos ko na lang ang buhok niya para hindi maipit sa akin. Ipinaling ko iyon sa kaliwang balikat niya at saka siya niyakap mula sa likod.
Estrogen shit, whatever. Required daw para hindi siya ma-depress.
Pero ang lambot ni Ky. Ang bango rin niya. Ang sarap niyang yakapin.
Komportable kaya siya sa puwesto namin? Ako, oo.
"Leo . . ."
"Matulog ka na. Masama raw sa 'yong magpuyat."
Wala na siyang sinabi. Ramdam ko ang bigat ng buntonghininga niya saka sumandal pa lalo sa akin.
Sa itinagal-tagal kong nabubuhay nang mabigat ang loob, ngayon lang gumaan ang pakiramdam ko. Ewan ko rin kung bakit o paano. Sabi ni Will, nakakagaan daw talaga ng loob ang cuddles.
Akala ko, mga nanggagago lang ang barkada ko. Legit pala talaga.
Fuck, estrogen. Mukhang kailangan ko rin ng supply ng hayop na 'to.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top