Chapter 36: Estrogen



"Parang masarap kumain ng mami, yung sa may Raon."

Tumingin ako kay Clark, nakangiwi siya sa akin. Sunod si Rico na pinandidilatan ang center table na laman ang mga meryenda namin. Sina Will, Patrick, at Calvin, biglang nagsipag-iwas at pumaling sa kabilang direksiyon mula sa inuupuang couch.

"Don't tell us, bibilhan mo na naman si Ky?" bored na tanong ni Clark.

"Baka lang gusto rin niya," sagot ko.

"Dude, may number kami ni Ky pero wala naman siyang binabanggit na request. Ikaw, kung makahanap ka ng pagkain, parang ikaw ang buntis, a."

"Imposibleng nahakbangan 'yan," sagot ni Will. "Hindi nga makaupo kina Kyline, hahakbangan pa?"

"Baka nga lang," katwiran ko na naman.

"E, di dumayo ka ng Quiapo! Shoo!" Tinaboy pa ako ni Clark.

"Gago, nagsasabi lang ako." Binato ko agad siya ng throw pillow.

Ewan ko ba, nitong mga nakaraang linggo, pawirdo na nang pawirdo ang naiisip kong kainin.

Minsan, bumili ako ng pakwan tapos isinawsaw ko sa alamang. Ang weird ng lasa pero masarap naman. Inalok ko n'on si Kyline kaso sabi niya, nasusuka raw siya sa amoy . . . hindi ng alamang kundi ng pakwan.

Bumili rin ako ng atis saka ginawang shake. Pinatrabaho ko kay Manang noong wala si Sir Adrian at pinagbantay ako kay Kyline isang hapon.

Okay kami ni Ky roon kahit na pahirapang maghanap ng atis sa Muntinlupa saka Makati.

Nag-ulam din kami ni Kyline ng sliced avocado na toppings sa giniling na ginataan at hinaluan ng curry powder at white onions. Naalala ko pa ang tingin sa amin ni Manang. Para kaming mga aswang na kumakain ng tao sa dining area nila tapos siya ang nandidiring nakatingin sa amin ni Kyline. Siya rin naman ang nagluto n'on para sa amin.

Sina Clark, nakakabiyahe by land kaya minsan, kapag galing sa bakasyon, nag-uuwi ng pasalubong para sa akin na paghahatian din namin ni Kyline. Kaya nga umay na umay na sila sa mga kawirduhan ko na hindi ko naman hinihingi dati.

Sobrang hands on ni Sir Adrian sa work saka sa pangalawang asawa niya. Si Kyline, twenty na rin naman. I don't think na dapat pa ba siyang bantayan na parang bata. Kaya siguro pumayag na rin silang ako ang mag-alaga kay Kyline.

Hindi ko pa nakakausap ang parents ko, pero nagdesisyon akong pumasok pa rin sa school. Nag-enroll ako para sa fourth year ko, pero hindi ako nag-take ng ibang units na may laboratory. Hindi ako nagpa-enlist sa mga subject na 'yon kaya apat na subjects lang ang papasukan ko sa buong first sem.

Ayokong mag-stop, pero kailangan kong mag-compromise.

Ang plano, aalis ako kina Tito Bobby, maghahanap ako ng bagong apartment. Pero sumaktong aalis din si Sir Adrian pabalik sa China para sa work kaya kahit mabigat sa loob, pumayag na silang mag-stay ako sa bahay nila para maalagaan si Kyline.

Pero may conditions pa rin. Hindi kami sa isang kuwarto matutulog—kahit pa buntis si Ky.

Pumayag pa rin ako. At least, hindi na ako bibiyahe. Pero . . . na-shock ako nang doon na ako tumira sa kanila. Siguro kasi mas na-expose na ako kay Kyline at sa pagbubuntis niya.

"Ky?"

First night ko sa bahay ng mga Brias, balak ko sanang tanungin si Kyline kung gigisingin ko ba siya bukas o si Manang na bago ako pumasok, pero naabutan ko siyang umiiyak.

Grabe ang kaba ko kasi baka gawa ng takot o trauma o kung ano man na related sa nangyari sa aming dalawa ang dahilan ng pag-iyak niya.

Nagmamadali ko siyang nilapitan saka ako naupo sa harapan niya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko .

Wala siyang isinagot. Punas lang siya nang punas ng basang mukha.

"Masakit tiyan mo?"

Umiling naman siya. Lalong kumunot ang noo ko.

"Nanaginip ka nang masama?"

Iling na naman.

"O, e, bakit nga?"

Pinilit niyang pigilan ang iyak niya pero hindi naman nakikisama ang mata niya. Luha lang nang luha. Napakamot tuloy ako ng ulo.

"Miss mo na mama mo?"

Walang sagot. Ni iling o tango, wala.

"Tawagan mo kung nami-miss mo," utos ko.

"I called earlier . . ." naiiyak niyang sagot.

"Pinagalitan ka?"

Umiling naman siya.

"Bakit ka nga umiiyak?"

Walang sagot. Napakamot naman ako ng batok.

Bumalik ako sa kuwarto. Alas-dose ng gabi, 'tang ina, tinawagan ko si Clark. Sumagot ng hilik ang gago, nang-aasar pa, halata namang gising kasi sumagot ng call.

"Umiiyak si Kyline, ayaw magsabi kung bakit," sumbong ko.

Hilik ang isinagot sa akin ng gago. Nabubuwisit na nga ako kay Kyline, dadagdag pa 'tong gagong 'to.

"Clark, ano ba? Ano ba'ng gagawin ko rito? 'Tang ina naman, e," naiinis nang tanong ko.

"Pumunta ka sa kusina . . ." inaantok pang utos niya. E, di lumabas ako ng kuwarto, bumaba ako ng second floor, dumeretso ako sa kitchen kahit madilim na. Binuksan ko ang ilaw sa kitchen counter para makita ko ang ginagawa ko.

"O, tapos?" sabi ko.

"Kumuha ka ng pan . . ."

Nagbukas agad ako ng cabinet sa itaas ng sink. "Anong pan?"

"Yung malalim . . ."

Kinuha ko ang pinakamalaki at malalim na pan doon at iniwasang makagawa ng ingay. "O, tapos?"

"Tapos ipukpok mo sa ulo mo."

Ibabato ko sana ang pan sa sobrang gigil kaso natigilan ako kasi gabing-gabi na nga.

"'Tang ina ka, Clark, nagtatanong ako nang maayos, puta ka!" mahina kong sigaw sa phone.

"'Tang ina ka rin, alas-dose, natutulog ako, talagang mambubulabog ka?" sagot niya.

"Umiiyak nga kasi si Ky! 'Tang ina naman, e!"

"Gago ka ba? Natural lang sa buntis umiyak. Hormonal changes 'yon."

"O, ano ngang gagawin ko diyan sa hormonal changes na 'yan?"

"Hatinggabi na, dude, baka hirap makatulog. Mag-breathing exercise na lang muna siya. Check ko sched ng barkada bukas para makadaan kami. Tawagan ko si Will, baka need ni Ky mag-exercise."

"Hindi ba delikado sa baby 'yon?"

"Mas kailangan niya 'yon. At tutal, nandiyan ka na rin lang sa kusina, bigyan mo na lang din ng tubig, baka dehydrated 'yan, hindi lang nagsasabi."

"'Yon lang?" tanong ko pa habang nagbubukas na ng ref.

"Saka yakapin mo saka kiss mo na rin."

"Ulol!"

"Seryoso nga! Para ma-comfort! Hindi balance estrogen at progesterone level niyan, made-depress lang 'yan, nakakulong diyan sa kanila."

"Clark, huwag mo kong ginagago, ha. Bibigwasan kita diyan." Kinuha ko na ang tumbler ko roon kaysa kumuha pa ako ng pitsel at dalhin sa second floor.

"Seryoso nga kasi! Saglit, ha."

Biglang may tugtog na ng piano sa kabilang line. Pagtingin ko roon, conference call na 'yon. Kasama na si Rico sa call.

"Clark, come on . . . it's midnight . . ." inaantok pang sagot ni Rico.

"Early Bird, paano ako magsu-supply ng estrogen at progesterone sa human body?" tanong ni Clark.

"Makipag-sex ka na lang. Good night." At namatay na ang call.

Naiwan akong nakanganga sa sagot ni Rico.

At si Rico na 'yon . . . na gustong matulog!

"Kiss at hug lang ang suggestion ko," confident pang sagot ni Clark. "Ikaw na bahala kung susundin mo si Early Bird."

"Ang laki talaga ng silbi n'yo sa buhay ko, mga puta kayo." Ako na ang nagpatay ng tawag kay Clark habang nasi-stress sa suggestion nilang dalawa.

Ayokong tanggapin ang suggestion nila kaya tinawagan ko na rin si Will para sa tie-breaker decision ko.

"Dude, wow. Midnight, wow . . " Inaantok din ang boses ni Will, pero kompara kina Clark at Rico, mas kalmado ang kanya.

Ang bigat ng buntonghininga ko habang nakatayo sa harapan ng nakasarang pinto ng kuwarto ni Kyline.

"Dude," panimula ko. "Umiiyak kasi si Kyline. Legit ba, hormonal imbalance 'to?"

"Hmm . . . probably yeah. Or depressed. Hindi ba makatulog?"

"I guess. Umiiyak kasi. Hindi raw masakit ang tiyan. Walang sinasabing reason, basta umiiyak lang."

"Baka nga stressed or hormonal imbalance. Hindi niya makokontrol 'yan. Hindi mo kasama sa room, right?"

"Yeah."

"Samahan mo na lang muna. Or let her feel na may kasama siya kasi ilang months na rin siyang nandiyan sa kanila, wala siyang interaction sa labas."

"If I hug her, makakatulong ba?"

"Yes, absolutely. Hugs or cuddles are better than sleeping pills. If Ky's not comfortable sleeping or having a hard time sleeping, hugging her will definitely help her sleep well. Ika-calm n'on ang mind niya so she won't feel the isolation and sadness. You know? Science shits."

"Okay lang bang yakapin ko siya?"

"Nabuntis mo na siya, ano lang ba ang hug?"

Ay, buhay. Bakit ganito ang barkada ko?

"Fine," pagsuko ko. "Walang malisya 'to, ha?"

"Dude, if you're still being defensive about your feelings for Kyline, walang patutunguhan ang ginagawa mo. You don't have to admit to us na gusto mo siya or something. Just accept the fact that you care, kahit para na lang sa sarili mo. Free yourself. Don't contain your emotions, hindi 'yan healthy physically. Normal lang ma-in love, it's human nature."

"Hindi . . . ako . . . in love . . ." pag-iisa-isa ko sa kanya.

"Then fake it until you can't control it. You love her. Tanggap na namin, sana ikaw rin. I'll call Clark paggising bukas—or mamaya. Try naming mag-schedule ng dalaw diyan para makapag-exercise si Kyline. Sige na, good night."

Wala na akong maisagot. Iyon din ang plano ni Clark, and their suggestions were matching so I guess magpaplano nga sila.

Pagbalik ko kay Kyline, yakap-yakap na niya ang isa niyang unan habang umiiyak pa rin.

"Gusto mong tubig?" tanong ko. Kahit wala pa siyang sagot, binuksan ko na ang tumbler ko at inalok sa kanya.

Uminom naman agad siya habang nakaalalay ako sa katawan ng tumbler.

Tahimik lang ako habang sinasarhan 'yon matapos niyang uminom. Pumunta rin ako sa bathroom niya, kumuha ng face towel sa drawer na katapat ng pintuan, at binasa ang isang dulo n'on.

Bumalik na rin ako kay Kyline at pinunasan ang mukha niyang pulang-pula na.

Mugto ang mata niya, namumula ang ilong pati pisngi, mas lalo na ang labi.

Naaawa ako kay Kyline habang hinihilamusan ko. Dikit na ang ilang hibla ng buhok niya sa pisngi saka sa noo.

'Tang ina, manonood lang ako habang umiiyak 'to? Hindi raw makokontrol sabi ni Will, e. Ang hassle naman n'on.

Sabi ni Clark, yakapin ko raw. Ganoon din si Will. Si Rico, ewan ko ba sa gagong 'yon, pero baka sapakin ko na lang pagkita namin sa susunod.

Inayos ko ang kumot ni Ky na magulong-magulo. Nakasuot siya ng satin na pantulog, yung mukhang sando na manipis ang strap saka shorts na hanggang gitna ng hita ang haba.

Ayoko namang yakapin si Ky nang nakaharap siya. Ang awkward.

Ipinatong ko ang towel sa nightstand at tumabi sa kanya.

"Sasamahan muna kita rito," paalala ko. "Huwag mong sasabihin sa mama mo na sinamahan kita rito, baka palayasin ako n'on."

Wala siyang sinabi, tumango lang. Nahiga na siya at kinuha ulit ang unan niyang basa na ang isang dulo.

Yayakapin ko raw sabi ni Clark at ni Will.

Puta talaga, bakit ba nauso 'yang hinayupak na estrogen na 'yan?

Humiga ako sa tabi ni Kyline at para akong hinuhugutan ng hangin sa baga habang nahihirapang lumunok.

Si Mama pa lang ang babaeng nakakatabi ko sa pagtulog. At ten years old ako noong huling nangyari 'yon. Napapangiwi ako sa ginagawa ko.

Paano ko siya yayakapin, e nakahiga kaming dalawa?

"Dito ka," sabi ko nang medyo masungit. Baka kasi isipin niya, nananamantala ako ng pagkakataon.

Umurong naman siya sa akin papalapit. Kinuha ko ang unan para bitiwan niya at inilipat sa likuran niya. Napalunok ako nang sobrang hirap nang biglang uminit paglapit niya, lalo't nakakumot pa kami.

"Sabi ni Clark, para daw 'to sa estrogen level mo. Para hindi ka na umiiyak," paliwanag ko.

Wala naman siyang sinabi.

"Hindi kita tsatsansingan, ha? Huwag kang assuming."

Wala na naman. Tahimik pa rin.

Saglit kong inangat ang ulo niya at inilagay sa ilalim ng leeg niya ang kaliwang braso ko. Kinuha ko ang isang kamay niya para ilagay sa bandang tagiliran ko pero napansin kong papaling pala siya sa akin. Baka gumilid masyado ang baby kaya litong-lito na ako kung paanong yakap ba ang gagawin ko sa kanya.

'Tang ina naman kasi, paano ba mangyayakap nang hindi naiipit ang braso at tiyan niya?

Nakakawala ng angas ang ginagawa ko. Sa paghahanap ko ng komportableng posisyon ng paghiga para sa aming dalawa, ang ending, nakahiga siya nang lapat ang likod at medyo mababa ang una. Ako na ang nakahiga sa balikat niya imbes na siya sa balikat ko. At nakayakap na ang braso ko sa bandang tiyan niya.

Hiyang-hiya na ako sa pinaggagagawa ko dahil sa suggestion nina Clark. Hirap na hirap akong huminga kapipigil ko ng hangin. Pakiramdam ko, kasalanan kung bubuga ako ng carbon dioxide kay Kyline.

Ilang minuto rin akong bigat na bigat sa sarili ko kasi ayoko siyang daganan.

Nang maramdaman kong naging kalmado na ang paghinga niya, saka ako marahang umangat para makaalis.

Mangangawit ako magdamag kung magtatagal ako sa ganoong posisyon.

Inayos ko ang kumot sa bandang kanya at pumuwesto ako kapantay ng ulo niya. Itinukod ko sa unan ang kaliwang siko ko at ipinatong sa palad ang gilid ng ulo.

Nakatulog na siya, sa wakas.

Nakatitig lang ako kay Kyline habang inaalis ang mga hibla ng buhok niya sa noo.

Natitigan ko siya nang malapitan noon sa stag party, pero ngayon, mas kalmado na kaming dalawa. Mas payapa na siyang tingnan. Mas kampante na rin ang pakiramdam ko.

Pinasada ko ang gilid ng daliri ko sa pisngi ni Kyline. Ang kinis ng mukha niya.

Sumunod ang tingin ko sa tumulong luha sa nakapikit niyang mata. Mabilis ko iyong sinalo para punasan.

Lalong bumigat ang buntonghininga ko. Ang hirap naman ng lagay namin nito.

Bumaba ang tingin ko sa namumulang labi niya. Manipis lang 'yon, bagay sa mukha niyang hindi matapang.

Marahan kong pinadaan doon ang hinlalaki ko at . . . sinapian na siguro ako ng kung ano. Saglit akong yumuko at idinampi ang labi ko sa kanya.

Pilit jina-justify ng utak ko na suggestion 'yon ni Clark kaya ko ginawa, kahit na sobrang unreasonable na.

Ang lalim ng paghugot ko ng hininga nang dahan-dahang lumayo. Pagsilip ko kay Kyline, natuod ako nang makitang bahagya siyang nakamulat at nakatitig sa akin.

Sumisigaw ang loob ng utak ko ng "PUTANG INAAA!"

Hindi ako kumilos at huminga habang nakatitig siya sa akin. Kahit ngawit na ngawit na ako sa puwesto ko.

Please, huwag kang magre-react. Huwag kang magre-react. Huwag kang magre-react. Huwag kang magre-react. Huwag kang magre-react.

Dahan-dahan siyang pumikit naging kalmado ulit ang paghinga.

Marahan na akong gumalaw palayo, marahang nag-angat ng kumot, marahan 'yong inayos habang unti-unting dumadausdos pababa sa kama para hindi gagawa ng malakas na pagtalbog pag-alis ko. Maingat kong kinuha ang phone ko sa nightstand at nakaluhod akong gumapang sa sahig papuntang pinto. Marahang pinihit ang doorknob at marahan 'yong binuksan. Maingat akong pumuslit sa labas at marahang isinara ulit ang pinto. Nagmamadali akong bumalik sa katapat na kuwarto at maingat 'yong isinara para walang ingay na magawa.

Tumakbo agad ako papunta sa kama at halos ibato ang sarili ko roon.

Kinuha ko ang isang unan doon saka kinagat nang sobrang diin gawa ng panggigigil sa sarili ko.

"Ang bobo mo, Leopold! Ang tanga! Ang tanga-tanga!"

Putang inang estrogen 'yan! Mamatay na nagpauso ng putang inang 'yan!



♥♥♥

A/N: Uy, segue lang. Nagda-drop ako minsan ng spoilers sa FB group page ko. Lena0209's Collections at sa Telegram: t.me/TambayanNiLena. Sagutan n'yo lang ang questions doon para maka-join.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top