Chapter 31: Brave
"Ky's pregnant?! What the fuck?"
Like what we've plan last night, pupunta kami sa Dolleton para bisitahin si Kyline. Van ni Rico ang gamit namin at pa-Alabang na kami matapos sunduin si Clark sa San Lorenzo Ville sa Makati.
At dahil si Pat ang wala sa meeting last night, late na namin siyang na-brief na ito ang bonding namin ngayon—not just a simple out of town pero dadalawin ko si Kyline after more than fifteen weeks of not seeing her.
"Once n'yo lang ginawa 'yon, di ba?" tanong ni Patrick na nasa gitna nina Will at Clark sa backseat.
"Malamang," sagot ko.
"That's unfair!"
Sabay-sabay pa namin siyang nilingon para lang magtanong kung ano'ng pinagsasasabi niya.
"Anong unfair?!" sigaw rin ni Clark. "Gusto mo, ikaw nakabuntis kay Ky?"
"No, of course not!" galit ding sagot ni Patrick. "But they did that once and Ky's pregnant already!"
"Ngayon?"
"Am I barren?" malungkot na tanong ni Pat, at hindi namin siya nage-gets.
Ako ang nakabuntis dito, bakit siya ang nagtatanong kung baog ba siya?
"Hnnggg—" Akmang hahagulhol si Patrick sa sama ng loob pero sinapok agad siya ni Clark sa noo kaya nahinto sa hangin ang pag-iyak dapat niya at tiningnan nang masama si Clark.
"Pat, parang tanga?"
"I'm gonna cry because I'm fucking sad!" galit na sigaw ni Patrick kay Clark. "I want a baby too!"
"E, di mambuntis ka rin!" sagot ni Clark. "Para kang sira. Bato kita sa Mars, e."
"But I don't want anyone else!"
"Puta ka, Pat. Kung pag-uusapan na naman natin si Melanie, tantanan mo kami," warning agad ni Calvin.
"You're mean, guys. I hate you all." Kusot-kusot na ni Patrick ang mata.
Pare-parehas kaming nag-eyeroll habang nakalingon ako kay Pat mula sa sa passenger seat.
Malapit-lapit na kami sa bahay nina Kyline, at sabi ko nga kay Rico, magdala kami ng makakain ni Ky para pasalubong. Kaso sabi niya, sa second meeting na raw kasi kung mapalayas kami, baka itapon lang ng mama ni Ky ang pasalubong namin. Pero bumili pa rin ako kahit isang basket lang ng prutas. Ang sinabi ko na lang, ibibigay ko kapag paalis na ako para sigurado.
Paghintong-paghinto ng van sa tapat ng bahay nina Kyline, doon lang ako inatake ng kaba sa napakaraming dahilan.
"Dude, you sure about this?" paninigurado ni Rico patingin sa akin.
Napalunok ako.
"Safe bang pumasok diyan?" tanong ni Clark. "Parang nakakatakot. Hindi kaya paulanan ka ng bala ng nanay ni Kyline?"
Ang totoo, hindi ako natatakot sa nanay ni Kyline. Mas kinakabahan ako kung makakausap ko ba si Ky. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"Bababa na 'ko," sabi ko.
Ako lang naman dapat pero lahat sila, bumaba rin ng van.
"Okay lang ba 'tong suot ko?" tanong ko sa kanila habang inaayos ang long sleeves kong light green ang kulay. Ayoko ng green, sa totoo lang. Mas gusto ko ng royal blue o kaya black, pero sabi ni Clark, light green daw saka white pants para maaliwalas akong tingnan. Nag-agree naman sina Calvin kaya pumayag na lang din ako kahit mukha akong pistachio ice cream.
"Ang laki ng eyebags mo, dude," sabi ni Calvin, sinasampal-sampal nang mahina ang pisngi ko para gisingin ang diwa ko. "Gusto mo ng concealer para matago nang slight?"
"Hayaan mo na 'yan, para mukha siyang haggard," sabi ni Clark na pinapagpag ang gusot sa shirt ko mula balikat hanggang likod. Mabubuwisit sana ako sa sinabi niya kung hindi lang niya jinustify. "Baka isipin ng mama ni Kyline, nagpapakasarap siya sa buhay niya habang may kaso pa tayo."
Inayos ni Rico ang cuff ng sleeves ko. Si Patrick naman ang nag-doorbell at sinamahan siya ni Will.
"After an hour, text kayo," sabi ko. "Kapag wala akong reply, tawag na kayo ng pulis."
"May pending case pa tayo, dude," sabi ni Will. "Gusto mong hulihin na naman tayo?"
"Tawag na lang kayo kay Padi para sure," sagot ko.
"'Ge, 'ge, 'ge."
Pare-parehas kaming humugot ng hininga habang naghihintay na pagbuksan kami ng gate.
Ilang segundo lang, may lola na nagbukas ng single gate at tiningnan kami.
"Good afternoon po," bati ko.
"Ay, ano'ng kailangan nila?" tanong niya at inipit sa kilikili ang walis tingting na hawak.
"Kakausapin ko po sana si Miss Brias saka si Kyline," sabi ko.
"Ano'ng pangalan nila?"
"Leo po."
"Ah . . ." mahabang sabi niya saka ibinukas ang gate nang mas malaki pa. "Pasok kayo."
"Ako lang po," sabi ko.
"Ay, o, sige, tena."
Humakbang na ako at nilingon ang barkada. Nagsisipagtanguan sila sa akin habang nagtataas ng nakakuyom na kamao para i-cheer ako sa ganoong paraan.
Pagsara ng single gate, saglit akong huminto para tingnan ang bahay ng mga Brias at Chua. Malaki rin naman pero parang sinlaki lang ng bahay namin. Wala pa rin sa laki ng mansiyon nina Patrick.
Sa harapan ng bahay ang pinaka-parking lot nila. Nakahilera doon ang limang sasakyan na puro malalaking klase, at may tatlong motor pa. Contemporary modern house na hanggang tatlong floor ang taas. White, gold, and black ang kulay ng exterior at maraming sharp edges kaysa rounded.
Bermuda grass ang pathway na dinaanan namin na may malalaking bato bilang tapakan.
Dumeretso kami sa alley na katabi ng bahay imbes na sa front door. Ang alley na dinaanan namin, hile-hilera ang vined plants at may halaman sa maliliit na paso na nakasabit sa criss-cross bamboo wall.
"Ikaw pala si Leo," sabi ng manang na nagbukas ng gate. "Naririnig-rinig lang kita kina Gina."
"Opo," simpleng sagot ko. Nakatitig lang ako kay Manang habang nakayuko nang kaunti dahil hindi rin naman siya ganoon katangkaran.
"Buti napadaan ka rito," sabi niya. "Suwerte mo, nandito si Addie, hindi ka ikukulong ni Belinda sa storage room."
Saglit akong nandilat dahil sa sinabi ni Manang, as if sobrang casual lang n'ong mangyari dito sa kanila.
What the fuck? Don't tell me, talagang may tine-terror ang nanay ni Kyline dito sa kanila?
Mula sa dulo ng alley, may kasalubong na kaming mas bata pang babae, parang katorse o kinse anyos pa lang.
"Cherry, pasabi kina Linda, may bisita," utos ni Manang.
Pagtingin sa akin ng dalaga, saglit siyang nagbuka ng bibig saka tumango. Lumiko siya sa kanan at mukhang doon na sa may garden kami lalabas.
Paglabas sa alley, wala nang roofing doon kaya tirik na tirik ang araw nang lumabas kami. Napasimangot tuloy ako sa init. May garden doon sa nilikuan namin. May isang corner pa ng bahay at panibagong liko sa kanan kung saan tanaw naman ang poolside. Mukhang piyesa ng Tetris tile pala ang bahay nila mula sa loob.
Mula sa garden, mukhang nag-uusap-usap din sila roon at unang nakita ng mga mata ko si Kyline na nakasuot ng simpleng light blue strappy dress na flowy ang laylayan. Malayo sa kung ano ang kadalasan kong nakikitang suot niya sa may DFA na hapit sa katawan at sobrang ikli.
Ang bigat ng paghinga ko habang nakatitig sa kanya na gulat na gulat pagkakita sa akin.
Nangingilabot ako, at sa isang iglap, halos lahat ng sama ng loob kong pilit na inaalis ng gamot sa sistema ko, bumalik nang isang bagsakan para bigyan ako ng mas mabigat pang sama ng loob para maramdaman.
Nakuyom ko ang kamao ko habang pinipigilang huwag mangilid ang luha sa mga mata.
Gusto kong magalit pero gusto ko rin siyang yakapin nang sabay. Gusto kong manisi. Gusto kong sabihin ang lahat ng itinago ng utak ko sa loob nito habang naghihintay akong maging okay sa loob ng mahigit dalawang buwan.
"Tara, hijo," aya ni Manang at tinapik ako sa braso kaya nawala kay Kyline ang atensiyon ko.
"Sige ho."
Dinala nila ako sa pinaka-receiving area yata nila. Glass wall ang palibot n'on at tanaw na tanaw mula sa loob ang garden nilang maraming bulaklak. Malawak doon sa loob at presko rin dahil nakakapasok ang hangin mula sa malaking bintana, may pabilog na mesa sa isang dulo habang puro na couch sa kabila.
Pinaupo nila ako sa isang wooden chair sa may malaking mesa at doon sa tapat ko pinaupo si Kyline. Sa kanya lang ako nakatingin habang papaupo rin sa tabi niya ang parents niya.
Uminom naman ako ng gamot kanina pero parang sirang pelikula ang nakikita ko ngayon. Mula sa nag-aalalang mukha ni Kyline dito sa garden nila, kada kurap ko, bumabalik ang itsura niya noong umiiyak habang nagmamakaawa sa harapan ko. Kinokontrol ko ang paghinga ko hanggang sa abot ng makakaya ko dahil sa loob-loob ng utak ko, nagwawala na ang sarili ko gawa ng galit.
Gusto kong manisi na naman, pero wala kasi sa lugar.
Panibagong malalim na paghinga at ako na ang nag-iwas ng tingin saka tumingin na lang sa mesa.
"Mabuti, alam mo itong bahay namin," sabi ng mama ni Kyline.
Matagal ko naman nang alam. Tagaroon lang naman ako malapit sa entrance noon.
"Marami ho akong puwedeng pagtanungan," sabi ko na lang.
"Tapos na ang therapy mo?" tanong ni Sir Adrian.
"May remaining two sessions na lang po," sagot ko.
"Nasaan ang parents mo, bakit hindi mo kasama?" tanong ng mama ni Ky.
"Kaya ko pong humarap sa inyo nang ako lang. Hindi ko po kailangan ng magulang. Nasa tamang edad na po ako."
"Ehem." Napatingin ako kay Sir Adrian na naglinis ng lalamunan niya saka pasimpleng tumanaw sa garden habang nakakunot ang noo.
"Kahapon lang tayo nag-usap, nandito ka na agad." Nalipat ang tingin ko sa mama ni Ky.
"Mom?" Napaayos ng upo si Kyline, nagulat yata sa nalaman niya. Kung alam lang niya kung gaano ako kadalas pagbantaan ng nanay niya.
"Gusto ko lang pong maging klaro sa sitwasyon," paliwanag ko agad.
"At ano'ng kaklaruhin mo?"
"Nandito po ako para sa karapatan ko."
"Leo?" Mukhang litong-lito na si Ky, hindi na alam kung sino ang titingnan sa amin ng mama niya. "Mom, what's happening?"
"Anak . . . makinig ka muna."
"Paninindigan ko po si Kyline kung kinakailangan," sabi ko at umani 'yon ng mahinang tawa kay Sir Adrian, na para bang joke lang ang sinabi ko.
"Ilang taon ka na nga ulit, hijo?" tanong pa niya.
"Twenty po."
"Hindi ka pa graduate ng college, di ba?"
"Third year na po ako."
"Still, hindi pa rin."
"Kinausap ka namin ni Gina kahapon para lang linawin ang kaso ng anak ko na may kinalaman ka," sabad ng mama ni Kyline.
"Kung ipakukulong n'yo ako, hindi po ako lalaban. Kung ano ang sa tingin ninyo ay dapat gawin sa kaso noon pang February na kasama ako, wala po akong irereklamo. Pero gusto ko lang din pong linawin na kung meron mang mabuo sa tiyan ni Kyline, paninindigan ko 'yon."
"Wha—Mom? Mom, what's going on?"
Nanatili lang ang tingin ko sa mama ni Ky kahit nagpa-panic na siya sa upuan niya.
"May natitirang follow-up test pa para kay Bellamy," sabi ng mama ni Ky. "Katatapos lang niya sa lab test for possible infections. Although, negative ang result, nag-positive naman siya sa pregnancy test, at alam kahit ng prosecution na walang ibang semen and DNA sample na naka-record sa evaluation niya kundi iyo lang."
"Kaya po nandito ako," sagot ko.
"Hindi mo kailangang panindigan ang anak ko. Hindi mo rin kailangang pilitin ang sarili mo rito dahil kaya naming buhayin ang anak niya."
"Hindi ko po pinipilit ang sarili ko. Kung hindi ako desidido, hindi n'yo ako makikita ngayon o kahit na kailan."
"Hijo," putol ni Sir Adrian, "alam din namin ang status mo ngayon. Hindi ka pa okay. We're only informing you that this case is still ongoing, and the results came up with something na magpapaandar sa kaso ninyo nina Elton Corvito."
"Naiintindihan ko po, sir. Pero desidido rin po akong pakasalan si Kyline kung kinakailangan."
"Alam kong nasa batas na hindi ka makakasuhan kapag pinanindigan mo ang anak ko," depensa na naman ng mama ni Ky. "Kung iniisip mong sa ganoon mo matatakasan ang kasong 'to, tumigil ka na ngayon pa lang."
"Wala po akong tatakasan, ma'am. Hindi ko po babaguhin ang desisyon ko."
"Hiwalay kami ng daddy ni Belle. Nabuhay ang anak ko nang hindi kami magkasama ng daddy niya. Bilang magulang, alam ko kung ano ang kahihinatnan ng papasukin ninyong dalawa."
"Alam ko po ang pakiramdam ng hindi kinikilala ng magulang at ayokong maranasan din 'yon ng magiging anak ko. Bilang anak, sana naiintindihan din ninyo kung bakit ko ginagawa 'to."
"Sa lagay mo ngayon, tingin mo, maaalagaan mo ang anak ko, hmm?"
"Tatapusin ko lang po ang therapy ko. Pero kung naghahanap kayo ng financial support, may pera po ako. Hindi pa ako graduate ng college, pero first year pa lang po, nagtatrabaho na ako para sa sarili ko. May associate degree po ako sa applied physics. Nag-work din po ako as financial consultant. You can check my background, may record po ako as an employee sa Citilife Finance. Meron din po akong hawak na account sa operations under ng DCY Distributors. Two years na lang naman, graduate na ako. And for the record, ako po ang nagpapaaral sa sarili ko. Wala po akong kotse, pero may hinuhulugan akong monthly amortization sa isang bahay diyan Alabang West. Nasa Makati lang po ako ngayon kasi doon po ako nagpapagamot. Kung nag-aalala po kayo na ibabahay ko ang anak n'yo, hindi ko po siya kukunin hangga't walang permiso. Kung kailangang dalawin ko siya rito sa inyo araw-araw, wala hong problema, gagawin ko po. Huwag n'yo lang ilayo sa akin ang responsabilidad ko."
Nagkatinginan sina Sir Adrian at mama ni Ky. Umalis sila sa mesa at pumunta na naman sa garden para yata mag-usap.
Naiwan kami ni Kyline sa mesa at namumula na ang mata niya habang naiipon doon ang luha.
Gusto kong sabihing huwag siyang iiyak sa harapan ko dahil pagdadabugan ko talaga itong mesa, pero ayokong gumawa ng dahilan para ipatapon ako sa labas ng bahay nila ora mismo.
"Don't force yourself, Leo. I'm fine," mahinang sinabi niya. "You don't have to hurt yourself like this . . ." Tuluyan nang tumulo ang luha niya at marahang umiling. "If Mom threatened you to do this, please don't . . ."
"Kung idinaan ako ng mama mo sa threat, hindi ako pupunta ritong mag-isa—o hindi ako pupunta at all."
"Leo . . ."
"Ginawa natin 'yang dalawa kaya paninindigan kita." Mabilis kong kinuha ang panyo ko sa bulsa at ibinato sa harapan niya. "Magpunas ka ng mukha. Baka sabihin ng parents mo, hindi pa tayo kasal, pinaiiyak na kita."
Lalo lang siyang umiyak dahil sa ginawa ko. Para talagang tanga 'tong babaeng 'to kahit na kailan.
"Tsk." Ang bigat ng pagbuga ko ng hininga at saglit na napairap. "Puwede ba, Ky . . ."
"Sorry . . ." Nanginginig ang kamay niya nang damputin ang panyong ibinato ko. "I have no idea what's happening . . ."
Ang bilis mamula ng mukha niya gawa ng pag-iyak. Nakatitig lang ako sa kanya, hinihintay na gamitin niya ang panyo ko, pero tanga yata talaga 'to ever since. Kuyom lang ang panyo, hindi naman ginagamit kahit nalulunod na ang pisngi niya ng luha.
Nabubuwisit ako lalo. Ano ba? 50 lang ba'ng IQ nito?
Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Marahas kong inagaw ang panyo ko kaya siya napatingala dahil sa gulat.
"Kaya nga ibinigay para gamitin," sermon ko at hinawakan siya sa gilid ng ulo saka pinunasan ang mukha niya.
"Um-hm." Napatingin ako sa kaliwang gilid nang magparinig si Manang na kalalapag lang ng isang tray ng juice sa mesa. "Ang nanay at tatay, nandiyan lang sa labas, ha?"
Nagsalubong agad ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Pinupunasan ko lang ho ang mukha," katwiran ko.
"Ay, ang alaga ko'y may kamay naman."
"E, hindi nga ho ginagamit kahit pa may kamay."
Bigla akong tiningala ni Manang na puno ng malisya ang tingin, alanganin pang nangingiti. "May may kras ka ba sa alaga ko, anak?"
Lalo akong napasimangot saka ibinato ang panyo sa mesa.
"Kilabutan nga ho kayo," sabi ko at bumalik na sa upuan ko.
Nakatingin lang ako kay Kyline habang ipinaghahanda kami ng juice ni Manang. Bumalik na rin sina Sir Adrian sa mesa saka bumalik kami sa usapan. Hindi na nila inusisa ang namumulang mukha ni Kyline dahil malamang nakita na nila kami kahit nasa garden sila.
"Ngayon pa lang, paaalalahanan na kita, hijo," sabi ni Sir Adrian. "Ang kasal, hindi 'yan basta naisipan mo lang kaya mo gagawin. Ang daming proseso niyan. Ang iniisip namin ngayon, ang anak ko at ang magiging anak din niya."
Tumango lang ako at nakinig.
"May kaso ka pa, at hindi pa kami desidido kung ano ang gagawin sa 'yo. Masama pa rin ang loob namin sa nangyari, pero doon na rin kina Elton Corvito nanggaling na napuwersa ka lang ding sumunod. Kino-consider din namin 'yon."
"Naiintindihan ko po."
"Bilib din ako na kahit ilang beses na kayong nagkausap ni Linda, nagawa mo pa ring bumisita rito sa amin para kay Belle. Hindi lahat, may lakas ng loob para dumalaw rito."
"Alam ko po."
"Sa ngayon, tutol pa kami sa kasal. Pasensiya na."
Napahugot ako ng hininga saka dismayadong tumango. "Okay lang po."
"Pero hindi namin aalisin ang karapatan mo sa bata, kung 'yon ang gusto mo."
"Addie," kontra ng mama ni Ky, at mukhang tutol din siya kahit doon.
"Linda," saway ni Sir Adrian sa dati niyang asawa, tinatapik ito sa kamay na nakapatong sa mesa. "Can we appreciate the gesture of the kid? At least, hindi niya tatakbuhan ang anak natin."
"I don't like him!"
"But he's still the baby's father. Let's consider some things first."
"I'm done considering things, Adrian. It's already April! Palala nang palala ang sitwasyon!"
"Do this for the baby, please?"
"He raped our daughter!"
"Mommy!" Umawat na si Kyline kaya napairap na lang ako. Ganitong-ganito rin ang eksena namin noon habang iniimbestigahan kami.
"No one wanted that to happen aside from those bad kids, Linda. Puwede bang maging rational tayo kahit ngayon lang? Can we do this the sake of the baby?"
"If something worst happened, wala akong ibang sisisihin kundi ikaw," banta ng mama ni Ky, dinuduro si Sir Adrian. Padabog siyang tumayo at kinuha ang kamay ng anak niya.
"Mom . . ."
"Doon ka sa loob," mahigpit na utos niya at galit na nagmartsa papasok sa loob ng bahay nila tangay si Kyline.
"Wala akong kakampihan, Addie," sabi ng babaeng madalas kasama ng mama ni Kyline. Tinapik niya sa balikat si Sir Adrian saka ako tiningnan. "Kung seryoso ka, patunayan mo na lang," sabi niya sa akin saka niya sinundan ang mama ni Ky sa loob.
Ayoko nang umasa ng magandang treatment sa mga Brias at Chua. Paulit-ulit nilang ini-insist na ni-rape ko nga raw si Kyline, e kung tutuusin, kung hindi ako ang gumawa n'on, lalong magugunaw ang mundo nila kung isa kina Elton o lahat sila ang gumalaw kay Kyline.
Hindi na ako nakapagpaalam nang maayos kay Kyline Hinatid na ako ni Manang sa labas.
"Manang, may prutas ho pala ako para kay Kyline," sabi ko pagsapit namin sa gate.
"Ay, anak, iuwi mo na lang muna. Baka basurahan lang ang makinabang diyan. Mainit ang ulo ng may-ari ng bahay."
"Kahit ipuslit n'yo na lang ho," pilit ko.
"Sanay ka sa ilegal, ano?" biro niya na hindi ko magawang tawanan. "Sige, akin na."
"Salamat ho."
Kinatok ko agad ang van, at biglang bumukas ang pinto roon sa kabila.
"Dude, ano?"
"What happened?"
"News?"
"Yung prutas," hindi ko kahit sunod-sunod pa ang tanong nila.
Inikot agad ni Will ang basket mula sa kabilang pinto ng van at iniabot sa akin bago ko balikan si Manang na naghihintay sa gate.
"Ito po," sabi ko, abot-abot ang basket na may balot pa ng green cellophane kay Manang. "May vitamins na rin ho rito na puwede sa buntis. May card po diyan sa loob, nandiyan ang number ko. I-text na lang po niya ako kapag nakita niya. Pasabi rin ho kay Kyline, dadalawin ko ulit siya."
Pangiti-ngiti sa akin si Manang habang buhat-buhat na ang basket gamit ang magkabilang kamay.
"Baka sa susunod na dalaw mo, wala si Addie. Hindi ko na masasabi kung ligtas ka pang makakauwi sa inyo."
"Ayos lang ho ako, Manang. Basta dadalaw ho ulit ako sa susunod."
"Ay, ikaw ang bahala. Kung diyan ka magiging masaya ay hala, sige lang."
"Salamat po nang marami."
Isinara na niya ang gate at saka lang ako nakahinga nang maluwag.
Binalikan ko na ang van at naabutan ko ang barkadang nakatambay roon sa gutter habang nakaupo sina Calvin sa loob ng van na nakabukas ang sliding door.
"Goods ba?" tanong ni Clark na nasa gutter at nakasimangot sa akin, nagtatakip ng mata gawa ng sinag ng araw.
"Galit yung mama ni Ky," sabi ko.
"Bago ba 'yon?"
"Sabi ni Sir Adrian, okay lang daw kung pananagutan ko anak nila," sagot ko.
"O, tapos? Kasal na?"
Umiling ako. "Ayaw nila."
"Malamang."
"Plan?" tanong ni Rico.
"Dadalawin ko si Ky dito," sabi ko.
"Until when?"
"Until maging okay ako sa kanila."
"So, talagang ipu-pursue mo?"
"Magkaka-baby na kami, ano'ng gusto mo, iwan ko?"
"Ang hassle, dude."
Umalis na rin sila sa gutter at bumalik na sa loob ng van. "Saan na tayo?" tanong ko.
"Since wala namang tatawag ng pulis, Laguna tayo. Gusto kong mag-swimming," sabi ni Calvin.
"Call."
Mukhang sa sobrang stress, mapapa-outing kami nang hindi napagplanuhan.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top