Chapter 25: Punished

Warning: Read at your own risk




"Sixteen!"

Nagtitindigan ang mga balahibo ko. Gumagapang ang kilabot ko sa katawan mula sa braso, paakyat sa leeg at batok hanggang anit.

Nakatitig lang ako kay Kyline, umiiyak sa harapan ko, habang tinututukan ni Elton ng baril sa noo.

Walang ibang isinisigaw ang utak ko kundi, "Bakit nandito ka? Bakit ka napunta sa lugar na 'to!"

"Ang ganda mo, a. Kilala ba kita?" nakangising tanong ni Elton.

Umiling si Kyline. "No . . ."

"Nagpa-pageant ka?"

"No . . ."

Sinabunutan ni Elton si Kyline at saka ako tinutukan ng baril para ako naman ang kausapin. "So, kapag ni-rape mo siya, makukulong ka," nakangising sabi niya sa akin.

Sa isang iglap, napasuko na lang ako. "Ton, kahit hindi ko na kunin ang pera. Paalisin mo na lang kami."

"Ayan tayo, e. Ang tapang mo pa kanina," nang-iinis na sinabi ni Elton. "A, mali . . . palagi kang matapang, kaya bad trip sa 'yo sina Jackson."

"Elton, ang usapan, kukuha lang ng pera," sagot ni Calvin.

"Vin, ikaw, hindi ka naman ganito dati, e! Baka nakakalimutan mong dumaan ka rin sa ganito."

"Tigilan mo ang barkada ko. Ako na lang, hayaan mo na si Leo."

"Wala akong pakialam sa 'yo, 'tang ina ka ba? Kami ang may usapan nito." Ibinalik ni Elton ang pagtutok ng nguso ng baril sa noo ko katabi ng baril na kanina pa nakatutok sa sentido ko.

"Elton!" sigaw ni Calvin.

Kung iniisip ni Elton na natatakot akong mamatay, nagkakamali siya. Kaya kong makipagpatayan sa kanya ora mismo kung wala lang akong mga kasama rito.

Ang nararamdaman kong sama ng loob, hindi na mula kina Elton. Wala akong ibang nakikita kundi si Kyline na umiiyak sa harapan ko.

Ilang taon kong hiniling na pagsisihan ni Kyline ang pagwe-waitress niya sa casino. Sa dami ng ginawa ko para lang makita siyang umiyak at pagsisihan niyang sumama siya sa Joven na 'yon . . .

Ang daming laman ng utak ko na gusto kong sabihin sa kanya.

Paulit-ulit.

Paulit-ulit na umiikot sa utak ko . . .

"Ang tanga mo, Kyline."

"Hindi ka kahit kailan natuto."

"Alam mo nang mapapahamak ka sa ganitong lugar, bakit ka pa pumunta rito?"

Ang higpit ng pagkakakuyom ng kamao ko nang lapitan siya ni Elton. Hinawakan siya nito sa likod, at pagbaba ng kamay n'on, bumagsak na lang sa sahig ang one-piece na suot ni Ky, naiwan na lang ang stockings at bow tie niya.

Gusto kong kunin ang baril ng nanunutok sa akin at paulanan ng bala ang lahat ng lalaking sumisipol pagkakita sa katawan niya.

"Ito ba? Masaya ka ba sa mundong pinasok mo, Ky?"

"Ang ganda mo na, ang sexy mo pa." Hahawakan na ulit sana siya ni Elton kaya humakbang na ako para pigilan ang gagong 'to.

"Hep, hep, hep!" Ikinasa na ng nanunutok ng baril sa sentido ko ang hawak niya. "Easy. Hindi pa tayo tapos."

Tiningnan ko siya nang masama sunod si Elton na tinututukan na rin ako ng baril.

"Ikaw, hubad," utos ni Elton sa akin.

"Elton, please lang! Kahit lumuhod ako!" pakiusap ko sa kanya habang nilulunok ang natitirang pride para sa sarili ko.

"Sumunod ka na lang kung ayaw mong sa morge ka na makita ng barkada mo."

Napalingon ako sa barkada ko.

Si Rico, may nakapuwesto na sa tabi niyang kabarkada ni Elton, tinututukan siya ng balisong sa leeg.

Sina Patrick at Will, mula sa likod na ang nanunutok ng baril sa kanila.

Si Clark, hawak na sa braso at sa sentido na rin tinututukan ng baril gaya ko.

Kay Calvin lang may dalawang nakabantay at mas guwardiyado siya ng iba para umawat.

Sana ako na lang mag-isa ang pumunta gaya ng nakasanayan. Kasi kahit pira-pirasuhin ako nina Elton, hindi ako magmamakaawa sa kanila.

Pero walang kasalanan sina Will. Nananahimik sila, hindi nila deserve pagdaanan 'to.

May kung anong malaking bara sa lalamunan ko na hirap akong lunukin.

Sinunod ko si Elton. Hinubad ko ang T-shirt ko.

Nilingon ko pa ang barkada ko, at sabay-sabay silang pumikit saka yumuko.

"Ayaw mo bang makita ang barkada mo?" tanong ng isa kay Clark at lalong idiniin ang baril sa sentido ng barkada ko.

Walang isinagot si Clark. Mariin lang siyang pumikit habang dinidikdik sa sentido niya ang baril.

Hinubad ko na lang ang natitira ko pang mga damit hanggang sa wala nang matira sa katawan ko.

Sa gitna ng kuwartong 'to, sa gitna ng napakaraming tao na narito, wala akong ibang maramdaman kundi galit kina Elton.

At kung ako lang ang magdedesisyon, makikipagpatayan ako sa kanila kung kinakailangan.

Pero nandito ang barkada ko.

May uuwiang bahay sina Rico. Ga-graduate na sina Patrick. Marami pang plano si Will pagkatapos niyang makuha ang diploma niya.

Gusto kong lumaban pero ayokong maging maramot. Na porke walang maghahanap sa akin sa bahay, idadamay ko na ang barkada ko sa gulo.

After all, kaya nga kami napadpad dito, dahil ayaw na namin. At huli na 'to.

Huli na.

"Please . . . !" Patuloy lang sa pag-iyak si Kyline nang itulak siya sa gitna ng mesa. Pinukpok na ang likod ko ang baril para lang pakilusin ako palapit doon.

Naririnig kong nagtatawanan ang mga nakakapanood sa amin. Nilingon ko ang barkada kong mga nakayuko at nakapikit maliban kay Calvin na nanlilisik ang mata, tutok sa bandang likuran ko kung nasaan sina Duke.

Hindi ganoon kaliwanag sa puwesto namin dahil sa red lights pero siguradong malinaw ang mata nina Elton para panoorin ang gusto nilang gawin ko kay Kyline.

"Hawakan mo!" sigaw ni Elton at tinutukan na naman ako ng baril sa sentido.

Pahinto-hinto kong itinaas ang kamay ko. Nakatingin lang ako kay Kyline na tahimik na umiiyak sa harapan ko.

"Leo, it's okay . . ."

"Shut up," galit kong sagot sa kanya.

Hindi ako gaya ng barkada ko, at wala rin akong balak maging gaya nila kung usapang babae lang.

Hindi ako tanga para maging ignorante sa gagawin, pero walang gago ang gaganahan sa ganitong pagkakataon kung sila ang malalagay sa posisyon ko.

May nagdabog sa kung saan kaya napilitan na akong lumapit pa kay Kyline. Hinawakan ko siya sa kanang hita para iangat iyon.

Napalunok na lang ako at napapikit nang mariin.

Sinasabi ng utak ko na sugurin si Elton at magpabaril na lang ako para matapos na 'to—para tigilan na nila ako—pero kapag naiisip kong madadamay sina Rico, hindi ko magawang maging matapang.

Lalo pa akong lumapit kay Kyline. Dampi pa lang ng mga balat namin, napalakas na ang kanina pang tahimik niyang iyak. Dinig na dinig ko ang takot sa kanya, at pakiramdam ko, may gagawin ako sa kanyang isusumpa niya habang-buhay.

"Hindi ko kaya," sabi ko.

Nakarinig na naman ako ng tawanan sa paligid. Parang dinidikdik ako sa lutong ng mga tawa nila.

"Ton, hindi raw kaya. Alam mo na."

Nakuyom ko nang mas mahigpit ng kamao ko nang may magtanggal na ng mga belt nila papalapit sa amin.

"Libre naman ako. Pagsawaan ko muna."

"'Tang ina mo, kagagaling mo nga lang doon sa isa."

"No, please don't . . ." umiiyak na sabi ni Ky habang tinatago ang katawan niya sa aming lahat gamit ang mga braso.

"'Tang ina, Elton, tigilan mo na 'to!" sigaw ni Calvin na inaawat na naman ng dalawang nakabantay sa kanya. Sinakal na siya ng isa gamit ang braso kaya wala na akong nagawa pa.

"Gagawin ko na!" sigaw ko. Tumitig ako sa mukha ni Kyline na basang-basa ng luha.

Gusto ko siyang makitang umiyak sa harapan ko . . . at siguro nga, pinagbigyan lang ako ng pagkakataon sa gusto ko.

Hindi ko lang inaasahan na ganito pala kasakit ang hiningi kong kapalit.

Pero kailangan kong piliin ang sakit na 'to. Dahil kung iba ang magpaparusa kay Kyline para lang sa luhang hinihingi ko, baka buong buhay akong bangungutin kahit gising ako.

"Sorry . . ." sabi ko, at seryoso ako roon.

Alam kong wala sa aming dalawa ang may gana sa gagawin namin. Pinilit kong ipasok at hindi pala iyon ganoon kadali gaya ng nakikita ko sa madalas panoorin nina Clark.

Napakapit si Kyline sa braso ko habang mariing kagat ang labi.

Sinubukan ko pang puwersahin kaya lalong bumaon ang mga kuko niya sa braso ko.

"Leo, masakit . . ."

Yumuko ako sa mesa katabi ng tainga niya.

"Tiisin mo. Ako lang ang puwedeng manakit sa 'yo ngayon."

Kinuha ko ang kanang kamay niya at hinawakan nang mahigpit. Doon niya ibinaon sa likod ng kamay ko ang mga kuko niya.

Mahina siyang umungol at ramdam ko ang init niya sa loob. Marahan akong gumalaw dahil baka lalo ko lang siyang masaktan sa ginagawa ko, kahit na parang napakabigat ng katawan ko sa mga sandaling 'to. Ang sakit ng tiyan ko pababa, hindi ko alam kung bakit.

May sumisipol, may tumatawa, may mga nang-aasar—naririnig ko, pero walang ibang tumatatak sa utak ko kundi ang iyak ni Kyline.

Yung iyak na kahit gusto ko siyang patahanin, hindi ko alam kung paano gagawin kasi ako rin ang dahilan kaya siya umiiyak.

"Sorry . . ." paulit-ulit kong bulong sa kanya. "Sorry, Ky . . ."

Ayoko ng pakiramdam na pinagsasamantalahan ko siya kahit pa hindi ko rin gustong gawin 'to.

Sabi niya, okay lang. Pumayag man siya sa ginagawa ko, pero ako hindi. Hindi okay 'to. Walang okay rito para sa 'kin.

Pabigat nang pabigat ang paghinga naming dalawa, lalong dumidiin ang pagkakabaon ng kuko niya sa kamay ko. Kahit gusto kong huminto matapos kong pakawalan ang init ng katawan ko, hindi ko nagawa dahil pinagtutulungan na rin nila ang barkada ko kada hinto ko.

Wala na akong naririnig na iba mula kay Kyline kundi mabibigat na paghinga na lang. Nakapikit lang siya, bahagyang nakabuka ang bibig at naghahabol ng hangin.

Gusto ko siyang tanungin kung pagod na ba siya? Masakit pa ba? Namamanhid na rin ba siya gaya ko?

Hindi ko alam kung paano hihingi ng tawad sa kasalanang hindi ko naman ginusto.

Hinihingal na ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto.

"Mga 'tol, may rumoronda ngayon. Ligpit muna kayo, baka daanan tayo rito."

Doon lang natahimik sina Elton sa tawanan nila.

May humatak sa braso ako at nailayo ako kay Kyline. Parang dinidikit ang lamig ng air con mula katawan kong pawis na pawis.

"Pagbihisin mo nga 'yan," utos ni Duke. "Sisilipin ko lang sa labas."

Nanlilisik ang mga mata ko kina Elton na tinutukan ulit ako ng baril at ibinato sa akin ang pantalon ko. "Bihis, dali!"

Nanlalambot ako nang isuot ang pantalon—iyon lang, hindi man lang pinasuot ang iba ko pang kailangang isuot.

May pumatid sa likod ng tuhod ko, at sakto pang pagod na ako kaya napaluhod na lang ako sa sahig. Tinutukan na naman ako ng baril sa ulo habang sinasabunutan ang likurang bahagi ng ulo ko.

"Walang mag-iingay, maliwanag?" banta sa akin ni Elton habang dinidikdik sa noo ko ang nguso ng baril niya. "Kapag may nagsumbong, papatayin kita . . . babalikan ko ang buong barkada mo . . . at papatayin ko kayong lahat . . . maliwanag?" Saka siya tumalikod at lumapit kay Duke.

Napatingin ako kay Kyline na pinupunasan ang pisngi habang namamaluktot sa harapan ko. Binato rin siya ng suot niya kaninang bunny suit pero hindi na niya maisuot pa.

"'Tol, may narinig daw ditong putok ng baril," sabi sa labas. "Papunta na yung mga tanod. May dalang mga pulis."

"Putang ina. Ligpit kayo, dali!"

Hindi mapakali si Elton sa gitna ng kuwarto. "Walang magsasalita sa inyo, maliwanag!" babala niya sa mga nasa kuwarto.

Nagpa-panic na silang lahat. Inimis lahat ng mga drogang nakakalat sa mga mesa. Nagsilabasan na ang mga babaeng kasama nila. Nakitakbo na rin ang mga kasama ni Duke, nauna pa ang nanutok sa akin ng baril.

Tumayo na ako at hinatak ang T-shirt kong nakakalat sa sahig. Binalot ko agad si Kyline saka siya hinatak patayo pero wala na yata siyang lakas at muntik ko pang mabitiwan.

"Ky!" Halos talunin na ni Calvin ang puwesto niya at siya na ang sumalo kay Kyline. Hinubad agad niya ang sweater niya at isinuot kay Kyline 'yon.

Sabay-sabay kaming napatingin sa may bintana nang makarinig ng wangwang sa labas.

"'Tang ina, mare-raid pa yata tayo!" sabi ni Clark at itinumba ang isang monobloc na mesa na malapit sa amin. Hinatak niya roon ang detachable na paa ng mesa saka nagbantay sa may pinto. Kinuha ni Will ang isa pang paa habang bantay-bantay naman ni Rico si Patrick na kanina pa inuubo.

"Kunin mo ang phones natin!" utos ni Rico.

"Dude, wala nang time!" sigaw pabalik ni Clark.

Sabay-sabay kaming lumabas, at doon pa lang, may nagtatakbuhan na. Ang gulo ng buong club, ayaw magpalabas ng mga bouncer.

Sinalubong nina Clark at Will ang mga bouncer na humarang sa amin, at pipigilan pa sana kami pero pinaghahampas agad nila ng paa ng mesa.

"'Tang ina n'yo, mga wala kayong silbi!" Nanggigigil na paulit-ulit na pinalo nina Will at Clark ang mga bouncer na mukhang hindi naman nasasaktan, pero takip nang takip sa ulo nila.

Nang makalabas kami, ibinato nina Clark ang dala nila sa kung saan saka naunang dumeretso sa kalsada.

"'Tol, dito tayo! May baranggay diyan!" sabi niya habang tinuturo ang kabilang daan kung saan kami galing.

"Gago, dumeretso na lang tayo sa baranggay! Mas kailangan natin 'yon!" kontra ni Will at tinuturo naman ang kabilang daan.

"Huhulihin tayo, gago!" sermon ni Clark, pero wala na siyang nagawa nang hatakin na ni Rico ang kuwelyo ng damit niya para sundan ang tinuturo ni Will.

"We'll talk to the police once na makita natin sila! It's better that way!" paliwanag ni Rico at siya na ang sinundan ko sa kung saan ba kami dapat pumunta.

Sa gitna ng gabi, habang sinasalubong namin ang hangin kada pagtakbo namin palayo sa ilang oras naming bangungot, nadaanan pa namin ang bahagi ng kalsadang naging parte ng college life namin—marami na namang tao sa loob ng abandonadong compound sa likod ng Coastal at may mga sasakyan na kaming nakakasalubong para pumasok doon.

Sa unang pagkakataon, sa loob ng kulang-kulang apat na taon . . . isinumpa ko ang code na Zeus na bigay ng lugar na 'yon.



♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top