Chapter 24: Caught
Warning: Read at your own risk
Noong hinarang kami ng mga bouncer, alam na naming trouble ang napasukan namin. Binabantayan kami ng mga bouncer mula sa pinaka-locker room ng club.
Nagtataka nga ako kung bakit may locker room samantalang club naman ang papasukin namin.
"Ilagay rito lahat ng cellphone," utos sa amin ng lalaking nakasuot ng itim na T-shirt at maong na pantalon. Marami siyang tattoo sa katawan at may nginunguyang chewing gum. Naglapag siya sa desk ng plastic container na mukhang lalagyan pa nga ng ice cream para isuko ang mga gamit namin.
Nagkapalitan agad kami ng tingin nina Rico.
Sa totoo lang, alam na naming mangyayari ang ganito kapag may pinasok kaming club na tago sa public. Pero hindi namin inasahan na ngayon kami mapupunta rito.
Kapag pumupunta kami sa club, wala kami halos dinadala maliban sa cash. Nasa kotse ni Rico lahat.
Ang kaso, gym nga kasi ng Purok Siyete ang meeting place, hindi night club.
Wala pa man, humihingi na ako ng sorry kay Sir Bobby dahil paniguradong mawawala ko ang phone na bigay niya sa akin three years ago.
Walang dalang phone si Clark maliban sa iPod niya, ganoon din si Will. Si Rico, may dalang phone pero basic QWERTY phone lang. Si Patrick, dala ang isang iPhone niya. Meron siyang tatlong phone at nagpapasalamat na lang din akong dala niya ang gamit niya sa pambababae niya. Kaso mahal pa rin kasi ang iPhone. Si Calvin, isinuko na lang ang mga gamit niya nang walang reklamo. Para bang alam na niyang hihingin iyon sa ganoong lugar.
Hile-hilera sa locker ang iba't ibang phone. May mga number namang nakalagay kaya siguradong hindi mawawala. Binigyan kami ng number habang pinag-isa na lang ang lalagyan ng mga phone namin.
Pinag-log din kami at nakasanayan na namin ang pagsagot sa ganoong lugar.
Si Rico, ang nakalagay lang ay Hades El Sokkary.
Ako, Zeus Deonida.
Si Patrick, Pat Lau.
Si Clark, CJ Divinagracia.
Si Will, Sean William.
Si Calvin, Bing D.
Mula sa locker room, nalalampasan namin ang dressing room ng mga waitress at dancer sa club. Maingay sa parteng iyon dahil doon na rin naglalapagan ng trabaho at kung saang room magse-service.
Ang floor area kung saan maraming nagsasayaw, nasa left side ng club. Dumaan kami sa hallway na likod n'on hanggang papuntahin kami sa dulo at iliko sa kanan. May dalawang pintong magkaharap doon at sa kanan kami pinapasok.
Stag party raw ni Duke. Never kaming pumunta sa stag party kahit pa madalas kami sa bars and clubs para maghanap ng business doon para sa unregistered (yet) lending company namin.
Ayoko rin ng idea ng stag party. Siguro kasi hindi naman ako babaero.
Last day mo bilang single tapos magpapakalunod ka sa kanlungan ng ibang babae. Gagawa ka pa ng resibo ng away ninyo ng asawa mo pagkatapos ng kasal, e di parang tanga lang.
Malaki ang kuwartong nakuha nina Duke. Ang ingay sa loob. Madilim din. Parang eksena sa psychological horror na puro lang itim at pula ang lightings.
Nakaka-trigger ng libido ang music sa background. Parang nang-aakit. Pero masyado lang siguro akong na-expose sa horror movies, kasi kapag may ganitong tugtog, may mamamatay o kakataying character sa susunod.
"Pat, cover your nose," utos ni Rico, at pare-pareho kaming nagtakip ng ilong kahit si Pat lang ang sinabihan.
Halos sinlaki na ng ground floor ng apartment ko ang kuwartong nakuha. May stage sa kanang dulo, may metal pole doon at may sumasayaw na babaeng naka-panty lang at heels.
Tiningnan ko agad sina Clark kasi sila ang madalas mag-enjoy na nakakakita ng nakahubad na babae. Pero sa timpla ng mukha ni Clark, mas dapat na akong kabahan kasi nakasimangot lang siya habang takip ang ilong. Kapag ganitong wala siyang ganang mag-react sa mga babaeng sexy, mas lalo akong kinakabahan, e. Inakbayan na niya si Will habang akbay naman ni Rico si Patrick.
Ang usok sa loob. Kakaiba ang amoy, gumuguhit sa sinus. Napilitan tuloy akong huminga sa bibig. May mga mesang ang daming puting powder na nililinya gamit ang credit card na nasa mababang center table.
May malaking mesa sa kabilang dulo, may mga nagbabaraha roon. Maraming nakakalat na upuan. May lalaki sa couch na tinatabihan ng dalawang babae. May isang lalaking nakatalikod sa dulo, nakababa na ang pants at may nakaluhod na babae roon sa sulok sa harapan niya. Tatlong upuan ang okupado ng mga lalaking may mga kahalikang babae rin.
"Kompleto pala kayo, akalain mo 'yon." Lumapit sa amin si Duke. May hipak-hipak siyang gawa-gawang yosi, na paniguradong damo ang laman. "Welcome sa stag party ko! Papakuha ako ng drinks para sa inyo."
"Okay lang kami, p're," sagot ni Calvin.
"Vin, bawal tumanggi. Alam mo 'yan," sagot ni Duke at itinuro ang sulok na mesa. "Hanap kayo ng puwesto n'yo. Minsan ko lang kayo maaya sa ganito."
Hinahanap ng mata ko si Elton pero hindi ko siya makita. Gusto sana naming lumabas pero may bouncer nang nakaabang.
Dumoon kami sa blangkong couch na may malinis na mesa sa harapan.
"Pat, kaya mo pa?" tanong ni Rico kasi nakapikit na si Patrick habang takip-takip ang ilong at bibig.
"Dude, kailangan mo ba ng inhaler?" tanong ni Clark. Umiling lang si Patrick para sabihing hindi.
"Nahihilo ako," sagot ni Pat at singhot na nang singhot. "Ang sakit ng sinus saka ulo ko, guys."
Wala pa silang sinasabi, sinisisi ko na ang sarili ko. Pero obligasyon ni Elton na bayaran ako. Malinaw ang usapan namin. Saka barya nga lang ang 80k na hinihingi kong kapalit sa kanya kung tutuusin.
"Dapat doon pa lang sa entrance, hindi na tayo sumama sa mga bouncer, e," mahinang reklamo ni Clark. "Kaya naman siguro nating sapakin ang mga 'yon."
"May baril nga," sagot ni Calvin.
May sasabihin pa sana si Clark pero hindi na lang itinuloy.
Maya-maya, dumating na ang mga bunny girl na may dalang alak. Papunta sa table ng mga nagbabaraha ang dalawa, papunta naman sa amin ang isa.
Naglapag iyon sa amin ng isang set ng beer saka baso. May ice bucket pa.
Nakatitig lang ako roon sa babaeng lingon nang lingon sa paligid kahit naka-mask.
Binulungan ko si Clark na katabi ko. "Dude, itong mga bunny girl, mukhang makakalabas nitong club. Baka puwedeng utusan."
"Sige, G."
Pagharap ko, nakatalikod na ang bunny girl na nagdala ng alak sa amin.
"Miss, huy!" tawag ni Clark. "Miss bunny girl."
"Miss, excuse us," sabi ko pa para humarap sa amin, kaso wala. Naglakad lang paalis.
Bingi ba 'to?
Mabilis akong tumayo at hinabol siya. Palingon-lingon pa rin siya, mukhang may hinahanap. Pagpunta niya sa puwesto ng isa sa mga kabarkada ni Duke, sinilip pa niya ang lalaking may kahalikan doon.
Kinalabit ko na lang sa balikat para tawagin. "Hey."
Dinig na dinig ko ang gulat sa kanya nang tumalikod at humarap sa akin.
"Waitress ka, right?" sabi ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang may dukutin siya sa bra niya at ilagay roon sa upuan ng lalaking lalapitan sana.
"Sorry!" sigaw niya.
Ang tanga naman ng waitress na 'to. Napatingin ako sa ibang lalaking naroon na nakatingin din sa amin. Napilitan tuloy akong hatakin ang bunny girl para hindi mag-cause ng panic.
Inilapit ko siya sa akin para bulungan. "Tinatanong ka pa, saan ka naman pupunta?"
"Let me g—"
"Kanina ka pa tinatawag, hindi ka ba nakakarinig?"
"Sorry . . ." mahina niyang sinabi, mukhang natakot sa akin.
"Huwag kang sisigaw, umarte kang normal."
Mabilis naman siyang tumango. Tinangay ko agad siya sa mesa namin.
"Sit down," alok ni Rico sa bunny girl, at siya na ang tumayo sa likod ng couch.
Walang sinabi ang babae pero yumuko lang.
Kung normal na araw lang 'to, malamang na ang lapad ng ngisi ni Clark kasi may katabi kaming babaeng sexy ang suot.
Pero naging pamantayan ko na yata si Clark ng lala ng sitwasyon. Kasi kung hindi na niya kayang magbiro at tumawa, ibig sabihin, ganoon kadelikado ang sitwasyon namin.
Si Clark lang ang umiinom ng beer na inilapag sa mesa namin. Ayokong uminom, baka kasi may inilagay roon na hindi puwedeng i-intake.
"Mukha namang mahihina ang mga bouncer dito, dapat talaga hindi na tayo sumama, e," ulit na naman ni Clark. Hinihintay kong sisihin niya ang pamimilit kong maningil ngayon pero wala siyang binanggit. Ni hindi rin niya ipinararamdam sa aking may kasalanan ako.
Yumuko na sa amin si Rico para tanungin ang bunny girl. "Miss, may phone ka ba?"
Walang sinabi ang babae, umiling lang.
"Dapat kasi hinayaan mo na lang yung treynta mil mo kay Elton," sermon ni Calvin sa akin.
E, di sinagot ko rin siya habang duro-duro ang mesa. "Gago ka ba? 80k ang utang niya sa 'kin. Allowance ko 'yon for the whole February and March. May tatapusin pa akong machine, saan ako kukuha ng funds?"
"Sabi ni Duke, stag party lang, di ba?" dagdag ni Will. "Hindi ganitong stag party ang ine-expect ko."
Kahit din naman ako. Tanggap ko pa ang mga babaeng nakahubad. Pero itong may mga sinisinghot at inaapuyan nila sa foil na droga? Hindi stag party ang pinasok namin.
"Miss, nakakalabas ka, di ba?" tanong ni Rico. "Can we ask you a favor?"
Mabilis namang tumango ang bunny girl.
"Wala kasi sa amin ang mga bag namin. Kinuha nila," paliwanag ni Rico. "We're not bad guys, believe me. Nandito kami kasi yung barkada ng groom, may utang sa friend namin." Tinapik ni Rico ang balikat ko para sabihing ako ang tinutukoy niya. "Hindi kami invited dito, they forced us to be here, and we need to take my friend's money. Can you help us?"
Tumango naman ang bunny girl.
Buti naman, madaling kausap.
Nagpagpag siya ng damit at tumayo na. Handa na yatang gawin ang ipagagawa namin.
"We have no pen, pero matalas ba ang memory mo?" tanong ulit ni Rico at pahina na nang pahina ang boses niya. "We can't call the police right now kasi mare-raid 'tong lugar. Malalaman ng parents namin na nandito kami. Can you call our friend for us?"
Tinapik naman ni Rico ang balikat ni Calvin. "Mas mabilis ba kung i-cha-chat si Melanie?"
"I-email mo na lang. May research 'yon ngayon, babad sa email 'yon," sabi ni Calvin. "Gusto mo bang patawagan ko na rin si Ky? Baka makatulong ang mama niya."
Yeah, better option na 'yon para sa amin.
"Hindi ba siya busy tonight?" tanong ni Rico. "Baka kasi nasa airport."
May point din. Pero ganitong oras, wala sa airport si Kyline. Malamang na nasa bar 'yon sa may seaside. O kung hindi man, bandang DFA kung saan ko siya madalas na nakikita. Hindi ko alam kung waitress siya roon kaya madalas siya, pero sigurado akong naroon 'yon ngayon.
"Ipa-chat ko na lang din?" tanong ni Rico, hindi sigurado sa balak. "Hindi ba nakakahiya, lalapit tayo kapag may issue?"
"Huy! Ano'ng miting de avance n'yo diyan!"
Sabay-sabay kaming napatayo nang hatakin ni Elton ang bunny girl na kausap namin.
Putang ina, kung kailan hindi hinahanap 'tong gagong 'to, saka naman nagpakita!
"Let me go!" sigaw ng bunny girl habang yakap-yakap ni Elton mula sa likod.
"Aba, may lumalaban, a!" sabi niya sa babae, at nakuyom ko agad ang kamao ko. "Bayad ka, di ba?"
Humakbang ako pero sinalo agad ni Clark ang dibdib ko para hindi ako makalapit.
"'Tang ina, ang bango nito, a." Nakuyom ko ang T-shirt ni Clark sa balikat habang nakikitang inaamoy ni Elton ang leeg ng bunny girl na pumapalag sa kanya.
"Stop!" hiyaw ng bunny girl.
"Elton, babae 'yan," saway ni Calvin, nakahalatang ayaw ng bunny girl ang ginagawa sa kanya.
"Paki ko? Bayad silang lahat dito, gago ka ba?" Paulit-ulit na pinalo ng bunny girl ang braso ni Elton pero tinawanan lang niya. Para siyang asong ulol na natatakam doon sa babae, nandidiri ako. "Ano'ng pinag-uusapan n'yo?"
"Let me go!" tili na namna ng babae.
"Ibigay n'yo na lang kasi ang pera ko," sabi ko kay Elton.
"Alam n'yo, minsan na nga lang kayo ayain, kayo pa galit," sagot ni Elton.
Kararating lang niya, baka kinausap nito ang mga bouncer sa labas. Alam yatang aalis kami kaya kami ipinaharang.
"A, tutal naman, hindi pa ako nakakabawi sa tagal ng hinintay ko para sa chip, tingnan natin ang tibay n'yo ngayon." Tumingin siya sa kasama niya, at hindi agad ako nakaimik nang hatakin ang kuwelyo ko ng lalaking halos kasintaas ko lang din.
"Bitiwan mo nga ako!" Mananapak na sana ako nang bigla akong tutukan ng baril sa ulo.
"Hoy!"
"Leopold!"
Nanginginig ang kamao ko sa hangin habang pinanlilisikan ng mata ang nanutok sa akin ng baril.
"Papalag ka?" bulong pa ng nanutok sa akin ng baril habang tinatapatan ang titig ko.
"'Tang ina mo. Tingin mo, natatakot ako diyan?" bulong ko rin.
Tumingin siya sa mga nasa likod ko at saka lang ako nakaramdam ng kaba dahil naroon sina Patrick. Nakarinig ako ng pagkilos, at pagsilip ko sa dulo ng mata, pati sina Rico, binabantayan na rin.
Putang ina . . .
Wala akong nagawa. Naibaba ko na lang ang kamao ko.
Naipikit ko na lang ang mga mata ko habang sumasagap ng pasensiya at masamang hangin sa loob ng kuwartong iyon. Dama ko ang init ng nguso ng baril sa sentido ko habang nilalakad ang kuwarto palapit kay Elton.
"Gusto mo ng pera mo, di ba?" tanong niya.
"Ton, please lang, kahit yung ipinusta ko na lang," pakiusap ko na. "Kahit treynta mil na lang, tapos aalis na kami rito."
"Sino'ng may sabing aalis agad kayo?" Nakatitig lang siya sa 'kin habang inaamoy ang buhok ng bunny girl na kanina pa pumapalag sa kanya. "Di ba, single ka?"
Putang ina talaga. Kung wala lang sina Patrick dito, kahit pasabugin niya ang ulo ko ora mismo, wala akong pakialam.
Pero nandito ang buong barkada ko . . .
Nandito sina Clark na wala namang kinalaman sa usapan namin ni Elton.
"Sino ang single sa inyo?" tanong ni Elton sa barkada ko. Walang nagsalita. "Pat, single ka?"
Nilingon ko si Patrick na takip ang bibig. Umiling siya para sabihing hindi.
"Gago ka ba, apat babae niyan ngayon. Paramihan sila ni Calvin."
"'Ka mo, paramihan sila nito nina Clark at William, hahaha!"
Napuno ng tawanan ang buong kuwarto. Nakakarindi, ang sarap magbato ng gamit sa kanilang lahat. Ayokong ginaganito ang barkada ko, pero ang kakapal ng mukha ng mga putang inang 'to para gawin sa 'min 'to.
"Rico, ikaw?" nang-iinis na tanong ni Elton.
"I'm—"
"Bata 'yan ni Cheska."
"Aba, tingnan mo nga naman. Mahilig ka talaga sa matalino, 'no?" Tumawa na naman si Elton, napipika na ako sa ginagawa niya. Lalo pa niyang pinalapit ang bunny girl sa katawan niya para mang-inis. "So, single ka nga," tanong niya sa akin.
"Akin na ang pera ko," sagot ko, halos magtagis ang mga ngipin ko habang buwisit na buwisit sa pagmumukha niya. Naipaling ko ang ulo sa kanan nang idiin sa sentido ko ang nguso ng baril na kanina pang nakatutok sa akin.
"Isa pa 'tong matapang, a." Inamoy ulit ni Elton ang buhok ng bunny girl na hawak niya. "Ilang taon ka na, baby?"
"Let me go!"
Humigpit ang pagkakakuyom ko sa kamao nang humugot na sa belt niya si Elton at itinutok iyon sa ulo ng bunny girl.
"Putang ina mo, tinatanong ko kung ilang taon ka na!"
"Sixteen!" umiiyak nang sigaw ng bunny girl.
Sixteen . . . putang ina, tapos nandito siya sa ganitong lugar?
"Sixteen . . ." natatawang sinabi ni Elton habang tumatango bago tumingin sa akin. "Ikaw, ilan?"
"Ton, please lang," pakiusap ko na.
"Ilan!" sigaw niya.
Lalong dumiin ang pagkakatutok ng baril sa ulo ko. Napapikit ako saka sumagot. "Twenty . . ."
"Ilan?" ulit niya.
"Twenty!" sigaw ko.
"Ayun . . . twenty . . . saka sixteen. Ayan ang mga gusto kong age gap. Ihanda n'yo yung mesa."
Kinaladkad niya ang bunny girl. Ilang beses akong itinulak ng lalaking nanunutok sa akin ng baril.
"Help! Please!"
"Leo!"
Itinutok ni Elton ang baril niya sa barkada ko para magbanta. "Kapag may kumilos sa inyo, alam n'yo na ang mangyayari."
Ang bigat ng paghinga ko habang nakalingon kina Rico. Hindi ako humihingi ng tulong sa kanila, pero gusto ko lang sabihin na kung ano man ang mangyari ngayong gabi sa aming magbabarkada, tanggap kong kasalanan ko 'yon. At kung may pagsisisihan man ako, hindi 'yon sa pumunta ako rito kundi dahil isinama ko pa sila.
"Virgin ka ba?" tanong ni Elton na nakapagpalingon sa akin sa bunny girl. Hindi ito sumagot kaya sumigaw na naman si Elton. "Tinatanong kita!"
"Mommy!"
Malakas na putok ng baril.
Napapikit ako at pagdilat ko, mukhang hindi lang ako ang kinakabahan na sa mga sandaling 'yon.
Sa lakas ng putok ng baril, parang dinaraanan ng malakas na guhit ng tunog ang kanang tainga ko patawid sa kabila.
Wala nang makatawa sa mga babaeng naroon. Maging sila, natatakot na rin.
"Please, don't kill me . . ." humahagulhol nang pagmamakaawa ng bunny girl.
Gusto kong mag-sorry dahil nadawit pa siya rito. Sa utak ko, humihingi ako ng sorry sa kanya dahil alam kong hindi ito parte ng trabaho niya sa ganitong lugar.
"Hindi kita papatayin, baby girl." Ang higpit ng kuyom ng kamao ko nang paglaruan ng kamay ni Elton ang dibdib ng babaeng 'yon kahit pa umiiyak na at nagmamakaawa sa kanya. "Ang bango mo talaga."
"Please stop . . ." natatakot na sabi ng bunny girl.
Naaawa ako sa babaeng 'yon. Kaya ko pang tanggapin kung binugbog na lang ako nina Elton. Para wala nang nadadamay pang inosente.
"Akin na si Leo."
Para akong nawalan ng lakas nang kaladkarin na naman ako sa tapat ng bunny girl habang nasa likuran niya ang mesang pinagsusugalan kanina.
"Walang aalis dito nang hindi nabibinyagan."
Kaso mukhang hinahamon talaga ng kapalaran ang tibay ng loob ko nang itaas ni Elton ang maskara ng bunny girl gamit ang nguso ng baril.
Kinakabahan na ako para sa kapakanan ng buong barkada ko, pero para akong tinutukan ng mahigit pa sa isandaang baril pagkakita ko sa luhaang mukha niya.
"Shit, Ky—"
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top