Chapter 17: Mindset



I really wanted to know how love functions. Saan ang limit, ano ang basis, kailan nada-digest ang idea of love, at paano 'yon nag-a-apply sa mag-asawa at sa anak nila.

You will start to question things from one perspective to another, magkakaroon ka agad ng comparison as to why some have broken families and some are complete.

Love is different than commitment if I were to take the idea technically and rationally, setting the emotions aside.

I love my mom, but reality made it hard for me to accept the truth that I just love her, but I couldn't accept what she'd done the last time I saw her, which resulted in me leaving her and deciding to hide from her. I lost my old phone, so she couldn't call me. I was kicked out of my old boarding house, so walang chance na mahanap din niya ako roon.

I cut the connection—for now. Kasi hindi pa ako ready na makita siya nang hindi ako nadi-disappoint sa kanya.

Not that I didn't want my mama to be happy with someone else, but she never mentioned anyone to me. That alone, ibig sabihin, hindi siya seryoso sa kinikita niyang lalaki. Mas mabigat siguro for me na halos ka-age ko lang ang . . . I dunno. Boyfriend? Fuck buddy? Past time? One-night stand? Yung idea na napapasabi na lang akong, "Ma, halos anak mo na 'yan pinatulan mo pa!"

Nabubuwisit na nga ako kay Daddy, dadagdag pa siya.

Si Sir Bobby pa nga ang nag-explain sa akin na may ginagawa talaga ang matatanda na never naming maiintindihan—kahit pa mali o hindi acceptable ang ginagawa nila. May mga decision silang nagagawa na kahit hindi pabor sa marami, ginagawa nila kasi doon sila masaya kahit pa may apektadong iba. Siguro kasi ang tingin sa akin ni Sir Bobby, bata pa rin. Pero kahit pa bata ang tingin niya sa akin, sa kanya na rin mismo nanggaling na mali ang setup ng parents ko.

Alam niya pero wala siyang magagawa kasi nga, hindi nga naman niya buhay ang buhay ng parents ko para panghimasukan.

Explanation lang ang kailangan ko sa parents ko. Kahit simpleng honesty lang. Delicadeza na lang din bilang dalawang nakatatanda sa bahay at sa akin bilang anak.

Kung wala na talagang pagmamahal na natitira sa kanilang dalawa, at wala na ring respetong naiiwan sa mga katawan nila bilang mag-asawa, maghiwalay na lang sila. Kasi habang tumatagal, lalo lang akong nadi-disappoint . . . lalo lang akong nawawalan ng amor sa essence ng pag-aasawa. Yung nagpakasal lang pero sa iba rin naman pala mapupunta.

Pero ewan ko. Siguro, nasa maling pamilya lang talaga ako napunta.

I knew Tito Ric, daddy ni Rico. He's a one-woman man. And I could see so many reasons why he has to. First of all, ang ganda ni Tita Tess. Ang angelic ng mukha. She's 41, but she looked like in her early 20s. Sa lagay na 'yon, hindi pa siya retokada at moisturizing serum lang ang ibinibigay ni Mama sa kanya bilang client.

Iyon nga lang, terror. Maganda pero nakakatakot.

Tita Tess could make us feel na kapag nambabae si Tito Ric, may headline na tomorrow sa news tungkol sa murdered businessman and Tita would never be sorry for it. Baka ipagmalaki pa niya sa buong Pilipinas bilang achievement kung mangyari man.

Palaban si Tita Tess. Ikaw ba naman ang manggaling sa lupain ng matatapang at nanghahabol ng tabak, kung hindi ka ba naman katakutan.

But that was us and our weird assumptions. Si Tito Ric naman kasi, good example kay Rico kaya nadadala ng kabarkada ko ang behavior bilang family man. Matabil lang ang dila ni Rico kasi real talk ang parents, but he was raised in a very responsible household. Strict but responsible.

And I guess isa na naman sa kabarkada ko ang hihilingin kong sana meron din akong pamilyang gaya ng kay Rico.

Quarter to four nang makarating kami sa Dasmariñas, Makati. Dito nakatira sina Patrick at Rico, at ramdam namin kung gaano kalayo ang agwat ng cost of living nila sa aming magbabarkada, lalo na ni Patrick.

Mayaman din naman ang parents ko, pero feeling ko, ang daming kulang sa bahay namin pagtapak namin sa mansiyon nina Patrick. Hindi pa ako nakakapunta sa kanila kasi ayaw ni Pat. Hindi ko rin alam kung bakit.

From the entrance, sumaglit ang coach sa tapat ng main house nina Pat. From there, nilakad pa namin ang malawak na front alley papunta sa malaking sliding frosted glass door. Si Rico na ang nauna at humatak ng pinto na sobrang smooth lang niyang naibukas kahit na mukhang mabigat ang panel n'on.

Pasulyap-sulyap kami kay Melanie na patingin-tingin sa paligid pero parang hindi nagugulat sa nakikita. Hindi ko alam kung anong klaseng pamilya meron siya, pero mukhang hindi na bago sa kanya ang makakita ng mansiyon.

Pagpasok namin sa loob, sunod-sunod agad ang mga painting na nadaanan namin. Doon na tuloy napunta ang atensiyon ko. May mahabang hallway pa kaming dinaanan at ilang corners na nilampasan bago kami makarating sa dining area.

"Tita Liz!" sigaw agad ni Clark at nauna pa siyang tumakbo papalapit sa babaeng nasa dulo ng mahabang glass table na may mahabang golden silk cloth na nakalatag sa gitna bilang cover o design.

Kasing-edad lang yata ni Mama ang tinawag na Tita Liz ni Clark—na malamang asawa ni Sir Bobby. Pingkit din at sobrang puti. Naka-lipstick pa ng pula kaya mas lalong pumuti. Nakasuot din siya ng simpleng light pink dress na hanggang tuhod ang haba.

"Clark! How are you, darling?" Tumayo na ang mama ni Patrick at sinalubong si Clark, as if namang anak nga rin niya itong assumerong 'to.

Nagmano si Clark at niyakap ang kanang braso ng mama ni Pat. "Tita, I have chika for you. Very, very intriguing."

Tiningnan ng mama ni Pat si Clark. Yung klase ng tingin na parang may inuwi si Clark na magandang regalo para sa kanya at proud na proud siya roon.

"Hi, Tita," bati rin ni Rico. "Akyatin ko muna si Pat, ha?"

"Go ahead, Ronie."

"By the way, Tita, this is Melanie," pakilala ni Clark kay Mel na nananahimik sa tabi ni Calvin.

"Your girlfriend?" tanong ng mama ni Pat.

Biglang napangiwi si Clark. "Tita, don't say bad words."

Walang sinabi si Mel pero humakbang paabante. Hinarang agad ni Calvin ang daan habang natatawa naman kami ni Will.

"She's Calvin's kinakapatid," dagdag ni Clark.

"Really?" sabi ng mama ni Pat. "Kaninong anak ka? Who's your mom?" tanong niya kay Mel.

"Conchita Phoa-Vizcarra po."

"Phoa? Oh my God. You mean, the chef?"

Sabay-sabay kaming napatingin kay Melanie na pilit na pilit ang ngiti.

"Yes, ma'am," awkward na sagot ni Mel.

"You don't have to call me ma'am! Ano ka ba?" sabi ng mama ni Pat at may paghawi pa ng hangin kay Melanie. "Kilala ko ang mama mo!"

"Oh, wow," sagot ni Mel na hindi ko alam kung sarcasm ba or what.

"Same kayo ni Calvin ng school? Company ng daddy niya, partner ng company ni Bobby."

"Iba po kami ng school," sagot ni Mel.

"Do you cook, too?"

"I'm taking culinary arts po. Second year."

"That's good to hear! Sobrang sikat ng family n'yo sa south. You should follow your family's legacy, darling. Good choice ang culinary."

From Melanie, inisa-isa kami ng tingin ng mama ni Patrick. Si Will, kilala na niya. Same with Rico. Mas lalo na si Clark at si Calvin. Kaya malamang, kami lang ni Melanie ang bago sa paningin niya.

"You must be Leopold," mas kalmado na niyang sinabi sa akin.

Bahagya naman akong tumango. "Yes, ma'am."

"Don't call me, ma'am, please. Tita Liz is fine."

"Okay po," sabi ko na lang.

Nangangapa ako kung paano ko ida-drop ang Tita Liz habang Sir Bobby ang tawag ko sa papa ni Patrick.

Sina Tito Ric at Tita Tess naman kasi, madali kong napakisamahan kasi favorite client ni Mama si Tita Tess. Pero sa mama ni Pat?

"Ronie called last night, nagsabing dadaan kayo," sabi ng mama ni Pat habang sinasamahan kami paakyat sa second floor nila.

Ang taas ng ceiling sa main hall, may mahabang chandelier na parang mahahabang sticks ang nagbibigay ng dilaw na liwanag sa paligid. Natural light naman ang provider ng liwanag mula sa naglalakihang glass window na sobrang tataas ng mga kurtinang nakatabing sa gilid.

Paakyat kami sa paikot na grand stairs na kasya ang sampung taong magkakatabi sa bawat steps.

Ang weird lang ng amoy sa bahay nina Patrick. Ang lamig dahil sa centralized air con, tapos kapag humihinga ako, parang hinahagod ng menthol ang ilong ko hanggang baga. Yung feeling na ang sarap lumutang sa hangin habang nakapikit. Ang gaan sa pakiramdam na malamig.

Pag-akyat namin sa second floor, meron agad crossing ng hallway doon. Para tuloy akong pumasok sa mall, ang daming daan at aisle.

Sa itaas ng hagdan, naroon ang dalawang malalaking painting nina Robert Lauchengco at Elizabeth Marita Sy. Pagtapak namin sa itaas, kumanan kami mula sa corridor at dumeretso sa kanang pinto na nasa dulo ng hallway.

Pagbukas doon, akala ko, kuwarto na ni Patrick, hindi pala.

Library lang iyon saka puro . . . laruan? I guess?

Karamihan, Lego blocks, DIY robots, nakahilera din ang hindi pa tapos na paintings, at iba't ibang music instruments sa corner na malapit sa malaking bintana.

Carpeted ang flooring sa loob at mas mainit doon kompara sa labas. Iba rin ang amoy. Para akong kinumutan na may amoy ng lavender. Kaamoy ng katol ng kabilang unit ko dati sa boarding house.

"Patrick, anak. I told you to take a break, di ba?" sermon ng mama ni Pat pagpasok namin sa loob.

Naabutan kasi namin si Patrick na tambak ang readings at libro sa malaking study table sa left side. Si Rico, nakaupo na sa malapit na bean bag at may yakap na ring malaking Pikachu plushie.

"Tatapusin pa raw muna niya yung isang paper, Tita," sumbong ni Rico. "Ayaw niya kaming kausap."

"Patrick," tawag ng mama ni Pat, parang pagagalitan pa ang anak sa harapan namin. "Your friends are here."

"Take them na lang po muna sa theater, Ma," sabi ni Pat habang ayaw tantanan ang sinusulat niya. "Or let them have a snack downstairs. And they can go home after that."

"Anak . . ."

"I'm busy, Ma. Please," sagot ni Pat, ayaw patinag.

Bigla tuloy akong nailang sa sitwasyon.

Halos walang paramdam sa amin si Patrick these past few months. Nabobobohan kami sa sitwasyong napasok namin pero hindi naman namin siya sinisisi sa lahat ng nangyari. Kasalanan lang niya ang pagkakuha ng Lambo niya, but the rest, tinanggap na naming kasalanan na 'yon ng baliw niyang fans at mga taga-Coastal.

Damang-dama namin kung gaano siya ka-isolated dito sa kanila. Wala siyang ibang kasama. Nakakulong lang siya rito. Ngayon na lang ulit namin siya madadalaw nang personal, at parang may sarili na siyang mundo.

Ayoko sanang maramdaman naming pare-pareho ang awkwardness kaya nagparinig na ako.

"Melanie, gusto mong meryenda?" tanong ko.

Napahinto tuloy si Patrick sa pagsusulat.

"Huy, grabe. Bakit ako lang tinanong?" sabi ni Mel. "Bing, meryenda raw."

Akala ko, mag-aangat ng tingin si Pat, pero parang na-freeze na siya sa upuan niya habang nakayuko.

"Tita, kami na'ng bahala rito," sabi ni Clark at inakbayan ang mama ni Pat para ilabas dito sa library yata nitong bahay.

Hindi ko alam kung nananadya ba si Calvin at talagang isinama niya si Melanie rito kina Patrick. Pero parang gusto ko na lang ding magpasalamat na isinama nga niya. Kasi pag-alis ng may-ari nitong bahay, saka lang kami tiningnan ni Patrick—o si Melanie lang pala.

"What are you doing here?" tanong niya kay Mel, sunod sa amin isa-isa. Nanlalaki ang mga mata niya, as if namang nire-raid namin itong library nila.

"Hangout, ano pa ba?" sabi ni Will. "Isinama pala ni Calvin si Mel. Sinundo lang niya 'to kanina sa Ortigas." Lumingon siya kay Mel. "Nakipag-date ka ba?"

"Anong date?" sabi ni Mel, salubong ang kilay. "Kadiri ka, uy. May seminar lang kami kanina sa St. Francis."

"Ihahatid ka ni Calvin pauwi?" tanong ni Will.

"Si Vin naman lagi ang naghahatid sa 'kin pauwi. Bakit ba?"

We really had no idea about Calvin and Melanie's closeness bilang kinakapatid ang isa't isa, pero mukhang magkaugali silang dalawa.

Dinalhan kami ng meryenda sa library. Nakaupo kami sa sahig habang doon kumakain kahit na sinabihan na kaming sa visitor's hall o sa dining area na lang kumain para may upuan kaming lahat.

We were sitting nga raw sa floor, and it was so dumi right there kaya we should eat sa dining table, and take note of the conyo accent of Patrick na ang cringe ng code-switching.

Kung alam lang ng parents ni Patrick kung gaano kami kabarubal kapag nasa boarding house ko. Walang dumi-dumi roon. Kahit pa malaglag ang kinakain namin sa sahig, as long as wala pang five minutes, puwede pa 'yong kainin—habang binabato kami ni Rico ng kung ano-ano at halos itaob na niya ang buong unit kasi ayaw niyang naaabutan kaming binababoy ang kinakain namin.

"'Musta?" tanong namin kay Pat.

Wala siyang isinagot. Kibit-balikat lang.

"Sabi nila, dito ka lang daw nag-aaral. True ba?" tanong na ni Mel na namamapak ng popcorn.

Hindi nakasagot si Pat. Lalo lang napayuko.

Kung alam lang ni Melanie na siya ang ugat ng lahat ng nangyayari sa amin ngayon.

"Hanggang maka-graduate ka, online class lang?" tanong ulit ni Mel.

"I don't know," matamlay na sagot ni Patrick. "I'm not the one deciding for myself, so I have no idea what's the plan."

Kahit katapat ko lang si Pat, ramdam ko kung gaano siya kalayo sa akin.

"I'm not the one deciding for myself . . ."

Isang taon lang ang pagitan ng edad namin ni Patrick, pero parang sobrang bata pa niya. O baka sudden lang ang pagtanda ng utak ko kasi wala akong choice.

I was the one deciding for myself.

Choice kong umalis ng bahay namin sa Alabang.

Choice kong mag-work under ni Sir Bobby.

Choice kong mag-boarding house.

Choice kong iwan ang parents ko at magtago sa kanila.

Choice ko halos lahat—aside sa nangyari sa amin ngayon na kailangan na akong tumira sa Makati habang sine-service ng luxury cars. Si Sir Bobby ang nag-decide ng lahat ng 'yon.

Freedom is not and will never be free. And we have no other choice but to pay for it. Hindi madaling maging malaya at magdesisyon para sa sarili. Kasi at that point, kakargohin mo na agad ang lahat ng gastos sa kalayaang 'yon. Kasi ang reliance mo, exclusive na sa sarili mo halos lahat. And at this point, sinubukan ni Patrick maging malaya, and we all ended up trapped in a situation na kailangan na naming limitahan sa freedom namin para lang maging ligtas kami.

Maybe some price to pay for that freedom is not something we can't afford no matter how much we earn to have it.

Mayaman si Patrick at ang pamilya niya, pero mukhang hindi niya afford ang kalayaang meron kami ngayon kompara sa kanya.

Habang nakatingin lang ako kay Patrick, at sa kung paano niya kausapin si Melanie na para bang simpleng kaklase lang niya sa random subject, napapaisip na naman ako.

Nagpakabaliw si Patrick para sa babaeng 'to—to that extent na halos isuko na ni Pat ang kung anong meron siya para lang sa kakarampot na atensiyon. And for Patrick, that inadequate attention was already a big deal for him.

Isang Lamborghini for a date?

Isang buong summer na lumalaban kaming magbabarkada sa field na hindi familiar sa amin?

We even risked our lives and security just for this?

Death threats for this?

Sa attention ng babaeng ni hindi na nga namin maramdaman kung talaga bang worth it ang lahat ng effort namin? Really?

Siguro kasinggulo rin ni Patrick ang utak ng parents ko, at never ko 'yong maiintindihan.

Everything felt like Pat had already given up all our hardships for the past few months.

Gusto kong magtanong kung paano ba dapat magmahal ng ibang tao. Kasi hindi ko naiintindihan na uubusin mo ang sarili mo dahil lang sa reason na mahal mo ang taong 'yon.

I love my mom, but I set myself free from the thought na hindi ko dudurugin ang sarili ko dahil lang mahal ko si Mama. Kung tutuusin, kasama ko na siya since bata pa lang ako. Mas attached ako roon more than anyone else.

Pero si Patrick, ni hindi nga namin alam kung gaano na niya katagal kakilala 'tong Melanie na 'to. O kung magkakilala ba talaga sila, at all.

Hindi ko makita ang sense.

Hindi ko makita ang sarili kong magpapakapagod at gagawin ang lahat ng kabaliwang 'to para lang sa babae. Iniisip ko pa lang, napapailing na 'ko. Hindi uubra sa 'kin 'to.

Habang nakikita ko si Patrick, lalo ko lang nararamdamang ayokong magka-girlfriend. Baka iwan ko lang din ang babae kalaunan.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top