Chapter 14: Surrender
Jupiter and Pluto.
Doon kami nagsimula ni Rico. Kami ba ang namili n'on? Nope. Automatic nang Leo the Lion ang code ko at Early Bird si Rico. Alam na namin 'yon. Si Muscleman, si Will. Si Mickey Mouse, si Clark. Si Pretty Boy, si Patrick. That was us. Kapag may nagtawag sa amin sa ganyang pangalan, alam na naming kami ang tinatawag.
However, hindi 'yon pumasang code. Iba ang nag-decide para sa amin. Madali para sa kanilang maglapag ng pangalan namin kasi hindi naman kami umaalma. After all, hindi naman kami naroon para magpabibo. Ang kailangan namin, ang kotse ni Patrick. Naging Mickey Mouse Clubhouse nga kami nang wala namang pumayag sa amin sa ganoong pangalan, e.
Sa isang grupo, merong handler, financer, at may runner.
Financer ang tawag nila sa naglalabas ng pera. Handler ang nakikipag-usap sa mga organizer para tumaya at may hawak sa player na sasali sa race. Runner ang role ng mga naghahanap ng gig o ng mga pustahan.
Financer kaming lahat, pero ang may pinakamalaking ambag, si Will. Kung tutuusin, siya ang eager suportahan financially si Patrick para mabawi ang Lambo. Hindi siya ang pinakamayaman sa amin, and that was the point. Walang titingin ng bank account niya kahit pa magtago kami roon ng maraming pera.
Hindi puwede si Rico dahil hawak ni Tita Tess ang bank account niya.
Hindi puwede si Clark dahil ayaw niya, period. Sanay kaming pabibo siya at agree sa lahat ng sabihin at utos namin. Pero kapag ayaw niya, lalo sa ganitong sitwasyon, nirerespeto agad namin 'yon dahil hindi siya tumatanggi nang walang mabigat na dahilan—alam man namin o hindi ang dahilan niya.
Mas lalong hindi puwede si Patrick dahil ubos na ang savings niya sa kotse niyang nasa kung saang impyerno naroroon ngayon. Pero working na siya ngayon as clerk kay Sir Bobby para lang pamalit sa allowance niyang ipinanghuhulog pa niya sa kotseng wala sa kanya. Trabaho ko nga dapat ang work niya pero kinuha na niya kaya ako naman ang nawalan. Sayang tuloy ang offer ni Sir Bobby.
Ako naman, hindi ako puwede. Lahat ng allowance na bigay nina Daddy at Mama, nasa bank na ayokong galawin. And besides, sabi ko nga sa kanila, hindi ako maglalabas ng pera para sa kabobohan ni Patrick, at wala silang karapatang magreklamo kasi unang-una, nakikituloy sila sa apartment ko sa halos araw-araw. Pangalawa, ako ang nagpapaaral sa sarili ko hindi gaya nilang lahat na may mga magulang na suportado sila.
Mid-May, malapit na ang pasukan. Hindi pa namin nababawi ang Lamborghini ni Patrick. Ilang beses akong tinawagan ni Sir Bobby kung may balak pa ba akong pumasok sa company niya sa August. At ilang beses ko ring pinigil ang sarili kong huwag magsalita tungkol sa kagaguhang ginawa ng bunso niya.
Itinuloy namin ni Rico ang planong dalawa kaming handlers ng grupo. Ibig sabihin, kapag tumaya ako sa isa, tataya siya sa isa. Kapag nanalo ako, malamang na talo siya. Kapag nanalo siya, malamang din na talo ako. Either way, may galaw sa budget namin para sa isang gabi.
Nagpaturo kami ni Rico kay Patrick kung paano maglaro ng poker. Kahit si Clark pala, marunong din. Kahit mah jong. At sabi naman nila, wala pang tatlong oras, alam na namin kung paano maglalaro.
Hindi 'yon totoo. Isang oras lang, alam na namin agad.
Tinuruan ko naman sila ng hand sign at kung paano kami kakausapin mula sa malayuan gamit ang sign language.
Binalikan namin ang tagong casino sa Seaside Boulevard.
That was the first time na pumasok kami—eighteen years old, sa casino—na ang plano namin, manalo at matalo nang sabay.
50 thousand, inilabas na namin lahat sa isang gabi lang.
Kailangan naming matalo nang dalawang beses, manalo nang tatlo. Saka kami aalis kahit pa maganda na ang laro.
Suggestion iyon ni Clark na sinegundahan ni Rico. Napagdudahan tuloy ni Calvin si Clark kung bakit ang gaganda ng suggestions. Too bad, hindi pa alam ni Calvin kung anong reputasyon meron si Clark.
Kami lang ni Rico ang pumapasok nang magkasabay sa casino. Mind conditioning din para sa mga guard at bouncer na barkada kaming dalawa.
Si Clark at si Will ang never sumabay sa amin. Sila ang signal namin sa area. Papasok sila, maglalaro—matalo o manalo, wala kaming pakialam. Investment namin ang perang ipinantataya nila. Sisimple ng daan sa mesa namin si Clark, sesenyas ng card ng mga kalaban namin. Alam na namin ang gagawin.
Next na dadaan si Will, kapareho ng gagawin, alam na.
That was the sequence.
One whole day naming pinagplanuhan ang calendar, ang timing, ang oras na papasok sina Clark at Will. Ang oras na uupo kami sa table. Ang oras na mag-iikot sila para sumenyas. Kung saang table kami uupo, at kung magkano ang hatian ng budget para sa pamusta namin ni Rico na main budget namin, sa petty cash para sa pamusta nina Clark at Will para lang hindi mahalatang accomplice namin sila. At budget para pamusta sa karera sa Coastal.
Eighteen years old, and we were cheating in an adult game to have a six fucking million fund in exchange for the prize of a so-called fucking date with a random girl we didn't fully know.
Nakakaputang-ina isipin na eighteen years old ka na nanlilimos ng lunch sa kabarkada mo—at ang lunch na 'yon, tira-tira pa ng kompanyang itatapon na lang sana—habang nag-iipon ka ng anim na putang-inang milyong piso na never mo namang mapapakinabangan.
Habang iniisip ko talaga, gusto kong sakalin si Patrick nang may buong panggigigil hanggang matanggal ang ulo niya sa leeg niya, e.
18 ng May, one night sa Coastal, may lumapit sa amin, babaeng kasintaas lang ng leeg ni Clark at mukhang maghahamon ng away. Nakasuot ng crop top na itim at maikling denim shorts. Naka-black boots din at may hikaw sa ilalim ng labi. Iniikot-ikot niya ang keychain sa daliri niya, at kung tama ang pagkakaalala ko, isa siya sa mga kumakarera din tuwing gabi.
"Sino rito yung Jupiter?" tanong niya.
"Ako," sagot ko.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ikaw pala 'yon," sabi niya nang tagpuin ang tingin ko. "Tatlong taon na 'kong racer dito. Jupiter din ang code ko. At ang akala nina Quenn, ako ang bumabangga sa kanila."
"Ngayon?" maangas na tanong ko.
Ngumisi siya nang sobrang sarkastiko saka ako tinawanan nang mahina. "May utak ka, mag-isip ka." Saka niya kami tinalikuran.
Paismid akong tumingin kay Rico kasi nate-tempt na naman akong manipa ng ma-attitude ngayon.
"We have no choice," sabi na lang niya saka tinapik ang balikat ko.
Wala akong balak magpalit ng code maliban sa Leo the Lion. Ni wala nga akong balak magkaroon ng codename kung tutuusin.
But things happened.
We just went back the other night for another race, just in case na makikita na namin ang race car ni Patrick, but to our surprise, hindi na kami sina Jupiter at Pluto.
Zeus and Hades.
At wala kaming kamalay-malay ni Rico na pinalitan 'yon. Ultimo si Calvin, hindi rin alam. Paglapag namin ng pusta, nakalagay na 'yon sa lineup ang codes, at kami lang na grupo ang pumupusta nang mahigit sa sampung libo nang isang bagsakan kaya nalaman na namin noong simula na ang pinagpupustahan.
Whoever changed that, wala kaming alam at hindi na rin namin inalam. It looked like that Jupiter girl did something because I didn't do anything about it.
Whatever ways, wala rin kaming pakialam. Ang kailangan namin, yung Lamborghini na hindi pa rin nila inilalabas until now na malapit na ang pasukan.
Kada hintay naming ipa-bid ang Lambo ni Pat, lalong nadadagdagan ang budget namin dahil sa pandaraya namin sa casino. Although, there were days na sinasadya naming wala sina Clark at Will just to follow the sequence ng calendar namin kasi ang shady nga naman kung may constant schedule kami ng modus namin.
Sinira namin ang sequence noong nababantayan na kami ng mga bouncer since nagsusunod-sunod na ang mga napapanalunan namin.
The highest bid I won was 223 thousand pesos. Rico got 299 thousand pesos. Pero pumusta muna kami roon ng 30 to 50 thousand bago namin iyon nakuha. Malaki kung itutumbas sa allowance, pero sobrang liit pa kung itatabi sa six million.
May time na ako lang o si Rico ang naglalaro at nananalo naman kami, pero hindi ganoon kalaki. But at least, may progress sa budget namin kung magpa-bidding na ng Lamborghini any time soon.
Eighteen years old in a casino, winning a good amount of money on every visit.
Wala sa intensiyon namin pero sobrang bilis ng pagsikat ng codes namin ni Rico.
The Gods.
Nag-start 'yon online. Nababalitaan ng ibang estudyante na malalakas kaming pumusta. Wala nga namang disi-otso anyos ang pupusta ng sixty thou sa isang gabi lang. Si Rico ang malakas pumusta sa amin. Ako lang ang madalas na makipagbaratan sa mga organizer na gustong ubusin ang budget namin sa isang laro lang.
Mas sumikat pa 'yon nang malamang sa lahat ng manunugal sa Coastal, kami lang ang madalas manalo sa casino. Wala halos pumapasok na taga-Coastal sa Seaside, and for what reason?
Wala silang budget.
Three million pesos, end of May, nakatingin kami sa naipong libo-libo sa suitcase ni Will. Halos isuka na ng maleta niya ang pera sa sobrang puno.
Never kong na-imagine na makakakita ako ng three million cash on hand. Malaki kung walang gagastusan, pero maliit para sa six million. Kalahati lang iyon at nauubusan na kami ng oras.
"Okay, here's another plan," sabi ni Calvin na nagpahinto sa aming lahat sa pagtitig sa suitcase sa gitna ng unit ko.
Naupo sina Patrick at Calvin sa foldable mattress na ginawang couch at nakinig na kaming lahat.
"Saturday, ngayong weekend, ipapa-bid na ang Spyder ni Patrick," panimula ni Calvin.
Nagkapalitan kami ng tingin ni Rico. Sabay pa kaming tumingin sa three million na kulang na kulang pa kung tutuusin.
"Honestly speaking, saludo ako sa dedication ninyo," pag-amin ni Calvin, nakataas pa ang magkabilang kamay. "Bow ako. Ngayon lang ako nakakita ng three million pesos sa tanang buhay ko."
"Pero kulang pa rin 'yan," sabi ni Clark.
"Kaya nga ako magsa-suggest," katwiran ni Calvin. "May karera din sa Saturday. Lalaban si Jackson. Ipupusta niya ang Spyder kasi hindi niya magagalaw 'yon. May lisensiya pa 'yon."
"Lalaban si Pat?" tanong ni Will. "Wala siyang kotse."
"Kaya nga magpapahiram ako," sagot ni Calvin. "Hindi ko pa magagamit 'yon in public. Student's license pa lang ang meron ako kaya nga ako naka-motor."
"'Yon lang ba?" tanong ko na.
"Kailangan n'yo nga lang pumusta. Yung malaki. Kasi malaki ang premyo nila. Lamborghini 'yon. Brand new pa."
"How much?" seryosong tanong ni Rico.
"Two million," deretsong sagot ni Calvin, at sabay-sabay kaming nag-react.
"Dude, back to zero tayo kapag nilabas namin 'yang two mo!" sagot ni Clark, na agree din kami.
"Pero kailangang tapatan ang pusta nina Jackson. Kapag hindi, kahit pa kumarera si Patrick, tatapatan lang din kayo ng kung ano lang ang kaya n'yong ibigay, at hindi pasok ang Spyder ni Pat doon."
"Wala na bang ibang choice?" tanong ko.
"Bumili kayo ng bagong Spyder. Kasi kung hindi lalaban si Pat at hindi kayo pupusta nang sabay, wala kayong mababawing Lamborghini. Bumili na lang kayo ng bago."
"Huwag na, uy!" pagsuko ni Clark at sinipa ang maletang puno ng pera. "Umay na nga ako sa planning natin. Pagagastusin pa kami." Naduro pa niya si Pat. "Alam mo, Pat, pahamak ka talaga, e. Na-gets na namin na may gusto ka roon sa Melanie na 'yon, pero tang ina lang kasi, six million. Uwi na lang ako." Saka niya ibinagsak ang sarili sa bean bag at doon nagtulog-tulugan.
Sinukuan ko na rin. Nagtaas lang ako ng magkabilang kamay at hinigaan ang likod ni Clark para ipahinga ang sarili.
"We've already done our part," sabi ko, nasa kisame ang tingin. "Kung i-risk n'yo 'yang three million, bahala na kayo. Kung mawala, e di mawala. Hindi n'yo rin naman maipambibili 'yan ng Lamborghini. Kasya pa sa Ford."
"Okay. We'll risk it," biglang sinabi ni Rico. Nagpagpag na siya ng jeans at halatang tinatapos na ang usapan. "Kapag hindi ka nanalo this time, Pat, we have no choice, sasabihin na namin 'to kay Uncle Bobby."
Gusto ko sanang mag-offer na unahan ko na siya, pero ayoko nang makisali rito. Napapagod na akong isipin.
If Rico knew Pat lived in a different dimension than ours, then he should have done Patrick the favor of giving him the punishment he deserved. We've already done our best. Sagad na sagad na nga. 30 thousand pesos nga, three weeks kong pagtatrabahuhan pero three weeks lang din, nakaipon kami ng 3 million.
Nag-decide na si Rico. Hands off na kami ni Clark. Si Will, balak pa ring tumulong, pero siya ang pinakalimitado ang tulong sa aming lahat. Moral support na lang ang maibibigay niya kay Patrick at pansamantalang tambayan ng milyones naming barkada. Pasalamat na lang kami at marunong rumespeto si Will ng pera dahil kung magkano ang huling bilang namin, 'yon pa rin ang laman ng maleta niya.
Si Calvin ang nagpahiram ng kotse ni Patrick kaya two days na wala itong isa para mag-practice.
Busy naman kami sa patapos nang summer class. Hindi ko tuloy ma-enjoy ang pag-aaral ko dahil dito. Ultimo ang plano kong mag-part-time kay Sir Bobby, napurnada pa dahil lang dito sa problemang 'to.
Tanggap na naming posibleng hindi namin mabawi ang kotse ni Patrick. Nagre-recite na nga ako ng explanation kay Sir Bobby kung bakit kami umabot sa ganitong point.
Gusto ko sanang ipaliwanag na hindi namin fault ang ginawang pagpusta ni Patrick sa kotse niya. But the mere fact na halos buong May, nakikipagpustahan kami at nagka-casino pa? Doon pa lang, talo na ako sa argument, e. Kasi ibig sabihin, tolerated namin. Alam namin pero hindi agad kami nagsumbong.
Nanlulumo ako habang iniisip ko.
Si Patrick naman ang may kasalanan nito kung bakit ba kasi nadadamay kami.
Sa rooftop ng apartment, doon sa ibaba ng malaking tangke ng tubig, puwedeng pagtambayan doon. Doon ako nagyoyosi kapag stressed ako kasi mahangin kompara sa may kalsada na mausok na nga, para ka pang nangapitbahay sa impyerno sa sobrang init.
Mula sa taas, kitang-kita ang Ilog Pasig, ang kalsada paikot ng kalapit na university, at kalsada pa-Manila City Hall.
Mula roon sa terminal ng bus na dumadaan pa-Cavite, nakita ko agad ang nakaparadang motor ni Calvin. Wala pa naman sina Clark kaya baka ayaw niyang pumasok. Hindi ako at ease sa kanya, pero hindi rin masabing kailangan siyang pagdudahan. After all, gusto lang niyang sumabay sa hype nina Patrick at Rico sa mga kolehiyala. Si Patrick pa naman, magnet ng mga babae. Si Rico pa lang naman ang nagwe-welcome sa kanya at hindi ako. Bahay ko pa rin naman ang papasukin niya kung sakali man.
Akala ko, tambay lang doon si Calvin sa gilid ng kalsada habang naghihintay sa barkada ko. Hindi ko agad naibuga ang usok ng yosi ko nang makitang may papalapit sa kanyang babae. Naka-hoodie na sobrang laki saka denim jeans na sobrang fit.
Matatawa na sana ako kasi alam kong hindi lang isa ang girlfriend niya ngayon, pero hindi natuloy ang pagtawa ko nang alisin ng babaeng 'yon ang hood nitong nakatalukbong sa ulo.
May kung anong pumutol sa pasensiya ko para biglang umiksi nang makita kung sino ang kinakausap niya roon.
"Magkakilala pala kayong dalawa, ha . . ." mahinang sabi ko habang nakatitig kay Kyline na hinuhubad na ang hoodie na suot niya. Naiwan ang fitted niyang T-shirt bago iabot ang hoodie kay Calvin.
Wala pa rin siyang ipinagbago. Ang kaibahan lang siguro, ngayon ko na lang ulit siya nakita. Huling kita naming dalawa, noong napaso ko pa siya. Ni hindi nga ako nakapag-sorry nang maayos n'on.
Naidikdik ko agad ang yosi ko sa gilid ng cemented railing ng rooftop kahit hindi pa 'yon ubos.
Ang tamis ng ngiti ni Kyline kay Calvin. Bigla tuloy akong nabuwisit. Gusto kong kaladkarin doon para lang kastiguhin kung ano'ng nginingiti-ngiti niya kay Calvin, e babaero 'yang kausap niya.
Ilang saglit pa, inalok na naman ni Calvin ang hoodie niya pero tinanggihan ni Ky.
"Huwag mo nang ialok, kahuhubad nga lang, e. Bobo ka ba?" mahinang sermon ko kay Calvin, na para namang maririnig niya.
Itinuro ni Kyline ang likod saka pumaling doon. "'Yan, tama 'yan. Layuan mo 'yang lalaking 'yan. Ang dami-daming didikitan, diyan ka pa sa babaerong 'yan lumalapit."
Pangiti-ngiti lang na tumango si Calvin bago isinampay ang hoodie sa balikat. Kumaway pa siya para magpaalam kay Kyline na agad namang sumakay sa nakaparadang SUV sa di-kalayuan.
Parang gusto ko tuloy magtanong.
Sila ba ni Kyline?
Alam ba ni Ky kung ilan ang babae ni Calvin ngayon?
Hingin ko kaya ulit kay Clark ang number ng babaeng 'yon para warning-an?
Gago 'tong Calvin na 'to. Pati si Kyline, lolokohin pa.
Humanda 'to sa 'kin pagdating dito sa bahay.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top