Chapter 13: Gamblers
Hindi kami aware sa policies ng drag racing sa likod ng Coastal. At sigurado ako, mag-a-agree kami ni Rico kung sasabihin kong hindi kami tataya sa hindi kami sigurado.
Ibinigay namin ang mga pera namin kay Calvin just to secure na sasali kami sa pustahan ngayong gabi.
Ayoko sa pustahan. Probably because I earned my money, and wasting it for fun was something I couldn't afford. But we have twenty-two thousand pesos on hand, which was supposed to be our bet in this game.
I love playing games, but not gambling. Hindi ko gusto ang mga ganitong bagay at never ko ring gugustuhin ang ganito.
Si Rico, desididong pumusta. Tinatantiya ko siya kung gusto lang ba niyang pumusta out of fun, pero ipinaliliwanag niya ang pinaka-mechanics ng pinapasok namin, at kahit ayoko, parang gusto ko na lang ding sumugal.
Nasa sulok kami nina Rico at Clark. Inutusan ni Rico sina Will at Patrick na magbantay ng naunang karera.
Sa ganitong pagkakataon, wala kaming ibang maaasahan kundi si Clark lang. Jino-joke time lang namin ang "kabobohan" niya, but when it comes to information, kung papipiliin ako between Rico and Clark, baka sabay pa naming piliin ni Rico si Clark kahit nasa option si Rico.
"Yung Blue Bird, 10 wins 3 loss," paliwanag ni Clark. "Yung kalaban niyang Nightcrawler, 5 wins, 2 loss."
"Go sa Blue Bird," sabi ko.
"Nightcrawler ako," sagot ni Clark sa akin.
"I'll agree with Clark," dugtong ni Rico kaya nagkrus ako ng mga braso at sinukat silang dalawa ng tingin.
"Really, guys?" sarcastic kong sinabi. "Ang obvious ng win rate, come on!"
"Exactly," depensa ni Rico sa desisyon niya.
"Dude, hindi maganda ang beginner's luck sa ganitong lugar," paliwanag ni Clark sa akin.
"So, you practically have a plan to waste our money," I replied back.
"Let's consider that as our investment of trust, Leo," sagot ni Rico saka tumango para makiusap. "We need to lose."
"Ang shady kung mananalo agad tayo nang sunod-sunod, dude, kahit pa kaya natin," dagdag ni Clark. "Alam kong basic lang ang probability nila rito, pero pinag-iinitan nila ang madadalas manalo. Pumusta na lang tayo nang malaki sa sure win. Ni-lowball ko yung dalawang handlers kanina, may deal silang binabanggit sa akin na baka raw interesado ako. And they're pointing out sa another handlers na directly nagha-handle sa Spyder ni Patrick. Kung ako lang, doon ako papasok sa deal nila kung kailangan ko ng update sa bidding ng Lambo ni Pat."
"Good job, dude." Nagtaas ng kamay si Rico at sinalo iyon ni Clark.
"Saan 'yon?" tanong ko .
"May race track daw sa Laguna, hina-handle n'ong Jackson," sagot ni Clark. "Nandoon ang Lambo ni Pat ngayon, sabi ng mga nakausap ko. May racing din doong nangyayari, mas legal kaysa rito. Pero karamihan ng karera nila, walang permit sa Gaming and Amusement Board. Nangongomisyon lang sa kanila ang mga taga-GAB para sa kickback. Mas malaki kasi ang kita nila sa illegal activities kaysa sa may permit."
"Ibig sabihin, may permit pa rin," sabi ko.
"Meron!" sagot ni Clark habang nakamasid sa paligid bago humina ang boses. "Registered daw yung talyer saka yung field. Kung makakuha ako ng pass doon, sasabihin ko, bigyan tayong lima. Pero mukhang may pass naman si Calvin. Kilala siya ng mga handler. Meron silang mga codename dito, 'yon ang pinipitik nila sa mga kausap nila."
Napatingin ako sa kamay ni Clark na panay ang pag-snap ng daliri sa hangin. Pagtingin ko sa mukha niya, nakatingin na naman siya sa kung saan-saan, parang may hinahanap.
"Ang sabi sa akin ni Tygah, kailangan ko ng code para sa pass, pero hindi ako puwede," kuwento ni Clark.
"And why is that" tanong ni Rico.
"Ite-trace ka nila kapag may code ka," seryosong sagot ni Clark. "Hindi ako puwede. Iiwasan ako rito. Saka kayo naman ang pupusta, kayo ang magpalista sa handlers. Si Calvin daw ang runner natin. Siya ang hahawak muna sa grupo sa ngayon."
"Would it be better if we bet on two different players?" tanong ni Rico sa akin.
Napaisip ako sa sinabi niya. "Pareho nating tatayaan?"
"Yeah." Tumango naman siya. "Maybe we can enlist two handlers for us. If one of us loses, most likely one of us will win."
"Hindi ba breakeven lang 'yon?" sagot ko. "Parang nagbabawian lang tayo ng ipinusta at ipinanalo."
"Depende sa laki ang ipupusta. We can use the win rates and probabilities for this one," sagot ni Rico. "Kaya ni Patrick na mag-calculate ng sequences during the game."
"Racing, dude. No definite calculations for that. May driver. Hindi exact ang probability doon."
"Ay!" Napapalakpak si Clark kaya napatingin kami sa kanya. "Meron daw silang gambling place malapit sa Casino Filipino saka sa Seaside Boulevard. Hindi ko pa sure kung saan ang exact location. Pero marami roong nagsusugal. Legal? Yes daw. May physical permit ba? Titingnan ko."
"Dude, you're going beyond our plans," sermon ni Rico kay Clark. "We're only here para sa car ni Patrick."
"Pero mas malaki ang chance manalo kung probability ang game," nakangising sagot ni Clark. "Kung maglalaro doon sina Pat at Leo, mas malaki ang chance na lumaki ang pera natin kaysa manghula rito sa karera." Naglahad pa siya ng magkabilang kamay sa magkabilang gilid. "Ulitin ko lang, ayokong humawak ng pera ng barkada. Maghahanap lang ako ng tip para mabawi ang kotse ni Pat."
Nagkapalitan kami ng tingin ni Rico. And I guess he knew what I was thinking.
♥♥♥
D.
Everyone was calling Calvin, D. Not sure kung apelyido ba niya 'yon o letter D lang talaga since Calvin Dy siya.
"Hey, D!"
"D, yo!"
"D, wazzup?"
'Matic na 'yon para kay Calvin.
Kailangan namin ni Rico ng code bilang handlers, ang kaso, wala pa man kaming naiisip, may tawag na sa amin.
"Kayo ba yung barkada ni Mickey Mouse?"
"Dude, eto yung ka-Clubhouse ni Mickey Mouse!"
"Member ni MM 'tong mga 'to!" And MM means Mickey Mouse.
Five consecutive nights, nakilala ang grupo namin bilang Mickey Mouse Clubhouse at ayoko na lang magsalita kung sino ang salarin ng kaputang-inahang 'yan.
Hindi ako nagulat na ang kalat ni Clark. Pero ang kakalatan niya ang nagbigay ng pass sa amin para i-welcome ng mga manunugal sa Coastal.
Yung tipong ang sama ng tingin sa amin kasi mga bagong salta kami sa field, pero kapag may sumigaw na agad na "Kay Mickey Mouse 'to!" In an instant, parang welcome na kami agad.
Wala kaming idea kung anong pambobola na naman ang ginawa ni Clark sa mga tao sa field, pero sure kami na kilala na siya ng mga tagaroon.
One Saturday night, wala si Clark kasi may family dinner sila at isinama pa nga si Will kasi inaya raw ng mama ni Clark. Pareho kasi silang may summer class at hindi makapagbakasyon kaya binigyan ng token para i-cheer sa pag-aaral.
Sobrang bait ng family ni Clark kaya hindi na rin kami nagreklamo kasi deserved naman nila ng kaunting celebration kahit wala namang dapat i-celebrate kung tutuusin. Hindi lang siguro kami maka-relate sa kailangan kaming i-cheer ng mga parent namin dahil lang may paparating kaming exams para sa summer class na minsan naming ibinagsak.
Ibinigay na namin iyon sa kanila kaya wala kaming choice kundi pumunta sa field—ako, si Pat, saka si Rico.
Hindi pa nila inilalabas ang Lamborghini ni Pat sa field at hinihintay namin iyon.
"Wala yung dalawa?" tanong ni Calvin paglapit sa amin. Pare-parehas na kaming nakatayo sa may overpass habang pinanonood ang unang karera mula sa itaas.
"Meron daw sugalan malapit sa Casino Filipino saka sa Seaside, totoo ba?" tanong ni Rico kaya ako napatingin sa kanya.
Ayaw niyang pag-usapan iyon kahit pinipilit ni Clark, pero mukhang papatusin na niya ngayon.
Walang galaw sa earnings namin. Breakeven lang talaga. Nananalo kami pero binabawi lang ang ipinusta sa bawat talo.
"Marami doon," sagot ni Calvin. "Poker ang karamihan. Bakit? Susubok kayo?"
Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Calvin.
Hindi ako marunong maglaro ng poker, pero alam kong game of cards 'yon.
"Pat, di ba, naglalaro ka ng poker game sa phone?" tanong ni Rico habang kinakalabit si Patrick na nakabantay lang sa track.
"Yup!" sagot ni Pat na nakatingin sa malayo.
"Is it possible ba if you play with us? Kaya mo bang mag-predict ng sequence n'on?"
"Maybe, I guess. It depends sa type ng poker. But possible."
Kinalabit ko na si Rico para makapag-usap kami nang masinsinan. Pumunta kami sa dulo ng overpass saka ko siya tiningnan para magtanong kung ano ang balak niyang mangyari.
"Leo, hindi gumagalaw ang earnings natin. Almost mid-May na, hindi pa rin nababawi ang kotse ni Pat."
"Susugal ka roon? Poker 'yon, dude. Hindi 'yon hundred-peso game."
"I want to take a risk. Kung hindi kaya, I'll stop. Then I'll call Uncle Bobby para siya na ang gumawa ng actions to take Pat's car back."
"Dude, magkano na lang ang pera natin. Kailangan na talaga nating humingi ng tulong."
Nakikita kong frustrated na rin si Rico sa status namin ngayon para lang mabawi ang kotse ni Patrick, pero mukhang nasa point of desperation na rin siya.
"What time is it?" tanong niya, sabay pa kaming tumingin sa relos namin.
"Ten o' eight pa lang," sabi ko.
Inakbayan ako ni Rico saka kami pumaling pabalik kina Calvin. "We'll go sa casino. Let's try."
18 na kaming magbabarkada. Legal age na. Valid nang pumunta ng casino, at enough na rin para makulong kapag hinuli. Calvin brought us to this very eerie place na ang usok—sobrang usok.
Parang abandonadong casino house, pero active pa rin. Damuhan nga lang at saradong stalls ang mga nasa paligid, and I doubt na operating pa ang mga 'yon kasi basag-basag na ang mga salamin ng bintana.
"Pat, cover your nose," utos ni Rico. May face mask naman na kami pero pinatakip pa niya ng another layer of hanky kasi ibang level ang amoy sa loob.
Mula sa labas, may dalawang bouncers na nakabantay. Naka-black shirt at jeans lang.
"May ID kayo?" tanong ng isang long-haired bouncer.
Si Pat, inilabas ang school ID niya pero inawat agad ni Calvin saka dinala sa di-kalayuan.
Naglabas ako ng SSS ID, and it was granted already, saka ako pinag-log sa log book.
Si Rico, naglabas ng PVC employee badge niya. May scanner sila roon ng barcode, at nagulat ako na nag-register agad doon ang ID ni Rico pagka-scan nila matapos tumunog ang scanner at nag-green.
Pagbalik nina Calvin at Patrick sa amin, umiling na lang si Calvin para sabihing walang ibang ID si Patrick na "valid" para makapasok siya.
Napaisip tuloy ako kung wala pa ba ang driver's license ni Pat samantalang nasa ibang talyer na nga ang kotse niya.
"Kami na lang muna," sabi ni Rico at nauna na kaming pumasok sa loob.
Maliwanag naman pagpasok namin—klase ng liwanag na kahit may ilaw naman, nadidiliman pa rin ako.
Ang daming nag-uusap na hindi namin maintindihan. Karamihan, mga Chinese. Halo-halo ang klase ng tao.
May mga nakapambahay, pero merong mga naka-formal suit at dress. Ang mga waitress, mga naka-Chinese-collared dress na floral at mahaba ang slit sa hita. May mga dala silang round trays na may alak na nasa baso.
Ang daming makina. Ang ingay ng tunog. Para kaming nasa arcade, pero walang mga bata sa paligid.
Pumunta kami sa isang stall para bumili ng chips. Sa dulo iyon ng hall, malapit sa entrance. Doon lang maliwanag nang sobra, sa likod ng glass window na may cover pa ng fleur de lis wallpaper para hindi lubusang makita ang loob.
Nakalista sa gilid ang presyo ng bawat chips.
Napalunok ako pagkakita ko na ang pinakamurang chip nila ay isanlibo. Ang pinakamahal ay singkuwenta mil.
Ang dalang pera namin, kasya sa dalawang chip na tig-10k. O kaya 20 chips na tig-1k.
Pagtingin ko kay Rico, damang-dama ko ang pakiramdam na may gusto kang bilhin pero wala kang pera kaya nag-iisip ka na ng palusot para hindi mapahiya.
"Dude, nanghihina ako sa nakikita ko," bulong ko sa kanya paglapit ko. "Lalo lang mauubos ang budget natin dito."
"We need Pat and Clark. Balik tayo rito bukas. For now, mag-observe na lang muna tayo rito."
Yung kaka-legal age n'yo lang, pero naghahanap na agad kayo ng rason para makulong.
Habang iniisip ko na babae ang dahilan kaya kami nagpapakahirap bawiin ang Lamborghini ni Patrick, nabubuwisit na naman ako. Gusto ko na lang talagang isumbong kay Sir Bobby, e.
Dumeretso na agad kami sa gitna ng casino bago naghiwalay ng daan.
Ang weird ng amoy sa loob. Amoy efficacent oil, na amoy pinabangong sili, na amoy matanda saka amoy alak at usok. Nakakasuka na nakakaikot ng sikmura.
Paano natatagalan ng mga taong 'to ang ganitong amoy at atmosphere?
Ang daming mesa sa gilid ng bawat aisle. Nakikiusisa ako sa bawat table ng mga naglalaro doon.
Nakalingon ako sa kanan nang may nabunggo ako.
Sabay pa kaming yumuko at sabay na nag-"sorry" sa isa't isa.
Pero nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang pamilyar na mahinhing boses ng babae.
Para tuloy akong timang na naka-steady lang sa aisle habang nakatingin doon sa naglalakad palayo na babaeng nakabungguan ko. Naka-hoodie na red at jeans kaya hindi ko sigurado kung sino.
Pero may kaboses siya talaga. O baka guniguni ko lang.
Hindi ko na sigurado.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top