Chapter 12: Dark Sides



Rico's dad is rich. Pat's dad is rich. Sa barkada namin, for sure, silang dalawa ang makaka-relate sa isa't isa when it comes to living with a silver spoon in their mouth. Hindi rin naman kami mahihirap, but we're exposed to realities of this country has, and hindi kami ganoon ka-pampered para maging kasing-naïve ni Patrick.

He willingly gave his fucking Lamborghini up, and all of us were panicking.

Because why not?

Una, hindi alam ng daddy niya na pumunta siya sa drag racing.

Pangalawa, bago ang luxury car niya.

Pangatlo, naka-installment ang putang ina.

And most of all, hindi namin alam kung paano 'yon babawiin kasi wala kaming kaide-idea kung ano ang pinasok ni Patrick last night.

Aware ba kami sa drag racing?

We have a TV? We watch movies? Fast & Furious and shit are waving at us?

But Patrick doing it illegally somewhere along the dark part between Pasay and Parañaque?

Baby namin si Pat! And imagine na yung dapat na inaalagaan ninyo, nagsusugal somewhere nang wala kayong kamalay-malay.

Kung puwede lang tumakas ang kaluluwa ko sa katawan, baka iniwan na rin ako.

Alam kong stressed na rin si Rico. Pero nakikita ko namang inuunawa niya ang kabobohan nito ni Patrick. Ako kasi, kahit anong unawa ko, hindi ko maintindihan kung bakit mo ipupusta ang putang-inang Lamborghini mo na installment pa at two years mong babayaran. Kasi putang inang hindi ko mahagilap kung anong utak meron si Pat kaya niya 'yon ginawa kahit gawan ko pa ng analysis, e.

Alam kong maraming kotse si Sir Bobby. Mag-snap lang siya ng daliri diyan, may kotse na agad si Pat.

But the thing is, hindi pa si Sir Bobby ang bumili! Si Patrick mismo!

At para sa isang taong nagpapakahirap magtrabaho at kayamanan ang bawat pisong ibinibigay sa akin, never kong maiintindihan ang ginawa ni Patrick.

Kapag may binili ako, gusto kong mapakinabangan iyon hangga't kaya ng gamit at hindi pa nawo-worn out. Pinipili ko ang gagastusan. Yung klase ng gastos na masasabi kong worth it kasi pinaghirapan ko 'yon.

Pero putang ina talaga, gusto kong manapak ng Patrick Lauchengco ngayon.

Nakakailang draft na ako ng text kay Sir Bobby.

Sir Bobby, sorry po, ipinusta ni Pat yung bagong kotse niya . . .

Deleted.

Sir Bobby, huwag ka sanang magagalit pero kasi si Pat, may ginawang kagaguhan . . .

Deleted.

Sir Bobby, ang bobo po ng anak mo, for real . . .

Deleted.

Nagdadalawang-isip ako kung aamin na ba sa pinasok ni Patrick o hihintayin ko na lang ang plano ni Early Bird.

Seven million in total ang kotse ni Patrick kasama ang interes sa monthly amortization. Nakabayad na siya at least down payment na 1.5 million.

'Tang ina talaga, nagbabanggit pa lang ako ng "million" gusto ko na lang magmura maghapon.

Kahit anong isip ko talaga, hindi ko ma-gets kung bakit mo ipupusta ang ganoon kalaking halaga, e. Isang libo nga lang, nahihiya na akong gastusin, isang milyon pa kaya?

Sabi ni Rico, kakausapin daw namin itong Calvin Dy sa Intramuros malapit sa Mapua. Pero taga-Adamson yung Dy, may dinayo raw yata sa Mapua kaya naroon.

Sa Muralla, may eatery doon, nakapagitan sa mga lumang Spanish house. Pagpasok namin sa wooden gate, may vine garden na medyo dim sa loob at wala halos tao. Alas-tres ng hapon, tapos na ang lunch. Patay na oras.

Sa table na malapit sa counter, meron doong isang estudyanteng nakaupo. May laptop sa harapan, maganda rin ang brand at sleek, so may hinala na akong isa ring mayaman 'to.

Naka-white tee lang, pero nakapam-PE pa yata at may logo ng school ang jogging pants. Red and white Hi-Cut Converse ang sapatos, malinis tingnan, hindi mukhang basag-ulo. Maayos rin ang gupit, same sa gupit ni Clark na two by three. May nunal pa sa pisngi na kitang-kita agad kasi magkakulay sila ng balat ni Patrick. Medyo singkit din at mukha silang magkakasundo talaga ni Patrick.

Sigurado ba si Rico na ito ang kakausapin namin? Parang hindi yata gumagawa ng katarantaduhan 'to. Bagay silang magtropa ni Pat, parang madaling utuin.

"Calvin Dy?" bungad na bungad ni Rico paglapit namin.

Wala pa siyang reaksiyon noong una, pero pagtingin kay Pat, ngumisi agad nang nakakaasar. Nagmukhang mahaba ang pangil kasi maliit ang ngipin sa pagitan ng two front teeth saka pangil mismo. Parang chihuahua na akala mo inosente, biglang nangangagat pala.

Babawiin ko na pala ang sinabi kong hindi gumagawa ng kataranduhan.

"Ah . . . I see." Tumango-tango pa siya, parang alam na kung bakit kami nandito. Itinuro niya agad si Pat. "Ikaw yung owner ng yellow Spyder, di ba?"

Tinanong ko na agad kasi mukhang kilala nga itong tangang kasama namin.

"Nandoon ka ba kagabi?" tanong ko.

"Natural!" masaya pang sagot nitong Calvin sa akin. Inilipat niya agad ang tingin kay Patrick habang natatawa. "Alam mo, pinagtatawanan ka na lang sa grupo nina Jackson. Bobo ka rin, 'no?"

Umentrada na si Rico at dinuro si Calvin. "Don't talk to my friend like that. I know, may mali siya, pero hindi siya bobo."

"Hahaha!" Pinagtawanan lang kami nitong Calvin, nabubuwisit tuloy ako. Kung puwede lang unahin ko na 'tong sapakin, e. "Bro, ikaw ba, ipupusta mo ang Lamborghini mo para lang sa date?"

"Date what?" gulat na tanong ni Rico.

Bigla akong nawala sa path ng topic at gusto kong ako na ang kumompronta sa Calvin na 'to.

Anong date ang kinukuda ng hayop na 'to?

"Si Melanie, sabihin ko na agad, ha?" sabi nitong Calvin. "Pormahan n'yo na lahat, huwag lang si Mel. Etong barkada n'yo," itinuro niya si Pat, "ipinusta ang kotse niya para lang sa date. Kahit umiyak ka ng dugo, hindi papayag 'yon. Ayaw n'on sa madaling mauto."

Putang ina to the nth power, Patrick!

"Tingnan mo nga'ng itsura mo. Mukha ka pang nanghihingi ng allowance sa parents mo, papatol ka pa sa babaeng 'yon? Bangag ka ba?"

Hinablot ko na agad ang braso ni Pat saka siya sinampal-sampal para magising siya sa kahibangan niya.

"Patrick, 'tang ina, ano yung narinig namin, ha? Sabi namin, di ba, awat na! Ano na namang kagaguhan 'to?"

"Tsong, easy, easy." Hinatak na ako ni Will para ilayo kay Patrick.

"'Tang ina, dude! Nanggigigil ako sa 'yo! Ang bobo mo! Nakakapanginig ka ng laman!"

"Leo, doon muna tayo sa labas. Hot ka agad, e."

Itinulak-tulak ako ni Will palabas ng eatery hanggang mapunta kami sa brickroad sa labas.

"'Tang ina! William, ipupusta mo yung Lamborghini para sa date? 'Tang ina, date?! DATE PARA SA SEVEN FUCKING MILLION?"

Ang init na ng buong mukha ko habang nagtitimping huwag makasapak ngayon sa sobrang inis.

Ang bobo talaga!

"Easy ka lang kasi. Kaya nga ginagawan ng paraan, di ba?" depensa naman ni Will sa akin.

"Sige, ikaw. Kung ikaw ang naroon sa posisyon ni Pat, ano'ng gagawin mo?"

"Dude, hindi ako bibili ng Lambo na installment kung ako siya," natatawang sagot ni Will sa akin. "Nandoon na tayo, nasa ibang tao na yung kotse. Hindi natin mababawi agad 'yon kasi wala tayong alam kung ano'ng nangyari."

"Akala ko, bobo na 'ko!" masayang sinabi Clark paglapit sa amin. Nakangiti pa siya nang akbayan si Will. "Buti may mas bobo pa sa 'kin! I feel so smart today, pota! Tara, beer!"

"'Tang ina, isa ka pa," sabi ko.

Pumunta kami sa malapit na sari-sari store sa kanto saka doon bumili ng yosi at cola.

"Pero 'tang ina talaga, ang yaman ni Pat," sabi ni Clark habang iniikutan kami ng usok sa gutter kung saan kami nakaupo.

"Lamborghini tapos siya lang bumili," dagdag ni Will. "Dude, kahit second hand na Corolla, hindi ko afford, e."

"Afford mo nga, ipupusta mo lang para sa date," sabi ko. "Kung di ka ba naman saksakan ng kabobohan sa katawan."

When Rico said Patrick might be living in a different world than ours, I considered that, knowing how Sir Bobby could easily buy me a brand new phone as if he were buying me candy after a scolding.

Kung iisipin kong mabuti, baka nga barya lang din ang isang Lambo kay Sir Bobby. But I don't think si Sir Bobby ang tipo ng tatay na gugustuhing ipusta ng anak niya ang isang brand new luxury sports car dahil lang afford nilang bumili n'on. As if namang common brand ng kotse ang Lambo sa Pinas.

Halos kalahating oras din kaming nagbabad sa initan bago lumabas ng eatery sina Pat at Rico.

Hindi makatingin sa amin nang deretso si Patrick. Kung tangkain man niya, baka masapak ko lang siya out of reflex.

"Ano'ng ganap?" tanong ni Clark.

"That Calvin agreed na tulungan tayo, but with a condition," paliwanag ni Rico.

"Na ano?" tanong ko.

"He'll join this barkada."

"Join sa barkada?" sabay-sabay pa naming tanong nina Clark.


♥♥♥


Hindi namin kilala yung Calvin Dy. In-stalk namin ang profile, puro lang shares ng mga lewd post at sexy animé girls. Si Clark lang ang natuwa.

Quarter to eight, nasa likod na kami ng Coastal Mall. May path doon na hindi na nadadaanan ng sasakyan kahit mahabang kalsada naman.

Medyo madilim sa area pero mailaw naman kasi sa may Baclaran at buo pa ang buwan kaya kahit paano, hindi na namin kailangan ng flashlights. Tumambay kami sa saradong overpass. Puwede namang gamitin kaso kasi, what's the point kung wala namang sasakyang dumaraan doon? Ang daming kalawang sa bakal, saka ang alikabok pa. Nakailang pagpag kami bago naupo sa edge.

Never kong gugustuhing pumunta sa ganito. Apart from the idea na trouble ito, ang daming mukhang adik sa ibaba namin. I didn't want to judge, pero may mga nag-aabot na ng mga nasa sachet na white powder o mukhang damo. Ayokong mag-assume na shabu 'yon or coccaine or other dangerous drugs, but come on. Common sense.

Marami ring kotse. Halos lahat ng nakatambay sa ibaba, may mga tattoo. Ang mga babae, naka-fishnet and underwears na lang halos. Kahit pa may shorts, punit naman o kaya parang bikini na. Feeling ko, sobrang realistic na ng scenes nina Dominic Toretto sa ganito. Ang difference lang siguro, realistic din ang kaba namin kasi live na naming nakikita.

Some were carrying a fucking gun. And they were bragging that sa kahit sinong nandoon.

Habang naiisip kong dito nakuha ang Lamborghini ni Patrick, nabubuwisit na naman ako.

"Dude, ang bobo talaga," sabi ko habang nakatingin sa langit na sobrang linis.

"Dude, Lambo para sa date?" natatawang sinabi ni Will. "Gago, Pat, baliw na baliw ka na ba? Kahit siguro si Cheska, alukin ako kung ide-date ko siya o Lambo ko, kung meron man akong Lambo, hindi ko papatusin 'yon, e."

"Partida, tsong, brand new na installment pa 'yan, hahaha!" Kahit si Clark, binu-bully na si Patrick. Ang bobo naman kasi talaga.

"I knew it was wrong," sagot ni Pat kaya sumagot din ako.

"No, you didn't know!" sermon ko. "Kasi, dude, kung alam mo, common sense na lang, kahit pa confident ka, hindi ka dapat pupusta nang ganoon kalaki. Kasi ang tanga talaga, Pat, kahit paikot-ikutin mo ang sense niya, promise. Tanggap ko pa kung sampu ang kotseng meron ka. Pero, Pat, first car, brand new, installment pa! 'Tang ina, kapag naiisip ko, gusto na kitang kalimutan bilang kaibigan, e. Nakaka-what the fuck ka."

Hinawakan agad ako ni Clark sa dibdib at tinapik-tapik iyon.

"O, brader. Puso, brader. Akin na ang amlodipine at hina-high blood si Lolo Leo natin."

"Tama na 'yan, okay?" awat ni Rico sa amin. "Wala naman nang mababago, nasa kanila na yung kotse." Pagtingin ko kay Rico, nakatutok na siya kay Patrick at siya na ang mahinahong nanenermon dito. "Next time, kapag may ganito ka kasing plano, Pat, magsabi ka. I know, busy kami, pero hindi naman kami naglalapag ng phone. Call us sana to inform us, kasi gaya nito, ang impulsive ng decision mo, alanganin ka tuloy."

"I know, sorry na," sagot ni Pat, malungkot pa nga.

"Uy, mga bro!" Napalingon agad kami sa dulo ng overpass. Eto na naman si Calvin Dy. Naka-black shorts lang na pambahay at dark green shirt na walang kahit anong design. Tsinelas nga lang din ang suot at may leather bag na nakasuot ang handle sa pulsuhan.

"Mukha kayong may gimmick, a. Ganyan ba lagi porma n'yo?" puna niya sa mga damit namin. Kompara naman kasi sa suot niya, mga naka-casual blouse, slacks, at leather shoes pa kami.

"Gaya ng napag-usapan, welcome sa group." Si Rico na ang nag-announce ng pagsali ng Calvin na 'to sa grupo namin.

Kung ako lang, ayoko sa Calvin na 'to. Stressed na nga kami kay Pat pero nagagawa pa nitong pagtawanan kami.

"Plan?" tanong ni Rico.

Lumapit si Calvin sa railing ng overpass saka tumanaw sa ibaba namin. Nadadagdagan na ang tao, napatingin ako sa Rolex ko. Alas-nuwebe na pala.

"Yung kotse, nasa talyer ni Jackson," panimula ni Calvin. "Bigyan ko kayo ng options: una . . ." Nagtaas siya ng kalingkingan. "Nanakawin n'yo yung kotse. Hindi recommended pero posible. Pero literal na makikipagpatayan kayo n'on. Kung mga action star wannabe kayo, tuloy n'yo, nasa option naman."

'Tang ina, sorry sa barkada ko pero iyon ang naiisip kong gawin ngayon. Hindi kasi talaga ako gagastos para sa kabobohan ni Patrick.

"Pangalawa." Isang daliri na naman ni Calvin ang tumaas. "Pag-iipunan n'yo pantubos. Hindi rin recommended, alam naman nito ni Dardenne ang dahilan. Mahal. Lugi kayo. Pero isa sa best options, lalo na kung ipapa-bid ang kotse. Ang daming interesado sa Spyder mo." Itinuro niya ng ulo si Clark. "Kapag naglabas sila ng bidding n'on, kasi nga may record sa LTO, posibleng mabili n'yo . . . kung! may pera kayo pang-bid. Nagbi-bidding sila rito ng kotse, malaki ang chance na doon n'yo makita ang Spyder niyan."

Napatingin ako kay Rico. Mukhang naisip niya agad ang naisip ko.

Bidding.

Better option.

Ang tanong, saan kami kukuha ng pantaya?

"Last." Isa na namang daliri ang nadagdag. "Kakarera ka ulit," sabi niya kay Patrick. "Aminado si Jackson, muntik mo na siyang matalo last time. Kaunti lang ang difference ng time n'yo. Akala nga niya, makakatsamba ka. Puwede mong hilingin sa trade ang Spyder mo pero dapat tapatan mo ng value. Hindi 'yon papayag sa palugi."

Gusto kong gawin ang first option.

Ideal ang second.

Feasible ang third option.

Either of the three, willing to do ako. Pero gusto kong malaman ang opinyon ni Rico rito.

"Kung pupusta kami sa players tonight, gaano kalaki ang dapat naming ilabas?" deretsong tanong ni Rico at kating-kati akong malaman ang desisyon niya.

"Dude, anong pupusta?" Pero wala pa naman, inilayo na siya ni Clark papunta sa kabilang dulo ng overpass.

Napasunod tuloy kami sa kanila.

Tinitingnan ko ang reaksiyon ni Clark, mukhang hindi siya payag sa desisyon ni Rico.

May tiwala ako kay Rico pagdating sa decision-making, pero ayokong ganitong umaawat si Clark sa kanya.

"Dude, wala tayong pera kahit pa possible mag-bid sa kotse," depensa ni Rico sa plano niya.

"Pupusta ka?" tanong ko.

"Leo, think about this," paliwanag niya sa amin. "Sa event for tonight, may entrance fee ang mga bettor. That's one thousand pesos."

1k? Ang laki naman!

"Ang guaranteed price nila daily, umaabot ng fifty to ninety thousand, depende sa dami ng pupusta. Hahatiin 'yon sa lahat ng mananalo."

Wow. Sulit pala ang 1k. Napatango na lang ako. "Okay? I see."

"Now, ang meron tayo ngayon—lahat ng money na for pot money natin, nasa 23 thousand. One of us will bet for this. That's 1k, we only have 22k. Si Calvin ang handler natin for tonight. Isa rin siya sa mananalo once manalo ang tatayaan natin. We can ask for Calvin na mag-ambag since we already welcomed him naman sa group. Kapag nag-bet tayo, at least, sa minimum nila na 3k, yung 3k natin, possible na maging, let's say, 6k na as an average win. Hindi lang once ang game for tonight. We can check the other players kung kanino worth ang bet natin. Possible na yung 22k natin, maging 36k or more."

"How sure are you na mananalo tayo once pumusta tayo?" tanong ko.

"50-50. But, at least, umiikot ang budget natin habang naghihintay tayo ng news about the car. And I was thinking, if Pat could beat that man na pinagpustahan niya ng car, maybe a little practice, he could take that car back."

Napasimangot ako sa sinabi niya. "Magri-risk ka na naman? Dude, walang kotse si Pat para magamit. Paano 'yan kakarera?"

"Pag-usapan natin 'yan later," sagot niya sa akin. "But for now, we need to study the whole process of this para ma-check natin kung gaano ito ka-feasible."

"Dude, kakagaling ko lang sa summer class, study na naman?" reklamo ni Clark habang nagkakamot ng ulo.

"Clark, shut up ka muna," kontra ni Rico. "Manonood ka lang. Wala kang utak na gagamitin dito. Kung meron ka man n'on."

Bumalik na kami kay Calvin.

"Ano? Okay na?" tanong niya, halatang nainip. "Kung G na kayo, sabihin n'yo lang sa 'kin. Manghihingi na 'ko ng ilalagay sa kanila." Itinuro niya ang nasa ibaba namin.

"Sige, pupusta kami," sagot ni Rico.

"Okay! Start na tayo." Naglahad siya ng palad sa amin. "By the way, minsan pala, wala ako. 'Papakilala ko na lang kayo sa isa sa mga kumukuha ng budget for pot money minsan."

Natatawa pa si Rico habang umiiling, inaabot ang mga pera namin kay Calvin. "Sino? Required din bang maging part ng barkada like you?"

"Ah, nah. No need. Ayoko ring kasama 'yon."

Tumayo na nang deretso si Rico pagkatapos ibigay ang lahat ng pera namin sa bagong member ng barkada.

"Sino nga?" tanong ni Rico.

"Si Melanie." Tumalikod na rin si Calvin at nauna na sa aming bumaba.

Nagsalubong agad ang tingin namin ni Rico dahil sa sinabi ni Calvin.

Melanie.

Sabi na nga ba, may hindi normal sa babaeng 'yon kung makatingin, e.

"Wear your masks, bababa na tayo," utos ni Rico sa amin.

Siya na ang nag-suggest ng mask kasi kapag nakita kami rito at may nakakilala sa amin, talagang malilintikan kami sa mga magulang namin.

Hinugot ko sa side pocket ang black face mask ko na pang-motor. Si Patrick, white ang kanya. Si Will, isinuot ang red mask na mukhang pang-ninja na kita lang ang mata. Si Rico, surgical mask at may bullcap pang itim. Gusto ko sanang matawa kay Rico pero pagtingin ko kay Clark, suot na ang full face Mickey Mouse mask.

"Clark!" sermon ni Rico. "What the heck?"

"Ang papangit naman ng mga mask n'yo," sabi ni Clark sa amin.

"'Tang ina mo talaga!" Sinapok-sapok ko siya sa sentido habang pinagtatawanan. "Itsura mo, gago."

"Bakit ba? Sabi n'yo, mask?"

"Mask nga!" sabi ko.

"Mga watdapak kayo, kayo ang hindi sumusunod sa instructions. Mga boang."

Pagbaba tuloy namin sa field, pinagtatawanan na kami dahil may kasama kaming Mickey Mouse.

"Kayo ba yung mga bago?" salubong sa amin ng lalaking naka-braid ang blonde na buhok at maraming tattoo.

"Yes, we are," magalang na sagot ni Rico.

"Ano kayo? Member ng Mickey Mouse Clubhouse?"

"Clark, puta ka talaga," bulong ko habang nakaakbay sa kanya.

"Ang cute ko kaya," sagot niya habang pinalo-palo ng palad ang likod ng ulo ko.

"Ulol."

"Ang bango n'yo naman," sabi ng babaeng lumapit sa amin. Isa-isa kaming inamoy. "Taga-Big Four ba kayo?"

"You mean universities?" tanong ulit ni Rico.

Hindi kami sinagot ng babaeng petite at nakasuot lang ng tube at hi-waist denim jeans. Nag-jog lang papalapit doon sa lalaking braided blonde.

"Ryke, feeling ko, taga-LS 'tong mga 'to," sabi ng babae.

Tiningnan lang kami mula ulo hanggang paa ng Ryke na 'yon.

"May mga pera ba kayo?"

"Wala na," sagot agad ni Clark.

Tinawanan kami n'ong Ryke habang akbay yung babae. "Di nga?"

"Wala nga," pilit ni Clark kaya kinaladkad na namin sa di-kalayuan para sermunan.

"Dude, problema mo?" tanong ni Rico.

Nagkibit-balikat si Clark. Hindi namin makita ang mukha, natatawa pa rin ako sa pa-Mickey Mouse niya.

"Clark," pag-call out na ni Rico sabay pamaywang. "Really?"

"Dude, kapag sinabi mong may pera tayo, baka abangan tayo ng mga 'yan after this. Tingnan mo nga mga itsura niyan." Itinuro niya ang mga kasama namin sa field. "Come on. This place is not safe. Nakuha kay Pat ang kotse niya na parang laruan. Hindi tayo puwedeng mag-show off sa ganitong lugar, mukhang pag-iinitan tayo. Baka nga magpambahay na lang din ako gaya ni Calvin kung babalik pa tayo rito."

I didn't want to say this but, "Clark has a point, Rico. Hindi maganda ang kutob ko sa lugar na 'to."

Rico looked at Clark, then at me. For sure, naintindihan niya ang sinasabi ni Clark.

"Fine. We need to know what's in here. Mukhang wala rito ang kotse ni Pat. Clark."

"Yuh?" maarteng sagot ni Clark.

"You know what to do."

"Aye, aye, cap'n!" Nauna nang umalis sa amin si Clark at pasimpleng nagpamulsa na habang patingin-tingin sa mga nasa field.

Hindi okay sa akin ang lugar na 'to. Pero wala na kaming choice. Kailangan naming mabawi ang kotse ni Pat.



♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top