Chapter 11: Origin
Isa sa reasons kaya ayoko munang magka-girlfriend habang nag-aaral, I was taking a lot of studies to survive.
Basically, time is essential for a love life. Attention, focus, and intimacy. It was technical for me since if we're gonna use our minds to segregate our emotional capacity to love and our physical capacity to provide that love for another person, sa case ko, it was almost impossible to enjoy both worlds. Para ka lang kumakain nang sobra at biglang maeempatso.
Hindi ko makita ang sarili kong nagpapakahirap sa schoolworks at trabaho habang may babaeng kailangan kong bigyan ng atensiyon. Sobrang complicated.
Pero yung feeling na choice mong maging single pero love life ng barkada mo naman ang umi-stress sa 'yo?
Akala ko—akala namin—naka-move on na si Pat doon sa Melanie. January, February, Mid-March, wala siyang sinasabi. Walang babae sa bibig ni Pat that time kaya akala namin, over na.
Tapos biglang . . .
"I'll try again."
"Try na?" tanong ko habang busy sa laptop.
"I'll court her. Baka puwede na."
"Dude, ang dami diyan, wala ka bang ibang mapili?" reklamo ni Clark.
"Last na 'to. If nothing happens pa rin, I'll stop na."
Nakikita ko sa mata ni Patrick na desidido talaga siya sa plano niya. Ayokong pumayag, at mukhang mag-a-agree sa akin ang barkada kung sakali man. Pero gusto ko ring makita ni Pat na kung wala nang hope dito sa crush niya, tumigil na siya.
And besides, wala naman siyang matinong panliligaw na ginawa roon sa girl. Ang ginawa lang naman niya ay sumulpot randomly sa harap n'on at mag-propose ng kasal.
E, kung ako ang babae, baka kinasuhan ko pa siya at binigyan ng temporary restraining order!
Ang creepy kaya niya. And he did that twice!
"Fine. Last na," sabi ko na lang, kasi naaawa rin ako kay Pat. Pinagtatawanan na lang kasi namin, pero last year pa kasi 'to. Dapat naka-move on na siya.
E, kilala ba naman namin 'yong Melanie?
Kilala namin kay Pat. Nakita naming naka-costume last Halloween Party. Pero yung makikilala namin personally na talagang getting-to-know-each-other thing, wala. Ewan ko kay Clark kung pinapansin niya 'yong Melanie, pero mukhang wala rin siyang interes at isa rin sa nabubuwisit sa kakulitan ni Pat.
Signing ng clearance, closing ng schools. Kung tutuusin, pare-parehas na naming final decision ito pagdating sa pag-tolerate sa kabaliwan ni Pat.
Haggard na nga kami sa exams buong mid-term hanggang finals, pero siya, mas inuna pa niya 'yong babaeng hindi siya pinapansin. Para namang mamamatay siya kapag hindi siya sinagot n'on.
Last week namin sa school, pasahan ng projects and requirements para sa final grades, buong barkada ang dala ni Patrick habang umaaligid kami sa gilid ng LaCo. Meron daw siyang kikitaing babae, pero hindi 'yong Melanie.
Kung pasikatan ng pangalan, mukha, at ugali lang ang pagbabasehan, taob kaming lahat kay Patrick. Kapag magkakasama kami, siya ang madalas pansinin, tapos ngingitian pa niya saka babatiin. E, di tilian naman ang mga babae. Hindi pa naman snob 'tong lalaking 'to.
"Dude, she's coming na," sabi ni Pat, nagpa-panic na. Ilang beses sinuntok-suntok ang braso ni Rico habang may papalapit sa aming babaeng kulot saka nakasuot ng jologs na red, green, and yellow na shirt and pants.
"Hi . . ." nahihiya nitong bati kay Pat. Nag-ipit pa nga ng buhok sa likod ng tainga pero tumikwas din naman pagkatapos.
"You're Jinalyn?"
"O-Oo." Ngumiti ang babae at tumipid naman ang ngiti ko nang makitang may tinga pa siyang kulay orange sa gilid ng ibabang ngipin, bandang pangil. Mukhang dumaan pa sa kwek-kwekan 'to bago kami kinausap.
"You said, kilala mo si Melanie. Sure ba?"
"Oo!" Pumaling agad itong Jinalyn sa likod saka may itinuro. "Nandoon sila nina Sharon ngayon sa may pisbolan malapit sa terminal. Puntahan mo na lang!"
"Oh, thank you so much!"
Ang lapad ng ngiti nitong Jinalyn saka naglabas ng phone. "Puwedeng magpa-picture?"
"Oh, sure!"
Biglang kinuha ni Pat ang phone n'ong babae saka pinili sa amin kung sino ang kukuha.
"Let me," presinta ni Rico at saglit siyang nagpatulong para mahanap ang camera ng phone.
Inakbayan ni Pat ang kausap niya saka sila sabay na ngumiti.
"One, two, three. Okay, isa pa."
Ang tamis ng ngiti ni Patrick saka n'ong babae habang nakakalimang shot na si Rico sa kanila.
Akala namin tapos na. Ayaw mawala ng ngiti n'ong Jinalyn habang naghihintay pa kay Patrick.
"Puwedeng makahingi ng kiss? Kahit sa cheeks lang," sabi niya.
"Kiss sa cheeks? Sure!" masaya pang sagot ni Patrick at mabilis na hinalikan sa pisngi yung babae.
"Aaaaahhh homayghad, thank you, Patrick!"
Pare-parehas kaming nakatulala roon sa babaeng tumitili habang tumatakbo palayo sa amin.
"Dude, come on! I'll take my flowers na sa van!"
Saka lang kami sabay-sabay na napalingon kay Patrick na para bang napakanormal lang sa kanyang may ganoong senaryo sa paligid. Excited pa siyang bumalik sa van na dala ni Rico bilang service namin.
"Ano ba'ng meron si Patrick na wala tayo?" takang-takang tanong ni Clark habang himas-himas ang baba niya. "Baliw na baliw yung mga chick sa kanya. Normal pa ba 'yon?"
"Not all, dude," sabi ni Rico habang iwinawagayway ang hintuturo niya sa tapat ng mukha ni Clark. "Remember, twice na 'yang rejected. He can't have it all."
Clark gasped as if Rico unfolded a huge clandestine in front of him.
"Magaling, magaling, magaling."
Gusto kong suportahan si Patrick dito sa panliligaw niya kasi make-or-break situation na niya ito. Kapag failed ito, he has to stopped. Wala namang problema sa pagiging persistent, pero nilulugar kasi ang pagiging mapilit.
Mapilit din naman si Clark, pero never namin siyang sinabihan na mag-move on.
Moving on is the perfect term for us to use except Clark.
Doon pa lang sa kanto, nakita na namin ang grupong tinutukoy kanina ni Jinalyn.
Hindi ko sigurado kung sino roon ang Melanie, pero kung taste ni Patrick ang basis ko, baka ang balak niyang ligawan ay 'yong babaeng may dimples na rosy white ang kutis at naka-floral dress. Iyon lang kasi ang nakikita kong maganda sa grupo.
"She's there!" excited na sinabi ni Patrick at itinuro ang isawan.
"Sino?" tanong din ni Clark. "Yung naka-floral dress?"
"Yes! That's her!"
"Maganda naman pala, e."
I was right. 'Yon ngang naka-floral. Clark's right. Maganda. Matamis ngumiti, laging pine-flex ang dimples niya. May dimple din pala ako sa right lower lip, kaya nga ayokong ngumingiti sa harap ng iba kasi pinupuna sa sobrang lalim at nag-iisa pa. Hindi ko kayang gawin ang ginagawa niya.
"Dude, give this naman to her," sabi ni Pat at itinutok sa akin ang bouquet na hawak niya. "If okay siya, I'll go agad sa inyo."
Shet naman. Hindi nga ako nanliligaw, ako pa padadalhin ng bulaklak nito.
Pilit na pilit ang ngiti ko kay Pat kasi ang cringe talaga na ako ang magbibigay ng flowers.
Last time na may nakisuyo sa aking ipaabot ang ipinabibigay niya sa babae, ako ang natipuhan at binulabog!
"Dude," tawag ni Rico, tinapik ang kanang braso ko, "i-cover mo na lang face mo kasi baka sa 'yo ma-in love."
Baka nga. Nakaka-trauma na nga si Kyline, magdadagdag pa ba ako?
"Agree," sagot naming lahat.
Kinuha ko ang black Mark and Spencer handkerchief ko sa bulsa saka ko itinupi para maging triangle. Itinakip ko na iyon sa mukha ko at nakita ko agad na pinagtatawanan ako nina Rico.
"Dude, mukha kang holdaper," sabi ni Clark.
"Ulol," sagot ko.
Dinala ko na ang flowers doon sa may isawan. Hindi naman ako ang manliligaw rito sa Melanie na 'to kaya ayos lang na hindi ako magpakapormal.
"Hi!" bati ko, nagtaas ng boses pero hindi ng saya.
"Oh . . ."
Nagtutulakan na sila habang iniisa-isa ko sila ng tingin. Anim sila sa grupo, mukhang mga hindi matitipuhan ni Sir Bobby kung papaligid kay Patrick.
"Hi . . ." pa-cute na bati nitong bading na mahaba ang buhok. "Kanino yung flowers?"
"Bechy! Alam na this!"
"Eeecckkk! Eeecckk!"
Ang weird nilang lahat, 'tang ina. Puwede bang ihampas na lang itong hawak ko sa kanilang lahat para tumahimik?
Tumitig na ako rito kay Melanie. Mas maganda siya sa malapitan. Mukhang mabait, pero nakasimangot kasi sa akin. Sa kanilang lahat, siya lang ang nakangiwi sa akin. Nagkakagulo na ang barkada niya, kung tingnan naman ako, parang nakakadiri akong tao.
Hinanap ko kung ano ang natipuhan dito ni Patrick. May itsura naman kung tutuusin, walang tikwas ang buhok hindi gaya ng kaninang nagpa-picture kay Patrick. Mukha ring maalaga sa sarili, at mukhang mabango. Kung katawan naman, mas may curves pa si Kyline kaysa sa kanya. O baka kasi mas matangkad si Ky saka malaman. Saka . . . parang nakita ko na siya, hindi ko lang matandaan kung saan at kailan.
"Para kanino?" tanong niya, pero masungit.
"This is for you," sabi ko saka inabot sa kanya ang bouquet.
"Ay, ganda mo, 'Ne!"
"Taena neto ni Melanie, iba ang alindog!"
"Nagse-Safeguard din naman ako, ba't walang nagbibigay sa 'kin ng flowers? 'Ngena naman!"
Sa kabila ng gulo ng grupo niya, tinaasan lang ako ng kilay nitong Melanie.
"Sorry, I don't like flowers, e. 'Bigay mo na lang sa iba."
I was looking at her straight in the eyes, at mukhang ni-reject niya ako kasi minamata ko siya. Ang expressive ng tingin niya, halatang walang time makipaglokohan sa kausap.
"Ay, taray, ha. Akin na lang!" Biglang may humablot ng bulaklak mula sa kamay ko, pero nanatili ang tingin ko roon kay Melanie.
Ang angas tumingin sa akin habang nakangisi, parang gusto akong hamunin ng sapakan.
"Go ahead," hamon niya at inilahad ang daan para tahakin ko.
Inirapan ko na lang para ipakitang hindi ko papatinag sa ugali niya.
Siguro nga, may sense kung bakit patay na patay si Pat dito kay Melanie. From that Jinalyn to this Melanie girl na kung tumingin, parang may balak na masama, I could see why Pat was head over heels for her. Hindi dahil maganda siya or cute, but there's something about Melanie na mukhang hindi mabebentahan ng looks ni Patrick gaya ng ibang babae sa paligid namin.
Summer.
Hindi lang isa, hindi lang dalawa, hindi lang tatlo, hindi lang apat . . .
Paulit-ulit-ulit-ulit-ulit ang rejection ni Melanie kay Patrick.
Walang sinabi si Patrick about his failed attempts to take Melanie, at akala ko rin, okay na.
Huminto muna ako sa pagre-report kay Sir Bobby tungkol kay Patrick, especially, summer na. May kanya-kanya na kaming ginagawa. Ang instructions ni Sir Bobby, i-prioritize ko ang school, and kung kakayanin ang part-time job, tawagan lang siya.
Busy ako sa school kasi naghahabol ako ng units for summer class. But one night, I received a call from Rico.
"Dude, bad news. Usap tayo bukas."
Rico is a positive guy. At kahit negative ang idea, kaya niyang i-deliver positively. Pero siya ang pinakaayokong nagsasabi sa akin ng bad news, kasi ang "bad" niya for me ay worst-case scenario na ng baddest of the bad scenario of all time.
Five in the freaking morning, tulog pa ang mga kahilera ko sa boarding house, nasa unit ko na si Early Bird at may dala-dalang isang paper bag ng pandesal, isang pack ng ubas, at instant coffee na gawa ng company nila.
Kamumulat ko pa lang pero ang energy niya, pang-9 in the morning na.
"Dude, anong timezone ba meron 'yang katawan mo, ha?" tanong ko, nakasimangot habang kamot-kamot ang ulo dahil kababangon pa lang. Pabagsak akong naupo sa dining chair ng two-seater monobloc table ko matapos pagbuksan ng pinto si Rico.
"May kotse na pala si Pat," bungad na bungad ni Rico saka inilapag ang paper bag sa table, kaharap ko.
Hindi na ako nagulat.
Papa ni Patrick, car dealer. Natural, magkakakotse siya any time.
"Good for him," sabi ko na lang. Kumuha ako ng isang pandesal na mainit-init pa saka kinagatan.
"Lamborghini raw, sabi niya."
"Wow." Nalingon ko si Rico na naghahanda ng dalawang mug—isang mug na may pangalang Leo at isang may Rico. Kompleto naman kami ng mug at gamit sa kitchen ko. Para ngang annex na ang unit ko ng mga bahay nila. "Seryoso palang humiling siya ng kotse kay Sir Bobby," dagdag ko.
Patawa-tawa pa ako habang ngumunguya.
"Kaso naipatalo niya sa drag racing kagabi."
Biglang nawala ang tawa ko saka nilingon si Rico. Litong-lito ako sa narinig ko kung tama ba.
"Naipatalo? Drag racing? Kagabi?" paisa-isa akong salita.
"Pat's being ridiculous again. What do you expect?"
"Ano ulit yung kotse?"
"Lamborghini."
"Putang ina!"
Parang dinamba ang likod at dibdib ko nang sabay habang iniisip ang balita ni Rico.
Lamborghini? 'Tang ina, Toyota Vios nga lang, tinatanggihan ko na kasi ang mahal tapos Lamborghini, ipinatalo lang ni Pat sa karera?
Ako ang kinakabahan para kay Patrick. Ayoko namang sisihin ang sarili ko na hindi ko na siya nababantayan kasi tapos na ang usapan namin ni Sir Bobby.
Patay talaga 'tong gagong 'to sa tatay niya kapag nalaman n'on ang nangyari.
Naupo na si Rico sa katapat kong dining chair saka nagbuntonghininga.
"Plano?" tanong ko agad. Kasi kapag ganito si Rico at stressed siya, malamang na may balak siya.
Kumuha siya ng ubas at iyon ang unang kinain. Ang lutong ng tunog pagkakagat niya, rinig na rinig sa ganitong oras ng madaling-araw.
"Waiting ako sa email ng tao ni Mum sa agency," sabi niya.
"Para saan?"
"I asked kung paano mare-retrieve yung car ni Pat."
"Dude, ipinusta. Retrieval pa ba ang gagawin doon kung hindi naman ninakaw?"
"Nagpapa-investigate pa lang ako, and I hope for a better result."
"Hindi ka ba sisitahin diyan ng mama mo?" kinakabahan nang tanong ko.
"She might know about it, pero hindi naman kotse niya ang nasa uncomfortable situation ngayon. Anxious na si Pat about his car."
"Dapat lang, gago ba siya? Lamborghini, ipupusta mo? Dude, walang tangang pupusta ng bagong kotse niya!"
"Pat did."
"Ang tanga talaga!"
Umagang-umaga, stress agad ang bumungad sa akin, kagigising ko pa lang.
"Bakit ba siya napunta roon?" tanong ko.
"He'll explain daw once naka-recover na siya. He's still worried about it since he's still living with Uncle Bobby. For sure, magtatanong ang daddy niya kung nasaan ang kotse niya."
"'Ka mo, baka magulpi pa siya ni Sir Bobby sa kagaguhan niya."
"I'll try to help Pat. Hindi siguro siya na-monitor sa kanila kaya napunta sa drag racing."
"Dude, ilegal 'yon. Hindi ka basta-basta kakarera gamit ang luxury car dito sa Maynila."
"Pat's life is a bit different than the rest of ours. We could have prevented this from happening if we'd checked up on him."
"Matanda na si Pat para i-monitor pa natin, Rico."
"But here we are."
Yung hindi mo naman dapat responsabilidad, pero nagiging kargo mo kasi kayo-kayo lang din naman ang magkakasama nang madalas.
E, di nagka-emergency meeting tuloy kami nang wala sa oras.
Si Clark, magbabakasyon dapat 'to sa Galera, sabi nito. Kaso planning pa lang. Si Will, may summer class. Ako, naghahabol ng units. Si Rico, bakasyon. At etong gagong Patrick na 'to, hindi ko alam kung ano ba ang plano nito sa buhay.
Pagkakitang-pagkakita ko sa kanya, gusto ko nang sikmuraan, e.
"For sure, you've heard the news na," sabi pa niya habang nakayuko at nakasalampak sa may rubber mat malapit sa higaan ko.
"Bakit, ano'ng nangyari?" tanong ni Will.
"I went sa Coastal last night," pag-amin agad ni Pat.
"O, tapos?"
"I joined a drag racing."
"Sa ano?" Lumapit pa si Clark sa kanya para marinig ang mahina niyang sinabi.
"I joined sa drag racing last night," mas malakas na sabi ni Pat.
Kunot na kunot naman ang noo ni Clark, hindi yata makasabay sa topic.
"Joined? Kagabi?" ulit pa ni Clark. "Anong oras?"
Nalilitong umiling si Pat. "Ten? Eleven?"
"May kotse ka?"
"Yeah." Tumango naman si Pat.
"Kailan mo nakuha yung kotse?"
"Three days after ng birthday ko."
"So, nitong last week lang."
"Yeah."
"Anong kotse 'to?"
"Lamborghini. Gallardo."
"'Tang ina!" Napatayo nang deretso si Clark at tiningnan kaming dalawa ni Rico. "Seryoso ba 'to? As in, totoong nakuha yung kotse? Lamborghini? 'Tang ina, legit ba talaga? Baka joke lang 'to, hindi ko tatawanan, promise!"
"Pat, nadi-disappoint na kami," semong ko habang nakatitig na kay Patrick na lumong-lumo sa puwesto niya. "Pumunta ka sa drag racing nang hindi kami kasama."
"Busy kayo, guys."
"Kahit pa! Sana in-inform mo kami. E di sana, hindi ka umabot sa ganito."
"Bakit ka ba kasi pumunta roon, tsong?" tanong ni Clark na nagkakamot na ng ulo niya. "Sobrang gabi na n'on. Hindi ka ba hinahanap ni Tita Liz sa bahay?"
"Sa July pa uuwi si Mama from New Zealand, e."
"Ayuuun. Kaya pala." Nagiging sarcastic na si Clark at pumalakpak pa. Mukhang nabubuwisit na rin sa topic namin. "Ang galing!"
Sino ba naman kasing hindi mabubuwisit?
"I know I did something wrong," depensa ni Pat.
"Yeah, you should know, gago! Kung hindi, baka kami pa'ng lumumpo sa 'yo," sermon ko . "Sino'ng nagdala sa 'yo d'on?"
"I saw her kasi doon—"
"Her?" Ay, putang ina. Napatayo na ako same kay Clark sabay pamaywang. "Yung babaeng hinahabol mo na naman?"
"That's not the issue here, Leopold. Hindi ko pa tapos bayaran yung kotse," depensa na naman niya kaya lalong nangunot ang noo ko.
"Hindi mo tapos?" 'Tang ina, habang tumatagal, lalong nagpapanting ang tainga ko sa sinasabi ng gagong 'to. "Ibig sabihin, hindi papa mo ang bumili?"
Umiling siya. "Ako."
"Pinayagan ka?"
Tumango naman siya. "Allowance ko ang pinambili ko ng car. Kaso kulang. So I paid in installment. Two years kong babayaran monthly."
Putang ina talaga! Nanggigigil ako!
"Babayaran mo, wala na sa 'yo yung kotse. Dude! Nagda-drugs ka na ba? Bawal ka niyan, a!"
Dumepensa na naman siya. "Kailangan ko lang mabawi ang car ko. I could win that race if only I knew that they changed the engines of their cars. I will do better next time."
"Dude, wala nang next time! Wala ka nang kotse, babayaran mo pa. If you can do better, you should have done that during the race, not next time!"
"Leo," awat sa akin ni Rico. Tinapik-tapik na ako sa dibdib habang pinaaatras. "Easy."
Sandali kaming tumahimik. Si Rico, hinaharangan na ako para hindi makalapit kay Pat. Pumuwesto na siya ng upo doon sa gitnang bean bag habang busy sa phone niya.
"Kapag nalaman 'to ng papa mo, Pat, patay ka talaga," sabi ni Clark, at kung puwede lang, ako na ang mauunang pumatay sa gagong Patrick na 'tong ubod nang tanga.
"Ambagan na lang tayo?" suggestion ni Will. "I have money here, though, not enough for a million."
"Bro, kahit pigain mo 'ko maghapon, hindi aabot ng one million ang pera ko," sabi ni Clark. "Baka nga wala pang one hundred thousand 'to." Kinuha niya ang T-shirt kong nakasampay sa may hamper saka ibinato kay Rico. "Dude, ano na? Kanina ka pa tahimik. Sawa ka na rin bang pagalitan si Pat? Kami, oo."
Nasalo ni Rico ang damit ko bago niya ibinato pabalik sa hamper.
"I called this guy na may idea sa race last night. If I'm not mistaken, he knew the girl din na hinahabol ni Pat. We can't borrow money from our parents."
Tiningnan na kami ni Rico isa-isa.
Tanghali pa lang pero kanina pa kaming madaling-araw na nag-iisip ng gagawin dito sa kaso ni Patrick.
"Ang laki ng five million," dagdag ni Rico. "Even si Daddy, hindi ako bibigyan ng ganoon kalaking amount kahit pa ipasa ko ang lahat ng exams ko."
"Plan?" tanong ko ulit gaya ng tanong ko nitong umaga pa.
"Nag-reply na yung tao ni Mum. Ongoing daw talaga ang ilegal racing sa area kung saan nakuha ang kotse ni Pat. Take some of your money, yung medyo malaki, but not all your allowance."
"Ambagan?" tanong ni Will na kanina pa nagsa-suggest ng ambagan sa amin. May pang-ambag ako, pero hindi ako mag-aambag para tubusin ang kotse ng gagong Patrick na 'to.
"We will meet the guy na nagha-handle ng pot money sa pustahan doon," sagot ni Rico. "We'll try to bring back Pat's car. I checked the process, maganda ang cash flow nila. Maybe we can work on that pagdating sa finances. Kasi, for sure, we can't buy the car back. Baka presyuhan tayo nang sobra pa sa six million."
Malamang! Bakit ba kasi napabayaan itong Patrick na 'to sa kanila?
"You knew the guy?" tanong ni Pat. "You can talk to that guy na kilala ni Melanie?"
"Nope. I only got his name." Ipinakita ni Rico ang profile ng tinutukoy niya. "We'll talk to this Calvin Dy para pumusta."
Rico's solution to everything was not as easy as we imagined, but it was workable and possible.
Pero si Rico kasi, komplikado ring mag-isip. Masama ng kutob ko sa papasukin namin. Ngayon pa lang, naghahanda na ako ng mahaba-habang speech kay Sir Bobby kung paano ipaliliwanag ang kagaguhan ng bunso niya.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top