Chapter 3


Chapter 3: The Secret of Zoferós Clan

Gabi. Sa Zoferós Mansion.

"Nadala nyo na ba sa kwarto ang kailangan nya?" Malambing na tanong ni Xanthe sa kausap nito na hindi maaninag ang mukha dahil sa hindi matamaan ng liwanag ng ilaw. Nakasuot din ito ng itim na balabal.

Nasa kanyang opisina si Xanthe habang umiinom ng mamahaling wine. Naka-upo sya sa table at nakatalikod sa kausap habang nakaharap sa malaking salaming bintana at tinatanaw ang maliit at iilang ilaw mula sa bayan na kita mula roon.

Puno ng antigong bagay ang kanyang opisina. May malaking painting din kung saan nakaguhit ang dating imahe ng bayan ng Abraxas. Gloomy at iba rin ang prisensya ng silid dahil sa mga itim na kandilang nakasindi at iba pang bagay na nakakapanindig balahibo kung titingnan.

"Naihatid ko na Señorita." Sagot ng kausap nya matapos humakbang palapit sa kanya.

Tumayo si Xanthe mula sa table at saka kinuha ang bote ng wine at kopeta saka iniabot sa kausap. Nilagyan nya ito saka nagsalita. "Cheers."

Pagtunog ng mga nagtamang kopeta ay sabay na lumagok ang dalawa.

"Anong gagawin ko sa Bihag?" Tanong ng lalaki sa Señorita.

"Padre Wik, ikaw ng bahalang gumawa ng paraan para mawala sya sa landas natin. Alalahanin mo, matagal na pinangalagaan ng mga angkan namin ang lihim ng pamilya kaya nanatili kami sa posisyong ito---- at kasama ka sa pag-asenso ng Zoferós. Kapag nabisto ng mga mamamayan ang aming sikreto kasama kang babagsak." Makahulugang wika ni Xanthe habang pabalik sa kanyang desk.

Nababahala namang tumango ang huli bago ito tuluyang magpaalam.

Ilang minuto lang ang lumipas pagkaalis ni Father Wik, habang patuloy na umiinom ng wine ay may kumatok sa opisina ng Señorita bago pumasok. Si Alissa.

"Señorita Xanthe, hinahanap na po kayo ng kapatid nyong si Señiorito Malus. May pag-uusapan daw po kayo." Si Alissa na nakayuko habang nagsasalita.

"Pakisabi na susunod na'ko."

Pagkatango ni Alissa ay lumabas na ito ng silid. Naiwan namang nakangiti si Xanthe habang pinapaikot ang kopetang may lamang wine.

-----

Isang araw ang lumipas.

Pagbangon ni Sandulf ng umagang iyon ay wala na ang kanyang ama. Marahil ay nagpunta na ito sa mansion para dalawin ang nakababata nyang kapatid.

Matapos kumain ng iniwang agahan ng kanyang Ama ay agad lumabas ng bahay ang binata para katagpuin si Bran. Sakto naman na pagkalabas nya ay ang pagdating nito.

"Sandulf, madali ka, kailangan nating magpunta sa pantalan."

Hindi na nakapagsalita si Sandulf. Sinundan nya na lang si Bran dahil tumakbo na agad ito.

Ilang minuto pagkarating nila sa pantalan ay nakita nila ang maraming tao na nagkumpulan habang nakatingin sa parte ng dagat kung saan may namataan na namang dalagitang namatay.

Lumapit ang dalawang binata sa mga magulang ni Bella na naroon rin. Magkayakap ito habang alalang inaantabayanan kung sino ang babaeng biktima.

"Mang kindro, Aling Lyanna." Tinapik nila pareho ang mga ito para kahit papaano ay hindi panghinaan ng loob ang mag-asawa.

Maya-maya pa ng maiahon na mula sa dagat ang babaeng biktima ay tumambad sa kanila ang itsura nito. Gaya ng dati. Parang natuyong dahon parin ang imahe nito.

Sa kabutihang palad, hindi si Bella ang natagpuang bangkay. Nakahinga sila ng maluwag dahil doon pero napaluha parin si Aling Lyanna dahil labis na syang nangungulila sa anak. Isa pa ay hindi rin malayo na ganito ang kahinatnan ni Bella.

"Bella, nasaan ka na?" Halos mapapaluha narin si Bran.

"'Wag ka panghinaan ng loob Bran." Pag-aalo ni Sandulf.

----

Zoferós Mansion.

Kasalukuyang naglilinis si Alissa sa kusina kasama ng ilang kasambahay ng biglang dumating si Malus roon.

Ikinagulat iyon ng lahat dahil sa tanang buhay nila ay hindi pa nila nakitang dumako sa kusina ng mansion ang kanilang Señorito Malus. Ito ang unang pagkakataon.

"Lumabas muna kayong lahat." Sambit nito sa malalim na tono. Si Malus ay may kaaya-ayang mukha at mayroon ding magandang hubog ng katawan. Makapal ang mga kilay nya at nakakatakot sya kung tumingin. Bilog ang itim na itim nyang mata na parang nang-aakit. Mahaba rin ang kanyang patilya na abot sa ilalim ng mukha.

Pagkasabi nya noon ay nagmamadaling nagpulasan ang mga tao sa loob kasama si Alissa. Kaya lamang ay hinawakan ni Malus sa braso ang huli.

"Maiwan ka rito." Saka sumilay ang nakakatakot na ngiti kay Malus na naging dahilan ng kaba sa dibdib ni Alissa.

"S-Señiorito." Nahihintakutang wika ni Alissa.

Inilapit ni Malus ang babae sa kanyang bisig saka agad itong sinikil ng halik sa labi. Nagpipiglas naman si Alissa.

"'Wag po Señorito Ma-----" Hindi na naituloy ng dalaga ang sasabihin dahil sinikil na naman sya ng halik ni Malus at mas lalo pa nitong inigtingan ang kanyang ginagawa para hindi na makapalag ang dalaga.

Nagpipiglas parin si Alissa habang umiiyak. "Huwag po!"

Pero walang silbi ang pagmamakaawa nya.

Sinimulan ni Malus ang paggapang ng mga kamay nya sa mga iniingatang yaman ni Alissa. Wala namang nagawa ang huli dahil sa kakaiba ang lakas na meron si Malus.

Iniangat nito ang mga kamay ni Alissa at hinawakan iyon gamit ang isa nyang kamay saka ito isinandal sa pader. Pagkatapos ay pinunit nito ang ibabang kasuotan ng binibini gamit ang isa pa nyang kamay. Hindi naman makapalag ang mga hita ng babae dahil sa ihinarang ni Malus ang mga binti nya rito.

Pagkatapos ay binuksan ni Malus ang kanyang Zipper saka iniluwa ang kanyang nagwawalang pagkalalake. "Mabilis lang 'to." Malademonyong sambit nito habang nakangising pang demonyo rin. Pagkasabi non ay agad nya iyong ibinaon kay Alissa.

Napaluha na lang ang dalaga sa sakit habang si Malus naman ay masayang-masaya dahil naisakatuparan na ang pagnanasa nya para kay Alissa.

Mula naman sa likurang pintuan ng kusina ng mansion ay kitang-kita ni Zephyr kung paano babuyin ang pagkatao ng bunso nyang anak. Nabitawan nya ang dala nyang pagkain dahil doon habang dahan-dahang tumutulo ang mga luha.

Gusto nyang sugurin at patayin si Malus nung mga oras na iyon pero alam nyang hindi sya uubra rito. Alam nya ang lihim ng pamilya Zoferós dahil matagal din syang nagtrabaho sa loob ng mansion. Gigil na gigil sya sa galit pero wala syang magawa kaya napahagulgol na lang sya habang nakasandal sa pader.

Isang oras din ang tumagal bago natapos ang kahayupan ni Malus.

Ng marinig ni Zephyr na lumabas na ng pinto si Malus papasok sa kabilang silid ay nagmamadali syang pumasok at tinungo ang anak na noong mga oras na iyon ay tulala na lang at parang wala na sa sarili.

Lalong nawasak ang puso ni Zephyr ng makita ang kalunos-lunos na sinapit ng anak. "Alissa, patawad." Niyakap nya ito ng mahigpit habang umiiyak. Wala paring imik si Alissa. Iyak lang ito ng iyak habang nakatulala sa kawalan. "Iuuwi na kita sa bahay."

Pagkasabi non ay binuhat na nya ang anak. Hindi naman na pumigil ang ilang kasambahay na dumating at nakakita rin sa sinapit ni Alissa. Naawa sila para dito.

-----

Pagkagaling sa bahay nina Mang Kindro at Aling Lyanna ay dumeretso agad ng bahay si Sandulf.

Medyo may kalaliman na ang gabi pero wala parin ang Papa Zephyr nya. Nakakapagtaka.

Mag-isa tuloy syang naghapunan nung gabing iyon. Naantala lang sya ng may biglang kumatok sa pintuan.

Pagkabukas nya ay bumungad ang isang kakilala ng kanyang ama.

"Sandulf ang tatay mo nasa pagamutan, malala ang lagay nya."

Hindi na nag-atubili ang binata. Agad syang nagtungo sa pagamutan ng bayan at doon nya nga nakita ang kanyang Ama na walang malay. Balot ng benda ang ulo nito.

"Hijo. Hindi natin alam kung magigising pa sya." Wika ng doktor na ikinaguho ng mundo nya. Para syang pinagsakluban ng langit nung marinig iyon.

Napaluha na lang sya. Anong nangyari at bakit ito sinapit ng kanyang ama?

"Ikinalulungkot ko. Sya nga pala may kasama syang babae kanina, mga nasa edad labing anim, kaya lang parang wala sya sa sarili." Pagpapatuloy ng doktor.

"Alissa" Bulong ni Sandulf.

"Kilala mo ba yung babae?"

"Nasaan ho sya?"

Sinamahan sya ng doktor sa isang nakakandadong silid na may maliit na butas. Sakto para makita kung sino ang nasa loob.

Ng makita ni Sandulf ang tinutukoy ng doktor na babaeng wala sa sarili ay lalo syang pinanghinaan ng loob. "A-Alissa?" Napa-iyak na naman sya. "Anong nangyari?"

Hindi sya sinasagot ni Alissa. Nakatingin lang ito sa malayo. Sabay tatawa at mamaya ay iiyak.

Bakit ito nangyari sa kanyang pamilya? Himutok ng dibdib ng binata.

Isa lang ang naisip ni Sandulf nung mga oras na iyon. Ang Zoferós family. "Sila ang may kagagawan nito!"

Patakbo syang lumabas ng bahay pagamutan para sumugod sa mansion ng Zoferós.

Sa kanyang pagtakbo ay napadaan sya sa sentro ng bayan. Nakita nya ang ilang mga tao na nagkukumpulan sa bulwagan. Parami ito ng parami.

Hindi nya na sana ito papansin kaya lamang ay narinig nya ang isang pamilyar na tinig.

"Hindi totoo ang sinasabi ng pari na'yan!" Sigaw ng babaeng nakatali sa isang malaking kahoy. Sa ilalim ng kahoy na iyon ay may mga maliliit na sangang panggatong.

"Ang babaeng ito ay isang mangkukulam!" Sigaw ni Padre Wik. "Sya ang may pakana ng mga pagkamatay ng mga kababaihan sa ating bayan! Kampon sya ng demonyo!"

Nabahala ang mga tao sa kanilang narinig. Kaya nagkaroon ng bulong-bulungan.

"B-Bella?" Nakilala ni Sandulf ang babaeng nakatali.

Nung mga sandaling iyon naman ay naroon narin ang mga magulang ni Bella.

"Sunugin ang babaeng 'to dahil kampon sya ng kadiliman!" Si Padre Wik.

"Huwag!" Nagmakaawa si Aling Lyanna sa Padre. Lumuhod pa ito para lang mapakawalan ang anak. "Nagkakamali kayo Padre, anak ko sya. Sya si Bella." Umiyak na non ang Ale,

"Padre anak po namin sya." Dugtong naman ni Mang Kindro.

"Ang dalawang ito, itali nyo sila!" Sigaw ng Padre. "Sila ang mga magulang ng mangkukulam! Itali nyo sila kung ayaw nyong mapahamak ang ating bayan. Ito ang utos ng ating Panginoon!"

Nagdalawang isip naman ang mga tao dahil kakilala nila pamilyang ito.

"Paparusahan kayo ng Diyos kapag hinayaan nyong mabuhay ang mga kampon ng kadiliman!" Pananakot ni Padre.

Pero nag-alangan parin  ang mga mamamayan na naroon dahil alam nila kung gaano kabuti ang pamilya Weorc.

"Gusto nyo bang magpatuloy ang salot sa Abraxas? Sila ang dahilan kaya pinaparusahan ang bayang ito! Ano pang ginagawa nyo? Magpapatuloy ang salot kung hahayaan nyo silang mabuhay, magagalit sa atin ang Diyos!"

Dahil sa mga relihiyoso at malaki ang takot ng mga tao sa Diyos kaya sumunod sila sa sinasabi ng pari kahit labag sa kanila,

"Sunugin sila!" -Padre Wik.

"Sunugin!" Sigaw ng mamamayan.

Si Bran naman na kadarating lang ay pipigilan sana ang mga tao pero hinawakan sya ni Sandulf.

"Bran. Madadamay ka."

"Wala akong paki Sandulf! Huwag mo 'kong pigilan! Mas gugustuhin ko na'to kesa makitang mamatay si Bella!"

Tumakbo si Bran palapit sa kaguluhan subalit pinigilan parin sya ni Sandulf hanggang umabot ang dalawa sa pagbubuno.

Pareho silang napadausdos sa sahig matapos nilang masapak ang isa't-isa. Hindi naman sila alintana ng mga tao dahil busy ang mga ito sa pagsunog sa Weorc Family.

"Bran, hindi mo maipaghihiganti si Bella kung mamatay ka rin."

Natauhan si Bran sa mga sinabi ni Sadulf. Dahil dun ay inihiga nya na lang ang sarili saka umiyak ng umiyak. "Hindi totoo ang mga paratang nila Sandulf!"

Tumayo si Sandulf at lumapit sa kaibigan para itayo ito. "Alam ko Bran, igaganti natin sila pinapangako ko 'yan."

Pagtayo ng dalawa ay sabay silang humarap sa mga nasusunog na katawan ng pamilya Weorc. Masakit man pero wala silang magawa sa ngayon.

Pag-iyak lang ang naging sandata ni Bran habang nakatanaw sa natutupok na kasintahan. Hindi nya lubos maisip na ito ang kahihinatnan ni Bella at mismong namatay pa ito sa kamay ng mga kababayan nya. Sigurado syang may katiwaliang naganap kaya pinangako nya sa sarili na magbabayad ang may mga kagagawan nito.

"Umalis na muna tayo rito."

-----

Sa kabilang dako:

"Xanthe! Malus!" Sigaw ng isang may katandaang boses.

Agad tinungo ng magkapatid na Zoferós ang silid kung saan may tumawag sa kanila.

"Ano po iyon ninunong Abraxas?" Sambit ng dalawa.

"Kailangan ko pa ng sariwang dugo ng sariwang babae."

"Magpapakuha na po kami."


Itutuloy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top