Chapter 2


Chapter 2: The mystery behind Abraxas

Matagal ng sabi-sabi o bali-balita sa maliit na bayan ng Abraxas ang tungkol sa pagkatao ng mga Zoferós. Pero hindi ito basta-basta pinag-uusapan ng mga mamamayan. Natatakot kasi sila sa maaring mangyari kapag narinig sila na pinag-uusapan ang tungkol sa lihim daw ng Zoferós na wala naman talagang nakapagpapatunay.

Limang araw ang lumipas.

Kagaya ng mga nakalipas na araw, pilit isinasalba ng mga magsasaka ang mga nabubulok na pananim.

Pagkauwi ni Sandulf galing sa bukirin ay naabutan nya ang isang kalesa sa tapat ng kanilang bahay. Elegante ang kalesa kaya malamang galing ito sa mansion.

Agad syang pumasok sa kanilang bahay para alamin kung anong meron at kung sino ang kanilang bisita.

Pagpasok nya sa sala ay nakita nya ang isang lalaking nakaitim na tuxedu. Naka-cup at may katandaan na ito. Maharil ito ang nagmamaneho sa kalesa. Nakatayo ito sa tabi ng nakaupong babae.

Bumilog naman ang mga mata nya ng makita kung sino ang babaeng nakaupo at kausap ng kanyang ama. Ito yung babaeng nakita nya sa mansion.

"Anak." Anas ni Zephyr ng mapansin sya. "Maupo ka, ito si Señorita Xanthe Zoferós."

Hindi naman nagsalita ang binatilyo. Umupo lang ito sa tabi ng kanyang kapatid na si Alissa na naroon rin katapat si Xanthe.

"Ahm, Zephyr ayos na ba ang lahat ng gamit ni Alissa?" Bigkas ni Xanthe na ipinagtaka naman ni Sandulf.

"Opo Señorita. Kukunin ko lang saglit." Agad itong tumungo sa silid ni Alissa. Sinundan naman sya ni Sandulf at doon inusisa.

"Pa, anong meron? Saan pupunta si Alissa?"

"Anak kailangan nila ng kapalit ng Mama mo." Sagot ni Zephyr habang inaayos pa ang ilang gamit ni Alissa.

"Pero pa, bata pa si Alissa at saka-----"

"Sandulf, lubog tayo sa utang sa mga Zoferós, Ito ang gusto nila kaya wala tayong magagawa." Hinarap nya ang anak kaya natigilan ito sa pagsasalita. "Sorry anak, kung makakapagtrabaho pa sana ako, hindi na'to mangyayari." Mangiyak-ngiyak na wika ni Zephyr.

"Pa." Hinawakan ni Sandulf ang ama sa balikat. "Maaayos din ang lahat, dodoblehin ko ang kayod hanggang sa makalabas ng mansion si Alissa. 'Wag kayong mag-alala pa, matatapos din 'to kaya huwag nyo ng sisihin ang sarili nyo." Dugtong nya sabay yakap sa ama na napaluha na nung mga oras na iyon.

Hindi na kasi maaring makapagtrabaho si Zephyr simula ng maoperahan ito. Tanggal na ang kaliwang kidney nito at nagkaroon ng ilang kumplikasyon sa katawan. Hindi na ito maaring mapagod kaya tumigil na ito sa paghahardenero.

Pagkalabas ng silid ng mag-ama tangan ang ilang gamit ni Alissa ay tumayo na sa pagkaka-upo si Xanthe.

"'Maaari nyo namang dalawin si Alissa sa mansion." Nakangiti nitong saad sa mag-ama na tinanguan lang ni Zephyr. Si Sandulf naman ay hindi parin ito nililingon.

"Anak, alagaan mo ang sarili mo dun." Si Zephyr na tinuon ang sarili sa anak.

Maluha-luha namang tumango si Alissa.

Bago magpaalam ay nagyakapan muna ang mag-anak.

-----

One week later.

Payapa naman ang naging takbo ng buhay ng mag-ama sa loob ng nakalipas na linggo. Wala pa silang balita kay Alissa dahil hindi pa nila ito nadadalaw doon sa mansion simula nung umalis ito sa kanilang bahay.

Sa kabilang banda, paminsan-minsan, sa tuwing nagpapahinga si Sandulf sa kubo sa bukid ay naaalala nya ang kanyang ina na syang nagiging dahilan ng kalungkutan nya. Kasunod naman ng mga alaalang iyon ay ang mga katanungang nais nyang malutas; Ang misteryong pagkamatay ng kanyang ina.

Nakahiga sya sa dayami nung tanghaling iyon kasama ng ilang magsasaka para magpahinga. Katatapos lang nilang ayusin ang lumalalang kalagayan ng kanilang mga pananim.

"Mukhang dinapuan ng salot ang mga pananim natin." Ani ng isa na katabi lang halos ni sandulf.

"Hindi lang ang pananim natin ang nanganganib." Napalingon sila sa may katandaang magsasaka na katapat nila. Nkahiga rin ito sa dayami gaya nila. "Bali-balita rin na wala halos nakukuhang isda ang mga mangingisda. Dalawang linggo na raw na ganun ang nangyayari."

"Talaga?" Tanong ni Sandulf na tinanguan ng kausap nya.

"Sinasalot nga ata ang bayan natin." Alalang sambit ng katabi ni Sandulf.

"Huwag naman sana na pati ang mga alagang hayop natin ay maapektuhan----"

Natigilan ang nakakatandang magsasaka ng makarinig sila ng sigaw mula sa isa pa nilang kasama na kararating lang din. Dahil tuloy doon ay napabalikwas silang lahat ng bangon.

"Madali kayo mga kasama!" Sigaw nito.

"Ano yun?" Ani ng isang magsasaka.

"May nakita na namang patay na dalaga sa kakahuyan malapit dun sa simenteryo." Sagot nito. "Napapadalas na'to ngayon ah."

Ng sabihin iyon ng lalaki ay nabahala ang lahat. Samantala, agad na lang pumasok sa isip ni Sandulf ang kapatid nyang si Alissa. Sa sobrang pag-aalala ay nagtatakbo sya patungo sa lugar na sinabi ng kasama.

Wala syang inaksayang oras dahil nababahala sya. Kung ano-anong pumasok sa isipan nya dala ng sobrang pag-aalala. Dala narin iyon ng pagkamiss nya sa kanyang kapatid at ng nangyari sa kanyang ina.

Ilang minuto ang lumipas ay narating nya agad ang kakahuyang sinabi ng kasama nyang magsasaka, hindi rin naman iyon kalayuan sa bukirin.

Nakita nya agad ang ilang mga taong nagkukumpulan sa pinangyarihan ng krimen kaya agad syang lumapit para kilalanin ang biktima.

Lumuwag ang paghinga nya ng makita kung sino ang biktima. Walang nakakakilala sa babae. Marahil ay taga ibang bayan ito.

Gayunpaman ay kalunos-lunos parin ang sinapit nito. Animo'y natuyong dahon ang itsura nito na parang hinigop ang buong lakas sa katawan. Nakadilat at nakanganga pa ito habang ang mga kamay ay nakayukom.

Tumalikod na si Sandulf dahil hindi nya masikmura ang itsura ng biktima. Pahakbang na sya pabalik sa bukid ng may tumawag sa kanya.

"Sandulf, pare."

Napalingon sya rito. "Bran."

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Bran.

"Huh? Ahmm, N-nakiusyoso lang." Tugon nya. "Babalik na'ko sa bukid."

"Teka Sandulf." Pigil nito dahilan para matigilan ang huli. "Nagkikita ba kayo ni Bella?" Tanong nito.

Si Belladonna Weorc o Bella ay matalik na kaibigan at kababata ni Sandulf. Kasintahan naman ni Bella si Bran Corvus.

"Huh?" Napaisip si Sandulf. "Huli kaming nagkita nung huling lamay ni Mama, hindi nga sya nakipaglibing e. Bakit?"

"Magdadalawang linggo na kasi syang hindi umuuwi sa kanila." Alalang tugon ni Bran.

Kaya nagpunta si Bran sa lugar na iyon para alamin kung si Bella ba ang katawan na natagpuan sa kakahuyan. Lumuwag din ang pakiramdam nya ng makita na hindi ang kasintahan nya ang bangkay na natagpuan.

-----

Pagkauwi ng bahay nung hapong iyon ay hindi parin maalis sa isip ni Sandulf ang tinuran sa kanya ni Bran. Dalawang linggo na palang nawawala ang bestfriend nya. Wala syang kamalay-malay.

Kaya pala hindi nagpapakita sa bukid ang mga magulang ni Bella dahil hinahanap ng mga ito ang dalaga.

Paano kaya ito nawala? Sino ang kumuha rito? Bakit sya kukunin? Anong dahilan?

Mga katanungang sumagi sa isip ng binata. Sumakit ang ulo nya kakaisip. May isa na naman tuloy dumagdag sa mga suliranin at dalahin nya. Una ang kanyang namayapang ina, pangalawa ang kapatid na si Alissa, at ang huli ito, Si Bella.

"Nasaan ka ba Bella?" Anas ng isipan nya.

"Anak malalim ata iniisip mo?" Sita ni Zephyr na naghahanda na ng kakainin nila.

Lumapit sya sa lamesa saka umupo at sinaluhan ang ama. "Pagod lang ako Pa. Nga pala kamusta naman kayo rito?" Pag-iiba nya ng usapan.

"Naku, ayos lang ako dito (ubo) 'Wag mo'ko alala (ubo) hanin."

"Mukha nga e." Sarkastikong saad ni Sandulf. "Gusto nyo magpatawag ako ng manggaga---mot" Hindi na halos natapos ng binata ang sasabihin dahil pinigilan na sya ng ama.

"Ayos lang ako. Maiba tayo, pupunta ako sa makalawa sa mansion dadalawin ko kapatid mo, dadalhan ko ng paborito nyang pagkain, ano sasama ka ba?" -Zephyr.

"Hindi ko alam Pa." Si Sandulf matapos ngumata ng tinapay.

"Oh, bakit? Magtatampo yun 'pag hindi ka nakita."

Napakamot ng ulo ang binata. "Tutulungan ko kasi si Bran Pa, hindi nyo ba alam na dalawang linggo na daw nawawala si Bella."

"Huh?" Gulat na saad ni Zephyr. "Paano?"

"Wala ngang nakakaalam Pa e. Sana naman walang mangyaring masama sa kanya." Si Sandulf na biglang nagsign of the cross pa.

"Nawa anak. Sige sasabihin ko na lang kay Alissa ang tungkol dyan. Mag-ingat kayo ni Bran ah."

Tumango lang ang binata saka nagpatuloy sa pagkain.

Matapos mapag-usapan ng mag-ama ang ilang kaganapan ngayong araw ay dumeretso na si Sandulf sa kanyang silid para magpahinga.

Kaya lang ay hindi sya madalaw-dalaw ng antok kakaisip sa mga nasaksihan nya ngayong maghapon. Nagpa-ikot-ikot sya sa kanyang kama hanggang sa magbalik tanaw sa kanya ang huling pag-uusap nila ni Bella.

[Maraming tao noong gabing iyon sa bahay ng mga Vleigin dahil sa huling lamay ni Aura.

Naroon ang ilang mga kaibigan ng kanyang ina galing sa mansion na kasama nito sa pagluluto para makidalamhati, mga ilang taga baryo at ilang kakilala at kaibigan.

Dumalo rin ang Pamilya Zoferós pero wala pang tatlong minuto ang itinagal nila. Nag-abot lang sila ng abuloy at pakikiramay saka umalis agad.

Pagdating ni Bella ay agad syang nagtungo sa kinaroroonan ng kabaong ni Aura. Napaiyak talaga sya ng makita ang sinapit nito. Niyakap naman sya ni Alissa para aluin. Hindi na kasi iba sa kanila si Bella, parang tunay na kapatid na ang turingan ng mga ito sa isa't-isa.

Matapos ang tagpong iyon ay hinanap ni Bella si Sandulf. Balak nya kasi itong kausapin pero nung mga oras na iyon ay may mga kausap pa ang binata kaya hindi muna sya inistorbo ni Bella.

Matapos umalis ng mga bisitang kausap ni Sandulf ay lumapit si Bella para kausapin ito kaya lamang ay dumating naman ang pari ng bayan na kung tawagin ay Padre Wik para simulan ang misa.

Naantala na naman ang nais nyang sabihin sa binata.

"Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Banal na Espirito Santo......"

Inabot din ng isang oras bago matapos ang misa ng pamamaalam.

Nagpapahangin noon si Sandulf sa likod bahay nila habang humihithit ng tabako. Sinubukan nya iyon kahit hindi naman sya nagtatabako. Ayon kasi sa ilang kaibigan ay maiibsan non kahit papaano ang bigat na nararamdaman.

Habang humihithit ng tabako ay dumating si Bella. "Marunong ka ba n'yan?"

Ngumisi si Sandulf sa tinuran ng bestfriend saka tinapon ang natitirang sindi. "Pampakalma lang." Sabay tapak sa tabako. "Malamig kaya dito, doon ka na sa loob."

Napangisi rin si Bella. Ganun kasi talaga sila mag-usap. "May sasabihin kasi ako sa'yo e. Okay na dito para walang makarinig na iba."

"Tungkol saan ba? Naku baka magselos si Bran nyan ah." Biro ng binata sabay ngiti.

"Baliw ka talaga." Hinampas ni Bella ng mahina si Sandulf. Matapos non ay biglang nagseryoso ang mukha nito. "Tungkol 'to kay Tita Aura." Tila ba nabagabag ang imahe nilang dalawa dahil doon.

"Kay Mama? Bakit?" Naguguluhang tanong ni Sandulf.

"Bago kasi sya mamatay Sand, nakita ko yung-------"

Natigilan sila sa usapan ng biglang bumukas ang pinto. At mula roon ay lumabas si Alissa.

"Kuya, Ate Bella, patulong daw muna si Papa mag-asikaso sa mga bagong dating na bisita."

Tumango naman ang dalawa saka sumunod kay Alissa. Matapos non ay nawala na sa isip ni Sandulf ang nais sabihin ng matalik na kaibigan hanggang sa hindi na nga ito nagpakita.]

Napabuntong hininga si Sandulf matapos maalala ang gabing iyon.

"Ano ba yung bagay na gusto mong sabihin tungkol kay Mama.. Nasaan ka na ba Bella?" Mahina nyang sambit sa kawalan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top