Chapter 9

“Kain ka.” Nilapagan ako ng babaeng anghel ng cup noodles na mainit-init pa. Hindi ko na alam kung anong oras na. Pero kumalma na rin ako sa pag-iyak.

“Salamat,” wala sa sariling sagot ko at sinimulan nang kumain.

I feel lost. Iyon ang natatanging nararamdaman ko sa mga oras na ‘to. Pakiramdam ko ibinabalik ako ng mundo sa mga panahong sobrang dilim pa ng buhay ko and there’s nothing I can do about it.

“Kung hindi mo mamamasamain, anong ginagawa mo sa tulay?” malamlam ang boses ng pagkakatanong niya. Ingat na ingat sa mga sasabihin.

Umangat ang tingin ko sa kanya at sinalubong ang mga titig niyang kakaiba. Kung nage-exist man ang human cotton—siya na ‘yon dahil super soft ng mga titig at features niya.

“I was with my friend . . .. with Amethyst.”

“Siya ba yung hinahanap mo kanina? Yung dahilan kung muntik ka nang tumalon sa tulay?”

Huminga ako nang malalim. “Siya nga. Have you seen her? Kasi mukhang pinapanood mo pala kami.”

My sentence did not mean to offend. Tho, hindi naman siya mukhang nainsulto. I felt a little guilty by my use of words.

“I mean—”

She smiled. “I always see you right there. Not once. Hindi rin twice. I wasn’t sure why but I feel like you are a magnet and you easily drew me closer to you.”

My heart aches. It only means that she was looking out for me. Hindi ko siya kilala. At maaaring hindi niya rin ako kilala. Pero ang malaman na may isang tulad niya na may concern pala sa pagkatao ko ay nakakatuwa.

“I worked at 7 Eleven nearby our university. Well, as a cashier. And we did not meet just once. Siguro, nung junior high school—ilang beses na rin tayong nagkakasalubong.”

Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko namalayan? Or masyado lang talaga akong naging focused sa sarili ko at sa mga taong talagang nandyan para sakin na nakalimutan kong may mga naglu-look out pa pala para sakin?

She bit her lower lip while never breaking an eye contact with me. “And somehow, I feel connected with you kahit hindi naman tayo magkakilala.”

“Well, is it not too late pa naman, diba?” I offered her my hand. “I am Emraida Miravalles.”

Tumango siya sakin and then, she showed me her tender smile. “The name’s Eos Hilder.”

Eos . . . I love her name. It sounds soothing and I feel like I am entering the new era of my life.

“You’re the total opposite of what I abhor—Selene,” I confessed.

“The moon.”

Yes, the moon. Maybe, this is where I should start: loving the idea of meeting the Morning Star.

“Ayos ka lang ba?” asked Sven when we took a break. Nagpa-practice ulit kami para sa upcoming performance namin sa P.E.

Wala ngayon si Wren dahil sinabi niyang may pupuntahan siya. Babalik naman daw mamayang lunch para sa hapon makapag-practice sila ni Nathan. Marami kasi kaming vacant ngayong araw.

“Oo naman. Salamat sa pagtatanong.” Umupo ako sa monobloc chair at kinuha ang tubig at cellphone ko sa bag.

Habang umiinom ay napataas na naman ang kilay ko sa messages ni Geo. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako tinitigilan.

Bumuga ako ng hangin at nag-type ng message para sa kanya.



Asan ang delikadeza mo? Nilamon na ng kalandian mo? Sinabi ko sayong tigilan mo na ‘ko kasi wala kang mapapala sakin.



It took only seconds for him to reply to me. At muntik ko nang mabuga ang tubig na iniinom ko.



Emi’s Geo: Fuck, you’re so hot. Isang coffee lang naman, Rai. It is not even a date. I just wanted to apologize.



Kumunot ang noo ko. Pinangalanan ko ang contact niyang Emi’s Geo para maalala kong boyfriend ito ng kaibigan ko at para makontrol ko rin ang sarili kong hindi siya sakalin. But he’s already getting into my nerves.



Mainit talaga kasi mainit ang panahon. Shunga. At saka, ano pang ihihingi mo ng tawad kung nagawa mo na. Nakuha mo na rin ang sagot ko and it’s a no.



Dahil napipikon lang naman ako sa kanya. I blocked his number already. Sana ang hint na ‘yon ay maging enough para maramdaman niyang ayoko sa guts niya. Ayos lang naman eh. Ayos lang yung idea na makipagkaibigan lalo na’t boyfriend siya ng kaibigan ko. But the disrespect?

“Rai, tara kain muna tayo,” wika ni Sven na sinunod ko naman agad. Mas mabuti pang si Alaric Sven na lang ang kausapin ko. Mas may sense pa.

Lumabas muna kami ng practice room leaving our classmates there. Pagbaba namin ng Arts and Music Building ay sumalubong sa amin ang mga estudyante na nagmumula pa sa iba’t ibang department. Both Sven and I are wearing our P.E. uniform and there’s this feeling na para bang daig pa namin ang mga P.E. instructor.

So, we went back to our building. Ilang layo lang naman ang lalakarin namin mula sa Arts and Music Building. Then, hinila ako ni Sven sa canteen which is on the first floor.

“Anong gusto mong kainin?”

“Spaghetti and coke lang. Dito ba tayo kakain?” tanong ko sa kanya.

“Depende sa kung saan mo gusto.”

Dahil tinatamad akong umakyat ngayon sa rooftop. Sinabi ko sa kanyang dito na lang. Besides, kailangan din naman namin agad bumalik sa Art and Music Building eh.

“Oh my God, hi Emraida!”

Umangat ang tingin ko sa babaeng sumulpot sa harapan ko. She was all smiles and I kind of remember Amethyst. My heart aches to that.

“Hello, Eos.”

Alam kong dito siya nag-aaral. Kakasabi niya lang sakin kagabi. Pero mas ikinagulat ko kung sino ang kasama niya.

“Kung makatingin ka sakin, you look like you are about to devour me, Emraida.”

Umawang ang labi ko. “Magkaibigan kayo?”

Humawak si Eos sa braso ni Hiraya at sunod-sunod na tumango na parang bata. Hiraya, on the other hand, flipped her hair. “Got a problem with that?”

“Rai, ito na .. .” humina ang boses ni Sven nang makita sina Eos at Hiraya sa gilid ko.

“Eos and Hiraya, this is my friend, Sven,” pakilala ko sa kanila sa isa’t isa.

“Hello, Sven! I’m Eos!” she cheerfully took Sven’s hand and shook it.

“Pwede mo ‘kong tawaging Alaric,” wika niya sa mababang boses, almost a whisper.

“Oh. Someone’s gatekeeping himself for someone,” singit ni Hiraya.

Tumawa si Eos. “Weird mo, Hiraya. Uhm, Emraida, aalis muna kami, ha. Kakain lang din. But pwede ba tayong magkita mamayang uwian?”

Sunod-sunod akong tumango. “Sure.”

Kumaway siya samin. “Bye Emraida, Bye Sven.”

Napangiti na lang ako. Super sweet niya talaga. At dahil magkasama naman sila, feeling ko, kaparehong grade lang namin si Eos.

“Bagong kaibigan?” tanong ni Sven.

Tumango ako. “Bagong kaibigan.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top