Chapter 8

“You’re not yourself ever since um-attend ka sa birthday ni Emi. Tell me, did something happened?”

Amethyst's voice never fails to comfort me. Simpleng tanong lang pero pakiramdam ko uminom ako ng isang daan na bote pampakalma. At wala akong ibang maramdaman kundi gaan.

“I’m bothered by Emi’s boyfriend,” I told her straight. Hindi rin naman kasi ako sanay na may tinatago sa kanya. “He’s been bugging me since the night that we met again.”

“Emi’s boyfriend … gusto ka ba niya?” may kung ano sa boses niya pero hindi ko mapinpoint.

Wala ako ngayon sa bahay. Lumubog na rin ang araw. Malamang, nakauwi na rin si mama galing sa lugar na hindi niya kailanman namention sakin. Pero wala akong ganang umuwi ngayon. That home doesn’t even feel like a home. With my mother who is tending her own wound and treating me like I don’t exist? Ngayon ko lang talaga naramdaman yung pagod.

“Ewan ko sa tarantadong ‘yon.” I lit my cigarette and grit it in between my teeth. Matagal ko nang tinigilan ‘to but just like what they said, old habits die hard. Ito lang ang isa ko pang pampakalma. “Your sister gave my number to him cuz he wanted to apologize. Na para bang may magagawa yung paghingi niya ng tawad sa pambabastos sakin.” Binuga ko ang usok. “’Yong fuck boy na ‘yon, hinalikan ako. Kahit ilang beses niyang sinampal saking girlfriend niya si Emi. Hinalikan pa rin niya ako. Nakakatangina, diba?”

“I wonder kung bakit niya ginawa ‘yon,” bulong ni Amethyst sa sarili niya. “Maybe, the guy has an agenda. Ano bang ginawa mo?”

Nagkibit-balikat ako at namangha sa maliliit na lightings na makikita rito sa tulay. Nagpapaka-ironic kasi hindi naman kasing liwanag ng mga light bulbs na ‘yan ang buhay ng mga tao sa gabi. Tulad ko.

“I told him to fuck off. Ini-invalidate niya ang feelings ko, Amy. Alam mong ayoko ‘yong ganon.”

“Baka gusto ka niya,” she chuckles and then coughs. Last week pa siyang ganito. Mukha rin siyang namumutla. Pero hindi maitatangging napakaganda pa rin niya. “You know how boys could be so cruel sa mga taong gusto nila. Inaasar muna bago iparamdam na gusto nila.”

Napangiwi ako. “Wala akong pakialam sa feelings niya, Amy. Girlfriend niya si Emi. At saka, ano naman ikaka-attract ko sa kanya, e wala siyang wit. Handsome, oo. Pero ugali? Nah.”

But seriously, hindi ko nga rin alam kung anong nagustuhan ni Emi sa lalaking ‘yon eh mukha namang walang substance maliban sa mukha.”

She coughed. “Malay mo, siya makapag-heal ng inner child mo.”

Napahalakhak ako sa sinabi niya. This is why I love being with Amethyst. Aside kay Sven and Wren, sa kanya ko lang nafi-feel na at home ako. Hindi ko alam ang gagawin ko ‘pag nawala sila.

“He would go: “Wala kang father, diba? Then, I can be your daddy,”” dugtong niya pa na mas lalong nagpalakas ng tawa ko.

I threw my stick and stepped on it bago sinipa ang abo palayo samin.

“I really love you, Amethyst. I hope that you would never abandon me,” I told her.

But she just smiled. Okay na rin. As long as nararamdaman ko siya, parating okay.

“Walang sense ‘to,” sabi ko kay Sven matapos naming sayawin yung choreo para sa P.E. namin.

By partner kasi kami. Tapos, kaming dalawa yung pinag-partner. Tapos, ang partner naman ni Wren ay Nathan. Walang problema kay Wren ‘yon kasi dating myembro ng dance troupe ‘yon. Same with Sven. Mga dancers talaga sila. Pero ako? Wala silang mapapala sakin.

“Have some patience, Rai. Hindi lang ‘to by partner na na igi-grade. Pati solo. Kaya kung ayaw mong bumagsak, makipag-cooperate ka,” sermon niya sakin.

I made a face. As if namang kaya ng katawan ko lumambot sa one week na practice? Bakit pa kasi nagkaroon ng Physical Education na subject, e.

“How are you banda here?” Wren said in a conyo voice.

Ngiting-ngiti si gaga. Palibhasa, isa ring magaling sa dance floor yung kapartner niya  Magaling din naman si Sven. Pero ako nga kasi ang problema.

“Mamaya na ulit, pwede? ‘Di ka ba napapagod, ha?” iritadong sabi ko sa kanya.

Umiling lang siya at tinalikuran kami ni Wren para lapitan ang iba pa naming mga kaklase. Nasa practice room kami na located sa Arts and Music Building.

“God, ang hot ng mga ulo niyo,” pag-iinarte ni Wren.

Tinalikuran ko rin siya at nilapitan ang bag kong nasa monobloc chairs sa gilid. I took out my phone and my water dahil kanina pa ako uhaw na uhaw. Hindi naman ako nagbabaon ng tubig. Binilhan lang din ako ni Sven kanina. Anticipated na siguro siya sa magaganap.

Habang umiinom, tiningnan ko ang cellphone ko at napakunot sa mga messages na nandoon.  I received some from Geo.

Emi’s Geo: Hi, I’m still sorry for what happened last week. I hope I can make it up to you.

Emi’s Geo: Coffee? My treat. Please let me. This is my way of paying back what I’ve done to you.

Emi’s Geo: I hope that you won’t turn your back on Emi just because of me.

“Hell.”

Saan niya nakukuha yung kapal ng pagmumukha niya? Ako pa talaga ang tatalikod sa kaibigan ko, ha? E kung hindi siya tarantado, hindi sana ganito. Again, tangina ng mga lalaking walang ambag sa mundo.

“Kanina ka pa diyan. Problem ba?”

Umangat ang tingin ko kay Wren na nasa tabi ko na pala at nakikibasa sa messages ni Geo. Ito talaga yung dapat sisihin eh. I turned off my phone and nilagay ko na sa bag kasama ang tubigan.

“Kailan ba ako titigilan ni Geo? Sabihin mo, nakakaurat na siya. Kahit anong gawin niya, kahit isang buong Starbucks pa ‘yan, hindi niya makukuha yung kapatawaran ko,” gigil na ako at this point.

Nakaawang na ang labi ni Wren at nakahawak ang isang kamay sa dibdib na parang sinasabing: ‘Bakit parang kasalanan ko?’

Technically, kasalanan niyang binigay niya ang number ko. Pero hindi niya naman alam ang rason kasi ang alam niya, gusto lang humingi ng tawad ni Geo sakin. Mabuti nga at hindi pa nagtatanong kung anong ginawa sakin kasi hindi naman nila kami nakitang nag-interact nung birthday ni Emi eh. Pero basta, kasalanan ni Geo. Period.

Kaya I ended up power tripping Sven the whole practice. Gagong-gago siya sakin. Pero bawing-bawi naman yung inis ko.

“Ang kapal ng mukha mo.”

Napaatras ako sa pinto nang lumipad ang palad ni mama sa mukha ko. It stung and I feel like nabingi ako ng ilang segundo habang hindi makapaniwalang tiningnan siya.

Mabilis ang paghinga niya. Namumula ang mukha pati ang leeg. Her eyes na pakiramdam ko mahuhulog na.

“Ang kapal talaga ng mukha mo para bumalik pa rito matapos mong suwayin ang utos ko?” nanginginig ang bibig niya sa galit.

“Anong ibig sabihin mo, Ma?” nangangatog na rin ang tuhod ko at gusto ko na lang mapaupo.

Hinaklit niya ang mukha ko at dama kong dumiin ang daliri niya sa panga ko. “Huwag kang makipag gaguhan sakin. Nalaman kong pumunta ka sa birthday ni Emi. May nakapagsabi sakin, Rai. Akala mo ba hindi ko malalaman?” At saka niya ako binitiwan.

“Ma, gusto ko lang namang makita si Emi—”

“Sinabi ko na ngang ayaw ko eh! Sinabi ko na sayong hindi ka pupunta doon! Bakit ba ayaw mong makinig? Lagi mo na lang inuuna ang sarili mo. Una, si Kairo. Tapos ngayon, ako? Hanggang kailan mo ako tatraydurin, Emraida? Hanggang kailan mo sisirain buhay ko?” sigaw niya.

“Sira na, Ma! Matagal nang sira! Kaya hindi ko maintindihan . . .. never kong maiintindihan kung bakit ako lang ang may kasalanan? Bakit kailangan habang buhay kong pagdusahan yung bagay na hindi ko naman kontrolado? Bakit laging ako!” sigaw ko pabalik.

Muling umigkas ang palad niya sa mukha ko. “Don’t. You. Dare. Shout. On. Me.”

Wasak na ang puso ko. Kaya bakit pa ba ako nagsistay rito? Tinalikuran ko na siya at lumabas ng bahay. I can almost hear the croo croo sound as well as the beating of my heart. I am broken and beyond repair.

Matagal na ang sugat na ito. Pilit mang tinatahian upang tuluyang magsara at gumaling ay paulit-ulit ding sapilitan na binubuka. At this point, pagod na pagod na pagod na ako. Na nauubusan na ako ng pangtahi pa rito.

When I got out of the village, wala na akong ibang nakikitang tao dahil gabi na rin ngayong umuwi ako. I took the chance para tumakbo papunta sa tulay ng Raauha and there I shout my heart out.

When will I be enough? Until when should I suffer? When will she see me as Emraida na anak niya at hindi Emraida na pumatay sa asawa niya?

Hanggang kailan ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanya? Do I have to beg for her love? Bakit feeling ko inuubos na ako ng pagmamahal ko sa kanya?

“You will be okay… I’m still here. You will be okay… I’ll keep safe…”

Unti-unting umangat ang ulo ko para salubungin ang pinaka magandang taong nakilala ko sa buong buhay ko. She is all smiles. Na para bang walang pinoproblemang kahit na ano. Na para bang kaya niyang saluhin lahat ng ibabato sa kanya ng mundo.

“Amethyst,” my voice came out raspy because of how much I cried. “You’re here, Amethyst. Hinanap mo ‘ko—no. Nahanap mo ‘ko.”

Kung may isang tao man na hindi ko na kailangang itapon ang sarili ko sa kanya para mahalin niya—kay Amethyst ‘yon. Dahil handa niya akong yakapin with all her might. With Amethyst, I feel like everything will be okay tulad ng sinabi niya. Amethyst is my home.

The one that glows in the middle of the night. The one who always lit me up whenever I found myself being lost in the dark.

With a smile, she shook her head. “It is you who found me this time, Rai.”

My heart shattered for an unknown reason. Bakit ang sakit makitang nakangiti siya? Bakit pakiramdam ko may hindi mangyayaring maganda?

“And you do not have to look for me because I will always be right there . . .. in your heart. I will not leave. You will not be left alone.”

Pinunasan ko ang luha ko. Ramdam ko ang panginginig dahil sa lamig ngunit hindi ko iyon ininda. What matters is I see her right here. In front of me.

“But I am glad. I am happy that you are here.”

And just like wind, I felt her embrace my whole being. Then, I heard the beating of my heart saying: You have found me.

It is where it all sinks in. Malakas kong isinigaw ang pangalan ni Amethyst sa buong Raauha West Bridge at hindi nagdalawang isip na akyatin ang rails para sagipin siya.

I need to save her. I need to be with her. I can’t lose her yet, I don’t want to.

Pero ang sumunod na nangyari ay ang pag inda ko sa aking siko. Damang-dama ko ang hapdi kung paanong nagkaroon na naman ako ng panibagong sugat sa puso.

“Miss, anong nangyayari sayo?” alalang-alala ang boses niya.

And then an Angel suddenly appeared in front of me.

I cried. “Save me. Please, sagipin mo ako.”












Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top