Chapter 7
“Saan ba gaganapin yung birthday ni Emi?”
Kagaya nung napag-usapan, nandito kaming dalawa ngayon ni Wren sa Time Square Mall. Hindi nakasama samin si Sven kasi ani Wren, girls date ito. At feeling ko, mabuburyo lang din si Sven dahil puro shopping ang ginawa namin ngayon ni Wren para sa birthday ni Emi sa Friday.
“Sa Epineio,” wika ni Wren habang tumitingin sa mga racks ng mga damit dito sa isang boutique.
Tumango ako. “Sayang talaga, I won’t be able to come.”
Natigilan si Wren at humarap sakin. Nakangiti siya na para bang may kakaibang plano. “Who says na hindi? Sasama ka.”
Tinalikuran na ako ni Wren at hinila palabas sa boutique na ‘to. “Walang maganda.”
Pero hindi ‘yon ang iniisip ko. “Anong ibig sabihin mo na makakapunta ako? Hindi ako pinayagan ni mama, Wren.”
While, she was eyeing some department stores, iba naman ang concerned ko.
“Oh, please. Didn’t you tell me na plano mong tumakas? Gawin mo na lang ‘yon. Minsan lang naman eh.”
Tumigil kami sa isang perfume store. At base sa itsura nito, mukhang kakabukas palang. Pagpasok namin ay para akong nakahimlay sa Cloud 9 dahil sa bango ng store. May babaeng sumalubong samin at nag-assist.
“Hanapan mo na si Emi ng gift. Hahanapan ko rin siya,” utos ni Wren.
“Wala akong pera—”
“Ako ang magbabayad,” putol niya sa sinasabi ko na agad ko namang sinunod. Bahala si Wren kung ito ang gusto niya.
Nilapitan ko ang glass na may label na Victoria’s Secret. Kinuha ko yung bottle ng Victoria’s Secret Temptation at ini-spray-an ko nang kaunti ang wrist ko. At saka inamoy. Mabango naman. Ang tanong: tatagal naman kaya ‘to sa katawan ni Emi?
May mga disadvantage kasi yung ibang perfume na nagamit ko na noon. ‘Yong iba, kahit c-in-i-claim na US Based daw tapos proven and tested na, fake pa rin pala.
Though, hindi naman mukhang fake ‘tong store. Isa-isa kong tiningnan yung mga glass hanggang sa umabot ako sa mga mist. Nameywang na ‘ko kasi hindi talaga ako magaling sa mga ganito.
“Hi, excuse me. May napili ka na ba?”
Halos langhapin ko lahat ng amoy ng pabango nang tumabi sakin yung babaeng nag-welcome samin kanina ni Wren. And I must say, sobrang bango niya. Kung may walking red flag. Siya, walking perfume.
“Wala pa eh. Can you help me?”
Nakangiti lang siyang tumango. “Sino bang pagbibigyan mo? May specific ka bang gustong amoy?”
“A childhood friend. And yep, I wanted something fruity and sweet.”
“Come with me. I have something for you,” aniya’t naunang lumakad sakin na sinundan ko naman.
Bumalik lang kami sa perfume section. Sa bungad ng store at kinuha sa glass ang dalawang bottle tapos pinakita niya sakin.
“I have here two perfumes that you can choose from. This one is Sol De Janeiro, Brazilian Crush, Cheirosa 62. It smells like a nutty salted caramel. Cozy and beachy. Something that you could wear even sa Summer. The other one is called Jean-Paul Gautier Scandal. This one is a honey bomb and on my skin, it turns sweet powdery. I suggest you do this first because it reacts differently to body chemistry,” paliwanag niya sa dalawang perfume.
Kinuha ko sa kanya yung Sol De Janeiro at sinubukan sa wrist ko. Just like what she said, it smells of salted caramel. Kahit hindi naman ako nagpupuntang beach. Feeling ko, pag ito ginamit ko, mapapatanong sakin ang mga kaklase ko ng: “Have you gone to Siargao? Cuz you smell like you have gone to Siargao.”
Na para bang may oras, pera, at guts akong pumunta ng Siargao. Pangalawang sinubukan ko yung Jean-Paul Gautier Scandal. Kahit iyon ang sinabi niyang unahin ko, syempre, hindi iyon. So, nag-spray ako nang kaunti sabay amoy.
“Shit,” napamura ako. Tapos, narinig ko yung tawa ng babae. Inamoy ko ulit yung bottle. “Bakit magkaiba sila?”
Sakto lang sa ilong ‘pag sa bottle pero pag sa katawan mo na, alam mo yung parang pinupulbura yung tamis ng chocolate or kahit ano pang matatamis na bagay or pagkain—tapos nilagay sa katawan mo? Gano’n. Feeling ko, pag ginamit ko ‘to, tatagal ‘to. Kahit hindi na nga yata ako mag-downy. Ito lang, sapat na.
“I warned you. Dapat inuna mo ‘yan kasi iba talaga siya sa katawan.”
Kinagat ko ang labi ko. Sa tagal naming hindi nagkita ni Emi, hindi ko na kabisado kung yung ugali niya ba nung mga bata kami ay ganoon pa rin. Pero syempre, siguro, hindi na. Change is the only constant in this world, eh.
“Sige, I’ll have the Sol De Janeiro na lang,” sabi ko.
Tumango siya sakin. “Okay. Puntahan mo na lang sa counter.”
Pupuntahan ko talaga since babayaran pa ni Wren ‘yon. Pinanood ko siyang ibalik yung Jean-Paul Gautier Scandal bottle sa glass bago niya ‘ko tinalikuran. I kind of wanted to buy it.
Pera muna, Emraida, epal ng utak ko.
K. Wala nga naman ako no’n. Downy na lang muna sa ngayon. Tig PHP 7 lang. Hindi ko na kailangan pang bumalik dito para lang bumili or magpa-refill ulit.
“Nakapili ka na?” biglang sulpot ni Wren sa tabi ko.
“Tagal mo naman. Oo, nandun na.”
Humagikgik siya. “Sorry. Nawili lang sa men’s perfume.”
Kumunot ang noo ko pero hindi na ako nagtanong. Anong personality na naman kaya niya ‘to?
“Tara, bayaran mo na. Dinala-dala mo ‘ko rito, eh.”
Tumawa lang siya at hinila na ako. “Okay. Kain na rin tayo sa restaurant pagkatapos.”
Nagtindigan ang mga balahibo sa braso, leeg at batok ko. Halos mabingi ako sa ingay dahil hindi naman ito ang nakasanayan ko. I prefer to be alone. Though, I could say that going here was a good thing dahil hindi ko kailangan makipagsuntukan sa mga inner demons ko ngayong gabi.
“Oh my God, Wren and Rai!” Emi squealed nang makapasok na kami sa Epineio Hall where her birthday was held.
Marami siyang mga kaibigan na nandito rin. I’ve heard that Emi was a late enrollee sa Queenstown University which was located sa kabilang bayan. And La Douleur being the City of Peterborough, dito na lang siya nag-celebrate kasi mas accessible nga naman ang mga beach and bars unlike sa Queenstown na suburban pa lang.
“I missed you!” tili ni Wren at yinakap si Emi.
Nanatili lang ako sa gilid nila. Syempre, ang kapal naman ng mukha ko para sumingit e muntikan na nga akong hindi makapunta. Then, Emi found my eyes resulting for her monolid eyes to went wide.
“Emraida!” ako naman ang yinakap niya.
I hugged her back. “Happy birthday, Emi.”
Emi was taught the right etiquette on how to greet people properly kasi mahigpit man ang yakap, sandali pa rin naman ‘yon.
“Thank you! I’m happy that you are here,” wika niya.
I smiled at her. “Masaya rin ako.”
Emi guided us sa pwesto namin. Her birthday wasn’t as formal as I had imagined it to be. Pero okay na rin. Tinatanguan lang kami ng mga nadadaanan namin pero yung iba, walang pake. Hindi ko naman pinansin kasi wala rin naman akong pakialam sa kanila. Char not char.
“I’ll go get my boyfriend lang so you could meet him,” malawak ang ngiti niya samin.
Umalis si Emi tapos naiwan kami ni Wren na nakaupo. Mukha siyang excited habang ako hindi. Bukod sa kinakabahan sa pwedeng madatnan sa bahay, hindi talaga ako sanay eh.
“Hindi natin nabigay yung gift,” sabi ko kay Wren.
“That’s fine. Pwede naman nating iwan doon sa table.” Tinuro niya yung table na may mga gifts na obviously for Emi.
Aasarin ko sana siyang na mukhang sanay na sanay siya sa ganitong event nang may narinig kaming nag-pop ng confetti. The next time we knew, may kumakanta na sa parang stage platform sa gitna ng hall.
“Surprise, babe.”
Umawang ang labi ko nang makita yung lalaking kayakap ni Emi ngayon. That guy . . .. that guy na nakita ko sa Raauha West Bridge. Boyfriend siya ni Emi?
Small world nga naman, wika ng conscience ko. A+ for the effort. Sana all may jowa, diba?
“Ang swerte ni Emi,” dinig kong wika ni Wren sa gilid ko.
I faced her and I could see the bitterness in her eyes. I barely smiled. Malas kasi kami sa mga lalaki. Particularly, sa mga lalaking una naming minahal—our dad.
“It’s okay, makakahanap ka rin ng tama para sayo,” I told her.
“Girls, meet my boyfriend.” Umangat ang tingin namin kay Emi na nasa harapan ko na pala. “His name is Gideon Albrecht.”
“You can call me Geo,” sabi ng lalaki sabay abot ng kamay niya sakin.
At dahil naturuan naman ako ng Good Manners and Right Conduct, I took his hand and we did some handshake. Ang natutunan ko dati, dapat brief lang ‘yon. Pero itong si Koya, humigpit ang hawak at walang balak bumitiw.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Your name?”
I clicked my tongue. Tunog mayabang and maangas talaga. May hawig kay Cameron Dallas pero yung dating fuckboy na fuckboy with his bull cap facing backward.
“Emraida.” Pinilit kong bumitaw sa kanya. Na agad namang hinawakan ni Wren. Pero mukhang magkakilala ang dalawa kasi parehong nanlaki ang mga mata nila.
“Geo?”
Pero ngumiti lang ‘yong Geo like he was expecting Wren. “Wren Gonzales.”
“It’s been a while!” Wren squealed at tumayo pa so they could hug each other.
“Kilala niyo pala isa’t isa?” Emi was amused.
“Childhood friends. Or . . .. a neighbor? Something like that, babe,” sagot ni Geo.
“That’s good. I’m sure it’ll be easy with you to get along with them. They are my childhood friends din kasi babe. Not until I went to Japan,” may lungkot sa boses ni Emi nang sabihin ‘yon.
“It’s okay, babe. At least, you came back. At makakasama mo na sila.” Geo smiled at her.
Napangiwi ako sa sumunod na nangyari. Naghalikan sila sa harapan namin. Wala namang problema sana pero talagang sa harapan namin? Nung tingnan ko si Wren sa tabi ko, namumutla na siya pero nanatiling nakangiti pa rin.
I excused myself kasi nakakaramdam ako ng pagka sakal. Sa ambiance siguro kasi hindi talaga ako sanay. Tapos, mukha pang mga liberated mga tao rito.
So, I went outside. Naglakad-lakad. I’ve seen mini-bars at yung mga nagaganap sa Boracay na sumasayaw yung mga babae sa paikot sa bonfire.
Napalayo pa ‘ko until I found myself standing sa dalampasigan. I felt cold so I hugged myself. Masaya akong nakumpleto ulit kami at nagkita-kita. Pero mas masaya sana kung nandito si Amethyst.
Naputol lang ang pagmumuni-muni ko nang may kumalabit sakin. Pagharap ko ay nakita ko si Geo. Mukha siyang pagod na pagod. Probably from outright kissing? I don’t know.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. Weird of him to come here knowing na yung girlfriend niya ay nasa hall.
He took out his vape from his pocket and started smoking. “I don’t know? Nagpapahangin tulad mo.”
“At talagang dito kung nasaan ako?”
I heard his chuckle pero hindi na rin nasundan. Natahimik kaming dalawa and I felt nothing but peace. Hindi ko tuloy alam kung tama pa bang pumunta ako rito kung sa bahay, natutulog lang ako.
Sleep my ass, epal ulit ng utak kong walang ambag.
“You don’t like me,” basag ni Geo sa katahimikan.
I looked at him. “What do you mean?”
“Remember when we first saw each other sa Raauha West Bridge, you cleared that you don’t like my guts and even showed me your middle finger when I said that we’ll see each other around?”
Hindi ko nga naman nakalimutan. And what about it? Ayoko pa rin naman sa kanya ngayon. At bakit na-jinx yung wish ko na sana hindi na kami magkita ulit?
“And I still feel that you don’t like me kahit na alam mong girlfriend ko ang kababata mo,” dugtong niya pa.
“Ano naman? As if my opinion matters about the two of you. Hindi ka rin naman mali sa part na ayoko sayo. Masyado ka kasing nangingialam, eh,” tahasan kong sinabi sa kanya.
Nilingon niya ako at nag-smirk siya. The fuck is wrong with him?
“Oh, yeah.” Tinigil niya ang pagvi-vape at lumapit sakin. Napaatras naman ako. “Paano pag sinabi kong gusto kita? Na I’m attracted to you? Hindi mo pa rin ba magugustuhan?”
Tinulak ko yung dibdib niya. “Of course. Tanga. Girlfriend mo yung kaibigan ko. What’s wrong with you?”
Pero hindi siya nagpatinag. Hinila niya ako at halos sumubsob ako sa dibdib niya. Buti na lang naka-flats ako kasi kung naka-heels baka tumumba na kaming dalawa.
“The problem is you showed up here after showing me your middle finger and with conviction, you declared it with your eyes that you do not like me,” ang husky ng boses niya na akala niya tatalab sakin.
“And so? Alam mong ayoko sayo kaya layuan mo ‘ko.”
And then his next move was too much for me. Halos kalmutin ko siya when he claimed me using his filthy lips and had the audacity to bit my lower lip so he could get into my mouth.
I pushed his chest with full force and slapped him. “Jerk!”
Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at tumakbo na pabalik sa hall. Gusto ko nang ayain si Wren na umalis pero hindi ko siya makita same with Emi. Kaya I had no choice kundi ang lumabas at magpunta sa mga mini-bar. Hindi naman ako makakauwi kasi nangako kami ni Wren na sabay uuwi.
Tangina talaga ng mga lalaking walang ambag sa mundo.
“Hi, Miss, what’s your order po?”
Bumalik lang ako sa realidad nang magtanong ang babaeng nagfi-flaring habang nakatitig sakin. I think I look like shit or something. I feel so dizzy after that kiss. Or is that even a kiss? Nadale pa ng tarantado ang unang halik ko.
“Beer.”
Icha-charge ko na lang ang bill kay Wren since siya naman ang nagpumilit saking pumunta rito. Tiningnan ko ang babae habang inaasikaso niya ang mga drinks and I must commend her for being skillful.
At habang ginagawa ‘yon, nagsalita siya, “Alam mo, Miss, delikado ang apoy.”
Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi niya?
“Kaya mag-iingat ka. Lalo na ang mahinang apoy at pilit pinaaalab. Paniguradong matinding paso ang magdudulot sayo nito kapag tinamaan ka. Paso na hindi basta-basta gagaling. Pasong hindi basta-basta mawawala at pwedeng maging peklat pa,” dugtong niya.
Inabot niya ang beer sakin at may kaunting pulutan pa. And with a smile she said, “Kung ako sayo, Miss. Iiwas na ‘ko hangga’t maaga pa.”
Kinilabutan ako sa kanya at pinagpasalamat ang order. Hindi nga lang natuloy ang plano ko na mag-stay pa doon dahil ang creepy ng babae. Na para bang may alam siyang hindi ko alam.
Kaya wala akong choice kundi ang bumalik sa hall. Doon ko naabutan sina Wren at Emi na nag-uusap.
Gusto ko na lang umuwi sa mga oras na ‘to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top