Chapter 6

TW: Self-harm


*

“Kairo, huwag mo naman kaming iwan! Kawawa si Emraida! Kawawa ang anak natin!”

Isang malakas na kalabog ang gumising sakin dahilan para bigla akong mapabangon. Ramdam na ramdam ko pa ang pagkaantok pero sirang-sira ‘yon dahil sa pagkabasag ng mga gamit namin na nanggagaling sa baba ng bahay namin.

Kinuha ko ang cellphone ko sa lamesa ng gilid ng kama ko. At nakitang 3:00 a.m. palang ng madaling araw. Umalis ako sa kama at bumaba ng kwarto. Only to find my mother hurting herself using a blade.

Halos madapa ako para lang makalapit sa kanya at mabilis na inagaw ang blade. Umawang ang labi ko dahil sa umaagos na dugo sa braso niya. “Ma, ano ka ba? Anong ginagawa mo?” I shed a tear while holding the blade with my trembling fingers.

“Kasalanan mo!” sigaw niya sa mukha ko. Punong-puno ng hostility ang mga mata niya. At hindi ko kailanman nakitaan iyon ng takot o kirot. Puro lang poot. “Kasalanan mo kung bakit siya nawala! Kasalanan mo kung bakit hindi na siya kailanman babalik pa satin, Emraida!”

Para akong tinamaan ng kidlat sa mga sinabi niya at napaluhod. Ni ayaw na rin akong tigilan ng mga luha ko at sunod-sunod lang silang tumutulo.

“Kung sana sumama ka na lang . . .. kung sana—kung sana . . .. sinunod mo na lang ang gusto niya. Sana nakabalik pa siya rito. Sana hindi niya tayo tuluyang iniwan,” paghikbi ni mama.

Durog na durog ang puso ko. Matagal ko nang tinanggap sa sarili ko na baka nga . . .. baka nga kung sumama ako kay papa nung araw na ‘yon—baka umuwi pa siya samin. Baka pwede pa siyang makasama ni mama ngayon.

Pero hindi eh.

Hindi niya rin alam kung gaano kasakit sakin na huwag piliin si papa at manatili kasama niya. Kasi alam kong walang mag-aalaga sa kanya kung aalis ako.

“Ang selfish mo, Rai. Ang selfish, selfish, selfish mo. Ikaw ang parating pinipili noon ng papa mo. Ikaw ang gusto niyang isama pero hindi ka sumama sa kanya. At ngayon? Asan siya? Wala na”—umiling siya habang mahigpit ang hawak sa buhok niya“—hindi na siya babalik kasi wala na siya.”

Mariin kong kinuyom ang kamao ko habang tinatanggap ang mga salita niya. Na alam kong kahit noon pa man, wala na siyang ibang gustong sabihin sakin kundi kung gaano siya kagalit sakin at sa presensya ko sa bahay na ‘to.

“Kaya huwag kang mag-expect sakin, Rai.” Suminghap siya. “Kasi wala kang makukuha sakin. Hindi ko kayang patawarin ka.”

Ni hindi ko naramdaman na tumayo siya kung hindi ko lang nakitang nilampasan niya ako. Leaving me on the floor, speechless.

Gusto kong sabihin sa kanya na alam ko naman. Na kailanman ay hindi niya ‘ko mapapatawad. Pero hindi naman ‘yon ang punto. Siya. Kailan niya mapapatawad ang sarili niya?

“Natulog ka ba?” bungad sakin ni Wren pag-upo ko sa upuan ko.

As usual, magulo ang section namin. Palibhasa, maaga pa at wala pang teacher. Kaya yung mga taga kabilang section na may kaibigan dito sa section namin—nagtumpok.

May daliring nag-snap sa harapan ko kaya nilingon ko si Wren. May pag-aalala sa mukha niya.

“Ano?”

Huminga siya nang malalim. “Tinatanong kita kung nakatulog ka ba?”

Umiling ako. “Nagising ako kaninang madaling araw.”

Natahimik si Wren. Alam na alam niya ang nangyayari kapag nagigising ako ng madaling araw. Nakwento ko kasi sa kanya noon. Nung mga panahong sariwa pa kay mama ang magka-episodes ng nangyari sa pamilya namin.

“Ano nangyari diyan?” dinig kong tanong ni Sven na kararating lang. “Himala na ang aga mo.”

“Hindi ako nakatulog,” sagot ko.

Normally, hindi ko sinasagot ang mga walang kwentang statements sakin lalo pa’t kung hindi naman talaga relevant para pag-aksayahan ng oras. Pero kasi mga kaibigan ko sila at may feelings para mag-alala. I don’t have the heart to shut them out.

P-in-at ni Sven ang ulo ko. Tapos si Wren, hinaplos ang braso ko. That made me feel a lot better. Bakit nga ba ako madalas mag-absent kung dito ko lang naman nararamdamang safe ako.

Most of the time talaga, ang tanga ko.

“Tara, canteen tayo. Wala pa naman si Miss Cervantes,” pag-aaya ni Wren na sinunod naman naming dalawa ni Sven.

Pero paglabas ng classroom, bumungad agad si Kyla Claveria na mukhang may sadya sakin. Mukha kasi siyang nagulat paglabas ko. At the same time, lumiwanag na rin ang mukha.

“Rai, oh my God. Buti na lang, lumabas ka. I was hesitating to make utos sa kaklase mo para lumabas ka eh.”

Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko at ako ang humarap kay Kyla. Sinabihan ko muna sila, “hintayin niyo ‘ko. Kakausapin ko lang siya.” Though, hindi ko alam para saan.

Nung lumayo ang mga kaibigan ko ay saka ko hinarap si Kyla. “Anong kailangan mo?”

She smiled sheepishly. “I wanted to invite you for an interview para sa naging ganap sa Senior High School day the other week.”

“Bakit hindi si Hiraya? Siya ang presidente ng student council. Hindi kaya ang rude mo doon para hindi dumeretso sa kanya?”

May invisible war sa pagitan ni Kyla Claveria at Hiraya Castellano ever since. Kyla Claveria being the Editor-In-Chief of our university’s publication. While, Hiraya Castellano being the student council president of the Secondary Education Department, marami na silang beses nagtalo sa mga dapat ilagay sa school paper. Or sa mga opinion ng turf ni Kyla Claveria sa pamamalakad ni Hiraya sa student council.

And being the Vice President, lagi akong naiipit. Kasi hindi naman ‘to yung unang beses na ako ang napag-utusan ni Kyla na magpa-deliver ng message kay Hiraya. Maraming beses na.

“Oh, please. Is this even new to you? Ayoko siyang harapin. At alam kong ganoon din ang nararamdaman niya sakin. Hindi talaga kami magkakasundo,” dramatic niyang sabi.

Napangiwi ako. “Fine. Susubukan ko. Pero kapag hindi pumayag si Hiraya, bahala na kayo mag-usap.”

Lumaki ang ngiti niya at sunod-sunod na tumango. Ang arte. For sure badtrip na ‘to sakin.

“Sure. Thanks, Rai.”

Tinanguan ko lang siya at nilampasan na. Naabutan ko sina Wren at Sven sa may hagdan. Umayos sila ng tayo nang makita ako.

“Tara,” yaya ko sa kanila.

“Anong sabi ni Kyla?” usisa ni Wren. “Ang arte talaga no’n.”

“Gusto raw akong interviewhin para sa Senior High School day,” sagot ko.

Tumawa si Sven. “Paano ka i-interviewhin kung absent ka naman ng mga panahong ‘yon? Kaya nga badtrip sayo si Hiraya nung Soiree, diba?”

Napangiwi ako nang makapasok kami sa canteen. Thankfully, kaunti lang ang tao. Si Sven na ang pumila para sa mga orders namin tapos kami ni Wren ay humanap ng lamesa para doon maghintay.

“So, pupuntahan mo si Hiraya?” muling tanong ni Wren.

“Like may choice ako? Oo. Pero mamaya ng lunch.”

Natahimik kaming dalawa habang naghihintay kay Sven. Hindi pa man dumarating ang lunch, kinakabahan na ako. Isa or dalawang linggo na kasi yata akong hindi nagpapakita kay Hiraya. Paniguradong bubungangaan ako nun. Though, deserve ko naman.

“Oo nga pala, we’ll go shopping mamayang hapon, ha? Baka you’ll forget,” saad ni Wren na tinanguan ko lang.

Nang makabalik samin si Sven ay saktong pagtunog ng bell para sa unang subject. Nagpasya na lang kaming sa classroom kainin ang mga binili namin.

“Basta, ang alam ko nasa SSC office ‘yon ngayon,” sabi ko kay Sven matapos ko siyang ayain na samahan ako kay Hiraya.

“Edi tara na.”

Dumaan kami sa canopy na may two-way papuntang Welfare Building kung saan nandoon ang office ng student council and faculties. Maraming bumabati sakin ng ‘good afternoon’ na nginingitian ko lang.

Ang Welfare Building ng University of Sagezza ay glass style na iyon lang ang only building sa buong university namin na malaki. Tapos, sa likod ng building ay ang Lover’s Lane. Obviously, para sa mga couples ng university.

Hinila ko agad si Sven sa elevator nang aakyat na sana siya using the stairs. Stairs na nga sa Senior High building. Tapos, stairs pa rin dito? No.

“Anong floor?” tanong ni Sven nang makapasok kami sa elevator.

“Third,” kabadong sagot ko. Wala namang aircon dito sa elevator pero ramdam ko yung pagtataasan ng mga balahibo ko.

Nang mag-ting ang elevator. Senyales na nakarating na kami sa tamang floor, para akong pinagpapawisan. Ilang weeks na ba nung huli kong nakita si Hiraya? Ni hindi ko na nga binubuksan yung messenger ko or instagram kasi paniguradong bombarded na ‘ko ng mga messages niya.

“Saang way?” tanong ni Sven. “Kinakabahan ka ba? ‘Yan napapala ng mga hindi nagpapakita sa president nila.”

Hinampas ko nga sa braso. “Pwede bang wag mo nang dagdagan? Kinakabahan na nga ‘yong tao eh.”

Tumawa lang siya at sumunod sakin papunta sa Supreme Student Council Office dito sa Welfare Building. For sure naman hindi ganoon karami ang tao sa office ngayon ni Hiraya lalo na’t katatapos lang ng play niya nung Senior High School day. Nagiging busy lang naman sa opisina niya kapag marami kaming ginagawa sa SSC.

“Ikaw na kumatok.” Tinulak ko si Sven sa pinto sabay tago sa likod niya.

“Aray! Kailangan manulak?” reklamo niya sakin. Sinunod din naman ang request kong siya ang kakatok. Ilang sandali pa ay may lumabas na babae. Hindi si Hiraya ‘yon.

“Yes?” malumanay ang boses at kilalang-kilala ko.

“Therese,” tawag ko sa pangalan niya at lumabas sa likuran ni Sven. Si Therese Tolentino ang Supreme Student Council Secretary namin.

“Oh, Rai. Buti nagpakita ka na. Si Hiraya ba hinahanap mo?”

Tumango ako. “Nandiyan ba?”

“Oo. Stressed na naman nga kasi pinatawag ni Chairman. Pasok kayo,” wika niya habang na kay Sven ang mga mata niya.

Tumikhim ako dahil mukhang type ni Therese si Sven. Wala namang problema since single ang kaibigan ko. Iyon nga lang, parang allergic sa ibang babae si Sven eh. Ni hindi man lang niya natapunan ng tingin si Therese hanggang sa makaupo kami sa couch.

“Tatawagin ko lang si Hiraya,” sabi niya at naglakad palayo. Nahuli ko pa siyang nag-second look kay Sven tapos namumula ang pisngi niya.

Siniko ko naman ‘tong katabi ko. “Aray! Kanina ka pa, ha. Nanakit ka na.”

Kumunot ang noo ko at kinurot siya sa tagiliran. “Anong nananakit? Anyway, mukhang type ka ni Therese.”

“Sino ‘yon?” mukha pa siyang nagtataka. “Ah, yung secretary niyo ba? Ano naman?”

Ang pabebe rin talaga ng lalaking ‘to minsan. Palibhasa, kahit hindi nagyayabang na gwapo siya. Alam niya sa sarili niyang gwapo nga siya.

“Fancy meeting you again, Emraida.”

Napatayo ako bigla sa couch nang lumabas si Hiraya sa mini-office niya na nasa loob din nitong Supreme Student Council Office. At kung kanina tinataasan lang ako ng balahibo. Ngayon, dama ko na ring hindi ako makakatagal ng nakatayo.

“Hi, Pres. I have something to discuss with you,” deretso ko sa kanya.

She smiled. Hindi ko malaman kung sarcastic ba o totoo. Minsan, mahirap basahin si Hiraya. Para sa isang tao na mahaba ang pasensya, mabait at student leader pa—ramdam ko ang pagod niya.

“What is it about? Your impeachment letter?” pabiro niyang wika na ikinakabog ng puso ko. “I’m just kidding.”

Shit. Mukhang napikon na talaga siya dahil parati akong absent.

“As much as I wanted to do that, iba yung agenda ko.”

Nagkibit-balikat siya. “Well, then. Sa office tayo.”

Nilingon ko si Sven at nag-sign of the cross ako. Silently praying na makalabas pa ‘ko ng buhay rito. Pero tinawanan lang ako ng baliw.

So, nang makapasok kami ni Hiraya sa office niya, nakatayo lang ako sa gilid ng table. Syempre, may manners pa rin naman ako at alam ko ang right etiquette hangga’t ‘di pa niya ako pinapaupo.

“You may take a seat.”

Supposed-to-be may office rin ako rito sa Student Council Office pero nag-disagree ako. Hindi rin naman ako masyadong nagagawi rito unless may mga meetings or di kaya’y kailangan talaga.

“Kyla Claveria approached me,” panimula ko. “She said that she wanted me for the Les Nouvelles Headline paper. But I disagreed. Bukod sa marami na akong lapses, ikaw naman dapat ang ini-interview roon.”

Tumango-tango siya. “It is Kyla Claveria again, huh. What is it this time?”

“The Senior High School day event.”

I guess, University of Sagezza was build to hone students’ potential in becoming a better person through leadership and camaraderie. Thus, the existence of Hiraya Castellano and Kyla Claveria. Among all the organizations kasi mas vocal ang student publication and of course, the one who leads the student body which is the Supreme Student Council ng buong Secondary Education.

Kaya nagkakaroon din talaga sila ng competition sa isa’t isa. At parating evident iyon sa aming co-students nila.

“Well, thank you for acknowledging me, Emraida. I’m certain na alam mo ang clash between us kaya siguro ikaw ang nilapitan niya.”

I nodded. “I think, it has been always like that naman. Kasi kahit noong active pa ‘ko sa organization, ako naman ang nilalapitan niya so she could get to you.”

“Well, what do you think should I do? You’re my Vice President. I need your opinion as well as Therese’s opinion.” Hinilot niya ang sentido niya. “Actually, pinatawag din ako ni Chairman bago ka dumating and same concern kayo. They need Hiraya Castellano and Kyla Claveria for the school paper.”

Kung iisipin, wala namang problema sana kung isasantabi muna nila kahit saglit yung problema nila sa isa’t isa. Since lahat naman ng estudyante rito, nagbe-benefit. Of course, para sa amin sa SSC na magka-higher rate sa evaluation ng mga students kung magkakaroon ng well-informed headline and commentary from the Les Nouvelles Headlines.

“I think you need to give it a go. And in order for the Les Nouvelles to have a clearer view ng mga actions natin during the Senior High School day, how about kumuha ka ng feedback form from the office ng Student Auxiliary Services?” suggestion ko.

Although, kailangan naman talaga namin ‘yon para sa accomplishment report na gagawin namin at the end of the school year. Para lang kapag nagkaroon ng survey sina Kyla before sila magsulat ng article ay handa kami.

“Alright. I’ll tell Therese to get some feedback form mamaya sa SAS office. Afterall, hindi lang naman ang point of view ko sa event ang kailangan ng school paper. As we always do this for the people.”

Napangiti ako at tumango. “You’re right. Always for the people.”

“Ugh, I can’t do anything talaga without you, Emraida. Kung saan-saan ka kasi pumupunta.”

I sigh in relief. At least, kahit papaano she still finds me useful para sa organization. I know my lapses and my fault naman. Babawi na lang ako rito sa organization.

“My apologies, Pres.” I smiled at her. “Babawi na lang ako.”

“You better be. I’m counting on you.”

Pareho na kaming tumayo at nagpaalam sa isa’t isa. Paglabas ko ng office ay natagpuan ko si Therese sa table niya habang nagnanakaw ng sulyap kay Sven na mukhang bored na bored na.

“Therese, tawag ka ni Hiraya sa loob,” agaw ko sa atensyon niya.

Napaayos ng upo si Sven nang makita niya ako at parang nakahinga pa nang maluwag. I almost let out a chuckle. Sinunod naman ako ni Therese kaya malaya na ‘kong nakalapit kay Sven.

“Kumusta ang execution?”

Kinurot ko ang braso niya. “Execution ka diyan. Tara na, balik na tayo sa classroom.”

Buti na lang hindi na niya ‘ko sinagot pa at sumunod na saking lumabas ng Supreme Student Council Office.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top