Chapter 5
“Bakit daw hindi siya payag?”
Pumasok na ngayong hapon si Wren kaya nabalita ko na sa kanya ang response ni mama sa pagpapaalam ko. Dalawang subject lang ang meron kami ngayong hapon dahil may aattendan na vigil ang mga teachers.
“Hindi ko alam eh. Sorry talaga. Sabihin mo na lang din kay Emi na hindi ako makakapunta,” sabi ko sa kanya.
Napakamot sa ulo si Wren. “Ang alam pa naman ni Emi, pupunta ka. Paniguradong magtatampo sayo ‘yon.”
“Huwag mong ipilit ang gusto mo kung hindi siya pwede, Gonzales. Hindi naman ikaw ang mapapagalitan,” singit ni Sven.
“Sa totoo lang, gusto ko namang pumunta talaga. Pero kung ayaw ni mama, hindi ko naman pwedeng ipilit.”
Iyon ang totoo. Actually, naisip ko na rin na tumakas at baka lang naman makapunta ako. Kaso dahil hindi ko rin naman alam kung anong oras kami makakauwi—ayoko na rin subukan.
Mukhang puzzled si Wren. At lukot na rin ang mukha niya. “Ang weird naman. Kasi nung nakaraan, nagkita kami ni Tita Emerald and mukhang okay naman kami.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Nagkita kayo? Saan?”
Matagal siyang hindi sumagot bago lumingon sakin at ngumiti. “Wala. Sa Time Square Mall lang.”
Time Square Mall . . .. ang tagal ko ng hindi nakakapunta ro’n. Sa likod lang kasi nun ang dati naming bahay. Kinaya ni mama na bumalik do’n?
“What if samahan mo na lang akong bumili ng regalo for Emi tomorrow? Is that okay?” pagsasalita muli ni Wren.
Tiningnan ko siya at tumango. “Sure.”
Nakaramdam naman ako ng lungkot kasi mukhang ayaw kaming payagan ng tadhana ngayon na magkita. Matagal na kaming hindi kumpleto simula nung umalis ng bansa sina Emi para bumalik sa Japan. Habang nagpakalayo-layo naman si Amethyst at kaming dalawa na lang ang natira ni Wren.
“Pwede ba ‘kong sumama?” singit muli ni Sven.
Nilingon siya ni Wren at inilingan. “Hindi pwede. Girls date ‘yon. Girl ka ba?”
Napailing na lang si Sven at muling sumubsob sa armchair niya. Nagkatinginan naman kami ni Wren at natawa sa isa’t isa.
“Alaric, pupunta kaming Epineio. Sama ka, pre,” pag-aaya ni Nathan.
Umiling si Sven sa kanya. Pauwi na kaming lahat dahil tapos na ang klase. At natural, inaantok na naman ako. Ngayon kasing straight na naman ang mga araw na pagpasok ko, madali na naman akong nauubos.
“Ihahatid ko si Rai sa kanila,” sagot niya.
“Sus. Dali na. Minsan lang naman. At saka, malaki na si Rai para ihatid mo pa sa kanila, ‘no,” wika ni Francis na ikina-irap ko.
“Inggitero much? Wala bang naghahatid sayo?” basag ko sa kanya.
Humalakhak si Wren na sinundan naman nina Nathan. Ito yung mga lalaki sa classroom namin na feeling bully. Hindi naman sila nakakapalag kapag once na binasag na sila. Kung sabagay, hindi rin naman kasi bagay sa kanila yung bad boy image, eh. Mas nagmumukha silang boy-next-door.
“Makapagsalita ‘tong si Juniper. Label check muna bago ‘yang hatid-hatid na ‘yan,” singit ni Royce.
Mas lumakas ang tawa ni Wren nang binato ni Sven ang mga kaibigan niya ng nakakumos na papel. Napailing na lang ako. Boys.
“Magsilayas na nga kayo. Dami niyong alam,” sabi ni Sven.
“Bahala ka. Dami pa namang chix.”
Hindi na sumagot pa si Sven at tinaboy na lang ang mga kaibigan niya. Doon naman kami bumaling kay Wren na hindi pa rin tapos sa pag-aayos sa sarili niya. Siya na lang kasi ang hinihintay namin.
“Ang tagal mo naman, Wren. Saan ba punta mo?” tanong ko sa kanya.
Natigil siya sa paglalagay ng liquid eye-liner sa mata niya at tiningala ako. “Bakit kasi hindi na kayo umalis? Hindi ako makakasabay sa inyo ngayon.”
Tumaas ang kilay ko. “Saan ang punta mo?”
Ngumiti lang ang loka. “Basta.”
Nagkatinginan kami ni Sven. May kalokohan naman kayang inaatupag ‘tong kaibigan ko? Medyo weird kasi siya ngayong araw.
“Ano na? Baka gabihin si Rai at maabutan ni tita na wala pa siya ro’n,” pagtataboy niya samin.
“Pano ka?”
“Sus, Alaric. Para namang nag-aalala ka talaga sakin. Kaya ko ang sarili ko, ‘no,” saad niya habang naglalagay ng false eyelashes sa mata.
Napailing ako. “Sige. Una na kami. Ingat ka kung saan ka pupunta.”
Ngumiti siya sakin. “As always. Ingat kayo!”
Papalubog na ang araw nang makababa kami ng Senior High School building. Halos wala ka na ring makikitang mga estudyante dahil kanina pa nagsi-uwian ang lahat.
“Rai,” tawag ni Sven sa pangalan ko.
Nilingon ko naman siya nang may susing bumalandra sa mukha ko. Kinuha ko ‘yon. Tapos, tiningnan ko siya. “May motor ka na?”
Tumango siya at tipid na ngumiti. “Second hand na motocross.”
Kumabog naman ang puso ko sa excitement. “Dalian na natin! Gusto kong sumakay!” Hinila ko siya papunta sa parking ng mga motor. Magkakaiba kasi ang parking dito sa University of Sagezza. Sa Gate 1 ang mga motor. Sa Gate 2 ang mga kotse. Tapos, sa Gate 3 naman ang para sa mga teachers.
“Bakit hindi pa kayo umuuwi?” bungad samin ng guard sa Gate 1.
“Eto na nga, Kuya o. Pauwi na,” sagot ko naman.
Napailing siya. “Dalian ninyo at magsasara na ‘tong eskwelahan.”
Nagkibit-balikat na lang kami ni Sven at pumunta na sa parking para sa mga motor. Dahil wala na rin namang tao masyado. Nakita ko na agad ang motor na sinasabi ni Sven.
“Whoa! Ang taas naman!” manghang wika ko at tumakbo papalapit doon.
I’m not fond of motorcycles. Pero si Sven, oo. Dati, lagi niyang sinasabi sakin na pangarap niyang magka-motor. Na kapag nagkapera na siya, bibili siya tapos didesignan niya ‘yon katulad ng mga motor na nakikita niya sa magazines.
“Fully paid na ‘to?”
Umiling siya. “Hulugan. Binenta sakin ng kaibigan ko sa shop.”
“May trabaho ka na?” gulat kong tanong. Hindi naman ako dapat nagulat kasi kilala ko na siya. Hindi naman nabuhay si Sven na may golden spoon sa bibig niya kaya nagpupursige siya.
“Oo, part-time na nagta-tattoo. Tapos, barista.”
“Kailan pa?”
Sumakay na kaming dalawa sa motor niya at agad niyang pinasibad ‘yon. Hindi naman ako nagdalawang isip na yumakap sa baywang niya. Medyo nakakalula kasi hindi ito yung mga normal na motor na nakikita ko sa kalsada pero okay na rin. Mahangin eh.
“Nung nakaraang linggo lang. Tapos, yung pagta-tattoo, matagal na. Minsanan lang naman kasi hindi ganoon kalakas yung shop na pinagta-trabahahuhan ko.”
Natahimik kaming dalawa. Naisip ko tuloy, paano pa kinakaya ni Sven ang lahat ng ito knowing na mag-isa na lang siya at wala na siyang kalinga? Ang tatag niya kasi. Tapos ako, magkasama naman kami ni mama. Pero parang nahihirapan pa rin ako.
Mabilis lang kaming nakarating sa Raauha West Bridge. Dito ako madalas hinahatid nina Sven at Wren. Depende kung sinong nakakasabay ko sa kanilang dalawa. Hindi rin naman kasi sila pwedeng pumasok sa Milieu Village unless may I.D. sila para ma-verify na taga roon. Ang dami ngang arte.
Tinapik ko ang balikat ni Sven nang makababa ako. Marami ng tao sa mga oras na ‘to. Hapon na rin kasi tapos bukas na ‘yong mga store.
“Thank you, Sven. Ingat ka pauwi.”
“Kita na lang tayo bukas,” sabi niya na tinanguan ko.
Mabilis niyang pinasibad ang motorsiklo niya hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Bumuga ako ng hangin at nilingon ang araw na papalubog na naman. Ito talaga ang nakasanayan kong gawin maski dati pa. Hintayin na lumubog ang araw tapos umuwi na sa bahay.
Nilanghap ko ang sariwang hangin. “Sana palagi na lang ganito.”
“Kung hihilingin mong parating na lang ganito, paano naman ang kinabukasan?”
Dumilat ako at nakitang may lalaking sumulpot sa gilid ko. Napaayos ako ng tayo at hinarap siya.
“Kilala ba kita? Sino ka ba?”
Ngumiti lang siya nang matamis. “Hindi mo na kailangang malaman. Basta yung sinabi ko, huwag mong hihilingin na parati na lang ganito ang buhay. Kasi hindi naman sa lahat ng oras. Puro kasiyahan lang yung laging dapat nararanasan natin. Paano mo masasabing nag-grow ka na bilang tao bukas kung hihilingin mong magaan lang ang buhay mo ngayon?”
Umasim ang mukha ko. “Mamamangha na sana ako sa wisdom of words mo kung alam mo yung nararamdaman at pinagdadaanan ko. Kaso hindi. I-lessen mo na lang yung pangingialam sa buhay ng tao, ha?”
Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at tuluyan na siyang tinalikuran. Narinig ko siyang tumawa.
“See you around, Miss.”
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Nakangiti lang siya na akala mo’y nakakatuwa yung presensya niya. Pinakyu ko nga.
Ayun, mas lalo lang natawa. Ayoko siyang makita ulit. Hindi magaan ang feeling ko sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top