Chapter 4

     “Ang gandang jewelry naman niyan.”

Napangiti ako habang nakatitig sa friendship knot na binigay sakin nung stranger sa Raauha West Bridge. “Kaya nga. Kaso hindi ko na siya mahanap ulit ngayon. I wonder if hinahanap niya rin ako ngayon sa Raauha?”

Natawa si Amethyst habang nakatambay kami sa mini-balcony ng kwarto ko. “Bakit? Lalaki ba nagbigay niyan sayo?”

Umiling ako. “Babae. And ewan, para akong na-hook sa pagkatao niya. Kasi yung itsura at porma niya—pang mayaman ang dating pero nagawa pa niya ‘kong pansinin.”

Sabay kaming bumuntonghininga. It is already a Sunday night. Bukas, balik na naman sa realidad. Nitong taon, napapansin kong bumibilis na talaga ang mga araw na lumilipas.

“Alam mo, parang kakapikit ko palang pero Monday na naman bukas,” sabi ko kay Amethyst.

“Ano? Tinatamad ka na naman pumasok?”

Napangiti na lang ako. “As always.”

“Alam mo, nakakainggit ka minsan, Rai. Kasi yung buhay na natatamasa mo ngayon; yun bang nakakapag-aral ka, eh gusto kong maranasan. Alam mo namang hindi na ako pwedeng bumalik, diba?”

Malungkot akong napangiti. Kung pwede nga lang pagpalitin ang situation namin ni Amethyst, ginawa ko na. Kasi hindi na talaga ako makahanap ng rason para magpatuloy pa. Alam mo yung marami namang tao sa paligid mo pero hindi mo sila maramdaman? Kahit anong gawin ko, parang mag-isa pa rin ako.

“Uuwi si Emi ngayong week. Birthday niya raw sa linggo. Hindi ka pa rin ba pupunta?” Nilingon ko siya at nakitang deretso lang ang tanaw niya sa maliliit na bituin sa langit.

I have always admired Amethyst because of her wisdom. Pero iba pa rin talaga ang atake ng kagandahan niya. Simula nung mga bata pa lang kami, her hair is always in a bob cut. Although, we have the same fair skin, medyo may pagka-tan lang siya. Her almond eyes look soulful. Parang maraming sinasabi. Nakakadagdag emphasize rin ang mahahabang pilik-mata niya. At ang ilong niya? Mas matangos sakin ng kaunti. Naalala ko, madalas kong ipa-slide ang daliri ko sa ilong niya kasi ang smooth at para kang nagsi-slide. Iyon na siguro ang paborito kong parte ng mukha niya. Lastly, ang pinkish lips na talagang kinaiinggitan ko. Ako kasi, kailangan ko parating gumamit ng Lip balm Vaseline para magkaroon naman ng kulay ang labi ko.

Bumuga ako ng hangin. Talaga bang sa era na ‘to siya nanggaling? Para kasi siyang lumabas galing sa mga fiction books na binabasa ni Sven.

“They hated me, Rai. I know you know that. At saka, baka masira lang ang birthday ni Emi, kung sasama pa ako.”

Hanggang ngayon pala, iyon pa rin ang tingin niya. Pero hindi ko rin maintindihan kasi bakit aayaw ang mga kaibigan namin sa kanya when among the four of us, she had the most pure heart and pure soul?

“Hindi ka ba hinahanap ni Wren man lang? Bakit ayaw mong magpakita sa kanya where she deserves to know where you are,” sabi ko sa kanya.

“Have you forgotten? Wren already disowned me as her sister, Rai. At para sa kapatid ko, sa oras na tinalikuran ka na niya—hinding-hindi na siya lilingon pa ulit para balikan ka.”

Even if you two are families? Gusto ko sanang idugtong. But somehow, I understand her sentiments. Ngayon nga ay nararanasan ko kay mama. Pero hanggang kailan siya magpapanggap na hindi ako nag-e-exist sa buhay niya?

“Rai, sinong kausap mo?”

Halos tumalon ang puso ko sa kaba nang lingunin ko si mama at nakitang nasa pinto siya’t nakasandal doon. Hindi naman nakikita si Amethyst kaya sinenyasan ko siyang magtago.

Lumabas ako sa maliit na balcony. Thankfully, hindi glass ang pinto no’n. At lumapit kay mama. “Sinong kausap po, Ma?”

Umayos siya ng tayo at pumasok sa kwarto ko. Hindi ko ba na-lock ang pinto?

“Yung kausap mo. Naririnig kitang may kausap kanina rito, Emraida. Huwag kang makipaglokohan sakin.” Tiningnan niya ako nang masama.

Napalunok ako sa kaba. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanyang si Amethyst ‘yon dahil paniguradong madadagdagan lang lalo ang galit niya sakin. Bakit kasi hindi ko naramdamang dumating na pala siya?

“Wala po akong kausap, Ma. Nagmumu-muni lang ako.”

Tinalikuran niya ako at pumunta sa maliit na balcony na agad ko namang sinundan. Hindi naman mukhang lasing si mama. So, ibig sabihin, nasa katinuan siya ngayon. At pinapansin niya ako. Bakit? May nangyari ba?

Wala kaming naabutang kahit anino ni Amethyst paglabas ng bahay na siyang ikinagalak ko naman. Natatakot akong madagdagan ang galit sakin ni mama kung malaman niyang nag-uusap pa rin kami ni Amethyst.

“Basta, narinig kitang may kausap kanina at binanggit mo pa ang pangalan ni Wren at Emi.” Humarap siya sakin. “Nasan ang cellphone mo?”

“Naka-charge, Ma.”

Kumunot lang ang noo niya at saka pumasok upang tingnan ang cellphone ko kung naka-charge nga. Natagpuan naman niya ang sagot niya sa maliit na lamesang nasa gilid ng kama ko.

“May nangyari po ba?” maingat na tanong ko.

She looks distressed. Nakakatakot magtanong kasi alam ko namang isha-shut off niya lang ang concern ko. Pero nang tingnan niya ako, napalitan na naman ng blangkong emosyon ang mga mata niya.

“Wala. Matulog ka na.” Tinalikuran niya ako at lumabas ng kwarto.

Agad ko siyang sinundan nang maalala kong kailangan kong magpaalam sa kanya. “Ma, next week, birthday ni Emi. Gusto ko sanang pumunta.”

Nakababa na siya ng hagdan pero nagawa pa rin niya akong lingunin. At kagaya kanina, wala pa ring mababasang kahit na anong emosyon doon.

“Hindi.”

“Pero—”

“Oo at hindi lang naman ang kailangan mong sagot, diba? Hindi ang sagot ko.”

Magsasalita pa sana ako nang naglakad na siya palayo. Napaupo na lang ako dahil sa panghihina. I guess, hindi talaga ako makakapunta sa birthday ni Emi, huh?

“Absent si Wren? Bakit daw?” tanong ko kay Sven nang maabutang walang tao sa upuan ni Wren.

Late kasi ako sa flag ceremony at naghihintay na lang kami para sa unang subject namin ngayong araw. Hindi kailanman na-late sa klase si Wren kaya nang maabutan ko ang walang taong silya niya, tinanong ko na agad si Sven.

“Hindi ko alam sa kaibigan mo, Rai. Iyon lang naman ang sinabi niya.”

Huminga ako nang malalim. Paano ko sasabihin sa kanyang hindi ako pinayagan?

“Oh.”

Bumaba ang tingin ko sa lunch box na inabot sakin ni Sven. Nandito kami ngayon sa rooftop. Niyaya niya ako kasi wala naman si Wren para sa canteen kami kumain. Magiging awkward pag nakitang dalawa lang kami ang magkasama.

“Para saan ‘to?” tanong ko.

“Luto ko ‘yan.”

Hindi na ako nagdalawang isip na buksan ang lunch box at na-amaze dahil simple lang naman na hotdog at itlog yung laman pero kasi may design na smiley face na ginamitan ng ketchup ang kanin. Natawa tuloy ako.

“Nag-effort ka pa talaga, ha?”

Nag-tsk siya. “Hindi na lang kumain, eh.”

Inumpisahan na niyang kainin ang kanya kaya napangiti na lang ako. I have always felt how important I am for Sven. At ipinagpapasalamat ko lagi kasi binigay siya sakin para maging kaibigan ko.

“Thank you, Sven,” sabi ko at nagsimula nang kumain.

Tahimik lang kaming kumakain habang dinadama ang ihip ng hangin dito sa rooftop. Nakaupo lang kami sa semento kasi wala namang mga tambak na upuan dito. Talagang mini-maintain ng university ang kalinisan kahit pa dito sa rooftop na hindi naman masyadong pinupuntahan.

“Naalala mo nung una tayong nagkakilala?” basag ni Sven sa katahimikan.

Napangiti ako at tumango. Iyon na siguro ang pinaka-weird yet pinaka-memorable na encounter sa buong buhay ko.

“Ate, parang awa niyo naman po. Kung pwedeng ito na lang na kabaong yung gamitin ko para sa mama ko. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin siya nakakauwi samin.”

Nasira ang magandang tulog ko rito sa loob. Ilang oras na ba simula nung dumating ako rito? Ngayon ko lang naranasan yung makatulog ng mahimbing tapos sisirain pa.

“Nako, Sir. Naka-reserve na kasi ‘yan. Mapapagalitan kami ng may-ari kung ibibigay namin sayo. Sa katunayan, nasa loob niyan yung nag-reserve ng kabaong na ‘yan.”

Kumunot ang noo ko sa usapan nila kaya bumangon na ako.

“Hindi pa naman—Emraida Miravalles?” parang gulat na gulat ang lalaki sa existence ko.

“Kilala ba kita?” wala kasi akong maalala. Lately, parang ang dali ko nang makalimot. Two to five seconds na ang pinakamatagal na naaalala ko.

Tiningnan ng lalaki ang babae bago tumingin sakin na nagtataka. “Schoolmate mo ‘ko. Hindi mo ba naaalala? Ako yung tinulungan mong makalapit kay Hiraya Castellano para sa donation sa mama ko.”

Umiling ako. “Sorry. Pero hindi. Makakalimutin kasi ako.”

Ngumiti siya sakin. Pero hindi abot hanggang tainga. May problema kaya siya?

“Rai, hihiling ulit sana ako . .

Nakaramdam na ako ng awkwardness. May nanonood ba naman samin habang humihiling siya sakin.

“Ano ‘yon?”

Napalunok siya habang nakatitig sa kabaong na kinauupuan ko ngayon. Tinagilid ko pa ang ulo ko para mas maging malinaw para sakin ang emosyon sa mga mata niya.

Hanggang sa napagtanto ko . . .. wala na ba ang mama niya?

Hindi na siya nakapagsalita kaya tumingin na ako doon sa babaeng nagki-cater nitong kabaong at tinanguan siya.

“Hanggang ngayon, ang weird pa rin sa pakiramdam kasi talagang humiling ka sakin habang nakaupo ako sa kabaong na ‘yon,” natatawang pag-alala ko.

Natawa rin siya. “Desperado na, eh. Ilang araw na rin kasi nun hindi nauuwi si mama kasi wala pa siyang kabaong. Tapos, hindi ko alam kung kanino lalapit para magpatulong na maghanap ng kabaong para sa kanya.”

“Pero bakit nung pumunta ako sa inyo, parang ang dami niyong kamag-anak?”

Nagkibit-balikat siya. “Alam mo naman mga tao, eh. Nandiyan lang kapag meron ka. Pero pag wala na, naglalaho na lang sila ng parang bula.”

Tumango ako. “Tama ka naman do’n.”

“Pero alam mo, dahil do’n, parang mas lumakas ako. Kasi imaginin mo, halos lahat sinubukan kong hingan ng tulong pero walang nag-abot. Tapos hanggang sa nailibing si mama, hindi na ako ulit humingi ng tulong sa kanila. Pinagkasya ko na lang yung meron ako tapos nawala na rin sila.”

Sabay kaming napabuntonghininga. Ever since, talagang saludo na ako sa tapang ni Sven. Saludo rin ako sa kanya kasi ilang taon na siyang walang magulang na kalinga pero matatag pa rin siya. ‘Yong tipo bang naging matapang na lang siya para sa sarili niya kasi wala namang naging matapang para sa kanya?

Tinapik ko ang balikat niya. “I’m proud of you.”

Nilingon niya ako sabay ngiti. Ito yung isa sa mga minsan na nakikita kong geniune yung tuwa niya.

“Thank you, Rai. Kasi hindi mo ‘ko iniwan,” I can feel his sincerity while saying this.

Ngumiti ako pabalik. “Thank you rin kasi patuloy mo akong pinoprotektahan.”

Sandaling tumigil ang oras para samin. At walang kahit na anong maingay na naririnig kundi ang bilis ng tibok ng puso ko. Naririnig kaya rin niya?

Pero naputol lahat ‘yon nang tumunog ang bell ng university dahilan para matawa kami sa isa’t isa.

“Shit, ang baduy,” wika ko.

Pero sa loob-loob ko, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top