Chapter 35

Hindi ko kayang puntahan si Eos. Pakiramdam ko, kapag may nalaman akong tungkol sa kaniya ay ikakamatay kong muli. Hindi ko pa kaya.

"Are you sure you'll gonna be okay?" nag-aalalang tanong ni Sven nang ihatid niya ako sa Sagezza.

Tumango naman ako. "Thank you, ha? Let's see each other na lang mamaya."

Hindi naman siya nagsalita at hinila lang ako palapit upang mahalikan sa noo. Nakaramdam naman ako nang pagkaginhawa. Sa tuwing hinahalikan talaga ako ni Sven sa noo ay nararamdaman kong napapalagay ang loob ko.

It's like a protection. He was sheltering me everytime he does that. Nararamdaman ko naman ang pag gaan ng loob ko. Sa kabila nang ilang taong pagdurusa sa pag-ibig na inakala kong hindi ko na ulit mararamdaman.

"Good morning, Miss Miravalles."

Napalingon ako nang dumating ang Dean sa opisina niya. Nag-log in kasi ako. Mabuti na nga lang at hindi ako late. Kanina sa ground floor, maraming estudyante pa akong nakikita.

"Good morning, Dean," bati ko sa kaniya.

"Mukhang ngayon lang ulit kita nakita. May nangyari ba? Hindi ka nakapag-file ng leave. I thought you were going AWOL."

Nag-blink naman ako. Bigla akong nahiya dahil sa nangyari. Baka mamaya nahalungkat ng eskuwelahan ang past ko rito tapos ikumpara ako sa nangyari noon. Ayoko namang maramdaman iyon. Ilang taon bago ko maintindihan kung bakit ganoon ang nangyayari sa akin. Kaya kung babalikan nila iyon, baka hindi na ako muling makabangon.

"I'm sorry, Dean. Personal matter lang. Something happened on my end but I didn't plan anything about leaving this job."

Nakatitig lang naman siya sa akin habang iniintindi ang sinasabi ko. Kahit pa paputol-putol dahil may mga teachers na pumapasok upang mag-log in at halatang nakikinig. Isa pa sa mga natutunan ko sa buhay nitong mga nakaraang taon ay ang hindi paglahad ng buong buhay mo kahit gaano pa kalapit saiyo ang isang tao.

People come and go. And still, we can't be sure kung ang mga tao bang ito ay nakakabuti para sayo or they just meant to give you a lifetime lesson and just leave you again. I know that life is a gamble at kakabalik lang ulit ng mga baraha sa kamay ko. Hindi ko pa kayang sumugal ulit.

Kahit pa nangyari iyon kay Eos at ibig sabihin non ay ang muling pagsugal sa buhay. Bumuntonghininga ako.

"I understand," kapagkuwan ay sinabi ng Dean.

Ngumiti ako at nagpasalamat. Nakahinga naman ako nang maluwag doon. Kahit pa hindi ko mabasa ang emosyon na nasa mukha ng Dean. I used to be like that . . . like a dead person. Hirap na hirap akong magpakita ng emosyon dahil hindi ako sigurado kung kailan gagamitin sa akin ang nararamdaman ko.

"But about your class, Miss Miravalles, I'm sure you've already met Ghian Ramos and Rafaelle Redondo?"

Saglit kong inisip kung sino ba ang mga estudyanteng iyon dahil isang beses ko pa lang sila mameet. Nang maalala ko iyong mga batang nagtalo sa unang araw ng klase ko sa kanila.

"Yes, Dean. I remember them."

Kung kanina ay poise na poise siya. Ngayon ay halos lahat ng kulubot na tinatago niya ay nagsilabasan na. Bakit? What happened? Apat na araw akong hindi nakapasok. Wag nilang sabihing may problema agad na dala ang mga estudyanteng iyon? Although, halata naman sa kanila na sila talaga ang most likely na magtatalo ay hindi ko pa rin maiwasang isipin na ganoon nga.

"Kaya mo bang paamuhin ang dalawang iyon? Sa apat na araw na wala ka rito, laging sila ang inaabutan ko sa opisinang ito. I tried calling for their parents pero walang sumusulpot maski isa sa kanila."

Natigilan naman ako. Ilang beses na ba akong naka-encounter nang ganitong pagkakataon nung high school ako?

"Ano ho bang problema?"

Umupo siya sa swivel chair niya at napailing. Mukhang problemadong-problemado nga itong si Dean. "Napagbintangan si Faye Villanueva na nagnakaw kay Rafaelle. Nagtalo sila at pinaamin ang isa pero ayaw umamin. May nakapagsabi na nagkapisikalan sila ni Ghian kaya nang pumunta rito may mga band aid sa pisngi."

"Faye Villanueva, Dean?"

"Kaibigan siya ni Ghian."

Napaisip na rin ako nang makaalis ako ng opisina. Nangako ako sa dean na aayusin ko ang gusot ng mga estudyante ko kahit pa wala akong ideya kung paano.

Isang beses kong naranasan ang ganitong eksena pero hindi ako ang akusado. Hindi ko alam kung paanong ayos ang gagawin ko rito. Pero gusto kong subukan. Lalo na ang mga mali kong nagawa noon na nakikita kong nangyayari na naman ngayon.

Nang makarating ako sa Senior High School building ay wala na masiyadong estudyante sa hallway. Given na iyon dahil kanina pa nag-bell. Pero nang makarating ako sa classroom na siyang hawak ko ay halos magimbal ako sa kung gaano sila kagulo.

Tipikal pa rin naman na gawain namin ngayon. Walang estudyanteng nakapag-warning na dumating na ako dahil masiyado silang na-absorb sa kaguluhan. Nabigla ako nang natagpuang umiiyak si Rafaelle sa isang tabi. Habang nakatitig lang sa kaniya si Ghian. Natagpuan ko rin iyong sinasabing Faye ng dean na siguradong kaibigan ni Ghian. Sa itsura niya ay mukha rin siyang napuruhan.

"Anong kaguluhan ito?" mahinahon kong wika na nagpatigil sa kanila.

Sabay-sabay nila akong nilingon at mukha silang gulat na gulat at hindi malaman ang gagawin nang makita ako sa pinto.

Hindi naman natinag iyong tatlo at hindi rin gumalaw sa kani-kanilang mga puwesto. Kaya napilitan akong pumasok at padabog na inilapag ang gamit sa aking lamesa. Napaigtad sila at sila na mismo ang nagsibalikan sa mga upuan nila.

Pero hindi pa rin gumagalaw ang tatlo. Ramdam ko ang tension sa kanila. Lalo na kay Ghian na mabilis ang dibdib gawa nang paghingal. Si Faye naman ay panaka-nakang tinitingnan ako. Nakikita ko sa mga mata niya ang takot.

At isang mukha lang ang naalala ko sa itsurang iyon . . . si Alvara.

Kumuyom ang kamao ko. "Ramos, Redondo, and Villanueva, ano pang hinihintay ninyo? Pasko? Go back to your seats!" sigaw ko.

Napalingon silang tatlo sa akin at tahimik na sinunod ang sinabi ko. Nakita ko pang tinapunan nang matalim na tingin ni Ghian si Rafaelle nang makaupo sila.

Sinilip ko ang kamao kong nanginginig habang pinakikiramdaman ang buong klase. Alam kong noong nag-take ako ng interview para makapasok sa eskuwelahang ito, hindi ko napag-isipan ang mga sinabi ko. I just promised to myself na hangga't may kaya akong baguhin na kailangan — gagawin ko.

Pero kulang iyon. Hindi subject ang unang dapat itinuturo sa kanila.

"You know that money can't buy manners, right?" mariin kong tanong sa kanila habang tinitingnan silang lahat.

Kung kanina ay para silang mga tigre nang abutan ko. Ngayon daig pa nila ang pusang hindi pinainom ng gatas sa sobrang tahimik.

"What happened?" sinubukan kong maging mahinahon. "Bakit ganoon ang situwasyon ninyo nang abutan ko kayo? Bakit umiiyak si Rafaelle? Bakit nagagalit si Ghian? At bakit mukhang basahan ang itsura ni Faye? Magpaliwanag kayo."

Inikot ko ang tingin ko sa kanila at lahat sila ay nanatiling nakayuko including the boys na mukhang basagulero.

"Ano? Diyan ba kayo magaling? Iyong nagtatapang-tapangan pero kapag kailangan nang harapin iyong problema, tatakbuhan ninyo lang? Is that how you're going to solve your problems?" muli kong tanong.

"Miss Rai, si Ghian po ang nauna," wika sa akin ng estudyanteng nasa harapan ko.

Nang tingnan ko siya, nakayuko pa rin siya. Sa itsura niya; sa sapatos na mukhang bagong haplas ng kiwi, sa bag na branded, at sa unipormeng plantsadong-plantsado. Alam kong may mababaligtad sa kuwentong ito.

"'Wag kang mambintang, Amy! Kayo ng mga kaibigan ninyo ang nauna! Pinagtripan ninyo si Faye! Pinagbintangan kahit walang pruweba!" Tumayo si Ghian at dinuro si Amy.

Hinampas ko ang lamesa. "It doesn't matter who did it first. Kung may kasalanan sayo ang isang tao at sa tingin mo, kailangan mong ipaglaban ang sarili mo — gawin mo! Pero hinding-hindi ko itotolerate ang mga estudyanteng mahilig gumawa ng kuwento sa klaseng ito! Naiintindihan ninyo?!"

Natahimik sila habang ako naman ang mabilis ang bawat paghinga. Parang pinipiga ang puso ko habang naalala kung ano ang mga nangyari noon.

Dumako naman ang tingin ko kay Rafaelle na matalim ang titig sa akin. Punong-puno ng galit ang mga mata niya. Na para bang kahit alam niyang kasalanan ng iba, siya ang natuturo. Those eyes . . . I can remember Hiraya. "At ikaw, Rafaelle, bakit ka umiiyak? Anong maling ginawa sayo?"

Umiwas siya nang tingin. "You won't understand."

Natawa naman ako. Hiraya was also this undenial pero noon iyon. Hindi ko na alam kung ano nga ba ang mga natutunan niya sa mga nagdaang panahon. Ganito rin kalala at natatakot ako na kapag nagpatuloy sa kaniya . . . magaya sa akin.

"How will I understand if you won't spill it?" Doon siya napatingin sa akin. "You can't expect people to understand you kung umpisa pa lang, ayaw mo nang buksan ang puso mo para intindihin ka."

"You got the point. Bakit ko pa bubuksan ang puso ko sa ibang tao? Why would I effort kung sa huli, ako pa rin naman ang magiging masama?"

Namamangha ko siyang tinitigan at nagkrus ng braso. "You remind me of someone. Ganiyang-ganiyan din siya tumanggi sa totoong nararamdaman niya. Pero alam mo, ang mga nararamdaman natin, hindi nagtatagal iyan, sumasabog yan. Kahit anong tago, kahit anong pag-iipon, sumusungaw. Tulad ng pagsisinungaling. You can fool anyone but not me, Rafaelle."

Hindi siya sumagot at kaya nilubayan ko siya. Pinagmasdan ko silang lahat.

Bakit nga ba nakikita natin ang isang bagay kung kailan nalagpasan na natin? Bakit kung kailan may naiintindihan na tayo at saka pa natin hindi mababawi ang mga kung anumang nagawa natin noon?

Bakit parating sa huli lang natin narerealize ang lahat?

"Alam ninyo, ang babata niyo pa. Marami pa kayong puwedeng pagdaanan na hindi ninyo inaakala. May mas mabigat pa na puwede ninyong pagsisihan bago ninyo masabi sa sarili ninyong nag-mature na ako as a person. At narealize na ang mga dapat ninyong marealize sa buhay. There is more to life than this, you know? Maraming bagay pa na mas dapat ninyong pagtuunan ng pansin kaysa ang mambully at manira ng kapwa," paliwanag ko sa kanila.

How ironic that is. Dahil noon, walang kahit sinong tao ang nagpaliwanag sa amin tungkol sa bagay na ito. Ang suwerte nga nila dahil ngayon, sa dami ng mga taong handang tumulong at intindihin sila, ngayon naman nila piniling hindi umintindi.

"Hindi mo kami maiintindihan dahil hindi mo naman alam ang nararamdaman namin," sabat ni Ghian.

Napatingin ako sa kaniya. "Kaya nga nandito ako, eh. Kasi gusto kong maintindihan. Gusto ko kayong matulungan para hindi kayo magaya sa buhay ko na naging patapon bago ko narealize ang halaga ng buhay ko."

"That's your choice. Bakit kami ang ginugulo mo?" segunda ni Rafaelle.

Napangisi ako. "I love your guts, kid. But it's for you to find out."

Natahimik sila kaya naman iyon na ang hudyat ko upang simulan ang klase.

Alam kong marami pa akong kailangang pigain sa mga estudyanteng ito.


Bumagsak ang katawan ko sa kama nang makarating sa bahay. It was a long day for me. Hindi ko alam na sa mga ganitong panahon pa kailangang masubok kung ano nga ba ang mga natutunan ko sa buhay. Nakakatawa lang.

Pinilit kong matulog kahit pa ramdam kong nagugutom ako. Ngunit wala pang ilang minuto nang marinig kong tumunog ang aking telepono.

Napabalikwas ako nang bangon at inabot ang bag ko na nasa upuan katabi ng kama at hinalungkat ang aking telepono.

Hindi ko na pinansin pa ang caller ID at deretsong sinagot ito.

"Is this Emraida Miravalles?"

Dumilat ako nang marinig ko ang boses ni Nola. Kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi ko pa rin makakalimutan kahit pa hindi naman kami naging ganoon kalapit noon.

Tumikhim ako. "Yes, it is me."

Para akong maluluha nang marinig ko siyang humikbi sa kabilang linya. Parang biglang ayaw ko nang marinig ang sasabihin niya. Sinubukan ko . . . sinubukan kong isipin na hindi magiging ganoon ang kalalabasan.

"Rai, ililibing na si Eos . . . kailan ka magpapakita?" nanginginig ang boses niya.

Suminghap ako at sinuklay ang buhok ko. Nabasag ang puso ko habang pinapakinggan ang boses niya sa kabilang linya. Alam kong sa aming magkakaibigan, siya ang pinakamaapektuhan. I remember her saying nung pumasok siya sa grupo na si Eos ang dahilan kung bakit siya bumalik dito sa La Douleur. Now, I don't know what I'm gonna do.

Hindi na ako sumagot hanggang sa tuluyang namatay ang tawag. Unti-unting lumakas ang bawat hikbi ko hanggang sa naramdaman ko na lang na may yumayakap sa akin at pilit akong pinatatahan.

"I'm here, Rai . . . I'm here. I'm not gonna leave you . . ."

Bakit ba lahat ng mahal ko sa buhay, kailangang bawiin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top