Chapter 34

Sinuklay ko ang buhok ko habang pinagmamasdan ang cellphone ni Eos na nahulog kasama ang katawan niya kagabi. Bumuga ako ng marahas na hangin habang pinagmamasdan ang telepono niya. Nasa isipan ko pa rin ang imahe niya na puno ng dugo pero parang payapa ang mukha niya habang nakapikit.

Hinampas-hampas ko ang dibdib ko. Ang bigat, bigat. At ang tanga ko para iwanan siya noong gabing ‘yon. Pero hindi ko na alam kung paano pa iha-handle ang sakit na nararamdaman ko sa katotohanang ako pa mismo ang nakakita ng nangyari sa kanya.

Inilapag ko ang cellphone niya sa lamesa when my phone buzzed. Suminghot ako at pinunasan ang luha bago sinagot ang tawag.

“Hello?”

“Rai!” Sven called. His voice seems excited. At dumagdag pa iyon sa kirot na nararamdaman ko. After we met sa Monde Restaurant with Emi, nasasayangan ako na hindi kami nakapag-usap nang maayos. “Are you free today?”

My brows furrowed. “Bakit?”

“Wala, I just wanted to catch up. Sunduin kita?” he sounds hopeful. “Only if you are free.”

Napaisip ako. Gusto ko rin makalimot kahit sandali. Hindi ako umuwi ng La Douleur, para durugin ulit ang sarili ko. Iyon ang plano ko. Sana. Kung hindi lang nagkabuhol-buhol. Kaya ngayon, wala pa akong lakas na bisitahin si Eos sa hospital.

“Sure.”

I heard him smile. “Okay. I’ll be there at 15.”

Nang ibaba ko ang tawag, saglit pa akong napatulala. Hindi ako makapaniwala sa mabilis na mga pangyayari. Hindi ako nakapaghanda rito. Noon siguro, oo. Pero ang hirap pala talaga kapag nasa mismong situwasyon ka na.

I stood up and walked towards the cabinet. When I opened it, I saw an envelope at the top of my clothes. Kinuha ko iyon at tiningnan. Walang nakasulat sa harapan kaya nang tingnan ko sa likuran, Amethyst.

Kumabog ang puso ko. Ito ang sulat ni Amethyst na hanggang ngayon, hindi ko pa rin binubuksan. Humigpit ang hawak ko at dinala sa lamesa ‘yon. Dadalhin ko ngayon para yayayain ko si Sven na dumaan sa Deces Memorial Park pagkatapos naming kumain sa kung saan.

Nang makapagbihis ako, saktong may bumusina sa labas ng bahay. Oo nga pala, bumalik ako sa Milieu Village. Iba lang ang bahay dahil meron nang nakatira sa dati naming bahay. Alam rin ni Sven ang lugar na ‘to dahil sila ni Emi ang naghatid sa akin nung nagkita kami sa Monde.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ni Eos at letter ni Amethyst sa lamesa bago bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay.

Bumaba si Sven sa putting sasakyan niya. Resulta ng pagiging aircraft mechanic niya. Tinanggal niya ang salamin niya at lumapit sa akin.

“Ang ganda mo,” bungad niya sa akin.

Sinuntok ko nga sa braso. “Bola!”

Humalakhak lang siya at tuluyan na akong pinasakay sa kotse niya. Agad kong nalanghap ang Versace Eros na pabango sa buong kotse niya. Hindi rin makalat. At talagang organized. Mabilis ding sumakay si Sven sa driver’s seat.

“Saan tayo?” tanong niya sa akin.

“Gusto kong magkape,” wika ko. “May alam ka?”

“Starbucks lang,” sagot niya.

Napailing ako. Ibang klase na talaga siya. Sa mga naging resulta ng nangyari sa amin noon, natuwa ako na tama ang desisyon kong ipatabuyan siya sa Manila para bumalik dito at ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Sadista nga siguro pero naging masakit din naman sa akin.

Walang gabi dati na hindi ko naiisip kung nasa tabi ko siya, may mag-iiba ba? Hindi ba kami magkakasakitan? Magiging masaya lang ba kami? Pero alam kong malabo.

Kaya alam ko sa sarili kong tama lang ang naging desisyon ko.

“Ayos lang ba kung sa Seven Eleven na lang? Namiss kong tumambay doon,” sagot ko sa kanya.

Nilingon niya ako at matipid na ngumiti. “Naalala mo pa pala . . .. akala ko hindi na.”

Kumirot ang puso ko dahil doon. Gusto kong sabihin sa kanya na walang araw na hindi ako nagrerelapse. Kahit noong araw na nawala sa akin si mama at tanging sarili ko lang ang meron ako, naisip ko siya. Pinagdasal ko na sana nasa tabi ko siya.

Pero alam kong kasalanan ko rin naman.

Kaso tumawa lang ako sa sinabi niya. “Bakit naman? Si Sven Eleven ka, e.”

Kumunot ang noo niya. “Ano ba ‘yang Sven Eleven na ‘yan? Noon mo pa tawag ‘yan.”

Mas lalo akong natawa. Kahit papaano naibsan ang sakit na nararamdaman ko. “Slow mo naman. Seven Eleven. Alaric Sven. Edi Sven Eleven. Katunog kasi ng pangalan mo,” humagikgik ako.

Napailing siya. “Puro ka talaga kalokohan.”

Inirapan ko siya. “Ikaw naman. Ang corny mo pa rin.”

Ngumisi lang siya. Dumiretso kami sa Seven Eleven convenience store sa tapat ng Sagezza, sa dati naming tambayan. Nag-park lang si Sven sa harapan at pinagbuksan niya ako ulit ng kotse para makababa ako.

“Witwiw, gentleman,” pang-aasar ko. “Parang ‘di ka naman ganito noon.”

Tumawa siya. Halatang masayang-masaya talaga siya na nakasama ako. Naisip ko, paano niya nakalimutan lahat ng sakit na dinulot ko sa kanya noon para magkasama ulit kami ngayon? I don’t think I deserve him.

Noon at ngayon pa man. Pero alam ko . . .. hindi ko na kayang magmahal ulit. Kung hindi siya.

“Hindi mo lang alam kasi hindi mo naman ako pinapansin,” sabi niya.

Dinuro ko siya para asarin. “Kitams? Ang corny mo!” Pero tinamaan talaga ako. Napapansin ko naman, hindi ko lang alam kung paano ko tatanggapin.

Nang makapasok kami sa Seven Eleven, humanap na agad ako ng upuan sa tapat ng glass window.

“The usual?” tanong niya.

Ngumiti ako at tumango. “The usual.”

Iyon na yata ang go-to food namin ni Sven sa lugar na ‘to. Cup noodles na bulalo para sa akin. Tapos hotdog in bun sa kanya. Hindi na lang ako magkakape. Nagpapalpitate na rin naman ako pag katabi ko siya.

Nang bumalik siya, sabi niya, “’Wag mo munang buksan—”

“Buksan kahit hindi pa three minutes? For five years, Sven, kabisado ko na ang linya mo,” putol ko sa kanya.

Natawa siya bago ko kinuha ang cup noodles at nilagay ‘yon sa harapan ko. Umupo na rin siya sa tabi ko. At tahimik naming pinanood ang mga sasakyang dumadaan sa harapan namin. Kagaya ng dati.

“Ang dami ng nagbago, ano?” basag niya sa katahimikan.

Wala pa ring nagbago. ‘Yong kapayapaan na nararamdaman ko whenever I’m with you, ganoon pa rin, Sven. Hindi ka na yata maaalis sa pagkatao ko.

“Oo, kita mo ngayon, corny ka pa rin,” banat ko sa kanya. “Pero in born na yata ‘yon. Hindi na magbabago. Tingin mo kaya?”

Tiningnan ko siya mula sa gilid ng mata ko at nakitang natawa siya at napayuko. Pinakinggan ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Hanggang ngayon, siya pa rin ang tinitibok ng puso ko.

“Ibig sabihin ba no’n, kahit gaano na katagal lumipas ang taon, posible pa ring hindi magbago ang isang bagay?” tanong niya sa akin.

Napalunok ako. Para akong mabibingi bigla.

“Ano sa tingin mo?” ulit niya sa tanong ko.

Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko alam . . .. yata. Siguro? Baka.”

Mas lalo ko siyang narinig na tumawa. Shet, bakit ba ako kinakabahan? Si Sven lang naman ‘yan. Matagal ko na siyang kaibigan.

Pero gusto mo siya.

Pero gusto ko siya—

The fuck.

“Five years, Rai. Nagtiis ako sa paghihintay. Nagtiis ako sa pasulyap-sulyap. Sa pabati-bati tuwing birthday mo, pasko, new year at kahit valentines. Kasi gusto kong tuparin yung pangako ko, na kahit kailan, hindi ka magiging mag-isa,” wika niya.

“Hindi mo naman ako iniwan . . .”

“Kaya nga. Pero kulang pa rin sa akin, Rai. Ang hirap kapag hindi ka kasama. Nung mga araw na nawala si Tita Emerald, wala akong ibang pinagdasal kundi yung sana andoon ako sa tabi mo. Sana sa akin ka nakasandal imbes sa malamig na pader. Na sana sa balikat ko ikaw humihikbi imbes na sa mga palad mo. Na sana nandoon ako para bulungan kang magiging maayos din ang lahat imbes na ikaw mismo ang bumubulong sa sarili mo.” I heard him sigh.

Parang matagal na niyang dinadala ang bagay na ‘to. Parang matagal na niyang gustong sabihin ang lahat ng ito sa akin. At oo, inaamin ko, hindi pa ako handa.

Pero kingina, ang sarap sa feeling na gusto kong maiyak. Kasi iyon yung matagal ko ng gustong marinig mula sa kanya.

“Sabi nila, matatalo raw ng greatest love lalo na ng last love ang first love,” dugtong pa niya. “E paano ‘yon . . .. kapag para sa akin, ikaw ang tatlong ‘yon?”

Natigilan ako nang kuhanin niya ang kamay kong nakapatong sa lap ko. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. Biglang para akong bumalik sa highschool kami. Noong college. Same spot, same store, same feelings.

Ang pagmamahal na ‘to ay para sa iisang tao lang. Ang pagtibok ng puso ko ay isang pangalan lang ang isinisigaw.

“Mahal pa rin kita, Rai . . . ikaw pa rin.” Umiling siya. “Ikaw lang.” Dinala niya ang kamay ko papunta sa labi niya at hinalikan iyon. Iyong klase ng halik na para bang nakalaan sa kamay ko ang buhay niya. Na parang matagal na niyang gustong gawin ‘yon.

Natutunaw ang puso ko. At dahan-dahang inilagay sa balikat niya ang kamay ko.

Dumilat siya at sinalubong ang mga mata ko. Kagat-kagat ang labi, sabi ko, “Mahal din kita, Sven. Noon, kahapon, kanina, ngayon—ikaw lang. At alam kong sa mga susunod na araw, ikaw pa rin. Walang makakapalit sayo.”

Hindi na siya nagsalita at hinila ako para yakapin.

Bumanat pa siya. “Tama ka ang corny nga. Sa Seven Eleven pa tayo nagdramahan ng ganito.”

Tumawa ako at hinampas ang balikat niya. “Sven Eleven, Sven.”

Para sa akin ang pag-ibig na ‘to. Para sa akin si Sven.

“Dear, Rai. I really, really, missed our friendship. I know how much it hurts you when you know the truth about my mother and your father’s relationship. I couldn’t even believe it. I want you to know that I am hurting too, the same way you are hurting right now,” basa ko sa letter ni Amethyst. “My sister, Wren hates me because of a boy named Gideon. She loved him too as much as I love Gideon. I don’t know if it is also counted as the same qualities that a twins should have but my heart hurts. Not for Gideon. But for my sister. I want her to know that I love her so much more than Gideon. I’m torn, Rai.”

Napalunok ako at umangat ang tingin ko sa picture ni Amethyst. Nandito ulit kami sa mausoleum niya. I’m with Sven just like the old times. He insisted na samahan ako. He also knew what happened kay Eos the time that I told him I wanted to see Amethyst.

Hanggang ngayon, ang bigat pa rin ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang mundo kung bakit kung sino pa ‘yong mga taong napaka mabuti, sila pa yung dapat kuhanin.

“I . . . I wanted to choose Wren. But I’m not sure if she wanted to choose me . . . Rai. Rai, I’m hurt . . . I wanted to end this pain. But I’m also thinking of what might happen if I’m gone. Magiging masaya na kaya ang lahat?”

Suminghot ako at umiling. No, Amethyst. Walang naging masaya. Lahat kami, hanggang ngayon—nasasaktan pa rin sa pagkawala mo. Walang naging masaya.

“Hay bahala na. But I hope whatever happens, you’ll never turn your back on me, Rai. Kasi ako? Never. I’ll be with you saan ka man magpunta. I love you, Rai. See you soon! Always and forever, Amethyst.”

I started sobbing, bumigat lang lalo ang nararamdaman ko. I felt Sven put my head in his neck and he let me sob like a 5-year-old child.

Amethyst, wherever you are right now, I want you to know that I never turned my back on you. Just like you, I’ll be here. I will not be gone. I love you, Amethyst. See you soon.

“Have you seen a walking dead soul?” basag ko sa katahimikan naming dalawa ni Sven.

Pinagmasdan niya ako. Papalubog na ang araw, ibig sabihin, natapos ko na naman ang araw na ‘to na kinailangan kong magparaya ng mga taong kailangan kong parayain. Ang sakit. Kasi ayoko. Hinding-hindi ako magiging handa sa mga ganito. Hinding-hindi ako masasanay.

“’Yan yung lagi kong sinasabi sa mga taong nasa paligid ko kapag nakikilala nila ako. Kasi ‘yan yung mga panahon na hinahanap ko si Amethyst. Pero hindi ko siya mahanap,” dugtong ko. “At sa tuwing sinasagot ako ng mga tao. Nagugulat ako. Kapag ako ang sinasambit nila. Pero at the same time, natutuwa. Kasi ibig sabihin, nasa tabi ko lang si Amethyst. Kasama ko siya. Nakikita nga lang nila through me.”

Bumuga ako ng hangin at tumagilid ng sandal sa rails at tiningnan siya. “Kaya nung sinagot mo ako dati na ako? Alam kong kaya kitang tanggapin buong buhay ko. Dahil tanggap mo ako.”

He smiled at me at humakbang ng isang beses. “I know, maaaring hindi pa ito yung tamang oras. Hindi pa ito yung tamang panahon. But I wanted you to know how much I love you.”

Kumunot ang noo ko lalo na nang unti-unti siyang lumuhod sa harapan ko. I gasped. Ramdam ko ang tingin sa amin ng mga taong dumadaan.

“Five years ago and in the future, wala nang ibang nasa isip ko na alam kong pakakasalan ko. Na gugustuhin kong makasamang habang buhay. Na aalagaan ko. Pagsisilbihan, sasambahin, mamahalin, at sige, aanakan na rin. Ikaw lang,” he said, tagos sa puso.

May maliit siyang box na kinuha sa bulsa niya at binuksan iyon sa harapan ko.

Tumigil ang mundo ko.

“Emraida Miravalles, would you like to become Mrs. Alaric Sven Gallego?”

A tear fell on my eyes as I nodded my head. “Yes, Sven. Yes, gusto kong maging asawa mo. Ikaw lang din, wala ng iba.”

Unti-unti niyang inilagay ang singsing sa daliri ko at tumayo upang yakapin ako. Nakarinig kami ng palakpakan sa paligid.

“Yes! Yes! I love you, Rai!” Humigpit pa ang yakap niya sa akin.

“I love you too. You made me fall in love again with nightfall.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top