Chapter 33

Five years . . .. it took me five years to finally set my feet into the ground of the university I once loved—University of Sagezza. Marami ng nagbago sa katayuan ng mga buildings. Pero masasabi kong kaya pa ring tapatan ng Sagezza ang Ivy League schools sa ibang bansa. In terms of teaching strategies and structure of buildings.

“Welcome back to University of Sagezza, Miss Emraida Miravalles,” wika ng bagong administrator sa akin at tumayo para makipagkamay.

I smiled at her and took her hand for a shake. “Thank you, Ma’am.”

Nang lumabas ako ng office ng administrator, napabuga ako ng hangin. Nasa akin naman na ang schedule ko. Nasa portal. Doon ko rin nakita ang section na hahawakan ko ngayong taon. Everything feels new to me nang makababa ako ng Welfare Building.

Pero para akong ibinalik sa nakaraan nang makita ang mga estudyanteng pakalat-kalat sa grounds. May mga bumabati sa akin na nginingitian ko naman at binabati pabalik.

Nang marating ko ang Senior High Building, nanibago ako sa mga estudyante. Siguro kasi sa amin dati, pag papunta silang canteen, mga maiingay. Pero ngayon, mukhang disiplinadong-disiplinado ang mga estudyante.

Nasa second floor ang mga HUMSS, ganoon pa rin naman. This time, hindi na ako kinakabahan gumamit ng elevator kasi teacher na ako. Bahala sila kung magreklamong bawal pa rin gamitin ‘to.

Nang bumukas ang elevator, bumungad sa akin ang mga estudyanteng nakatambay sa corridor. Sa hallways. The feeling is overwhelming me. Pero I liked this new change.

“Good morning, Miss,” bati sakin ng mga nakakasalubong ko.

I smiled and nodded at them. “Good morning.”

Hanggang sa makarating ako sa classroom na designated para sa homeroom ko, napatigil ako dahil sa dalawang estudyanteng nagkakagulo sa loob. Sumandal ako sa pinto, nagkrus ng braso, at pinanood sila.

“What do I expect from people like you? Gusto niyo lang naman ang pera namin. Kaya nga we are doing your friend a favor, diba? Do our assignments and she’ll get her money,” maarteng wika ng babaeng nakatalikod sa akin.

Civilian pa rin ang pagdadamit ng Sagezza kaya malalaman mo na nagsusumigaw ng karangyaan ang suot niya mula sa blazer, slacks, and pointed shoes. Sassy pero ass-y ang pag-uugali.

“Matapobre mo, girl. Aanhin mo yung pera kung bobo ka?”

Halos mapahalakhak ako sa sagot nitong kaaway niya. Typical para sa mayaman at sa scholar student sa Sagezza. I feel like I was brought back to 2021 because of these kids.

I made my way inside dahilan para magsitakbuhan yung mga estudyante sa kani-kanilang mga upuan. Ganoon din ang pagbalik nung nag-aaway kanina, na para bang araw-araw na nilang ginagawa ‘to. At normal na sa kanila.

It made me remember of something else.

Kamusta na kaya sila? Nakakausap pa kaya nila ang isa’t isa?

No. Stop, Rai. Wala kang karapatang kamustahin ang mga taong matagal mo nang tinalikuran. May kasalanan ka sa kanila. At hindi matatawaran ang bagay na ‘yon.

“Good morning, everyone. I am Emraida Miravalles.” Binagsak ko ang libro ko sa lamesa dahilan para gumawa ng ingay ‘yon at pinagmasdan ko silang lahat. It suffocated me in a way na ang daming memories na bumabalik sa isipan ko. “I will be your homeroom teacher this academic year. I will not expect your cooperation because I know kayo yung tipo na hindi nagpapapigil gawin ang gusto nila. You do you. As long as it doesn’t go against the university’s handbook.”

Tinalikuran ko sila at kinuha ang marker sa lalagyan para isulat ang pangalan ko. Nilagyan ko ng underline sa ilalim.

“Remember that name,” mariin kong wika. “Also, I won’t be asking you to introduce yourselves. Instead, surprise me with your future performances in this class. I will be giving you the lessons that need to be studied in advance. This time, I will be strict. For sure iba naman ang ugali ninyo pagdating sa studies diba? Unless, you don’t want to pass this subject, then it is perfectly fine.”

In-open ko na ang laptop ko at c-in-onnect sa Smart TV. Yes, ganito na ka-high tech ngayon ang discussions. Nag-level up na from pagsusulat sa board to presentations. Habang kinakalikot ko ang laptop ko para sa mga aaralin nila, nagbilin pa ako.

“And if you hate my guts, ayoko rin sa inyo. We’re even.” Nang mahanap ang tamang slide at ipinakita ko sa kanila ‘yon. “Ito yung mga advance ninyong aralin para sa subject na ‘to. Pagtapos ninyong picturan, aalis na ako. Ibibilin ko ang remaining time para sa mga catch up niyo.”

Bago ko makalimutan, hinanap ko yung dalawang nag-away kanina. “You, anong pangalan mo?” tanong ko doon sa maarte.

“Elle, Miss.”

Tiningnan ko naman yung kaaway niya kanina. “Gin, Miss.”

Tumango ako at tiningnan yung iba kung tapos na silang mag-picture. Nung okay na, kinuha ko na yung sasaksakan at pinatay ang laptop. Tumayo na rin ako but before I left, tiningnan ko yung dalawa.

“Gin and Elle, I expect your cat and dog relationship this academic year,” saad ko at tumalikod na para umalis.

When five pm strikes, nagsipaalam na ang mga teacher na kasama ko sa faculty room. Pinatay ko na rin ang computer ko. Nagsisimula palang naman ako at kinakabisado ko pa ang ganap dito sa Sagezza sa laki ng pinagbago nito.

“Emraida, gusto mong sumama sa amin?” yaya sa akin ng co-teacher ko.

Ngumiti ako at umiling. Naisip ko na ang isang lugar na gusto kong puntahan ngayong hapon. “Sorry, Cher. May dadaanan pa ako.”

Nag-thumbs up siya sa akin. “It’s okay. Sa susunod na lang para may welcome party ka naman.”

Tumawa ako at tumango. “Okay.”

Nang umalis siya ay nagsimula na rin akong magligpit ng gamit. Mula rito sa glass wall, kitang-kita ang simula na ng paglubog ng araw. Maga-gabi na. Binilisan ko na lang ang pagliligpit ng gamit at nagmadaling umalis ng university.

“Out niyo na po, Ma’am?” tanong sa akin ng guard.

Tumango ako. “Oo, Kuya.”

Pinagbuksan niya ako ng gate na ipinagpasalamat ko. Tumingala ako at nakitang wala namang kahit anong signs na may nagbabadyang umulan. Cloudy nga lang. Orange na orange ang langit.

Pumara ako ng taxi. Bumaba ako sa gutter at binuksan ang pinto para makasakay.

“Saan po tayo, Maam?” tanong sa akin ng driver.

“Sa Sevaños’s mansion, Kuya. Sa Abandoned Beach.”

Agad namang pinasibad ang taxi. Huminga ako ng malalim. Wala naman na akong ine-expect na makikita sa lugar na ‘yon. Gusto ko lang balikan.

Nang makarating sa Abandoned Beach, nagbayad na ako at bumaba ng taxi. Dumaan ako sa dalampasigan na tinuro sa amin dati ni Daya. Doon pa lang, napahawak na ako sa dibdib ko. May kirot pa rin kapag naalala ko kung paano nasayang ang pagkakaibigan namin.

Nonetheless, nagpatuloy pa rin ako. Habang pinagmamasdan ang araw na tuluyan nang lumubog. Bigla akong nakaramdam ng patak sa balat ko. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa dumami.

Umuulan.

Nahirapan ako sa pagtakbo papunta sa silong dahil lumulubog ang sapatos ko sa buhangin. Tinanggal ko muna iyon, dama ko na ang pagkabasa ng likod ko. At nang mula akong gumalaw—narinig ko ang pagkidlat. Automatikong umangat ang ulo ko sa torre ng mansion.

Kumabog ang puso ko. Mabagal sa una, bumilis, at tuluyan na akong natuod sa kinatatayuan ko.

Mabilis na tumibok ang puso ko nang mamukhaan ko siya. Kahit pa humaba na ang kaniyang buhok at nangayayat ang hitsura ay hinding-hindi ko siya makakalimutan.

     "Eos!" sigaw ko sa pangalan niya nang makita kung paano siya bumulusok mula sa itaas pababa.

     Bumagsak ang panga ko. Hindi naging sapat ang malamig na hangin pati na rin ang malalaking patak ng ulan na bumabalot sa katawan ko dahil pakiramdam ko ay buong tubig sa dagat ay naubos at ibinuhos sa akin.

     Eos . . . si Eos . . . putangina! Putangina! paulit-ulit kong sigaw sa utak ko ngunit hindi ko maigawang ihakbang ang paa ko papunta sa kaniya. Nanginginig ako. Nanlalamig at natatakot.

     Paunti-unting bumibigat ang paghinga ko habang kinakabisado ang pangalan niya sa isipan ko. Hindi ako makagalaw. . .gusto kong gumalaw.

     Ngunit nang malakas na kumulog ay agad akong natauhan at nanginginig ang mga tuhod na tumakbo palapit sa kaniya. Napaluhod na lamang ako ng mapagtantong hindi ito panaginip.

    "Eos!" sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko kahit hindi pa masiyadong malinaw sa akin ang lahat.

      Tumingala ako at sumigaw sa langit na pakiramdam ko ay kahit sino ay magigising dahil sa sigaw na iyon. Sigaw ng paghihinagpis, lungkot, takot at pag-aalala.

     Nang muling bumaba ang tingin ko ay mas lalo kong nakumpirmang si Eos nga siya. Nanginginig ang kamay kong inilagay ang ulo niya sa hita ko at saka ko inangat ang kamay kong puro dugo at muling isinigaw ang pangalan niya.

     Bakit?! Bakit sa lahat ng tao si Eos pa?! Wala siyang ibang ginawa kundi ang maging mabuti sa lahat pero bakit siya pa?!

      "Eos, eos. .. please....please gumising ka!" nanginginig ang labi kong hikbi. "Eos, please. . .ayoko ng ganitong reunion! Eos!"

     Hinaplos ko ang braso niyang nababasa ng ulan hanggang sa umabot iyon sa kamay niyang lupaypay na. Doon ay nakuha ko ang isang cellphone. Durog na durog ang puso ko habang pinagmamasdan siya.

     Wala akong ibang gustong sabihin kundi ang humingi ng tawad. Dahil sa pagkakataong ito. .. nahuli na naman ako.

     Hindi ko na naman nasagip ang taong malapit sa akin.

     And this time, it was Eos.

     The one who saved me when I was on the verge of finally giving up. She gave me the hope of living again. Only to be killed by my own cause.

     And here she is. .. dead.

     Magulo ang utak ko. Hindi malaman kung sinong unang tatawagan o ang unang gagawin ngunit hinablot ko muna ang nabitiwang bag at kinuha ang telepono. Madali akong pumindot ng numero sa pag aakalang ambulansya ang natawagan ko.

      "Oh? Rai!"

     But when I heard a familiar voice. I lost it. Malakas akong napahikbi, crying for help.

     "Daya, daya. . .Eos. . ."

     "Eos? What? Are you two together?" dinig ko ang excitement sa boses niya na alam kong mawawala rin sa sasabihin ko.

     Umiling-iling ako na para bang nakikita niya kahit hindi. "No, no. . .Eos. . .Eos is dead. She's dead."

     Hindi pa rin ako makapaniwala habang nakatitig kay Eos na payapa ng nakapikit ang mga mata.

     "What? What the fuck?! Where are you, Rai?" sigaw niya sa kabilang linya.

     Doon lang ako natauhan at muling napahikbi. "Abandoned Beach. . ."

     Nakarinig ako ng kung anong magulong ingay sa kabilang linya bago niya sinabing tatawagan niya ang iba pero sa hindi malamang dahilan ay inalis ko ang ulo ni Eos sa pagkakahiga sa hita ko.

     Tinitigan ko ang nakahimlay na katawan ni Eos sa lupa. Wala ng buhay. Bumalik ang atensyon ko sa cellphone at kay Daya na wala na ngayon sa kabilang linya.

     Saka kusang gumalaw ang katawan ko upang umalis sa lugar na iyon dala ang cellphone at ang imahe ni Eos sa isipan ko.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top