Chapter 32
Bumuntonghininga ako.
Parang panaginip lang ang lahat. Hindi ko inaasahang darating sa panahon na kailangan na rin namin lisanin ang Milieu Village para makapagsimula ulit. Ganito rin ang pakiramdam nung umalis kami sa bahay namin sa likod ng Time Square Mall at simula no’n, hindi na ako nakatapak ulit sa mall na ‘yon kung hindi lang dahil kina Wren.
“Rai, tara na. Aalis na tayo,” tawag sa akin ni mama.
Nang lingunin ko siya ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. But she still managed to smile. Alam kong nagpapakatatag lang siya para sa akin. Tumango ako sa kanya at lumapit na sa taxi na h-in-ire namin. Nang makasakay ay bumuga ako ulit ng hangin.
“Hindi ka ba ihahatid ni Sven?” tanong ni mama nang makalabas kami ng village.
Umiling ako. “I don’t think gugustuhin niyang makita akong umalis, Ma. That same goes for me. Hindi ko kayang panoorin kung paano ko siya iiwanan dito.”
She gave me a tender smile and held my hand. “I’m sorry, nak. Hindi naman natin kailangan umalis dito kung hindi kailangan . . .”
Umiling ako at humiga sa balikat niya. “Gusto ko rin naman, Ma. Hindi ko yatang kayang magsimula sa bahay natin na ‘yon na hindi masasaktan dahil mas matimbang pa yung mga sakit na nararamdaman natin sa isa’t isa.”
We fell silent for a minute. Sa ilang taon na naka-silent treatment ako kay mama, ngayon ko lang naramdaman yung payapa sa katahimikan naming dalawa ngayon.
“May gusto ka bang daanan?” tanong niya pag kwan.
Tumango ako. Naisip ko talagang siya ang huling kitain para handa na akong tanungin siya kung bakit kailangan mangyari ng lahat.
Nang makarating kami sa village nina Geo, pinababa ako ng guard dahil hindi pwedeng pumasok ang mga taxi sa lalo na kung walang confirmation mula sa nakatira sa isa sa mga bahay na nandito.
“Si Gideon Albrecht sana pupuntahan ko,” kausap ko si guard.
Pero nang umiling siya, kumunot ang noo ko. “Nung nakaraan pa po umalis ng village na ‘to si Sir Geo, Ma’am. Binenta na rin niya ang bahay niya rito. Wala pang nakatira doon sa ngayon.”
Hindi ako makapaniwalang bumalik sa taxi at tumulala. Talagang tinakasan ni Geo ang kagaguhan niya. Hindi ko alam kung paano niya nasisikmurang balewalain ang lahat ng ito.
“O, bakit hindi ka pumasok doon, Rai?” takang tanong ni mama.
Umiling ako. “Wala na raw po doon yung pupuntahan ko. Binenta na niya yung bahay niya.”
“Sino bang pupuntahan mo?”
Tumingin ako sa bintana habang iniisip kung napag-isipan kaya ni Geo ang ginawa niyang gulo sa aming magkakaibigan. Kung tinubuan kaya siya ng konsensya sa panggugulo niyang kahit kailanman hindi naman namin ginusto?
“Rai?” tawag ulit ni mama sakin.
“Si Gideon, Ma.”
Natahimik si mama. Pinanood ko na lang ang mga lugar na dinadaanan namin. Kahit sa panaginip, hindi ko nakita ang sarili kong lilisanin ang La Douleur. I wonder kung nasaan si Sven ngayon? Naalala niya kayang ngayon ang alis ko?
Bumuntonghininga ako when my phone buzzed. Bumaba ang tingin ko doon at nakitang may nag chat sa akin. Dump account. It is a video. Nang i-play ko ay halos mahulog ko ang cellphone ko.
“Mahal mo ba ako?” Wren asked in a husky voice.
Napatakip ako ng bibig nang luminaw ito at nakitang si Geo ang kasama niya sa video. Geo was beneath Wren. He looks like he doesn’t know where he is.
“Amethyst .. . .” tawag ni Geo sa pangalan ng kaibigan ko. “I love you, Amethyst . . .”
“I told you, it is Wren, Geo. Walang Amethyst. Walang kahit sino. Ako lang. Ako lang pwede mong mahalin,” bulong niya habang sinusuklay ang buhok ni Geo. “Mahal kita, e. Mahal na mahal . . .. kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang kakambal ko pa ang pwede mong mahalin. Lagi na lang siya. Lagi na lang ako ang naagawan. Now, kung ayaw mong mawala sayo si Amethyst, sasabihin mong ako ang mahal mo.”
Pero hindi na sumagot si Geo. Nakatulog siguro. Tumayo si Wren at sumigaw sabay sipa sa kama.
Doon natapos ang video.
Sinuklay ko ang buhok ko. Nanginginig kong binasa ang chat na kasunod ng video.
Unknown: Hindi ka kailanman naging mahalaga para sa akin, Rai.
Lahat kayo collateral damage lang. Dahil sa inyo ng kaibigan mo, nawala ang pinakamamahal ko.
Hindi ko kayo mapapatawad kahit na kailan. Hindi ko makakalimutan na nawala sa akin si Amethyst, pero kayo, hindi nawala sa landas ko.
Unknown: Kaya I’m not sorry for ruining your lives because you deserve it.
Unknown: I hope not to see you ever again.
Umawang ang labi ko. Hindi na ako nakapag-reply.
“Emraida!” bungad sa akin ni Emi nang makapasok ako ng Monde Restaurant.
Malaki na ang pinagbago ng Monde Restaurant. The interior design got more modern. But the cozy ambiance was still there. Naalala ko na ang huling punta ko rito ay five years ago pa with Sven.
“Emi.” I kissed her on the cheeks. “Ang aga mo naman.”
Emi was still the same. Maputi, singkit, balingkinitan ang katawan. Nagbago lang yung kulay ng buhok niya, kung dati, jet black ito. Ngayon, color brown na. Mahaba na rin ito, hanggang baywang. Tumangkad na rin siya.
“I got excited,” she gestured me to sit across her chair. “So, how’s life? How’s Manila? I got shocked to hear the news na umuwi ka na.”
I managed to give her a smile. Parang walang nagbago sa aming dalawa. Kung ano kami five years ago despite what happened, ganoon pa rin kami ngayon.
“I’m fine. Getting better,” kwento ko. “Hindi ko rin aakalaing babalik pa ako rito. The difference is for good na.”
Matagal kaming nagtitigan at natawa na lang sa isa’t isa. Emi is now a flight attendant. Nagkita kami nung sumakay ako sa PB Airlines papunta rito sa Peterborough. Somewhere in five years, na-contact ako ni Wren. Humingi siya ng tawad sakin. Humingi rin ako ng tawad sa kanya. Wala na kaming naging balita kay Geo after I left La Douleur five years ago.
At kinasal na rin si Wren. Iyon ang dahilan kung bakit ako umuwi pero saglit lang. Umuwi rin agad ako ng Manila.
“That’s good. How I missed you, Rai. I missed the old times. The good ones,” she told me. Her smile reached her eyes. “For sure yung susunod dito sa akin para makita ka, miss na miss ka na rin.”
Tumaas ang kilay ko. “Sino?”
Hindi rin nagtagal, I heard a voice behind me. Malakas na tumibok ang puso ko. Nang lingunin ko ay malawak ang ngiti niya. Malaki na ang pinagbago niya in terms of body built. Parang he got more masculine this time. Far from the guy who’s been boyish in the past.
“Sven . . .?” I called his name. Hindi ako nakuntento. Napatayo pa ako nang tumapat siya sa akin. Tinapik ng likod ng kamay ko ang dibdib niya. Matigas. “Alaric!” I hugged him.
I heard him laugh and hugged me back. Dang, mas lumalim ang boses niya. Kumpara sa boses na gamit niya dati nung sinundan niya ako sa Manila. One year after I left La Douleur. He tried his luck pero hindi pa ako handa no’n. After that, hindi na ako nagkaroon ng contact sa kanya.
“I missed you so much!” I said while hugging him. Nang humiwalay ako ay tumayo na rin si Emi sa gilid namin. “Mukha ka ng bigatin ah.”
Tinapik ni Emi ang balikat ni Sven at inakbayan ito. “Aircraft mechanic na ang lolo mo. Mahal na mahal yata ang parts ng eroplano na doon na siya tumatambay sa opisina niya.”
Napangiti ako. It all feels like a dream.
“Maupo kaya muna tayo?” sabi ni Sven. “’Di naman waiting shed ‘to para tumayo kayo diyan. Daming taong nagtitinginan, o.”
Natawa kaming dalawa ni Emi. He never changed. Or maybe he did. All of us did. Iyon nga lang, mas pinipili namin ang saya na nararamdaman namin ngayong nagkita-kita na kami.
“By the way, Rai. What do you mean that you’re getting better?” umpisa ni Emi. “Hindi . . . hindi ka pa ba ayos . . .?”
Ngumiti ako sa kanya at umiling. “If it is about Geo, I’m perfectly fine. It's just that . . .”
“Her mother died,” singit ni Sven. “After giving birth sa kapatid niya sana with Tito Lukas. Kaso nagbleeding nang malala ang mother niya and hindi kinaya . . .”
Emi’s smile fell. Parang hindi makapaniwala. “I’m sorry . . .”
Umiling ako sa kanya at tiningnan ang mga waiter na nagdala ng pagkain sa lamesa namin.
Tinuro ko iyon. “Hindi pa tayo nakaka-order, ha?”
“Reservation,” wika ni Sven. “Dapat girl and boy’s scout kami sa pagdating mo.”
Natawa na lang ako. But it feels good having this familiarity.
“So, ano nang balak mo ngayon sa pagbabalik mo?” Emi asked. Sumulyap siya kay Sven, parang nang-aasar. “Alam kong marami kang dapat na balikan dito at ayusin.”
Kinuha ko muna ang baso ng softdrink at sumimsim bago sumagot. “Well, for one, inaantay ko na lang ang confirmation ng Sagezza. Balak kong doon magturo.”
Jaw dropping, Emi asks further, “So, teacher ka na pala?”
Tumango ako. “Piling Larangan for Filipino.”
“It is good to have you back, Rai,” she smiled and held my hand. “I hope mabalik ang bonding nating tatlo . . .. with Sven now, of course.”
I hope so.
After all, I never felt at home in La Douleur. If not for these beautiful people. Kaya ngayong ramdam ko na inaantay pa rin nila ang pagbabalik ko, natutuwa ako. Kasi finally . . .
. . . I’m home.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top