Chapter 3
“Please take a seat, Miss Miravalles,” pormal na sabi ni Miss Glyssa nang sabay kaming napaupo sa upuan.
Malamig ang hangin na nagmumula sa aircon na kahit wala masyadong tao ay iisipin mong pinabayaan nila ang kwartong ‘to para pagbalik ay malamig na. Pero on the other side, dagdag bill na naman ito ng eskwelahan. Bakit ko ba pinoproblema kung sila lang din naman ang magbabayad?
“Miss Miravalles,” dinig kong tawag ni Miss Glyssa kaya umangat ang ulo ko sa kanya.
Miss Glyssa, is our Guidance Counselor in her early 40s. Aside from being the universities’ Guidance Counselor, she also had a load subject in Grade 11 and Grade 12. Thus, it was easy for her to talk to me like this.
“Yes, Miss?” lutang na sagot ko. Bumubuka ang labi niya pero parang wala halos pumapasok sa isip ko.
“…care to tell me what’s happening with you, Miss Miravalles? Hindi naman ganito ang performance mo dati. I heard pa nga that you are competing for the academic award of becoming a Salutatorian against Kyla Claveria. But why does it seem like you are getting behind your class?” may pag-aalala sa boses niya.
Gustuhin ko man na isalpak lahat ng naririnig ko ay wala akong ibang maramdaman kundi pagkalutang sa hangin. “I don’t have any excuses upon my actions, Miss Glyssa. But one thing is for sure: hindi ko na ganoon nilu-look forward ang pagpasok sa eskwelahan, hindi tulad dati.”
I heard her sigh. Hindi ko sigurado kung sa pagkadismaya ba o sa awa. Maybe, both? Pero hindi naman ‘yon ang inaasahan ko. Actually, wala na akong inaasahan sa mga tao sa paligid ko. Nowadays, lalo pa sa situwasyon ko, it has always been difficult to assume lalo na kung umpisa palang, halata mo namang wala silang maibibigay sayo.
Of course, it is not money. It is empathy that I hoped-for, pero hindi ko na rin nilu-look forward pa.
“Earth to Emraida!”
I blinked twice bago tiningnan si Wren. Nakahalumbaba siya sa harapan ko habang hinihintay ang pinabiling pagkain kay Sven. Nandito kami sa canteen for lunch. Ever since naman, kaming tatlo na talaga ang magkakasama. Kumbaga, tumigil na ako sa gitna ng bridge dahil takot akong tawirin ang kabila pero sila yung nandyan para alalayan akong makatawid.
“Problema mo?” tanong ko sa kanya.
The advantage of having your own canteen sa mismong building niyo ay kaunti lang ang mga taong lumalabas pasok dito. Ni wala nga halos dahil yung iba, sa Liberty Garden ang spot para kumain or di kaya’y sa kiosk. Walang kumakain sa classroom dahil pinagbabawalan. Kaya nandito kaming magkakaibigan.
“Nakauwi na si Emi. She’s having a birthday party next Friday,” nakangiting imporma niya sakin. “And guess what? She invited us! She wanted to have a reunion daw with us.”
Ngumiti ako pero alam kong hindi abot ‘yon sa mga mata. “Talaga? That’s good, then. Matagal na rin naman nung huli natin siyang nakita.”
B-in-rush up niya ang buhok niya habang tumatango. “Kaya nga. Pupunta ka naman, diba?”
Hindi ako nakahanap ng sagot nang dumating si Sven. Nilapag niya ang dalawang tray na naglalaman ng spaghetti, chicken hamburger, rice with fried chicken and a bottle of coke bilang panulak. Naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko.
“Ang dami naman nito? Singkwenta lang pera ko,” sabi ko sa kanya.
Pero hindi niya ako pinansin at sinimulang paghandaan kami ni Wren. Hindi naman ako nahihiya kung may nakatingin samin kasi nasanay na lang din siguro ang mga estudyante na ganito kaming magkakaibigan.
“Libre ko naman,” sagot ni Wren at kinuha ang coke na binigay sa kanya ni Sven. “Thank you.”
Bumuga ako ng hangin at napailing. Wala naman akong magagawa kasi nandito na. The least I could do is to say my thank you. “Blessed talaga ‘kong naging kaibigan kayong dalawa.”
“Magiging blessed ka talaga lalo na kung libre ang pagkain mo,” wika ni Sven dahilan para hampasin ko siya sa balikat. Ang hilig talagang mambasag ng isang ‘to.
Natawa na lang samin si Wren. “So as I was saying, kailangan nating pumunta sa birthday ni Emi or else, magtatampo siya satin.”
Nagsimula na kaming kumain. Masarap talaga ang pagkain dito sa canteen ng University of Sagezza, yun nga lang, yung prices ng mga pagkain ay mas mahal pa kaysa sa buhay ko.
“Sinong Emi?” tanong ni Sven.
“Sort of a childhood friend,” sagot ni Wren at uminom ulit sa coke niya.
“Hindi ko pa alam, Wren. Masyado kasing biglaan. Alam mo naman na hindi ako basta-bastang nakakaalis, diba?” I looked at her in the eye kasi pareho naman nilang alam ni Sven ang situwasyon ko.
“Kung ang concern mo ay si tita, pwede naman siguro tayong magpaalam? Kilala naman niya si Emi, diba?”
Tumango ako. “Wala namang hindi kilala si mama sa mga kababata ko. Pero hindi ko pa kasi sigurado kung papayag siya. Ayoko namang umasa.”
“Kung hindi papayagan si Rai. Baka pwede mo siyang ipagpaalam, Wren?” suhestyon ni Sven.
Lumipat ang tingin sakin ni Wren, mukhang tinatanggap ang suhestyon ni Sven. “Do you want me to do that? Pwede naman.”
I wanted to acknowledge the thought lalo na’t gusto ko rin talagang makita si Emi. Isipin palang na malaki na ang pinagbago sa kanya kagaya ng mga pinagbago sa buhay namin ni Wren ay nakakatuwa na. Kasi for sure, pwede naming balikan yung mga alaala dati na minsan nang nabaon sa limot.
“Huwag na. Ayoko namang isipin ni mama na naghanap pa ako ng kakampi ko para payagan niya. Susubukan kong magpaalam tapos sasabihan kita kung papayagan ako,” sabi ko na nagpangiti sa kanya.
“Okay. Let’s do that. Samahan mo na rin ako next week para makabili tayo ng ireregalo natin sa kanya.”
Hindi ko pa man alam kung saan makakakuha ng perang ipambibili para sa regalo kay Emi, tumango na lang ako. I just hope na payagan ako.
Bumuntonghininga ako. Why were the sunsets always this beautiful? Pampalubag loob ba kasi alam nitong for the rest of the night ay puro sakit ng damdamin lang ang babaunin namin hanggang magising kinabukasan with full of uncertainties?
“I always see you here on this bridge looking like a walking corpse. Are you perhaps waiting for someone?”
Napalingon ako sa babaeng tumabi sakin dito sa rails ng Raauha West Bridge. She’s dressed like what I have seen, mostly if not all, sa elite part ng La Douleur.
“Mas magandang sabihin kung darating pa ba yung hinihintay ko,” sabi ko.
“And who is it?”
I smiled bitterly. “More like what is it?”
I heard her chuckle. At hindi ko maiwasang hindi mamangha. Kasi kahit yung pagtawa niya, tunog expensive. Tunog kaya akong bilhin kung gugustuhin niya.
“Then, what is it? Andami mong paliguy-ligoy ah,” tunog nawawalan na siya ng pasensya.
Tahimik kong pinagmasdan ang ngayo’y tuluyan nang lumubog na araw. Looks like heaven answered my desire to have someone talk to kahit ngayon lang.
“Hope. Hope for someone who will answer my question,” muling pabitin ko.
“Aren’t you a little bit weird? Waiting for someone in this sun down and no one’s passing by? What kind of question ba ‘yan? Maybe I could answer but I’m not certain,” wika niya.
“Have you seen a walking dead soul?”
A deafening silence predominated us. I guess, wala nga talagang maaaring makasagot ng tanong na pang araw-araw ko na rin yatang tinatanong sa sarili ko. Of course, hindi vocal. More like, from the heart.
But I was dumbfounded by what she answered next. I heard her smirking and said, “You.”
This time, wala na talagang pumasok sa isipan ko. She left me in awe when she had to answer a phone call. May kung ano pang nahulog mula sa bag niya at lumuhod ako para kuhain ‘yon.
“Oh?” the girl signaled me na aalis na siya kaya tumayo ako agad para muli siyang tawagin.
“May nahulog sa bag mo!” sigaw ko.
Lumingon siya sakin, still on her phone. “Just keep it!” at tuluyan na akong iniwang nakatanga.
Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa jewelry na nahulog niya. It was a friendship knot.
Muli kong hinabol ang tingin ang babae pero hindi ko na siya makita.
“This is the first time someone actually gave me a gift to treasure.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top