Chapter 29
Naabutan namin silang tatlo na nagsisigawan. Magkatabi sina Daya at Alvara habang sumisigaw si Hiraya. Nanginginig ang balikat ni Alvara habang nakatingin kay Hiraya. I’m conflicted about what’s happening. Bakit ngayon pa?
“Anong nangyayari rito? Nandito tayo para mag-unwind. Tapos nagagawa niyo pang magtalo,” kalmado kong sinabi. Tiningnan ko sina Hiraya at Alvara. Parang may kung anong kuryente sa mga titigan nila. “Alvie? Hiraya?”
Nagsalita rin si Eos na tumabi sa akin. Nasa magkabilang gilid ko na sila ngayon ni Nola.
“Guys, ‘wag kayong mag-away please. Pwedeng kumalma muna kayo at baka pwede nating mapag-usapan?” her voice is gentler this time. Mukhang ayaw niyang mas lalong tumaas ang tension sa away na ‘to.
Lumipad ang tingin sa akin ni Hiraya at nag-smirk siya sabay sabing, “Looks who’s here. Ang kabit,” sabay tingin din niya kay Alvara.
Umawang ang labi ko. “Anong sinabi mo, Hiraya?”
I thought she’ll take back her words. But nung tumaas ang kilay niya, nag-angat ng ulo at inulit. “Ang sabi ko, nandito na ang kabit.”
Nag-init ang dugo ko. Nagpanting din ang tainga ko sa narinig. Lalakad na sana ako palapit para hablutin siya at sampalin nang hawakan ako ni Eos sa baywang habang nasa braso ko naman si Nola. Dinuro ko si Hiraya, gigil na gigil.
“Hiraya!” napasigaw si Eos na parang pinipigilan si Hiraya na magsalita pa.
“Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, Hiraya!” Tumiim ang bagang ko. How dare she call me that? Ni wala nga siyang alam sa situwasyon ko! Kaya wala siyang karapatan para labelan ako ng kung ano-ano.
She laughed sarcastically. Pinipigilan pa rin ako nina Eos at Nola. “I’m just telling the truth, Rai. Isa kang kabit. And the worst part? Alvara tolerated your actions!”
Nakawala ako sa hawak nina Eos at Nola kaya nakalapit ako kay Hiraya at tinulak siya sa dibdib. “Wala kang karapatang tawagin ako niyan. Lalong lalo na kung wala ka sa posisyon ko,” I said through my gritted teeth.
She has all the rights to be mad at me. She had the rights para pagsabihan ko pero the fact na naunahan siya ng judgement sa utak niya that led her to talk to me like this and with Alvara, hindi ko rin kayang palampasin.
“Everyone, can you all please calm down? Hiraya, bakit ba galit na galit ka?” Eos sounds stressed.
Pero ramdam ko ang paninilim ng paningin ko sa mga sumunod na sinabi ni Hiraya.
“My mother is a cheater, Eos! Pati ba naman ikaw, Rai?” her voice cracked. At para iyong patalim na tumarak sa puso ko.
Sumabat si Alvara na sinundan nina Eos. Eos tried to calm us down nang paulit-ulit. Pero sa lahat ng nangyayaring ‘to, I don’t think makakaya namin. Because it seems that everything we bottled up, sa isa’t isa namin ibabato. That’s how frustration, confusion, and pain took over us.
That’s how it made me aggressive.
“Hiraya, pwede bang tumigil ka na? Pwede naman nating pagtulungan ‘to,” Eos said, pain is evident in her voice.
It made me laugh. I looked at them jokingly. “Tulungan? Do we know that word here?” Umiling ako sa kanila. “Hindi naman tayo nagtutulungan dito!”
Daya tried to stop me. “Rai, stop. This won’t end.”
Lumipad antg tingin ko sa kanya at inilingan din siya. Ngayon palang, dapat malaman na nila. Ngayon palang, dapat mabuhay na sila sa katotohanan. The fact that we are connected is because of our shits in life. Iyon lang. A escape. But an escape isn’t permanent. Hindi habang buhay magtatago kami sa shadows ng isa’t isa.
“Hindi, Daya,” bitaw ko. “Hindi naman talaga tayo nagtutulungan dito. Nagtataguan lang tayo ng kung sino tayo at nagkanya-kanya ng mga problema!” I shouted at her. Mabilis ang pagtaas at baba ng dibdib ko. I feel suffocated.
“Because that’s what you do!” she fired at me.
Fuck it.
“Dahil wala namang tumutulong sa akin! Kaibigan ko kayo pero minsan ba nagtulungan tayo?!” balik ko sa kanya. Tiningnan ko sila isa-isa at lahat sila ay nakatingin sa akin. “Hindi, diba? Kung meron man, ikaw at si Eos lang!”
Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa nag-uumapaw na emosyon. I massaged my temples as they continued shouting at each other. Different reasons, different issues, different pains. It was a never-ending cycle.
“No, Rai is right,” bawi ni Daya sa kalagitnaan. “Hindi lang naman siya ang hindi natulungan. How can you talk about helping each other kung pati ako hindi niyo natulungan?”
My brows furrowed. Eos asked further pero mukhang natauhan din siya sa sinabi niya. Too late because we already heard it.
“What do you mean, Daya?” Eos repeated her question.
Paulit-ulit siyang umiling na parang dinidismiss ang narinig namin.
“Daya—”
“Nung time na kinuha ko ang wallet ni Hiraya,” Daya cut me off and once again remained silent.
Kinkukusot ko ang mata ko dahil sa pandidilim at may kung anong hangin ang nagpapatayo ng balahibo ko. When I caught a glimpse of the sun, I saw that it was already setting over the horizon.
“’Wag mong sabihin na sinusumbat mo sa aking nakulong ka?!” Hiraya is in rage.
Gusto ko siyang murahin dahil kasalanan naman niya ang nangyaring ‘yon. Masyado na siyang nagmamalinis to the point na ipinapasa niya sa amin ang mga kasalanan ding nagawa niya.
“No . . .”
“Then what?!”
Bumuga nang marahas na hangin si Daya. It is like she wanted to let us know what happened, but she is also contradicting dahil sa pressure from Hiraya. May takot, kaba, at sakit na naghahalo sa mga mata niya. Nandoon din ang galit para sa sinasabi niyang nangyari noong gabing ‘yon.
“I…I was…I was almost…” she shook her head. “I can’t say this. Just don’t mind me.”
Parang kinumos ang dibdib ko dahil sa nangyayari sa aming anim. This wasn’t supposed to happen. Sobrang bigat sa puso, na pakiramdam ko wala kaming takas. Hindi namin malaman kung ano bang dapat naming gawin. Because we are all trapped in our own pain.
“Then how can we help you if hindi mo sa’min sasabihin?” Alvara tried to talk it out.
“Tell us! Bakit ba ang hilig mong magpa bitin?!” Hiraya shouted, pinipiga masyado si Daya. Hindi ba niya nakikita kung gaano na nahihirapan ang kaibigan niya?
“Tumigil ka nga, Hiraya! Paano niya sasabihin kung pinepressure mo siya?” sabi ko sa kanya.
“Shut up!” sagot ni Daya. “Shut up!”
Hindi bumababa ang tension sa pagitan namin. Pakiramdam ko hindi bababa iyon hangga’t walang sumusubok na pigilan. Ang bigat, bigat, bigat nila sa loob. Yung kirot ng puso ko na nararamdaman ko para kina Emi. Mas lalong lumalala rito kina Hiraya. I expected kasi, e. Akala ko magiging kaibigan ko sila nang matagal. Pero tama nga na walang kahit anong bagay na tumatagal. Change is the only constant in this world.
Hiraya scoffed. “How are we supposed to help you when you didn’t tell us about it in the first place? I asked you before if you were okay but you didn’t even tell me anything, and now you’re expecting some help? It’s like you’re waiting for someone to give you some money when you don’t even ask them.”
From this moment, I am beyond disappointed with her. “Napaka-insensitive mo talaga, Hiraya. Ganyan ba talaga kapag lumaking mayaman at spoiled?”
Jaw dropping, she looked disheartened. “Hold up, you think I’m living the life you all are dreaming of? Well, surprise! Because it’s just as fucked up as your lives. Sinong tao ang matutuwa kung may nagdidikta sa bawat galaw mo? Ni ultimo pagpili sa pagkain na kakainin mo ay hindi mo magawa?”
“Pero kumpleto ang pamilya mo, hindi katulad namin! Hindi ka ba nagpapasalamat do’n?” I said, matter-of-factly.
Ang hirap kasi na sinusubukan namin siyang intindihin. Pero paulit-ulit niya ring dinidismiss ang nararamdaman namin. We just want her to stop and to help man lang to at least think of a way para maayos ang lahat. Pero pinapangunahan siya masyado ng emosyon niya.
“I wonder if you’re still gonna be grateful if you’re in my position, Rai,” she says, as if disregarding my situation.
I don’t need the comparison. Gusto ko lang sana makinig siya. Kahit hindi na sa akin, kahit sa ibang kaibigan din namin. Pero ano itong ginagawa niya? She makes this situation na tungkol lang sa kanya.
“At ano rin ba yung gagawin mo kapag nandito ka sa posisyon namin? Ganyan ka naman, eh. Palagi mo na lang ipinapasa sa ibang tao yung problema mo. Wala ka bang accountability? Tapos kapag kami ang nakaranas ng problema, pagkakamali agad namin? Hindi na ba kami pwedeng magkamali? Kung may problema ka sa pamilya mo, huwag mong dalhin dito!”
Lumapit siya sa akin at tinulak-tulak ako habang sinasabing, “Bakit ikaw? Hindi mo ba pinasa ang problema mo sa’kin? Do you know how many times I defended you in the student council because of your absences? Everyone wants you out of there, yet I defended you because I know it will do a lot of damage for you, Rai! Now tell me na wala akong naitulong sa’yo. Sino sa’tin ngayon ang walang accountability? I already told you guys before why I’m like this, and I never even forced you to accept me for who I am!”
“Palibhasa, napaka makasarili mo. Oo nga at hindi mo pinilit yung sarili mo sa grupong ‘to, pero nanatili ka pa rin. Kung ayaw mo naman pala, eh di sana lumayas ka na lang noo pa!” Tinulak ko siya palayo sa akin at pinalipad ang palad sa kanyang pisngi.
“Ganyan pala kapag walang magulang! Maybe that’s why your mother is abusing you and your father died because you deserve it!”
My heart ripped into two. Halos masuka ako sa narinig mula kay Hiraya. Sa lahat ng sinabi niya, iyon na siguro ang hindi ko kayang lunukin. Iyon na ang pinaka sagad. At gusto ko na lang na hindi na siya makita pa habang buhay.
“You’re so disappointing, Hiraya,” Eos told her, crying.
Doon niya lang napagtanto ang lahat. “Eos . . .”
My mind shut down and all I could hear was Amethyst’s voice calling me to come with her. I saw her silhouette at the sea and she was there, waving at me.
“Amethyst . . . Amethyst!” I called her name at pinuntahan siya sa dagat.
I have always been scared of water. The thought of being drowned with darkness, with problems, with pain and with emptiness scared the shit out of me. But if Amethyst is here. If she could get me out of this black hole, I would gladly be with her.
Take me out of here . . .. please.
Her image is getting blurry and about to disappear so I shook my head. “Amethyst! Amethyst, no! Wag mo kong iiwan ulit!”
I heard voices calling for my name but I dismissed it. I felt my legs sinking down the water and the coldness of water hugged my body but I ignored it.
And just as I am about to reach her hand, someone slapped me. I feel my face numb.
“Si Amethyst . . .” I whispered.
Muli akong pumikit and this time I heard Daya’s voice clearly. Nang dumilat ako, I saw scared and shocked reflected on her eyes.
“Are you attempting to drown yourself?!” she shouted on my face.
“Daya, hindi—”
I can’t see Amethyst. Saan siya pumunta?! I told her to wait for me!
“Rai, tama na. Let’s go home,” she cut me off.
“Pero si Amethyst—”
“Walang Amethyst dito, Rai! Please stop and go home. Ang dami ng nangyari, ‘wag mo ng dagdagan pa. Just go home, Emraida.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top