Chapter 26
“Ikaw ba yung babae sa dalampasigan?” tanong ng rider na naghatid ng in-order naming pagkain.
“And if yes?” Hiraya took the paper bag and gave it to me. “Please hold this, Rai.” Bumaling siya ulit sa rider at binigay ang bayad. “Thank you.”
Siya ang may hawak ng pizza and drinks. Habang ako naman sa mga paper bags na hindi ko alam ang laman.
“Where’s Eos na raw ba?” bungad ni Hiraya sa mga kaibigan naming sini-set up ang tent.
Matagal-tagal na nung huli kaming nagkita. Naging busy kami sa mga midterms namin at ngayo’y danas na namin ang early christmas break. Nilatag nila ang blanket sa labas at inilagay ang mga pagkain doon.
“Anyway, may gusto palang mangyari si Eos,” anunsyo ni Hiraya. “But we’ll explain pagdating niya.”
Umupo na rin kami ni Hiraya sa buhangin. Super specific ni Hiraya sa description niya sa in-order niya. Consequently, talagang siya ang babae sa dalampasigan.
“Tungkol saan?” Alvara asked.
Hiraya’s eyes rolled heavenwards. “Like I said, pagdating niya.”
“Eos arrived,” Daya cut her off. Si Daya rin pala, ito ang madalas kong hindi makita. May mga pagsilip pa naman ako kina Alvara, Hiraya, at Eos sa university.
Pero kay Daya wala.
“Who . . . oh,” hindi nakapagsalita si Hiraya.
Tumaas ang kilay ko, nagtatanong kung ano ang ginagawa at kung bakit andito si Nola Deabanico. On the other hand, Eos seems unbothered. She doesn’t seem to notice the tension rising up in this place.
All the while, the crashing of waves through the shore contemplated whether I should embrace what they feel.
“Guys, this is Nola. Kababata ko siya. Small world, ano?” Eos announced, sounding happy. Pero siya lang yata ang mukhang gano’n.
The four of us were just silent. Blinking my eyes, I stood up and went to her. I offered her a handshake and she gladly took it.
“Nice meeting you again,” she told me. “How’s the Sol De Janeiro?”
Somehow, it made me chuckle a bit. “You remembered.” Mukha namang okay siya kaya nilingon ko ang mga mahaderang kaibigan ko na balak pa yatang magpa-VIP at t-in-ilt ang head kay Nola.
Si Alvara ang unang tumayo. At dahil wala namang kasalanan si Alvara sa kanya, madali lang silang nag-handshake. Sumunod si Daya na balita ko dahil sa issue na ‘yon ni Hiraya, napakulong din. Though, I’m not sure kung nakalabas siya agad Lastly, si Hiraya.
Looking at her, she seems lost. Tumikhim pa siya bago nag-abotn ng kamay kay Nola. Pinagmasdan muna ito ni Nola. Seconds passed by and it was agonizing to see their situation nang ngumiti si Nola at inabot ang kamay ni Hiraya.
“Welcome to the club,” wika ni Hiraya.
Nola smiled. “I guess, thanks. I hope that we’ll have a great bond.”
Eos put her hands on Nola’s shoulder and squeezed it. “Of course naman. Right, guys?”
Natawa ako dahil walang sumagot sa kanila. Super awkward siguro sa feeling. “Of course!” Tinulak ko si Daya and just like the dominos, sumunod sila na napaatras sa tubig.
Tumigil si Hiraya habang humalahakhak ako at tinuturo lang sila. The sun is setting and here I am, playing with them. Nanlaki lang ang mata ko nang habulin nila akong lima at nang maabutan ay tinulak din papunta sa dagat. Tawa ako nang tawa.
It feels like a new beginning for me. With these people. With myself.
My phone buzzed which made me stop packing. Hiraya and Eos had planned out our celebration for christmas together. December 24 na ngayon which means Christmas Eve na mamaya.
“Where are you?” It was mama.
“Nasa bahay po. Bakit?” I asked in a monotone voice.
These past few days, I realized that there will be no chance for us to reconcile. We have different views of a family. As for me, matagal ko nang binura sa isipan ko ang salitang ‘pamilya’.
“Stay put. Papunta na ako diyan,” wika niya at pinatay ang tawag.
I put down the phone and zipped my backpack. I waited for mama just like what she wants. After all, may respeto pa rin ako sa kanya bilang tao.
A few minutes later, I heard the engine of the car outside our house. Followed by the opening and closing of our gate. Huminga ako nang malalim nang pumasok si mama. With Tito Lukas.
I was caught off guard. Humigpit ang hawak ko sa bag ko. On the other hand, she looks confused with the bag. So I told her, “Aalis kami ng mga kaibigan ko.”
Her face enlightened a bit. “Sina Wren ba?”
My heart stung at the mention of her name. She examined my face and as I looked into her eyes, I observed that she was looking for something. I don’t know . . . hope?
“Hindi. Ibang kaibigan,” tipid na sagot ko.
Her face fell. “I see . . .” Tumingin siya kay Tito Lukas and as if on cue, Tito Lukas took three long strides to hug me. Nagkatinginan kami ni mama.
I let her see the disgust on my face. Nang umatras si Tito ay bumalik ito sa likuran niya. Standing there like an underdog.
“Bakit mo ako gustong makita?” diniretso ko na siya. “Akala ko hindi ka uuwi.”
“Rai . . .” she trails off. “Buntis ako.”
My brain buffered and did not know how to process the details.
“Ano . . . ano?” I stammered. My eyes immediately flew to her stomach. Hindi pa halata kaya hindi ko malaman kung matagal na ba or bago palang. “Ma naman,” my voice raised a bit. “Ma naman, e!” I fisted my hair and kicked the sofa causing it to move a bit. “Ano ‘yan?!”
I felt my heart beat faster than usual. They both looked at me, scared of what to do. Marahas akong bumuga ng hangin at tinalikuran sila.
“Ni hindi mo nga ako inaasikaso kasi galit ka sa akin. Ni hindi ko nga maramdaman yung pagpapaka nanay mo sa akin kaya bakit?” my voice cracked and looked at them both disgustedly. “Anong karapatan mong gumawa ulit ng taong sisihin mo sa mga pasakit mo sa buhay?!”
“Rai, she’s still your mother! Don’t you dare raise your voice on her!” suway ni Tito Lukas. “Hindi ka dapat sa kanya magalit, sa akin.”
“Oh, yes! Damn you!” I pointed my finger at him and with mama. “Pareho kayong pabaya sa mga anak ninto kaya how dare you na gumawa ng panibagong punching bag para sa mga kasalanan ninyo?!”
Tito Lukas blinked. Dahan-dahan akong umiling sa kanila. I want them to feel how much I’m disappointed by what they did. Walang kapatawaran ang lahat ng ito. Kahit pa paulit-ulit akong sisihin ni mama sa pagkawala ni papa.
“You know what? Even if there’s nothing to be expected about the two of you. I expected eh. Dahil alam ko kung gaano ninyo kamahal ang mga asawa ninyo para gawin ang lahat ng kakahiyang ‘to!” I exclaimed. “Hindi ko alam . . .. kung you did all of the things that you did to me and Wren para magawa niyo ‘to.” I took a step forward. “Tell me, is this your plan? Baka naman kayo ang problema talagang dalawa kaya nawala sina papa!”
“Emraida!” mama shouted. Her tears are streaming down her eyes. Pulang-pula na ang mga mata niya at nanginginig na siya dahil sa mga salita ko. “I’m not perfect. Lukas and I were not perfect. But we are trying, Emraida. Sana naman alam mo ‘yon. Because we all share the same pain.”
“’Yon na nga, Ma. We all share the same pain. Wren and I had to suffer for years because of this fucked up situation. Kaya ano? Kaya dinagdagan ninyo ang problema? Dadagdagan ninyo ang mga pasakit namin? Mga pasakit ninyo?” my jaw clenched and got my bag. “You know what? Walang kwenta ang pagsistay pa rito!”
Lumakad ako papunta sa direksyon nila and just I am about to go out, my mother held my arm. “Rai please . . .”
I looked at her and shook my head at disappointment. I dodged her touch and finally, got out of the house. Mabagal ang lakad hanggang sa bumilis at bumilis hanggang sa tuluyang makalabas ng gate at makalakad ng malayo. Mahigpit ang hawak ko sa backpack ko nang sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko. Napaupo na lang ako sa gutter and there I sobbed like there’s no tomorrow.
I clutched my shirt and held it like my life is independent of it. The pain I’ve been feeling did not just break my heart into pieces. My world also fell apart.
Suminghot ako at kinuha ang cellphone sa bulsa. I dialed Sven’s number and put it on my ear. I wanted to see someone today. Dahil kapag hindi ko siya nakita, baka hindi ko na kayanin ang lahat ng ito.
“Rai! Talaga bang tumawag ka—”
I cut him off. “Where are you? Can you come and get me please?”
The other line went silent. Alam kong sa bagay na ito, si Sven lang ang pwede kong lapitan. Dahil alam niya ang tungkol dito. Kilala na siya ni Amethyst. At kilala niya si Amethyst. I wanted to see them both. I needed to be with them.
“Anyare? Nasaan ka?” he asked with worries evident on his voice.
“Come and you’ll know,” I said and wiped my tears. “Nasa village ako. I’ll wait for you.”
“Sige, papunta na ako. Stay there, Rai. I’ll come and get you,” he said with assurance.
“Thank you, Sven . . . I don’t know what I will do with you.”
When we reached Amethyst’s mausoleum. I saw a girl facing her back on me. She seems like in a deep trance dahil hindi niya ako napansin. I looked at Sven and signaled for him to wait. He only nodded.
Wala na kaming maayos na pag-uusap simula nung sa library scene. Hinila rin kasi ako palayo ni Alvara noon. Pero wala naman siyang sinabi. Sa mga sumunod na araw no’n, hindi ko na ulit siya nakita. Ngayon na lang.
I saw a bouquet of tulips on her hands as her eyes were shut close. Tiningnan ko ang mga kandilang nakasindi sa pangalan ni Amethyst. Tingin ko, kahit hindi ko sabihin. Alam na niya.
“You brought her tulips,” I started a conversation. “For sure magugustuhan niya ‘yan.”
Doon siya unti-unting dumilat at tumingin sa akin. From one moment, gusto ko na lang pumikit at magpanggap na panaginip na lang lahat ng ito. Wren’s eyes are like my mirror. It reflects the pain that we are feeling.
“Pareho naming paborito ang tulips,” she smiled at me. “Minsan, napapaisip ako. Bakit siya pa ang kinailangang kuhain? Bakit hindi na lang ako? Hindi naman ako ang paboritong anak.”
We share the same sentiments. Iyon nga lang, kahit solo child ako. Hindi pa rin ako magawang maging paborito o mahalin man lang.
“I feel that I am most loved when I’m with Amethyst,” dugtong pa niya. “Sabi nila, sa dalawang magkambal. Ang isa, malakas. Tapos ang isa, mahina. Halata namang ako ang mahina sa amin pero hindi ko maintindihan kung bakit nagmatapang na nga lang si Amethyst, sa gawain pang ‘yon.”
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at natawa. “Kakaiba yung stunt niya, ano?”
Namayani ang katahimikan sa amin. Pareho kaming tulala lang sa pangalan ni Amethyst. Parehong tahimik na nananalangin na sana nandito na lang siya. Kasi hindi na namin alam ang mga dapat naming gawin.
“Rai, hindi ko na alam . . .” Wren broke down our silence. “I feel cornered. Pain-struck.” Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. “Ayoko na mag-decide para sa sarili ko. Pagod na pagod na akong magalit.”
I let her head rest on my shoulder and hear her cry. Pagod na pagod na pagod na rin akong magdesisyon para sa sarili ko. Na kahit hindi ko na alam ang gagawin, ipinangsasawalang bahala ko na lang din.
“I’m here, Wren,” I whispered. “Hindi natin iiwanan ang isa’t isa.”
This is what I prayed for.
“Merry Christmas!” the six of us greeted each other when we saw fireworks on the clouds.
Time check. It was 12 a.m. at midnight. Ibig sabihin, pasko na.
“Hindi ko inakalang makakasama ko kayo sa paskong ‘to,” wika ni Alvara habang malaki ang ngiti sa labi.
I only smiled at kasi ako rin. Hindi makapaniwala. Matagal na akong hindi nagpapasko. Dahil hindi ko naman ramdam. Kaya heto ngayon, tuwang-tuwa ang puso ko dahil sa idea na ‘to.
Hiraya raised her glass na dinala niya rito sa Abandoned Beach. “Cheers to more Christmases together!”
We all raised our glass and clinked it. Cheers!
I really hope that whatever happens, we will be intact.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top