Chapter 22
“Emraida, are you even listening?”
Umangat ang tingin ko kay Hiraya na nakataas ang kilay sakin. When I looked at the other officers, their eyes were fixated on me too. Ashamed, I turned off my phone. Kanina ko pa kasi hinihintay ang reply ni Geo. I told him that we should talk. Ilang araw nang tumatawag sakin si Emi para umiyak. Hindi na rin kinakaya ng utak at energy ko.
I sighed, sitting properly. “I’m sorry.”
Umiling siya sakin, she looks disappointed. What’s new? Kaya nga sabi ko sa kanya, hindi na workable kapag pinag-team up pa kaming dalawa dahil I am her complete opposite. Hindi kami magkakasundo when it comes to leading people.
“All of you, listen to me. Hindi porket yung iba sa inyo, kinuha ko ulit kahit hindi maganda ang track of records niyo sa Supreme Student Council nung high school ay pwede na kayong masanay,” she said, roaming her eyes in each one of us. Her eyes then fixed on Adeo’s place, yung escort namin sa high school. Na ngayon, well, he is his department’s governor. “Lalo na yung mga ma opinyon diyan na hindi marunong makinig. Hindi sa lahat ng oras, kayo ang masusunod. Learn to be ashamed.”
Then, she goes back to discussing the plans for this academic year. Totoo yung sinabi niya sakin dati na kaya niyang gawin ang lahat ng ito. Hiraya is smart. Given that she is the class valedictorian of our batch, timplado niya ang mga galaw niya. Kaya ko nga siya tinitinigala.
“Let’s go to the Abandoned Beach later,” sabi ni Hiraya nang makalabas kami sa meeting room. “I’ll tell you something and the girls. At saka, are you okay? You seemed off talaga sa meeting.”
Bumuga ako ng hangin at umiling. “I’m okay. Don’t worry about me. Sorry kung you feel that I’m detached kanina sa meeting.”
Hiraya smiled, na for sure, sarcastic. Sa ilang buwan naming magkaibigan, kabisado ko na yata ang galaw niya. “So you are not dense naman pala. Whatever, Rai. It is done. All I want is your attention when it comes to our priorities as officers. I know that you already knew me since we are friends. But just so you know, even if we were. Priorities are priorities. You got me?”
Tumango ako. “Yes. Iti-text ko na lang kayo mamaya kung makakasama ako.”
She shrugged, flipped her hair and waved me goodbye. Magkaiba kasi kami ng department. At sa sobrang busy namin sa mga sari-sariling priorities sa academics, hindi na kami nakakapagkita rito sa university.
When she left, I heard my phone buzzed. I checked it and it was a text message from Sven.
Sven, Not From Frozen: Where are you? Lunch tayo.
Napangiti ako nang makita ang contact name niya. Siya ang naglagay nito sa phone book ko dahil may mga blockmates daw siyang tumatawag sa kanyang sven the reindeer because of the disney movie, Frozen.
Hindi niya alam, sa utak ko, he is Sven Eleven. Nagiging tambayan na kasi namin yung convenience store na ‘yon. At hindi niya naririnig pero minsan, natatawag ko siyang Sven Eleven pag nag-aaya akong tumambay do’n.
I typed a reply.
Susunod na lang ako. Thank you for the offer.
Kanina pa nagpaalam ang mga co-officers ko kaya wala na masyadong tao rito sa Welfare Building. Specifically, dito sa third floor. Hindi naman kasi nagbago ang office ng college council. Magkaiba lang ng room.
Lumakad na ako papunta sa elevator and pushed the button while waiting for Sven’s reply. Lately, siya na lang talaga ang nagli-lift up ng energy ko kasi ang dali ko na lang matulala. Wala siyang idea sa main reason kung bakit ako nada-down but he never let me feel na mag-isa ako.
Sven, Not From Frozen: That’s not an offer. Statement ‘yan. Are you done sa meeting na ba?
Natawa ako. May sira rin talaga sa ulo ang isang ‘to, e.
Yes. Actually, pabalik na ako sa building.
Sven, Not From Frozen: Okay. Hintayin kita.
I bit my lower lip and tried not to feel any kilig. Tiningala ko ang elevator at nakitang paakyat na rito. Mukhang may mga tao sa second floor na gumagamit.
Nang bumukas ang elevator door, nahulog ang panga ko.
With my brows furrowing, I asked him, “Anong ginagawa mo rito?”
“Are you back to the hostile Emraida I’ve first known?” Geo smirked, taking a step forward. Napahakbang naman ako ng pabalik. “Hindi ba hinahanap mo ako? Ngayong nandito na ako, mukhang balak mo na naman akong itaboy.”
He was not wrong about it. Marami akong tanong sa kagaguhang ginawa niya sa kaibigan ko. Pero talaga bang hindi siya marunong maghanap ng timing at bigla na lang susulpot dito sa harapan ko?
“For pete’s sake, Gideon. Hindi ka ba nag-iisip? We are at the campus premises. Sana naman ginagamit mo ‘yang utak mo!” I lashed out on him. “Wala akong panahon para maghanap ng gulo rito,” I said, gritting my teeth.
Tumawa siya. Yung tawa niya, hindi mo mahulaan kung nang-aasar ba o ano, e. Para siyang wala sa sarili niya. Kung titingnan ko siya ngayon, he has always been rugged pero itong pagka-rugged niya ngayon, parang hindi normal. Malalim ang mga mata niya, evident na ang eyebags niya.
“Well, sorry. Kasi ako na nga ‘tong nag-effort na puntahan ka, but you can’t even acknowledge my effort,” he said then pulled me to him. “I missed you, you know? Hanggang imagine na lang ako sayo. Under me, on top of me, and even while facing your back on me. I missed everything about you, Emraida . . .”
My eyes narrowed at him. Hindi naman siya amoy alak. Pero para siyang mas mukha pang lutang kaysa sakin. Ang dami niyang sinasabi pero hindi ko maintindihan.
“Ginawa ko na ang gusto mo, I left Emi. Kaya ano pa ba para matanggap mo lang ako?” he whispered over my ear. “Take me, Rai. Make me feel that I am owned by you.”
I slapped him. My heartbeat feels fast. Ilang segundo bago siya nakabawi at tiningnan ako. He looked at me like he didn’t expect what I did.
“Hindi kita t-in-ext para makipag gaguhan sakin ngayon, Gideon,” umpisa ko at tinulak siya paatras. “Gabi-gabi, tumatawag sa akin si Emi. Saying that she’s in vain because she lost you. Alam mo ba kung gaano kasakit marinig mula sa kanya ‘yon?”
He combed his hair as he looked at me like I was blabbering. “Ito naman ang gusto mo, diba? Ayaw mo ng sabit? Kaya nga ginawa ko eh. Kasi ito ang gusto mo. Ikaw ang sinusunod ko kaya bakit kasalanan ko?”
“Oh my god, ang tangina ng ugali mo. Hindi ko alam kung bakit gapang ka nang gapang papunta sakin kung kailanman hindi ko sinabi na kailangan kita. Makati ka ba talaga na pati sakin gusto mong ipakamot ‘yang kakatihan ng katawan mo?” I spite him. “Hindi ikaw ang gusto ko, Gideon. Dahil hindi naman ikaw si Sven. Kaya will you please stop this kabaliwan?”
“Kaya nga I told you, ako na lang. Ni hindi ka naman kayang panindigan ng Sven na ‘yon. Mas kaya kitang ipaglaban. Kaya kitang panindigan,” he stated. “Gusto mong malaman why did I leave Emi, right? Kasi nakita ko kayo ng Sven na ‘yon, magkayakap sa Raauha West Bridge. That’s our place, Rai. Akin ‘yon. Atin,” he blabbered.
Humalakhak ako. I concluded na hindi na pwedeng magbago si Geo. He’s an asshole. Ito yata yung resulta dahil sa pagkabaliw niya sa babaeng nang iwan sa kanya dati. Kung sino man ‘yon, buti at nakaligtas siya. Kasi kung mangyaring ganito si Geo sa kanya sa relationship nila. Baka nabaliw lang siya.
“This conversation is nonsense. Bakit nga ba ako nag-aaksaya ng panahon sayo e nanggagago ka lang naman. Hindi ko alam kung anong trip mo at pinatulan ko yung childishness mo, e.” Umiling ako sa kanya. Binangga ko ang balikat niya para makalampas at pindutin ulit ang elevator button. “Nalinawan na ako kung bakit ka iniwan ng girl na binanggit sakin ni Wren.” I glanced at him and he looked speechless. “Cuz you are selfish! Gusto mo ikaw ang bida. Gusto mo—”
My back hurts when it hits the wall. When I met his eyes, it was raging with fire. “Take it back, Emraida. Hindi mo alam ang nararamdaman ko. Take it back.”
I tried pushing him away to get off him but he won’t budge. “I won’t, Gideon. Hangga’t pinapakita mo sa akin kung gaano ka katarantado. Hindi ko babawiin ang sinabi ko sayo.”
Nanlaki ang mata ko nang ambahan niya ako. I shut my eyes and prayed na sana lamunin na lang ako ng lupa when I heard him cough.
“Tangina mo, pre. Hindi mo ba titigilan si Rai?” I heard Sven shout. The next thing I knew, nakayakap na sakin si Sven. “Layuan mo si Emraida hangga’t kaya ko pang magtimpi. Hindi ako santo para ‘di ka mapatay sa susunod na lapitan mo pa siya ulit.”
Masama ang tingin samin ni Geo. For the first time, walang mapang-asar na tingin. Hindi mapang uyam. Walang kahit ano kundi poot. Sinipa niya ang semento saka kami tinalikuran para umalis.
Napabuga ako ng hangin. Halos mapaupo ako sa sahig if not for Sven.
“Rai,” wika niya at inalalayan ako. “Anong nararamdaman mo?”
Lumapit kami sa hagdan at doon kami umupong dalawa. I felt him caressing my hair. Hinang-hina ako. Hindi ako halos makagalaw. Hindi ko inakalang kayang umabot sa gano’n ni Geo.
Para siyang galit na galit at the mere mention of his girl’s name. Like it was a curse. Or I don’t know . . . sacred.
“Natatakot ako, Sven,” I confessed. “Ngayon ko lang siya nakitang gano’n.”
“Hush. Hindi ka niya magagalaw. Hindi ko hahayaan,” wika niya sakin. “Calm down.”
Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung wala si Sven sa tabi ko.
“Thank you for dropping me off,” sabi ko kay Sven matapos niya akong ihatid dito sa bahay. “Kitakits na lang bukas.”
Tinalikuran ko na siya at papasok na sana ng bahay nang maabutan niya ako. “Wait, Rai.”
Hawak niya ang braso ko at nangunot ang noo ko sa mala-fast and the furious na paggalaw niya. He scratched his nape.
I chuckled at him. “What? Daig mo pa mga racing cars sa bilis mong maabutan ako, ha.”
“What do you mean na let’s see each other bukas?” he was all smiles. “May . . . may pupuntahan ba tayo bukas?”
I tilted my head, knitting my brows. “Anong pupuntahan? Um . . . diba, may pasok tayo bukas?”
Siya naman ang natawa ngayon. Umiwas pa ng tingin ang loko bago namulsa. “Rai, Linggo bukas. Kaya bakit ka papasok ng linggo?”
Doon na ako humalakhak at hinampas siya sa braso. “I’m just kidding, okay? Baka kasi nakalimutan mong birthday mo na bukas kaya nagtatanong ka pa sakin.”
Pinigilan niyang ngumiti. “You mean, magci-celebrate tayo ng birthday ko bukas?”
I crossed my arms, leaned on the gate and nodded. “Bakit? Unless, may iba kang appointment. Ayos lang.”
Mabilis siyang umiling. With matching hands pa, “no. No. Wala. Kaya nga ako na excite nung binanggit mo na magkikita tayo bukas eh.”
I nodded my head, slowly. “Well, set na tayo for tomorrow?”
Tumango siya, nakangiti sakin ng matamis. “Yes, set na.”
“Okay. Get home safely. Bye, Sven.”
Kumaway siya sakin at paatras na humakbang. “Bye, Rai.”
Napailing na lang ako at tuluyan nang pumasok sa gate.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top