Chapter 21
“Oh my God! Oh my God! Hindi ba ako bulag? She’s here, Rai is here!” tili ni Emi at tumakbo papunta sakin para yumakap. “Oh my God! Akala ko, galit ka samin!”
I tried smiling at her. Sa likod niya ay si Wren na nakataas ng kilay habang nakangisi naman si Geo.
“Anong order niyo?” singit ni Sven kaya napalingon kami sa kanya.
“The usual lang yung akin,” I told him at hinarap si Emi. Umupo kaming dalawa. “Hindi ako galit sayo. Paano naman mangyayari ‘yon?”
Her smile fell and glance at Wren. Ibinalik niya rin sa akin agad sabay ngiti. “Mula kasi nang mag-transfer kami rito ni Geo, hindi mo na kami pinansin. Kahit anong aya sayo ni Wren, hindi ka sumasama.”
I bit my lower lip. It was my fault. Ito ang pinaramdam ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nitang nasa lamesa at hinaplos ‘yon.
“Hindi ako kailanman magagalit sayo, Emi. At least, sa ating dalawa, hindi ikaw ang makakaramdaman no’n,” pahiwatig ko. Tiningnan ko sina Wren at Geo na nag-uusap. “Upo na kayo . . .”
“I’ll get our orders,” presenta ni Geo. “Anong inyo, Wren? Babe?”
Ngumiti nang matamis si Emi dahil sa paggamit ni Geo ng endearment nila. She looked lovingly on Geo who seems to have his attention for other matters. Tinaasan ko siya ng kilay nang ngumisi siya.
“The usual, babe, please,” her voice sounds sweet. “Wren, upo ka na,” she calls Wren when Geo leaves for their orders.
Mukha namang wala siya sa mood dahil tinanggihan niya si Emi, saying, “I’ll just go to the comfort room,” sabay alis.
Hindi napansin ni Emi ‘yon. Ang disgusto sa boses, ang kagustuhang umalis, at ang pag-iling ni Wren. Dahil masyado siyang focus sa akin.
Sinundan ko naman ng tingin si Wren but she was already nowhere to be found.
“So, Rai, tell me. Is the guy you brought here your boyfriend?” she asks with a bit of kilig. “Ang sweet niyo kasi, e. Bagay kayo.”
Somehow, it made me feel better. Hindi ko sukat akalain na darating kami sa point kung saan mapag-uusapan namin ni Emi ang tungkol sa mga ganitong bagay.
“You think?” I smiled at her. “Pero hindi kami eh. Alam lang namin yung nararamdaman ng isa’t isa pero hindi kami.”
Jaw dropping, brows furrowing, looking at me disapprovingly. “Pumayag kang M.U. kayo?”
“M.U?” I repeated. “As in, mutual understanding?”
Tumango siya. “M.U, mutual understanding, mukhang unggoy. M.U. or pwede ring misunderstanding. Gusto niyo ang isa’t isa pero hindi kayo.”
Natawa ako. Her meanings of the abbreviation are funny. “No. Hindi naman sa misunderstanding. Pwedeng mutual understanding pero hindi ko ina-acknowledge. At mukhang unggoy? Halata namang mas mukha siyang unggoy kaysa sakin, Emi.”
Looking at her, Emi seems happy. Her eyes are twinkling, her smile reaches her eyes, and she laughs heartily. Hindi ko malunok that I am unconsciously hurting her.
“Pero bakit hindi kayo?”
Umiling ako at napangiti na lang. Hinanap ng mga mata ang pigura ni Sven sa counter. Mahaba pa ang pila but he waits patiently, ilang beses na niyang tinitingnan ang wrist watch niya at nagiging giraffe ang leeg para makita ang usad ng pila.
“Looks like you’re happy with him,” she mentions. “Kaya bakit?”
Huminga ako nang malalim saka ko siya hinarap. “I don’t want to ruin something beautiful, Emi. I like him . . . no. I think I love him. But feeling ko, I’m not worthy enough for him. Ayoko siyang sumugal sa isang bagay na hindi sigurado.”
“Hindi ka sigurado sa feelings mo?”
Umiling ako at lumingon ulit sa pila ng counter. This time, si Geo naman ang tinitingnan ko. Opposite to Sven, Geo looks like he is getting impatient waiting. Typical him. Para siyang hindi nababagay sa pila ng mga naghihintay dahil hindi rin naman halata sa personality niya iyon.
“No, hindi ako sigurado sa sarili ko,” I murmured.
“Huh?”
Naalala ko bigla si Wren, na-flush na yata sa banyo ‘yon. “Wait, Emi. Hindi pa bumabalik si Wren. Sundan ko lang, ha?”
Na alert siya at napansing wala pa rin nga si Wren. Tumayo siya, sasama yata sakin. “I’ll go with you—”
Mabilis akong umiling. “No. No need na. Babalik din nan ako agad Wait na lang for the boys at baka maagawan tayo ng lamesa if umalis ka.”
Tinakpan niya ang bibig niya at natawa. “Okay. I’ll wait for you here.”
Nagmadali akong maglakad. Almost excusing myself sa mga estudyanteng humaharang sa daanan ko at nakakasalubong ko. May comfort room naman dito sa loob ng canteen kaya hindi ko na kailangang suyurin pa ang buong University of Sagezza para mahanap siya.
And when I did, I almost lost my cool when I found her washing her hands nonstop. Ni-lock ko ang pinto at lumapit sa kanya. Dahil sa malakas na lagaslas ng tubig ay hindi mapapansin ang pag-inda niya ng maliliit na sigaw na puno ng hinanakit.
“Ano ba!” sigaw niya sakin, gulat na gulat. Nagkatitigan kami. “Don’t . . . don’t meddle with my life, will you?”
Hinila ko siya ulit palayo sa bowl at sinarado ang faucet. Pagharap ko sa kanya ay nagimbal ako sa itsura niya. Pulam-pula ang mukha, rumaragasa ang mga luha, sirang-sira ang make up niya.
“Didn’t I tell you to step meddling with my life?! Wala ka namang pakialam sakin, diba?!” she shouted at me. “Bakit mo ako pinapakialaman ngayon?!”
Hindi ako sumagot at hinila siya para yakapin. I caressed her hair, letting her cry over my shoulder. Hindi ko alam . . . . wala akong alam. And yet, I refused to know what she felt.
“Lahat na lang kayo si Amethyst ang pinipili. Lahat na lang kayo, inaagaw niya sakin,” patuloy ang pagyugyog ng balikat niya. “Lagi na lang siya . . . ni wala na nga ako sa option niyo, e. Ang sakit, Rai. Hindi mo alam kung gaano kasakit na parati kong kailangang makipagkumpitensya sa taong matagal ng wala.”
Umiling ako. Gusto ko sabihin sa kanyang hindi ganon. Na iba ang pagmamahal ko sa kanya at sa kay Amethyst. Na pareho silang mahalaga para sakin. Pero natatakit akong hindi niya ako mapaniwalaan. Natatakit akong hindi niya pakinggan.
“Si daddy, buong buhay ko, simula nang mawala si Amethyst at si mommy, ako na lang lagi ang iniisip niyang may kasalanan. Ako na lang palagi ang hinuhuli niya sa pagpipilian. Dahil hanggang ngayon, si Amethyst pa rin ang mahal niya. Si Amethyst lang.” Napaupo siya sa sahig kaya umupo rin ako habang yakap-yakap pa rin siya. “Ngayon, pati ikaw . . .. sino pa ba? Sawang-sawa na akong magtago sa anino ni Amethyst.”
Hinawakan ko ang pisngi ni Wren at hinarap siya sakin. Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa mga mata niya. “Hindi totoo ‘yan, Wren. Pareho ko kayong mahal ni Amethyst. Pareho kayong mahalaga para sakin. Walang matimbang, walang hindi matimbang. Pantay kayo sa puso ko, okay? Okay?”
Muli na lang niya akong yinakap kaya yinakap ko rin siya pabalik. I let her weep until she’s done.
“Bakit hindi niyo man lang ako tinawag? Sana nakatulong man lang ako sayo,” wika ni Sven habang pinapanood akong bumuga ng usok.
After Wren’s incident, dinala ko siya sa clinic para ipagamot ang kamay niyang dumugo dulot sa sobrang paghuhugas ng i. Turns out she always does it whenever she’s frustrated and attacked by anxiety.
“Problema namin ni Wren ‘yon, Sven. Isa pa, I don’t think she will like the idea na malaman pa ng iba,” I take a hit on the cigarette before blewing the smoke out of my lips. “Ang mahalaga, ayos na siya ngayon.”
“Ikaw ba, ayos ka lang?”
Natigilan akong panoorin ang floating restaurant sa Raauha river at bumaling kay Sven. Nakapamulsa siya habang nililipad ang buhok. He looks more attractive now that his face is serious.
Umayos ako ng tayo at hinulog ang cigar sa pavement. Tinakapan ko iyon at sinipa palayo. I faced him.
“What do you want to know? A made up reason or the truth?”
“The truth, Rai. I want it.”
Bumuga ako ng hangin at tinanaw ang sunset. “I guess, I will never anticipate the arrival of nightfall.”
I will always loathe it. Abhor it. Repel it.
I felt stiffened when Sven took a step towards me. Without a word, I felt my body crashing on his. It is as if our world collided. And the beating of our heart matched.
“I will never abandon you,” he whispers. “I will always be by your side.”
I wrapped my arms over his neck, my fingers on his hair, and combed it. “I know. I feel it.”
My phone buzzed. Hinubad ko ang reading glasses ko at kinuha ang cellphone only to see Emi calling. Kumabog ang dibdib ko sa kaba.
“Rai,” she calls, crying my name. “Are . . . are you free?”
Tumayo ako at naglakad palabas ng balcony. Malalim na ang gabi. At nag-aaral na lang sana ako para sa quiz namin bukas.
“Ano nangyari?” I asked warily. “Hindi ka tumatawag sakin ng ganitong oras, ha. Bakit ka umiiyak?”
Suminghap siya sa kabilang linya. Halatang kanina pa naghahanap ng kausap. Halatang kanina pa nalulunod sa pag-iyak.
“Wren is out of reach,” she breathes. “I’m sorry kung ikaw ang tinawagan ko. Wala na akong maisip na iba eh,” and then she cries again.
“Emi, emi . . . ano nangyari?”
“Geo broke up with me. I’m dying, Rai. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Siya na lang ang meron ako,” she broke down.
Napaupo ako sa cold pavement. It feels like my world shut down.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top